P. 1
WALANG SUGATscript

WALANG SUGATscript

|Views: 859|Likes:
Published by Ara Princess Olamit

More info:

Published by: Ara Princess Olamit on Oct 12, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/09/2012

pdf

text

original

WALANG SUGAT

1 Tagpo Setting : sala Julia at mga boradora *Kapag tumibok ang puso *back lights 678 *front 123 II TAGPO *CONSTANT LIGHTS (Tenyong at Julia…) Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo… Julia: Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya. Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay… Julia: Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo. Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na kay puti ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang. Julia: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko. Tenyong: (Nagtatampo) Ay!… Julia: Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod. Tenyong: Masakit sa iyo! Julia: (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig! Tenyong: Ay! Julia: (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin. Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit… Julia: Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay! Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko. Julia: Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan… Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio N. Narciso, at F. ay Flores. Julia: Namamali ka, hindi mo pangalan iyan. Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga? Julia: Sa Among! Iya'y iaalay ko sa kanya ngayong

kaarawan ng pasko. Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra'y A, N, at F? Julia: Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle. Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin ng tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko. Julia: Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita). Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay… sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban). Musika No. 2 Julia: Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan. *PANALANGIN bg music (Lalabas si Juana). III TAGPO *CONSTANT LIGHTS (Tenyong, Julia, at Juana mamaya'y Lukas) Salitain Juana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong) (Lalabas si Lukas) Lukas: Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…! Tenyong: Napaano ka, Lukas? Lukas: Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria. *INTENSITY MUSIC Tenyong: Diyata dinakip si Tatang? Lukas: Opo Tenyong: Saan kaya dinala? Lukas: Sa Bulakan daw po dadalhin. Tenyong: Tiya, ako po'y paparoon muna't susundan si Tatang. Juana: Hintay ka sandali at kami'y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas). *OFF ANG BACK LIGHTS 678 Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay may katumbas na matinding dusa! Mandaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, na

0:Kung hindi man mason. (magsisihalik sa kamay) Rel. Marcelo: Hindi po ako kabayo.0:Samakatuwid ay limang beses 25. maraming palo ang kailangan. hindi. ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. at makalimang 125. datapwa't nang maguumaga po ay pito lamang. si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.0:May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon? Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid. Masamang tao iyan. among. parito kayo. isang linggo na pong paluan ito. ngayon po'y lima ng kaban. Relihiyoso 2. dalhin dito si Kapitan Inggo. hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing. ang rasyon na sinasabi ko sa iyo na dagdagan. at ang Juez de Paz.4:Si.sa sandaling oras ay kusang lumilipas. eh! Relihiyoso 1. among Rel. Dadalhin dito. *LIGHTS OFF *PLAY TRANSITION MUSIC *CHANGE THE BACKDROP IV TAGPO *CONSTANT LIGHTS (Bilangguan sa Bulakan. among . Relihiyoso 1. sapagka't kung siya sumulat maraming K. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo. Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo. Putin: salamat po. si. salamat po . Relihiyoso 2. Relihiyoso 1. maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas). Marcelo: Salamat po. ay ang pagkain. at isang linggo po namang walang tulog sila! Relihiyoso 2.0:Marcelo. Marcelo: Hindi sila makakain eh! Relihiyoso 1. ha? Marcelo: Opo. si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin. nagitgit sa pagkakagapos.0: Kapitana Putin.mana dalaw.0:Kahapon ilan ang namatay? Marcelo: Wala po sana. na lahat ng C pinapalitan ng K. Sinabi ko sa alkalde na huwag nang papaluin. si Kapitan Miguel. huwag nang ibibilad at bigyan ng mabuting tulugan. na si Kapitan Inggo ay arawaraw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong.0:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin. at tinutuluyan uli ng limang kaban. cogeremos el tren en la estacion de guiguinto .0:Hindi ko sinasabing kabayo ikaw. Marcelo huwag mong kalilimutan. mabuti. marahil filibustero. 2: ya lo creo que va mal . kundi.0: Ah. Relihiyoso 1. mabuti mamatay siya. among.0:Hindi man. ay huston 526 (binibilang sa daliri). among Relihiyoso 1. habeis traido el dinero para el Gobernador? Relihiyoso 2. at makalima po isang araw. es necesario decir al general que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincial.3. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo. Relihiyoso 1. (mgsilabas ang mga dalaw) Tagpo V *CONSTANT LIGHTS Rel. hemos traido.0:Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa. among! Relihiyoso 1. porque esto va mal. 1: (sa mga relihiyoso) Despues de ver el Gobernador … a Manila. Rel. kung isulat niya ang kabayo may K. Putin: opo. ay daragdagan ng rasyon. Marcelo: Opo. ngayon makikita mo na ang tao mo. Marcelo: Hindi po makalakad. ha! Marcelo: Dati po'y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan.0: Dalhin dito pati ang papag. at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. maraming tao ito… Marcelo: Mason po yata. at huwag bibigyan ng mabuting tulugan. (Sa mga kasama niya) Companeros. 1: Kapitana Putin. Kaawa-awa naman sila. patyo ng Gobyerno. among! Relihiyoso 1. Relihiyoso 2. si Kapitan Piton.0:Mabuti. 1: kami ay pupunta muna sa gobernador upang pakawalan na ang mga bilanggo. SALITAIN Relihiyoso 1.0:Marcelo.0:Bakit ganoon? (gulat) Marcelo: Dahil po. duro que duro awa-awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo. at ang dalawang braso po'y litaw na ang mga buto. Relihiyoso 1. cabayo K. Relihiyoso 1.0: Tonto. Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).

tatang . huwag mong pabayaan ang inanag mo! Putin.. ng sugat ay maghilom ng tuluyan. mga kababayan! Ako’y inyong patawarin. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila .hi.. ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari. ikaw po’y ititihaya ko nang di mangalay Inggo: huwag na anak ko . ay Putin ... Putin: Inggo ko . inang. hindi yata ako makasasapit sa atin . Huwag po kayong maniwalang pakakawalan nila si tatang bagkus ay kanilang papatayin pa ng tuluyan! *sarili* kung nababatid lamang ng mga taong ito ang pinaguusapan ng mga lilo! Nakalulunos ang kamangmangan! (ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa papag na makitid) Putin: Inggo ko! Tenyong: Tatang! Juana at Julia: kaawa-awa naman! Tenyong: mahabaging langit! *BACKGROUND MUSIC IN PAIN Tenyong: tatang. Julia: wala na kong maitututol bagkus ay itong medalya ay baunin. tingnan mo’t naghihingalo . nangagngatal ang buo kong katawan ! nagsisikip ang aking dibdib ! hindi ako maka. lurayluray na angkatawan . Huwag mo siyang iwanan. tatang . Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? *DEATH MUSIC PLAYING Tenyong: ang dalawang braso’y gitgit na ang laman. a fusilar (lalabas ang mga pari) Tagpo VI *CONSTANT LIGHTS Putin: Tenyong. (himatay. ang mga kamay pong nananakit ng kapwa ay hindi dapat hagkan.All Rel. Tenyong: huwag ng mangamba Julia: puso ko ay nahahapis Tenyong: huwag ng matakot.. masdan mo po at masama ang lagay ni tatang . amang kong ibig. Suotin mo ng ikaw ay mailigtas sa panganib. Aalis na ako. Pangako ko ay dapat tuparin. Naglabas ang buto sa mga tinalian. Tenyong: Inang. bakit hindi ka humalik ng kamay sa Among? Tenyong: Inang. Lipos na ng sugat ang buong katawan. PUTIN Tenyong: Inang! Langit na mataas ! (lalayo kasama ang mga lalaki) Tenyong: mga kasama. panahon na . Juana-Julia . Adyos mga kaputol ng dibdib. Inggo Tenyong: Patay na! (iiyak ) Tagpo VII *CONSTANT LIGHTS Putin: tenyong.: si. Naluoy na yata ang puso ng mga kastila. At ikaw irog ko ay itatago sa aking puso. (lalabas) *MAGHIHINTAY SA’YO MUSIC *LIGHTS OFF *TRANSITION MUSIC *CHANGE THE BACKDROP TO BAHAY . pahatid agad sa aking kandungan. ang kaluluwa ko’y inihain ko na sa Bathala. JUANA. Ah! Kapag namatay ka. Asahan mong igaganting pilit. hindi na maari . Tenyong: ipagpatawad mo Julia pero alam kong maiintindihan ako ni inang. kay sama mong bata. dadaluhan nina Julia) *EXIT JULIA. Wala na akong dapat ipag-alala Julia: oo nga tenyong. Nakahahambal..o. magsisihanda kayo . Sa Diyos ako’y nanalig..nga. lalaban tayo sa kasamaan ng mga dayuhan ! lalaban tayo para sa inang bayan! isang lalaki: para sa bayan! Lahat: para sa bayan ! (aalis na ang mga lalaki) Julia: tenyong! Tenyong! Tenyong: Julia! Julia: hindi mo dapat iwanan ang iyong ina sa kahapis-hapis na anyo. Lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali. Aming tutubusin ang naaliping Inang Bayan.. isa sa kikitil. tayo’y maghihiwalay ng walang pagsala! Bunso ko. Kung ikaw irog ko ay masaktan. si a fusilar .. Tumugtog na ang oras upang bumangon at lumaban ang mga naapi! Tama na ang tatlong daang pagpapaalipin natin sa kanilang kasakiman! Gaya ng aking mga kapatid na naghihintay sa akin ngayon.... ako ay lalaban. Kahit na ano ang aking masapit. Julia: ako’y iiwanan? Bumalik ka agad nang paglisan mo’y di ikamatay Tenyong: Juliang aking sinta! Julia: o tenyong ng buhay! (tatalikod) Tenyong: (aanyong aalis) kaawa-awa! (tuluyang umalis) Julia: (biglang lingon) te ! umalis na .. ngunit kailangan ka niya bilang anak ngayon. sa ulo ng prayle. Mas Kailangan ako ngayon ng Inang Bayan.. Tenyong: nariyan ka Julia para sa aking ina.

Juana. Teban: Siya nga.Teban:wala iyon. Sabihin mong hihintay ko siya. ulilang inaampon ko. ang marunong pumili. Julia:Adyos po. di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka..Teban:ah. kamusta ang buhay? Juana: mabuti po.Teban: oo nga. tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin. pumaroon ka kay Lukas.Among. Itong si Miguel ay di marunong mangusap. ngayon nga. sa isip na ngayon! Julia: ako po’y hindi susunod sa masamang kalakaran ng panahon.Tagpo VIII *CONSTANT LIGHTS (bahay ni Julia) Juana: Julia. Miguel. at nagmumula sa mayamang angkan. Miguel: Ay! Aling Julia… ay…ma…ma… malapit na po… Julia: Alin po ang malapit na? Miguel: Ang…ang…ang… Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tadeo: Miguel. mga patay at hindi na dinadapit. marunong kang pumili Miguel Tadeo: ako . Julia ko! Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na "ay"? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo? Miguel: Sinabi ko pong malapit na… Tadeo: Malapit na ang alin? Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh. Juana: (lalabas) aba. Tatawagin ko po. wala nang pamisa. Juana: Totoo po ba ang sabi mo. Juana: Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga? P. noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami'y alipin ng mga prayle. Nasaan si Inang mo? Julia: nariyan ho sa loob. narito pala ang among! Mano po. bagkus ay pakikinggan ko ang udyok ng aking puso. Juana. Juana. Adyos Juana. Adyos Julia. Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa. Among Juana: (hahalik sa kamay) (lalabas) . ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle. among? P. Mabuti na ang kristiyano kaysa mapunta ka sa isang moro. P. P. tayo na't nagkayari na kami ng kaniyang ina. among. Teban: (palakpak) mabuti ang pagkanta mo Julia datapwa’t napakalumbay Julia: (gulat) patawarin po ninyo at hindi ko nalaman na kayo’y nagsirating P. Teban: Kaya. (aalis) Julia: *moro yata si Tenyong! XI *CONSTANT LIGHTS Julia:monicaaaaaaaa .Teban: magandang bata si Julia . bakit hindi mo masunod sunod ang aking hiling. ito rin nama’y para sa ikabubuti mo. bugtong anak. Juana: Julia tila may kinalulugdan ka ng iba Julia: wala po! Juana: kung wala.Teban. hindi ko po nasagutan… Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige. kung sa bagay ay kami na ang namamahala. Monica: opo (aalis) X (P. P. Ano pa ang hihilingin mo? Julia: wala po akong magagawa kung hindi siya ang tinitibok ng puso ko Juana: anong tinitibok ng puso? Hindi na sa puso inilalagay ang pagmamahal. tenyong niyaring pag-ibig Diyata’t ako’y iyong natiis Na hindi mo na sinilip Sa ganitong pagkahapis.) Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang? Tadeo: Ano ba ang sinabi mo? Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay. tayo na po’t nang ika’y makapagkumpisal Juana P. Madali ka . maghanda pagkat paparating na si Miguel at ang kanyang ama Julia: kung pupunta po sila ay di kausapin mo po! Juana: bakit ba ganyan ang sagot mo? Julia: wala po! Juana: ano ba ang inaayaw mo kay Miguel? Julia: wala po Juana: hindi naman siya pangit. tayo na't baka ka pa mahalata… among. Teban: Masama. Tadeo) Julia: O. monicaaaaaaaa! Monica: poooo! Julia: halika . among Tadeo: (kay Miguel) lapitan mo Miguel: baka po akong murahin ah! Tadeo: Bakit ka mumurahin? Juana: Kumusta po naman kayo. talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap. *MELODRAMA BG MUSIC *FREESTYLE DELIVERY P. mabuting tao. wala naman kaming kinikita.

bata at matanda ay huwag lalapastanganin. . Una – madaliin natin ang paglisan sa pook na ito . At ikaanim – ang may mga sugat kahit na kaaway ay ampunin. Alam mo ba kung nasan naroroon si Tenyong? Lukas: hindi po. wari’y may iniisip na malalim Sarhento: ngunit kung may laban na ay nagagalak at sumisigla! Tenyente: May tagabayan pong nais kumausap sa Kapitan. kapitan tenyong ( dudukuton sa dibdib ang isang talata) tawagin mo ang sarhento at ipabasa ang nalalaman dito. Napakahirap at nakakatakot po ang napagdaan ko bago ako nakasapit ditto. Ngunit kung kailangan po ninyo’y aking mahahanap. at pagpapatayin ang mga pari na siyang mga masasamang lipi. Tenyong: Ano ba ang nangyari sa iyo? Nahulog ka bas a kamay ng mga kaaaway? Lukas: kaaway po’t hindi kaaway ay bumugbog sa akin. ang kapitan natin ay hindi na sumaya Kabo: siya nga. tipunin ang mga kawal at basahin mo itong tagubilin ngating Heneral Sarhento: makining ang lahat at sisimulan ko na ang pagbasa sa tagubilin ng ating pinuno. Tenyong: At bakit? Lukas: Nagkalamug-lamog po ang katawan ko. Iniwan nang sukat itong bayan. tuloy ka. Ikalima – ang mga hindi tagarito at di kastila ay pagpalain. Kung wala na po kayong iuutos ay lalakad na ako Julia: wala nang iba lukas. ikalawa – lulusubon sa araw na tio ang mga natitirang tahanan ng kaaway. Ikatlo – ang mga kombento ay sasalakayin. Mag-ingat at magbalik ka agad. kung mababasa natin ang destakamentong iyan ay malilisan na natin ang kaparangan? Heneral: oo. Lukas: Kapitan Tenyong! Akala ko po’y hindi ko na kayo makikita! Matagal na po akong naglalakad ay wala pong makapagturo sa akin kung nasaan na kayo. (aalis lukas) *LIGHTS OFF Tagpo XII Kabo: talagang may pusong bayani (lalabas si Tenyong at Heneral) Heneral: Kapitang Tenyong. Tenyong: sarhento. magsabi ka po’t ako’y natatalaga Julia: salamat lukas! Ibig ko lamang ay ihatid mo sa kaniya ang sulat na ito Lukas: asahan niyo pong makakarating sa kaniyang mga palad. ikaapat – ang mga babae. Ibalita sa kanila na dito ay wala nang mga kastila. ang nasa dakong kaliwa ng huling burol na lamang ang natitirang tahanan ng mga kaaway Tenyong: samakatuwid po aking heneral. Tagpo XIV *CONSTANT LIGHTS *CONSTANT LIGHTS (singing of Bayan Ko) *LIGHTS OFF *TRANSITION MUSIC *CHANGE THE BACKDROP TO KKK Tagpo XIII *CONSTANT LIGHTS Sarhento: Kabo Menes .*LIGHTS OFF Tagpo XI *CONSTANT LIGHTS (lukas at Julia) Lukas: magandang araw po! Julia: Lukas.) Tenyong: Lukas! Mabuti natutuhan mo itong amin. Heneral: Paparituhin( papasok ang dalawa at lalabas si Lukas na may hawak na kalatas.

sumigaw po ako ng “KATIPUNAN!” Pinaghahampas po ako ng baril at ako’y pinagpapapalo.*** . ay taus-puso na po akong nagpapasalamat sa inyo. ngayon din ay sasagutin ko ang sulat na hatid mo. malayu-layo) (lalabas ang Heneral) *PUTUKAN MUSIC PLAYING Heneral: Kapitan. Sa una mong sakit. Diyan ka na Kapitan Tenyong. ay wala tayong magagawa kundi ang sumangayon sa pasya ng diyos.Tenyong: Hindi ko matawasan. dahil inakala ko’y katipunan sila. ay sa aba ko! Ako po’y nilisan mo na! Ah. Marahil nangaligaw ang hukbong iyan. Yumaon ka na’t baka mapahamak ka pa.” Tenyong: Mabuti nga ang ganoon! Ngunit. ay 2 masamang balita ang dala mo sa akin. ay wala ng makakapagbalita kay Julia. Tenyong: Di pa man nangyayari. at hiniyawan po ako ng “sino ka?”. ako’y ipinagkayari na ni Inang kay Miguel na anak ni Kapitang Tadeo. at may nakasalubong akong 5 maysuot na katipunan. Tenyong: Kaninong sulat ito? Lukas: nakasaad po diyan sa ibabaw ng sulat. marahil ito’y siya kong ikakamatay. Ako’y paparoon muna para tingnan ang mga kuta-kutang dinadaan ng mga kawal. Kaya po ang gawa ko ngayo’y kapag may sumino sa akin. Tenyong: At bakit naman? Lukas: Sila po pala’y hindi tunay na katipunan. Kapag masupil na natin ang destakamentong nalabi ng kaaway. tumanggap k a po yata ng masamang balita? Tenyong: Ay heneral! Dalawa pong kapait-paitan. hindi ko na maisasagot ang liham. ako ba ang sadya mo? Lukas: Opo. Tenyong: Kay Julia! Ano kaya ang nangyari? *KISS THE RAIN MUSIC PLAYING Julia (background voice): Tenyong ko: umayon tayo sa kalooban ng Langit. (putukan. Magsaysay ka. bago ako tumugon. kaipala’y matuturuan mo ako ng mabuting paraan nang ito’y aking maiwasan. Malapit ang putukan. ako po’y sinigawan ng “cambibe!” Nang Makita ko pong nakasuot sila ng nakasundalong kastila ay lakas loob po akong sumigaw ng “ESPANYA!”. nalaman ko po na sila pala ay mga tunay na sundalong kastila. Lukas. Tuloy na ang lakad ko nang maihanda ang lupon ng Koronel Lino. kalaban. Basahin po ninyo ang sulat na hatid ni Lukas… O! abang buhay ba’t di ka pa pumulas? Heneral: (binasang madali) kaawa-awa! Ako po’y nakikiramay sa matindi mong dalamhati. kusa po ng loob ko nang maipakilala ko sa iyo ang aking pagdamay sa mga pusong bayani. Tenyong: Lukas. iginagayak nila ang pagkakasal sa ‘kin. Tenyong: Mahabaging Langit. *COMIC MUSIC PLAYING Lukas: Nang ako po’y makalabas ng bayan. Julia…. ang liko nilang munakala’y hindi ko tutulutang maganap. Maghanda! (sasabihin papalabas ng silid) Tenyong: Lukas. ang Inang mo’y noon ding araw na umalis ka’y binawian ng buhay ng Maykapal. Sa gawing kanan. Heneral: Hindi mo po utang. dahil ako p mismo ang tatayong saksi sa iyong pagtanggap ng mahalagang sakramento ng matrimonyo. Tenyong ko: huwag mo akong pabayaan. patuloy po ang aking paglalakad. nang hindi ka maabalang lubha. mabuti pa ang ako’y hindi mo na nasumpungan! Wala kang malay. O kung dili kaya’y makapag-sasabi na tayo kay inang ng katotohanan. may dala po akong sulat. malayo pa ang labanan. sa ikadalawampu at lima ng papasok na buwan: kung narito ka.Makabebe po na nagsuot ng Katipunan. kayo’t dili iba ang mga nagsipatay sa aking mga magulang! Kayo’y mga ganid na halimaw na kahalili ng demonyo ditto sa ibabaw ng lupa Julia: Tenyong ko. ililipat na ang kuwartel-heneral sa iyong bayan. (orig copy) Heneral: Kapitan Tenyong. kaya huwag kayong mangamba. ay nakabunggo ako ng mga taliba. nakipagkilala po ako at ako’y pinakawalan na nila. sabihin mo na lamang sa kanya na ako’y uuwi na. huwag masira ang loob mo. *BACK LIGHTS OFF *KAHIT KAILAN MUSIC PLAYING *LIGHTS ON Tenyong: Lukas. ay tinatanong ko ng:” ikaw ba’y tunay na kastila o tunay na katipunan?” at dinuduluhan ko ng sabing: Ako’y hindi nakapaniwala sa iyong pananamit. naglabasan po ang mga nakakubling kasamahan at pinagtulungan po akong bugbugin. ngunit nangagsilipat na sa kapwa tagalng. mga pariesos na mapagbanal. Ipinapangako ko na hindi mangyayari ang kanilang banta. ngunit sa ikalawa ay mayroon akong maitutulong. magmadali kang pumarito at ako’y iligtas mo sa malaking kapanganiban.

321) *LIGHTS OFF *TRANSITION MUSIC *CHANGE THE BACKDROP TO BAHAY Tagpo XVI *CONSTANT LIGHTS Lukas: Tao po. SARHENTO. ay lalo pa akong inusap nang inusap. ano kalian ka dumating? Lukas: Ngayon po lamang. Julia lamang ang itawag mo sa kanya. Marteng matapang? (sarili)Ako’y si Benus. at… Miguel: Bakit ba ako’y ayaw mong sagutin? O talang maliwanag. Julia: Nakita mo ba siya? Naibigay mo ba ang sulat ko? Lukas: Opo. Julia: salamat at ngayo’y mapapanood ko na ang liwanag ni Pebo. huwag mo siyang pagwiwikaan ng pebo at tila bangus… Julia: (sarili) nakapagsumbong pa ang tunggak! . Juliaaaa! Julia: Ano poi yon? Juana: Bakit nagalit ka na ng kinausap ka lamang ni Miguel? Julia: Sinasabi ko na pong ako’y huwag niyang kakausapin at totoo lamang na masakit ang ulo ko. Julia: Maasahan ko kaya? Lukas: Marahil po. bakit umiiyak at nagmamaktol si Julia? Inano mo ba? Miguel: Wala po. Julia: Ano ba ang bilin sa iyo? Lukas: Sabihin ko raw po sa inyo na siya’y uuwi na. Julia: Naririto na naman ang ulol na ito. Ang kumausap sa akin ay ibig ko nang dikdikin. Julia! *BA’T DI MO PAGBIGYAN MUSIC PLAYING *DRAMATIC EXIT JULIA *JULIA CRYING VOICE BACKSTAGE Tagpo XVIII *CONSTANT LIGHTS Juana: Miguel. talagang masakit na ang ulo ko. Liban lamang na siya’y magkakaroon ng ligamgam. Julia: Bakit? Lukas: Sasagutin niya na po sana ang sulat ngunit dumating po ang kalaban. ang ulan. eh Lukas: Ayaw po sila eh.kinausap ko po lamang ay pumadyakpadyak na’t ako’y nilisan. ang huni ng ibon. makarinig lamang ako ng salitain ay tila ningangatngat na ng aso ang aking ulo. Julia: Oo. Juana: Juliaaa. *PUTUKAN MUSIC PLAYING *FLICKERING LIGHTS (123. ako raw po’y Pebo. KABO MENES Tenyente: Ba’t po nagkaroon ng putukan? Tenyong: mga katipunan dapa! Ang dibdib sayad sa lupa. at limuom. babanggitin na naman ang buwan. Benus. ihanda. Juana: Ganoon naman pala. Tagpo XVII *CONSTANT LIGHTS Miguel: Julia. Lukas: Huwag po kayong mag-alaala. pagkatapos ay isusunod ang hamog at parang. Julia: Hahaha! Ulol nga pala. Ako po’y aalis na. nalalaman mo ba. o marikit na Benus! Julia: At bakit? Sino ang maysabi sa iyo? Miguel: Dahil sa wika mong ang kumausap sa iyo’y ibig mo na. At ang kumausap sa akin ay ibig kong… Miguel: Ah. salamat. Ako’y marami nang utang sa iyo. Ngunit kung tutuusin. hindi ka pa tumulong sa kanila. daig mo ang araw na bagong sumikat! Julia: Miguel. walang tingala: ang baril.Tagpo XV *CONSTANT LIGHTS *PASOK HENERAL. araw. kulang na lamang ng engkanto. at ako’y iniiibig mo na. at mga bituin. Julia: Ikaw nga eh. at dami pong sinabi. Julia: Ang sagot? Lukas: Wala po. Julia: ang mga kalaban? Mapapalaban si tenyong aking mahal? Laking panganib! Lukas: Nagkakagulo na po nang umalis ako roon at ako po ay pinauwi na agad ni Kapitang Tenyong at baka ako po’y mapahamak pa at wala nang makakapagbalita sa inyo. Tala. tao po Julia: Lukas! Lukas. Miguel: Ah! Julia: Tenyong! Nilimot mo na ako! Miguel: Julia. siya’y si Marte. Lukas. nais ko pong tumulong sa kanila dahil hindi po ako natatakot makipagsagupaan.

Tadeo: ikakasal na ang mga bunso natin. ikaw ang nais kung pumili ng damit na susuotin mo Julia: opo. TagpoXIX *CONSTANT LIGHTS Miguel: ah. maghintay na. narito na po si tatang Tadeo: ano balae. nalalaman mo na. pasisindihan daw po ang lahat ng Simbahan. papayag ka ba? . kamusta naman? Tadeo: mabuti rnaman kami. Adyos Julia! Julia: Adyos (galit) (aalis si Miguel at Julia) TagpoXX *CONSTANT LIGHTS Tadeo: balae. at sisita pa raw po ng orchestra. Miguel: Hindi pa maaari.Juana: Ang tatang mo’y hindi ba paparito? Miguel: Patungo na po rito. sabihin mo po sa kanila na anta-bayanan na lamang ang napagkasunduan. ako’y. Maghintay nalang tayo Tadeo: miguel. hindi ba kayo nagkakasakit? Juana: wala naman po. si Tatang ay gusting maging en grandeng engrande ang kasal. Hindi na po yata maaari na tayo’y magtinginan *BAKIT NGAYON KA LANG MUSIC PLAYING *BAC K LIGHTS OFF (lalabas si Julia) *LIGHTS ON Julia: Inang! Nahanap mo na ba ang baro mong makatang hinahanap noong araw? (bitiwan ang kamay ni Juana) (aalis na si Tadeo) Juana: oo. ang yano ay mainam pa sa mata. Juana: Baka nama kung anu-ano pa ang gagawin ng Tatang mo. (sarili) kaybigat ng dugo ko sa matandang ito! Tadeo: balae. Ako’y mag-iisa na. gayun karin. sapagka’t ang larawan mo ay nandito na sa aking puso! Juana: aba! Daig mo pa ang binata kung magsalita . Julia: (sarili) Aba’t mga manununog pa. Julia: inang. Bakit ba madaraan pa sa madalian? Juana:siyanga po naman. Juliaaaaa. ika’y umuwi na at sabihin sa piskal na di matutuloy sa sabado Miguel: ako po’y yayaon na . dumaan po lamang sa bahay ni Piskal Manuel. (kuha sa kamay) Juana: tayo’y matanda na at malalabo na ang mata. ako’y .huwag na sang magbasag-ulo. Juana: ano po? Tadeo: ako’y may sasabihin.. Marapat na ang napagiiwanan ay siya na ring magsasama. Itong si miguel lang ang laging sinisinat. may nais sana akong hilingin na mumunting bagay Juana: magsabi ka lang po’t kung makakaya ay gagawin agad Tadeo: yamang handa na ang lahat. huwag ka sanang magagalit Juana: bakit po magagalit? Tadeo: huwag kang tatawa Juana: bakit? Ako ba’y kukuhanan mo ng larawan? Tadeo: hindi.. Julia. nakita ko na . Kayo po. (kamot ng ulo si Miguel)Si Julia nasaan? Juana: Nariyan po. nais ko sanang huwag ng antayin ang ika-25 at ganapin na ang kasalan ng ating mga bunso ngayong sabado Julia: (sarili) aba! At nais pang pabilisin ang pagsapit ng aking kamatayan? Tenyong Juana: tatanungin ko po si Julia kung gayak sa loob niya .Juliaaaaaaa (lalabas si Julia) Julia: ano po inang? Juana: tinatanong ka ng bibiyenanin mo Tadeo: iha..

ang kasal ko kay Miguel! At si tenyong ay di na dumating . Julia: mapapakasal na ako? Mabuti pa lukas ang uminom ng lason at mamatay! Lukas: huwag ka pong mag-isip ng ganyan .lahat) *wedding music (sa loob ng simbahan) lahat: ikakasal na nga si Julia kang Miguel! (Julia at Juana sa may pinto) Julia: natapos na ! wala na! matutupad na ang hiling ni ina. (natigilan) mag-ingat ka. monica (LALABAS) Julia: lukas! Lukas: magandang hapon po. Narito po si aling julia.. Monica: po? Lukas: sige . ako’y nilimot na .*LIGHTS OFF *TRANSITION MUSIC *REMOVE THE BACKDROP Tagpo XXI (daan) *CONSTANT LIGHTS Monica: mang lukas ! mang lukas! Lukas: ano monica? (NASA LIKOD NG BULLETIN BOARD) Monica: manaog po kayo sandali. Katawan ko’ kanya habang panahon . alam kong hindi ka malilimot ni kapitan . ngunit puso ko ay para lamang kang Tenyong . *NGITI MUSIC PLAYING *LIGHTS OFF *TRANSITION MUSIC PLAYING *CHANGE BACKDROP TO SIMBAHAN Tagpo XXIII *CONSTANT LIGHTS (kasalan . hali na po kayo at ihatid ko na sa simbahan (aalis si Julia) Tagpo XXII *CONSTANT LIGHTS Lukas: monica san ka pupunta? Monica: sasalubungin ko po si Julia. sabihin mo sa inang na ako’y inihatid mo sa simbahan (aalis si Monica) Lukas: ano po ang kailangan niyo at nang matulungan Julia: bukas na ang ika-25 . Lukas. tutuloy na ako Lukas: teka monica . sige lukas. Nais kang makita Lukas: oo. (lalakad) (maririning ang ihip ng korneta) (sound effects) ah ! hibik ng langit ! narito na si Tenyong! Nartio na ang magliligtas sa akin ! Lukas: Julia. Julia: (kay Monica) Monica ikaw ay umuwi na. Ako’y mapapangasawa ng lalaking di ko ibig. tayo nap o inang . Ako ay pinagalitan ni Aling Juana ng hindi ko po kasama si Julia . Lukas: po? Julia: itakas mo ako ngayon din at dalhin sa kanya Lukas: naku! Wala na po akong balita kay kapitang tenyong!Hindi ko na po alam kung nasan siya naroroon ngayon.. narito na si Kapitang Tenyong! Sugatan po! Julia: sugatan!? (hikbi) tenyong (sarili) *IPAPASOK SI TENYONG KASAMA ANG HENERAL *BACK LIGHTS OFF Julia: tenyong ! *SAD MUSIC PLAYING Tenyong: (naghihingalo) .

Teban: opo ginoong heneral. mag-aalas 12 na Juana: Julia. Mediko: (tingnan) aking heneral. anong nangyayari? Naghihintay na ang pari.. ipinapatanong po ng among kung sino ang magbabayad ng deretsos . Teban: ako’y pakinggan . aking tatawagin (dumating ang pari at kinumpisal si tenyong) P. Mga walangawa! (dadalo kang tenyong) Miguel: Julia. Pedrito halika. Ngunit kailanman ay di madidiktahan ang puso Juana: banal na pagibig! Paano na si Miguel? Miguel: tatang. ang kapitang tenyong na sa oras na ito’y lilipat sa bayang tahimik ay may huling kahilingan.teban: dahil daw sa sila’y may salitaan na Miguel: May salitaan! P.teban: ngayon ang huling araw ng pagtupad niya sa pangako (hihilahin si Julia sa malayo) Juana: totoo ba ito Julia? Julia:opo inang. ikasal mo na raw po sila P.naghihintay raw ang pari teban Julia: hayaan mo pong maghintay siya. Lubayan niyo ako. Huwag ka pong magagalit Miguel: hindi po. ang lahat! Pinsan-pinsan? Julia: pakasal kang mag-isa mo! Miguel: kay sama ng sagot nito! Aling Juana. Juana: ipakasal si Julia? At bakit? Miguel: ano ang dahilan? Tadeo: bakit kaya? P. Si tenyong po’y mamamatay na! hindi po dapat iwan Heneral: Ginoong mediko. tanungin ang heneral kung sino ang magbabayad sa deretsos Pedrito: heneral. saklolohan ang kapitang tenyong! G. Miguel yamang siya’y mamamatay rin sa oras na ito ay mangyari nang ipakasal sa kaniya si Julia. ikakasal po ang kapitang tenyong kay Julia. at ikaw po ang saksing babae.*BACK LIGHTS ON Miguel: (lalabas) Julia ko’y bakit? Napano ka? Julia: lubayan mo ako. G. ano po ang pasya mo? Tadeo: anak ang taong mamamatay ay di mapagkakaitan Miguel: samakatuwid po’y dapat na akong pumayag? Tadeo: oo anak ko .. Si tenyong po ngayo’y sa Diyos ay haharap. mga bata pa kami’y mahal ko na si tenyong Juana: hindi kita anak! Julia: inang minamahal. Juana: mamamatay na nga! Julia: sa akin pong dibdib ay hindi umusbongang gawang maglilo sa Inang nag-ampon. hingi ko’y patawad ang ipagkaloob sa pamangkin at anak. mahal mong bendisyon sa kaniya’y igawad. Miguel: kung gayon po bao ang mapapangasawa ko? Tadeo: ano ang kailangan? Bao lang sa turing! Miguel: pumapayag na po ako Juana: ginoog heneral. ipagmamakaamo niya sa iyo Juana.. Hinihiling po ng mamamatay Heneral:ako ang tatayong saksing lalaki. Hindi ginusto ang umibig sa pinsang si tenyong. magpatawag po n pari at nang makapagkumpisal ang mamamatay! Heneral: mamatay pala! Lahat: ha? Heneral: Ginoo (Miguel) mangyaring tawagin ang kura nang makumpisal si Kapitang tenyong. Pari Teban.

Teban: hindi marunong gumalang sa pari. Ikakasal mo o hindi? P. Heneral: magbangon ka kapitang tenyong at ako’y nakatupad na ng aking pangako! (bangon si Tenyong) Miguel: walang sugat! Lahat: WALANG SUGAT! *LIGHTS OFF *LIGHTS ON *SUMAYAW SUMUNOD MUSIC PLAYING -END- .teban: opo.Heneral: deretsos! Alipin ng mga prayle ! di kayo makaganap ng tungkulin ng walang deretsos? Nalahian kayo ng mga sukabang prayle! Ako na ang mgbabayad P. (bendisyon) Heneral: ang dami mong makuti-kuti. (ginanap ang kasal)Sa mata ng Diyos na makapangyarihan ikaw Julia at Tenyong ay kasal na. ikakasal.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->