P. 1
HALIMBAWA NG BALAGTASAN

HALIMBAWA NG BALAGTASAN

1.5

|Views: 67,026|Likes:
Published by geotot

More info:

Published by: geotot on Oct 13, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/13/2015

pdf

text

original

BALAGTASAN: PURONG WIKA VS HALONG WIKA (Naatasan akong muling sumulat ng piyesa ng Balagtasan.

Hindi ko kursunada ang paksa dahil hindi debatable pero

Aug 14, '08 6:29 AM for everyone

dahil ilalaban ito ng kompetisyon sa Aug 19, 2008, ay naobliga akong gawin ito. Mahuhusay ang mga mambibigkas ngunit hindi naming maperpekto ang tamang tono ng Balagtasan.) ALING WIKANG WIKA ANG DAPAT GAMITIN NG PILIPINO: WIKANG PURO O WIKANG HALO? ni Joel Costa Malabanan

Azl :

“Si Gat Jose Rizal, noo’y nagwika Siya ang nagpangaral sa ating bansa Ang hindi raw magmahal sa sariling wika Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda!” Ako po ay naparito sapagkat nabalitaan Na dito raw gaganapin ang dakilang Balagtasan Pagkat ako ay makatang naghahanap ng kalaban Ang sinumang katunggali ay hindi ko aatrasan! Ngunit ako’y nag-iisa, nasaan ang Lakandiwa? Kung di tuloy ang programa’y mabuti pang umuwi na! Sayang na pagkakataon, eto akong handang-handa Ngunit sa malas ay tila walang makakasagupa!

Prinsesa ng Balagtasan . sandali nga. Caviteñong naturingan Makata ng Perpetual Help. natrapik lang Sabik akong ilampaso. ako po’y pahintulutan Na lumahok sa programang may tagisan ng katwiran! Jonathan: Halika at umakyat na dito sa ating tanghalan At nang itong Balagtasan ay agad nang masimulan Kaagad ipakilala. pangala’y Jonathan Calda Sa palatuntunang ito’y siyang tagpangasiwa Ngunit teka. ang sarili’t pinagmulan At saka ko ilalahad. tulad mo rin. paksa ng balitaktakan! Mga madlang nanood bago kami magsimula Masaigabong palakpakan ang sa ami’y ibandila! Azl: Azl Cedric Lopez po. makata kong kaibigan Ako itong Lakandiwa nitong ating Balagtasan Natrapik lang nang bahagya sa may bandang Panapaan Kaya’t saglit na nabalam dito sa ating tagpuan! Lakandiwang naatasan. bakit tila nawawala Ang makatang katunggali’t kabanggaan mo sa diwa! Regie: Ako’y hindi nawawala.Jonathan: Wag na wag kang aalis diyan. ang kalabang nag-aabang O Ginoong Lakandiwa.

may sariling pagkatao May kulturang kinagisnan.Katwiran ko’y parang suntok. hanggang ngayon ay tulala! Jonathan: Ang paksa pong nakalaan. sa patulang pagtatalo Alin ba ang nararapat . may sariling alpabeto Katangian at tradisyong minana pa sa ninuno Nararapat alagaan sa haplit ng pagbabago! Pagkat tayo’y nag-iisip gamit ang sariling wika Ito rin ang siyang bintana nitong ating kaluluwa . wikang halo. Wikang puro. mauna na ang panig ng tumututol Sige Azl. ingatan at gawing puro! Samantalang si Regie ay malaon nang nagpahayag Panghihiram ng salita. taob ang aking kalaban Hindi ako nananakot. simulan mo katwiran mo ay ipukol! Azl: Itong lahing Pilipino. lubos siyang pumapayag Kaya hala. ang Diyosa ng Balagtasan Sa talino’t kagandahan. bawat tugma’y tila kulog Ang sinumang kalaban ko’y sa pansitan matutulog! Regie: Regie Ucang ang pangalan.? Si Azl ay nagsasabing itong Wikang Filipino Nararapat ipagtanggol. hindi ako nagbabanta Ang huling nakalaban ko.

Ang dalisay. ako na po ang nagwagi Purong wika’y imposibleng magagamit na palagi . at lagi mong pagpe-friendster Naubos na ang oras mo. ng counter strike at ng Friendster Wika’y magiging praktikal. kaya nagkakalituhan Sa panahon ng internet. at ang gamit ay forever! Subalit kung katulad mong parang lola kung mangusap Ay baka mas mainam pang ka-eye ball mo ay kulisap Hindi mo mapipigilan. henerasyo’y naging bobo! At nang dahil sa counter strike. kahit pa nga ito’y Taglish! Azl: Halong wika. halong diwa. pagkalat ng wikang English Wikang halo ay mahusay. kaya walang pagkatuto Bulol na nga pag nag-English. bulol din sa Filipino Dalawang wikang winawasak nitong mga katulad mo Sa halip na tumalino. purong wika ay mahusay na sandata Upang hindi madumihan ng kultura ng banyaga! Regie: Malalalim na salitang hindi mo maintindihan Pagkat sadyang makaluma. pati pera sa computer Kabataang sinasabing pag-asa daw nitong bayan Eto ngayo’t sinasamba ay kultura ni Uncle Sam! Regie: Tapos na po ang labanan.

baka kayo! Na makitid kung mag-isip. hindi kami. technical terms babaguhin? E di lalong ang lahat ay kayhirap na intindihin Azl: Wala akong sinasabing technical terms babaguhin Mukhang itong kalaban ko ang siyang lola at ulyanin . ang counter-strike o ang friendster Patunay na kilangangang ang wika ay halu-halo Ito pa nga ang sandata upang tayo’y mas matuto Henerasyon daw ay bobo.May salita bang katutubong panumbas mo sa computer Ni hindi mo maisalin. ang may kontrol ay dayuhan Kung salita ay hiniram. isalin sa katutubo Katulad ng ginagawa ng Indones at ng Malay Katagang dayo’y binabaybay na gamit ang wikang taglay! Regie: Ikaw ba ay nababaliw. di tanggap ang pagbabago! Azl: Anong klaseng pagbabago kung kolonyal ang isipan Ekonomiya at kultura. pwede namang matumbasan Mag-imbento ng salitang panapat sa kinagisnan! At pwede ring ang salita’y babayin sa Filipino Ang ispeling ay baguhin.

Regie: Sino kaya ang ulyanin. muli’y aking kahilingan . aking mga kaibigan Lubhang lumalayo kayo sa paksa ng Balagtasan Pakiusap na balikan ang paksa ng talakayan Huminahon at magtimpi sa banggaan ng katwiran Ikaw Regie. niretoke nitong agham Tanging ang magkakagusto’y yaong nahihibang lamang! Regie: At sino ang nahihibang? Azl: Ikaw! Jonathan: Sandali lang. kayumangging Pilipina Kumpara sa katulad mong labanos na namumutla! Regie: Hindi ako namumutla. sino ba ang mas maganda? Kayong madlang nanonood kayo na nga ang humusga! Azl: Di hamak na mas maganda . sa iyo Azl ay ganun din Ngayon itong Balagtasan itutuloy na po natin Kayong madlang nanood. sandali lang. konting lamig. ang gamit ko y Glutathione Kaya’t kutis ng artista itong beauty ko sa ngayon! Azl: Kagandahang artipisyal.

ito ang siyang panawagan Wag patayin ang salita.Ialay nang buong sigla.O. bagkos dapat alagaan Rebisyon ng alpabeto nitong taong 2001 Matapos ang limang taon. di nagamit. masigabong palakpakan! Regie: Di praktikal na tumbasan bawat hiram na salita Ang paggamit nitong wika ay hindi naitatakda Artbitraryo itong wika. para sa wikang kinagisnan! Regie: Kaya nga may Buwan ng Wika. nag-iisa! Azl: Itong Wikang Filipino’y may sariling katangian Hindi dapat na baguhin. kulang na kulang pa ito Ang kailangan ay mahusay na programa ng gobyerno Dapat na ibasura rin itong E. pinigilan! Wag wasakin ating wika. at wag na wag ding papalitan Kung mayroong English campaign sa lahat ng paaralan Dapat na may programa rin. nagbabago. 210 Na siyang pumapatay ngayon sa ‘ting Wikang Filipino! . at programang tulad nito Ay upang masuportahan itong Wikang Filipino Azl: Ngunit ito ay di sapat. nag-iiba At sa mundo’y walang wikang purong-puro.

210 Bilang tugon sa hamon ng pagbabago nitong mundo Kailangang paghusayin.Regie: Nilagdaan ng pangulo itong E. ang paggamit nitong English Hindi naman tuluyan na wika nati’y inaalis! Pagkat itong wikang English ay ang wikang universal Pangunahing ginagamit sa lahat nang pag-aaral Pag ang Pinoy ay nag-abroad at kung mahusay na mag-English Tiyak na siya ay may trabaho’t ang pag-aseso’y mabilis! Azl: O ang aliping caregiver na tagahugas ng puwit Ito ba ang gantimpala sa pangarap na malupit Pilipino’y sinasanay upang agad ay ieksport Sa kanser ng kahirapan ay siyang natatanging gamot? Kolonyal na edukasyong ang pundasyon ay ang English Ang ugat ng pagdurusa’t malaon nang pagtitiis Kung ang nais ay paglaya’t ganap na pag-unlad natin Itong Wikang Filipino ang siyang dapat paunlarin! Regie: Makitid na pag-iisip. bangungot na panaginip Ang dahilan kung bakit ang bansa nati’y nagigipit Habang Koreano’t Hapon ay nagnanais mag-English Heto naman ang tulad mong nais ito ay maalis! .O.

lumalayo ang usapan Paksa nating sinimulan ang siyang dapat pagtalunan Linawan ang sasabihin. at dapat na pag-ingatan . alin ba ang pipiliin? Sa pagkakataong ito. wikang halo. muli’y aking kahilingan Gisingin ang diwang tulog sa ritmo ng palakpakan! Azl: Bawat wika sa daigdig ay may kanyang katangian Na dapat na irespeto. kayo’y aking pagbibigyan Huling tindig. babagsak ka kung ang alam mo lang ay “Sir!” Azl: Huwag ka nang magkolehiyo kung call center agent lamang Hayaan mong murahin ka ng dayuhang mapanlamang! Regie: Sigawan man o murahin. huling hirit ng katwiran ay bitawan At ang madlang nakikinig.Azl: Hindi ko sinasabing ang English ay dapat alisin Kundi Wikang Filipino ang dapat na bigyang pansin! Regie: Itong wikang Filipino’y di magamit sa call center Sa interview. mahalaga ay may pera Kaysa naman may prinsipyo ngunit gutom ang sikmura! Jonathan: Akin muling puputulin. wag iwanan ang usapin Wikang puro.

payabungin. nagbabago Kagaya rin ng pag-unlad nitong Wikang Filipino May hiniram sa Kastila.Bawat lahi’y may kultura. may sariling kakanyahan Hindi dapat talikuran. may salitang katutubo May hiram sa mga Intsik. alin ba ang maktwiran Na gamitin at ituro sa lahat nang paaralan? Totoong ang Wikang English ay sadyang ating ka’ylangan Ito’y wikang universal na dapat ay pag-aralan Mahalaga sa pag-unlad ng lipunan at ng bayan . umuunlad. sa Hindu at sa Arabo Kung kaya’t ang wikang halo ay wika ng pagkatuto Isang hakbang patungo sa hinahangad na asenso Kapag ang wika ay puro. may pagyabong na dalisay! Jonathan: Matapos na mapakinggan ang palitan ng katwiran Panahon na upang silang dalawa ngayon ay husgahan Wikang puro. paunlarin Sa pagpanday ng lipunang may paglayang maaangkin! Regie: Ang wika ay daynamiko. hindi dapat na talikdan! Purong wika ay salamin ng puro ding pagkatao Dalisay na pundasyon ng ating pagka-Pilipino Wika natin ay ingatan. wikang halo. ito’y tiyak mamatay Ngunit kapagka may halo.

wikang halo. sa pormal na talakayan Ay ang halu-halong wikang ginagamit nang palitan Kung English ang katanungan.Katotohanang kailan ma’y di mapasusubalian Ngunit kung mayrong wikang hindi dapat kalimutan Walang iba kundi itong wika nating kinagisnan Higit sa alinmang wika ng kung sinumang dayuhan Ang Wikang Filipino ang siyang dapat pahalagahan! At sapagkat itong wika’y umuunlad. hindi dapat na palitan Ngunit kung mayrong panumbas. nagbabago Hindi maaaring laging manatili itong puro Kung nagkakaintindihan. alin ba ang maktwiran Na gamitin at ituro sa lahat nang paaralan? Palagay ko’y nasagot na itong ating katanungan Kahilingan namin ngayon. English din ang kasagutan Kung Filipino ang usapan. gamiting may kalayaan Itong Wikang Filipino’y nararapat paunlarin Pagyamanin. tangkilikin ang sariling wika natin! Wikang puro. kahit wika’y halu-halo Ituturing natin itong pagyabong na positibo! Ang dapat lamang iwasan. kaming tatlo’y palakpakan! Ginawa mula 1:30 ng umaga hanggang 5:55 ng umaga . Taglish dapat ay iwasan! Kung salita’y technical term.

ngayong Ika-25 ng Hulyo. 2008 ni Joel Costa Malabanan .

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->