You are on page 1of 13

PROKLAMASYON BLG.

1041 NAGPAPAHAYAG NG TAUNANG PAGDIRIWANG TUWING AGOSTO 1-31 BILANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA SAPAGKAT, ang pagpapahalaga sa isang katutubong wikang pambansa ay pinatunayan ng pagkakaroon ng kaukulang probisyon sa Saligang Batas ng 1898, 1935, 1973, at 1987; SAPAGKAT, ang isang katutubong wikang panlahat ay mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, unawaan, kaisahan at kaunlaran ng bansa; SAPAGKAT, ang katutubong wikang nagsisilbing batayan ng nililinang, pinauunlad at pinagyayaman pang wikang pambansang Filipino ayon sa itinatakda ng Saligang Batas ng 1987, ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa Himagsikan ng 1896 tungo sa pagkakamit ng Kasarinlan na ang Ika-100 Taon ay kasalukuyang ipinagdiriwang at ginugunita ng sambayanang Pilipino; SAPAGKAT, ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong Agosto 19, 1878; DAHIL DITO, AKO, si FIDEL V. RAMOS, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa bisa ng kapangyarihang kaloob sa akin ng batas, ay nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, sa pangunguna ng mga pinuno at kawani sa sektor ng pamahalaan, mga pinuno at guro sa sektor ng edukasyon, mga kinatawan ng pakikipagugnayang pang-madla, mga pinuno at miyembro ng ibat ibang organisasyong pangwika, pang-edukasyon, pangkultura at sibiko, at mga organisasyong di-pampamahalaan. BILANG KATUNAYAN, lumagda ako rito at ipinakintal ang tatak ng Republika ng Pilipinas. GINAWA sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika 15 ng Hulyo, sa taon ng Ating Panginoon, Labinsiyam na Raan at Siyamnaput Pito. FIDEL V. RAMOS

Panimula: Ang Filipino bilang wikang Pambansa natin ay binibigyan ng pagpapahalagaat tinatangkilik kaya naman ginagamit itong medyum bilang isang

asignatura. Napapaloob sa asignaturang ito ang mga ibat ibang gawain tuwing buwan ng pagdiriwang ng wikang Filipino ayon na rin sa mga mungkahing nakasaad sarehiyonal na adbaysori . Kalakip dito ay ang pagkakaroon ng tala sa lahat ng mgagawaing pansanay nang sa gayon ay makita ang pagpapalaganap para sa kaunlaran ngFilipino bilang wika natin at bilang isang asignatura sa ating kurikulum.

Linggo ng Wika
Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.

Sa paglipas ng panahon...
Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa. Bawat bansang malaya ay may kanya-kanyang wika. Ang Pilipinas, na itunuturing na isa sa mga ito, ay may sarili ring wika. Ito ay ang Wikang Filipino. Iilang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ng Negros Oriental State University (NORSU) ang Buwan ng Wika. Sa halip na buwanang pagdiriwang, ito ay idinaos sa loob ng isang araw na lamang noong ika-20 ng Agosto sa pamamagitan ng mga patimpalak gaya ng comical skit at katutubong sayaw. Naging matagumpay man ang paggunita ng unibersidad sa Buwan ng Wika, hindi pa rin natin maitatanggi na ang pagdiriwang ngayon ay payak na lamang kung ihahambing noong mga nakaraang taon. Naging kasiya-siya man ang ginawang selebrasyon, hindi naman ito naging sapat upang lubusang tumatak sa isipan ng lahat ang nais ipahiwatig ng pagdiriwang. Noong mga nagdaang taon, hindi maipagkakailang mas masaya at mas pinaghandaan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika dito sa NORSU. Iilan sa mga pinaghandaang palatuntunan na itinampok noon ay ang paligsahan sa pagkukwento, madulang sayaw, talumpati, sabayang pagbigkas, at katutubong sayaw. Noon ay mayroon ding mga dulang may iisang yugto, at may ginawang pagpili ng Lakan at Lakambini ng Wika. Mayroon pa ngang tabo sa banay at mga paligsahan sa katutubong laro na nooy nilahukan ng mga mag-aaral. Mapapansing habang lumilipas ang panahon ay unti-unting nawawalan ng tingkad ang dating

makulay na selebrasyon. Bakit unti-unting nagiging tahimik ang datiy siksik na siksik sa saya na pagdiriwang ng Buwan ng Wika? Bakit mula sa mahabang hanay ng mga palatuntunan noon, dalawa o tatlong programa na lamang ang natira? Hindi naman natin masisisi ang Departamento ng Filipino dahil makatarungan naman ang kanilang mga dahilan kung bakit naging simple na lamang ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon. Ang kawalan ng badyet, ay isa sa mga pangunahing dahilan. Ang mas magarang selebrasyon ay mangangahulugang mas malaki ang perang magagamit, na mangangahulugan ding mas mabigat para sa bulsa ng mga estudyanteng kumukuha ng asignaturang Filipino ang gagawing paggunita. Pangalawa, maaantala ang klase kung gagawing mas matagal ang selebrasyon. Tama nga naman naging praktikal lamang ang departamento na isipin ang kapakanan ng mga estudyante. Ngunit sa kabilang banda, hindi natin maiiwasang magtanong: Paano naman natin bubuhayin ang unti-unti nang namamatay na larawan ng wika at kulturang Pilipino kung hindi naman natin magawang ipadama sa mas nakakaraming estudyante ang tunay na diwa ng selebrasyon? Paano mararamdaman ng mga mag-aaral ang nais ipahiwatig ng pagdiriwang kung hindi nga nila halos mapansin? Mayroon ngang nanood sa payak na pagdiriwang ngunit hindi pa rin maitatangging mas marami ang nagsawalang bahala dito. Hindi ba maaaring pagsabayin ang pagtitipid at ang isang matingkad na pagdiriwang? Wala na bang paraan upang maibalik ang dating nakaka-agaw pansin na pagdiriwang na hindi magiging mabigat sa bulsa ng mga estudyante at hindi nakakaantala sa kanilang mga klase? Sa panahon ngayon, hindi na nga ba praktikal ang magdaos ng isang magarbo at makulay na Buwan ng Wika? Sana ay maari pa. Sana ay may paraan pa. Bakit? Dahil ang isang maingay, matingkad at makabuluhang pagdiriwang ang siyang pupukaw sa damdamin ng mga mag-aaral damdaming dapat pahalagahan ang tunay na kabuluhan ng kultura at wikang Filipino.

Komentaryo: Buwan ng wika bilang pambansang ritwal


Dr. Jovy M. Peregrino

Patuloy pa ring isang sapot ang maraming tanong tungkol sa tunay na kahulugan, esensiya, kahalagahan at papel ng pagdiriwang ng buwan ng wika sa pagpapaunlad ng wikang pambansa kaalinsabay ang tunay at walang pagpapanggap na katayuan ng wikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, sa lipunang Pilipino at sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Pansinin ang ilang tanong: 1. Bakit nagdiriwang ng Linggo ng Wika na ngayoy tinatawag na Buwan ng wika? 2. Saan ito nagmula? 3. Para saan ito? 4. Ano talaga ang rasyonal o kahalagahan ng pagdiriwang na ito? 5. May naiambag na bang kongkretong kaunlaran ang pagdiriwang na ito sa wikang Filipino para sa kaunlaran ng bayan o ng isang Pilipino? Si Pangulong Ramon Magsaysay ang nagpauso ng pagdiriwang na ito noong 1954 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 12 na datiy ipinagdiriwang tuwing Marso 29 hanggang Abril 4 bilang pagkilala sa araw ni Francisco Balagtas (Abril 2). Napalitan ang petsa at ginawang Agosto 13-19 ang pagdiriwang bilang pagkilala naman kay Pangulong Manuel Quezon noong 1955. Ang pagdiriwang ay nagmula lamang sa isang linggong pagkilala kina Balagtas at Quezon sa pamamagitan ng wika. Para saan ito? Para magkaroon ng programa sa eskwelahan, timpalak sa balagtasan, tula, awit at pagsusuot ng mga kasuotang Pinoy kasabay ang alituntuning maaring ipagamit ang wikang pambansa bilang wikang panturo sa ibang mga sabjek na hindi gumagamit nito at pagkatapos ng pagdiriwang ay balik na uli sa dating pagpapahalaga? Ano talaga ang rasyonal o kahalagahan ng pagdiriwang na ito? Sa mababaw at biglaang pagtingin ay maganda, mahalaga at kapaki-pakinabang at ipinagbubunyi ang sariling atin. Ngunit sa malalimang pagtingin ay tila isang pambansang ritwal lamang ito. Ibig sabihin, itoy paulit-ulit lamang ginagawa at dahil sa katagalan o palagiang pagsasagawa ng isang ritwal, unti-unti itong lumalayo sa puso ng mga taong gumaganap ng ritwal. Wala itong pinag-iba sa pagdarasal ng rosaryo habang sumasagot sa text messages. Walang masama sa pagdiriwang kung mayroon nga bang ipinagdiriwang. Walang masama sa paggunita kung ang ginugunita ay para lamang sa isang araw ng paggunita. Ngunit paano kung ang ginugunita at ipinagdiriwang sa loob ng isang buwan ay dapat na ginagamit at tinatangkilik sa loob ng 12 buwan at 365 araw sa loob ng isang taon? Sa mababaw na pagtingin, ang paggunita ay isang paggalang o pagtanaw muli o pag-alala. Ngunit sa malalim na pagtingin, ang paggunita ay pagkilala sa pagkalimot kaya kailangang gunitain. Ginugunita dahil hindi araw-araw na mahalaga. Mahalaga lang ito sa mismong oras ng paggunita. Maraming nagsasabing ang pagdiriwang ng buwan ng pambansang wika ay para sa pagpapaunlad nito. Paano ito uunlad kung sa loob lamang ng isang buwan bibigyang halaga?

Passe na ang paglalagay at paggamit ng usaping pangwika bilang front act ng usapin ng pagiging makabayan. Mas mahalaga ang kaisipan (thought) o diwang pumapaloob sa wika. Dito makikita ang mas angkop na gamit ng wika sa pag-unlad ng bayang makikinabang sa kaisipan ng wika. Ang tunay na pagpapahalaga at pagdiriwang sa wika ay ang paglampas o pag-angat nito sa mundo ng mga usaping pambansa. Sa mababaw na pagtingin, kapag sinabing pambansa, nagbibigay ito ng identidad ng bansa, pinapahalagahan at iginagalang. Ngunit sa malalim na pagsusuri muli, kung lilimiin, kapag nilagyan ng pambansa ang anumang bagay, tila nagiging simbolo na lamang ito at hindi aktibong lumalago sa gitna ng lipunan. Ang pambansang hayop ay KALABAW. Dahil ito ba ang simbulo ng bansang agrikultural? Ang pambansang ibon ay AGILA. Dahil ito ba ay simbolo ng kapangyarihan at lakas? Ang pambansang damit ay BARONG/SAYA. Sinusuot lamang ito sa mga kasal, pormal na okasyon, kung panauhing pandangal ka, paparangalan ka o kung ibuburol ka. Hindi ito ang pang-araw-araw na damit ng mga Pilipino. Simbolo lamang ito ng mga kasuotang Pilipino. Ang pambansang bulaklak ay SAMPAGUITA. Makikita lamang ito sa rebulto ng mga santo, kaunti sa jeep, higit sa lahat ito ang bulaklak na nakalagay sa ibabaw o gilid ng mga ataol dahil simbolo ito ng puting mabangong pagmamahal. Ang pambansang BANDILA ay ang asul, pula, puti, dilaw na may araw at tatlong bituin. Makikita ito sa tuktok ng mga flagpole. Itinataas sa umaga at ibinababa sa hapon. Dumarami lamang ang display ng pambansang bandila tuwing Hunyo 12 bilang pagdiriwang at paggunita sa kalayaan. Hindi pa nga lahat ng establisimyento ay may display na bandila. Tela lamang itong simbolo ng Pilipinas. Iginagalang, inaalagaan at itinatabi. Ang pambansang awit ay LUPANG HINIRANG. Kinakanta lamang ito tuwing flag ceremomy, pagbubukas ng palatuntunan, last full show sa mga sinehan at sign off ng mga estasyon sa TV. Hindi ito pinapalitan, hindi ito basta kinakanta, dapat nakatayo ka kapag narinig ang awit na ito. Ipinagbabawal ang pagbalahura o pagbabago ng tempo at melodiya nito. Ang mga ito ay simbolong Pilipino na gamit sa mga ritwal at paggunita. Hindi na umuunlad dahil frozen na ang kahulugan at gamit. Tila ang mga itoy bagay na binigyan na ng tiyak na kahulugan at hindi maaaring mabago. Lumilitaw, makikita, maririnig at pinapahalagan depende sa okasyon o panahon. Hindi ganito ang gamit at papel ng pambansang wika. Ang wikang Filipino o pambansang wika ay higit pa dapat sa pagtingin dito bilang makabayang simbolo. Mas dapat tingnan ito bilang isang makapangyarihang instrumento sa pag-unlad ng kaisipan ng tao. Totoong ang wika ay nagagamit sa pagkakakilanlan, maging Ingles o Filipino man ito. Ngunit ang isyu ay ano ang laman, kaisipan at diwang pumapaloob sa partikular na wika.

Galit ang mga Pilipino sa racial discrimination o panlalait sa mga Pilipino sa ibang bansa. Ngunit pansinin ang paraan ng pag-iisip ng mga Pilipino sa kapwa Pilipino: 1. Bakit pinagtatawanan ng mga Tagalog ang pagsasalita ng mga Bisaya? 2. Bakit may tunggaliang rehiyonal sa usapin ng wika? 3. Bakit ang katamaan ng wika ay nasa tunog Maynila? 4. Bakit kapag gustong magpatawa, magtunog Bisaya lang ay komedyante na? 5. Bakit kapag ang papel sa pelikula, telebisyon at teatro ay katulong, dapat tunog Bisaya? 6. Bakit nagpapalitrato sa mga Igorot at mga Lumad? 7. Bakit iniisip na kapag hindi marunong mag-Ingles ay bobo? 8. Bakit kapag mga rehiyonal na wika o pamprobinsiya ay walang prestihiyo pero kapag wika sa Maynila ay maganda, magalang at kapag wikang Ingles na ay mas mataas na sa Tagalog at iba pang mga wika sa bansa? 9. Sino ang naglagay ng tiyak na hirarkiya sa mga wika? Sino ang nagsabing mas mataas ang Ingles kaysa Tagalog at mas mataas ang Tagalog sa mga wika sa Pilipinas? Paano nagkaroon ng ganitong kaisipan? Ito kaya ang dahilan ng isang watak-watak na lipunan? Wika ba ang dahilan? Baka hindi. Baka ang mis-edukadong kaisipan ang maysala. 10. Bakit may Filipiniana section sa Philippine Libraries? Ang mga tanong ay tila may malalim na pinsala sa kaisipan at damdaming Pilipino. Sinasalamin ng mga tanong ang katotohanang nagagamit ang wika upang masalamin ang tunay na hitsura at kaayusan ng diwa o kaisipan sa loob ng utak ng isang Pilipino. Dito makikita ang klase ng pagpapahalaga ng isang indibidwal sa kanyang kapaligiran. Ipinapakita lamang nito ang mababaw na pagtingin ng Pilipino sa kanyang wika at kaakuhan. Hindi man sadyaing manlait sa mga Bisaya, ngunit nagaganap ito dahil sa derogatorisasyon ng natural at kultural na paggamit ng Bisaya sa kanilang diyalekto at idyolektal na presentasyon ng kanilang wikang walang pakundangang inihahalintulad sa wika ng Maynila. Paano papasok dito ang konsepto ng pagkakaisa kung may inferiorization na nagaganap? Tungkulin ng pambansang wika na humubog ng diwa ng pagkakaisa bilang bansa. Hindi masama ang pagkakaroon ng mga pagdiriwang dahil ang mga Pilipino ay kilala at mahilig sa mga pista, kasayahan at pagkilala. Mahilig ang Pilipino sa mga ritwal ng pagaalay, paggunita, ribbon-cutting, ngunit nagiging mekanikal at kalungkot-lungkot ang pagdiriwang kung itoy may halong pagpapanggap. Sa konsepto ng pagdiriwang ng linggo ng wika, hinihikayat ang lahat ng guro na gumamit ng wikang pambansa sa klasrum sa loob ng isang lingo. Ngayon ay buwan na ng wika, ibig sabihin, hinihikayat ang mga guro sa klasrum na gumamit ng wikang pambansa sa loob ng

isang buwan. Kasalukuyan pa ring ipinatutupad ang Executive Order 210 na nag-uutos na 70 porsiyento ng wikang gagamitin sa klasrum ay Ingles at 30 porsiyento sa Filipino. Ito ang pagdiriwang na may pagpapanggap. Tila nagpapanggap lamang ang akademya. Kapansin-pansin na ang gawaing itoy pang-akademya lamang. Hindi ito gawaing panlipunan. Hindi ito pinagkakaabalahan ng pamilya, baranggay, barrio, bayan o probinsiya. Dahil ito ang kanilang pang-araw-araw na gamit. Pinahahalagahan nila ito 365 araw sa loob ng isang taon. Hindi ganito sa akademya. Hiwalay ang gawaing pang-akademya sa gawaing panlipunan sa usapin ng gamit at pagpapahalaga sa wikang pambansa. Ito ang dapat lampasan ng Unibersidad ng Pilipinas bilang pambansang unibersidad. Malinaw ang patakarang pangwika ng UP Diliman. Dapat gamitin ang wikang Filipino sa usaping akademiko. Katuwang dito ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF) sa ilalim ng opisina ng tsanselor ng UP Diliman. Sa kabila ng aktibong pakikipag-ugnayan ng SWF sa ibat ibang kolehiyo ng unibersidad para sa mga ugnayang proyekto sa wika at ibat ibang disiplina sa pamamagitan ng mga naitayong komite sa wika ng bawat kolehiyo, tila marami pang dapat gawin ang unibersidad para sa akademikong tungkulin nito sa pagpapayaman at intelektuwalisasyon ng wikang pambansa. Dapat maiangat ang antas ng pagdiriwang mula sa ritwal tungo sa taunang resolusyong mag-aambag sa tunay na pagpapaunlad sa wika, kaisipan, pangkabuhayan, kapayapaan at pagkakaisang Pilipino. Ang pagkilos na itoy katumbas ng isang matatag at makatotohanang paninindigang politikal. Ang tunay na pagpapahalaga sa wika ay ang pag-iintelektuwalisa rito sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng antas ng pagdukal ng kaalaman at karunungan. Tunay na uunlad ang sikolohiyang Filipino at pilosopiyang Filipino sa pamamagitan ng wikang Filipino. Ito ang dapat maging ambag ng UP sa karunungan ng daigdig. Tama na ang pagtingin sa wika bilang simbolo lamang. Buhayin at isabuhay ang simbolo upang ang pambansang wika ay umangat na sa papel ng pambansang ibon at pambansang bulaklak. Kapag naganap na ito, makabuluhan na ang pambansang ritwal. Pambansang wika, higit ka pa sa pambansang prutas! Si Dr. Jovy Peregrino ay direktor ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF) ng UP Diliman.

Buwan ng Wika 2011


Tuwing sasapit ang buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ng buong bansa ang Buwan ng Wika. Sa taong ito, ang tema ay, Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas. Isang pagpupugay at paraan upang ipakita natin ang ating pagmamahal sa ating bansa at sa ating wika ay ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ang wika ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga mamamayan. Sa pamamagitan nito, ang ating pagkakaisa at pagkakaunawaan ay lalong yumayabong. Ito rin ay nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan. Sa pamamagitan nito, nakilala ng ibang tao kung sino tayo. Bago itinanghal ang programa noong ika-26 ng Agosto, ay ramdam na ramdam sa bawat antas ang tensyon. Ibat-ibang kompetisyon ang naganap. Sa unang bahagi ng programa, naganap ang indibidwal na kompetisyon. Pagalingan sa pagtula para sa pre-school. Maikling kwento at deklamasyon naman ang para sa elementarya. Sa ikalawang bahagi, pagsasayaw ang ipinakita ng grupo ng elementarya at Sabayang Pagbigkas naman na may pamagat na Kaya ng Pinoy! ang sa Sekondarya. Naging matagumpay ang pagtatatanghal kahit pa nga nakisabay ang bagyong Mina. Ngunit hindi lang iyon! Nagkaroon din ng mga kasiyahan at palaro noong huling araw ng Agosto, tulad ng mga bugtong, salawikain, patintero, kadang-kadang at iba pa. Nagkaroon din ng pagalingan sa larangan ng pagguhit na may tema na patungkol sa kalikasan.
Tunay na ang Buwan ng Wika ay pagkakataon upang iparating natin sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakikipagkomunikasyon. Ito ay isang pundasyon ng ating pagkakakilanlan at pagkabansa. Bilang pag-alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto sa Pilipinas (Philippines), pangungunahan ng Komisyong Wikang Filipino (KWF) ang pagdiriwang sa taong ito na may paksang-diwa na, "Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas".

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2011 na may temang,Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas ang departamento ng Filipino sa hayskul ay naghanda ng mga palatuntunan/patimpalak na nagpapakita ng talino at kakayahan ng mag-aaral at sumasalamin sa kultura at damdamin ng lahing Pilipino.

Buwan ng Wikang Pambansa 2011


12 Aug

Bilang pag-alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto sa Pilipinas (Philippines), pangungunahan ng Komisyong Wikang Filipino (KWF) ang pagdiriwang sa taong ito na may paksang-diwa na, Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas. Layunin ng pagdiriwang na ito ang mga sumusunod:

a. maisakatuparan ang mga tungkulin ng KWF ayon sa itinakda ng Seksiyon XIV, Letrang L ng Batas Pambansa Blg. 7104; b. maipatupad ng ganap ang Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulo ng Pilipinas; c. maipamalas sa sambayanan ang kahalagahan sa paggunita ng wikang pambansa at ang kasaysayan nito sa ika-75 anibersaryo ng KWF; d. ganyakin ang mamamayang Pilipino na makilahok sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay sa wikang Filipino; e. masuri at masukat muli ang naisagawa sa implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335; at f. maidaos ang kumperensiyang pangwika na ang layunin ay maisapanahon ang mga kaalaman at isyung pangwika.

Hinati sa limang lingguhang paksa ang isang buwang pagdiriwang:


Petsa Paksa

Agosto 1-7 Pagpapahalaga sa Pambansang Wika Agosto 814 Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan

Agosto 15- Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at 21 Pangkatarungan Agosto 22- Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na 28 Landas Agosto 29- Wikang Filipino: Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral, Wika 31 ng Kabayanihan

Para sa isang buwang pagdiriwang, ang mga sumusunod na paksa ay hinati-hati sa bawat linggo ng Agosto. Agosto 1-7: Pagpapahalaga sa Pambansang Wika
1. Pagsasapuso ng Pambansang Awit. 2. Pagdaraos ng mga talakayan para sa pangangailangang pangwika sa epektibong paghahatid ng serbisyong pampamahalaan. 3. Pagdaraos ng mga programa at gawain na ang gamit ay wikang Pambansa. 4. Paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensiya. 5. Pagdaraos ng Timpalak-Bigkasan sa silid-aralan gamit ang pambansang wika sa paksang Ang Wika ay Lakas at Ilaw sa Tuwid na Landas. 6. Ganap na maipaunawa sa mga mag-aaral na ang tagumpay ay matitiyak kapag mabuti at pinahahalagahan ang paggamit ng wika.

Agosto 8-14: Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan


1. Pagsasapuso ng Panunumpa sa Watawat. 2. Pagsasadula sa Wikang Filipino ng mga gawaing may kinalman sa kaunlaran at disiplina ng bayan. 3. Pagpapasulat ng pormal or di-pormal (elementary at sekondarya) na sulatin o sanaysay (kolehiyo) tungkol sa paksa 4. Pagtatanghal ng dula-dulaan na naglalarawan ng paksa, gamit ang wikang pambansa. 5. Paghahanda ng iba-ibang slogan na may kaugnayan sa paksa, para sa lalo pang pagpapapasigla ng pagdiriwang.

Agosto 15-21: Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at Pangkatarungan


1. Pagsasapuso ng Diwa ng Kalayaan 2. Pagdaraos ng Timpalak sa Talumpatian na ang pokus ay ang lingguhang paksa. 3. Pagdaraos ng talakayan tungkol sa kasaysayan ng kalayaan na tinatamasa ng bayan. 4. Pagdaraos ng debate na may pamagat na Ang Kahalagahan ng Wika sa Larangan ng Katarungan.

Agosto 22-28: Wikang Filipino: Tugon sa malinaw na programa sa Tuwid na Landas


1. Pagsasapuso ng Diwa ng Tuwid na Landas. 2. Pagtalakay sa kahalagahan ng wikang Filipino sa pag-unawa sa isinusulong na mga programa ng Administrasyong Aquino. 3. Pagtatala ng karunungang natamo dahil sa Wikang Filipino. 4. Pagbuo at/o pagsariwa ng nga tula at awiting Filipino tungkol sa pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan bilang patunay ng pagmamahal sa bayan. 5. Pagdaraos ng timpalak sa paggawa ng poster na naglalarawan ng kalikasan at/o kapaligiran ng Pilipinas noon at ngayon. 6. Pagtataguyod ng Palatuntunan tungkol sa pagmamahal sa wika at kalikasan.

Agosto 29-31: Wikang Filipino, Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral, Wika ng Kabayanihan
1. Pagsasapuso ng Diwa ng ika-150 Selebrasyon ng Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal. 2. Pagtatanghal sa mga isinasagawang patimpalak sa panahon ng pagdiriwang. 3. Pagdaraos ng Palatuntunan na nagpapamalas ng ilaw at lakas ng wika.

Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wikan at sa ebolusyon ng ibat ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga

nagsasalita nito na may ibat-ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. (Res. Blg. 96-1, S. 1996

You might also like