You are on page 1of 4

PANITIKANG FILIPINO

Session Guide Blg. 1

I. MGA LAYUNIN

1. Nakikilala ang mga uri ng panitikan ayon sa paghahalin at ayon sa


anyo

2. Napapangkat ang panitikan ayon sa uri ng paghahalin at ayon sa anyo

3. Napaghahambing ang mga uri ng panitikan ayon sa paghahalin at


ayon sa anyo

4. Napapahalagahan ang pagsasalin ng panitikang Filipino

II. PAKSA

A. Aralin 1 : Ang Panitikang Filipino : Isang Panimulang Aralin, pp. 6- 10


Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:
Pakikipagtalastasan
B. Kagamitan: manila paper, pentel pen

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Pagganyak
Sabihin: Mahilig ba kayong manood ng mga pelikulang Pilipino?

B. Panlinang na Gawain :
1. Paglalahad

• Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Basahin Natin” na nasa


modyul pahina 6 at 8.
2. Pagtatalakayan
• Hatiin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat.
Papiliin ang bawat pangkat sa dalawang (2) sobreng
inihanda. Bawat sobre ay naglalaman ng mga tanong
ukol sa kanilang binasa. Sasagutin nila ang mga
tanong sa nabunot na sobre.
• Ang isang pangkat ay tatalakay sa „Ang Panitikan Ayon
sa Paghahalin“.

1. Anu-ano ang dalawang uri ng paghahalin?


2. Sino ang nagdala ng imprenta dito sa ating bansa?
3. Ano ang tawag sa makabagong paraan ng
paghahalin?

• Ang isang pangkat ay tatalakay sa “Ang Panitikan Ayon


sa Anyo”. Sasagutin nila ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang uri ng panitikan sa anyo?


2. Ano ang pagkakaiba ng bawat isa?
• Pagkatapos ng pangkatang talakayan, isa sa bawat
kasapi ng pangkat ay magbibigay ng ulat. Sasabihin nila
at ipaliliwanag kung ano ang kanilang mga sagot sa mga
tanong.

3. Paglalahat
• Papunan ang sumusunod na talaan sa pangkat na
tumalakay sa “Ang Panitikan Ayon sa Paghahalin”:

MgaTanong Mga Halimbawa


1. Ano ang tawag sa paghahalin
sa pamamagitan ng dila?
2. Paano nagkakaroon ng
paghahalin?
3. Anu-ano ang mga halimbawa
ng paghahalin ayon sa dila?

• Ipasagawa ang sumusunod na talaan sa pangkat na


tumalakay sa “Ang Panitikan Ayon sa Anyo”

Mga Tanong Sagot


1. Anu-ano ang tatlong uri ng
panitikan ayon sa anyo?
2. Kailan sinasabing ang panitikan
ay nasa anyong patula?
3. Ano ang patuluyan?
4. Ano ang panitikang patanghal?

• Ipapasa ng pangkat na tumalakay sa “Ang Panitikan

2
Ayon sa Paghahalin” ang kanilang ginawang talaan sa
kabilang pangkat upang sagutin. Tatanggapin naman nila
ang talaan ng kabilang pangkat upang sagutin.
• Iwawasto ng 2 pangkat ang kanilang mga talaan sa
tulong ng IM. Bibigyan ng kaukulang marka ang bawat
pangkat gamit ang sumusunod na rubric na ito.

Nasagot ang lahat ng tanong na kompleto at 4


buo ang diwa.
Nasagot ang lahat ng tanong subalit hindi buo 3
ang diwa
Dalawang tanong lamang ang nasagot 2
Isang tanong lamang ang nasagot I
Walang tanong na nasagot 0

• Tapusin ang paglalahat sa pagbasa ng “Tandaan Natin”,


pahina 9 ng modyul. Ipasulat ito sa kanilang journal.

4. Paglalapat

Basahin sumusunod na mga pahayag. Piliin ang tamang sagot sa


loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Pasalindila
B. Pasalinsulat
C. Pasalintroniko
_____ 1. Paraan ng paglilipat sa pamamagitan ng dila

_____ 2. Paraan ng paglilipat sa pamamagitan ng sulat


_____ 3. Paraan ng paglilipat sa pamamagitan ng elektroniko
_____ 4. Naipapasa sa pamamagitan ng pagkukuwentuhan
_____ 5. Paggamit ng tape recorder
_____ 6. Pag-uukit sa kahoy
_____ 7. Paaraan ng pagsasalin sa panahon ng Kastila
_____ 8. Pag-iimprinta
_____ 9. Mga pelikula natin ngayon
_____10. Paggamit ng diskette

5. Pagpapahalaga
• Ipasagawa ang debate sa dalawang pangkat tungkol sa
kung alin ang mas mahalagang paghahalin, pasalinsulat ba
o pansalintroniko. Pabunutin ang dalawang pangkat kung
aling panig ang kanilang ipagtatanggol.

3
• Bigyan ng 5 minuto ang bawat kasapi ng pangkat na
magsulat ng dalawang pangungusap na gagamitin sa
kanilang debate. Isang pahayag na nagtatanggol sa
kanilang panig at isang pahayag na tumutuligsa sa kabilang
panig.
• Pagkatapos ng 5 minuto ay uumpisahan ang debate.
Ipagtatanggol ng bawat pangkat ang kanilang panig gamit
ang kanilang naihandang pahayag.

• Tanungin ang buong klase kung sino sa palagay nila ang


nagwagi sa debate. Itanong din ang batayan ng kanilang
pagpili.

IV. PAGTATAYA
Ipabasa at pasagutan ang “Alamin Natin ang Inyong Natutunan”,
pahina 9-10. Ihambing ang sagot sa “Batayan sa Pagwawasto”,
pahina 46.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

1. Pumili ng isang uri ng panitikan at isulat ito sa inyong kuwaderno. Pag-


aralan ito at ipalabas o isadula sa klase.

tula
awit
alamat
nobela
parabola

Batayan sa Pagwawasto sa Pagtataya

1. a
2. b
3. c
4. a
5. c
6. b
7. b
8. b
9. c
10.c

You might also like