P. 1
Mga Kaugaliang Pilipino

Mga Kaugaliang Pilipino

2.0

|Views: 13,059|Likes:
Published by Henry Magahis

More info:

Published by: Henry Magahis on Oct 28, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/19/2015

pdf

text

original

Mga Kaugaliang Pilipino 1.

Bayanihan – Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano. 2. Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak – Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala. 3. Pakikisama – Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba. 4. Hiya – Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob. 5. Utang na Loob – Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. 6. Amor Propio – Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. 7. Delikadesa – Isang ugali na nagpapakita kung kailan dapat na ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar. 8. Palabra de Honor – “May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako sa iba at hindi paiba – iba ng opinyon. 9. Bahala na – Ang gawing ito ay nangangahulugan ng pagpapaubaya sa kapalaran sa kung anumang mangyayari o kahihinatnan sa buhay. 10. Pagpapahalaga sa Damdamin – Ito ay tinaguriang pagsasaalang-alang ng saloobin ng iba. Pinahahalagahan ng mga Pilipino ang damdamin ng kanyang kapwa at sinisigurong hangga’t maaari ay hindi niya ito masaktan.

Kultura ng Pilipinas http://tl.wikipedia.org/wiki/Kultura_ng_Pilipinas

.

47.9 50/.

.

8 .*3*!53.:9:7.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->