You are on page 1of 5

MGA PANTUBIG AT GAWANG TAONG ECOSYSTEM

Session Guide Blg. 1

I. MGA LAYUNIN

Natutukoy ang kahulugan ng ecosystem at ang mga binubuo nito


Naipaliliwanag ang pagkakaugnayan ng isang ecosystem ng dagat
Nailalahad ang mga sagot sa pamamagitan ng mapanuring
pakikipagtalakayan.

II. PAKSA

A. Aralin I : Ang Ecosystem, pp. 4-8

Pangunahing Kasanayan sa Pakikimuhay: Mapanuring


Pakikipagtalastasan at Pansariling Kamalayan

Kagamitan: manila paper at pentel pen

III. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain

1. Balik-aral

• Kumustahin ang mga mag-aaral.

• Itanong sa mag-aaral kung ano ang alam nila tungkol sa


ecosystem sa lupa. Ipaawit ang awit : Maliliit na Gagamba.

• Maaaring ipahimig sa isang marunong ng awit.

Maliliit na Gagamba

Maliliit na gagamba
Umakyat sa sanga
Dumating ang ulan
At itinapon siya

Sumikat ang araw


Natuyo ang mga sanga
Ang maliliit na gagamba
Palaging masaya
• Pansinin ng mga nasasambit sa awit.

• Ipaliwanag na ito ay bahagi ng ecosystem sa lupa

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

• Simulan ang paglalahad sa pamamagitan ng pag-ikot sa


kapaligiran.

• Bigyan ng alituntunin sa pag-ikot sa kapaligiran, may buhay o


walang buhay

• Pagbalik sa paaralan o center, ay ipasulat sa pisara ang nakita sa


paligid

• Sabihin na isulat nila lahat sa kapaligiran

• Ipasulat ito sa isang tsart na ganito:

May Buhay Walang Buhay

• Sabihin sa kanila na lahat ng ito ay bahagi ng ecosystem

• Ipapikit ang mga mata at himuking damdamin ang kuwento ng


magkakaibigan.

Ang Karanasan nina Nene, Uma at Sam

Bakasyon sa eskwela noon at naisipang pumunta sa bundok


ng magkakaibigang Nene, Uma at Sam. Tahimik ang paligid at
palamig nang palamig ang daan patungong bundok. Laking gulat
nila nang makakita sila ng nagsisilakihang puno sa gitna ng
malawak na bundok na para sa kanila ay napakaganda. Nadinig
din nila ang sari-saring huni ng ibon at sari-saring kulay ng paru-
paro na dumapo sa makukulay na mga bulaklak. Ngunit, nabigla si
Sam at Nene nang marinig nila ang sigaw ni Uma ng ay….ahas !
ay…uod! at sabay takbo sa kinaroroonan nina Nene at Uma.
Maya-maya ay tumawid sila ng ilog at dumaan sa isang
lambak, nakakita naman sila ng sari-saring kulay ng orkiyas, ferns
na nakadikit sa mga puno. Marami ding unggoy at paniki na palipat-
lipat sa mga puno.

Malapit na ang dapit- hapon nang pauwi na sila, naisipan


nilang pumunta sa malapit na ilog at laking tuwa nila habang
pinagmamasdan nila ang nagsisilakihang mga bato, malinaw na
tubig at mga isdang lumalangoy. Ngunit biglang napasigaw ulit si
Sam nang makakita siya ng maraming palakang gumagalaw at
sari-saring kulay ng isda. Dito nagtatapos ang kuwento ng
magkakaibigan.

• Sabihin na buksan na ang mata.

• Ipalarawan ang lugar na pinuntahan ng magkakaibigan at itanong


ang mga sumusunod:

- Anu-ano ang nakita nilang mga bagay na may buhay? Sa


dagat? sa bukid?

• Isulat sa pisara, hanay ng may buhay at wala Hikayating lagyan ng


guhit ang nagkakaugnayan sa bawat isa.

• Gawing springboard tungo sa paksang ecosystem at ang


kahulugan ayon sa kanilang pagkakaunawa. Sabihin ang: Pag-
isipan Natin Ito nasa p.2

2. Pagtatalakayan

• Ipagawa ang Small Group Discussion

• Pangkatin ang mag-aaral sa tatlo. Bawat pangkat ay pumili ng


isang magbabasa at isang tagapagdaloy at tagapag-ulat.
Ipaliwanag ang mga sumusunod na hakbang:

a. Bawat pangkat ay babasahin ang paksa Ang Ecosystem p. 4-7

b. Bigyan ng sapat na panahon upang sila ay magbasa ng tahimik.

c. Ipabasa ang mga gabay na tanong na makatutulong sa pang-


unawa

o Anu-ano ang mga bagay na may buhay?


o Anu-ano ang dalawang bahagi ng ecosystem?
o Paano nagtutulungan o nagkakaugnayan ang dalawang uri
ng ecosystem?

• Gamitin ang Venn Diagram sa pagtatalakay at pagpapaliwanag ng


dalawang uri ng ecosystem.

• Pagbigayin ng mga halimabawa sa bawat isa uri, paguuganayan


ng dalawang uri ng ecosystem.

Ecosystem
Terestrial Aquatic

3. Paglalahat

• Sa mga nakuhang datos sa binasa ipalahad ang kanilang


natutunan. Ipabasa ang Tandaan Natin na nasa pahina 8. Maari
itong dagagn. Halimbawa: Ipasalarawan ang isang ecosystem
sa pamamagitan ng pagbabalangkas na tulad ng nasa kahon.
Patingnan ang Tandaan Natin sa pagsagot.

Ano ang ecosystem _____________________________

Dalawang uri ng ecosystem________________________

Mga katangian ng bawat uri ng ecosystem_____________

Paguugnayan ng bawat ecosystem ______________

Patutulongan ng mga ibat-ibang uri ng ecosystem?

Paglalapat

• Pagbigayin ng saloobin sa pamamagitan ng paggamit ng isang


reflection sheet.

• Padugtungan ang ang mga sumusunod na pangungusap.

a. Natutuhan ko na ang ecosystem ay _________________.


b. Nagkakaugnay ang dalawang uri ng ecosystem sa
sumusunod na paraan _____________________________
_______________________________________________.

• Pasagutan ang Pag-isipan Natin Ito p. 5 upang makabuo ng


paglalahat.

5. Pagpapahalaga

• Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbigay ng isang


mapanuring pagpapahalaga. Ipasulat sa kapirasong papel ang
kanilang sagot at patnubayan na tukuyin kung bakit mahalaga
na panglagaan ang ecosystem?

IV. PAGTATAYA

• Pasagutan ang Alamin Natin ang iyong mga Natutunan sa pahina 8 at


ipahambing ang sagot sa pahina 40.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

• Mangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay na nakikita sa


dagat. Kumunsulta sa magasin, aklat o iba’t-ibang lathalain upang
makapaghanda sa susunod na paksa. Isulat ang buod at may-akda nito

• Ibahagi ang impormasyong nakuha sa mga kamag-aral.

You might also like