You are on page 1of 13

Balitang Pangkalusugan Apektado ba tayo ng radiation mula sa Japan?

Mga epekto sa kalusugan ng radiation at katotohanan sa nuclear energy Isang mainit na isyu ngayon ang

"nuclear crisis" na nagaganap sa bansang Hapon sa pangkasalukyan. Sa masamang palad, may mga taong sinasamantala ang sitwasyong ito upang maghasik ng pag-aalala at 'panic' sa mga mamamayang Pilipino. Sila'y nagkakalat ng mga text message na nakaabot na daw ang "radiation" dito sa Pilipinas. Ito'y pawang mga kasinungalingan, ngunit ito'y isang magandang pagkakataon narin upang ating alamin kung ano ba talaga ang tinatawag na "radiation" at kung mayroon ba itong mga epekto sa ating kalusugan.

Una, ano ba ang radiation? Ano ang gamit nito sa tao? Ang "radiation" ay enerhiya na nagmumula sa mga "radioactive" na elemento, gaya ng uranium, plutonium, cesium, at iba pa. Ang "radiation" ay natatagpuan sa iba't ibang bahagi ng kalakawakan, at maging ang araw ay pinaggagalingan ng radiation. Ang radiation ay maari ring makuha sa mga laboratory o diagnostic tests sa ospital gaya ng X-ray at CT-scan. Dahil sa kaalaman ng tao tungkol sa radiation, nagkaroon ng mga nuclear bombs na maaaring makalipol sa milyong milyong katao. Nagkaroon din ng mga nuclear power plant na nakakapagbigay ng kuryente sa maraming mga bansa. At nagkaroon din ng tinatawag na "radiotherapy", isang paraan ng paggamot sa kanser na nakapag-ligtas sa maraming buhay mula ng ito'y inumpisahang gamitin. Sa rami ng gamit ng "radiation" sa Medisina, may mga 'radiologist" tayo, mga spesyalistang gumagamit ng "radiation" upang

tuklasin at gamutin ang iba't ibang mga sakit sa ating katawan. Sa makatuwid, ang "radiation" ay isang pangkaraniwang enerhiya lamang. Kaya pag sinabing "radiation", hindi dapat kaagad mag-panic. May ilang klase at level lamang ng radiation na nakakabahala. Kailan dapat mabahala sa radiation? Ang radiation ay nakakabahala lamang kung masyadong mataas ang level nito, o kaya, kahit mababa ang antas ay tuloy-tuloy ang iyong exposure. Ito'y maaari lamang mangyari kung makaalpas ang mataas na level "radioactive material" mula sa mga plantang nuclear, kung may magpasabog ng "nuclear bomb" o "atomic bomb". Ang tuloy-tuloy na exposure naman ay maaari lamang mangyari sa mga taong na-eexpose sa radioactive material bilang bahagi ng kanilang trabaho, gaya ng mga X-ray techinician sa ospital o astronaut na nagbyahe sa Outer Space sa matagal

na panahon. Gayon pa man, may mga proteksyon namang binibigay sa mga trabahong ito. Ang X-ray techinician ay may suot na "radiation counter" upang sukatin ang bilang ng radiation na kanyang nakukuha; at nagsusuot sila ng isang espesyal ng "apron" upang protektahan ang kanilang katawan sa radiation. Sa Pilipinas, sapagkat wala namang plantang nuclear rito, at kung hindi ka naman astronaut, hindi dapat mag-aalala ang publiko na makakarating ang radiation dito mula sa mga planta na galing sa ibang bansa, o magkakaroon man ng problemang pangkalusugan kaugnay ng radiation. Kung iisipin, maski ang atomic bomb na ipinatak sa Hiroshima noong 1946 ay hindi naman naka-apekto sa Pilipinas, at higit na mas malapit ang Hiroshima na nasa Southern Japan kaysa Fukushima at Sendai na nasa Northern Japan. Para naman sa mga kababayan nating nasa ibang bansa, lalo na sa mga nasa Japan, hindi rin dapat mag-panic. Kahit nag-leak ang mga planta, hindi ibig

sabihin na ang level o antas ng radiation na lumabas sa mga planta ay nasa antas na na nakaka-apekto sa kalusugan ng mga tao. Maraming mga "safety features" ang mga ito, lalo na sa Japan kung saan sanay ang mga tao sa lindol, subalit kung may mga pangyayaring kagilagilalas gaya ng lindol na yumanig sa bansang Hapon noong Marso 2011. Ganoon pa man, hindi dapat mag-panic at sumunod lamang sa mga payo at panukala ng gobyerno at awtoridad. Kung sinabing lumikas mula sa "danger zone", sumunod, para sa ikabubuti ng iyong kalusugan. Ano bang mga masamang epekto ng radiation, kung sakali? Kung mangyari ay napaka-labong mangyari na nuclear meltdown sa Pilipinas (na mangyayari lamang kung may planta dito na nuclear, at sa ngayon at wala) o nuclear war (na huwag naman sanang mangyari sa kahit sinong bansa sa kinabukasan), maaaring tumaas ang probabilidad ng mga apektadong tao na magkaroon ng kanser, mga

tumor, at iba pang mga pagkakasakit. Kung ang apektado ay buntis, maaari ring magkaroon ng kapansanan sa sanggol sa pagkapanganak. Kung sobrang taas talaga ng level ng radiation sa isang sandali lamang, gaya kung masabugan ka ng nuclear bomb, maaaring kamatayan o pagkasira sa utak ang kaagad mangyari. Hindi ba talaga tayo apektado ng "nuclear crisis" sa Japan? Hinding hindi. Mismong sa Japan nga, sa karamihan ng mga bayan ay tuloy ang pamumuhay ng mga tao at sa ngayon ay wala pang naiulat na naapektohan ng radiation. May mga tao na, noong i-test nila, ay napag-alaman mataas ang radiation sa katawan, ngunit hindi ibig-sabihin nito na may mangyayari sa kanila. Dito sa Pilipinas, sa pamamagitan ng "Inverse Square Law" na nagsasabing pag lumalayo ka ay lalong higit na lumalayo ang radiation, ay napakalayo natin sa panganib.

Ang mga isyung "nuclear" ay kaintri-intriga sa maraming mga tao sa buong mundo, kaya malaki ay tendensiya na mga balitang gaya ng nagaganap sa Japan ay palobohin. Maging mapag-suri sa mga balita, o kaya text message, na natatanggap, at pagtuunan ng pansin ang mga mas mahalagang panganib sa kalusugan na ating hinaharap (gaya ng paninigarilyo!). Balitang Kalusugan: Kampanya Kontra Paputok, Inilunsad ng DOH Inilunsad ng Department of

Health (DOH) ang "Kampanya Kontra Paputok",

isang kampanya na naglalayong makaiwas sa mga sakunang dulot ng pagpapatuok sa darating na pagdiriwang ng Bagong Taon sa Enero 1, 2011. Ang kampanya ngayong taon ay naka-tutok sa mga bata: ang mga bata ay hindi dapat hayaang bumili, magbenta, o gumamit ng mga paputok o firecrackers at pasiklab o fireworks. Nakasulat sa poster ng DOH: "Ilayo sa Disgrasya Ang Mga Bata: Walang Batang Magpapaputok" at dagdag pa: "Bawal Bumili, Magbenta, at Gumamit ng Paputok at Pailaw Ang Kabataan". Magpunta sa "Listahan ng mga Bawal na Paputok". Ang poster ay may litrato ng kamay na naputukan at ito'y ikakalat ng Department of Health sa mga terminal ng tren (MRT at LRT), mga malls at iba pang pampublikong lugar. May mga posters ay magtataglay rin ng impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng paputok sa kalusugan at kaligtasan.

Magbasa pa... Balitang Kalusugan: Listahan ng mga Bawal na Paputok o Firecrackers Malapit na ang Enero 1, 2011! Parating na ang isa na namang pagdiriwang ng Bagong Taon, at dahil sa pinsalang hatid ng pagpapaputok, may mga grupo na nananawagang dagdagan ang listahan ng gobyerno ng mga ipinagbabawal na paputok o "list of banned firecrackers" upang mas maiwasan ang sakuna dulot dito. Minabuti ng Kalusugan.PH na gumawa ng artikulo upang linawin kung ano ba talaga ang mga paputok na ipinagbabawal sa pangkasalukuyan. Ano bang mga paputok ang ipinagbabawal? Ang mga sumusunod ay itinuturing na bawal na paputok ayon sa listahan ng Philippine National Police (PNP) noong 2007:

Lolo thunder

Super Lolo Bawang (Large) Pla-pla Watusi Giant Whistle Bomb Judas Belt o Sintron ni Judas (Large) Higad o sawa Og Atomic Bomb

Magbasa pa... Balitang Pangkalusugan: HIV/AIDS at mga OFW o Overseas Filipino Workers Maraming hirap ang hinaharap ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa at sila ang ating tinatawag na Overseas Filipino Workers o

OFWs, at kabilang na rito ang mga sitwasyon na maaaring makaapekto sa kalusugan. Ayon sa isang ulat sa Philippine Daily Inquirer ngayong Dec 2, ibinalita raw ng DOH na sa mga kasong naiulat sa National AIDS Registry, 1,501 sa 5,729 na naitalang kaso ng HIV sa Pilipinas ay mga OFWs. 75% sa mga OFW na may HIV ay mga kalalakihan. (Tunghayan kung "Paano malaman kung may HIV/AIDS") Ngunit hindi dapat natin basahin ang balitang ito ng higit sa kaniyang nilalaman. Una, ang porsyentong ito ay maaaring iugnay sa mas mataas na porsyento ng mga OFW na nagpapa-test sa HIV sapagkat ito'y kailangan ng maraming OFW sa pag-aapply ng trabaho at iba pa. Tiyak na higit pa sa 5,729 ang kaso ng HIV sa Pilipinas. Magbasa pa... Mga Karaniwang Sanhi ng Pagkamatay sa Pilipinas (Most Common Causes of Death in the Philippines)
1.

Sakit sa puso (Heart Diseases)

Sakit sa mga ugat ng dugo (Vascular Diseases) 3. Kanser (Cancer) 4. Mga aksidente (Accidents) 5. Pulmonya (Pneumonia) 6. TB (Tuberculosis) 7. Mga impeksyon sa bituka (Necrotizing Enterocolitis) 8. Sakit sa baga (Chronic Lower Respiratory Diseases) 9. Diabetes 10. Mga sakit ng bagong panganak (Perinatal conditions) * Hango sa datos ng Department of Health (DOH) noong taong 2007
2.

Magbasa pa... Maraming pang mga Artikulo... Mga karaniwang sakit sa Pilipinas (Most common diseases in the Philippines) Tawa-tawa o gatas-gatas: Gamot sa dengue? Suriin ang ebidensya.

Pulong Ukol sa Pag-donate na Bato Mas Delikado ang Alak kaysa sa Bawal ng Gamot?

Pahina 1 sa 2 Simula Prev 1


2 Sunod Wakas

You might also like