P. 1
Katutubong Panitikan

Katutubong Panitikan

3.5

|Views: 45,284|Likes:
Published by Anna Alano

More info:

Categories:Types, School Work
Published by: Anna Alano on Oct 18, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/07/2015

pdf

text

original

Ang katutubong panitikan ay napapailalim sa kategoryang tinatawag na Matandang Panahon.

 Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521.  Sa panahong ito, ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon ng sariling sining at panitikan.

Ang sistema ng pagsulat sa panahong ito ay tinatawag na Alibata. Ito ay binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig.  Ang mga simbolong ito ay isinulat ng mga sinaunang Pilipino sa mga dahon, balat ng mga punong-kahoy, at makikinis na bato.  Ang mga ginamit naman nila sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy.

Ang paraan naman ng pananalita ay nasasailalim sa pag-uuri ng panitikan na ayon sa paghahalin. Ang ayon sa paghahalin ay may tatlo pang kabahaging uri: pasalindila, pasalinsulat, at pasalintroniko. Nabibilang ang katutubong panitikan sa uri na pasalindila.  Ang pasalindila ay paraan ng paglilipat ng panitikan gamit ang dila at bibig.  Karamihan sa mga panitikan nila ay mga pasalindila tulad ng mga bulong, bugtong, epiko, salawikain, atbp.

Ayon sa alamat ng mga Tagalog, si Bathala at isa sa mga sinaunang Diyos ng Mundo ang lumikha sa mga bagay-bagay sa ating paligid. Kasama niyang nilikha si Amihan (Hari ng Hangin) at si Aman Sinaya (Hari ng Dagat).  Si Bathala at iba pang mga Diyos at Diyosa ay naninirahan sa tinatawag na Kalualhatian.  Para sa mga sinaunang Pilipino, ang mga espirito ng mga namatay, mga elementong lupa at mga diwata ang nagsisilbing tagapagpamahala at tagapamagitan ni Bathala, ng mga Diyos at Diyosa sa mga tao.

Ang katunggaliang Diyos ni Bathala ay si Bakonawa, ang Hari ng Kasamaan o Kadiliman at ang kaniyang mga alagad na mga Aswang at Mangkukulam.  Ayon rin sa alamat, si Bathala ay sumiping sa isang babaeng mortal nang minsang bumisita sa lupa. Sila ay nagpakasal at nagkaroon ng tatlog anak: Si Apolaki (Diyos ng Pakikidigma at Araw), si Mayari (Diyosa ng Buwan), at si Tala (Diyosa ng mga Bituin).

Ang katutubong panitikan ay tumatalakay sa paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.  Punung-puno ito ng matatandang kaaralang nagsisilbing gabay ng mga tao noong panahon nila. Nasasalamin din ang kanilang mga magagandang kaugalian, paniniwala o prinsipyo.  May mga kaugnayan din ito sa simple at karaniwan nilang pang-araw-araw na pamumuhay at pagpapahalaga sa kanilang

May mga ulat tungkol sa mga katutubong Bathalang Pilipino at sa kanilang mga nagawa. Maraming mga awitin o kantahin at berso tungkol sa mga gawaing maka-Diyos upang magsaad ng pagkadeboto; may mga bersong tungkol sa kasaganaan at kaligayahan sa tahanan, sa bukid, sa dagat at kahit saanman at mayroon pang bersong nagsasaad ng pag-ibig at pagkamatapat sa barangay at sa mga namumuno nito.

Iilan na lamang ang natagpuang mga ebidensya ng mga arkeologo sa panahong ito, sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating ang mga Kastila sa bansa dahil sa paniniwala na ang mga ito ay gawa ng demonyo.  Ang mga iba naman na nakasulat sa mga dahon at kahoy ay nasira na dahil sa pagkalipas ng maraming taon.

Awiting Bayan – tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook  Bugtong – isang masining na paglalarawan ng isang bagay na nais tukuyin. Ito ay ginagamit bilang pang-aliw sa mga pagtitipon. May sukat o tugma.  Salawikain – isinasaad sa maiiksing pangungusap subalit ito ay makahulugan at makabuluhan


 

 

Alamat – nagsasalaysay tungkol sa pinagsimulan ng mga bagay-bagay. Mito – kuwento tungkol sa mga Diyos o Diyosa Epiko – mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan. Kasabihan – nagbibigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay Bulong – paghingi ng pasintabi sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupa tulad ng duwende.

Palaisipan – tulad ng bugtong, nagpapatalas din ng isipan ngunit hindi ito nakataludtod, walang sukat o tugma at nakasulat sa anyong pakuwento.  Sawikain – salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay ng hindi tuwirang kahulugan  Kwentong Bayan

Oyayi o Ayayi – awiting panghele sa bata  Diyona – awitin tungkol sa kasal o pagharana  Kundiman – awit ng pag-ibig  Kumintang – awit ng pandigma  Soliranin – awit sa paggagaod  Tikam – awit ng pandigma na pang-akit sa pakikihamok o pagbati sa bayaning nagtatagumpay

Talindaw – awit sa pamamangka  Kutang-kutang – awiting panlansangan  Maluway – awit sa sama-samang paggawa  Pananapatan – panghaharana sa Tagalog  Sambotani – awit ng pagtatagumpay  Balitaw – awit sa paghaharana ng mga Bisaya  Dalit – awit sa panrelihiyon  Pangangaluwa – awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog  Dunga-aw – awit sa patay ng mga Ilokano

Labaw Donggon (Ilonggo)  Parang Sabir (Moro/Tausug)  Ibalon (Bicolano)  Tatuang, Tulalang, Tuwaang (Bagobo)  Hudhud (Ifugao)  Indarapatra at Sulayman (Magindanaw)  Hinilawod (Bisaya)

Bathala/Alah – pangunahing Diyos  Amihan – Diyos ng hangin  Aman Sinaya – Diyosa ng dagat  Idionale – Diyos ng mabuting gawain  Anion Tabo – Diyos ng hangin at ulan  Apolaki – Diyos ng digmaan  Hanan – Diyos ng mabuting pag-aani

Mapolan Masalanta – Patron ng mangingibig  Libongan – Tagatanod sa pagsilang ng isang buhay  Limoan – Tagapangasiwa sa namamatay  Tala – Diyos ng pang-umagang bituin  Mayari – Diyosa ng Buwan  Bakonawa – Hari ng Kasamaan o Kadiliman

Patianak – Tagatanod sa lupa  Mamanjig – Tagapangiliti ng bata  Limbang – Tagatanod sa kayamanang nasa ilalim ng lupa

Tiktik – isang ibong kasama ng aswang  Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan ang kalahati ng kaniyang katawan.  Tama-Tama – maliit na taong kumukurot o nagpapaiyak ng sanggol  Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako  Salot – nagsasabog ng sakit

   


 

http://www.scribd.com/doc/35466487/Kasaysayanng-Panitikan-sa-Pilipinas http://eskwela-apcnstp.wikispaces.com/file/view/Panitikang+Pilipino.pdf http://cytheria-07.xanga.com/640066805/-pagsibolpaglago-at-pamumunga-ng-panitikang-filipino/ http://www.ppt2txt.com/r/60ffb083/ http://www.pinoyhenyo.com/Ano_ang_kasaysayan_ ng_Panitikang_Pilipino-20081013065645428.html http://oboids.wordpress.com/2007/04/13/mitolohiyan g-pinoy-si-bathala/ http://www.affordablecebu.com/load/literature/awi ting_bayan/22-1-0-956

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->