You are on page 1of 4

ROGELIO SIKAT

TALAMBUHAY NI ROGELIO SIKAT


Isinilang noong 1940, Rogelio R. "Sikat" Sicat iniwan niya ang San Isidro, Nueva Ecija noong 1950's para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging campus writer at literary editor ng The Varsitarian , tinuloy niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na pioneers ng Philippine literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga "Western writers". Ang mga gawa ni Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literature natin at nagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na Liwayway. Nakakuha siya ng parangal sa Palanca awards noong 1962, at noong 1965 lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto , sumunod sa mga magagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya sa literary history bilang fictionist, playwright at professor, at ang pagiging dean sa University of the Philippines Diliman. "Impeng Negro" at "Tata Selo", parehong gawa ni Sicat na isinadula sa isang pelikula, ay ilan lamang sa mga ginawa ni Sicat. Ang iba pa niyang mga gawa ay: Dugo sa Bukang-Liwayway , Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , at ang dula "Moses, Moses". Namatay si Sicat noong 1997, pero pinarangalan sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng National Book Award noong sumunod na taon para sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J. Pomeroy na pinamagatang: "Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas."

Sa Lupa ng Sariling Bayan Tagpuan: San Roque, Quezon City, San Fernando, Tauhan: Layo - Atty. Pedro Enriquez - Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na Amain na kapatid ng kanyang Ama. - Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod. Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio Ising - Ang asawa ni Layo Fe - Ang Anak ni Layo at Ising Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag ampon sa kanya. Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay -ari ng isang poultry. Buod: Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya't Inampon ito ng kanyang tiyuhin na si Tata indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang Amain. Kaya't siya'y nagsumikap Na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon City. At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak. Sa kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa san roque kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito sa kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay Layo. Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin Inilibing. Simbolismo:

Katanyagan at kayamanan Ang sumisimbolo sa akdang ito. Marapat lamang na matuto tayong lumingon sa pinaggalingan kahit na saan man tayo makarating. Anumang pait ang nakaraan. Layunin ng Awtor: Layunin nito na kung anuman ang naranasan natin noon sa mga taong umalipusta at umulila sa atin ay dapat matuto tayong magpasalamat at patawarin sila. Sapagkat kung hindi nila ginawa iyon ay hindi tayo makararating kung anuman tayo ngayon. Kung hindi natin naranasan ang ipinaranas nila sa atin ay hindi tayo lalago at matututo. Kakintalan: (Impresyong iniwan ng mambabasa) Sa bawat takbo at yugto ng buhay ay ikaw ang gumagawa. Kaya't marapat lamang itong pagbutihin at dapat ay maging handa sa lahat ng pagsubok na haharapin. Pagsusuri: Sa akdang ito, nararamdaman ko ang impresyon ni Layo na parang gusto niyang maghiganti sa mga taong nagpahirap sa kanya. Gusto niyang ipamukha sa kanila na "Heto nako Ngayon" Ngunit hindi niya ito magawa dahil kahit papaano ay utang parin niya sa kanyang Amain ang kanyang buhay sa pagkupkop sa kanya. Ginawa na lamang niya itong inspirasyon upang umunlad ang kanyang buhay.

Ano ang maikling kwento?


Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Ano ang teoryang eksistensyalismo?


Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito [dahil] utak ang nagpapagana sa tao. Tao ang pangunahing nilikha sa mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at magdesisyon, hindi gaya ng hayop at ibang nilalang. Pesimismo ang pangunahing kakambal ng teoryang ito sapagkat sa napakalaking responsabilidad ng tao, iniisip niyang hindi niya ito magagampanan at maisasaayos. Kinakailangang paganahin ang utak sa pagkatha ng anumang uri ng panitikan, at kinakailangan din ang utak upang maunawaan, masuri, at mabasa ang anumang magiging kayarian o kahihinatnan ng isang akda.

You might also like