Professional Documents
Culture Documents
Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng Katig.Com:
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili.
Mga Aral: Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim na ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan. Ang sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.
Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"