Ang maling Pagtingin sa Wikang Filipino Matagal na nating ginagamit ang wikang filipino, hindi ngalang natin ito

gaanong ginagamit bilang midyum sa mga akademiko at teknikal na usapin. Bunga na rin ng edukasyong kanluranin, kailangan pa nating patunayan na kaya nitong maging midyum sa talastasang akademiko. Ayon kay Zeus Salazar, ang paggamit ng wikang filipino ay patunay lamang ng kasapatan sa mga nangangailangan nito, dahil dito nagsimula ang pagdududa sa kakayahan ng ating wika at dahil dito ang pagkakaroon ng kaalaman sa Ingles ay itinuturing na karunungan. Maaari ring batayang pang-ekonomiya ang bagay na ito sapagkat kung gusto mong matutong mag-Ingles ay kailangan mo pang magbayad kumpara sa ating wika na nagmumukhang walang class sapagkat hindi mo na kailangang mag-aral upang matutunan ito. Hindi na natin kailangang tanungin ang ating sarili kung may tiwala at pagtanggap tayo sa sarili nating wika at kung ibabaling pa natin sa karanasang kolonyal ay talagang walang mangyayari. http://forums.flyforherov15.com/showthread.php?t=1257

Wikang Filipino sa perspekto ng Tomasino “SA LOOB ng 63 taon, walang sariling tahanan ang Wikang Filipino.” Ang kawalan man ng permanenteng tanggapan ng Komisyon ng Wikang Pambansa (KWP) ang nais ipahayag ng pangungusap na ito ni Dr. Nita Buenaobra, kasalukuyang tagapangulong komisyoner ng KWP, hindi maitatangging repleksyon ito ng tunay na kalagayan ng wikang Filipino saan mang institusyon o tanggapan sa bansa, kabilang ang UST. Mula taong 1996 hanggang 2001, ilang nagsusuring artikulo na ang nailathala sa Varsitarian na tumalakay sa wikang pambansa—ang pagbabago nito, ang pang-wikang tanggapan, at ang paggising ng kamalayan ng mga Pilipino sa kanilang wikang Filipino. Natalakay na rin ang pagkakaroon muli ng isang hiwalay na kagawaran ng Filipino sa UST. Ilang personalidad na rin ang maka-ilang ulit nang nagsalita, nagpaliwanag, at nagmungkahi kaugnay sa usaping ito, lalo na tuwing Buwan ng Wika, tulad ni G. Danilo Baquiran, Virgilio Almario, Prop. Michael Coroza, Prop. Dakila Espiritu, Prop. Reynaldo Candido, at maging si Dr. Buenaobra ay nakapanayam na rin. Ngunit tila walang nakaririnig sa mga panawagan. At dahil isang mahalagang elemento ang kaalaman at pagkadalubhasa sa sariling wika, minamubuti ng Varsitarian na muling bigyang pansin ang Filipino, bilang wikang

Buenaobra. “Hindi biro ang pagpapalaganap ng wikang Filipino sa panahong higit na nangigibabaw ang agham at teknolohiya. 000 bawat sentro. at iba pa. at may flexibilidad. simple. “Ang refresher course ay ibinigay namin sa mga manunulat sa diyaryo tulad ng Bulgar. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Buenaobra ang kahalagahan ng pagiging bukas ng mga guro sa Filipino sa pagbabago ng wikang Filipino. Dahil dito. Buenaobra ngayong Buwan ng Wika.” ipinaunawa ni Dr. ang wikang Filipino ay dapat ekonomikal. Buenaobra ang minsang pagtungo niya sa UST upang dumulog sa “problemang” kinakaharap nito kaugnay sa kurikulum sa wikang Filipino.pambansa ng Pilipinas—asignaturang itinuturo at araling pinag-aaralan ng mga Tomasino. nabuksan rin ang wikang pambansa sa pagbabago.” Maliban dito.” Inalala ni Dr. “Kapag budget hearing. Ibinahagi rin niya ang pagkadehado ng KWP maging sa listahan ng “priority projects” sa Malacañang. Buenaobra na ang nagaganap sa UST ay hindi katakataka. Abante. Sila ang mga tinik sa Kongreso kapag hinihiling namin ang pondo ng wikang Filipino. Kabilang ang pagbibigay ng refresher course sa mga manunulat sa diyaryo sa mga pangunahing proyekto ni Dr. proyekto rin ng KWP ang pagdiriwang ngayong taon ng Buwan ng Wika sa lahat ng mga sentro ng wikang Filipino sa pamamagitan ng paglalaan ng P10. mahirap. sa halip ay repleksyon lamang ng tunay na kaganapan sa buong bansa. Kasi kababayan ko si Secretary Emilia Boncodin (kasalukuyang kalihim ng Department of Budget and Management ng pamahalaan). Nariyan ang mga anti-Filipino (na mambabatas). Ipinaliwag ni Dr. ang Komisyon ay nagtalaga ng 21 panrehiyong sentro sa wikang Filipino na matatagpuan sa (iba’t ibang) mga estadong pamantasan at unibersidad sa Pilipinas. . At tulad ng pagpapalit ng pangalan ng tanggapan. taglay ang temang “Ang Wikang Filipino Tungo sa Globalisasyon. “Hindi tulad ng mga “purista” sa wika. Pagsusuri ng Komisyon Ang dating Surian ng Wikang Pambansa noon ang may kapangyarihan sa pagpapalaganap ng wikang Filipino na nang lumaon ay naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas at ngayon ay tinatawag na Komisyon sa Wikang Filipino.” sabi ni Dr. Pero kahit papaano naman nakararaos din.” aniya.

Dapat ay palabasa rin ang mga estudyante. At tsaka general lang naman ‘yung approach ng subject. Sa apat na taon niyang pagtuturo . “(Sa pamamagitan ng pagsulat nila) doon ko nadidiskubre ‘yung talent ng mga estudyante ko. Zendel Rosario Taruc ng Kolehiyo ng Nursing. Taruc ang maidudulot na tulong ng planong ito sa mga kapwa niya guro sa Filipino. Ngunit iba ang kaso ni Prop. wala pa siyang masasabing napagdaanang hirap sa pagtuturo ng wikang Filipino sa kanyang mga mag-aaral. Buenaobra.” aniya. “Piling-pili ang mga estudyante dito. na kadalasang itinatakda sa mga mag-aaral na nasa kanilang una at ikalawang taon. Dahil alam kong naa-appreciate naman nila ang ginagawa ko. “Mas mabibigyan ng pokus yung Filipino subject kung magkakaroon ito ng sariling kagawaran.” ani ni Prop. siyempre. Taruc. Pagtuturo Kadalasang nagiging suliranin ng mga guro sa Filipino ang kawalan ng interes ng mga estudyante sa aralin. . “Pero nasa presidente o pinuno ‘yan. Binigyang-diin din ni Prop. Buenaobra. At sa mababang bilang naman ng mga nagsisipagdalubhasa sa wikang Filipino.“Kung tatanungin ako kung mahalaga ang pagkakaroon ng hiwalay na kagawaran ng Filipino sa isang paaralan.” patuloy niya. oo ang isasagot ko. isa lamang ang nasabi ni Dr. Taruc sa usapin ng pagtatalaga ng hiwalay na Kagawaran ng Filipino sa UST. Idinagdag pa ng guro na sa pamamagitan ng pag-aaral ng Filipino ng mga mag-aaral. sa lagay ng UST. kung magiging balanse siya sa paggamit ng wika.” pahayag ni Prop. ang Rector—kung maka-wika o makabayan. at ito ang ang kakayahan at kredibilidad ng mga guro. Sa UST. Taruc.” ani ni Prop. At hindi naman ako nabigo sa pagtuturo ko sa mga estudyante ko. Taruc. Nagbigay din ng pahayag si Prop. “Mababago ang pananaw ng estudyante kung hindi lalamya-lamya ang mga guro at bukas ang mga ito sa pagbabago’t pag-unlad. nagkakaroon ang mga ito ng pagkakataong malinang ang kani-kanilang kakayahan.” pahayag ni Dr. may kurikulum sa Filipino ang lahat ng mga kolehiyo at fakultad.

. Far Eastern University. at Miriam College. Ito ay ang kursong BSE in Filipino sa ilalim ng Kolehiyo ng Edukasyon. na siyang medyo kulang ngayon. natuklasan ng Varsitarian na hindi kasapi ang UST sa Sanggunian ng mga Unibersidad at Kolehiyo sa Filipino (SANGFIL). talagang kinilala sila sa researches nila sa wika. Taruc. De La Salle University. “Kung mapapansin natin. Taruc sa kakayahan ng Kagawaran ng Wika. like University of the Philippines.” paliwanag niya. isang samahan na layunin ang pagpapaunlad at pagpapayabong ng wikang Filipino bilang paraan ng pagtuturo at opisyal na wika ng komunikasyon. Kaugnay sa sinabi ni Prop. Taruc. sa ibang paaralan may hiwalay na kagawaran ang Filipino. Tomasino at ang Araling Filipino Lingid sa karamihan. 16 lahat. talagang kailangan itong maintellectualize at ma-standardize. mayroon pa ring kurso sa Unibersidad na nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino. Ayon kay Prop.” patuloy niya. at magsagawa ng mga research sa wika. Para makapasok sa globalisasyon. Ang layunin naman ng globalisayon sa edukasypn ay linangin ang mga kasanayan ng mga mag-aaral lalo na sa larangan ng Matematika at Agham. Binigyan din ni Prop. Pero kung seryoso mong pag-aaralan. Kasi Filipino naman ang sinasalita natin. ang dali-dali. Kung titignan mo.” pagtatapos ni Taruc. kasalukuyang nasa ikatlong taon. Isa sa mga kumukuha nito ay si Joy Aura Servas.. Taruc. “Ang dami naming Filipino subjects. kabilang din sa SANGFIL ang Central Luzon State University.“Siguro mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga guro na malinang ang kanilang field of specialization. At maaaring maging tool ang Filipino na malinang ng lubos ang mga konsepto sa mga asignaturang ito.” sabi ni Prop. kung susuriin. ‘yung mga universities na separated ang Department of Filipino sa English. Kasi ang lalalim ng mga salitang kailangan mong pag-aralan. ”Ginagawa naman ng language department ang gampanin niya para malinang ang languages. Ngunit naniniwala pa rin si Prop. Polytechnic University of the Philippines. Mas mabibigyan sila ng oportunidad na magsulat. Philippine Normal University. Although wala masyadong koordinasyon (sa pagitan ng mga guro at sa kagawaran). Ateneo de Manila University. Taruc ng kahalagahan ng Filipino sa globalisasyon. tapos iyong mga pagsasaling-wika. “Hindi naman nagkukulang ang mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino na patuloy pang malinang ang wika.” sabi ni Servas. napakahirap. Maliban sa mga paaralang binanggit ni Prop. Taruc. etc.

. “Binibigyan man namin ng importansiya ang English bilang major namin.” ani ni Yee. Information Technology mula sa College of Science. napag-aralan niya ang Filipino noong nasa ika-unang taon niya sa unibersidad at nakikita niya ang pangangailangan para sa pagbabago nito. Nalalaman ko rin ang mga salitang patay. At ‘yung mga itinuturo niya. May bubuuin sana kaming (Filipino majors) organization na parang language society. Bagamat Ingles ang napiling kursong pagdadalubhasaan. siguro dahil part na sila ng history. pinahahalagahan din ni Lucie Marie Muyco. “Effective siya (guro sa Retorika) kasi natututo naman ako. kaya lang hindi pa ina-approve ni Dean. so wala talaga kaming magagawa. . ang Filipino dapat more on practical way of teaching. o salitang balbal. Imagine wala pa kaming 10. “Mayroong iba nandoon pa rin iyong pinag-aralan namin. Sa totoo lang. halos nagpatibay ang mga pahayag ng mga Tomasinong may ibang kurso ang pananaw ni Serva ukol sa maling pagtingin sa araling Filipino. Gayundin naman. Siyempre hindi maiiwasan na may mga words na nahihirapan kami sa pag-translate. parang napaka-weak (ng major namin) kasi kakaunti kami. nasa ikalawang taon sa kursong BSE in English ang wikang Filipino at ang mga propesor na nagtuturo sa kanya nito. Pinansin din ni Servas ang pagiging matamlay ng grupo ng mga nagdadalubhasa sa wikang Filipino. Gusto man namin magkaroon ng organized body.” aniya. sapat na para mabuo ang isang set ng officers. ipinahayag ni Muyco ang natatangi niyang pagturing sa wikang pambansa. bilang isang mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon.” pahayag ni Servas. Hindi `yung masyadong lectures. Tapos napansin ko rin na minsan iyong ginagamit nilang (mga guro) reference material ay sa English nakasulat tapos itina-translate lang nila (guro) sa Filipino.Ayon kay Servas. mas inuuna pa rin namin ang sarili nating wika. Ayon kay Marco Yee. “Sa katunayan.” sabi ni Muyco. 2nd yr. kami lang ang walang organization. Kasi hindi nila (ibang mga mag-aaral) minsan nabibigyan ng importansiya ang subject na mahalagang bahagi ng ating kultura. hindi pwede dahil sa konti lang kami. bagamat may pagbabago naman ang kanilang pinag-aaralan sa bawat semester. sa lahat ng major. “Para kasi sa akin. naa-apply ko sa pang-araw-araw kong ginagawa. napapansin niyang parang dinadagdagan lamang ang mga luma nilang pinagaralan. Samantala. kasama ang mga English majors.

ipinahayag ni Panganiban. man. Ngunit sa haba ng panahon. “Hindi ko sineryoso kasi naman `yung tinuturo parang na-take-up ko na noong high school. Pero kahit napalitan na ng Filipino ang Tagalog bilang pantawag sa wikang pambansa. sansinukob).” sabi ni Panganiban. ang pagnanais niyang maipaunawa sa mga Pilipino. masasabing ganap na ang hangaring ito. 184 na siyang lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa.varsitarian. o ang mga tamad na mag-aaral? http://www. ni Jose Villa Panganiban. ang araling Filipino noong nasa unang taon pa lamang siya. ang mga guro sa paaralan. lathalain mula sa sanaysay. at san (panlahat. Sa artikulong ito. sa panahong ito nang pagsisimula sa pagtatag ng Wikang Pambansang Pilipino. dating patnugot at kinikilalang Ama ng Varsitarian. sangkatauhan) at ng pan. At tulad ng inaasahan. mangharang.net/filipino/wikang_filipino_sa_perspekto_ng_tomasino .” Ito ang pamagat ng sanaysay. ng kursong Advertising mula College of Fine Arts and Design. na naging guro ng Wika sa UST at sa iba pang mga pamantasan sa bansa. uusbong ang kulturang turuan ng mga Pilipino. at ng tamang paggamit ng pang.Hindi naman sineseryoso ni Jocelyn Therese Alinell. Mahigit 60 taon na ang nakalipas mula nang mailathala ang sanaysay ni Panganiban na mistulang nagtakda ng isang pambansang hangarin—ang magkaroon ng tiyak na pagkakakilanlan ang wika ni Juan de la Cruz. ilang taon matapos maipasa noong 1938 ang Batas Komonwelt Blg. at ng bukod sa mula sa maliban sa.” Hamon “Tagalog man ay dapat mag-aral din. Sino ang dapat managot sa matamlay na pagpapalaganap ng wikang pambansa? Ang mga pabayang opisyal ng pamahalaan. ang kahalagahan ng seryosong pag-aaral at paglinang sa wikang pambansa. na naisulat noong1940. partikular sa mga mag-aaral. bilang isang pambansang suliranin. kailangang mag-aral at magsanay upang sumapit ang panahong hindi lamang ang lahat ng Pilipino ay magsasalita ng Wikang Pambansa kung hindi magkakaloob sa bansa ng mga akdang pampanitikang may sinasabi at may nilalaman. at sang (panghukay. hindi pa rin matiyak ng mga estudyante ngayon ang pagkaka-iba ng ng at nang. mang. pagtukoy ng paksa mula sa panaguri. “Tagalog man o hindi. mandukot.

Mas malaking iskandalo. Ang mga istasyon sa telebisyong gumagamit ng wikang Filipino ay may ilang kahinaan din sa pagpapayaman ng wika. Kung bastos ang dating ng ilang istasyong FM na gumagamit ng wikang Filipino. lalo na sa mga estudyante. Kahit na karamihan sa mga istasyong FM ay may mga disc jockey (DJ) na mapagkakamalang Amerikano dahil sa paraan ng kanilang pananalita. na kung saan ang komedya naman ay kadalasang slapstick ang katangian. ang kanilang paggamit ng wikang Filipino ay sa konteksto ng pagkuha ng kiliti ng nakararaming masa. hinahalo ng mga balita sa telebisyon ang mga seryosong usapin sa mga iskandalo’t tsismis at madalas na mas nabibigyang-pansin pa ang huling dalawa. Unang-una.Maling Pagtingin sa Wikang Filipino Mahal ko ang wikang Filipino kaya ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay wala sa aking plano. mas pinagtutuunan ng pansin ang pagpapayaman sa wikang Ingles. Sa halip ngang gamitin ito bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Sa ating pakikinig sa mga paboritong lokal na programa sa radyo’t telebisyon. Ano ang silbi ng isang buwang pag-alala sa ating wika kung hindi naman natin ginagamit ito sa ating pag-aaral at pagtatrabaho? Makakapagpamulat ba sa mga tao. pangunahing wika pa rin ang Filipino. Ang tanong sa puntong ito: Napapayaman kaya ng mga organisasyong pang-midya ang wikang Filipino sa kanilang paggamit nito? Sa kaso ng ilang istasyong FM. kapansin-pansin ang pagsusugal ng ilang istasyon para gamitin ang sariling wika. kapansin-pansin ang sensasyonalismong hatid ng pagbibigay-diin sa mga krimen. mas ginagamit ang wikang Ingles sa opisyal na komunikasyon. Pinapanood ang mga ito hindi dahil sa istorya kundi dahil sa mga artista. At para magkaroon ng maraming tagapakinig. Malaking palaisipan kung bakit patuloy na ipinagdiriwang ng gobyerno ang wikang Filipino samantalang hindi naman prayoridad ang pagpapaunlad nito. iyakan at sampalan. ang sitwasyong ginagamit lang ang wikang Filipino dahil Agosto ang nakatakdang buwan para dito? Totoo namang ginagamit pa rin natin ang wikang Filipino sa araw-araw na pakikipagusap sa mga kamag-anak. at ang ilang istasyong FM sa radyo ay gumagamit na rin ng sariling wika. Hindi tuloy masisisi ang maraming tao kung ang tingin nila sa peryodismo sa Filipino ay pangtabloid lang. mas mabenta para sa mga publikasyong ito. Sa larangan naman ng pagbibigay-aliw (entertainment). ang wikang Filipino ay ginagamit para sa mga palabas na gasgas ang mga istorya’t kakikitaan ng mga pamilyar na eksena ng sigawan. Kung gagamitin ang wikang Filipino sa ganitong klase ng mga . Para sa mga opisina ng pamahalaan. ang mga tinaguriang “baduy” o “jologs” na musika ay hinahaluan ng mga komentaryong madalas na may halong kabastusan. ano naman ang angkop na termino para sa mga tabloid na ibinebenta sa mga kalye? Bukod sa kalaswaan. kaibigan at iba pang kakilala.

kailangan nating linawin ang mga hindi angkop na paggamit ng wikang Filipino na siyang nagdudulot ng maling pagtinging ito ay para lang sa kababawan (at sadlak sa kabaduyan). ay tulog na. sa tingin ko’y may dapat na tayong paglamayan.programa. ito ang pagkakataon para ilabas muli ang inaalikabok nang streamer na malamang na nakalagay ang panawagang ”Paunlarin ang Wikang Filipino. kundi paggamit nito sa seryosong diskurso. hindi naman nangangahulugang ito ang magiging daan para magkaintindihan ang mga mamamayan. Agosto na naman. Mayroon ba talagang dapat ipagdiwang? Kung hindi tayo kikilos. mainam pa ring gamitin ang pagkakataong ito para ipaalala sa lahat na ang pagpapaunlad ng sariling wika ay bahagi ng malawakang pakikibaka para sa makabuluhang pagbabago. Pero kapuri-puri ang hakbang ng ilang programa sa telebisyong magtalakay ng mahahalagang isyung gamit ang sariling wika. Ang pagpapaunlad ng wikang Filipino ay hindi lang simpleng pag-alam sa balarila’t ortorgrapiya. Nakalulungkot lang na ang mga programang ito ay pinapalabas sa panahong ang karamihan sa mga tao. Sa pamamagitan ng mga ito. tsismis at iba pang kababawan (pati na kalaswaan)? Kahit na wala akong intensiyong makiisa sa pagdiriwang ng pamahalaan sa Buwan ng Wika. Danilo Araña Arao http://risingsun. nakikita ang potensiyal ng wikang Filipino sa seryosong diskurso. imposible ang mahigpit na pagkakaisa ng nakararaming mamamayan. lalo na ang mga estudyanteng may pasok kinabukasan. Agosto na naman. Ano ba ang pinagkaiba nito sa wikang Filipino? Kahit na sabihing ang wikang Ingles ay kasalukuyang wika ng globalisasyon. Kailangang mawala ang maling pananaw na ang intelihenteng talakayan ay mangyayari lang kung gagamit ng wikang Ingles. Oo. Kung hindi maunlad ang sariling wika. Ang isang lingua franca ay kinakailangang nagbibigay ng kaukulang identidad sa mga mamamayang gumagamit nito.” Tulad ng agiw at iba pang duming dapat tanggalin.dannyarao. Panahon na para sa diumanong selebrasyon ng Buwan ng Wika. at pangunahing ginagamit ng midya ang wikang Filipino para sa iskandalo. iisipin talaga ng mga ordinaryong mamamayan na hanggang doon lang ang potensiyal ng sariling wika. Oo.com/2009/07/31/isang-hamon-sa-buwan-ng-wika/ . Para sa mga paaralan. Paano mapapaunlad ang wikang Filipino sa sitwasyong pinagpipilitan ng pamahalaang gamitin ang wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan. At malinaw na ang pambansang identidad ay mas nakikita sa wikang Filipino kaysa wikang Ingles.

Sa globalisasyon. pambansang wika + english. Nakakalungkot mang isipin. pero sa pagnanais ng mga nagdaang administrasyon natin na makahabol sa "pag-unlad" ng buong mundo sa pamamagitan ng paimbabaw na marka nito. ibig sabihin. ang laking debate pa rin hanggang ngayon. imposible pero maaari kung pagtutulung-tulungan natin ito. ito ang ginagamit sa lahat ng transaksyon. hindi nila maisapasa yung kaalaman nila. ang gamiting lenggwahe sa eskwelahan yung naiintindihan ng karamihan. may bilingual policy kaya. kaya kung gusto nating hindi ampaw yung kaalaman. napapansin ko na ang wikang Filipino ay siyang madalas na gamitin ng mga Pulitiko lalong-lalo na kung kampanya dahil ito ay ginagamit nila upang makuha ang loob ng mga Filipino at sa ganoon ay maunawaan nila ang kanilang mga plataporma at gamitin ang paggamit ng wikang Filipino sa tuwing nagtatalumpati ang isang pangulo sa ating bansa.kahit nga yung ibang mga guro mismo. pero marami pa ring ang naghahabol sa deklarasyon na Filipino ang pambansang wika. Dahilan na rin ng paggamit ng wika bilang kasangkapan ng may kapangyarihan gaya nga ng ginawa ng mga kastila at America upang sakupin an gating bansa. Ang wikang Filipino ang kinalakhan nating wika. sa konsti. tradisyon o kultura ang pagkakaroon natin ng sariling wika. tinatamaan naman ang kalidad ng edukasyon. masasabi ko naman na ang wikang Filipino ay malaman at hitik sa bunga an gating wika ngunit sa napapansin ko ngayon ay hindi ito masyadong napapansin dahil nga abala tayo sa globalisasyon. Siguro hindi naman malayong dumating ang araw na ang wikang Filipino ang maging wikang pang globalisasyon. Napakalaking insulto sa mga pilipinong labis na nagmalasakit sa kahalagahan ng ating wika at nakaklungkot ding isipin na kung Paano nang matutunan ng susunod na henerasyon ang pagkakaroon ng nasyonalismo. Pero sa panahon ngayon ay wala na masyadong mga kabataan na nagmamahal sa sariling wika ngayon. dapat. totoong kailangan nga nating matuto ng ingles dahil ito ang pinaklaganap na lenggwahe ngayon. pulong atbp. pero paano naman dito sa atin? ni hindi nga tayo magkasundo kung ano ang gagamiting pambansang wika. Kung sa pulitikal na aspeto. Ngunit kung tutuusin ay malakas parin ang pananalantay ng paggamit ng wikang banyaga at masakit mang isipin na sa ganoong paraan lamang ginagamit ng mga pulitiko ang wikang Filipino. at ang mabigat pa ay habang tumatagal ay baka matuluyan nang mamatay ang diwa ng wika lalong-lalo na sa sa bansa natin ngayon na pairalin ang mga . Siguro nga na napakalakas ng dating ng pagiging kolonyal ng bansa natin. at nararapat na pagtuunan ng pansin upang magkaroon ng pag-unlad ang ating wika Base sa pagkakaintindi ko sa isinulat na akda ni Monico Atienza patungkol wikang Filipino. Tama nga naman at mahirap nga namang mapag-iwanan. At naiiintindihan ko kung ganito ang isipin ng iba. marunong mag-Ingles. na hinayaan lamang nilang nilang yakapin ng mga Filipino ang wikang pinaniniwalaan nating mas nakakabuti at magpapaunlad sa atin. hindi matatas mag-ingles kaya kahit magaling sila sa itinuturo nila. makikita ang iba’t-ibang mukha o anyo nito sa iba’t-ibang aspeto. dahil sa language barrier. Kaya panay ang sulong sa pagpapakadalubhasa sa wikang Ingles.Hinggil Sa Wika Isa sa nagpapakilala ng ating pagka filipino hinggil sa kaugalian. ang ingles ang wika ng globalisasyon.

http://www. Sa sitwasyon ng ating bansa ngayon. Magiging batuta ang wika ng mananakop at kasunod na nito ang sistema ng pamimilit ng kung ano ang mabisang wikang pambansa.html Wikang Batuta Makailang-ulit nang binabanggit ng maraming manunulat na ang wika ay nakaugat sa lipunan. mabilis ang magiging paraan ng pananakop. Masalimuot ang kasaysayan ng wika sa Pilipinas. nakapasok pa rin ang Ingles bilang kapantay o marahil ay mas mataas kaysa Filipino na salamin ng iba’t ibang katutubong wika natin. Hindi tuwirang makakapanakop ang wika lamang. Masasabi ko na isa ito sa mga hamon na nararapat na harapin ng mga kabataan ngayon. Kung ididikit ang wika sa relihiyon at edukasyon na parehong matatag na institusyon ng lipunan. http://dis-kurso. Tagalog. Marami ang sumubok at ang ilan ay patuloy pa ring sumusubok na paigtingin ang pagtingin natin sa wikang Filipino.mamamayan na magkaisa sa pagbibigkis gamit ang wika. Patuloy ang pagtalakay ng mga ito sa akademya at isinusulat sa saligang-batas ngunit hindi ibinababa sa masa na catalyst ng mga pagbabago at panlipunang penomenon.com/2010_03_01_archive. sa rehimeng Commonwealth hanggang sa ating panahon ng pagkilos tungo sa mapang-akit na globalisasyon. Naiisip kong ang wika ay may kakayahang manakop ngunit sa paraang gagamitin nito ang lipunan. Pilipino o Filipino man ang itawag sa ating pambansang wika kung pag-uusapan lamang ng mga burges ng lipunan at hindi ibababa sa masa ay patuloy lamang na kakalusin ng batutang Ingles. kumikilos base sa kilos na ginagawa ng lipunang gumagamit nito. masisilip na ang wika ay hindi lamang pangangailangan sa interaksyon kundi daluyan din ng masidhing layon na makapanakop. Mula pa sa pananakop ng Kastila. Ang malaking problema ay nasa pagtatalakay lamang ng mga batas sa wika. opisyal at pang-edukasyon.blogspot. Naririyan ang mga nababasa kong literatura na isinulat sa Filipino. Matunog rin ang usapin patungkol sa mga batas na magpapayaman at magpapaangat diumano sa Filipino ngunit hindi pa rin maitatatwang mahina at mabagal ang ganitong proseso ng pagsasabatas. Hindi na bago ang kaisipang ito ngunit ginagamit pa rin sa maraming artikulo upang makita ang relasyon ng wika sa galaw at pag-iisip ng tao.com/2007/08/18/pista-ng-wikang-filipinothe-spectacle-of-the-filipino-language/ .pinoyblogosphere. ang wika na nakapaikot sa isang panlipunang institusyon ang sandatang kukubkob sa isang kolonya.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful