Pananamit ng mga Sinaunang Pilipino Ang pananamit ng mga sinaunang Pilipino ay lubhang naiiba sa pananamit ng kasalukuyan.

Noon, ang mga lalaki ay nakabahag ngunit may kanggan, na pang-itaas, na maikli ang manggas at itim o asul na kamisang walang kuwelyo. Ang kulay ng kamisa ang nagpapakilala kung ano ang antas o ranggo ng nagsusuot noon: kung pula ay nangangahulugang datu ang may-suot; kung asul o bughaw o kung itim ay nabibilang sa uring mababa kaysa datu. Sa kabilang dako, ang pananamit ng mga babae ay binubuo ng pang-itaas na kung tawagi‟y baro at ng pang-ibaba na kung tawagi‟y saya. Sa Kabisayaan, ang tawag dito‟y patadyong. Noo‟y walang sapatos ang mga tao, kaya‟t ang lahat ay nakatapak. Gayunman, ang ulo‟y may putong, na anupa‟t isang kayong damit na nakabilibid sa ulo. Sa kulay ng putong nakikilala ang “pagkalalaki”: kung pula ang putong, ang may-suot ay nakapatay na ng isang tao; kung may burda ang putong, ang may-suot nito ay nakapatay na ng maraming tao. Ang mga babae ay hindi naglalagay ng putong, ngunit ang kanilang buhok ay nakapusod. Pananampalataya ng mga Sinaunang Pilipino Ang sinaunang tao sa kapuluan ay hitik na hitik sa kaugalian at paniniwala. Sa lahat ng yugto ng kanilang buhay, mula sa kapanganakan hanggang kamatayan, ay kitang-kita ang kanilang mga pinaniniwalaan at pinipahalagahan. Ang mga babaylan at katalona na tumatayong tagapag-ugnay ng pamayanan sa mga espiritu at diyos ay naging malakas na puwersa na humubog sa pagkatao at tunguhin ng pamayanan. Patunay sa matibay na ugnayan ng sinaunang tao sa kanilang Lumikha ay ang kanilang mga paniniwala at pagpapahalaga sa mga espiritu, duwende, nuno at engkanto. Ang mga paniniwala at pagpapahalagang ito ang kanilang naging gabay sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Naniniwala sila na ang lahat ng bagay ay may buhay katulad ng mga bundok, ilog, lawa, punongkahoy at iba pa. sila ay sumasamba sa espiritu ng namayapang kamag-anak. Naniniwala rin sila sa mabubuti at masasamang anito. Ang paniniwalang ito sa mga anito, ayon kay Salazar ay patunay ng malakas na impluwensiya ng mga Austronesyano sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Bagama‟t naniniwala ang sinaunang tao sa maraming espiritu, naniniwala rin sila sa iisang itinuturing naman nilang pinakamakapangyarihang diyos, ang Bathalang Maykapal. Naniniwala sila na ang Bathalang Maykapal ang magpaparusa sa mga masasama at magbibigay gantimpala sa mabubuti. Ang debosyon ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang mga namayapang kamag-anak ay kahanga-hanga rin, ayon sa salaysay ng mga Kastilang Historyador. Makikita ito sa kanilang paglilibing at sa kanilang madalas na paghingi ng gabay sa mga kaanak nilang namayapa na. naniniwala sila na may kabilang buhay kung saan ay ipagpapatuloy ng namayapa ang kanyang buhay. Dahil ditto, ang mga gamit ng namayapa ay kasamang inililibing ng kanyang labi, sapagkat kakailanganin daw ang mga ito ng namayapa sa kabilang buhay. Sa mga katutubong Bisaya, naniniwala sila na ang mga masasama ay magtutungo sa solad (impierno) at ang mabubuti ay sa ologan (langit). Kaugnay ng kanilang relihiyon, ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala sa mga pamahiin. Naniniwala sila sa anting-anting, agimat, at kahulugan ng mga panaginip.

james/ejp

dalanghita. gaya ngayon. Ang mga Ifugao ay may mga tagatala ng kalendaryo na tinatawag nilang tumunok. Sa ikalawa. mangingisda. Sa Katagalugan at sa iba pang bahagi ng kapuluan. Antonio de Morga (1609) at iba pang mananalaysay na Kastila. Agham at Teknolohiya ng mga Sinaunang Pilipino Ang mga unang Pilipino ay may malawak ding kaalaman sa agham at teknolohiya. Pinahahalagahan din nila ang buwaya na tinatawag nilang nuno. Ang mga anak na babae naman at tinuturuan ng mga ina ng pagbasa at pagsulat. labis nilang binibigyan ng paggalang ang tikbalang.  Paglalagay ng ginto sa ngipin  Ang Hagdan-hagdang Palayan (Rice Terraces) Ekonomiya ng mga Sinaunang Pilipino Ang pamumuhay at kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino ay hindi gaanong nalalayo sa pamumuhay at kabuhayan ng malaking bahagi ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Ang mga anak na lalaki sa sinaunang pamayanang Pilipino ay sinasanay ng mga ama na maging mandirigma. saging. Naniniwala sila na ito ay demonyong naninirahan sa kagubatan kaya nagpapasantabi sila sa tuwing daraan sila sa ilalim ng mga puno. niyog. ang lupa‟y nililinis sa pamamagitan ng pagsunog sa mga halaman at damo at pagkatapos nito‟y tatamnan ang lupa. Ang sinaunang kalendaryo ng mga Bisaya ay may pitong araw sa isang lingo at labindalawang buwan sa loob ng isang taon.Sa mga sinaunang Pilipinong naninirahan sa hilaga. paggamit ng sandata at lubris (pag-aaral tungkol sa agimat). ang mga nahukay na palayok sa Butuan at Batangas at ang Laguna Copper Plate Inscription. Edukasyon ng mga Sinaunang Pilipino Ang malalim na kaalaman sa pagbasa at pagsulat ng mga sinaunang Pilipino ay pinatutunayan ng mga tala ni Padre Chirino (1604). Mayroong sinaunang paaralan sa Panay na tinatawag na bothoan. Ang pangunahing industriya noon. particular sa Sagada (mummification)  Ang kalendaryong Ifugao at Bisaya. at iba‟t ibang uri ng mga prutas at mga gulayin. baybayin ang gamit sa pagsusulat. na tipikal sa mga bulubundukin ng Cordillera. ang tinatawag na pangangaingin (galing sa kaingin) at ang ikalawa‟y ang paglilinang. Naniniwala rin ang mga tribung Bisaya na ang lahat ng namatay sa pakikidigma o napatay ng buwaya ay nagiging diwata o anito. Nangangahulugan lamang na amg mga sinaunang Pilipino ay mayroon ng pamamaraan ng pagtatala ng kanilang kasaysayan. Ang malaking kaibahan ng dalawa ay nakasalig sa bilis ng pagkukumagkag ng mga tao ngayon. magtrotroso at manggagawa ng barko. samantalang noon ang mga tao‟y hindi nagmamadali sa kanilang mga gawain. mangangaso. abaka. ay ang pagsasaka. Sagana ang bayan noon sa bigas. Ang ilang patunay ditto ay ang mga sumusunod:  Paggawa ng mga halamang gamut  Industriya ng seramiks  Ang pagprepreserba ng labi. bulak. ang james/ejp . Ang pagsasaka noo‟y may dalawang uri: una. Sa una. aritmetika. Dr. minero.

ang Museong Pambansa ay nakatuklas ng mga buto ng elepante sa Hilagang Luson. Bukod sa komersiyo sa loob ng Pilipinas ay nagkaroon din ng pakikipagkalakalan sa iba‟t ibang bansa. pangingisda. sapagkat ilan sa mga wika sa Pilipinas ang kakikitaan ng salitang gadya. Upang mapalaki ang ani ay naglalagay sila ng patubig. paggawa ng mga sasakyang. Sumatra. at kabayo. Ang una‟y panlahat o publiko at nauukol sa mga lupang malapit sa kabundukan. Dahil sa hindi alam ng mga Kastila ang pangalan ng mga sasakyang-dagat at mga bangka ay gumawa sila ng mga pangalan. at ang ulam ay karaniwan nang isda at kung minsa‟y karne ng baboy o baka. Ang paghahabi ng mga damit ay isang industriyang pambahay na maunlad na nang dumating ang mga Kastila. Ang mga sasakyang iyan ay tigib ng mga bilihing dinadala sa mga pulo ng Kabisayaan at sa Kamindanawan. karakoa. ay totoong maraming mangangalakal na tagaLuson. Ang lupang ito‟y mataba at maunlad na sapagkat naayos na ng datu sa tulong ng mga alipin. gaya ng binta. Ang paraan ng bilihan ay dinaraan sa tinatawag na palitan ng mga produkto. at sutla ang ginagamit sa paghabi. kalabaw. na ang ibig sabihin ay elepante. Ang pag-inom ng alak (tuba) ay karaniwan. ang matuwid kung bakit pinauupahan ng datu ang ilang lagay ng lupa ay sapagkat binili niya ang nasabing lupa sa datung dating may-ari nito at upang makuha ang kanyang ibinayad ay pinauupahan niya ang lupang nabili. ngunit hindi sila nagpapakalasing. Kambodya. Noo‟y walang kuwaltang ginagamit ang mga tao.lupa‟y inaararo at pagkatapos ay tinatamnan. paghabi. Nang dumating ang mga Kastila ay nagtaka sila sa iba‟t ibang uri ng mga sasakyang-dagat at bangka na ginagawa ng mga Pilipino. hibla ng saging. Bukod diyan. kung ang isang tao‟y may kambing ay maaari niyang ipagpalit ito sa isang tiklis na isda. bulak. Kung minsan. Ang kapal ng kagubatang sagana sa matitigas na punungkahoy na sinasangkap sa paggawa ng mga sasakyang-dagat ay naging mapagpala sa mga Pilipino na sapagkat naninirahan sa mga tabing-dagat ay sanay maglayag. birey. ang ilang lagay ng lupa ay pinauupahan ng datu. Ang pagmamay-ari ng lupa noo‟y may dalawang uri. Ang paggawa ng mga sasakyang-dagat na may layag ay isang maunlad na industriya ng mga unang Pilipino. Sinamay. Haba. Dahil sa mga industriya ay naging maunlad ang komersiyo ng mga baranggay na ang ginagamit sa pagdadala ng mga produkto ay mga bangka at batel. sa isang sulat niya sa biseroy ng Meksiko. Katulad ngayon. Ipinalalagay na ang lupang ito‟y mahirap araruhin at ang sino mang may sipag at tiyaga ay maaaring magtanim at makinabang sa ganyang uri ng lupa. ang ibinabayad ng mga Pilipino sa mga james/ejp . Hulo at iba pang mga pulo ang naglalayag sa malalayong bayan upang makipagkalakalan. Mayroon din silang elepante. Bukod sa pagsasaka ay mayroon pang ibang industriya ang mga Pilipino noon. bagay na nagpapatotoong may elepante sa Pilipinas noong unang panahon. gaya ng Hapon. Sinasabi ng matatandang kasulatan na nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay nakita nila ang maraming sasakyang-dagat sa Sebu na nagbuhat pa sa Maynila at iba pang bahagi ng Luson. prau na ginawang paraw ng mga Pilipino. Borneo. at pangangahoy. ang pagkain ng mga Pilipino noon ay nakasalig sa bigas. lalo na sa Butuan. Tsina. Sang-ayon kay Padre Martin de Rada. ngayo‟y sakop ng Surigaw. at iba pa. at sa iba pang pulo ng matandang Malaysiya. Sa ibang pook. Sang-ayon kay Padre Juan de Plasencia na nakasaksi sa mga kaugalian ng mga Pilipino nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Ang karamihan ng mga ilog ay naging isa sa mga dahilan kung bakit ang komersiyo ng mga baranggay ay naging hasi (mabili). bukod sa bangka at balangay. pagmimina. Siyam (ngayo‟y Taylandiya). kambing. Halimbawa. Nag-aalaga rin sila ng mga manok. Ang ikalawa‟y ang pribadong lupa na ari ng mga datu. gaya ng paghahayupan.dagat.

ay hindi tunay kaya‟t hindi maaaring magmana ng ari-arian sa kanyang ama. Sang-ayon sa isang manunulat na Intsik na nakarating sa Pilipinas noon taong 1209 at nanatili rito hanggang 1214. samantalang ang mga anak sa labas. Sa likod ng mataimtim na paglilingkod na ito ay hindi pinahihintulutang makipag-usap ang lalaki sa dalaga. datapwa‟t ang ganitong pagsang-ayon ay may kondisyon: siya‟y magkakaloob ng bigay-kaya o dote sa mga magulang ng dalaga. Bukod pa riyan ay magbibigay rin ang kahabag-habag na binata ng tinatawag na bigay-suso sa nag-alagang yaya ng dalaga bilang ganti sa kanyang pagpapasuso rito. ang pagsang-ayon ng mga yaon ay ipakikilala sa lalaki. na ang ibig sabihi‟y kapwa nag-iibigan. ang kaugaling ito‟y hindi lubos na sinusunod. kung baga sa hagdan.Intsik na mangangalakal na dumayo buhat Tsina ay ginto o ano mang bagay na naiibigan ng mga Intsik. wika nga. Ang lahat ng ito‟y inaayos ng mga magulang ng dalaga sa kanilang pakikipag-usap sa mga magulang ng binata. bago maging karapatdapat sa mga magulang ng babaing pinipintuho. ang mga sinaunang Pilipino ay matapat sa pakikitungo sa mga mangangalakal na taga-ibang bansa. ang mga anak sa asawa ay lehitimo o tunay. Kung ang hinihiling ng mga magulang noon ay hindi maibibigay ng james/ejp . ang mahadlika ay nag-aasawa ng mahadlika rin. na kinukunan ng mga produkto ay hindi agad binabayaran kundi sa susunod na pagbabalik noon. Walang pagkakataong magkausap ang dalawa sapagkat mahigpit ang mga magulang na ang mga mata‟y tinatalasan upang hindi sila masalisihan. Ang mahadlikang may hangad magasawa ng alipin ay hindi pinagbabawalang mag-asawa rito. Bukod diyan ay magbibigay rin ang binata nang pang-himuyat sa mga magulang ng dalaga. Ngunit gaya ng nasabi na. Sa kanilang batas na batay sa kinamulatan at kinaugalian. Ngunit ang ganito‟y hindi mahigpit na ipinatutupad. halimbawa. Ang pag-aasawa noong unang panahon ay hindi madali. kung sa ngayon. ginto. sapagkat ang lalaki ay maraming pagdaraanang mga “baitang”. wika nga. Ang mga Intsik. Ang babaing hindi asawa ng isang lalaki ngunit may di-karaniwang kaugnayan doon ay tinatawag na kaibigan. na maaaring salapi. bilang bayad sa mga araw at gabi ng pagbabantay at pagpupuyat ng mga magulang mulang pagkabata hanggang magdalaga. ngunit noon ang mga lalaking umiibig ay handang magpakasakit at magtiis ng hirap alang-alang sa kanyang minamahal. Ang datu ay karaniwan nang nag-aasawa sa pamilyang nabibilang sa uring datu. Ang lalaki‟y nagsisibak ng kahoy. at gumagawa ng ano mang bagay na iutos sa kanya ng mga magulang ng dalaga. at ang datung nais mag-asawa ng mahadlika ay malaya ring nag-aasawa ng nais niyang maging asawa. o ano mang ari-ariang mahalaga. Panliligaw at Pag-aasawa ng mga Sinaunang Pilipino May kaugalian ang mga unang Pilipino na mag-asawa sa babae o lalaking nabibilang sa uri ng lipunang kinabibilangan nila. ng lalaking may kabilisan. mga mata lamang nila ang nag-uusap at napapahayag ng kani-kanilang dinaramdam. Ang mga Pilipino ay kusang nagbabayad ng inutang nilang mga produkto at dahil ditto ang mga mangangalakal na dayuhan ay may malaking pagtitiwala sa kanila. umiigib. at ang alipin ay nag-aasawa ng gaya rin niyang alipin. na kung bigkasin ay ka-ibigan. At bukod pa rin diyan ay magbibigay rin ang binata ng himaraw sa ina ng dalaga bilang bayad sa kanyang pagpapasuso sa dalaga ng ito‟y sanggol pa. Mahirap ito. Matapos matanto ng mga magulang ng dalaga na ang nanliligaw ay karapatdapat. May ugali noon – na hangga ngayo‟y sinusunod sa isang liblib na pook ng Pilipinas – na ang nanliligaw ay maglilingkod muna sa mga magulang ng dalaga sa loob ng ilang buwan o kung minsa‟y mga taon. Ang bigay-kaya ay karaniwan nang lupa.

Hindi kakain o iinom ang dalaga hangga‟t hindi nadudulutan ng regalo. Sa mga may dugong mahal. siya‟y kalahating alipin at kalahating mahadlika. ang kasal ay halos kapareho ng sa mga mamamayan sa Luson. at ang ina‟y alipin. ang panlima. Isang kamag-anak ng dalaga ang tutungo sa tahanan ng binata upang ihatid ito sa bahay ng datu. anupa‟t ang mga gansal o nones. Matapos mapagkayarian ang dote ay isusunod na ang kasal. at kasabay ng isang hiyaw ay ihahagis ang bigas sa mga panauhin. Sa senyas na ito. ang kanilang mga anak ay paghahatiin sa kanilang dalawa. ang belo ay hahawiin na ng binata. halimbawa. Ang tagapagsalita ng binata ay nagpapahayag sa mga magulang ng dalaga ng layunin ng binata na maging asawa ito. sapagkat ang mga ito ang magsasabi kung kailan hahawiin ang belo. ang kasal ay isusunod. Pagkatapos nito. pagdadaupin ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng isang pinggang bigas. Ito‟y tinatawag na pamumulungan o pamamalae. Uupo sa lapag ang mga ikakasal sa ayos na magkaharap. Sa mga Moro sa Mindanaw. ikaanim. Kasunod nito ang dote na ibibigay sa mga magulang ng babae. wika nga. Dudulutan siya ng ama ng lalaki ng isang regalo at siya‟y papanhik na. Ito‟y susundan ng anim na araw na pagdiriwang. ang panliligaw ay dinaraan sa tagapamagitan. Pagdating sa paa ng hagdan ng bahay ng lalaki ang dalaga ay magkukunwang nahihiya at hindi agad papanhik. Sila‟y pangangaralan ng hadji o hukom at pagkatapos nito‟y makaitlong liligid ang binata sa dalaga. halimbawa‟y isang mahadlika at isang alipin. ang pampito. Sapagkat mahadlika ang ama kung kaya‟t mahadlika rin ang mga anak na nasa kanya.mga magulang ng binata ay nagkakaroon ng tinatawag na tawaran hanggang sa pumayag ang panig ng dalaga. – Kung ang mag-asawa ay nabibilang sa magkaibang uri ng katayuan sa lipunan. ang pangatlo. Kung ang ama‟y mahadlika. Samantalang ginagawa ito‟y pipilitin ng binata na hawiin ang belo ng dalaga. Kung gansal ang james/ejp . Sa ikapitong gabi ay pahihintulutan na ang lalaking sumiping sa asawa. Ito‟y gagantihin ng malakas na hiyawan ng mga panauhin at ang kasal ay tapos na. Sa bahaging ito ay ipahahayag ng isang matandang lalaki na magsisimula na ang seremonya. Haluang Kasal. Pagkatapos na maayos ng mga magulang ang tungkol sa pag-aasawa ng kanilang mga anak ay ipakukuha ang nobya sa isang tagapamagitan. na ginagawa sa tahanan ng datu. ikaapat. Sa bahaging ito ay may kinalaman ang datu. ang paghahagis ng bigas ay hindi ginagawa. Kapag naayos na ito. Pagkaraan ng ilang pagtatangkang hawiin ang belo. – ay sa ina. Sa mga mahadlika. Ang paraan ng pagkakasal ay iba-iba ayon sa katayuan ng isang tao sa lipunan. Kung bugtong (iisa) ang anak. samantalang sa mga alipin ang pagkakasal ay nagsisimula at natatapos sa tanong ng lalaki na “Pakakasal ka baga sa akin?” At kung umoo ang dalaga ay inaaring kasal na sila. ang dalaga‟t binatang ikakasal ay iinom sa isang tasa. Ang mga magulang ng dalaga ay sasangguni sa kanilang mga kamag-anak at kung payag ang mga ito ay agad ipahahayag ang pagsang-ayon. at iba pa. Pagkapanhik ay hindi tutuloy sa kalooban ng bahay hangga‟t hindi siya nadudulutan ng isa pang regalo. Pagkapasok sa loob ng bahay ay hindi uupo ang dalaga at bibigyan na naman siya ng isa pang regalo. ang pinakamatanda o panganay. Gayon din ang sukat masabi hinggil sa mga anak na nabibilang sa ina: sila‟y ituturing na alipin. Isang matandang babaing may tungkuling pagka-pari ang lalapit sa ikakasal. atbp. ang mga panauhin ay sesenyas na nagpapahayag na tuluyan nang hawiin ang belo. Pagkatapos ay kukunin ang dalaga ng isang kamag-anak ng binata at dadalhin din sa bahay ng datu. bagay na sinasabayan ng sigawan ng mga panauhin. samantalang ang pares – anupa‟t ang ikalawa. ay sa ama. Pagkatapos nito‟y babasahin ng hukom ang mga salitang nagbubuklod sa dalawa at pagkatapos ay babasbasan sila ng bendita. sapagkat siya ang makikipag-unawaan sa mga magulang ng dalaga.

kaya‟t ang ipinambabayad ay mga produkto. at ito‟y sangay ng isang katipunan o asosasyon. Sa nakasulat o sa hindi man. na ang kahulugan sa Indonesya ay bangka. Walang tinatawag na hari noon. Ang pagpatay sa isang taong nabibilang sa ibang baranggay ay nagiging sanhi ng digmaan ng dalawang baranggay. maliwanag na walang pagtatangka noong daanin ang salitaan sa mapayapang paraan. na binubuo ng mula sa 30 hanggang 100 kaanak. Noo‟y walang kuwalta. na anupa‟t dinaraang lahat sa dahas at lakas. – Ang yunit ng pamahalaan ay ang baranggay. pagpatay na wala naming sanhi. malaki man o maliit. sapagkat higit na magaang bigkasin ng mga Kastila ang r kaysa l o d. kundi datu o sultan. na maaaring binibigkas noong unang panahon nang balang-ay. Ang salitang balang. na gamitin ngayon.bilang ng mga anak. Ang bawat baranggay ay Malaya at nag-iisa. Ang relasyon ng isang baranggay sa kapwa baranggay ay nasasalig sa komersiyo at mga kasunduan hinggil sa pagkakaibigan at pagkakaisa. halimbawa‟y pito o siyam. ang dalawang panig ay kinikilalang magkapatid sa dugo. ang maaaring tunay na pinagmulan ng salitang Tagalog na balangay. ang salitang balangay ay nagkaroon ng ibang kahulugan. Ang mga gumawa ng pagkakasalang hindi mortal ay pinarurusahan naman sa pamamagitan ng pagtatali sa langgaman. pagdaraan sa bakuran ng may-bakuran nang walang pahintulot ito. Pamahalaan at Batas ng mga Sinaunang Pilipino Ang Pamahalaan. Ang isa pang sanhi ng digmaan ay kung tinangay ng isang lalaking nabibilang sa isang baranggay ang asawa ng lalaking nabibilang sa iba namang baranggay. Benggansa o paghihiganti ang motibong nagtutulak sa mga mamamayan noon na tumungo sa digmaan. na anupa‟t kumukuha ng dugo sa bisig ng nagkakaisa at inihahalo ito sa tuba. Sa mga sanhi ng digmaan. Ang mga kamag-anak ng mga datu at ang kanilang mga anak ay pawang nabibilang sa dugong mahal at hindi pinapagbabayad ng buwis. lehislatibo. na nang lumaon ay naging balangay. ang ikapito o ikasiyam ay ituturing na kalahating alipin at kalahating maharlika. katulad ngayon. Ito‟y tinutungga ng nagsasandugo. Mga Batas. at iba pang gawang ipinalalagay na mahalay at hindi mabuti. ay sinasabing galing daw sa salitang Malayong balangay. james/ejp . Tungkulin ng mga datu na pangalagaan ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan at ito nama‟y nagbabayad ng buwis sa kanilang datu. Ito‟y ginagawa sa pamamagitan ng tinatawag na sanduguan. pagmumulta. Ang pangyayaring napakaraming baranggay noon ay nagpapahiwatig na walang kaisahan ang mga Pilipino at samakatuwid ay walang isang pamahalaang sentral. at hudisyal. Ngunit walang ganitong salita sa Malayong sinasalita sa Indonesya o maging sa Malaysiya. Ang salitang baranggay. ang mga yao‟y batay sa kinaugalian. ngunit kung minsa‟y nagsasama-sama ang ilang baranggay upang maging kalipunan ng mga baranggay. Ang mga batas na nakasulat ay yaong pinagtibay ng datu at ng kanyang sangguniang binubuo ng matatandang mamamayan. pag-insulto sa kapwa. na may isang layag. Ang datu ay makapangyarihan sapagkat nasa kamay niya ang kilala ngayong ehekutibo. Ang taong makilalang gumawa ng mortal na kasalanan ay ipinapapatay o kaya‟y pinagmumulta nang malaki. Ito nama‟y ginawang barangay (bigkas: barang-gay) ng mga Kastila. – Ang mga batas noong unang panahon ay nakasulat o hindi nakasulat. pangungulam. Ang isa pang sanhi ay kung pinarusahan ng isang baranggay ang lalaking nabibilang sa ibang baranggay. Yao‟y nauukol sa panggagahasa. Nang lumaon. Sa pagtunggang ito. gaya ng mga Mason na may kanya-kanyang balangay o branch. pagpatay ng kapwa.

ang magbabalita sa buong baranggay na may bagong batas na paiiralin ang datu. Upang ipakilala ang kanilang katapatan. o kaya‟y sa paglangoy sa loob ng ilang oras. at pagsira sa mga dokumentong ari ng datu. Ang batas ay ginagawa sa ganitong paraan. Kung ito‟y tawaran ng natalo. Sa uring ito ng paglilitis.paghagupit sa likod. Ang paglilitis ay dinaraan sa pagsubok sa katatagan. pambubulahaw sa gitna ng katahimikan ng gabi. Dala ang isang kampanilya. katibayan. Ang buno ay tinatawag doong bultong. – Saan man at kailan man ay hindi nawawala o naiiwasan ang pagtutunggali ng mga tao. ang umaluhukan ay pagkukulumpunan ng mga taong ibig makabatid sa mga tadhana ng bagong batas. Sa kabilang dako. ang paniwala ng mga tao ay nananalo ang kinakasihan ni Bathala. Noo‟y walang abugado. Sa mga Ipugaw sa hilagang Luson. Ang isa pang uri ng pagsubok ay ang pagbibigay sa nag-uusapin ng ilawang may sindi. Tatawagin ng datu ang matatanda ng baranggay na tumatayong mga tagapayo niya at sasabihin sa mga ito na may naiisip siyang isang batas na dapat pagtibayin. katulad ng mga Europeo noong unang panahon. Ang Pagsubok. Ang mga usapin noong unang panahon ay nililitis ng hukuman na binubuo ng datu bilang hukom at ng matatandang mamamayan ng baranggay na tumatayong hurado. usaping kriminal at iba pa. pagdaraya. Pagkatapos makapanumpa ang mga testigo ay isa-isang mangangatuwiran ang magkabilang panig sa usapin. ayon sa hatol. ang usapin ng dalawang baranggay ay nilulutas sa pamamagitan ng arbitrasyon na binubuo ng matatandang mamamayan ng mga neutral na baranggay na siyang namamagitan. “Maanong tamaan ako ng lintik kung magsabi ako ng kabulaanan” at iba pang gangganito. Kung aling kamay ang napaltos ay ipinalalagay na maysala. na ang tawag ay umaluhukan. kasunod ang pagpapatibay ng kanilang mga saksi o testigo. Ito‟y paglalabanan ng dalawang armadong lalaki. Isang tagapagbalita. Isa pang uri ng pagsubok ay ang tinatawag na alaw. – Ang mga sinaunang Pilipino. Ang magkabilang panig sa usapin ay maghaharap na kasama ang kani-kanilang mga testigo. ang datu bilang huwes at ehekutibo ay magpapasyang dapat sundin ang hatol at sa ganito‟y papanig siya sa nanalo upang mapilitan ang natalo sa usapin na tanggapin ang hatol ng hukuman. Isa pang pagsubok: ang nag-uusapin ay patatalunin sa ilog na may dalang sibat. ang pagsubok sa pamamagitan ng pagtatagis ng lakas ay karaniwan. Ang paglilitis ay hayag at ang mga pasya o hatol ay agad ibinibigay upang maiwasan ang walang katuturang pagkabimbin ng usapin. Upang makilala kung sino sa nag-uusapin ang may-sala o kung sino ang walang sala ay ipinakukuha ang isang batong nakababad sa kumukulong tubig. kung sino ang unang lumitaw ay siyang may-sala. ang mga testigo ay nanunumpa sa ganitong paraan: “Maanong lamunin ako ng buwaya kung hindi ako magsabi ng totoo”. Ang Paghuhukom. pagsisinungaling. pang-uumit. Kung sino ang mapatay ay siyang may-sala. Ang ilawang mamatayan ng ilaw ang siyang may-sala. ay mayroon din ng tinatawag na paglilitis-pagsubok (trial by ordeal). Ang sino mang makapagharap ng higit na maraming testigo ay ipinalalagay na nanalo sa usapin. ang mga tadhana ng panukalang batas ay isusulat. usapin sa lupa. Isa pa ring pagsubok: ang naguusapin ay pangunguyain ng bigas at kung sino ang may laway na malapot ay siyang may-sala. Ang balak o panukalang ito‟y pag-aaralang mabuti ng matatanda at kung sila‟y sang-ayon. Ang sino mang lumabag sa batas ay agad pinaparusahan ayon sa bigat ng pagkakasala. at katapangan ng nag-uusapin. Ang mga kasalanang hindi mortal ay ang pangangalunya. na ang mga dahilan ay lubhang marami. sa pagputol sa mga daliri ng isang kamay. at kung sino ang matalo sa larong ito ay ipinalalagay na may-sala. Ang sino mang ayaw kumuha ng nasabing bato ay siyang may-sala. james/ejp . gaya ng usapin sa pagmamanahan.

Katulad ng karaniwang nakikita sa kasalukuyan ay katakot-takot ang iyakan ng mga kamag-anak at mga kaibigan. samantalang ang ilan nama‟y nalahiran ng diwa ng Kristiyanismo at minana ng kasalukuyang salin ng lahi sa ganyang ayos. Sa mga taga-Luson. Ang paghihiganti ng mga kamag-anak ay tinatawag na balata. kung mayroon. Naniniwala rin sila sa asuwang. Ang lahat ng pakikidigma. ang pag-aayuno ay tinatawag na sipa. halimbawa‟y ang pagkahol o pag-alulong ng aso. Ang pagkain ng ano mang uri ng karne at ang pag-inom ng alak ay bawal sa panahon ng pagluluksa. arrows). ang pagluluksa ay hindi natatapos hangga‟t hindi naipaghihiganti ang namatay. Sa mga Tagalog. MARANGAL ang makain ng buaya. o kaya‟y ang paghuni ng butiki. baligtad ang paglalagay ng balaraw (daga) sa kaluban. Sa matandang paniwala. Naniniwala rin sila sa manghuhula na kung tawagin noo‟y pangatauhan. Sa mga lipi ng Mindanaw at sa ilang pulo ng Kabisayaan. sa tikbalang. heaven). ayon sa paniwala ng mga tao dito. na anupa‟t ang mayaman o may-kaya ay nakalalamang na sa pagtungo sa kabilang buhay. Gayunman. Kapag datu ang namatay. james/ejp . ang pagpapakilala ng pagluluksa ay hindi gaya ngayong itim ang damit na isinusuot. sa manggagaway. Naniniwala rin ang mga unang Pilipino sa tinatawag na anting-anting o agimat. Ang pagluluksa sa babaing namatay ay tinatawag na morotal. at sa tiyanak. Bukod sa mga ito ay mayroon pang upahang tagaiyak na nagsasalaysay o umaawit ng mga kabutihang nagawa ng namatay. kundi puti. ay ibibimbin. na anupa‟t nagdarasal at nagkakainan ang mga kamag-anak at mga kaibigan ng namatay sa ikasiyam na araw ng pagkamatay ng yumao. ang pangyayaring ito‟y agad ipinahahayag sa buong baranggay. Maliwanag na hindi man sinasabi ay mahahalata naming may kinikilingan ang kabilang buhay. Sa kabilang dako. ang mga kamag-anak ng namatay ay nag-aayuno at ang kinakain ay pawang gulay. dumadaan sa arco na nabubuo kapag umuulan (bahaghari. ginto. ang pag-awit ay bawal. ang pagdaramdam sa pagkamatay ng kamag-anak ay ipinakikilala sa pamamagitan ng paghuhuramentado o walang taros na pagpatay sa kapwa. sa mangkukulam. Ang patay ay inilalagay sa kabaong na may kasamang damit. Ang mga paniniwala at mga pamahiing iyan ay hindi nalipol ng pagdating dito ng kabihasnang Kanluranin. samantalang ang walang dala ay makararanas ng malamig na pagtanggap doon. Ang ilan sa kanila‟y nanatiling buong-buo. Kung ang namatay ay biktima ng masamang layon o kaya‟y namatay sa labanan. na umano‟y nakahuhula sa mga darating na pangyayari. Sa likod ng mga pagbabawal na ito ay patuloy naman ang kainan at inuman ng alak ng mga tao. at nagiging mga diyos. ang patay raw na maraming dala-dalahan ay buong pusong tatanggapin sa kabilang buhay. rainbow). Karaniwang nagdaraos ng pasiyam. o mapatay sa saksak o tama ng mga palaso (flechas. samantalang ang sa lalaki ay tinatawag namang maglahi. ang pagluluksa sa namatay na datu ay tinatawag na laraw.Pagdadalamhati ng mga Sinaunang Pilipino Ang Paglilibing. ang sibat kung dinadala ay kailangang nakatungo sa lupa. – Sapagkat naniniwala ang mga sinaunang Pilipino sa kabilang buhay at sa relasyon ng buhay sa patay kung kaya‟t malaki ang paggalang nila sa alaala ng mga patay. Marami sa pangyayari ang binibigyan nila ng kahulugan. Kung minsan nama‟y naglalagay sila ng galang na behuko sa kanilang mga paa‟t liig. at iba pang mahahalagang gamit na umano‟y kakailanganin ng namatay sa kanyang pagtungo sa kabilang buhay. Kadalasa‟y nagtatanghal ng dula o drama na kung tawagin ay tibaw. at bawal ang magsuot ng damit na masagwa ang kulay. ang paglipad ng uwak. Tuluy-tuloy silang lahat sa langit (cielo.

napapalaya uli ang mga kaluluwa kung mag-aalay (sacrificio. Panawagan ng „baylana‟ Kung magkasakit ang mga anak o kamag-anak ng nalunod na tao. forever). isang diyos din. james/ejp . sabi nila. sakay sa bangka na tinatawag na baranggay. ang lahat ng kaluluwa. Kailangan daw maganito (mag-anyito) upang mapalaya ang kaluluwa. Kasama nila ang isang baylana. mabuti man o masama. namamatay agad ang tao. Binibihag daw nang pantay-pantay. Sabay sa paghagis. Naghihirap ang mahirap.Ang kaluluwa ng mga nalunod ay naiiwan sa dagat habang panahon (siempre. chest) na may damit ng nalunod. Kapag namatay sa sakit ang isang bata. Sukat ng buhay Sabi-sabi nila. May Yligueynes (mga Iligan) na nagsasabi na ang mga kaluluwa ng namatay ay kinukuha ni Maguayen. Bantayan Islands ang tawag ngayon) na ang mga kaluluwa ng mga namatay ay nagpupunta sa sinapupunan ni Siburanen (si Buranen). nagdadasal ang baylana at ang mga nakasakay sa bangka sa mga namatay nilang ninuno na pagpalain at iligtas sa panganib ang mga maysakit. ang sabi nila ay „tinangay ng hangin‟ ang kaluluwa. Iniiwanan nila duon hanggang maagnas at maglaho na ang damit. sinasabi ng mga Pintados (mga Visaya) na kinain ng mga mangalo (duendes. Nilalagyan niya ng takda ang puno tuwing may ipinapanganak na bata. ay naiiwang bihag habang panahon sa ilalim ni Buranen. isang diyos na nakatira sa isang mataas na bundok sa pulo ng Burney (Borneo). sina Simuran (si Moran) at Siguinarugan (si Ginarugan). dinadala sila sa dagat. Bilang parangal sa namatay. Hindi kasi alam ng mga tagarito na ang baho ng bulok ang sanhi ng mga sakit. paniwala ng mga taga-Europa na ang mabantot o „masamang hangin‟ (mal aire. Sabi nila. [ Munting paliwanag: Nuong panahon ng Espanyol. at pag laki nito at naabot ang tangkad ng takda. isang mataas na bundok sa pulo ng Panay. Subalit hindi nagtatagal duon. Bandang panahon na ni Jose Rizal umunlad ang mga agham (sciences) at natuklasan na mga microbio (germs) pala ang sanhi ng mga sakit. natatayo sila ng mahabang kawayan at isinasabit sa itaas ang damit ng namatay. bowels) ng bata kaya namatay. babae na pari nila. at inaagaw ng isa pang diyos at dinadala kay Siburanen (si Buranen). offering) ang mga kamag-anak sa mga pagdiriwang na tinatawag nilang maganito (mag-aanyito). Mula dito. Paniwala naman ng mga Yligueynes (mga Iligan o mga tao ng ilogan o ilog) na taga-Cebu. goblins) ang bituka (entranias. Nakikita rin ang muhi nila sa pagiging mahirap. Subalit ang mga mahirap. may isa pang diyos sa langit. na nagtuturo kung saan sa dagat nila ihahagis ang isang tampipi (baul. Bohol at Bantay (sa tabi ng Cebu. malaria) ang pinagmumulan ng mga sakit. ] Kung matanda naman ang namatay. na may isang matayog na punong kahoy sa bundok Mayas. Ang mga namatay nang ganuon ay napupunta sa Arayas. ang mga baranggay ng patay sa tuktok ng Mayas. Mayroon ding naniniwala rito na ang mga kaluluwa ng namatay ay napupunta sa „kabilang buhay‟ (infierno) na sakop ng 2 diyos duon. Sidapa (si Dapa). at dinadala sa kanyang baranggay na tinatawag na Sumpoy. nakikita na walang halaga sa kanila kung mabuti o masama ang tao. dahil walang nag-aalay ng maganito para sa kanila.

nagkakalat daw ng maraming balang (langosta. Ang pag-aalay ay tinatawag na baylanes (mga baylanan. sorcerer) na hihipo sa kabaong (ataud. Nagdadasal sila kay Lalahon tuwing panahon ng pag-ani. bells) at mga gong (tambors. Ginagawa rin nila ito upang mapalaya ang kaluluwa ng namatay mula sa „kabilang buhay. Masamang diyos daw si Macaptan dahil naghuhulog ng sakit at kamatayan sa mga tao. nililinis ang baboy at niluluto upang ialay sa multo. Pumapasok ang multo sa katawan ng babaylan at bumabagsak siya sa lupa. Umaawit at nagdadasal ang mga babaylan. priestesses) na namumuno sa pag-aalay. drums). Tapos. Sabi nila. at 2 pang diyos din. Lamay at libing ng patay. Walang katapusang daigdig. Kapag may namatay dito. james/ejp .‟ humihingi ng tulong mula sa kanilang mga ninuno na nagpapakita raw sa kanila at sinasagot ang kanilang mga tanong. coffin). Kasi. town) ng Arevalo. si Macaptan ang nakatira sa pinakamataas na langit. locust) upang kainin ang lahat ng palay sa bukid. bonfires) sa paligid ng bahay niya at gabi-gabi. demon) na nagpapakita sa kanila. Paniwala ng mga tao na walang katapusan ang mondo. sabi nila. Mayroon daw na babaing diyos sa pulo ng Negros. Kung aalis sila upang lusubin ang mga kaaway. Kung ayaw daw ng diyosa (diosa. at siya raw ang naghahagis ng apoy mula sa bulkan. garlands) pa sa ulo at maraming alahas na ginto. Natatakot daw sila na baka may lumapit na mangkukulam (brujo. may mga kuwintas na bulaklak (guirnaldas. Duon daw nakatira sa tuktok ng isang bulkan (volcan. Ang pag-aalay ay sinasaliwan ng tugtog ng mga kulingling (campanillas. hawak-hawak ang kanilang mga sandata. nagsisindi ng maraming siga (hogueras. mga ulam at isang buhay na baboy. spear) at pinapatay ang baboy. hindi siya nakakatikim ng pagkain mula sa lupa. Sa isang hapag pang-alay (altar). prophesy).). Habang „hawak‟ siya ng multo. Kung mayroon lamang na may sakit saka sila nag-aalay. Pagkatapos sabihin ng babaylan ang kanyang hula (prediccion. balot na balot ng ginto. tinatawag ang multo (espirito. si Lalahon. Kaya hindi niya mahal at pinapatay ang mga tao. o kung mayroong digmaan o bago magtanim ng palay. nag-aalay din sila kay Varangao. tumatayo siya at kumukuha ng sibat (lanza. ilalatag ang nilutong baboy at lahat ng pagkain at alak na dala ng babaylan at ng mga kamag-anak ng maysakit. kumikisay at tumutulo ang laway parang baliw. liquor) na gawa sa kanin (tinawag ding pitarilya. sinasabi ng babaylan kung ano ang mangyayari sa darating na panahon. Nagdadala sila (sa bahay ng maysakit) ng mga pitarillas (isang uri ng banga o palayok) na puno ng alak (arrach. at hindi rin umiinom ng alak na pitarilla. volcano) na 5 leguas (bandang 24 kilometro) mula sa kabayanan (poblacion. sinasaksak sa puso. Makulay at magara ang suot ng mga baylan. sina Ynaguinid (Inang Ginid) at Macanduc. Wala rin silang takdang puok na pinag-aalayan o simbahan. Sa ibang pag-aalay. tinawag ding nag-aanyito) at baylanes (mga baylan o babaylan) din ang tawag sa mga pari (sacerdotisas. Nagdadala rin sila ng kanin. ihahayag niya kung gagaling ang maysakit o mamamatay. inuman ang „misa‟ Ang mga katutubo sa kapuluang ito ay walang takdang panahon ng pagsamba sa kanilang mga diyos. goddess) na bigyan sila ng mabunying ani. nagbabantay ang mga tao. ang diyos ng bahaghari (rainbow).Babae ang pari.

‟ Hanggang maaari. at isang tagalabas (estranjero. naging ugali na nila ang pumatay ng alipin tuwing mamatay ang isang pinuno. Hinuhubad lamang nila ang yantok. mga tao na natagpuan ng mga Espanyol sa pulo ng Negros. „Morotal.Kapag nangyari daw iyon. Kapag mayaman daw ang libing. hindi kumakain ng kanin ang mga naulila. cruel). sasabog bigla ang kabaong at aalingasaw ang amoy ng patay. Marami pang pagaari ng namatay ang inilalagay nila sa kabaong na inililibing sa tabi ng bahay ng patay. Kapag namatay ang isang pinuno. languid). Pilit nilang pakakainin at paiinumin ang pinuno upang hindi ito mamatay at natatapos ang maglahe. nagsusuot sila ng mga puting damit at dumadalaw sa baranggay ng mga kaibigan nila. subalit agad liligid sa buong baranggay ang kanyang mga timagua (timawa. sa banda ng ngayong Dumaguete City). Palatandaan ng kanilang pagluluksa (luto. Hinagis daw ng alipin ang isang malaking talahib (elephant grass). pulos saging (bananas) at camote lamang. Kahawig ang pagluluksa ng sinusunod ng mga babae. corpse) sa kabaong. nagkasakit at namatay si Marapan dahil sa sugat. Mag-iipon sila mula sa mga tao ng mga pagkain at tuba. master) sa „kabilang buhay. hinabilin ni Marapan na patayin din ang alipin at ang familia nito. tinatawag ding james/ejp . Mula nuon. Nangyayari na isang taon silang nagluluksa. at nagku-kwintas din ng yantok sa leeg. May isang uri ng luksa na tinatawag nilang maglahe. native). alak na gawa mula sa puno ng niyog (vino cocotero. na tinatawag nilang morotal. ginagaya nila kung paano namatay ang pinuno.‟ subalit matumal daw ang tanggap sa mga mahirap (pobre. nagpapa-gutom hanggang mamatay ang isang pinuno na naulila. Minsan. subalit sa halip na bumihag o pumatay ng tao. Sakay sila sa isang bangkang pandagat. at kumakain uli ng kanin sa babang luksa. ipinaliwanag sa susunod na kabanata) at mga galipin. Sabi nila. sabi ng mga Dumaguet. foreigner) at hindi tagarito (indigena. Kapag namatay ang magulang o malapit na kamag-anak. Dahil hindi naman sila lubusang malupit (severo. May matandang ugali ang mga Dumaguet (Dumagiti. rattan) sa buong bisig (brazo. Dahil matanda na siya. mourning). nagtatali sila ng yantok (bejucos. arm). at hindi sila umiinom ng pitarilla hanggang hindi sila nakakabihag o nakakapatay ng isang tao sa digmaan o dambungan (asalto. Inililibing pati ang alipin.000 taon na ang nakalipas mula sa isang pinuno. raid). nagpahinga raw si Marapan at humingi sa alipin niya ng damo upang punasan ang sarili. pumapatay din sila ng isang alipin nito upang magsilbi sa kanyang panginoon (amo. ganuon din ang ginagawa nilang pagpatay sa alipin. Bago siya namatay. matanda na ang ugaling ito. at hindi na maaaring ibalik ang bangkay (cadaver. kapag nakabihag o nakapatay na sila. tinamaan at nasugatan sa tuhod si Marapan. „Maglahe‟ at luksa sa patay.‟ luksa ng babae. Ang kabaong ay gawa sa inukit na punong kahoy na pinupuno nila ng mga damit at ginto ng namatay. si Marapan. poor). Kung minsan. ang pinipili nilang alipin ay ang pinakamatanda at pinakamahirap. at nanghihina silang maigi at nagiging malamya (debilitado. palm wine). mainam daw ang tanggap sa „kabilang buhay. minana pa nila 10.

ng pitarilla at iba pang alak na dala nila sa bangka habang naglalakbay. Ito ang katapusan ng luksang morotal. si Lupluban at si Panas.baranggay. tinatawag na larao. siya ay ginagawang aliping ayuey pagkatapos bayaran ang multa. kainan at inuman. nagdidiwang sila. Kung ang alipin ay tumarampoc. bailer) at isang taliba (vanguard) sa harap ng bangka. Nagsusuot na uli sila ng makulay na damit at kumakain na ng kanin mula nuon. May isang mabagsik na uri ng luksa. panay ang awit ng 3 indio tungkol sa kanilang maraming panalo. Habang lumalaot. at kailangan na siyang magsilbi sa bahay ng kanyang panginoon. Pagdating nila sa baranggay ng kaibigan. Inom nang inom silang lahat. inaalis na nila ang puting damit at mga yantok na kuwintas at pulupot sa bisig. Kung ang lumabag ay isang alipin. pinapaligid sa buong baranggay ang isang timagua na iginagalang ng lahat. „Larao. Tapos. ang dami ng mga nabihag. ang panginoon niya ang nagbabayad ng multa. steersman). Sinuman lumabag sa mga bawal ay pinagbabayad agad ng multa. ay pinarurusahan. upang ipaalam ang pagkamatay ng pinuno. lubhang malupit ang ugaling ito na sinusunod ng lahat.isang gabay (piloto.‟ luksa sa pinuno. ang mga babae at 3 lalaki.  Gumagawa sila ng bakod paligid sa bahay ng namatay na pinuno. subalit sabi nila na ipinamana itong mga gawi ng kanilang mga diyos. timagua at mga pinuno. isang taga-limas (achico. at ang mga kalaban na napatay nila sa bakbakan. Bawal pumuslit dito. lalo ka sa araw ng libing. Para malaman ng lahat ng tao na may luksa para sa pinuno at walang makapag-maangan na hindi nila alam. Dapat tahimik ang lahat sa loob ng baranggay. na sinusunod ng mga tao kapag namatay ang isang pinuno at walang sumusuway sa mga utos: Bawal makipag-away habang nagluluksa. alipin.  Bawal umawit habang namamangka sa banda ng baranggay. kasama ang 3 magiting na indio . at sinumang bumastos. Sa ibaba dapat nakatutok ang tulis ng sibat kapag dala-dala. kahit na pinuno rin.   james/ejp . Pinipili ang 3 lalaki na maraming tagumpay sa digmaan. Inaanyayahan nila ang kaibigan na dumalaw din sa kanilang baranggay. Sa mga Espanyol. Ang balaraw o panaksak ay dapat nakasukbit nang baligtad sa baywang.  Walang dapat magsuot ng magara o makulay na damit. na may sariling bahay.

2010-00723-MN-0 BSCE II-2 james/ejp . Eldrin James P. 3 Hugo.Polytechnic University of the Philippines College of Engineering Heograpiya at Kasaysayan ng Pilipinas Assignment No.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful