ISANG GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA1 Ricardo Ma. Nolasco, Ph.D.

Komisyon sa Wikang Filipino
_________________________________________________________________ Mga simbolong ginamit: = katinig P = patinig = hati ng pantig ù = haba = ponetikong simbolo È = ponetikong simbolo ng diin ng letrang “ng” ́ = grapemikong simbolo ng diin / = ponetikong [ ] = ponetikong transkripsiyon simbolo ng impit “ “ = grapemikong representasyon ` = grapema para sa ˆ = grapema para sa impit sa dulong pantig pinagsamang impit at diin = grapema para sa impit ~ = alternasyon na nasa gitna ng K at P -------------------------------------------------------------------------------------------------K . ŋ

0. PANIMULA: Ang ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paano sumusulat ang mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa. Inilalahad dito ang istandardisadong mga grapema (o pasulat na simbolo) at ang mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga ito. I. MGA GRAPEMA Ang mga grapema sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng: A. Letra. Ang serye ng mga letra ay tinatawag na alpabeto. Ito ay binubuo ng dalawampu’t walong (28ng) simbolo: Aa “ey” Kk “key” Bb “bi” Ll “el” Cc “si” Dd “di” Ee “i” Ff “ef” Gg “ji” Hh “eych” Pp ”pi” Zz “zi” Ii “ay” Qq ”kyu” Jj “jey” Rr “ar”

Mm Nn “em” “en”

Ññ Ng ng Oo “enye” “en ji” ”ow”

Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy “es” “ti” “yu” “vi” “dobolyu” “eks” “way” B. Di-Letra, na maaaring buuin ng:
1

iyon din ang sulat.). “hádji” sa halip ng ‘hádyi” (isang Muslim na nakarating na sa Mecca) “cañáo” sa halip ng “kanyáw” (isang katutubong piyesta sa Baguio.) “payéw”. pananong (?). sa halip ng “hagdan-hagdang palayan” (mga palayang inukit sa mga bundok sa Kordilyera) “tnalák” o ”t’nalák” sa halip ng “tinalák” (habing abaka ng mga Tboli) C. 2. gamitin lamang ang mga letra ng dating ABAKADA: Aa Bb Kk Dd Ee Gg Hh Ii Ll Mm Nn Ngng Oo Pp Rr Ss Tt Uu Ww Yy. Hindi tatalakayin ang mga bantas sa papel na ito.).). markang pahilis ( ΄ ) na sumisimbolo sa diin at/o haba. Kung aling paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikapitong bahagi ng patnubay na ito. 2 . kuwit (. Kung ano ang bigkas sa mga salitang ito sa pinagkunang wika. maliban sa ilang halimbawa gaya ng “ng” at “mga”. Sa pagbabaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika. Ang bawat letra. B. ay kumakatawan sa isang tunog lamang. bantas. II. may dalawang paraang ginagamit: panatilihin ang orihinal nitong anyo o baybayin ito ayon sa ABAKADA. gaya ng tuldok (. panatilihin ang orihinal na anyo ng mga ito batay sa palabaybayan ng pinagkunang wika. 3. gitling (-) at markang paiwa (`). tuldok-kuwit (. tutuldok (:). Sa pagbabaybay ng mga salitang buhat sa ibang katutubong wika sa Pilipinas.1. pandamdam (!). Ito ay iyong tunog na nakagawian at nakasanayan nang katawanin ng nasabing letra. iyon din ang bigkas at sulat batay sa palabigkasan at palabaybayan ng parehong wika. Sa pagsusulat ng karaniwang salita. MGA PANLAHATANG TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY AT PAGBIGKAS Ang mga panlahatang tuntunin sa pagbabaybay at pagbigkas ay ang sumusunod: A. Kung ano ang bigkas sa mga salitang ito. na sumisimbolo sa impit na tunog (). at kudlit ( ’ ). kasama ang digrapong “ng”.

Kapag nasa pagitan ng katinig at patinig.ley] Sa maikling salita. Sa mga salitang malumi (mga salitang may diin sa penultima at may impit sa ultima).ko] 3 “tabâ” [ta. kung ano ang bigkas sa mga salitang ito.ba] . bago ang mga letra. E.in] ito ay kinakatawan ng B.ta] “lábì” [la. so] “káin” [ka. Kapag nasa unahan ng salita o nasa pagitan ng mga patinig. ito ay kinakatawan ng simbolong paiwa (`).lan] C. gitling. iminumungkahing ituro muna ang mga tunog. maaaring hindi magkaroon ng isa-sa-isang tumbasan ang letra at ang tunog. pinagsasama ang simbolong pahilis (΄) at simbolong paiwa (`) upang bumuo ng pakupya ( ˆ ). A.mi] “table” [tey. “likô” [li. “pag-ása” [pag. III.bi] D.bol] “school” [skul] “ballet” [ba. “mommy” [ma. “áso” [a . ang impit ay hindi isinusulat. ANG IMPIT NA TUNOG Ang impit ay kinakatawan ng gitling (-) at ng paiwa ( ` ).sa] “tag-ulán” [tag. Sa mga salitang maragsa (mga salitang parehong may diin at impit sa ultima). u.D. Sa panimulang pagbasa at pagsulat. maaaring iba ang sulat.a. “bátà” [ba. Kapag ang salitang hiram ay binaybay batay sa orihinal nitong anyo sa pinagkunang wika. maliban sa ilang espesyal na kaso.

rut] “laláki” = [la.tan. hindi “búhus” 4 . “babáe”.rot] ~ [ku. ko] “lábì” [la. tan. “sakít” = [sa.ke] B. “matandâ na siya” [ma. da] pero “matandá na siyá” [ma.ki] ~ [la.E.da.ket] “kurót” = [ku. hindi puwedeng pagpalitin sa pagsulat ng karaniwang salita ang “i” sa “e” at “o” sa “u”. sya] G. nananatili ang impit kahit ang salita ay nasundan ng ibang salita. ang impit ay napapalitan ng haba. ang impit ay hindi nabibigkas sa dulo man o hindi ng pangungusap. “likô” [li.la. hindi “babái” “búhos”. subalit kailangang matutuhan ang istandard na barayti. “matandâ” [ma.kit] ~ [sa.la. Para sa ilang tagapagsalita. ko] > [li. at ang “o” na parang “u” sa karaniwang salita nang hindi nagbabago ang kahulugan.tan. Maaaring bigkasin ang “i” na parang “e”. Kapag ang salitang nagtatapos sa impit ay nasundan ng ibang mga salita. Para sa ilang tagapagsalita.bi] > [la. IV. na . na.bi] H. sya] F. Dapat pa ring gamitin ang baybay na matagal na o lagi nang ginagamit. “O” AT “U” A. ANG MGA PATINIG NA “I” AT “E”. Gayunman. Ang magkakaibang bigkas ay itinuturing na bahagi ng lehitimong Filipino. da.

Nasa panghuling pantig ang diin. Sa mga halimbawang nasa ibaba. Ang pangunahing diin ay matatagpuan sa ultima (dulo) o penultimang (pangalawa sa dulo) pantig ng salita.o] “búti” [bu. Kapag ang diin ay nasa pinal na pantig.C. lumalakas ang bigkas sa pantig at tumataas din ang tono dito.sa] “kamay” [ka. Isinusulat ang diin kahit sa salitang malumay at malumi (i.ma] “úso” : “óso” B. “táo” [ta. Sa mga halimbawang nasa ibaba. subalit walang haba ang mga ito. “isá” [i. binibigkas ang pantig na mahaba ().tay] “sandók” [san. ANG DIIN AT/O HABA Ang diin at/o haba ay kinakatawan ng simbolong pahilis ( ΄ ).o] “lúmà” [lu. kapag ang diin ay nasa isang di-pinal at bukas na pantig (i.) “táo” [ta. Ang lahat ng salita ay may pangunahing diin. mahaba ang may diing “ta at “bu”.2 A.e. “mésa”: “mísa” V. mga salitang may diin sa penultima. isang pantig na nagtatapos sa patinig). maliban sa ilang espesyal na kaso. Ang pangalawang diin ay matatagpuan sa iba pang pantig.dok] 5 . Sa mga katutubong salita.ti] C. Nagiging makabuluhan lamang ang letra at tunog na “e” at “o” kapag ikinukumpara ang mga hiram na salita sa mga katutubo o kapwa hiram na salita. mas malakas ang pagbigkas at mas mataas ang tono ng “sa” at “may”. pero hindi lahat ng salita ay may pangalawang diin.may] D. kapag ang katutubong salita ay may saradong penultima: “bantáy” [ban.e. Maaari itong maging pangunahin o pangalawa. maliban sa ultima at penultima.

“Áso itó. Sa pagtuturo ng panimulang pagbasa at pagsulat ay palaging markahan ang diin at/o haba. 6 . Sa tuluy-tuloy na pagsasalita.san]. Nasa panghuling pantig ang diin kapag magkatabi ang dalawang magkaparehong patinig sa huling dalawang pantig ng nakasulat na salita. “magandá” [ma.gan. “mínsan” [miùn. Kapag ang isang salita ay may dalawa o mahigit pang mahabang pantig. Sa tuluy-tuloy na pagsasalita. E. Maaari huwag nang markahan ang mga ito kapag sanáy na sa wikang Filipino ang partikular na mambabasa. “úod” F. to] J.wid] “puwáng” [pu.o] “suót” [su.loŋ] H. no.gan.as] May ilang kataliwasan dito: “óo”.yak] G. “tuwíd” [tu.da] Pero: “Maganda siyá.wang] “tiyák” [ti.biù.yak] “iyák” [i. nananatiling mahaba ang bukas na pantig na may diin. nawawala ang pinal na diin ng salita maliban kung ito ay nasa dulo ng pangungusap.da.” [ma.ik] “ginoó” [gi. “lálákad” [la.” [a. Nasa panghuling pantig ang diin kapag may “uw” o “iy” sa pagitan ng huling dalawang pantig ng salita.sya] I. “biík” [bi. higit na prominente sa kadalasan ang huling pantig na mahaba.kad] “tútúlong” [tutu.san] at “bibíngka” [bi.ot] “taas” [ta. ka] na may diin at haba sa saradong penultima.la.so i.May ilang kataliwasan dito: “pínsan” [piùn.

“isá” [i.syon] (KKPKK-KPK-KPK-KKPK) “ispórts” [is. Walang pantig ng karaniwang salita na nagtatapos sa tunog na “h”.port] (KPK. KKPKK. Walang di-pinal na pantig ng karaniwang salita ang nagtatapos sa impit na tunog [].sa] “aklat” [ak.bo] (KPKK. B.KPKK) “eksklusibo” [eks. Ang Katutubong Palapantigan 1. ANG PANTIG A. Ang mga nakasulat na salitang may magkatabing patinig ay may impit na tunog sa gitna nito.KP) “transportasyón” [trans.ta] KPK-KP 2. KPKK at KPKKK.it] 4. klu. KKPK. 5.ta] (KKPK-KP) ”ímport” [im.por.hay] KP-KPK “puntá” [pun. Ang mga hiram na pantig ay: KKP.ports] (KPK-KPKKK) 7 .VI. nadagdagan ang kayarian ng pantig sa wikang pambansa. Ang Hiram na Palapantigan 1. Dahil sa panghihiram.lat] 3.KP.o] “bait’ [ba.si.po] (KKP-KP) “plánta” [plan. Dalawa lamang ang kayarian ng pantig sa katutubong palapantigan: KP (katinig-patinig) at KPK (katinig-patinig-katinig).KKP.tas. Ang mga nakasulat na salitang nagsisimula sa patinig ay may impit na tunog sa unahan nito. “táo” [ta. “trápo” [tra. “báhay” [ba.

“tó-kwa” at “pi-nyá”. “tók-wa” at “pin-yá”. “byolín”. “kuwénto”.n ya]. “gwápo”. b) Iwasan hanggat maaari ang dalawa o tatlong magkakasunod na katinig sa nakasulat na salita.bra]. sundin ang sumusunod na tuntunin: a) Piliin ang pagpapantig na mas malapit sa kayariang KP at KPK. “gwápo”.kwa] at [pi n . Hindi kayang ipakita sa grapemikong anyo ang bahagyang pagdodobleng ito sa aktuwal na bigkas.lus. at “solusyón” ay hindi naiiwasan ang tatlong magkakasunod na katinig. Sa pagbabaybay at pagbigkas ng mga salitang hango sa Espanyol na may kambal patinig gaya ng provincia. Sa baybay na “probínsya”. kaysa “só-bra”. [tok. “biyolín”. gaya ng makikita sa “probínsya”. sundin ang sumusunod na tuntunin: a) Iayon ang pagbabaybay sa katutubong kayarian na KP at KPK. Sa pagpapantig at pagbigkas ng mga hiram na salitang may kambalkatinig gaya ng “sóbre”. “guwápo”. 2. “kwénto” at “solusyon”. 3. Samakatwid. cuento at solucion. higit na pinapaboran ang “sób-ra”. b) Sa aktuwal na pagbibigkas. “impyérno”. “impyérno”. kung kayat ang naririnig ay malapit sa [sob.Pansinin na kahit sa hiram na palapantigan ay wala pa ring pantig na nagsisimula sa patinig. hindi naiiwasan ang dalawang magkasunod na katinig sa parehong pantig. “impyérno”. Sa kaso ng “solusyón”. ang pagbigkas at pasalitang pagpapantig ay mas malapit sa anyong walang “i” at “u”. “impiyérno”. c) Gayunpaman. violin. “byolín”. ang bigkas dito ay [so. “kwénto”. ”tok” at ”pin” sa sumusunod na pantig.syon] kung saan tumatawid ang “s” sa sumusunod na pantig. Sa baybay na “byolín”. tumatawid ang huling katinig ng ”sob”. higit na pinapaboran ang pasulat na anyo na “probínsiyá”. at “aksyón”. “tókwa” at “pinyá”. infierno. 8 . guapo. “gwápo” at “kwénto”. at “solusyón” kaysa “probínsya”. Samakatwid.

panatilihin ang orihinal na anyo. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinanghiraman. ANG PANGHIHIRAM Ang mga tuntunin sa panghihiram at pagbabaybay ng mga hiram na salita ay ang sumusunod: A. “tarsier” = “máomag”. “daddy” “sir” “boyfriend” “psychology” > “psychology” hindi “saykólojí” 3. sumusunod na kalakaran. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi. “rule” = “tuntúnin” hindi “rúl” “narrative” = “salaysáy” hindi “náratív” B. Huwag pa ring manghiram. Hanapan ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto. Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman. ayon sa ABAKADA. “Manuel Luis Quezon” “chlorophyll” “Ilocos Norte” “sodium chloride” 9 . Kapag walang eksaktong katumbas. “málmag” (Bol-anon) “whale shark” = “butandíng” (Bikol) C. Huwag manghiram. “cebollas” > “sibúyas” “componer” > “kumpuní” “socorro” > “saklólo” “psicología” > “sikolohíya” 2. panteknikal at pang-agham. Gamitin ang lokal na termino o ihanap ng katumbas sa mga lokal na wika ang konsepto. hiramin ang salita batay sa baybayin ang salita 1.VII.

Baybayin alinsunod sa ABAKADA ang mga hiram na salita na naiba na ang bigkas at/o kahulugan sa orihinal. gusali (Wátson Building). Maaaring pagkamalan itong maling ispeling: “palatunúgan” o “ponolohíya” hindi “fonólojí” “úri ng wíkà” o “baráyti ng wíkà” hindi “varáyti ng wíkà” “pasalaysáy” o “naratìbo” hindi “náratív” F. at organisasyon (Unibersidád ng Pilipínas. marka ng produkto (Scotch tape. Ramadán).4. Senadór Angára). Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit. laluna sa wikang Ingles. DEPED). Bantáy). buwan at piyesta opisyal (Martés. lugar (Maynílà. GAMIT NG MALAKING LETRA.greù. nasyonalidad at wika (Manuvǔ. daglat (DOTC. “Repúbliká ng Pilipínas” hindi “Repúbliká ng Filipínas” “aghám panlipúnan” hindi “sósyal-sáyans” VIII. Múslim (o Muslím)). Lilubuágen). kasapi ng relihiyon (Híndu. “stand by” > “istámbay” “hole in” > “hólen” “up here” > “apír” “caltex” > “káltek” (tábò) D. departamento at ahensya ng gobyerno (Komisyón sa Wíkang Filipíno). eskuwelahan. Kalínga). titulo ng tao (Pangúlong Arróyo. araw. ginagamit ang malaking letra upang simulan ang isang pangungusap at baybayin ang mga pangngalang pantangi.so] E. Linguistic Society of the Philippines). Gaya ng nakagawian na. titulo ng akda 10 . gaya ng tao o hayop (Juán. “teléponó” hindi “teléfonó” “pamílya” hindi “família” o “famílya” “epektíbo” hindi “efektíbo” o “efektívo” “kongréso” hindi “konggréso” pero ang bigkas ay [koŋ. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas. ay nakikipagkumpetensiya sa orihinal na baybay. Ang istriktong ponetikong baybay ng mga hiram na salita. unibersidad. Pebréro. Iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa ABAKADA sa pagbaybay ng mga hiram na salita. Kleenex tissue).

Subalit ginawa din ito upang tugunan ang praktikal na pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang pambansa — mga nagsisimulang sumulat at bumasa. 2008 ng Lupon ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). at ang mga Pilipinong gustong gawing tulay ang kanilang wikang sarili upang matuto ng wikang dayuhan. Hindi sapat na maging siyentipiko ang isang ortograpiya. ang muling pagpapahayag ng mga subok na at nakagawian nang tuntunin ay hindi masama kundi mabuting bagay. Baláríla ng Wíkang Pambansâ). Mga Hispanismo sa Filipino: Batay sa Komunikasyong Pangmadla ng Filipinas: Pag-aaral Linggwistiko. ang mas maraming Pilipino na ang unang wika ay di-Tagalog. _______ MGA TALA: 1 Ang gabay na ito ay bahagyang inedit na bersiyon ng ortograpiya ng wikang pambansa na inaprubahan noong Mayo 20. naimungkahi o naiharap na sa nakaraan. IX. mga dayuhang gustong matuto ng Filipino bilang wikang dayuhan. at mga tampok na pangyayari sa kasaysayan (Áraw ng Kagitíngan. Ang karamihan ng pagbabago dito ay binubuo ng dagdag na mga halimbawa at paglilinaw sa napagkasunduang mga tuntunin. MGA REPERENSIYA: Alcantara. Ang marami dito ay dati nang mga kaalaman at tuntunin na naipahayag. Sa puntong ito. Teresita. Sa ganang amin. mga bihasa nang sumusulat at nagbabasa sa wikang pambansa. Kailangan din itong matanggap ng publiko. Ikalawáng Digmáang Pandaigdíg). 2 Ang diskusyon tungkol sa pangunahin at pangalawang diin ay nasa unang mga borador ngunit hindi naisama sa naaprubahang dokumento. Ang ortograpiyang ito ay ginawa alinsunod sa prinsipyo ng makabagong lingguwistika. Unibersidad ng Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino. mga Pilipinong ang unang wika ay Tagalog. kailangang linawin na walang ganap na bagong kalakaran at kumbensyon sa patnubay na ito. subalit sa di malamang dahilan ay naiwaksi at nakalimutan. Minarapat naming ilagay itong muli upang maging kumpleto ang pagsusuri. PANGWAKAS. 1999. 11 .(Diksiyúnáryo ng Wíkang Filipíno.

Komisyon sa Wikang Filipino. English. Essentials of Language Documentation. Leo James. 1996. Komisyon sa Wikang Filipino.Bloomfield. Cubar. Ernesto A. “Orthography Development for Belize Creole.htm. 1986. and Ernesto H. eds. Nickolaus P.” Nasa Notes on Literacy. Urbana: University of Illinois. Dallas. 1917. Constantino. Ken. Writing Filipino Grammar: Traditions and Trends. Gralow.bz/LanguagePages/Language_Ortography. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino. Donald. Ulat Hinggil sa mga Forum sa Ispeling. 2001. Texas: Summer Institute of Linguistics.” Nasa http://www. 1965. Beginning Tagalog. 2007. Quezon City: Kalayaan Press. Ang Wikang Filipino.org. Komisyon sa Wikang Filipino. Nelly I. Berlin/New York: Mouton de Gruyter. Jost.kriol. Decker. Leonard. 2000. [Lungsod Quezon]: CSSP Publications at Departamento ng Linggwistiks. 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. at Ilang Talang Pangkasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Tagalog Texts with Grammatical Analysis. “Some Sociolinguistic Considerations in Ortography Design. Tagalog-English Dictionary. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino. Berkeley: University of California Press. Quezon City: Merylvin Publishing House. [Komite sa Wika at Salin. 1981. Ang Ortografi ng Wikang Filipino. 1998. Frances. Naka-mimeograph. 2006. Diskyunaryo ng Wikang Filipino. 33: 8-1981. National Commission for Culture and the Arts]. 1994. Quezon City: 1994. Mga Tanong at Sagot Tungkol sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Cubar. Bowen. 12 . Gippert. Kolehyo ng Sosyal Sayans at Pilosopiya. Himmelman and Ulrike Mosel.

Sibayan and Andrew B. Orthography and the National Language. Kathryn A. 88-98. 1977.Lopez. Balarilang Filipino. Curtis. Jose V. Santiago. Metalinguistics and Orthographic Choice. Language Planning and the Building of a National Language: Essays in Honor of Santiago A. Schieffelin. Curtis. Essentials of Language Documentation. “Orthography Development. 13 . “Notes on Phonemics. 1972. 285-316. Nickolaus P. Language Ideologies: Practice and Theory. New York/Oxford: Oxfor University Press. 1998. Manila: Linguistic Society of the Philippines and Language Study Center. Manila: McFarland. Tiangco. eds. Makabagong Caloocan City: Schachter. McFarland. Schieffelin. Kroskrity. Berkeley/Los Angeles/London: University of California Press. and Rachelle Charlier Doucet. “English Enrichment of Filipino. Tagalog Reference Grammar. 1998. Frank. Alfonso O. Paul and Fe Otanes. FSC. Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles. Santos. Linguistic Society of the Philippines. Philippine Normal College. 29: 1 and 2. eds. 2003. 1978. Cecilio. Philippine Graphic Arts.” Nasa Bonifacio P. Himmelman and Ulrike Mosel. Gonzales. Manila: Bureau of Printing. A Manual on the National Language. Pilipino-English Dictionary. 275-299. Woolard and Paul V.” Nasa Bambi B. and Norma G. Inc. Howard P. 1989.” Nasa Jost Gippert. “The “Real” Haitian Creole: Ideology. Manila: Linguistic Societry of the Philippines. eds. Seifart. Fonacier on his Ninety-Second Birthday. Lungsod Quezon: Manlapaz Publishing Co. Panganiban. 2006. McKaughan. 1940. 1972. Berlin/New York: Mouton de Gruyter. Bambi B. Lungsod Quezon: Rex Bookstore.” Nasa Philippine Journal of Linguistics.. Vito C. A Frequency Count of Filipino.

Schieffelin. Manila: Linguistic Society of the Philippines and Language Study Center. Kroskrity. eds. Bambi B. Bonifacio P. Jan and Paul Geraghty. [1985]. Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Pilipino/Patnubay sa Pagwawasto ng mga Aklat Babasahin. Gonzales. and Andrew B. Kathryn A. 2004.. Surian ng Wikang Pambansa.. Simposyum sa Repormang Tent. eds. 14 . 1977. FSC. Philippine Normal College. Language Ideologies: Practice and Theory. Borrowing: A Pacific Perspective. Woolard and Paul V. Fonacier on his Ninety-Second Birthday. Sibayan. Language Planning and the Building of a National Language: Essays in Honor of Santiago A. 1940. Canberra: Pacific Linguistics Research School of Pacific and Asian Studies. Ortograpiko. Australian National University. Balarila ng Wikang Pambansa. Surian ng Wikang Pambansa. eds. 1998. Surian ng Wikang Pambansa. Manila: Bureau of Printing. New York/Oxford: Oxford University Presss. Manila: Government Printing Office.