P. 1
Babasahin sa Fildlar

Babasahin sa Fildlar

5.0

|Views: 9,515|Likes:
Published by Clinton C. Maningas

More info:

Published by: Clinton C. Maningas on Sep 22, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/04/2015

pdf

text

original

Sections

  • Disiplina, Larangan at Asignatura
  • Isyu ng Filipino Bilang Disiplina
  • Filipino Bilang Disiplina
  • Natatanging Fityur ng Mode of Inquiry
  • Pagpaplano ng Wika (Language Planning)
  • Ang Pagpapalit ng Isang Wika
  • Tatlong Uri ng Larangan ng Wika (Three Types of Language Domains)
  • Ang Register
  • Katangian ng Mahahalagang Larangan ng Wika
  • Ang Bahagi o Papel (Role) ng Ingles sa Intelektwalisasyon ng Filipino
  • Mga Mungkahi
  • Isang Bagay na Dapat Pansamantalang Tigilan
  • 1.PANINGING TEORETIKAL: Modelo ng Paglinang ng Wika Ayon kina Haugen at Ferguson
  • Ilang Paraan ng Intelektwalisasyon
  • Ang Proseso ng Intelektwalisasyon
  • Mga Sangay ng Disiplina
  • Malawakang Agham
  • Pagkakahati ng Agham
  • Mga Disiplina sa Agham Panlipunan
  • Iba’t Ibang Kultura, Iba’t Ibang Pagkatao
  • Kapwa Ko (at Sarili Ko), Mahal ko
  • Bahala Na Kung Mapahiya Ka?
  • Utang Ko Sa Iyo ang Aking Lakas ng Loob
  • May Hangganan ang Pakikisama at May Simula ang Pakikibaka
  • Paglalagom
  • 1.Panimula
  • 2.Iba’t Ibang Paraan ng Pagsasalin sa Sikolohiya
  • 3.Batayan ng Pagpili ng mga Salita
  • 4.Ang Hiwaga ng Pagsasalin sa Sikolohiya
  • Layunin sa Pagsasalin
  • Pamamaraang Ginamit
  • Mga Suliranin sa Pagsasalin
  • Politika ng Wika
  • Wika ng Politika
  • Makabuluhan pa ba ang wikang Filipino?
  • Ang Tunay na Katayuan ng Ingles
  • Ang Wika at ang Proteksyon ng Kultura
  • Ang Wika at ang Kompetisyong Global
  • Mga Sangkap ng Globalisasyon
  • Papel ng Wika sa Globalisasyon
  • Pakinabang ng Globalisasyon: Kaya ba Natin?
  • Buod
  • Ang Papel ng Wika sa Ating Lipunan
  • Integrasyong Panloob
  • Wikang Filipino at ang Integrasyon
  • Kongklusyon
  • Ilang sarbey
  • Mga Hinaharap

Sapagkat Buháy ang
Wikang Filipino

ni Virgilio S. Almario

Ibang-iba na ang wikang Filipino
ngayon sa Pilipino noong kabataan ko
at lalo na sa pinagbatayan nitong
Tagalog nina Balagtas at Lope K.
Santos. May bago na halimbawang
alpabeto ang Filipino na ibang-iba sa
baybayin at sa ipinalit na alpabetong
romanisado ng mga Espanyol at kahit
sa abakadang pinalaganap noong
panahon ng Komonwelt. May mga
panlapi ngayong gaya ng nakaka- at
n-i sa “nakakatakot” at “nilalaman” na
igigiit ng mga mambabalarila na dapat
isulat na “nakatatakot” at “linalaman.”
May mga lumang salita na nagbago
ang bigkas, gaya ng “balatkayo” na
mabilis ang bigkas sa Florante at
Laura ngunit maragsa ang bigkas sa
pag-awit ni Anthony Castelo. May mga
salitang tulad ng “kaagulo” na higit na
maiintindihan kung sasabihin mong
“kerida” o “kabit.”

Isang buháy na wika ang Filipino
kaya’t hindi dapat ipagtaka ang
anumang pagbabago nito sa tunog,
ispeling, balangkas ng pangungusap,
at iba pang aspektong
panlingguwistika. Kapansin-pansin ito
sa larangan ng bokabularyo. Totoo na
marami na tayong nalimot at hindi
ginagamit sa bokabularyo ng panahon
ni Balagtas. Subalit higit na maraming
salitang likha at hiram na napalahok
sa nakaraan lamang sandaang taon ng
Tagalog at Filipino. Sa pamamagitan
ng mga likha at hiram na ito

yumayaman ang bokabularyo ng
wikang Filipino.

May mapapansin ding pangunahing
paraan ng pagpapayaman sa
talasalitaan ng ating wika sa pana-
panahon.

Noong panahon ng Espanyol,
pinayaman ng kolonyalismo ang
maraming katutubong wika sa
Filipinas sa pamamagitan ng
pagpapahiram ng daan-daang salita
kaugnay ng idinulot na karanasang
kolonyalista. Sa Tagalog, napakatiim
ang timo ng Kristiyanismo at pagkaing
dala ng mga Espanyol gaya halos
isakatutubo ng mga Tagalog ang
bigkas sa mga salitang tulad ng
“kandila,” “pari,” “kampana,”
“kusina,” “bintana,” at “toma.” May
mga salitang halos mahirap nang
bakasin ang orihinal na anyo ng
hiniram, tulad sa “komang” na mula
sa manco, “pader” na mula sa pared,
at “silahis” na mula sa maramihang
anyo ng celaje.

Ang problema, lubhang na-Espanyol
ang ating dila kaya higit pa nating
ginagamit ngayon ang “mas” at
“pero” kaysa katutubo nating “higit”
at “ngunit” o “subalit.” Kahit ang
pagmumura natin ay na-Espanyol.
Matimpi siyang nakasasambit pa ng
“Lintik!” o “Naku!” Higit na mabilis
lumalabas sa ating bibig kapag
nagulat, nabigla, at lalo na kapag
nagalit ang matunog na “Puta!” o ang
binantuang “Putris!”

Napakahirap humanap ng salita na
nalikha sa panahon ng Espanyol bilang
sagot sa bagong pangangailangan ng
mamamayan noon. Pinakaorihinal
nang halimbawa ang “kundiman”
bilang pangalan sa awit na nalikha at
naging popular nitong ika-19 siglo
mula sa pagsasanib ng himig Espanyol
at damdaming Filipino. Nitong

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 1

lumaganap ang damdaming
mapagpalaya, lumitaw ang salitang
“laya” at mga anyo nitong “malaya” at
“kalayaan” bilang likhang pantapat sa
Espanyol na libertad. Sa aking saliksik,
unang lumitaw sa palimbag na paraan
ang salitang ito sa salin ni Marcelo H.
del Pilar ng “Amor Patrio” ni Rizal na
nalathala sa Diariong Tagalog.
Pagkaraan, ginamit ito at naging
susing salita sa hanay ng mga
Katipunero.

PAGDATING NG ika-20 siglo, higit na
nagumon ang mga Tagalista sa
paglikha kaysa panghihiram.
Nanghiram pa rin ang bayan ng
“pulis,” “istambay,” at “bulakbol”
mulang Ingles. Subalit ang mga taliba
ng wikang pambansa ay
nagpaligsahan sa paglikha ng mga
neolohismo na gaya ng “bantayog,”
“katarungan,” “tatsulok,” “lathalain,”
at “banyuhay.” Pinakamalaki’t
pinakamatagumpay na proyekto sa
gawaing ito ang “balarila” ni Lope K.
Santos na nagpasok sa ating wika ng
isang buong sistema ng karunungan
na halos bumura sa alaala ng laganap
na noong gramatika sa Espanyol.

Kung hindi lumilikha, binubuhay ng
mga Tagalista ang mga lumang salita
at nilalagyan ng bagong kahulugan.
Ito ang naganap sa “sining,” “moog,”
at “dagitab.” O kaya’y upang muling
ipagpangaralan ang katutubong
yaman ng sariling wika sa
pagpapahayag ng mga dalumat na
gaya ng “haraya,” “tayutay,” at
“agham.” At kung manghiram man ay
higit na makiling sila sa
pagpapayaman mula sa ibang
katutubong wika ng bansa, gaya sa
nabanggit nang “katarungan,” sa
“lungsod” at “bansa.”

Tinudyo ng mga kaaway ng wika ang
naturang hilig sa pagtuklas at
pagtitiwala sa katutubong wika.

Pinakamaanghang na tudyo ang
ambag ni Senador Francisco “Soc”
Rodrigo na “salumpuwit” at
“salunsuso” bilang panumbas
diumano sa “silya” at “bra.” Nitong
dekada 1970, mabubuo ang ganitong
uyam at tuligsa tungo sa atake laban
sa “purismo” at siya diumanong
tinatangkilik na uri ng wikang
pambansa sa Surian ng Wikang
Pambansa. Napasubo ang Surian sa
isang mahabang usaping pangwika at
dito pumasok ang iba’t ibang panukala
ng inhenyeriyang pangwika na
naglundo sa pagbago ng pangalan ng
wikang pambansa mula sa “Pilipino”
tungo sa “Filipino.” Naipit sa usaping
ito ang matagal nang nilulutong
“wikang maugnayin” ni Gonzalo del
Rosario at nasayang ang
eksperimento sa wikang pang-agham
at teknolohiya ng National Science
Development Board at ng Araneta
University. Nanaig ang kilusang “anti-
purismo” na may iba’t iba ring
mungkahing paraan ng
pagpapayaman sa bagong wikang
“Filipino.” Natatangi sa mga ito ang
eksperimento sa wikang balbal at
kolokyal ng Taliba, pangunahing
peryodiko noon sa wikang pambansa
at kapatid ng malaganap na Manila
Times, ang haluhalong pangwika ni
Geruncio Lacuesta, at ang Filipino
batay sa language universals kuno ni
Dr. Ernesto Constantino.

Sa aking pananaw, sinupil ng kilusang
“anti-purismo” ang labis na hilig sa
paglikha upang payamanin ang
wikang pambansa. Dumalang pa sa
patak ng ulan ang mga opisyal na
neolohismong gaya ng “balikbayan” at
“batasang pambansa.” Dumako
naman ngayon ang mga
akademistang pasimuno ng Filipino sa
lansakang panghihiram mulang Ingles
at sapilitang pagpapalaganap ng mga
ito sa anyong alinsunod sa ating
katutubong palabaybayan. Ibig nitong

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 2

burahin kahit ang leksikon ng balarila
upang ipalit ang “nawn,” “sentens,” at
iba pang hiram sa Ingles. Sa U.P., may
mga titser na ayaw ng “patakaran”
dahil mas gusto ang “polisiya” at
“palisi”; ayaw ng “agham panlipunan”
kaya ipinilit na pangalan ng kolehiyo
ang “sosyal sayans”; ayaw ng matagal
nang likhang “sinupan” at marahil ng
Espanyol na “artsibo” kaya’t “arkayb”
ang nasa karatula ng kanilang silid na
alay kay Cecilio Lopez.

Ang maganda, habang
nagbabangayan ang mga akademista
sa ispeling ng mga hiram na salita
mula sa wikang banyaga ay hindi
nabibimbin ang pagyaman ng
bokabularyong Filipino. Ang bayan
mismo ang nagsasagawa ng paglikha,
paghiram, pagbuhay sa lumang salita,
o pagbaluktot sa pormal na salita. At
ito naman ang dapat mangyari. Hindi
natin dapat kalimutan na ang wika ay
kasangkapan para sa lahat ng
mamamayang gumagamit nito.
Sinasalita ng mamamayan ang wika
para sa iba’t ibang layuning
pangkomunikasyon Dahil dito,
nagbabago ang wika alinsunod sa
pangangailangan ng mga nagsasalita
nito. Dili kaya, binabago ng mga
mamamayan ang wika nang hindi nila
namamalayan o kahit wala sa kanilang
isip ang layuning baguhin ito. Malimit
nga na pumapasok ang isang salita sa
bokabularyo ng bayan nang hindi nila
napapansin ang nagaganap na
pagbabago sa kanilang wika.

Noon pa man, kahit ang mga musmos
ay lumilikha ng mga salita para sa
kanilang paglalaro. Sila lamang ang
makaiimbento ng “pen-pen de
sarapen” at “tong-tong pakitong-
kitong” na sila lamang din ang
nakaaalam kung ano ang ibig sabihin.
Aliwan lamang para sa kanila ang
paglasap sa mga tunog ng titik at
pantig ngunit mahalaga ang naturang

pag-aaliw sa pagkalikha ng maraming
tinatawag nating onomatopeya: “aliw-
iw” ng batis, “alit-it” ng siit ng
kawayan, “pagaspas” ng hangin o
bagwis, “lagaslas” ng talon, at nitong
makabagong panahon, “harurot” ng
kotse.

Gayunman, ang mga tin-edyer ang
tunay at seryoso sa paglikha ng
bagong bokabularyo. Hindi lamang
nila gustong maglaro kapag
umiimbento ng sarili nilang jargon.
Nais nilang maging tatak ng kanilang
barkada o henerasyon ang naiiba
nilang paraan ng pagsasalita. Ang
isang leksiyon nga sa lingguwistika ay
ganito: Tumatatag ang isang sistema
ng paggamit sa isang wika upang
maging parang opisyal na wika ng
isang tumandang henerasyon at
upang tangkain namang baguhin at
wasakin ng sumusunod na
henerasyon. Waring bahagi mismo ng
generation gap ang magkaibang
paraan at pagpapakahulugan sa wika
ng katandaan at ng kabataan.

Dahil sa kanilang saloobing rebelde,
natitiyak kong mga kabataan lamang
ang panggagalingan ng mga
binaligtad na bokabularyo. At
mukhang makikipagtagalan sa
panahon ang ilan, gaya ng “astig”
(tigas), “erpat” at “ermat” (father at
mother), “datan” (matanda), at
“tsekot”(kotse). May tatak din ng
barkada ang iba’t ibang naging
popular na paraan ng pagputol sa mga
salita at paglalagay ng isang
paboritong pantig. Halimbawa, “syota”
(bata), “syoke” (may kike?), at “syobi”
(bisyo) na maaaring inspirado ng
syomai at syopaw sa pansiterya ng
Chinatown. O kaya ang “dyakul”
(cool?), “dyoga” (magang-maga o
nakakadaga?), at “dyinggel” (jingle)
na maaaring bahagi ng paglalaro sa
Tinagalog na anyo ng “dyip” at
“dyutay.”

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 3

Kailangan ang masusi at matiyagang
paghimay sa mga naturang salitang
balbal upang matuklas ang sistema sa
likod ng mga naturang kodigo ng
kabataan.

Gaya rin ng pangyayaring mahirap
mahulaan ang paraan ng pag-imbento
sa tinatawag ngayong “swardspeak”
(wikang bakla). Sa tingin ko, bukod sa
kabataan, pinakamasigla ngayong
sektor ang mga bakla sa paglikha ng
sariling kodigo. Mabilis ding kumakalat
ang kanilang imbensiyon dahil sa
impluwensiya nila sa mass media. Ang
tawag nila mismo sa kanilang sarili ay
nagkaroon na ng mga
transpormasyon, mula sa “badaf”
(babae dapat) na naging “bading”
hanggang “muher” (mujer) at
“swarding.” Hindi rin maikakait ang
halina ng kanilang makulay na
lengguwahe, gaya ng “imbiyerna” na
malayo sa orihinal na invierna ng mga
Espanyol o ng “tsugi” na hindi mo
malaman kung halaw sa Niponggo o
Tibetan.

Ang mass media mismo ay nag-
aambag ng bagong salita at malimit
na dahil sa mababaw na kaalaman sa
wikang ginagamit. Pinakapopular na
halimbawa ng ganitong katangahan
ang “kaganapan” na mahirap nang
alisin kahit sa dila ng mga kagalang-
galang na Brodkaster Noli de Castro at
Joe Taruc. Hndi naman nahuhuli sa
ganitong kamangmangan ang ilang
akademistang nais mag-Espanyol
ngunit mahirap usisain kung saan nila
napulot na diksiyonaryo ang “aspeto,”
“imahe,” “pesante” (para sa
magsasaka), at “kontemporaryo.”

Gayunman, kahit ang mga nabanggit
na aberasyon at ang tinatawag kong
salitang “siyokoy” ay bahagi ng
masaya at masiglang paggamit
ngayon sa wikang Filipino. Hindi
mapipigil kahit ng Komisyon sa

Wikang Filipino ang magiging iba’t
ibang paraan ng paggamit ng
sambayanan sa kanilang wikang
pambansa. Wika nila ito kaya’t nasa
kanila kapangyarihan upang hubugin
ito alinsunod sa kanilang hilig at
pangangailangan. Hindi rin wasto na
ituring ang nalilikha ng bayan na
bulgar at may mababang uri, lalo na’t
kapag ikinompara sa isinasagawa
diumanong “intelektuwalisasyon” ng
mga akademista sa wikang Filipino.
Walang silbi ang anumang pagsisikap
tungo sa “pagtataas” ng nilalaman ng
wikang Filipino kung hindi ito
gagamitin ng bayan–lalo na’t
mapagkuro nila na walang kaugnayan
sa kanilang buhay at hindi nila
kailangan. Tulad ng “japayuki” noong
dekada 1980 at ng“kudeta” nitong
panahon ni Cory, tumitimo sa isip ng
taumbayan ang “otso-otso” at “ukay-
ukay” hindi lamang dahil makulay ang
anyo kundi dahil may matalik itong
kaugnayan sa kanilang kasalukuyang
karanasan. May nasasaling itong
malalim at maselang pilas ng kanilang
damdamin at gunita. Sabihin mang
baduy o tahasang baboy, wika ito ng
kanilang tunay na buhay at higit
nilang tatangkilikin kaysa mga
“pragmatiks” at “sayantipik
perspertiv” sa hindi nila kailanman
maisasapusong wika ng mga “fild
resertser” at “akademiks.”

Kailangang magkatagpo ang
eksperimento sa akademya at ang
malikhaing gawain sa wika ng
sambayanan. Magaganap lamang ito
kapag natutong magsalita ang mga
intelektuwal at propesyonal sa wika ng
bayan. Ibig sabihin, naipaloob ng mga
tagaakademya ang kanilang
banyagang kaalaman sa daigdig ng
karunungan ng karaniwang
taumbayan. Naging bahagi ng
karanasan ng bayan ang ngayo’y nasa
mga makapal at mahirap basahing
aklat. At magaganap din lamang ang

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 4

pagtatagpong iyon kapag nagbago
mismo ang buhay ng taumbayan.
Halimbawa, kapag umigpaw ang
kabuhayang bansa mula sa kumunoy
ng “otso-otso,” “ukay-ukay,” at “ofw.’
Kapag luminis ang lipunan at nawala
ang “kotong,” “kurakot,” “trapo,”
“pork barrel,” at “dagdag-bawas.”
Kapag... kapag... kapag...

Pagkaraan ng lahat, nagbabago
lamang naman ang wika alinsunod sa
nagbabago sa buhay ng gumagamit
nito. Tulad ng halaman, lumalago ito’t
namumulaklak kapag mataba ang
lupa’t mapagpala ang kaligiran.
Nababansot ito’t kulu-kulubot ang
dahon kapag tumubo sa burak at puro
peste ang nakakapit.

(Pinagkunan:
http://www.sawikaan.net/sapagkat_bu
hay.html)

Maraming Wika,
Matatag na Bansa

ni Ricardo Ma. Nolasco Ph.D.

Isa pong karangalan at pribilehiyo
para sa akin at sa Komisyon sa Wikang
Filipino na maimbitahan at
makapagsalita sa inyong
kumperensya. Ang ibabahagi ko sa
inyo ngayong umaga ay tungkol sa
bisyon, direksyon at mga programa ng
KWF para sa susunod na tatlong taon,
o hanggang 2010. Ibinabahagi ko ang
mga ito sa inyo sa pag-asang
yayakapin ninyo ang nasabing mga
bisyon, direksyon at programa bilang
sarili ninyong bisyon at programa.

Kamakailan lamang ay nagkasundo
ang pamunuan ng KWF na baguhin
ang aming bisyon. Ang pangarap

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 5

namin ay: "maging sentro ng
kapantasan sa mga wika at literatura
ng mga Pilipino." Umaalinsunod ang
pangarap na ito sa aming mandato na
paunlarin, palaganapin at panatilihin
ang mga wikang ginagamit ng mga
Pilipino sa iba't ibang larangan.

Ang ganitong bisyon at misyon ay pag-
amin na bagamat ang KWF ay siyang
opisyal na ahensyang pangwika ay
malayo pa rin ito sa pagiging tunay na
sentro ng kapantasan at kaalaman sa
mga wika at panitikan ng mga Pilipino.
Ang itinatayo namin ay isang sentro
ng impormasyon, dokumentasyon at
pananaliksik; na may kuwerpo (corps)
ng mga mananaliksik na may mataas
na kakayahan sa linggwistika at
applied na linggwistika (hal. pagtuturo
ng wika) at pagsasaling-wika; isang
sentro na katatagpuan at naglalaman
ng lahat ng mga pag-aaral at akda
tungkol sa mga wika ng Pilipinas;
isang sentro na may kamalig ng mga
datos sa ibat ibang wika, at sa ibat
ibang genre, kasama na ang audio at
video recording ng mga pangyayaring
komunikatibong may mga anotasyon
at komentaryo; isang sentro na
lumilikha ng mga orihinal at huwarang
mga diksyunaryo, gramatika,
ortograpiya, iskolarli na mga
babasahin, materyales sa literasiya at
reperensya sa pagtuturo sa
magkakaibang disiplina; at isang
sentro na dalubhasa rin sa
teknolohiyang pang-impormasyon at
pangkomunikasyon upang
magampanan ang gawain ng
pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili ng mga wika sa
Pilipinas.

Ang katwiran para sa pangarap
naming ito ay nagmumula sa aming
pagkilala sa kahalagahan ng mga
wikang ginagamit ng mga Pilipino—
ang wikang pambansa, ang mga
wikang panglokal at mga wika na

pang-ibayong dagat— para sa
magkakaibang mga layunin: para sa
literasiya at edukasyon ng ating
mamamayan; para sa layuning
pangkultura at intelektuwal; para sa
pagkakakilanlan at etnisidad; para sa
pakikipagtalastasan sa loob at labas
ng bansa; para sa pag-unlad na pang-
ekonomiya; at para sa kaisahan at
katatagang pampulitika.

Gusto naming isipin na lipas na ang
panahon na ang mga gawain ng
komisyon—sa katotohanan o sa
karaniwang pagkakaalam– ay
eksklusibong nakatuon sa wikang
pambansa, sa kapabayaan ng mahigit
na 170ng wika ng ating bansa at nang
walang makatotohanang
pagsasaalang-alang sa isa pang
opisyal na wika ng bansa, ang Ingles,
o sa mas eksaktong pormulasyon, ang
Philippine English.

Ito ang landas o linya ng "isang bansa,
maraming wika", na siyang simulain
ng kasalukuyang tema ng buwan ng
wika 2007, na "maraming wika,
matatag na bansa."
Ano ang batayan at katwiran ng
"maraming wika, matatag na bansa"?
Ang batayan at katwiran ay may
kinalaman sa pagiging multilinggwal
at pagiging multikultural ng mga
Pilipino. Sa halip na isang disbentahe,
itinuturing ng komisyon na
napakalaking bentahe ang
pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit
na 170ng wika. Pangsampu tayo sa
pinakamaraming wika sa buong
daigdig, sa kabila ng palasak at
mapangmenos na palagay na ang mga
wikang ito'y pawang mga dialekto
lamang. Ang natural na kundisyon ng
karaniwang Pilipino at ng karaniwang
mamamayan ng daigdig ay hindi lang
iisa ang alam nitong wika. Sa
karaniwan, ang Pilipino at ang
karaniwang tao sa daigdig ay may
alam na dalawa o mahigit pang wika.

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 6

Si Hesukristo ang pinakamainam na
halimbawa ng pagiging multilinggwal,
sapagkat marunong siya ng Aramaic,
ng Hebrew, Griyego at Latin. Si
pangulong GMA ay mainam na
halimbawa ng isang Pilipino. Maalam
siya sa Kapampangan, Sinebwano,
Ilokano, Tagalog, Ingles at Espanyol.
Dahil sa katotohanang ito, ang ideya
at pangakong pag-unlad sa ilalim ng
isang sentralisadong nasyon-estado na
may iisang sentralisadong wikang
pambansa ay naglalaho.

Gayunpaman, mayroon tayong wikang
pambansa. Ito ang wikang Tagalog na
nang dahil sa kumbinasyon ng mga
sirkumstansyang historikal, pang-
ekonomiya at sosyopulitikal ay naging
komon na wika ng magkakaibang
etnolinggwistikong grupo ng ating
bayan. Ang kasalukuyang Filipino ay
ang dating wika ng Katagalugan na
naging pambansa. Ang Filipino, kung
gayon, ay ang pambansang linggwa
prangka.
Kung batayang panglinggwistika ang
pag-uusapan, ang wikang pambansa
at ang Tagalog ay nabibilang sa iisang
wika. Ang unang batayan sa pagsabi
nito ay ang tinatawag na mutual
intelligibility. Ang isang nagsasalita ng
"Filipino" at ang isang nagsasalita ng
Tagalog ay magkakaunawaan. Kung
gayon, nagsasalita sila ng isang wika.

Ang ikalawang batayan ay ang
gramatika. Ang gramatika ng umiiral
na "Filipino" ay walang pinag-iiba sa
gramatika ng Tagalog. Totoong sa
ilalim ng konstitusyon, ang wikang
Filipino ay kailangang nakasalig sa
mga umiiral na wika sa Pilipinas. Pero,
sa ngayon, ang gramatika ng wikang
pambansa ay yaong sa Tagalog.
Tingnan lamang ang mga panlapi (-
um-, -in, -an, at i-) at ang mga
gramatikal na pananda ( i.e. ang, ng,
sa) at mga partikulo (i.e. pa, na, kung,
daw, kasi). Hindi ba magkapareho lang

sa mga panlapi at gramatikal na
pananda at partikulo ng tinatawag na
"Filipino"? Walang panlapi o
gramatikal na elementong galing sa
Ilokano, Sebwano, Ilonggo at sa ibang
malalaking wika ang may matatag na
katayuan sa wikang pambansa.

May ilang teorista sa akademya na
nagpapalaganap ng ideya na ang
kaibahan ng "Filipino" sa Tagalog ay
ang pagiging "malaya" ng una, at ang
pagkapurista ng huli. Ang ibinibigay
nilang halimbawa ay ang pagkakaiba
ng leksikon ng "Filipino" at ng
"Tagalog", gaya raw ng "fakulti", sa
halip na "guro", "kolehiyo" sa halip na
"dalubhasaan", "miting" sa halip na
"pulong" atbp. Kinikilala ng KWF na
ang "purismo" at "Tagalismo" ay mga
hadlang sa pagpapaunlad ng wikang
pambansa. Subalit, kailangan ding
alalahanin na hindi panghihiram ng
dayuhang leksikon o leksikon buhat sa
iba pang wika ng Pilipinas ang batayan
sa pagklasipika ng dalawa o mahigit
pang barayti na magkakaibang wika.
(Maging ang mga Tagalog sa Batangas
at Bulakan ay nanghihiram din at
nagko- code-switch.) Gaya ng
nabanggit sa itaas, ang
pagkakaunawaan at ang gramatika ay
higit na mapagpasyang batayan.
Idagdag pa rito ang katotohanan na
karamihan ng mga Pilipino ay
tumatawag pa rin sa wikang
pambansa na "Tagalog". at madaling
maintindihan kung bakit kakaunti
lamang, maliban sa kakarampot sa
akademya, ang naniniwala na ang
"Tagalog" at ang "Filipino" ay
"magkaibang wika."

Pero may isang malaki at hindi
matatawarang pagkakaiba ang wikang
Tagalog noon at ang wikang
pambansa ngayon. Ang kasalukuyang
wikang pambansa ay ang
pangalawang wika ng nakararaming
Pilipino. Mas marami nang Pilipino

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 7

ngayon na marunong mag-Tagalog
pero hindi ito ang kanilang kinagisnan
o unang wika. Ito ang pangalawang
wika nila. Ito ang isa sa tampok na
dahilan sa pagtawag dito ng ibang
pangalan—Filipino. Ito rin ang
panlipunang batayan sa paglitaw ng
mga pasalitang barayti ng "Filipino";
mga barayti na hindi lamang limitado
sa Katagalugan at Kamaynilaan, kundi
sumasaklaw sa Davao, Iloilo, Cebu,
Baguio, Angeles, Cagayan de Oro,
Zamboanga City at sa ibang punong
sentrong lungsod kung saan
nagtatagpo ang magkakaibang
grupong etniko. Sa ngayon, ang
barayting pinakaprestihiyoso ay ang
barayti sa Metro Manila at kanugnog
na mga lugar, na siyang itinuturo
ngayon sa mga paaralan at
pinalagaganap ng masmidya. Pero
hindi maipupuwing na ang wikang
Tagalog ay naging pambansa na.

Ang ganitong mga katotohanan, sa
aking palagay, ay hindi nalingid sa
mga gumawa ng mga probisyong
pangwika sa ating konstitusyon.
Nanalig sila na habang nalilinang, ang
wikang pambansa ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa
iba pang wika. Idineklara din nila ang
wikang Filipino at ang wikang Ingles
bilang wikang opisyal, pero hindi nila
kinaligtaan na ipahayag din na ang
mga wikang pangrehiyon ay pantulong
na wikang opisyal at midyum ng
pagtuturo. Higit sa lahat, tiniyak nila
ang pagtatayo ng isang komisyon na
"magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod" ng mga pananaliksik
hindi lamang sa wikang pambansa,
kundi sa iba pang mga wika ng mga
Pilipino. Ang ganitong mga probisyong
pangkonstitusyon ay nagkaroon ng
katuparan sa pagkakapagtibay ng RA
7104 na siyang lumikha sa Komisyon
sa Wikang Filipino.

Ang lohika ng patakarang
multilinggwal sa pagpapaunlad ng
mga wika sa Pilipinas ay unti-unting
tinatanggap ngayon ng mas maraming
mananaliksik sa wika at/o tagagawa
ng patakaran sa ating pamahalaan.
Nitong kamakailan, may isang grupo
ng mga mananaliksik ang naglabas ng
KRT 3 Formulation of the National
Learning Strategies for the Filipino and
English Languages na
nagmumungkahi sa pamahalaan na:
para sa ECCD (3-5ng taon), ang
paggamit ng wika ng bata sa day care
center. Gagamitin ang Filipino at
English (at Arabic) sa mga istorya at
panitikan;
para sa Grade 1 hanggang 3, ang
paggamit ng wika ng bata bilang
midyum ng pagkakatuto para sa lahat
ng subject. Gagamitin ang Filipino at
English (at Arabic) bilang
magkahiwalay na subject para sa oral
language development;
para sa Grade 4 pataas, Filipino bilang
midyum ng pagtuturo para sa
Makabayan at subject na Filipino at/o
panitikan at English bilang midyum sa
Math at Science. Gagamitin ang wika
ng bata bilang pantulong na wika;
samantala, sa sekundarya, magtuturo
ng mga language elective sa wika ng
bata, wikang pangrehiyon, Arabic at
anumang wika sa ibayong dagat;
Ayon sa nasabing dokumento:
"(c)ontrary to being a hindrance, the
languages of children must be
considered as enabling factors on
which student learning and
achievement can be based. The use of
the mother tongue in learning has
been found to be the most effective
way to bridge learning in all subject
areas including the development of
future languages. This is a
generalization based on numerous
experiences of other multilingual
countries as well as empirical studies
conducted in the Philippines."

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 8

Ang isang halimbawa ng empirikal na
pag-aaral na nagbibigay-balidasyon sa
bisa ng multilinggwal na patakaran ay
ang resulta ng 2006 NAT Grade 3
reading test sa dibisyon ng Kalinga. Sa
sampung distritong ito, tanging ang
Lubuagan lamang ang may first
language component, ibig sabihin, ang
unang wika ay siyang ginamit na
midyum ng pagtuturo sa naturang
eskuwelahan, kahit sa science at
math. Ang natitirang siyam na
dibisyon ay sumailalim sa regular na
edukasyong bilinggwal. Ipinakikita ng
reading test na ang distrito ng
Lubuagan ang nakapagtala ng
pinakamataas na marka sa English
(76.5%) at Filipino (76.44%). Ang
pumangalawa na distrito ay ang
Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa
English at 61.4% sa Filipino. Ang
pumangatlo naman ay ang Pasil, na
nakaiskor ng 51.9% sa English at
47.7% sa Filipino.

Ang ganitong mga ebidensya ay
nagpapatotoo na maaaring gawing
tulay ang lokal na wika upang
matutuhan ang English at Filipino. Ang
totoo'y maraming mga pag-aaral ang
nagpapakita na ang paggamit ng
wikang hindi-sa- bata ay hindi
makatutulong manapa'y makasasama
pa nga sa pang-akademikong
performance ng bata. Mahalagang
banggitin muli ang mga napatunayan
sa pananaliksik ni Taufeulangaki
(2004): ang mga bata ay
nangangailangan ng pinakamababa na
12ng taon upang matutuhan ang
kanilang unang wika; ang mga bata ay
hindi natututo ng pangalawang wika
nang mas mabilis kaysa mga
matanda; ang may edad na bata ay
may higit na kasanayan sa pagkatuto
ng pangalawang wika; mas importante
ang pag-unlad pangkognitibo ng bata
kaysa paghantad sa ikalawang wika;
Sa isang hiwalay na artikulo,
nabanggit ko na ang eksklusibong

paggamit ng Ingles at Filipino ay
nagresulta sa tinatawag ni Smolicz,
Nical and Secombe (2000) na
inferiorization ng iba pang wika sa
Pilipinas. Ninanakaw ng kasalukuyang
patakarang bilinggwal ang wika ng
bata at hinahalinhan ito ng isang
wikang di-pamilyar at tiwalag sa
kanilang kultura at karanasan. Ang
mensahe ng bilinggwal na edukasyon
sa marami nating mag-aaral ay
walang kuwenta ang kanilang
kinagisnang wika. Sa halip na tingnan
bilang resource at pundasyon ng
panimulang kaalaman, itinuturing ang
pagkakatuto ng wikang sarili na isang
malaking kakulangan o deficiency, o
dikaya'y kapansanan. Sa halip na
pagmamahal at pagpapahalaga sa
sariling kultura't wika, pagkutya at
pagmamaliit sa sarili ang itinuturo ng
kasalukuyang patakaran.

Sinusuportahan ng KWF ang anumang
kampanya na papaghusayin ang
kasanayan sa Ingles ng ating mga
estudyante. Pero kailangang linawin
na ang pinakamabisang paraan ay ang
pagturo dito bilang pangalawang wika.
Ibig sabihin nito, magsimula sa
kinagisnang wika sa unang mga
grado. Kapag mabulas na at matatag
na ang kasanayang pangliterasi at
pangkognitibo ng estudyante sa
kinagisnang wika at kultura, ipakilala
ang Ingles at ang Filipino bilang mga
subject. Sa paglaon ay maaari na ring
ituro ang iba pang subject sa Filipino
at Ingles. Gayunpaman, ang katatasan
sa Ingles ay hindi makakamtan
lamang sa eskuwelahan. Sa labas ng
eskuwelahan, kailangang magkaroon
ang mga estudyante ng mga modelo o
huwaran sa pagsusulat at pagsasalita
ng mabuting Ingles, at kasabay nito ng
mga pagkakataon para magamit ang
kanilang kasanayan sa Ingles. Sa
kasalukuyan ay walang sapat na
motibasyon at oportunidad maliban sa
eskuwelahan upang mapaunlad ng

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 9

mga estudyante ang kanilang
kasanayan sa Ingles, laluna sa
pagsasalita nito.

Ang komitment ng KWF sa "isang
bansa, maraming wika" ay makikita sa
tema at saklaw ng nakaraang
patimpalak na idinaos noong Buwan
ng Wika 2006. Sa simula't sapul ay
nakasanayan na namin na magdaos
nang taunan ng isang patimpalak
lamang, ang tradisyunal na
Gantimpalang Collantes sa sanaysay
sa wikang Filipino. Noong 2006, sa
kauna-unahang pagkakataon ay
nagdaos ang KWF ng magkakahiwalay
na mga timpalak sa pormal na
pagsulat sa Sebwano (tula at maikling
kuwento), Iloko (tula at maikling
kuwento), Hiligaynon (maikling
kuwento) at Pangasinan (tula). Ang
nagwaging mga akda ay nakatipon
ngayon sa isang akda na
pinamagatang Ani ng Wika 2006. Ang
tema ng buwan ng wika 2006 ay: "Ang
buwan ng wikang pambansa ay buwan
ng mga wika ng Pilipinas."

Ngayong taong 2007, pinalawak
namin ang saklaw ng patimpalak para
makasama ang Bikol (maikling
kuwento at sanaysay), Samar-Leyte
(tula at maikling kuwento),
Kapampangan (tula), Meranaw
(sanaysay), Maguindanao (sanaysay)
at Tausug (sanaysay). Ang tema ng
buwan ng wika 2007 ay: "Maraming
wika, matatag na bansa."

Ang multilinggwal na adhikain ng KWF
ay hindi lamang naipapahayag sa
taunang pagdiriwang ng buwan ng
wika at pagkilala sa mahusay na mga
akdang pampanitikan, kundi sa mga
pangmatagalang programa at
proyektong inako nitong isakatuparan.

Ang mga programa't proyektong ito ay
naglalayon na makamit ang
sumusunod na pagbabago sa ating

kapaligiran: ang pagpabor ng
opinyong publiko sa
multilinggwalismo. Hanggang ngayon,
marami pa rin ang naniniwala na hindi
na kailangang pag-aralan ang wikang
pambansa o ang ating mga lokal na
wika sapagkat "alam na natin ito."
Laganap pa rin ang maling pag-iisip na
ang pagkakaroon ng isang wika ay
mapagpasya sa pagbubuo ng isang
bansa.

Upang pumabor ang opinyong publiko
sa multilinggwalismo, plano naming
magbigay ng napapanahong mga
impormasyon sa OP, DEPED, CHED,
ang Kongreso at iba pang ahensya ng
gobyerno tungkol sa mga bagay na
may kinalaman sa wika. Makatwiran
lamang na ang unang benepisyaryo
ng aming mga pananaliksik ay ang
pamahalaan na rin.

Gusto rin naming lumikha ng bagong
mga kaalamang pangwika at
pampanitikan. Nais naming palakasin
ang: Philippine Lexicography program,
Philippine Grammars Program, ang
National Translation Program, ang
Phonology, Phonetics and Ortography
Program, mga proyekto sa literasiya at
pagtuturo ng wika; Philippine
Language Mapping Project;
Bibliography of Philippine Languages
project; Endangered Languages
Program; Philippine corpus;

Gusto rin naming palaganapin sa
publiko at stakeholder ang
impormasyon at kaalamang pangwika
at pampanitikan. Kayá namin itinatayo
ang: Library and Archives of Philippine
Languages; pinapataas ang kantidad
at kalidad ng mga publikasyon;
nagdadaos ng mga seminar,
workshop, lektyur, at iba pang
aktibidad na pang-edukasyon;
pinapaganda ang aming website;
nagkakaloob ng mga research grants
o tinutulungan ang mga stakeholder

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 10

na makakuha ng mga research grants;
nagtatayo ng mga language councils
sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga
kakayahang pang-IT at
pampananaliksik, at sinisikap na
magkaroon ng sarili naming tahanan
at gusali.

Sa pagwawakas, nais kong ibilin sa
inyo ang sinabi ng isang katutubong
Amerikano, isang American Indian,
tungkol sa relasyon ng wika at ng
buhay. Aniya, kailangan natin ang
wikang dayuhan para mabuhay sa
kasalukuyang panahon. Pero
kailangan natin ang wikang sarili, para
mabuhay nang habampanahon.

Magandang umaga sa inyong lahat.

(Keynote na Talumpati sa 2007 Nakem
Conference, Mariano Marcos State
University, Mayo 23, 2007)

Kung Paano
Pahalagahan ang Ating
mga Wika

ni Ricardo Ma. Nolasco Ph.D.

Ang pambansang wikang tinatawag na
Filipino ay isang kumbinyenteng
kasangkapan para sa
pakikipagtalastasan ng mga grupong
etniko. Maaaring magtungo sa alin
mang lugar sa bansa at makipag-usap
sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng
wikang ito. Ayon sa sensusng 2000,
65ng milyon sa 76 na milyong Pilipino
ang nagsasalita at nakakaunawa ng
Filipino.

Gayon man, hindi pinapansin ng mga
tao ang katotohanang karamihan sa
mga Pilipino ang nagsasalita ng
Filipino o Tagalog bilang pangalawang
wika. May 22ng milyon lamang ang
nagsasalita nito bilang unang wika.

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 11

Doble ng bilang na ito o mga 43ng
milyon ang nagsasalita nito bilang
pangalawang wika.

Maaaring hindi kasinghusay sa wikang
ito ang mga di-taal na Tagalog
kumpara sa kanilang unang wika. Ito
ang dahilan kung bakit bantulot ang
ilang pangkat na yakapin ang Filipino.
Napipilitan lang sila. Mas gugustuhin
nilang mag-Ingles sapagkat ito ay
pangalawang wika ng lahat. Bukod
dito, mas prestihiyoso ito kaysa sa
Filipino.

Sa kasaysayan ng ating bansa, may
natatanging pribilehiyo ang Tagalog
kumpara sa ibang mga wika, maliban
sa Ingles. Noong 1937, idineklara ang
Tagalog bilang “batayan” ng wikang
pambansa. Ibig sabihin, ito ang wikang
pambansa. Noong 1959, pinalitan ito
ng Pilipino. Noong 1987, muli itong
pinangalanang Filipino na may “F”.
Itinalaga rin itong isa sa mga opisyal
na wika at midyum ng pagtuturo. Ang
mga wika ng rehiyon ay tinawag na
mga pantulong na wika sa
pamahalaan at sa edukasyon.

Ang pagkakaroon ng isang
pambansang wika ay hindi
nangangahulugan ng pagtalikod sa
una o pangalawang wika. Hindi rin ito
pagwawalang-halaga sa ibang mga
wika ng Pilipinas.

Paano ba winawalang-halaga ang
isang wika?

Ang isang paraan ay tawagin mo itong
“diyalekto”. Sa pamamagitan ng
tawag na “diyalekto” ay pinabababa
natin ang katayuan ng mga wikang di-
Tagalog bilang lehitimong paraan ng
pagpapahayag. Nababawasan ang
pangangailangang matutuhan ang
mga ito. Sapagkat Tagalog ang
pambansang wika, ang mga akdang
pampanitikang nasusulat dito ay

siyang itinuturing na pambansang
panitikan. Ang pinakamagagaling na
manunulat sa Tagalog ay
tinataguriang mga pambansang
manunulat. Samantala, ang panitikang
di-Tagalog ay itinuturing na panitikang
“pangrehiyon” o “bernakular” at ang
pinakamagagaling na manunulat dito
ay itinuturing na mga manunulat na
“pangrehiyon” o “pambernakular”.

Tingnan naman natin ang kalagayan
ng mga di-Tagalog. Matiyagang pinag-
aaralan ng dayong Ilokano o Bisaya
ang wika ng Kamaynilaan
samantalang parang walang pakialam
sa lokal na wika ang dayong Tagalog.

Isa pang paraan ng pagwawalang-
halaga sa isang wika ay ang pagsasabi
na ang sinumang nagsasalita ng
wikang pambansa ay awtomatikong
nagiging makabayan.
Nangangahulugan ito na sinumang
hindi nakapagsasalita nito o iyong
mga Inglesero ay hindi makabayan.

Ganyan din ang palagay ng ating mga
kababayan. Sa surbey ng Social
Weather Station noong 1996, 62% ng
mga Pilipino ang sumasang-ayon na
napakahalaga para sa isang tunay na
Pilipino ang makapagsalita ng Pilipino.
Kalahati ng mga Bisaya (55%) ang
sumang-ayon sa pahayag na ito.
Gayon din ang 67% ng mga
Mindanaons sa mga pook na urban.

Kung gayon, dapat nating itanghal na
mga bayani ang mga Hapon na
nanakop sa ating bansa noong mga
1940. Noong panahong iyon, ginawa
nilang Tagalog ang pangunahing
midyum ng pagtuturo, kasabay ng
Nihonggo. Ipinagbawal nila ang
paggamit ng Ingles. Masyadong
kakatwa ang argumentong ito kaya
hindi na ito dapat talakayin pa.

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 12

Winawalang-halaga rin natin ang ating
mga wika kung nananalig tayo sa
kasabihang “isang bansa, isang wika.”
Nangangahulugan ito ng isang
sentralisadong estado-bansa na may
isang istandardisadong wika para sa
mga opisyal na gampanin at
edukasyon. Di lang iilan ang ang
sumusuporta sa Ingles upang maging
wikang iyon; ang katwiran nila ay ito
raw ay para sa globalisasyon at
modernisasyon. Giit naman ng iba,
dapat ay Filipino sapagkat ito ang
wikang pambansa at tayo raw ay mga
Pilipino.

Wala sa mga paniniwalang ito ang
tumutugma sa realidad sa Pilipinas at
sa daigdig. Sa Pilipinas, ang
karaniwang Pilipino ay
nakakapagsalita ng tatlo o apat na
wika, maliban sa mga Tagalog na ang
alam ay ang wikang sarili at Ingles. Sa
mundo, karaniwan ang may alam na
dalawa o higit pang wika;
samantalang pambihira naman ang
may alam lamang na isang wika.
Mayroong 200ng nasyon-estado
subalit may mahigit sa 6,000ng wika.
Ibig sabihin, maraming bansa ang may
mamamayang marunong ng mahigit
sa isang wika. Ang European Union ay
may dalawampu’t tatlong opisyal na
wika. Ang Canada ay Pranses at Ingles
ang mga opisyal na wika. Kahit ang
Estados Unidos ay walang nakitang
pangangailangang magproklama ng
isang wikang pambansa.

Ang batas na nagpapairal sa
patakarang pangwika ay ang Republic
Act 7104. Ito ang batas na nagtatatag
sa Komisyon sa Wikang Filipino at
nagtatakda rito upang “magsagawa,
mag-ugnay at magpalaganap ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at preserbasyon ng
Filipino at ng ibang mga wika ng
Pilipinas.”
Ang patakaran ay
paunlarin at payamanin ang wikang

pambansa batay sa mga umiiral na
wika at ibang mga wika ng
Pilipinas.
Sa ibang salita,
magkapantay sa wikang pambansa
ang halaga ng mga lokal na wika at
hindi sunud-sunuran dito. Ang ideya
ay palakasin ang mga lokal na wika
upang mapalawak ang kaalaman at
batayang panlinggwistika ng ating
pambansang wika.

Ang pinakamahusay na paraan upang
mapawalang-halaga ang ano mang
wika ay ang pagbabawal na gamitin
ito sa sistema ng edukasyon. Dala ng
mga bata sa paaralan ang wika ng
kanilang tahanan at pamayanan
upang burahin lamang ng sistemang
bilinggwal. Paboritong pormula ang
pagmultahin o parusahan ang mag-
aaral dahil sa pagsasalita ng kanilang
sariling wika. Akala tuloy ng mga bata,
hindi mahalaga ang kanilang wika’t
kultura at kung gayo’y hindi dapat
palaganapin. Ang mahalaga lamang
ay ang mga wikang ipinagagamit sa
buong bansa at ang kaalamang
nakasulat dito.

Ang karaniwang dahilan kaya hindi
ipinagagamit sa paaralan ang mga
wika ng bata ay: nagkakawatak-watak
daw tayo dahil dito, at hindi raw ito
praktikal sapagkat napakarami nating
“diyalekto”. Walang pagkakaisa kapag
walang paggalang sa kultura at wika
ng bawat isa. May mapupulot tayo sa
karanasan ng Papua New Guinea. Ang
Papua New Guinea ang may
pinakamaraming wika sa daigdig,
umaabot sa mahigit sa 800. Subalit
hindi ito naging hadlang upang
makabuo ng materyales sa literasiya
sa saikatlo (1/3) ng mga wika nito.
Kung kaya nila, kaya rin natin.
Huwag na tayong lumayo. Ang
Lubuagan ay isang distrito ng Kalinga
na ang midyum ng pagtuturo para sa
mga araling pamprimarya kahit sa
agham at matematika ay ang lokal na

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 13

wika. Ang Tagalog at Ingles ay
itinuturo bilang mga asignatura.
Nagtutulungan sa proyektong ito ang
Kagawaran ng Edukasyon, ang
Summer Institute of Linguistics at ang
pamayanan ng Lubuagan.
Nakakagulat ang resulta ng pagsusulit
sa pagbasa sa sangay ng Kalinga
noong 2006. Ang mga mag-aaral ng
Lubuagan ay nagtala ng pinakamataas
na iskor sa English (76.5%) at Filipino
(76.44%), kumpara sa mga mag-aaral
ng mga distritong tinuruan sa
bilinggwal na sistema.

Paano natin pinahahalagahan ang
ating mga wika?

Ang una at pinakamahalagang
hakbang ay ang baguhin ang ating
saloobin sa ating mga wika. Ituring
nating yaman sa halip na pabigat ang
ating mga lokal na wika upang
mabigyan ng edukasyon ang ating
lipunan at mapaangat ang
pamumuhay ng mamamayan.

Kailangan natin ang isang wikang
pambansa pero kailangan din natin
ang ating mga lokal na wika at ang
mga wika ng lalong malawak na
talastasan (i.e. Ingles at Espanol). Sa
pamamagitan ng mga wikang ito,
nabubuo natin ang ating etnisidad at
kasabay nito ay nakikilala ang ating
pagka-mamamayan ng bansa at ng
daigdig. Natutulungan tayong mag-isip
nang global at kumilos nang lokal.

Ang katutubong mga sistema ng
kaalamang nakaimbak sa mga lokal na
wika ay nagkokomplemento sa ating
kaalaman sa agham at teknolohiya ng
Kanluran. Ang pinagsamang
kaalamang ito ay tumitiyak na ano
mang kaunlarang maidudulot nito ay
magiging pangmatagalan at
makakalikasan.
Ang ating mga bata ay may
karapatang matuto sa wikang kanilang

kinagisnan. Napatunayan nang sa
pamamagitan ng mga wika ng
tahanan at lokal na kultura ay
napapadali ang pagkakatuto ng bata
sa eskuwelahan. Nagsisilbi ring tulay
ang mga ito upang epektibong
makabisa ang ibang wika, gaya ng
ipinakita sa Lubuagan. Nagkakaroon
ng paggalang sa sarili ang isang mag-
aaral kung ang kanyang mga
karanasan at ang wikang ginagamit
niya sa pagpapahayag ng mga iyon ay
tinatanggap o kinikilala. Mula sa
kaalamang ito, ang bata ay natututo,
nakapagdaragdag ng bagong mga
konsepto at nakakabuo ng mas
malalim at abstraktong ideya.

Kasabay nito, ang ating mga
mamamayan ay dapat na mabigyan
ng pagkakataong matuto ng wikang
pambansa at ng ibang mga wika ng
lalong malawak na komunikasyon
gaya ng Ingles. Dapat silang mabigyan
ng pagkakataon na masubukan ang
kakaibang mga posibilidad na
ibinibigay ng ekonomiyang pambansa
at global. Ang dibersidad pangwika ay
hindi nangangahulugan ng kawalan ng
pagbabago sa katutubong kultura.

Sa pagpapahalaga sa ating unang
wika, napapahalagahan din natin ang
ating pangalawang wika, ang Filipino
at Ingles. Ito ay unang hakbang para
muling makontrol ng ating
mamamayan ang kanilang kapaligiran
at ang kanilang likas na karapatang
mabuhay.

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina/Larangan 14

Ang Filipinolohiya at
ang Isyu ng Filipino
Bilang Disiplina

ni Pamela C. Constantino

Ang papel na ito ay pagtalakay sa isyu
kaugnay ng sakop o saklaw ng
disiplinang Filipino at kabuluhan o
kaugnayan nito sa pagtuturo at pag-
aaral ng Filipino sa kalahatan.
Susubukin nitong linawin at talakayin
ang mga tanong na: isa bang disiplina
ang Filipino? Kung disiplina, ano ang
saklaw, metodohiya at lapit nito?
Saang kategorya ng pag-aaral ito
nabibilang—syensya, agham
panlipunan o humanidades?

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->