P. 1
Mga Karunungan Bayan

Mga Karunungan Bayan

4.5

|Views: 41,364|Likes:
Published by Rheg
I got crappy sentence but I really like the cover
I got crappy sentence but I really like the cover

More info:

Published by: Rheg on Oct 17, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/04/2015

pdf

text

original

Bugtong

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 20.

Kung dumating ang bisita ko. Dumarating dini sa inyo. (Araw) Baston ni Adan, Hindi mabilang. (Ulan) Baka ko sa Maynila, abot dito ang unga, Baka ko sa Balanga, abot dito ang unga. (Kulog) Langit sa itaas, Langit sa ibaba, Tubig sa gitna. (Niyog) Balat ay berde, buto ay itm, laman ay pula, ano siya? (Pakwan) Isang tabo, lama ay pako (Suha) Kayumanggi ang balat ko, kasiya-siya ang bango ko (Chico) Munting bolang itim, Katas ay nakakalalasing (Ubas) Palayoko ni Isko, Punong puno ng bato (Bayabas) Dalawa ang katawan, Tagusan ang tadyang (Hagdan) Dumaan si negro, Namatay ang mga tao (Gabi) Naabot na ng kamay, Iginawa pa ng tulay (Kutsara at Tinidor) Nakatindig ng walang paa, May tiya'y walang bituka (Baso) Takbo rito, takbo roon, di makaalis sa tayong ito (Duyan) May puno walang bunga, my dahon walang sanga (Sandok) May apat na paa, ngunit hindi lumalakad (Mesa) Ang ina ay gumagapang pa, ang anak ay umuupo na. (Kalabasa) Ang labas ay tabla tabla, ang loob ay sala sala. (Patola) Munting tampipi, puno ng salapi. (Sili) Bahay ni Ka Huli, haligi'y bakli-bakli, Bubong ay kawali. (Alimango)

Salawikain

1. Gaano man ang tibay, ng piling abaka; ay wala ring lakas, kapag nag iisa. Sa buhay ng isang tao, hindi tayo mabubuhay ng tayo lang mag-isa. Kakailanganin din natin ang tulong ng iba kahit gaano tayo kahusay o kagaling. 2. Huwag magpakadalas sa pagpanhik sa kapitbahay, at baka ka kasuyaan at tuloy kayamutan. Naniniwala ako na kapag sobra na ang isang bagay ay masama na. Ang lubusang pag-asa natin ng ating buhay sa ating kapwa ay hindi na maganda. Bukod sa natututo tayong maging tamad, ay nagiging perwisyo pa tayo sa kapwa. 3. Iba ang may natutuhan, kaysa may pinag aralan. Iba pa din ang mga natutunang bagay mula sa tunay nating karanasan kaysa sa mga nanggagaling lamang sa mga babasahin at aklat. 4. Lumilipas ang kagandahan, ngunit hindi ang kabaitan. Mas bigyan nating halaga at pansin kung ano ang nasa kalooban ng isang tao kaysa sa mga bagay na nakikita ng ating mga mata lamang. 5. Kung ikaw ay napakalambot, ay mapipilipit kaagad. Kung ikaw nama'y tuyot, ay mababakli agad. Ang tunay na mundo ay hindi puro kaligayahan. Kailangan nating maging matatag upang makatagal dito. Kung lalambot-lambot tayo, mabilis tayong susuko sa mga problema. 6. Kung hindi mo kaya'y huwag pangahasan, upang sa ginawa mo'y di ka masumbatan. Ito ay para sa mga taong mahilig magyabang. Kung hindi kayang gawin ang isang bagay, ‘wag nating ipagmalaki na kaya natin para lang magyabang dahil sa ulo, tayo din ang mahihirapan. 7. Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan ng kanyang pabalat. Napakapamoso ng kasabihang ito. Hindi lahat ng ating nakikita ay tunay at totoo. Minsan, may mas malalim itong tinatago na dapat nating pagtuunan ng pansin. 8. Magpala ka sa magnanakaw, ikaw ang pagnanakawan. Hindi dapat tayo agad agad na magtitiwala sa ibang tao. Minsan, may mga tao talagang kahit anong kabutihan ang gawin natin, ay sinusuklian pa din tayo ng kasamaan. 9. Pag ikaw ay nagparaan, pararaanin ka naman. Kung gumawa ka ng mabuti sa iyong kapwa, susuklian ka din naman. Ngunit kung ikaw ay gumawa ng kasamaan, babalik at babalik din iyon sa’yo. 10. Papuri sa harap, sa likod paglibak. Hindi lahat ng mga ngiting pinapakita ng mga tao sa atin ay totoo. Kaya dapat, matuto tayong kumilatis sa totoong tao at sa nagkukunwari lamang.

Sawikain

1. Itaga mo ito sa bato. (Ipangako) 2. Para kang natuka ng ahas. (Hindi makakibo)

3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

Balitang kutsero (Kwentong walang katotohanan) Naghalo ang balat sa tinalupan (Hindi nagkamayaw sa emosyon) Naglalaro ng apoy (Gumagawa ng bagay na delikado) Makakati ang dila (Madaldal, masalita) Umaalon ang dibdib (Kinakabahan) Bulang-gugo (Galante) Mahilig maglubid ng buhangin (Mahilig magsinungaling) Pinagbuhatan ng kamay (Gawan ng masamang bagay)

Palaisipan
1. May isang lalaking nakatira sa 15th floor ng isang building. Sa umaga ay wala siyang problema sa elevator papuntang trabaho ngunit pag-uwi niya sa gabi, sa 6th floor siya napipilitang bumaba at mula doon ay aakayatin niya ung hagdanan papuntang 15th floor. Madalas ganito ung ginagawa niya maliban na lang kung may kasabay siya o umuulan. Anong hiwaga kaya mayroon sa 6th floor?

2.

3.

4.

5.

Unano ang lalaki kaya’t hindi niya abot ang button para sa 6th floor. Makakaakyat lamang siya kapag may kasama upang taga-pindot, o kaya ay umuulan, dahil payong ang gagamitin niya. Isang araw, inihatid ng doktor ang kanyang teenager na anak sa sasakyan papuntang paaralan. pagdating niya sa hospital na kanyang pinaglilingkuran, kinailangan niya agad pumunta sa emergency room dahil may teenager na nagkaroon ng car accident. Nagulat ang doktor nang makita niyang anak niya ang nakaratay sa nasabing silid. Bakit hindi man lang nagalusan ang doktor at nagulat pa ito nang makita ang anak? Hinatid lamang ng doctor ang teenager na anak, ngunit hindi sinabi na ipinagmaneho niya ito hanggang sa paaralan. Dalawang mag ama ang namimingwit sa tabing ilog isang hapon. Nakahuli sila ng tatlong malalaking isda at siyang ginawa nilang hapunan, tig-iisang piraso. Paanong nagkasya ang tatlong isda sa dalawang mag-ama? Ang ibig sabihin ng dalawang mag-ama ay ang lolo, ang ama at ang kanyang anak. Isang binata ang pumasok sa isang bar at humihingi ng isang basong tubig. Ngunit nabigla ang lahat nang tutukan siya ng baril ng isang mama. Pagkatapos noo’y umalis ang binata at nagpasalamat pa. Bakit siya nagpasalamat sa mama? Sinisinok ang binata kung kaya’t ng gelatin siya ng mama, ay nawala ang kanyang sinok. Nagkita si Alagad at ang dating barkada sa SM Mall. "Oy, tagal na tayong di nagkita! Musta na?" sabi ni Alagad. "Oo nga, tagal na! May asawa na ako ngayon. Sayang at di ko siya kasama para nakilala mo. Meron na kaming anak, heto siya kasama ko sa mall," sagot ng barkada ni Alagad. "Anung name mo?" tanong ni Alagad sa kasamang bata ng barkada. "Pareho po kami ng mommy ko," sagot ng bata. "Ah, ikaw si Joy?" tanong ni Alagad. "Opo," sagot ng bata. Paano nahulaan ni Alagad na Joy ang pangalan ng bata? Ang kabarkada ni Alagad ay si Joy.

6. May bus driver na papunta ng paaralan. Hindi siya huminto sa may “stop sign,” lumiko kung saan may nakasulat na “no left turn” at sumalubong sa daanang “one way.” Sa may kaliwa niya, may nadaanan siyang pulis pero hindi siya hinuli dahil wala naman siyang nilabag na batas. Bakit? Hindi nagmamaneho ang bus driver. Naglalakad lamang siya.

7. Kumain sa restaurant ang tatlong magkakaibigan at nag-ambagan sila ng tig-P100 bawat isa kaya ang pera nilang tatlo ay P300. Ang nakain nila ay P250 lang kaya naisip nilang ibalik ang tig-P10 sa bawat isa at ang natirang P20 ay ibigay na tip sa waitress. Sa ambagan nilang P270 (P90 bawat isa) ay idagdag mo ang P20 na ibinigay na tip sa waitress at ang suma ay P290 lang. Ang dating pera nila ay P300. Saan napunta ang P10? Ang total na kinain nila ay P250 + ang tip sa waitress na P20 ay P270. Kapag dinagdag ang P10 sa bawat miyembro, P270 + P30 = P300. 8. May sampung aso sa itaas ng building, may nakita silang pusa sa ibaba, tumalon sila sa building. ilan ang natira? Sampu pa din. Tumalon lang sila. 9. Si Ann ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay, ay si Nana, Nene, Nini, Nono. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid? Si Ann. 10. Ano ang nakikita mo sa gitna ng dagat? Ang letrang G.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->