You are on page 1of 5

ang mga halimbawa ng pantukoy ay: Ang Pantukoy ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan.

Ito ay tinatawag na Article sa wikang Ingles. Uri ng Pantukoy Ang, Ang mga Ito ay ang pantukoy sa ngalan ng bagay, lunan o pangyayari. Halimbawa: Ang kotse ni Raul ay maganda. Si, Sina Ito ay mga pantukoy ukol sa ngalan ng tao. Halimbawa: Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani. Sina Rizal at Bonifacio ay magigiting na mga bayani. Ng, mga, Ni, Nina, Kay, Kina, Sa, Sa mga Ito ay tumutukoy sa mga tao o bagay na nagmamay-ari ng alinmang bagay. Halimbawa: Kay Maria ko ibibigay ang mga rosas na ito. Sa mga lilipat, mag-ingat po sa dadaanang tulay. Wastong Gamit ng Pantukoy * Kapag isahan ang pangngalan, ang pantukoy ay dapat pang-isahan din. Halimbawa: Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere. * Kung maramihan ang simuno, ang pantukoy ay dapat pangmaramihan din. Halimbawa:

Ang mga niluto ni Nene ay para kina Juan at Pedro. * Ang pangngalang pambalana na isahan ay nangangailangan ng pantukoy na isahan at pambalana. Halimbawa: Ang magandang relo ay suot ni Walter. * Kung ang pangngalang pambalana ay pangmarami, ang pantukoy ay pangmaramihan din. Halimbawa: Ang mga tulip sa Ottawa ay tulad ng mga nasa Holland. * Maaaring gumamit ng dalawang pantukoy kung ang ikalawa'y umuuri sa unang pangngalan. Halimbawa: Ang mga Katipunero ang nagtatag ng katipunan.

KAALAMANG PANGWIKA PANANDA ay nagbabadya o nagsisilbing tanda ng gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap. Maaari itong magbadya ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. 1. 1. PANTUKOY ay katagang lagging nangunguna sa pangngalan o panhalip na ginagamit na simuno o kagaganapang pansimuno o pannag-uri o alinman sa dalawa.

DALAWANG URI NG PANTUKOY 1.1 Pantukoy sa tanging ngalan- SI at SINA 1.2 Pantukoy sa iba pang pangngalan- ANG at ANG MGA 1. 2. PANG-UKOL ang pang-ukol na NG ay pananda ng pangngalang gamit ng layon ng pandiwa, panuring na paari o tagaganap ng pandiwa.

Ang pang-ukol na SA ay pananda rin sa pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa o sa panuring para sa tanging ngalan ng tao ay ginagamit nanman ang NI at KAY.

1. 3. PANGAWING ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos pangungusap. Ang una ang panag-uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. PAGSASANAY Panuto: Bilugan ang mga pang-ukol, pangawing at pantukoy o panandang ginamit sa pangungusap. 1. Nagtayo ngayon ng pagkontrol sa baha sa kamaynilaan. 2. Ang talumpati ni kalihim Torres ng kagawaran ng paggawa ay nagbibibgay diin sa kahalagahan ng mga kursong bokasyunal. 3. Si John ay totoong mabait. 4. Sina Bella at Alice ay mababait na anak. 5. Ang ganda talaga nang damit na isinuot ni Linda.

Sanggunian: Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso Santiago Wikipedia/WikiFilipino

Uri ng Pantukoy
Posted by Bokals on Friday, August 27, 2010 Labels: Pantukoy

Uri ng Pantukoy Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana ang, ang mga, mga ang (isahan) Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. ang mga (maramihan) Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage. mga (maramihan) Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod. Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay, kina si (isahan) Halimbawa: Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga Pilipino. sina (maramihan) Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz. ni (isahan) Halimbawa: Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras. nina (maramihan) Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis. kay (isahan) Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.

kina (maramihan) Halimbawa: Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.

Sinabi ko Sabado.

Joel at Joseph na matutuloy ang piknik natin sa

Sumama Alfred at Jude sa aming bahay upang gumawa ng proyekto sa Filipino. Nasiyahan

tao sa ipinakitang kabutihan ni Mayor Narciso.

Josie ay talagang matulungin sa kanyang mga magulang.

Mahal na mahal kanyang tatay.

Lovely ang bagong manika na bigay ng

You might also like