You are on page 1of 7

MGA BABAENG BUMIHAG SA PUSO NI RIZAL

Segunda Katigbak --- ang unang nakakuha ng atensyon ni Rizal. “Miss K” ang tawag sa
kanya ni Rizal. Labing apat na taon siya at labing anim naman si Rizal noong una silang
magkatagpo.

Leonor Valenzuela --- “Orang” ang bansag sa kanya ni Rizal. Nakilala siya ni Rizal nang
manirahan ito sa Intramuros noong siya ay nasa ikalawang taon sa kolehiyo.

Leonor Rivera --- siya ang sinasabing pinakaminahal ni Rizal. “Taimis ang ginamit
niyang pangalan sa mga sulat ni Rizal, upang maitago ang relasyon nila sa mga
kapamilya at kaibigan dahil sa magpinsan sila ni Rizal.

Seiko Usui --- tinawag siyang O-Sei-San ni Rizal. Isa siyang haponesa at doon sila
nagkakilala ni Rizal. Ginamit nila ang wikang Ingles at Pranses upang magkaintindihan.

Gertrude Beckett --- “Gettie at Pettie” ang tawagan nila ni Rizal. Siya ang
pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Sa kanila umupa ng kwarto si Rizal noong siya
ay nasa London.

Nelly Boustead --- una niyang nang katipan si Antonio Luna subalit nang umalis ito ay
napalapit siya kay Rizal.

Josephine Bracken --- isang Irish na nagtungo sa Dapitan kasama ang kanyang ama-
amahan upang ipagamot ang mata nito kay Rizal. Nagkaibigan sila subalit walang
gusting magkasal sa kanila hanggat hindi nagbabalik loob si Rizal sa simbahan.

leonor rivera
palayaw:
iba pang impormasyon ukol kay leonor rivera

leonor Valenzuela
palayaw: Orang
iba pang impormasyon ukol kay leonor Valenzuela

Sa pag-aaral ni Rizal ng medisina ay tumira siya sa bahay ni Donya Concha Leyva.


Malapit sa lugar na iyon ang bahay nila Juan at Sanday Valenzuela na may anak na
dalaga na si Leonor na kilala sa palayaw na Orang.

Si Leonor ay matangkad na babae na kasing-taas ni Rizal. Dahil sa aking taglay


na ganda ng dalaga, si Rizal ay humanga. Madalas silang namamasyal ng binata sa
kanilang lugar. Niligiwan siya ni Rizal sa pamamagitan ng mga liham na isinulat sa
inbisibol na tinta na ginawa niya buhat sa pinaghalong asin at tubig. Mababasa lamang
ang anumang nakalagda kung itatapat ang papel sa liwanag ng kandila o lampara. Sila ni
Rizal ay naging magkasintahan sa sandaling panahon lamang.
nelly boustead

makisig, matangos na ilong, baba at bibig na katulad sa


kanyang lolo

palayaw: nelly, Nellie

lahi: anglo-pilipino

lokasyon: paris

iba pang impormasyon ukol kay nelly

Hilig:

fencing, magbasa

Iba pang katangian:

palaisip at relihiyosa, palaging pinangingibabaw ang dangal, intelektuwal, at may sariling


desisyon

minamahal ni antonio luna si nelly

nagkakaroong ng di unawaan si rizal at nelly ukol sa paniniwala ni rizal sa relihiyon dahil


sa protestante si nelly.

nang magsabi si rizal kay ginoong boustead ay hindi ito tumutol at ibinigay pa ang
kanang suporta

pinilit ni nelly na maging isang protestante si rizal ngunit di niya ito pinagbigyan, sa
bandang huli ay naghiwalay rin silang magkaibigan

josephine bracken

may anyong europeang-europea maliban sa taas na limang talampakan at kalahating


pulgada lamang
edad: 14 taong gulang

palayaw: binibining K.

lokasyon: dapitan

inang bayan: hongkong

iba pang impormasyon ukol kay josephine

nagpunta si josephine bracken sa dapitan para ipagamot ang mata ng kanyang ama-
amahang si george. sa unang pagkikita ay nabighani na si rizal kay josephine at ganoon
din si joephine kay rizal. sa loob ng isang buwang pananatili ni G toufer at josephine ay
nagpasya si rizal na pakasalan si josephine.

si josephine ay anak ni james bracken, isang sundalong naglilikod bilang private


sa 28th regiment of foot at ng isang babaeng intsik. nang mamatay ang tunay na asawa
ni james ilang araw matapos isilang si joephine ay ipinarehistro niya ang bata bilang
lehitimong anak. ngunit dahil sa di niya kayang alagaan ang bata ay ipinaampon niya ito
sa magasawang Taufer.

seiko usui

mahinhin, maganda, kabigha-bighani, at matalino

palayaw: o sei san

edad: 23 taong

namatay: sa edad na 80 noong May 1, 1947

iba pang impormasyon ukol kay osei-san

Nagsimula ang pag-iibigan nina Rizal at Seiko nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng
Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Nakita ni Rizal ang isang magandang babae na
dumaan sa harap ng gate ng Legasyon. Hindi niya alam kung paano niya makikilala ang
babae kaya ang ginawa niya ay nagtanong-tanong siya sa mga empleyado at sinabi ng
isang hardinerong Hapon na Seiko Usui ang pangalan ng babae.nang sumunod na araw
ay hinintay ni Rizal si Seiko, nagpakilala siya dito at tinanggal ang sumbrero. Ito kasi ang
naging kaugalian ng mga Aleman. Medyo mahina si Rizal sa Niponggo kay tinutulungan
siya ng hardinero na magpakilala. Sinabi ng hardinero na isa siyang manggagamot na
galing sa Maynila at bisita ng Legasyon. Humanga si Seko kay Rizal dahil sa
pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang Niponggo ay pinipilt niya
para lang makausap siya kaya ang ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang Pranses
at Ingles. Simula noon ay araw-araw na silang nagkikita at tinawag ni Rizal si Seiko na O-
Sei-San. Madalas silang mamasyal at sinasabi na ang nagbuklod kina Rizal at Seiko ay
ang sining. Nakita rin ni Rizal kay Seiko ang katangian na hinahanap niya sa isang babae
mahinhin, maganda, kabigha-bighani, at matalino. Ang nagustuhan naman ni Seiko kay
Rizal ay ang pagiging maginoo, may dignidad, matapang, at maraming talento na tao.
Bukod sa pagiging magkasintahan ay naging tutor din ni Rizal si Seiko sa wikang
Niponggoat gumagabay sa kanya sa pag-oobserba sa mga Village at Shrine sa Tokyo.

Pagkaalis ni Rizal naiwang bigo sa pag-ibig si Seiko. Nagluksa siya sa pagkawala ni


Rizal. Taong 1897 pagkatapos ng mahatulan si Rizal, nagpakasal siya kay Ginoong Alfred
Charlton, isang guro. Ngunit namatay din ito noong Nobyembre 2, 1915.
Namatay si Seiko sa edad na 80 noong May 1, Doon na sana titira sa Tokyo si Rizal dahil
bibigyan siya ng trabaho ng Legasyon at makakasama niya pa si Seiko subalit mas pinili
niya pa rin ang misyon niya sa pagpapalaya sa Pilipinas. Bago umalis si Rizal ay sumulat
siya sa diary. Napakaloob dito na hindi niya makakalimutan ang mukha ni Seiko sa
kanyang isip at binabanggit niya pa rin ang pangalan nito, ayon din sa kanya ay walang
ibang babae na nagmahal at nagsakripisyo sa kanya tulad ni O-Sei-San. Umalis si Rizal
na mabigat ang loob, bumalik sa Europa para sa isang misyon at sinakripisyo ang sarili.
nilibing siya na katabi ang asawa sa Zoshigawa Cemetery.

• isa siya sa mga pinakakilalalng babae na naging bahagi ng buhay ni rizal


• nagustuhan ni rizal ang bansang hapon ng labis dahil sa magandang tanawin, mga
bulaklak, mga punong kahoy at ang tahimik, magalang at laging handang
tumulong na mamamayan

bahagi ng tala ni rizal:

"wala pang ibang babaing hihigit na nagmahal at nagpakasakit para sa akin kagaya ng
iyong ginawa; paalam, paalam. hindi mo na malalaman na ang larawan mo ay mananatili
sa aking isipan... kailan kaya magbabalik ang matatamis na araw na pinalipas ko sa
iyong piling"

segunda katigbak
edad: 14 taong gulang

palayaw: binibining K.

lokasyon: London

iba pang impormasyon ukol kay segunda

Ang unang pag-ibig ni Rizal. Sa gulang na 16 na taon, pagkaraan ng pag-aaral sa Ateneo,


nagsimulang umibig si Rizal sa isang dalagang 14 na taong gulang taga-Lipa, Batangas.
Ang dalaga ay kaibigan at kasama sa inuupahang bahay ng kapatid ni Rizal na si Olimpia
na ang-aaral sa kalehiyo ng La Concordia. Ito ang pag-ibig sa unang pagkikita at ito rin
ang kauna-unahang pagkabigo sa pag-ibig ni Rizal sapagkat ang dalaga ay nakatakda ng
ikasal sa isang Manuel Cruz.

gertrude beckett

asul ang mata

palayaw: tottie

lokasyon: London
inang bayan: chalchott crescent, london

pinanganak sa: south london

iba pang impormasyon ukol kay Gertrude

Ang Haligi ng Tahanan na si Charles Beckette pinanganak sa south London distrito ng


Blackfriars, 36 taong gulang, isang (civil servant) *government employee* isang
pampublikong manggawa at isang boluntayo bilang isang tagatugtog ng organ sa
simbahan. Ang St. Paul di kalayuan sa Chalcot Cresent, malapit sa Swiss Cottage at ang
isa naman ays a Camden square.

Ang iLaw ng tahanan na c Georgina beckette ang asawa ni charles galling sa


maliit na bayan ng Ely sa Cambridgeshire,at duon nagsimula ang kanilang
pagmamahalan at duon nagpakasal at bumuo ng pamilya. Ipinanganak sina Gertrude at
Blanche ang dalawang nakakatanda at ang huli ay si Ely.

Labing walong taon si ‘Gettie’ nuon ng humanga sa isang Filipino na nangungupahan sa


kanilang paupahan. Pero si rizal ay agad lumisan papuntang Paris upang pigilan ang
nararamdaman kay Gettie, para ipagpatuloy ang kangyang mga Gawain para sa
pilipinas, iniwanan niya dito ang Group carving upang tanda ng kanilang sandaling pag
iibigan.

Labing pitong taon nama si Blanche o “sissie” nuong panahong iyon.

Nandito ang halimbawa ng Liham ni Gettie kay Rizal o Pettie:

Aking Ginoong Rizal:

Wag mo sanang isipin na akoy isang suplada o makakalimutin sa hindi sa


pagsagot sa sulat mo nung nakaraan,pero sa totoo lang hinihintay kong masrinig
sayo,hindi ko alam kung natanggap mo ang kahon sa mabuting kalagayan, hindi ako
sigurado kung tama ang address, dahil ikaw ay palipat-lipat: natutuwa ako g kaunti dahil
ditto, sana ako’y kasama mo, sana meron tayong isang maliit na silid at hindi tama ang
paglipat lipat ng walang pahinga.

Nangamba kaba ng hindi mo natanggap ang unang liham ko sayo? Binalik ko to


nung sumunod na araw, nakakatuwa hindi ba? Pagkatapos ng mahabang panahon
sumulat ako ng direkta pag kaalis mo,kaya ito’y natanggap mo kinabukasan ng umaga.
Oh! Ako’y malungkot nuon; Hindi maiwasang sumulat sa iyo, walang nakakaalam nitong
ginagawa ko. Maraming salamat sa pagpapadala mo ng Fashion paper pero wala akong
nakitang magandang kasuotan, ni’kalahati nito ay hindi kasing gandan n gaming mga
fashion o kasuotan naming ito. Tanggap nila ang mga bust na gawa namin? pero
syempre oo, magaganda ang gawa mo hindi nila mapagkakaila yun…

Julia

nakilala ni rizal noong: abril 1877

nakilala ni rizal sa: ilog dampalit, losbanos, laguna


labing anim na taon na taon si Rizal ng makilala ang dalagita

iba pang impormasyon ukol kay Julia

sa pagkakatayo ni rizal sa may dalampasigan ay napagmasdan niya ang maraming


kababaihang nagsisipaggugo ng kanilang mg aulo. isang magandang dalagita ang nakita
ni rizal na lumabas mula sa malalagong halaman. ang dalagang narinig ni rizal na
nagngangalang julia ay nagsabi sa kanyang lola na nais niyang manghuli ng paru paro
bago umuwi ng kanilang bahay. dahil sa narinig ay nagpakitang gilas si rzal sa paghuli sa
paru paro ngunit nakawala ang paru paro. sinikap nyang makahuli ng paru paro at
ibinigay ito sa dalaga. nagkakilala sila ng dalaga at inihatid ang mag lola sa kanilang
bahay sa los banos laguna. subalit tulad ng ibang kabataan, ang paghangang kanyang
nadama ay agad na nawala ng makilala ang dalagang taga-lipa, batangas.

Bb. L

iba pang impormasyon ukol kay Bb. L

si binibining L ay higit na mas matanda kaysa kay rizal at pinaniniwalaang guro ni rizal
na si Jacinta Ibardo Laza. nakatira si Bb L sa bahay ni Nicolas regalado na kaibigan ni
Rizal. madalas dalawin ni rizal si Bb L ngunit ang puso nya ay para kay segeunda
katigbak. natigil lang ang pagdalaw nya dito ng pagbawalan siya ng kanyang ama.

consuelo ortega y perez

lahi: kastila

lokasyon: madrid

iba pang impormasyon ukol kay Consuelo

nang umalis si rizal sa pilipinas, nakatagpo niya sa nmadrid si consuelo. bagama't hindi
maliwanag kung nagkaroon ng unawaan o umibig si rizal sa babaing ito, ito ay
pinaghandugan niya ng isang tula na " sa iyo, Bb. C.O. y P.". sa kanyang tala arawan
naman ay isinulat ni xonsuelo ang alaala ng araw na si rizal ay tumigil sa tahanan ng
kanyang magulang. ang huling pangungusap na isinulat ni consuelo ay "ang araw na
lumipas ay isa sa mga araw na lagi na'y manantili sa aking alaala".

You might also like