P. 1
Wto at Ang Edukasyong Pilipino Booklet

Wto at Ang Edukasyong Pilipino Booklet

4.8

|Views: 3,638|Likes:
Published by api-3814755

More info:

Published by: api-3814755 on Oct 17, 2008
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/18/2014

pdf

text

original

Oktubre 2003 Sinuri ng

:

1

b. There is a waiting period of 7 years for works of fiction, poetry, drama, music, and art books; c. Six months after the lapse of aforementioned waiting period, a license may be granted; 2.) The license to reprint may be granted 6 months after the expiration of the said waiting periods if the applicant has done the following: a. The applicant must establish that he had either requested permission from the author to reprint and this request was denied or that after due diligence, he was unable to find the owner of the right; b. If the owner cannot be found, the applicant must send copies of the application by registered mail to publishers named in the book, submitted to competent authority.
29

Praymer sa Sistema ng Edukasyon, NUSP

Karapatang-ari ng:

Oktubre 2003 2 19

Mga Tala:
1 Ayon sa Privatization ng IBON, pagsapit ng 1980s, tumaas ng 19% ang interest rates ng pagpapautang ng IMF-WB. Naging net debtor naman ang US sa mga dayuhang korporasyon ng Germany at Japan, bagay na ikinasaid ng pinansya at ekonomiya ng mga naturang bansa. 2 Making Sense of the WTO, Danilo Arana Arao, Bulatlat.com 3 patakarang binigyang-bisa sa Doha Declaration kung saan maghahapag ng request o offer ang mga kasaping bansa sa iba pang kasaping bansa alinsunod sa mga kalakal na nais nilang pasukin o i-commit. 4 GATS: From Doha to Cancun, World Development Movement, 25 Agosto 2003 (Updated 2 Setyembre, 2003) 5 ibid 6 GATS: Service Economy Gets the WTO Treatment, Ruth Caplan, Alliance for Democracy, 50 Years Is Enough Newsletter, Abril 2001 7 ibid. 8 Article 1.3 ng GATS draft (mula sa WTO website) 9 GATS: From Doha to Cancun, World Development Movement, 25 Agosto 2003 (Updated 2 Setyembre, 2003) 10 ibid. 11 Steering Committee on Higher Education and Research (CD-ESR) Working Party on the Bologna Process, Second meeting, Strasbourg, 18 Hunyo 2002 12 ibid. 13 ibid. 14 ibid. 15 ibid. 16 Ang RGEP ang pagbawas ng mga kurso sa General Education, na istandard ng bawat pamantasan, at paghati rito sa 3 domain: Agham at Matematika, Social Sciences at Kasaysayan, at Humanities at Sining, para magbigay-daan sa mga “specialization courses.” 17 Ipinailalim ng Departamento ng Edukasyon ang lahat ng pampublikong paaralan, mula una hanggang ika-5 baitang sa elementarya at mula una hanggang ikatlong taon sa hayskul, sa Basic Education Curriculum (BEC). Laman ng kurikulum ang limang sabjek: Filipino, Ingles, Matematika, Agham at ang tinaguriang Makabayan (kung saan pinagsama-sama na ang dating magkakahiwalay na sabjek tulad ng Araling Panlipunan, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, at Kagandahang-Asal para sa elementarya. Para sa hayskul, Araling Panlipunan at Kasaysayan, Teknolohiya at Edukasyong Pantahanan at Pangkalusugan, at Edukasyon sa Pagpapahalaga.) Sa esensya, binawasan ang oras sa pagtuturo sa Makabayan para magbigay-daan sa iba pang sabjek ng BEC para “hulmahin ang kabataan bilang kawal ng globalisasyon.” 18 Historikal na Pagsusuri sa Edukasyon Pilipino, papel na inihanda ng National Union of Students in the Philippines (NUSP) 19 ibid. 20 ibid. 21 Praymer sa Sistema ng Edukasyon, inihanda ng Congress of Teachers for Nationalism and Democracy (CONTEND) noong 2000. 22 Ibid. 23 Philippine Human Development Report 2000 ng UN Development Program 24 Tinagurian ding Paris Act of July 24, 1971; kumbensyong naglilinaw sa proteksyon at karapatan ng mga awtor sa kanilang mga literatura at likhang-sining. 25 GATT’s TRIPS Provisions Likely to Increase Cost of Education, Eloisa D. Miranda, The World Bulletin Vol.12 Nos. 1-3, UP Law Center, Enero-Hunyo 1996 26 ibid. 27 ibid. 28 1.) Reproduction or reprinting of text and reference books in the country should strictly comply with the conditions impoed under the Article III and IV of Berne Convention 1971 Appendix as follows: a. There is a waiting period of 5 years before any textbook or reference book can be reprinted by a developing country, except as regards works of natural and physical science including mathematics, and of technology which is 3 years;

Ang Institute for Nationalist Studies (INS) ay isang ‘nonstock, non-profit’ na institusyon ng kabataan na nagsusulong ng Alternatibong Edukasyon sa pamamagitan ng isang makabayan, makamasa at siyentipikong kurikulum. Itinatag ang INS noong Marso 2003 sa pakikipagtulungan ng Center for Nationalist Studies (CNS) ng Unibersidad ng Pilipinas at Polytechnic University of the Philippines. Layunin nitong ilantad ang kasalukuyang komersyalisado, kolonyal, at mapaniil na sistema ng edukasyon. Hinihikayat din ng INS ang kritikal at mapanlikhang kaisipan sa hanay ng makabayang kabataan. Itinataguyod ng INS ang isang makabayan at demokratikong programa para sa pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos ng makabayang kabataan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

18

3

Table 6. Enrolment distribution by school type 1994-1998 Year level 1st year 1994 2nd year 1995 3rd year 1996 4th year 1997 Public 147,326 122,305 87,156 66,044 Source: CHED Private 561,139 415,637 270,597 235,996

Para maitaguyod ang edukasyon para sa lahat ng kabataang Pilipino, kailangan ang isang makamasang edukasyon. Hindi ito makakamit kung hindi bibigyan ng pamahalaan ng sapat na pansin ang sektor ng edukasyon. Noong 2000, umabot na ng 1.5M ang bilang ng hindi nakapag-enrol, habang 300,000 lang ang nagsisitapos taun-taon29. Madagdagan pa ito kung hindi kikilos ang kabataang Pilipino. Makatarungan ang panawagan ng malakas na kilusang boykoteo ng mga kabataang estudyante sa Nepal na gawing libre ang kanilang pagaaral. Sa pagsulong at pagpapaigting din ng mga kilusang tulad nito, unti-unting mapagtatagumpay ang mga adhikain ng kabataang Pilipino.

4

17

pamamagitan ng bilateral talks, pagkakasunduan ang hindi napagkaisahan sa Cancun.

…ang solusyon sa krisis sa edukasyon!
Kailangang itaguyod ang isang makabayang edukasyon na magsisilbi sa interes at adhikain ng bansa. Sa katangiang nakabatay ang ekonomiya ng Pilipinas sa agrikultura, marapat lang na itaguyod ng pamahalaan ang edukasyong magsisilbi sa pag-unlad nito. Kapansinpansin ang pagsulpot ng kung anu-anong mga kurso tulad ng caregiving, at certificate courses sa edukasyon at nursing para sa mga nagnanais tumungo sa ibang bansa. Dahil na rin sa tindi ng krisis pang-ekonomiya, hindi masisisi ang mamamayang Pilipino sa pagpili ng mga kursong, bagamat hindi makakaambag sa pambansang kagalingan, mapapakinabangan naman ng mga dayuhan. Ito rin ang pangunahing dahilan ng pag-usbong na parang kabute ng mga paaralang nag-iispesyalisa sa Information Technology. Ibinabandera ang makabagong teknolohiya, tulad ng “robotics” genre ng AMA University, para engganyuhin ang mga magulang at mag-aaral. Malaking kabalintunaan ito sa atrasado at agrikultural na katangian ng ekonomiya ng bansa. Bagamat ipinagmamalaki ang pagsulong daw ng infotech sa edukasyon, hindi naman ito gagamitin sa paglikha, halimbawa, ng mga makabagong traktora o kagamitang makakaagapay sa agrikultural na produksyon. Dapat itaguyod ang siyentipikong edukasyon para sa pambansang industriyalisasyon. Para makamit ito, kailangang iwaksi ang mga makaluma at bulok na kaisipang ipinalalaganap ng kasalukuyang kolonyal na kurikulum. Makikita sa sunud-sunod na pandarahas at represyon sa mga paaralan at unibersidad kung paanong pinipigilan ang kritikal at makabayang kaisipan. Kinakailangan ang masusing pagsusuri sa mga teksbuk at sangguniang ipinalalaganap sa mga paaralan. Tungkulin ng bawat kabataang Pilipinong sumangguni sa mga akdang tunay na naglalahad ng kasaysayan at kalagayan ng bansa. Taliwas sa nakasanayan, hindi lahat ng napag-aaralan sa loob ng paaralan ang maituturing na katotohanan. Hindi rin lahat ng kabataang Pilipino ay may pribilehiyong makapasok sa paaralan. Dahil sa kasalukuyang komersyalisadong katangian ng edukasyon, taun-taong nababawasan ang mga mag-aaral.

Ang WTO at ang Krisis ng Edukasyong Pilipino
Ang Cancun(gan) ng kasaysayan
Matapos ang 5th Ministerial Conference sa Cancun, Mexico, ngayon higit kailanman kinakailangan ang masusing pagsusuri sa World Trade Organization (WTO) at layunin nito. Nabigo ang Estados Unidos (US) at European Union (EU) sa kanilang panukalang higit pang palawakin ang kontrol ng WTO sa pandaigdigang pamilihan. Sa kauna-unahang pagkakataon, naipamalas ang pagkakaisa ng mga mahihirap na bansang kasapi ng WTO, sa pamumuno ng Brazil at India, sa pagtutol sa mga di-pantay at mapaniil na patakaran ng WTO. Isang malaking tagumpay para sa mga bansang tulad ng Pilipinas ang kaganapang ito. Sa tagumpay na ito, hindi matatawaran ang malaking papel na ginampanan ng dambuhalang mga kilos-protesta sa buong mundo. Gayunpaman, inaasahang hindi titigil ang US, kasama ang mga alyado nito, sa pagpupursiging ipatupad ang mga nabigong panukala. Ngayon pa lang, nagkakandarapa na ang mga imperyalistang bansa sa “panliligaw” sa mga miyembrong bansa ng WTO.

Imperyalistang resesyon
Napakahalaga ng WTO para sa imperyalistang US. Taliwas sa ibinabandera nitong “malayang kalakalan” at “malayang kumpetisyon” sa ngalan ng globalisasyon, walang ibang layunin ang WTO kundi ang isalba ang US sa tuluyang pagkalugmok ng kanyang ekonomiya. Sa likod ng pretensyon ng kaunlaran, dumaranas ang US ng matinding krisis matapos ang sunud-sunod na dagok na naranasan – tulad, halimbawa, ng idinulot ng teroristang pag-atake sa Pentagon at World Trade Center noong Setyembre 11, 2001. Sa paghahangad nitong palakihin ang kanyang ekonomiya at higitan ang ekonomiya ng iba pang imperyalistang bansa, idinulot nito sa sarili ang krisis ng labis na produksyon. Humantong ito sa hindi pag-agapay ng paglikha ng mga produkto sa pangangailangan at kakayanang bumili ng mga manggagawa at mamamayan. Pagsapit ng ika-20 siglo, nahati

16

5

na ang mundo sa pagitan ng mga imperyalista at kolonya at malakolonya. Patay na ang malayang kumpetisyon at kalakalan ng nakaraang sistemang kapitalista. Natunghayan ng buong mundo ang pandaigdigang krisis pangekonomiya noong ika-20 siglo. Kinatangian ito ng dalawang Digmaang Pandaigdig na nagbigay-daan sa pag-usbong ng makabagong imperyalismo. Hindi na lamang naramdaman ang matinding krisis sa mga kolonya at malakolonya kundi lalo na sa loob ng mga imperyalistang bansa. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdaig, hindi na muling nakabawi pa ang ekonomiya ng imperyalistang US. Makabuluhang salik dito ang tagumpay ng mga sosyalistang bansa at ang papaigting na anti-imperyalistang kilusan sa buong mundo. Ginamit ng US ang taktikang Keynesianismo para bawiin ang milyun-milyong dolyar at rekursong nagastos sa pakikidigma. Sa taktikang ito, kumikita ang US sa pamamagitan ng pagpopondo o pagpapautang para sa konstruksyon ng mga imprastraktura at iba pang istruktura sa ibang bansa. Binuo ang International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) noong 1944 para diumano’y magbigay-tulong sa mga bansang lubhang nasalanta ng digma. Pinondohan ng IMF-WB ang rekonstruksyon ng mga istruktura ng mga kapwa-imperyalistang bansang Alemanya at Hapon. Pangunahing layunin ng US na muling palakasin ang hanay ng mga bansang anti-Komunista upang tapatan ang ibayo pang paglakas ng Sosyalistang Rusya at pigilan ang napipintong tagumpay ng Rebolusyong Tsina. Hindi natanto ng US na higit na magiging sagabal sa mga plano nito ang muling pag-unlad ng Alemanya at Hapon. Gayundin, lubhang nagpabigat sa sarili nitong ekonomiya ang malalaking gastusing pangmilitar na ipinampondo sa inilunsad nitong Cold War. Sa yugtong ito ng kasaysayan, kinailangan na niyang magpanibagong taktika – hindi na nakasasapat ang simpleng pag-eeksport lamang ng mga produkto at kagamitang-militar. Sa pagdaan ng panahon, nangibabaw ang papel ng IMF- WB sa ekonomiya ng mundo. Pagsapit ng dekada ‘80, ipinangangalandakan na ng US sa mundo ang katagang “malayang kalakalan” sa ngalan ng globalisasyon. Sa pamamagitan ng IMF-WB, mas madulas na napadaloy ng US ang pondo at pinansyal na kapital sa kanyang mga kolonya at neo-kolonya. Kaliwa’t kanan din ang pagpapautang nito sa mga

institusyon at aklatan na “mag-reprint ng anumang libro o literatura mula sa ibang bansa bilang pansamantala o permanenteng lunas sa nagtataasang presyo ng mga ito, na hindi na kayang pondohan pa ng gobyerno.” Ayon sa mga tala ng Reprint Committee noong 1978 hanggang Hunyo 1993, may 3,018 titulo ang reprinted sa bisa ng mga ito para gamiting teksbuk at sanggunian sa kolehiyo27. Malaki ang naitulong nito sa pagpapagaan sa gastusin sa edukasyon. Pero ayon sa TRIPS, kailangang sumunod ang mga kasaping bansa sa Artikulo 21 ng Apendiks ng 1971 Berne Convention hinggil sa reproduksyon at reprinting ng mga teksbuk at iba pang sanggunian28 Sa pamamagitan ng mga mahihigpit na kundisyong ito, napakahirap at halos imposible nang makapag-reprint ng mga teksbuk para sa mga paaralan. Bago pa man makumpleto ang mga rekisito, lumang-luma na ang mga librong for reprinting at panis na ang laman. Lalo na namang mapag-iiwanan ang nahuhuli nang sistema ng edukasyon ng Pilipinas dahil walang sapat na pondo para bumili ng mga sanggunian mula sa ibang bansa. Isa lamang ito sa maaaring maging epekto ng TRIPS sa bulok nang kalagayan ng edukasyon. Malaki rin ang implikasyon nito sa larangan ng teknolohiya, computer technology at iba pa.

Hindi globalisasyon…
Ang lahat ng ito ay mga paraang isinasagawa ng pamahalaan para madulas na maipatupad ang “globalisasyon ng edukasyon.” Ito ang pangunahing adyenda ng neo-liberal na programa ng WTO – ang buksan ang lahat ng sektor ng industriya at serbisyo para magsilbi sa global arena. Hindi na lamang nag-aaral ang kabataang Pilipino para pagsilbihan ang dayuhang imperyalista, ang edukasyon mismo ay itinuturing na ring kalakal. Bagamat hindi hayagang sinasabi ng rehimeng Arroyo ang commitments nito sa WTO hinggil sa sektor ng edukasyon, malinaw sa mga patakarang pang-edukasyon ang pagsang-ayon niya rito. Sa loob ng maikling panahon ng kanyang panunungkulan, sunud-sunod ang pagtaas ng matrikula, binawasan ang badyet at ginawang Inggles ang midyum ng instruksyon. At ngayon naman, sariwa pa ang tagumpay ng makabayan at anti-imperyalistang mamamayan, may plano nang maglunsad ng post-Cancun dialogue ang Pilipinas at US. Sa

6

15

badyet para sa militar. Pinapatunayan ng misalokasyon sa badyet na unti-unti nang binibitiwan ng pamahalaan ang responsibilidad nito sa edukasyon.
Table 5. Schools in Top 5000 Corporations of the Philippines 1999 2000

mahihirap na bansa para tumubo sa interes at para pagtakpan din ang mismong pagkalugmok nito sa utang sa iba pang mga imperyalista. Bago pa man matapos ang dekada ‘80, ang US na ang pangunahing mangungutang sa buong mundo1.

World Takeover Organization
Rank
580 867 1187 1196 1228 1299 1338 1394 1572 1718

School

Rank

School

1. Centro Escolar University 2. AMA 3. University of the East 4. Mapua 5. Far Eastern University 6. Univ. of Perpetual Help 7. STI 8. PMI 9. TIP 10. Target Group Philippines

617 880 935 1260 1294 1392 1481 1621 1772 2081

1. Centro Escolar University 2. University of the East 3. Mapua 4. Far Eastern University 5. Univ. of Perpetual Help Rizal 6. University of Mindanao 7. AMA 8. STI 9. PMI 10. TIP

Sa pamamagitan pa rin ng IMF-WB, ipinatupad ng US ang General Agreement on Tariff and Trade (GATT) na naglalayong baklasin ang mga restriksyon sa “malayang kalakalan” sa pagitan ng mga bansa. Sa GATT inilatag ang mga alituntunin para sa “malayang pagpapalitan” ng produkto, puhunan at serbisyo sa pagitan ng mga bansang nakapaloob dito. Nabuo ang WTO sa pinakahuling GATT Round sa Uruguay noong 1994. Pormal itong itinatag noong 1995. Simula noon, naging makapangyarihang mekanismo ito para sa pagtiyak ng implementasyon ng mga patakaran ng globalisasyon. Hindi na lamang mga kasunduan sa kalakalan sa industriya at produktong agrikultural (Agreement on Agriculture o AoA) ang pinangasiwaan ng WTO, kundi maging kalakalan sa serbisyo (General Agreement on Trade in Services o GATS), pamumuhunan at copyright (Trade-related Aspects of Intellectual Property Rights o TRIPS) ay nakapailalim na rin dito. Niratipikahan ng Senado ng Pilipinas ang GATT noong 1994. Taong 1995 nang opisyal na naging kasapi ang Pilipinas sa WTO. Kasalukuyang may 146 kasaping bansa ang WTO, at patuloy pa itong nagpapalawak ng saklaw sa buong mundo. May 25 pang bansa ang nakahanay para sa aksesyon o pagsapi sa WTO. Kabilang ang Cambodia at Nepal sa mga bansang malapit nang aprubahan ang pagiging kasapi.

Source: Securities and Exchange Commission

Habang parami naman ng parami ang mga paaralang pinag-aarian at pinatatakbo ng mga pribado at dayuhang korporasyon. Kabilang na rito ang mga nag-uusbungang info-tech at specialization schools tulad ng AMA University, System Technology Institute (STI), Centro Escolar University (CEU), at Far Eastern University (FEU).

Intellectual Poverty
Kung halos di magkandarapa ang WTO na ipasailalim ang mga sektor ng serbisyo sa GATS, hipokrito naman ito sa usapin ng intellectual property rights. Sa Trade-related Aspects of Intellectual Property Rights (TRIPS), gayon na lamang ang proteksyunismong itinataguyod ng US sa kalakalan. Bukod sa mga batayang pangangailangan tulad ng gamot, lubos ding maapektuhan ng TRIPS ang sektor ng edukasyon. Nakasaad sa Article 9 ng TRIPS na obligadong sumunod ang mga kasaping bansa ng WTO na sumunod sa mga patakaran ng Berne Copyright Convention of 197124. Pangunahing layunin ng TRIPS at Berne Convention ang “patatagin ang proteksyon sa intellectual property rights” ng mga kasaping bansa25. Sa pamamagitan nito, hindi na basta-bastang makakapagsalin o limbag ang sinuman nang walang pahintulot ng mayakda o naglimbag. Taliwas ito sa Presidential Decrees 285, 400 at 120326 na pawang nagbibigay-pahintulot sa mga pampublikong paaralan,

Simula ng panduDohagi
Apat na Ministerial Conferences na ang inilunsad ng WTO: sa Singapore (Disyembre 9-13, 1996), Geneva (Mayo 18-20, 1998), Seattle (Nobyembre 30-Disyembre 3, 1999), at Doha (Nobyembre 9-14, 2001). Sa mga kumprensyang ito, pinakamatingkad ang layuning magpalawak ng saklaw ng mga panukala sa inilunsad na Doha Development Agenda (DDA) noong 2001. Pangunahing layunin ng DDA ang panimulang mga negosasyon hinggil sa “non-agricultural tariffs, trade at environment2”. Kabilang na rito ang pagsakop maging sa mga

14

7

subsidyong ibinibigay ng mga gobyerno, pamumuhunan (investment), mga pulisiya sa kumpetisyon (competition policy), pangangasiwa sa kalakalan (trade facilitation), transparency in government procurement at intellectual property. Sa Doha Declaration din itinakda ang iskedyul para sa kontrobersyal na request-offer phase3 ng GATS negotiations. Naghapag ang US, EU, Canada at Hapon ng mga kumprehensibong mga kahilingan para sa negosasyong nakapailalim sa GATS sa 146 kasaping bansa ng WTO – bagay na ikinabahala ng mga mahihirap na kasaping bansa dahil hindi sila sang-ayon sa pagbubukas ng kanilang mga batayang serbisyo sa dayuhang kalakal4. Pagpasok ng Agosto 2003, 30 kasapi lang ng WTO ang naghapag ng inisyal na offers. Hindi nakapagsumite ang kalakhan ng mga mahihirap na bansa dahil sa mahigpit na dedlayn ng negosasyon at kawalan ng institusyunal at pantaong rekurso5. Maraming bansa rin ang nag-aalinlangang magbukas ng kalakal dahil na rin sa di-pantay na kakayanan ng mga mayaman at mahirap na bansa sa global services. Batid nilang hindi sila ang makikinabang sa kalakalan sa ilalim ng mga patakaran ng GATS. Gayunpaman, patuloy na ginagamit ng US at EU ang GATS bilang pulitikal na pamamaraan para pwersahin ang mga gobyernong pumaloob sa kasunduang ito.

Debt Payments Interest Principal Total Education, Culture&Manpower Military&Police Public Order&Safety PNP NAPOLCOM Defense(DND) Health Housing & Community Dev’t.

2001 Nominal Real per capita (PhP billion) 181.6 95.6 277.2 121.5 80.48 47.70 29.2 0.62 32.78 13.64 2.48 1,758.50 387.10 1,176.50 779.30 461.90 317.40 132.10 24. 00

2002 Growth in Nominal Real nominal per capita expenditure (%) (PhP billion) 12.5 62.8 6.7 24.7 13.7 19.9 3.2 40.7 6.4 (10.1) 204.27 155.6 359.87 129.67 100.33 54.22 35.0 0.64 46.11 14.52 2.23 1,819.90 579.60 1,155.30 893.80 483.00 410.80 129.40 19.90

Table 2 Source: General Appropriations Act 2002, Bayan Muna Briefing Paper for National Budget 2002

Declining Share of Education in the National Budget 1955 1960 1970 1975 1980 1981 1984 1992 1997 1998 30.78% 27.50% 24.47% 11.33% 9.01% 7.68% 10.50% 12.8% 18.13% 17.81%

Edukalakal: pabiGATS sa mamamayan
Lubos na makikinabang ang mga dominanteng bansa sa WTO sa GATS. Noong 2001, binubuo na ng kalakal sa serbisyo ang 70% ng ekonomiya ng US, at higit sa 60% ng pandaigdigang ekonomiya6. Bukod sa serbisyo sa industriya, na itinuturing nang pinakamaunlad na sektor ng kalakal sa buong mundo, ang mga sektor ng kalusugan, edukasyon at tubig ang pumapangalawa sa “lucrative services.” Mahigit-kumulang $2 trilyon ang kalakal ng edukasyon sa pandaigdigang ekonomiya7. Bagamat isinasaad sa GATS na “hindi kasama sa kalakal ang mga serbisyong ibinibigay ng gobyerno” at “hindi rin kabilang ang mga serbisyong wala sa komersyal na batayan, o hindi nakikipagkumpetisyon sa isa o marami pang service suppliers8,” nananatiling nasa panganib ang sektor ng edukasyon. Ayon sa US Coalition of Service Industries, layunin ng WTO na “(to) fully embrace important new sectors in the liberalization effort. These new sectors…include…existing ones that have not received sufficient attention, like education.9” Sa pamamagitan ng makapangyarihang mga makinarya tulad ng US Coalition of Service

Source: Josefina Cortes, Education and National Development Table 4. SCU budget (in billions) Year 1998 1999 2001 % increase -5% -0.4% -4% Source: CHED Amount 14.593 13.866 13.810 13.226

8

13

aaral para magsilbi sa dayuhang interes sa ngalan ng global development. Lalong sumidhi ang pagsasamantala sa sektor ng edukasyon sa pagsasabatas ng Education Act of 1982 na nagbigay-daan sa malayang pagtataas ng matrikula sa mga pribadong paaralan21. Nagsilbi itong suhol sa mga may-ari ng pribadong paaralan para itaguyod ang mga dikta ng WB sa edukasyon. Sa kasalukuyan, patuloy ang ganitong mga iskema sa edukasyon. Kaliwa’t kanan ang pagtaas ng matrikula, hindi lamang sa mga pribado, kundi maging sa mga publiko at state colleges at universities. Kung susuriin, higit na tumindi ang pagtaas ng matrikula simula nang maratipikahan ang GATT-WTO sa Pilipinas. Sa loob ng 3 taon, tumaas ng 50% ang gastusin ng bawat pamilya sa edukasyon – mula P2,822/ estudyante noong 1994 hanggang P3,801/estudyante noong 199722. Umaabot na rin sa P16,000-P20,000 bawat taon ang nagagastos sa pagpapaaral ng bawat pamilyang kumikita ng P255 minimum wage. Hindi pa kasama ang matrikula sa bayaring ito23.

Industries at ng European Service Forum10, madaling maipapatupad ng US ang panukalang GATS. Kapag naisakatuparan ito, matatali sa mga makaisang-panig na obligasyon ang mga kasaping bansa – kahit pa lumalabag ang mga ito sa kanya-kanyang mga Konstitusyon. Sa kasalukuyan, kabilang ang Australia, New Zealand, Europe, South Africa, China, Russia, Brazil, Bolivia at Mexico sa mga bansang tumutuligsa sa mga probisyon ng GATS. Mga kategorya ng edukasyon at commitments sa iba’t ibang sektor ng edukasyon11: Batay sa United Nations Provisional Central Product Classification (CPC), nahahati sa limang kategorya ng serbisyo ang kalakal sa edukasyon: · Primaryang edukasyon, kabilang ang preschool at iba pang serbisyo sa primaryang edukasyon, pero hindi kasama ang child care services (daycare, atbp.); · Sekundaryang edukasyon, kabilang ang mataas na paaralan, teknikal at bokasyunal na sekundaryang edukasyon, at teknikal at bokasyunal na mga serbisyo para sa may mga kapansanan; · Tertiary education, kabilang ang post secondary technical and vocational education services, gayundin ang mga serbisyo sa tertiary level tungo sa pagkakaroon ng university degree o katumbas nito; · Adult education, o edukasyon para sa mga matanda labas sa regular na sistema ng edukasyon; · Other education, kabilang ang iba pang serbisyo sa edukasyon na hindi nabanggit, pero hindi kasama ang mga serbisyong may kinalaman sa recreation matters (physical education, sports, atbp.) Sa kasalukuyan, 44 sa 144 kasaping bansa pa lang ng WTO ang may komitment sa edukasyon, 21 sa kanila ang may komitment sa nakatataas na edukasyon (higher education)12. Kabilang ang mga bansang Congo, Lesotho, Sierra Leone at Jamaica sa mga tuwirang nagpasailalim ng kanilang serbisyo sa higher education, habang isinama naman ng Australia maging ang mga probisyon nito sa serbisyo sa mga pribadong edukasyon, kasama ang mga unibersidad13. 2000

Table 1. HOW MUCH DOES A 21-UNIT SEM COST?(figures in pesos; 2002-2003) BASIC TUITION
SCHOOL Ateneo de Manila University-Quezon City De La Salle Univ.-Coll. of St. Benilde Ateneo – Makati (Law) Asia Pacific College AMA Computer College-San Juan AMA Computer College-Sta. Mesa St. Scholastica’s College O.B. Montessori Center University of Sto. Tomas Lyceum of the Philippines-Manila 31, 626 33, 306 23, 142 20, 538 – 28, 812 23, 268 23, 163

18,270 – 23,625 19,404 14, 805 – 20, 853 10,395-18,900

(Sources: Commission on Higher Education Report on Tuition Increase 2002-03, Ibon Foundation)

Sa pagkaratipika rin ng GATT-WTO, unti-unti nang binabawasan ng pamahalaan ang subsidyo sa edukasyon. Parating pumapangalawa o mas mababa pa ang alokasyon ng edukasyon sa debt servicing at

Tanging ang Australia, New Zealand, USA at Japan sa 21 bansa na may higher education commitments ang nagsumite ng panukalang naghahayag ng kanilang mga interes at isyu14. 9

12

Modes of Supply: 4 na paraan kung paano ikinakalakal ang serbisyo ng edukasyon sa WTO15:
mode 1 – cross-border-supply (e.g. distance delivery or e-education; virtual universities); o palitan ng serbisyo mula sa bansa ng isang kasaping bansa tungo sa isa pang kasapi sa pamamagitan, halimbawa, ng mga “virtual universities,” o mga “home study system” at “correspondence schools” mode 2 – consumption abroad of education services (e.g. students studying in another country); o ang pagpapadala ng mga estudyante ng isang kasaping bansa para mag-aral sa paaralan ng isa pang kasaping bansa (exchange-student system) mode 3 – commercial presence (e.g. branch or sattelite campus; franchises; twinning arrangements); o ang pagtungo ng mga service supplier ng isang kasaping bansa tungo sa isa pang kasaping bansa para magbenta ng serbisyo. Isang halimbawa ang pagtatayo ng mga dayuhang paaralan, tulad ng Brent, Informatics, University of Asia and the Pacific, sa Pilipinas. mode 4 – presence of natural persons (e.g. teachers travelling to foreign country to teach); nagreresulta sa porma ng kalakal kung saan may “mobility of people,” o mismong tao na ang kinakalakal para magbigay ng serbisyo. Maaaring magpadala, halimbawa, ang US ng kanilang iskolar para magturo sa mga paaralan sa Pilipinas. Kahit na sinasabi ng US na hindi makakaapekto ang “public-private mix,” o komersyal na kalakalan sa pagitan ng mga pribado at pampublikong paaralan, sa pondong ibinibigay dapat ng pamahalaan para sa edukasyon, usapin pa rin kung sino ang higit na makikinabang sa pagsanib na ito. Halimbawa, bagamat hindi dapat kasali ang mga state college at university tulad ng UP at PUP sa probisyong GATS, maaari pa ring ipabilang ang mga ito dahil nakikipagkumpetisyon ang mga ito sa mga pribadong unibersidad tulad ng Ateneo at De La Salle University. Dahil higit na maunlad ang sistema ng edukasyon at teknolohiya ng US, kahina-hinala rin ang kanilang pahayag na makikinabang ang dalawang nakikipagkalakalang bansa sa liberalisasyon ng edukasyon. Maaari itong magresulta sa 1.) government cutbacks o pagbawas ng badyet sa edukasyon, hanggang sa papalaking pondo o di kaya’y

tuwirang pagpopondo mula sa mga pribado o dayuhang sektor; 2.) tuluyan nang pagpapadron ng mismong pambansang kurikulum (mula sekundarya hanggang tertiary public education) ayon sa kurikulum ng imperyalista. Isang halimbawa na ang pag-apruba ng Board of Regents (BOR) ng Unibersidad ng Pilipinas sa Revitalized General Education Program (RGEP) noong 200216, at ng pagpapatupad ng Millenium Curriculum17. Habang patuloy na sinasabi ng WTO na may kapangyarihan ang mga gobyerno na piliin kung anumang sektor ng serbisyo ang nais nitong ipailalim sa GATS, hindi ito maituturing na opsyon ng mga bansang tulad ng Pilipinas. Ito ay dahil liberalisado na ang halos lahat ng sektor sa serbisyo sa pamamagitan ng mga multilateral at bilateral na pakikipagkasunduan sa US. Hindi rin maikakaila ang lubusang pagkatuta ng kasalukuang rehimen sa mga patakaran ng imperyalista. Sa katunayan, si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang naging pangunahing tagapamandila ng GATT-WTO bago pa man ito ratipikahan ng Senado noong 1994.

Kasaysayan ng misedukasyon
Mauugat sa kasaysayan ang pagkabulid ng sektor ng edukasyon sa mga patakaran ng imperyalistang US. Binuo ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE), na pinondohan ng Ford Foundation, para iayon ang edukasyon sa “global economic development.18” Bilang resulta, itinatag ang mga “polytechnic school systems” at edukasyong bokasyunal para umayon sa mga pangangailangan ng mga multinasyunal na kumpanya. Isang halimbawa ang dating Philippine College of Commerce na ginawang Polytechnic University noong dekada ’80. Sa iskemang ito, unti-unting tinanggalan ng soberanya ang kurikulum ng Pilipinas, at umusbong ang mga kursong hindi nagsisilbi sa ekonomiya ng Pilipinas, bagkus, nakabatay sa dikta ng pandaigdigang pamilihan19. Ginamit ang dayuhang kapital para lalong paramihin ang mga bagong graduate na sinanay na magsilbi sa dayuhang interes. Naglaan ng $767M ang WB para pondohan ang Textbook Development Program ng Rehimeng Marcos20. Naglabas ng humigit-kumulang 85-92 milyong kopya ng mga bagong teksbuk na nakabatay sa sistema ng primarya at sekundaryang edukasyon ng US. Patunay ito na sa maagang yugto pa lamang ng edukasyong Pilipino, hinuhubog na ang mga mag-

10

11

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->