You are on page 1of 8

Talambuhay ni Gabriela Silang

Dati-rati tahanan lamang ang maaaring galawan ng kababaihan. Isang babaeng namuno sa digmaan ang lumabas sa nabanggit na kalakaran. Siya si Gabriela Silang. Ipinanganak si Maria Josefa Gabriela Silang sa Santa, Ilocos Sur noong Marso 19, 1731. Ang ama niya na isang magsasaka ay taga- Ilocos Sur at ang ina niya na isang maybahay ay taga- Abra. Sa di malamang kadahilanan, napawalay sa mga magulang si Gabriela bata pa lamang. Inampon at pinalaki siya ni Padre Tomas Milan. Beinte anyos si Gabriela nang sapilitang ipakasal sa isang mayaman subalit matanda ng manliligaw. Nang mamatay ang asawa ay naiwan kay Gabriela ang malaking kayamanan. Dumating sa buhay ng balo ang isang makisig, mabait at makabayang binata sa katauhan ni Diego Silang. Limang taon ding nanligaw ang binata bago napasagot si Gabriela. Noon ay may malaki nang problemang panlipunan ang mga Ilocano. Puwersahan silang pinagtratrabaho at sinisingil ng pagkatataas na buwis ng mga mananakop na Espanyol. Sapagkat taglay ni Diego Silang ang lahat ng katangian ng isang lider, siya ang naging puno ng mga pag-aalsa laban sa mga mananakop. Sa lahat ng labang pinamunuuan, kasa-kasama ni Diego si Gabriela sa pagtatanggol sa kalayaan.

Nang ipapatay ng mga kastila si Diego ay naiwang lungkot na lungkot si Gabriela. Pilay ang liderato ng mga Ilocano na nawalan ng isang matapang na pinuno. Si Gabriela, kasama ang mga kabig ay nagtatakbo sa Abra. Pamuling nakuha ng mga Espanyol ang Vigan. Kahit wala na ang asawa, hindi naduwag si Gabriela. Inisip niyang malaking responsibilidad ang pinasimulan nilang pag-aalsa. Kung tatalikod siya ay lalong malilibing sa kamatayan ang mga sundalo niya. Nagdesisyon si Gabriela. Itinuloy niya ang labang naiwan ng asawa. Si Gabriela na isang babae ang sumakay sa kabayong pandigma ni Diego. Upang maparami pa ang mga sundalo niya, nanawagan si Gabriela sa mga kababayang naninirahan sa bulubundukin ng Abra. Sa dahilang mapagkakatiwalaan siyang henerala, lahat ay lumabang kahilera niya. Kung naitindig ng asawa niya ang kaayaan sa Vigan, itinayo ni Gabriela ang kalayaan sa Abra na bayan ng kaniyang ina. Sa pagnanais na muling makuha ang Vigan, pinamunuan ni Gabriela ang pagsalakay sa mga kastila noong Setyembre 10, 1763. Sa kasamaang palad, ang 2000 kawal niya ay hinarap ng 6000 Kastila. Matapos makipagsagupaan, nagdesisyon si Gabrielang paatrasin ang humigit kumulang sa walumpung natirang kababayan. Bagamat talunan, hangang-hanga pa rin sa katapangan ng henerala ang bawat espanyol na dinigma niya. Nakatakbo sa mga kasukalan ng Abra hanggang sa lalawigang bulubundukin si Gabriela. Ngunit natunton pa rin siya ng mga Espanyol sa pamumuno ni don Manuel Arzaa. Isa-isang binitay ang mga sundalong Pilipino sa tabing dagat mula bayan ng Candon hanggang Bantay. Bilang taluktok ng tagumpay ng mga Kastila, ipimnamalita sa lahat ng publikong isasagawa ang pagbitay sa herala. Kalmadong hinarap ni Gabriela Silang ang kamatayan noong Setyembre 20, 1763.

Talambuhay ni Marcela M. Agoncillo

Kapag nakikita nating itinataas ang bandilang Pilipino sa tagdan, nagbabalik sa ating alaala ang dakilang Pilipinang namuno sa pagtahi nito noong panahon ng digmaan. Siya si Marcela M. Agoncillo. Ipinanganak si Marcela o Cela sa Taal, Batangas noong Hunyo 24, 1859. Si Francisco Marino ang kanyang ama at si Eugenia Coronel naman ang kaniyang ina. Nabibilang sa marangyang pamilya ang mga Marino. Bukod sa mayaman at maganda, aral sa kilos at pananalita si Cela. Sa Colegio de Santa Catalina siya nag-aral. Natutuhan niya dito ang mga kursong pantahanang kinabibilangan ng pagluluto at pananahi. Ang kahusayan ni Cela sa mga kursong ito ang naging daan upang siya ay maging punong mananahi ng bandilang ipinagawa sa kanya ni Emilio Aguinaldo. Ang kabuuang katauhan ni Cela ay pinangarap na maangkin ng maraming kabinataan. Isa na rito si Felipe Agoncillo na bukod sa makisig at mayaman ay matalinong abugadong tinitingala sa Taal. Ang katapatan sa inihuhulog na pagmamahal ang unang naging pamantayan ni Cela upang sagutin ang abugado matapos ang napakatagal na panahong panliligaw. Sinasabing matagal sapagkat huwes na si felipe Agoncillo nang iharap niya sa altar si cela. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng limang anak na babae na

pinangalanan nilang Lorenza, Gregoria, Eugenia, Marcela at Maria. Binigyang diin ni Cela na kailangang makatindig sa sarili ang mga anak niya na kung magsisipag-asawa ay di dapat umasa sa mamanahin sa pamilya. Si Cela ay hangang-hanga sa katapangan ng aaswa. Kapag pinupuna ni Felipe ang mga Kastila sa kawalan nila ng katarungan ay lagi at laging sumusuporta si Marcela. Katulad ng ibang Filipina, ang payo ng ama ay dapat pakinggan at ang anumang desisyon ng asawa ay dapat na igalang ng kababaihan. Ito ang naging panuntunan ni Cela nang nagdesisyon si Felipeng takasan ang deportasyon sa Jolo at mamalagi sa Hongkong bilang propagandista noong 1895. Hindi makakalimutan ni Cela ang lubos na pagmamahal ng asawa. Isang oras bago umalis ang barko nagsadya pa si Felipe sa kilalang Estrella del Norte upang ibili lang si Cela ng gintong pulseras na may palamutuing limang diyamante. Inakala ni Felipe na baka hindi na siya makabalik pa sa bansa niya at sa kaniyang pamilya. Naghintay lang ng kaunting panahon si Cela at naipagsama niyang sumunod ang mga anak sa bago nilang pakikipaglaban sa mga mapang-api. Ang tahanang itinindig ng mag-asawang Felipe at Cela sa Hongkong ay lugar na tagpuan ng maraming propagandistang suko sa langit ang galit sa mga Espanyol. Bilang resulta ng pansamantalang kapayapaan, Biak na Bato, noong Disyembre 1897, si Felipe at Cela ay nagsilbing punong abala sa pagdalaw ni Heneral Aguinaldo kasama ang apatnapung rebulosyonaryong Pilipino. Si Cela ay itinalaga ni Aguinaldo upang mamuno sa pagtahi ng pambansang bandila. Matapang na tinanggap ni Cela ang hamon ng punong rebolusyonaryo. Para sa batangena, isang malaking karangalan ang gumawa ng bandilang sagisag ng kalayaan na kumakatawan sa mga lalawigan ng Luzon, Bisayas at Mindanao. Ang nabanggit na bandila ay limang araw na tinahi sa tahanan ng mga Agoncillo sa 535 Morrison Hill sa Hongkong. Ang pagtahi ay pinamunuuan ni Cela katulong ang pinakamatanda niyang anak na si Lorenza at ng pamangkin ni Dr. Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad. Ang nabanggit na bandila ni cela ay bandilang iwinawagayway sa tugtog ng Marcha Nacional Filipina nang iproklama ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Ang nasabing bandila ang naging inspirasyon ng mga rebolusyonayro upang ipagtanggol ang inaapi nilang bansa. Namatay si Cela noong Mayo 30, 1946 sa gulang na 86.

Talambuhay ni Josefa Llanes Escoda

Isang tunay na girl scout si Josefa Llanes Escoda na nagbigay ng sarili alangalang sa ikabubuti ng kapwa. Si Josefa na lalong kilala sa tawag na Pepa ay ipinanganak noong Setyembre 20, 1898 sa Dingras, Ilocos Norte. Pinakamatanda siya sa pitong anak nina Gabriel Llanes at Mercedes Madamba. Mula sa pagkabata ay kinakitaan na si Pepa ng sigasig sa pag-aaral. Tinapos ni Josefa ang elementraya sa Dingras at ang hayskul sa Laoag. Upang mapalawak ang kaisipan, pinili niyang sa Maynila na magpatuloy ng kolehiyo. Nakilala ng mga kamagaral niya sa Philippine Normal College ang mataas na antas ng liderato ni Pepa. Dito niya tinapos ang Elementary Teachers Certificate na may karangalan. Beinte anyos lang si Pepa nang maulila sa ama. Upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang ina at mga kapatid, ipinagsama niya ang mga ito sa Maynila. Pinilit niyang matapos sa taong 1922 ang Secondary teachers Certificate sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa dahilang matalino at masigasig na estudyante, nabigyang pagkakataon siyang makapagturo sa isang kilalang kolehiyo at unibersidad sa kamaynilaan. Nang mabigyang pagkakataong magpalit ng bokasyon, pinili ni Pepang maging isang boluntaryong social worker sa American Red Cross (Philippine Chapter). Sa pagpapamalas ng sinserong serbisyo pulitiko ay nabigyan siya ng pagkakataong

makapag-aral ng social work sa Amerika. Taong 1925 nang ipagkaloob kay Pepa ng New York School of Social Work ang kaniyang sertipiko. Tinapos din niya sa taong ding yon ang Masters in Social Work sa Columbia. Sa Estados unidos ay naging kahanga-hanga ang aktibismo ni pepa bilang modelong Pilipino sa larangan ng internasyonalismo. Naniniwala siyang wala sa kulay ng balat ang husay ng isang tao kundi nasa layunin at gawa tungo sa ikauunlad ng daigdig. Sa tuwing naiimbitahan si Pepang magsalita sa International House na pulungan ng mga estudyante, lagi siyang nakadamit Pilipino na ikinahanga ng marami. Ang kaniyang kahusayang magsalita ay pinag-uusapan din ng lahat. Kagalang-galang na Pilipina ang dating ni Josefa. Sa pagbabalik sa pilipinas balik-turo si Pepa bilang propesora sa UP at UST. Naniniwala siyang wala ng dadakila pa sa pagiging guro kung saan nagagabayan ang kaisipan at kamulatan ng mga kabataan. Pinasok niya ang paglilingkod sa pamahalaan sa sumusunod na mga ahensya: Tuberculosis Commission ng Bureau of Health, Textbook Board ng Bureau of Public Schools at Board of Censors for Moving Pictures. Bilang kalihim ng General Council of Women, si Pepa ay nanindigan sa malawakang kalayaang dapat tanggapin ng kababaihan kalakip ng karapatan niyang maghalal at mahalal sa eleksiyong publiko ng bansa. Naniniwala siyang katuwang ng kalalakihan ang kababaihan sa lahat ng kalakaran. Ang kababaihan, ayon kay Josefa, ay hindi lamang dapat ituring na tagamasid lamang. Nang maging bukambibig sa malalayang bansa ang girl scouting, si Pepa ay ipinadala ng Pilipinas upang magsanay sa Amerika. Nang magbalik siya noong 1937 ay itinatag niya ang Girl Scout of the Philippines. Bagamat maraming problemang kinaharap si pepa sa pagtatatag ng organisasyon, inaprubahan ni Pres. Quezon ang Commonwealth Act 542 na nagtatalaga sa GSP bilang pambansang organisasyon. Sa ngalan ng serbisyo publiko, hindi makakalimutan si Pepa sa kaniyang mga nagawa. Siya ang nagtatag ng Boys Town para sa mga dahop na kabataang lalaki. Siya rin ang humingi ng mga pribilehiyo ng mga kababaihang manggagawa. Siya ang kumampanyang mabigyan ng mga benepisyo ang mga matatandang kumukuha ang adult education. Ang pinakataluktok ng serbisyo publikong ginawa niya ay naganap noong panahon ng digmaan.

Sumapi siya sa Volunteer Social Aid Committee. Isa siya sa mga palihim na tumulong sa mga bilanggong Pilipino at Amerikano na mabigyan ng pagkain, damit at gamot. Inaresto siya ng mga Hapon noong Agosto 27, 1944 at ikinulong sa Karsel 16 sa Fort Santiago. Tiniis niya ang lahat ng hirap alang-alang sa bayan. May nagsasabing inilabas si Pepa sa Fort Santiago at dinala sa far Eastern university na isa sa mga gusaling okupado ng mga Hapon. Sapagkat hindi na nakita pa ang bangkay ni Pepa, walang tiyak na nakapagsabi kung saang lugar siya pinatay. Isang bagay lamang ang natitiyak ng mga Pilipino na nagdusa si josefa Llanes Escoda alang-alang sa mga kababayan at sa bansang kanyang pinarangalan at pinaglingkuran.

You might also like