Titles: Sola Scriptura Faith vs Work? Jesus: Inspirasyon o Manunubos?

Pananampalataya kay Jesus Instant Salvation & Eternal Security Bakit Kailangan Ko ang Diyos? Magulang Kasalanan Ba? Kasalanan Masarap Nga Ba Ang Bawal? Naisahan Ba Tayo ni Dimas? Biyaya ng Diyos Damdamin: Ako Noon, Ako Ngayon Tao Ba Si Jesus? Pamahiin: Wala Nga Bang Mawawala? Poon, Santo, o Rebulto? Totoo Nga Ba? Older Titles: Iniibig Mo Ba Ako? Jesus, Anak ng Diyos Kung si Jesus ay Hindi Diyos... Kasiguruhan ng Kaligtasan Maging Tunay na Marunong Mapilit na Panalangin Panalangin sa mga Banal Pananampalatayang Katoliko Pormuladong Dasal Sakramento ng Kumpisal Simbahan ng Libro?

April 9, 2007 Sola Scriptura Sola Scriptura is true only in the sense that it is only the Bible that has God as its primary author, but is in error with the concept of the Bible being the sole authority and source of God’s truth. The books and the letters contained in the New Testament are some of the documents in the Church’s deposit of faith—commonly known as the Tradition. Due to circumstances, a canon was defined to distinguish among the writings what are inspired—that is those that has God’s authorship—and what are not. It does not mean that those “uninspired” rest do not hold God’s truth. There are millions of books today that explain God’s will and teaching, yet they don’t have God as their author. It is the same with the Church Tradition. These texts, although not part of the Bible, came from the apostles and were passed down to their disciples, whom the Church called the Apostolic Fathers. These fathers in turn have their own followers, whom we call now as the Early Church Fathers. The church preserved this Tradition (handed teachings) from the beginning (cf. 1 Co 11:1) until today. Just as the Lord has promised, not in the 21-century history of the Church did it become unfaithful in keeping God’s revelation intact. The impossibility of that event to occur does not depend on human effort but rather on the continuous fulfillment of Christ’s word that not even the corruption of Satan may destroy the purity of the deposit of Faith (Mt 16:18). Another error of the Protestant’s “Bible alone” is the idea that the issue of Scriptural interpretation is a matter to be left between the Bible and the reader. There is only one truth, so if thousands of groups claimed to hold thousands of different “one truth”, then it is certain that those who hold on to their own individual understanding do not actually hold the truth. God’s revelation is not a matter of private interpretation as the Scripture itself says (2 P 1:20); neither is it accurate that “Scripture interprets Scripture”. It is true that a part of the Scripture is being supported by another part, but it is also true that wrong interpretation of one part will be aggravated by the other part that supports it.

The Scripture (the New Testament documents and the canon of both testaments) was drawn from the Church and it is the Church alone who has the authority and protection to teach it free from error. Just as Paul proclaims, the Church is the one that upholds the truth and keeps it safe (1 Tm 3:15).

April 9, 2007 Faith vs Work? It is not an unknown fact to many that almost all learned Protestant preachers are among those of the most skilled apologists in the world of argumentation. However, due to some reasons, including sentimentality and inordinate adherence to their root (the Reformation), they are missing some simple and obvious truths with very easily understandable arguments. They, especially the Evangelicals as I observed it, have the necessary qualities of proclaimers that will surely benefit the whole world if they hold the accurate message of salvation. One of the common unfavorable characteristics of the followers of Reformation is their constant habit of putting walls between two or more things that suppose to work together. It is as if they are saying “It’s either the left or the right eye,” “It’s either the heart or the mind,” or “It’s either the body or the soul”. Good things cannot go against each other since they all come from one Source. Moreover, there are things that God himself made to be bound together, or even to be interdependent. Is it really sensible to say that it is either faith or work that we should hold on to in order to be justified in God’s eyes? Faith, according to a dictionary, is believing without proof; the same with trust and confidence. If faith is “believing”, then it is an act, or something done—a deed. Would we consider it inappropriate then to say that faith is a form of work since it is something done? Sometimes we hear other people say, “Don’t stop believing,” as if it is a state of continuous doing—which it is! Work, on the other hand, springs from faith. Everything we do (or work on, if some need to hear the term as such), we do on purpose, meaning that we believe (or have faith) that it will be done even if the present moment does not have the proof. Abraham, when he was called by an unknown God, followed the instruction to leave the land of his father and go to where God will lead him. He did this not because he has no capability to decide for himself and his family, but because he believed the promise of the One who sent

him. When God told him that many nations will come from him, he did believe; and when he was put to the test by asking his only son’s life, he did not doubt God’s promise but continued on believing the unbelievable. If Abraham did not leave his land or did not bring Isaac on Mount Moriah, will he be called the father of faith? Conversely, will Abraham leave the land or go to the mountain to offer Isaac if he did not believe? Complicating the truth to justify one’s sentiments is not doing the will of God but being idolater of one’s own idea or belief. If you say that you believe but do not leave your land (your present state) then you are fooling yourself and trying to deceive God. Believing that you can climb a treetop 10 seconds from now but not doing anything to make it is no better than not believing; it is not even any kind of belief. Literally speaking, without faith, there is no work; and without work, there is no faith. What the Protestant Reformers have mixed up is the work that results from faith in Jesus and the work of the Law that Paul constantly emphasizes to have nothing to do with being saved or justified. The gospel relates the story of the rich young man who inquired the Teacher what he must do to have eternal life. Jesus did not ask him to believe but to sell all that he has and give the proceeds to the poor. Does it mean that this episode is not about believing? Doing is believing. Jesus said that he will have eternal life if he did what he said. This statement about doing, like any other, is indeed a matter of believing. If this man did what Jesus said, it is because he believed; but since he did not do it, his heart showed up—he has no faith. He went sad not really because he completely did not believe Jesus, for if it is the case, he will probably walk away laughing and not sad; neither it is because he is so wealthy, since if it is his richness that makes him sad, then what Jesus asked him to do will be a favorable action. Instead, he walked away sad because he wants to believe Jesus’ words but his faith in his wealth is far more greater than his will to believe to the one he called Master. There is no contention between faith and work in the issue of justification or in any other application. It is not the work of God to make some confusion over His creation. If scientists have this “either-or” mentality

that the Protestants developed and continuously adhere to, they will someday say that water is hydrogen alone or is oxygen alone. Even if one is very knowledgeable and far better than anybody else in delivering arguments, it must always be remembered that what God requires from us is humility. Heaven’s door is not tall enough to receive a person with high head, full of himself, so we need to bow down in order to enter. Let us seek God’s truth and not our own.

April 9, 2007 Jesus: Inspirasyon o Manunubos? Lagi nating naririnig ang mga salitang tulad ng “Inaanyayahan tayo ni Jesus na magpatawad,” o kaya ay “Maging inspirasyon nawa natin si Jesus sa mga pagsubok na pinagdaraanan natin,” o kaya ay “Nawa’y tularan natin ang Panginoon sa kanyang kababaang-loob”. Bagamat si Jesus ay namuhay bilang isang taong ganap o perfecto, hindi siya nagkatawangtao para lang magpakita ng mga halimbawa ng mabuting pamumuhay. Kung tutuusin, ang mga taong karapat-dapat na tularan ang pamumuhay ay nasa abot-kamay lamang ng mga naninirahan sa mundo. Kahit gaano kasama ang isang bayan, hangga’t buo ito at umiiral, siguradong may mabuting tao doon na kinalulugdan ng Diyos. Ang lahat ng itinuro ni Jesus tungkol sa pagpapatawad, pag-aalay ng sarili, pagdadala ng sariling pasanin, pagiging malaya sa mga materyal na bagay, at iba pang mga katangiang tulad nito ay naituro na ng mga taong nauna kaysa kanya. Si Jesus ay nakipamayan sa tao, hindi lang para ipakitang posible ang pagsunod sa kalooban ng Diyos, kundi upang gawin itong posible—bagay na noon ay nasa isip lamang ng tao, o kaya’y hindi pa naiisip man lang. Higit sa pagiging huwaran o inspirasyon, si Jesus ay manunubos na nagaalis sa atin sa pagkaalipin—sa kahinaan ng pagiging tao, sa tukso ng masama, at sa mapanlinlang na pang-aakit ng mundo. Sa pamamagitan din ng kanyang kamatayan, pinalaya niya tayo sa kapangyarihan ng kamatayan, at sa pamamagitan ng muli niyang pagkabuhay ay ibinalik niya sa atin ang buhay na ibinigay ng Diyos noong hindi pa tayo nagkasala. Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin ang mga bagay na nananatiling lihim kahit sa isip at paningin ng mga itinuturing na marurunong. Nakikita natin ang misteryo sa likod ng mga pangyayari sa buhay ni Jesus, na sa pananaw ng marami ay malaking kahangalan at katatawanan. Pinagtagumpayan ni Jesus ang kamatayan, at lahat ng nananalig sa kanya sa paraang nararapat ay kasama niyang nagtatagumpay. Hindi tákot sa kamatayan, o pagkaalipin sa kasalanan, o

paggawa ng kanya-kanyang katotohanan ang tanda ng pananampalataya kay Jesus, sa halip ay kapayapaan, paglayo sa kasamaan, pagtanggap sa anumang sitwasyon ng buhay, pagiging mapagpasalamat, at iba pang tulad nito. Nagpadala man ang Diyos ng maraming tao upang magturo ng tungkol sa mabuti at nararapat na pamumuhay, si Jesus lang ang nagdudulot ng katuparan ng tunay na diwa ng mga aral na ito. Sa kanya lamang natin narinig ang mga salitang “Maging ganap kayo tulad ng inyong Amang nasa langit,” at sa pamamagitan niya lang din matutupad ito.

April 9, 2007 Pananampalataya kay Jesus Ang salitang “pananampalataya” ay nangangahulugan ng paniniwala. Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, ng buong Kasulatan, at ng Simbahan ay ipinahahayag ni Jesus ang kanyang buhay at mga aral, at ang mga katotohanang inihayag ng Diyos sa pamamagitan ng kasaysayan. Kasama ng mga aral na ito ay ang katotohanan ng muling pagkabuhay ni Jesus at ang mga pangako ng Diyos. Ang mga ito ang sentro ng paniniwala ng mga nananampalataya kay Jesus. Bukod dito, ang pananampalataya ay pagtitiwala. Ang Diyos, sa pamamagitan ni Jesus, ang tutok ng ating pagtitiwala. Sa kanya lamang nararapat na ilagak ang ating pag-asa at pananalig. Ang tiwala ay napatutunayan hindi sa pamamagitan ng mga pangyayaring naganap na at may kasiguruhan kundi sa inaasahang hindi pa namamasdan o wala pa sa kasalukuyan. Isa sa pinakamalalaking halimbawa ng ganap na pananampalataya ay si Maria na ina ni Jesus. Sa kabila ng imposibleng sitwasyon, naniwala si Maria, nang walang bahid ng pag-aalinlangan, na matutupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng anghel. Kasama ng paniniwalang ito ay ang buong puso niyang pagtitiwala sa Diyos na naglagay sa kanya sa siguradong posibilidad ng kahihiyan at kamatayan. Ang pananampalatayang ito ang nagtulak sa kanya para tanggapin ang kalooban ng Diyos at sabihing “Maganap nawa…” Pagkatapos nito, agad niyang ibinalita sa kanyang pinsan ang mga salitang ito at pinuri ang Diyos—nagpapatunay ng kanyang paniniwala, pagtitiwala, at kagalakan sa kalooban ng Diyos. Dahil din sa pananampalataya, sinabi ni Jesus sa Ama, “Huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang maganap”. Itinuro niya rin ang dasal ng pananampalataya na nagsasabing “sundin ang loob mo”. Sa pamamagitan ng panalanging ito ay isinusuko natin sa Diyos ang sarisariling kalooban at mga plano sa buhay. Ang ipinapakita sa atin nina Maria at Jesus ay halimbawa ng tunay na pananampalatayang naniniwala sa katotohanan ng mga pahayag ng Diyos, at nagtitiwala sa pag-ibig ng Ama, hindi lamang tuwing umaayon

sa ating kagustuhan ang mga nangyayari kundi, higit sa lahat, sa mga panahon na hindi natin maunawaan ang sitwasyon ng ating buhay.

May 28, 2007 Instant Salvation & Eternal Security What do I need to be saved? To listen to a preacher—never mind about the details—and wait for him to invite me to acknowledge that I am sinful and has no power to save myself, and believe that Jesus died in my place for my justification and salvation and after believing, follow the preacher’s prayer wholeheartedly? I wonder where these self-named “Bible Christians” found in the Bible the occurrence of the same activity that they are doing. Did Peter, Paul or James, when their listeners asked them what must they do to be saved, ever answer in such manner, saying “Believe that Jesus died for your sins and accept him as your personal Lord and Savior…Pray this prayer with me”? If ever, I haven’t encountered yet. I think, it is more frequent that you will hear about salvation such lines as “repent and be baptized”, “unless a man is born through water and the Spirit…”, “sell all that you own”, “if you do not eat the flesh of the Son of Man…” The questions of those who want to be saved all fall down to one short line: “What shall we do?” and it is just fitting to answer them accordingly. “DO repent and be baptized”, “DO sell all that you own”, etc. Besides, to acknowledge one’s own sinfulness is doing; to believe that Jesus died for oneself is also doing; to pray with the preacher is no doubt a deed; and to accept Jesus as Lord and Savior is also one. Working out one’s salvation is not a matter of acquiring a little theoretical knowledge about Jesus combined with a one-time powerful preacher’s prayer. If you cannot know a human person in just 2 to 3 meetings with him, it is much more impossible to know God and Jesus within a short period of time. Eternal life—that is salvation—is to know God and his Christ, not in theoretical sense as if knowing a certain historical event. You don’t know a person just because you know his name, or his family background, or his social background, or his past life; you know a person if you experience his existence. To know God is to experience him in your life; to be aware of his existence all the time; to know his truth and essence. Only through this knowing of truth can one worship God as one ought to—in truth and in spirit—and only through this can one have eternal life.

Do not be deceived that God made an instant access to heaven. Jesus is the Way, and how can one claim to know the way if he doesn’t know Jesus? You may have a map of every road in the Philippines but you really don’t know the way to anywhere unless you took that way. You really don’t know Jesus unless you walk in Jesus. What if I have gone astray? Let this question be answered by an elementary student: What will happen if you have a map but did not follow the right path unto the end? “Don’t delude yourself into thinking God can be cheated: where a man sows, there he reaps.” Even if you sincerely believed that you were saved by Christ’s death and that you accept him as your personal Lord and Savior, the Justice of God will not change its standard: “He is a God who is always enraged by those who refuse to repent.” No one who knows the truth will apply a Boy Scout motto concerning salvation. “The man who stands firm to the end will be saved.” How about those who will change their minds? The conclusion is clear and self-explanatory. “If after we have given the knowledge of truth, we should deliberately commit any sins, then there is no longer any sacrifice for them.” Will you honestly believe that God’s Justice will deem you sinless if you believe so—never mind if you’re cooperating or not? Would it not bother your conscience to believe that God will overlook your turning away from him provided that you have once accepted him as your personal Lord and Savior?

June 23, 2007 Bakit Kailangan Ko ang Diyos? Minsan, iniisip ko, “Bakit nga ba umiikot ang buhay ko sa pagsasaalangalang kung ano ang kalooban ng Diyos para sa akin araw-araw?” Sa lahat ng oras at gawain, pangkaraniwan man o espesyal, sa paggawa man ng mabuti o sa pagkakasala, bakit nga ba nasa isip ko lagi ang Diyos? Noong nasa teenage years ako, madalas akong magka-crush o magkaroon ng isang kaibigan na itinuturing kong espesyal. Tuwing may binibili ako sa mga supermart, laging una sa isip ko, “Ano kaya ang pwede kong bilhin para sa kanya?” Ganun din sa ibang mga gawain, nandun lagi ang pagsasaalang-alang kung ano ang iisipin, sasabihin, o maramdaman ng taong iyon tungkol sa gagawin ko. Noong naging mulat ako sa pagkilos ng Diyos sa aking buhay, hindi na naging madali, o possible man lang, na balewalain ang kalooban niya. Totoong mas madalas, ang kalooban ko ang sinusunod ko sa kabila ng katotohanang wala isa man saglit na nawala sa isip ko ang presensya ng Diyos sa buhay ko, at ang kamulatan tungkol sa kanyang kalooban. Pero kasabay din ng mga pagtatangkang magsarili—ng pagsasabing mas alam ko kung ano ang makakabuti sa akin—ay ang kawalan ng tunay na kaligayahan o satispaksyon. Oo, pwede kong gawin ito o iyan, walang pipigil sa akin, pero ang tanong ay “Totoo bang nasiyahan ako?” Madali nating masabi sa sarili na “Oo, masaya ako!” “Masaya ako na nagantihan ko na ang kaaway ko!” “Masaya ako na namatay na yung nang-api sa akin!” “Masaya ako dahil nagsawa na ng kasisingil yung pinagkakautangan ko!” Madaling dayain ang sarili tungkol sa mga bagay na gusto nating mangyari. Dahil sa katotohanang walang tunay na kaligayahang hiwalay sa kalooban ng Diyos, matuwid lang na hindi ito alisin sa isip, dahil ang pagtalikod dito ay pagtalikod sa tunay na kaligayahan Madalas, madali para sa iba ang sabihing nilikha nga tayo ng Diyos, biniyayaan ng mga likas na yaman, ng lakas at isip na maaaring pagyamanin, pero hanggang doon na lang ang kaugnayan natin sa Diyos. Inaakala natin na ang kaligayahan ay nakasalalay sa pagamit natin ng kalayaan at ng mga biyaya ng Diyos sa paraang gusto natin. May mga

nag-iisip na hindi ito matatawag na kalayaan kung may limitasyon, pero ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang supilin ang sarili. Kung hindi ka nga alipin ng ibang tao pero hindi mo naman magawang makalaya sa sariling emosyon, kayabangan, at masasamang kaisipan, higit ka pang alipin kaysa mga taong inaalipin ng kanilang kapwa. Hindi madalang na naririnig ang linyang “Kung gugustuhin ko, kaya ko!” Isa itong pangungusap ng pagtanggi sa katotohanan ng pagiging alipin. Sa likod ng mga salitang ito ay ang mensaheng nagsasabing “Kontrolado ko ang sarili ko, hindi ako alipin.” Pero gaano katotoo ang pahayag na ito? Kung talagang kontrolado ng isang tao ang kanyang sarili, loloobin niyang lagi na piliin at gawin ang mabuti dahil ang masama ay labag sa tunay na kalooban at kalikasan ng sarili—kaya nga ito tinawag na masama. Sa makatwid, kung gumagawa ka ng hindi mabuti, alipin ka ng hindi mabuting bahagi ng iyong sarili. Madaling sabihing “Kaya ko itong gawin kung gugustuhin ko,” pero ang tanong ay hindi “Gusto mo ba?” kundi “Kaya mo bang gustuhin?” Ipagpalagay na kaya mong gawin kung gugustuhin mo, pero ang katotohanan na hindi mo ito ginugustong gawin ay nagpapakita na hindi mo ito kayang gustuhin. Kailangan ng tao ang Diyos hindi lang dahil siya ang lumikha sa lahat at nagbibigay ng mga materyal na biyaya, o dahil sa katotohanang titigil sa pag-iral ang tao kung mawawala siya sa isip ng Diyos, kundi higit sa lahat ay dahil ang Diyos ang tunay na dahilan, layunin, at hantungan ng buhay ng tao. Mauuwi sa wala ang bawat araw na ginugol ng tao sa mundo kung hindi niya kikilalanin ang Diyos bilang nag-iisang kahulugan ng kanyang buhay. Ang lahat ay magiging kapahamakan gaano man ito kaganda at kabuti sa paningin niya. Hindi opsyon ang Diyos kung paanong hindi opsyon ang paghinga at pagdaloy ng dugo para magkaroon ng buhay. Hindi man lahat ay mulat, hindi rin mababago ang katotohanan na ang hinahanap ng ating pagkatao ay ang kasiyahan at buhay na walang katapusan, dahil ito ang pagkauhaw ng ilinagay ng Diyos sa ating puso—pagkauhaw na siya rin ang papawi sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang sarili—ng tunay na buhay at kasiyahan.

June 28, 2007 Magulang Una sa lahat, ang pagiging kamanlilikha ng Diyos ay hindi karangalan at kapangyarihang nagmumula sa tao kundi isang prebilehiyo at libreng kaloob mula sa Diyos. Kasama nito, ang mga anak ay regalong tinanggap ng mga magulang galing sa Lumikha. Sa makatwid, walang anak ang pagmamay-ari ng sinumang magulang kundi nasa ilalim lamang ng kanilang pangangalaga at pananagutan. Ang mga magulang ay katiwala ng Diyos sa kanyang mga anak kung paanong ang tao ay tagapamahala niya sa lahat ng mga bagay sa mundo. Kung paanong hindi maaaring gawin ng tao ang lahat ng maibigan niya na para bang pag-aari niya ang mundo, hindi rin maaaring gawin ng mga magulang ang anumang maisipan nila sa mga anak na para bang sila ang may-ari ng mga ito. Ang totoo, walang sinuman ang may-ari ng kanyang kapwa; ang lahat ay tagapangalaga ng isa’t-isa. Ikalawa, bukod sa pagiging katiwala at tagapangalaga ng mga anak ng Diyos, ang mga magulang ay may tungkulin din at pananagutan na ipaabot ang pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga anak. Dahil hinatian ng Diyos ang mga magulang ng kanyang pagiging ama at ina, inaasahan niyang ang mga ama ang magpapakita ng kanyang pag-ibig bilang ama, at ang mga ina ang magpapahayag ng kanyang maka-inang pag-ibig sa pamamagitan ng kanilang pagkalinga at pagmamahal sa kani-kanilang mga anak. Matuwid lamang at marapat na tanungin ng mga magulang ang kanilang sarili bawat sandali, “Ipinahahayag ko ba ang pag-ibig ng Diyos sa ginagawa ko? Kung ang Diyos ang nasa lugar ko, ganito ba ang gagawin niya?” Pinarurusahan ba tayo ng Diyos dahil sa bugso ng kanyang damdamin? Mas ipinapakita ba niya ang galit kaysa pagmamahal? Natatakot ba tayo sa kanya dahil siya ay mapagparusa o dahil nakakatakot tayong makita ang ating mga kasalanan sa liwanag.ng kanyang pagmamahal? Kung ano ang ginagawa ng mga magulang sa kanilang mga anak, ito ang ipinahahayag nila bilang pag-ibig at katangian ng Diyos, at ito rin sa kanilang mga puso ang pinaniniwalaan nilang ginagawa sa kanila ng Diyos. Kung pinagmamalupitan ng

magulang ang kanyang anak, nangangahulugan na nakikita niya rin ang kanyang sariling buhay bilang pagmamalupit ng Diyos, at ipinahahayag din niya sa kanyang anak na nag Diyos ay Diyos ng kalupitan. Sa kabaligtaran, ang magulang na mapagmahal at mahinahon ay nagpapatunay ng kanyang sariling karanasan tungkol sa pag-ibig ng Diyos, at sa gayon ay nagpapahayag din sa kanyang anak ng isang katotohanan na ang Diyos ay pag-ibig. Ikatlo, tungkulin ng mga magulang na imulat ang mga anak sa kalooban ng Diyos, at hindi sa kanilang makasariling kalooban. Ang buhay ng tao ay may iisang layunin—ang kalooban ng Diyos. Dalawa lang ang uri ng desisyon sa buhay: sang-ayon o salungat sa kaloobang ito. Habang ang isang magulang ay nabubuhay, responsibilidad niyang itutok ang direksyon ng kanyang anak patungo sa Diyos, at gagawin niya ito sa pamamagitan panalangin, at ng sariling buhay hindi bilang sa halimbawa, o pangangaral, Ang sakripisyo; pananakot pamimilit.

pagmumulat ng magulang sa anak tungkol sa kalooban ng Diyos sa paraang hindi nararapat ay pagkakasala sa anak na sana ay nakaunawa kung tama ang ginagawa ng magulang; at pagkakasala sa Diyos na siniraan sa harap ng kanyang anak sa pamamagitan ng maling gawain ng magulang. Ang pagiging magulang ay isang marangal na tungkulin na karapatdapat sa malalim na pagrespeto at mataas na pagtingin ng mga anak at mismong ng mga magulang. Ito ay pakikibahagi sa karangalan ng Diyos, sa kanyang kapangyarihan bilang manlilikha at tagakalinga ng kanyang mga anak. Ang mga magulang ang unang-unang dapat na matutong kumilala at gumalang sa karangalang ito, at sa gayon ay maituro nila sa kanilang mga anak kung paanong maging magulang, at sa huli ay makilala nila ang Diyos na tunay nilang Ama.

July 2, 2007 Kasalanan Ba? Isa sa mga paraan ng panlilinlang na ginagawa ng demonyo ay ang paglalagay sa isip ng tao ng tanong na “Kasalanan ba?” Alam ng dyablo kung ang pagkakilala natin sa kasalanan ay pang-ibabaw lang. Kaya sa kanyang panunukso ay pinaniniwala niya ang tao na hindi masama ang kanyang mga mungkahi sa pamamagitan ng tanong na ito. Hinahayaan niyang tayo ang magdesisyon habang sinasamantala niya ang kawalan natin ng pagkaunawa. Sa mapanlinlang na paraan ay sasabihin niya, “Sinabi ng Diyos na huwag mong pagnasaan ang asawa ng iba kaya hindi mo ito dapat gawin.” Pero sa pamamagitan din ng ating mahinang isip ay maglalagay siya ng pagdududa sa pagsasabing, “Ang sinabi ng Diyos ay huwag mong pagnasaan ang asawa ng iyong kapwa, kasalanan bang magnasa sa walang asawa?” Naalala ko ang katwirang sinabi sa akin ng isang kakilalang babae tungkol sa pakikipagtalik sa hindi asawa. Inamin niyang masamang makiapid sa asawa ng iba pero ayos lang kung wala naman itong asawa. Sa pananamit din, halimbawa, madalas na maririnig ang buong pagmamatuwid na pangangatwiran ng ilang mga babae: “Nasa tao yun, kung talagang masama ang isip, kahit balot na balot, huhubaran nun sa tingin.” Tuso ang demonyo at hindi tayo mananalo sa kanya kung hindi natin alam kung paano, at kung handang-handa nating gawin ang kahit anong maibigan natin na ang tanging pamantayan ng pagiging mabuti o masama ay ang tanong na “kasalanan ba?” “Kasalanan bang magsuot ng damit na nagiging dahilan ng kawalan ng respeto sa kapwa kung ang sinasabi naman ng Diyos ay masama ang pagtingin nang may mahalay na pagnanasa?” Sa tanong na ito ay maraming sasagot sa kanilang sarili ng “Oo nga, ang masama ay ang pagtingin sa babae nang may malisya, hindi ang pagsusuot ng gusto kong damit.” May mangangatwiran pa ng ganito: “Utos yan tungkol sa mga lalaki; kung ang babae ang titingin nang may kahalayan, walang utos laban dun.” May mga nagsasabi rin, “Hindi masama kung napatingin ka lang, ang masama e kung liningon mo ulit; kaya sa unang pagkakita pa lang, titigan mo na dahil masama na yung pangalawa.” Ganito rin ang isyung binigyang linaw ni Apostol Pablo—tungkol ito sa hindi tamang paggamit ng kalayaan.

Kasalanan nga bang gamitin ang kalayaan kung sinasabing tinawag tayo upang maging malaya (cf. Ga 5:13)? Sa isang sulat ay nagbigay si Pablo ng halimbawa ng kaisipan ng mga taong nalilinlang ng demonyo. Sinasabi nila, “Ano’t ang kalayaan ko ay hahadlangan ng budhi ng iba?” (1 Co 10:29). Madali tayong mapaglalangan ng Masama at malinlang ng ating sariling budhi dahil sa kahandaan nating gumawa ng kahit ano alang-alang sa kasiyahang huwad na iniaalok sa atin ng mundo at ni Satanas, sa halip na maging handa sa paggawa ng tama at mabuti, at sa pagiging masigasig sa pagkilala sa Diyos at sa kanyang kalooban. Ang tanong na “kasalanan ba” na nabubuo sa ating isip dahil sa ating pagkahirati sa pagpapalayaw sa sarili, at dahil sa hindi natin nakikilalang pang-iisa ng dyablo, ay nagtutulak sa atin sa pagkakaroon ng kaisipang “samantalahin lahat ng pwede.” Dahil din dito ay unti-unti tayong nagiging manhid sa kung ano nga ba ang tama at mali. Sa ganitong sitwasyon, ang tulad natin ay isang taong nagmamaneho nang buong tulin pero naniniwalang wala siyang ginagawang masama dahil hindi naman siya nagpapakamatay o nananagasa. Ang paglalagay sa panganib ng sariling buhay at ng buhay ng iba ay kasalanan na sa kanyang sariling dahilan pa lang, lalo pa kung ang layunin nito ay bigyang-layaw lang ang sarili. Kung ang mga pari o mga madre na matitingkad na larawan ng kapayapaan ni Jesus ay makikitaan ng uri ng paglilibang na gumagamit ng mga bagay na salungat sa kapayapaan at buhay tulad ng baril o patalim, hindi kaya sila nagkakasala sa dahilang hindi naman nila ito ginagamit sa tao? Sapat na ang iskandalong dulot ng kanilang gawa para masabing nagkakasala sila. Ang kasalanan ay hindi lamang pagpatay, pagnanakaw, pakikiapid, o ang mga kasama nito; ang kasalanan ay lahat ng pagsalungat sa kalooban ng Diyos. Kaya ang sinumang gustong maging matapat sa kanyang bokasyon at relasyon sa Diyos ay hindi dapat magpalinlang sa tanong na “kasalanan ba?” Ang layunin ng mga lingkod ng Diyos ay matupad ang kanyang kalooban, kaya sa kanilang pagpapasya ay hindi kasama ang tanong na ito, kundi ang patuloy na pagtatanong sa sarili, “Kalooban ba ito ng Diyos?” Kasabay ng tanong na ito ay ang aktibong pagkilala sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagbasa sa sariling kasaysayan sa liwanag ng Salita ng Diyos.

August 20, 2007 Kasalanan Ano ang kasalanan? Sa unang tingin, ang kasalanan ay para bang isa lamang pagsalungat sa popular o kultural na pamantayan ng moralidad o etika. Kung minsan pa nga, ang hindi pag-ayon sa ganitong mga pamantayan ay itinuturing na pagiging malaya. Ang maling pagkakilala sa tunay na kalikasan ng kasalanan ay naglalagay sa tao sa pagkabaon dito. Ang kasalanan ay hindi isang simpleng kawalan ng etika; ito ay isang estado o kalagayang personal. Ang hindi paggamit ng hagdan o tuntungan sa pagbaba ay hindi lamang isang paglabag sa nakasanayang paraan ng pagbaba mula sa matataas na lugar; ito ay naglalagay sa tao sa panganib o kaya’y sa kamatayan. Ganun din ang sinumang nagkakasala: sa paggawa ng isang bagay sa maling paraan ay itinutulak ang sarili sa bingit o sa mismong kamatayan; una, dahil ang masamang gawa ay laging may masamang konsekwensya; at ikalawa, dahil ang pangkalahatang hustisya ay humahatol sa anumang gawang masama. Bakit may kasalanan? Ang kasalanan ay anumang pagsalungat sa kaloobang ng Diyos na pinagmulan at dahilan ng lahat. Maaaring minsan sa ating buhay ay naiitanong natin, “Bakit ba may kasalanan pa? Bakit hindi na lang lahat ng gusto nating gawin ay pwede?” Ang ganitong uri ng tanong ay bunga ng kawalang-alam at hindi ito balido. Ang katulad nito ay ang pagsasabing, “Dapat ay wala na lang bagyo dahil nakakasira lang ng mga ari-arian ng tao,” o kaya ay “Dapat wala na lang mababangis na hayop dahil nakakapinsala lang sila.” Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang layunin, kalikasan, at batas - lahat ito ay nakapaloob sa hindi nakikitang batas na mas kilala sa tawag na “natural law”. Kung wala ang batas na ito, wala ring matitirang buhay o buo sa kalawakan. Ang mga planeta at mga bituin ay magsasalpukan hanggang sa maabo ang lahat; ang mga hayop ay kakain ng anumang makita nila kahit pa ito ay lason, o kahit ito ay ang kanilang sariling anak; makikipagtalik ang mga tao sa hayop, at ang mga

hayop sa iba pang mga nilalang; ang lahat ay nakalutang sa lugar na walang nakakakilala; ang lahat ay wala sa ayos. Iyan ang teoryang maaari nating mabuo kung ipagpapalagay nating umiiral ang iba’t-ibang bagay maliban sa batas. Ganunpaman, mas tumpak ang konklusyon na wala talagang iiral na kahit ano kung walang batas. Taglay ang ganitong pagkaunawa, madali nating maiintindihan kung ano at bakit may kasalanan. Ang kasalanan, sa madaling salita, ay paglabag sa batas ng kalikasan na itinatag ng Lumikha; ito ay pagsira sa kaayusang nararapat sa lahat ng bagay. Hindi ito basta pagsalungat lamang sa isang popular na opinyon na nabuo dahil sa mga taong gustong mamuno o magkaroon ng kapangyarihan sa desisyon ng iba. Nakatatak sa kalikasan ng bawat nilikha ang batas na nagtatakda ng kanilang kani-kanilang limitasyon. Ayon kay Isaac Newton, ang buwan ay patuloy at walang tigil na nahuhulog patungo sa gitna ng mundo, pero dahil sa batas ng grabitasyon, ang pagkahulog nito ay hindi nagdudulot ng tuluyang pagbangga sa ating planeta. Ang paglabag sa ganitong mga batas, kailanman posible, ay pagwasak sa kaayusan ng lahat. Kung ang kasalanan ay ang mas pinaikling salita na ang ibig sabihin ay paglabag sa batas ng kalikasan, nangangahulugan ba na ang paglipad ng tao, o ang pagsusugpong sa mga puno at halaman ay kasalanan? Ang kasalanan ay isang usaping moral na ang ibig sabihin ay tumutukoy sa batas na sumasaklaw sa pagpapasya ng tao. Ang batas ng moral ay bahagi ng batas ng kalikasan pero sumasakop lang ito sa mga nilalang na may pagpapasya tulad ng tao at ng anghel. Ang ulan ay bumabagsak hindi dahil gusto niya, kundi dahil nakatakda itong mangyari ayon sa batas na sinusunod nito. Ang mga hayop, bagamat nagpapasya kung kailan kakain, susugod, matutulog, iinom, o maglalaro. Ang lahat ng kanilang ginagawa ay hindi masasabing resulta ng malayang pagpapasya kundi pagsunod pa rin sa idinidikta ng kalikasan o yung tinatawag na “instinct”. Dahil dito, ang mga hayop ay walang pananagutang moral. Hindi sila hinahatulan sa salang pagnanakaw, pagpatay, o anuman. Sa mundong ito, tanging ang tao ang saklaw ng espesyal na batas na ito dahil siya lang ang may kakayahang magpasya nang malaya. Tulad ng mga hayop, naririnig din natin ang mga tawag ng katawang-lupa, pero

tayo ay kumikilos ayon sa malaya nating pagpapasya. Hindi tayo biglabigla na lang manghahabol kapag nagutom, o kaya ay basta na lang makikipagtalik kung saan makaramdam ng paghahanap. Tuwing kumikilos tayo sa hindi nararapat na paraan, linalabag natin ang pagiging tao at pinipiling maging hayop na sumusunod lamang sa anumang idinidikta ng materyal na katawan. Ano ba ang pagkakaiba ng tao sa hayop? Bagamat ang tao, tulad ng hayop, ay dinidiktahan ng pangangailangang pisikal; tulad naman ng anghel, siya ay nagpapasya mula sa kanyang puso - sa sentro ng kanyang pagkatao. Ang kaluluwa ng tao ay ang kanyang persona o ang kanyang sarili. Ito ang bagpapasya, ang nagtataglay ng kamulatan sa sariling pag-iral, ang intelektwal na bahagi ng pagkatao, at ang dumaranas ng iba’t ibang emosyon. Kung ang hayop ay materyal at ang anghel ay espiritwal, ang tao naman ay pinagsamang materyal at espiritwal. Sa kaayusan ng kalikasan, higit na mataas ang kalagayan ng mga espiritwal kaysa mga materyal na bagay; kaya nga sa kalikasan ng tao, higit ang batas ng espiritu kaysa batas ng katawan. Sa batas ng moral, kasalanan ang paglalagay ng pangangailang materyal sa ibabaw ng pangangailangang espiritwal. Itinakda ng batas na ito na higit ang paggalang sa pag-aari ng iba kaysa gutom ng tiyan; higit ang respeto sa kapwa kaysa paghahanap ng katawan na makipagtalik; higit ang pagkilala sa Diyos sa harap ng mga maniniil kaysa buhay ng katawan. Dahil sa batas na ito, ginagawa natin ang lahat nang may kaayusan bilang tao. Hindi kasalanan ang pagpatay ng hayop para gawing pagkain dahil ang gawaing ito ay nasa hangganang pa ng tao, pero kasalanan ang pumatay ng hayop nang walang sapat na dahilan. Hindi rin kasalanan ang pagputol ng mga puno para sa ikaubuti ng mga tao, pero kasalanan ito kung ginagawa nang walang sapat na dahilan. Ano ang ginagawa ng kasalanan sa tao? Dahil ang kasalanan ay pagsalungat sa kaloobang ng Diyos at paglabag sa batas ng kalikasan, ilinalagay nito ang tao sa ilalim ng sumpa o kahatulan. Nakatakdang maparusahan ang sinumang nagkakasala. Bukod doon, sinisira nito ang integridad o kabuuan ng tao kung paanong ang

pagsira sa kaayusan ng lahat ay nagdadala ng kaguluhan at pagkawasak. Ang pagkasirang ito ay hindi lamang estado ng isip na maaaring ipagwalang-bahala; ito ay isang existensyal na katotohanan. Pinakasimpleng halimbawa ng larawan nito ay ang pagkaksugat ng katawan: hindi dahil sa opinyon ng mga nakakakita, o dahil sa popular na pamantayan, kaya ginagamot ang sugat, kundi dahil ito ay banta sa sariling kalusugan. Hindi ang pangungutya ng mga tao sa pagkakaroon natin ng sugat ang talagang pinagtutuunan natin ng atensyon at pagkabahala, kundi ang sitwasyon ng ating pisikal na integridad. Kung ang pisikal na kamalian ay sumusugat sa katawan, ang kamaliang moral ay sumusugat sa kaluluwa. Sinisira nito ang pagiging buo ng ating persona, at sa ganitong kalagayan ay masasabi nating tayo ay may karamdaman. May dalawang uri ng kasalanan na maaari nating ihalintulad sa sugat at sa kanser. Ang una ay hindi nakamamatay pero posibleng tumungo sa kasalanang nakamamatay. Ang ikalawa naman, sa kanyang sarili, ay nakamamatay. Dahil nasa mataas na antas ng kaayusan ang mga espiritwal na bagay, ang karamdamang pangkaluluwa ay higit na seryoso kaysa karamdaman ng katawan; ang kamatayang espiritwal naman, sa kabilang banda, ay lampas sa posibilidad ng paghahambing sa kamatayang pisikal. Ang totoo, ang kamatayang pisikal ay isa lamang sa mga hindi maiiwasang resulta ng dinanas nating kamatayang espiritwal noong tayo at ang ating mga unang magulang ay nagkasala. Ang kamatayan ba ng kaluluwa a mangyayari sa hinaharap kasabay ng pisikal na kamatayan? Hindi. Ang kamatayan ng katawan ay bunga ng kamatayang espiritwal. Lahat tayo ay isinilang na patay, bitbit ang unang kasalanan. Ito ang dahilan ng pagdating ni Jesus sa mundo: upang muli tayong likhain at ibalik ang buhay na dating atin - at higit pa sa dating nasa atin. Gayunman, dahil tayo ay mga linikhang moral - may kakayahang magpasya - may kalayaan din tayong tanggihan ang buhay na ibinibigay ng Diyos at manatili sa kamatayan. Pero bukod sa kamatayang existensyal na kinalalagyan ng tao bunga ng pagtalikod sa Buhay,

mayroon pang ikalawang kamatayan sa paghihiwalay ng katawang lupa at ng kaluluwa. Ito ang kaparusahang naghihintay sa mga taong mas pinili ang kamatayan kaysa buhay. Sa huling araw, ang katawan at kaluluwa ay muling magsasama - ang iba ay para sa buhay, at ang iba ay upang dumanas ng ikalawang kamatayan habampanahon. Sa huli ay balikan natin kung bakit mahalagang makilala natin ang tunay na mukha ng kasalanan. Ang kasalanan ay existensyal na katotohanan at hindi “abstract” na ideya lamang. Ibig sabihin, ito ay may epekto sa ating pag-iral tulad ng isang karamdaman. Mabubuhay tayo kahit hindi natin alam ang sagot sa mga problemang matematika, o kahit hindi nating kilala si Magellan, o kahit pa iba ang Diyos natin kaysa sa kilala ng karamihan; pero hindi tayo mabubuhay kung hindi natin alam kung ano ang kasalanan, o kung wala tayo nung tinatawag na “sense of sin”. Dahil sa hindi pagkikilala dito, magiging alipin tayo ng dikta ng laman; kumikilos na parang hayop, at ilinalagay ang espiritwal na bahagi ng pagkatao sa ilalim ng bahaging materyal - bagay na salungat sa kaayusang pangkalahatan. Dahil din dito, mananatili tayo sa kamatayan; at sa huli ay magdaranas ng kaparusahang walang hanggan.

August 21, 2007 Masarap Nga Ba Ang Bawal? Ang salitang “bawal” ay tumutukoy sa mga bagay na lampas sa hangganganan ng ating karapatan, o sa mga gawaing walang kapahintulutan. Ito rin ay tumutukoy sa limitasyong itinakda ng isang autoridad sa kanyang nasasakupan. Halimbawa, ang mga magulang ay nagtatakda ng kung hanggang saan lamang ang maaaring gawin ng mga anak na nasa kanilang pangangalaga. Kung ang pahintulot, halimbawa, na ibinigay ng isang ama sa kanyang anak para manatili sa labas ng bahay ay hanggang alas-9 ng gabi, ibig sabihin ay bawal nang lumabas mula sa oras na iyon hanggang sa sumikat ang araw kinabukasan. Ang halimbawang ito ay isang pagtatakdang ginawa sa positibong paraan. Ang negatibong paraan ay ang kabaligtaran; deretsahan itong nagpapahayag ng hangganan at kadalasang nag-uumpisa sa salitang “bawal”, “huwag”, “hindi pwede”; tulad ng “bawal ang pork”, o kaya ay “huwag kang papatay”, o kaya ay “hindi pwedeng daanan”. Hindi lahat ng bawal ay masama dahil minsan, ang ipinagbabawal ay siya pang mabuti at dapat gawin; halimbawa ay kapag iniutos ng isang presidente na hindi pwedeng magdasal ang mga mamamayan. Gayunman, ang batas ng Diyos ay hindi katulad ng sa tao; ang mga ito ay pawang matuwid at ang may-akda nito ay makatarungang humatol. Kung ang Diyos ay nagbibigay ng gantimpala sa mabuti at nagpaparusa sa masama, bakit parang mas masarap magkasala kaysa sumunod sa kalooban ng Diyos? Kung susuriing mabuti, walang masarap sa pagkakasala. Siyasatin natin ang limang bahagi ng ating pagkatao at pamumuhay na nagbibigay sa atin ng ganitong kaisipan: 1) Kalikasang materyal 2) Pagkahirati 3) Rebelyon 4) Estado ng isip 5) Tukso

Dahil sa ating materyal na katawan, tayo ay dumaranas ng pagkagutom sa mga bagay na materyal tulad ng pagkain, inumin, pahinga, pakikipagtalik, at maginhawang tahanan. Lahat ng ito ay nagbibigay sa atin ng kasiyahan, at wala isa man sa mga ito ang masama sa kanilang sariling kalikasan. Masamang maging matakaw pero hindi masama ang pagkain; masamang maging tamad pero hindi masama ang pahinga; masama ang pornikasyon at pakikiapid pero hindi masama ang pakikipagtalik; masama ang pagiging ganid pero hindi masama ang pagkakaroon ng ari-arian. Ang katangian ng mga bagay na ito ang nagpaparanas sa atin ng sarap at kasiyahan, hindi ang mga kasalanang nakaugnay sa kanila. May isang popular na biro na nagsasabing kung hindi nagkasala sina Adan at Eba ay wala tayong lahat. Syempre, ang birong iyon ay mananatiling walang katotohanan kahit sa anong aspeto tingnan. Ang pagtatalik ay bahagi ng buhay ng mga nilalang na sekswal tulad ng tao. Sa ganitong paraan niloob ng Diyos na punuuin ang mundo tulad ng kanyang iniutos sa ating mga magulang. Kaugnay rin ng pagtatalik ay ang kasiyahang pangkatawan at pang-emosyon na siyang regalo ng Diyos sa mga inatangan niya ng responsibilidad na maging kamanlilikha at tagapamahala ng mga nilalang. Ang kasiyahang dulot ng pagtatalik ay bahagi ng kalikasan at disenyo nito. Isa pang halimbawa ay ang pagnanakaw. Mas masarap nga ba ang pagkain kung ito ay nakaw? Higit ba ang kasiyahang dulot ng paggamit ng mga bagay na ninakaw kaysa sa hindi? Hindi ang mismong pagnanakaw ang nagpapasarap sa mga ito kundi ang pagkalibre sa pagod na ayaw nating danasin. May mga bagay na handa nating pagpaguran at mayroon namang ayaw talaga nating gawin hanggang maaari. Halimbawa, mas gugustuhin ko pang maglaba kaysa magsampay dahil parang mas napapagod akong magsampay kaysa maglaba. Dahil sa kagustuhan nating maramdaman ang kapahingahan (o maaaring satispaksyon), mas pinipili natin ang mga gawain kung saan natin ito natatagpuan. Ang paghahanap ng ginhawa o pahinga ay hindi laging nangangahulugan ng pagpili sa mas maliit na gawain. Halimbawa, may mga taong mas gustong magtrabaho sa bukid kaysa magpakain ng mga alagang hayop; o kaya, may ibang mas gusto pang maglinis ng buong

bahay kaysa magsaing. Pinipili natin kung alin ang mas kumportable nating nagagawa - at walang masama doon. Pero kung ang ginhawa na gusto nating makamtan ay posible lamang sa pamamagitan ng paggawa ng hindi tama, lampas na ito sa ating hangganan. Ito ang punto ng halimbawang ito: ang kasiyahang ibinibigay ng pagnanakaw ay hindi nagmumula sa pagiging bawal nito kundi sa ginhawa ng hindi paggawa ng mga bagay na ayaw nating gawin. Ikalawa sa mga dahilan kung bakit mayroon tayong kaisipan na “masarap ang bawal” ay ang ating mga nakasanayan o habits. Anumang gawain na nakagawian na natin nang matagal na panahon ay nagiging bahagi na ng ating pagkatao. Kahit ang mga bagay na noong una ay pinagaalinlanganan nating gawin ay nagiging pangkaraniwan na sa pagtagal. Ang isang babae, halimbawa, na nalalaswaan at naiilang sa unang pagkakataon ng pagsusuot ng maikling damit ay hindi na makakaramdam ng hiya kapag maraming ulit niya na itong nagawa. Ang pagkasanay sa paulit-ulit na mga gawain ay nahahati sa dalawang uri: kabutihan (pagkasanay sa paggawa ng mabuti) at bisyo (pagkasanay sa paggawa ng masama). Ang mga ito ay nagiging ikalawang kalikasan na ng tao, at kapwa nagbibigay ng kasiyahan sa taong nagtataglay nito. Ang isang tao, halimbawa, na nagbibigay ng limos nang may pag-aalinlangan ay magkakaroon ng kasiyahan sa kanyang ginagawa kapag naging bahagi na ito ng kanyang buhay. Sa kabilang banda, ang isang tao na nagaalangang gumawa ng masama sa unang pagkakataon ay mabibigyan din ng kasiyahan ng masama niyang gawain kapag naging bahagi na ito ng kanyang pagkatao. (Pero hindi dapat ipagkamali ang pagkakaiba ng kasiyahan at kaligayahan.) Alinman sa dalawang ito ay mahirap nang maalis sa pagkatao pero mas madaling mamunga sa tao ang masamang pagkahirati. Ito na ang ituturing niyang mabuti at tama habambuhay, o kung hindi naman ay iisipin niyang hindi niya na kayang mabuhay pa kung mawawala ito sa kanya. Isang halimbawa ay ang mga taong habambuhay na nakasanayang nang-aasar ng iba; kahit ma-realize na nila ang kamalian nito, hindi magiging madali ang pagbabago. Baka mas madali pa sa kanilang hindi makita ang mga mahal sa buhay sa loob ng isang linggo kaysa isang linggo nilang hindi gawin ang mga nakasanayan

nila. Ano pa kaya ang kaya nilang ipagpalit magawa lang ang isang gawaing bahagi na ng kanilang buhay simula pagkabata hanggang sa pagtanda! Sa ganitong sitwasyon kung saan ang nakasanayan na ang nagbibigay-lugod sa gumagawa, samantalang ang isip ay nagsasabing ito ay masama, nabubuo ang ideya na masarap ang bawal; pero sa bahaging ito, hindi pa rin masasabi na masarap ang isang gawain dahil ito ay bawal, kundi dahil napagbibigyan nito ang nakasanayan na. (Ito ang prinsipyong nasa likod ng mga rehabilitasyon: mas madalas ay hindi makabubuti ang biglaang pag-aalis sa nakasanayan.) Kung halimbawa ay mahilig ako sa basketball, at bahagi na ito ng aking buhay, maging bawal man ito sa akin o hindi sa hinaharap, magiging masarap pa rin ang karanasan ng muling paglalaro; hindi dahil sa ito ay bawal, kundi dahil ito ay nakasanayan ko na. Ikatlong dahilan ng wari’y masarap na pagkakasala ay ang rebelyon. Kapag hindi natin gusto ang mga nangyayari sa buhay natin, tayo ay gumagawa ng mga bagay na pinaniniwalaan nating mali. Ang layunin nito ay gumanti, sa anumang paraang posible, sa mga tao o pangyayaring itinuturing nating dahilan ng ating pagrerebelde; at ipakita na kaya nating magsarili. Sa kalooban ng isang taong naghihimagsik ay umiiral ang pagkaramdam na ang kanyang ginagawa ay mabuti at masama. Masama dahil alam niya na ang kinikilala niya bilang masama ay ginagawa niya; pero kaya nga ito tinawag na pagrerebelde dahil sa pagpili na gawin ang hindi dapat ayon sa nakagisnan. Sa kabilang banda, iniisip niya na mabuti ang kanyang ginagawa dahil naniniwala siya na mali ang ginagawa ng kanyang pinagrerebeldehan, kaya ang pagsalungat dito ay maituturing na mabuti. Sa pamamagitan nito ay nakakaramdan siya ng huwad na kasiyahan. Ihalimbawa natin ang isang anak na laging pinagagalitan o hindi nakakaramdam ng pagmamahal mula sa mga magulang. Maaaring maghanap siya ng pagtanggap mula sa mga kabarkada, at bilang pagganti sa magulang ay aabusuhin niya ang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng bawal na gamot, paglalasing, at pagpapabaya sa pag-aaral. Ang isang babae naman ay posibleng magrebelde sa pamamagitan ng

pagsama sa iba’t ibang mga lalaki. Ang kasiyahang nakukuha sa pagrerebelde ay nagmumula sa pagkakumbinsi ng sarili na siya ay malakas -- na hindi na siya magagawan ng masama; at malaya dahil itinakwil niya ang autoridad kung saan siya nakailalim noon. Ganito rin tayo nagrerebelde sa Diyos. Gusto natin ng autonomiya dahil sa puso natin, naniniwala tayong mali ang gingawa sa atin ng Diyos. “Hindi niya dapat hinayaang mamatay ang mga dinaanan ng bagyo. Hindi niya dapat hinayaang bumagsak ang nag-iisa kong pinagkukunan ng kabuhayan. Iniligtas niya dapat sa kamay ng mga kriminal ang mga inosente nilang biktima. Hindi niya dapat hinayaang mamatay sa trahedya ang mga mahal ko sa buhay.” Sa puso natin ay mayroong mahabang listahan ng mga akusasyon laban sa Diyos. “Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya.” “Alam ko kung anong makakabuti sa akin at sa pamilya ko.” “Bakit niya kami ginaganito? Bakit kami pa?” Walang katapusang litanya ng masasamang salita laban sa Lumikha ng lahat ng bagay. Pero hindi natatapos sa salita ang paghihimagsik natin dahil halos lahat ng ating mga kasalanan ay ginagawa natin bilang pagrerebelde sa Diyos dahil “alam natin -- hindi niya alam” kung ano ang pinakamabuti para sa buhay natin. Ang pagiging reklamador at mapanghusga ay dalawa lamang sa mga paraan ng pagrerebeldeng ginagawa ng halos lahat sa atin. Ikaapat ay ang estado ng isip. Hindi lahat ng nakikita natin ay totoo. Madalas, ang mga pinaniniwalaan natin ay ilusyon lamang at panlilinlang. Marami sa mga kasinungalingang ito ay kathang-isip din nating mga tao, at pagtagal ay nagiging katotohanan na sa ating paningin. Isang totoong halimbawa ay ang pamantayan ng kagandahan. Sinasabi nating ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin pero ang totoo, bawat henerasyon ay may kanya-kanyang popular na pamantayan ng kagandahan. Ang magandang katawan para sa atin, halimbawa, ay yung katulad kay Beyonce; ang magandang labi ay yung katulad kay Angelina. Galing din sa popular na opinyon, halimbawa, ang kaisipan na kadalasan ay pangit ang mataba o kaya ay pandak; maganda ang red lips at silky straight na buhok; pangit ang kulot at mukhang baluga. Hindi natin

maisip kung paano naging maganda ang kulay uling, ang sarat na ilong, ang malaking ngipin, at lahat ng hindi umaabot sa sukatan natin. Pero ang totoo, ang mga pamantayang kinatha natin at pinaniwalaan ay hindi katulad ng sa ibang panahon o lugar. Sa panahon ni Leonardo da Vinci, ang kagandahan ay nasa mukha ni Monalisa. Sa emperyo ng Ehipto, si Cleopatra ang tinatawag na "the face that launched a thousand ships". Sa panahon ni Paraluman, artistahin ka kung may hawig ka sa kanya, at pang beauty pageant naman ang ganda mo kung para kang si Gloria Diaz sa panahong iyon. Ang tanong, maganda din kaya sa paningin natin ang mga mukhang hinahangaan noong kapanahunan nila? Mas mataas ba ang standard natin sa pagkilala ng kagandahan kaysa mga taga-ibang lugar at ibang panahon? Totoo sa lahat ng henerasyon ang kasabihan, "Sila-sila ang naglalagay ng sukatan at parisan ng kanilang sarili." Tanggapin man natin o hindi, ang pamantayan natin ng kagandahang pisikal ay ilusyon lamang na ginagawa ng sarili nating mga isip. Ang lahing puti ay napapangitan sa itim, ang lahing itim ay napapangitan sa puti, ang pango ay nagtatawa sa matutulis ang ilong, at ang matatangos ay nagtatawa sa mga pango. Sino ang nakakakita ng totoo? Sino ang totoong maganda? Ang mga Filipino, partikular, ay nasa impluwensya ng mga itinakdang pamantayan ng “Hollywood” hindi lang sa usapin ng kagandahang pangkatawan, kundi maging sa pag-iisip, pangangatwiran, at pamumuhay. Halos lahat tayo ay bahagi ng tinatawag na "californication" -- kung ano ang sinasabi nila, yun ang ginagawa natin. Noong unang panahon, ang mga alipin bagamat tao rin, ay mga pag-aari at kasangkapan ng kanilang mga panginoon -- walang pinagkaiba sa kalabaw o sa aso. Ang mga babae ay itinuturing na mas mababa ang dignidad kaysa mga lalaki; madalas pa nga ay parang tropeyo lang sila sa tabi ng lalaki. Sa panahon natin, kumportable kaya tayong isipin na may mga taong itinuturing ng ganito sa ating lipunan? Makarinig nga lang tayo ng mga katulong na atrasado kung sumweldo, pang-aapi na agad ang unang salitang maiisip natin; ano pa kaya ang maramdaman natin kung makakakita tayo ng mga taong kayod-hayop sa pagtatrabaho pero walang maaasahang bayad, at sa halip ay dumaranas pa minsan ng pananakit, pagkakulong, o pagbebenta na para bang kasangkapan!

Maaaring maisip natin na walang puso ang mga tao noon na nakakagawa ng ganito sa kapwa nila tao, pero hindi ganun ang palagay nila. Noon, ang pagbili ng alipin ay katulad lang ng pagbili ng kalabaw ngayon. Hindi iyon itinuturing na pang-aapi o kawalan ng respeto sa dignidad ng tao, sa halip ito ay pangkaraniwang gawain. Sa pagdating lang ni Jesus nagsimulang mahubog ang puso ng tao sa paraang nararapat, pero libong mga taon pa rin ang lumipas mula noon bago tuluyang nakilala ang dignidad ng bawat isa. Gayunman, hanggang ngayon ay nababalot pa rin ng kadiliman at kasinugalingan ang maraming aspeto ng ating pagiisip. Hindi pa rin natin lubos na nakikita ang mga bagay ayon sa tunay nilang itsura. Namumuhay pa rin tayo sa gitna ng makapal na usok ng ilusyon at kathang-isip. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sa pakiramdam natin ay masarap magkasala at malungkot ang pagiging mabuti. Tayo ay katulad ng isang batang inampon at lumaki sa pagaalaga ng ibang tao; ang mga mukhang nakapaligid sa atin ang nakikilala nating pamilya, kaya isang katotohanang mahirap harapin ang pagpapakilala ng mga magulang na ngayon lang natin nakita; mga magulang na mahirap yakapin, mahirap halikan, at malayo sa puso. Lahat ng ito ay dahil sa pagkakondisyon ng ating isip sa isang katotohanan -o inakalang katotohanan. Tulad nito, ang kabutihan ang ating tunay ba magulang, pero nasanay na tayo sa pakikipamuhay sa kasamaan. Ilan pang halimbawa ng mga taong may sari-sariling katotohanan sa kanilang isip ay ang mga masokista, sadista, narsistiko, nekropilya, at ibang mga katulad nila. Normal sa pananaw nila ang mga kaisipan at gawaing hindi normal para sa karamihan. Sila ay may mga sariling ilusyon na hindi katanggap-tanggap sa kasalukuyan at sa mga nagdaang panahon. Gayunman ay walang nakakaalam kung talagang habampanahon ngang hindi tatanggapin ng karamihan ang kanilang kaisipan dahil ang ilan sa mga bawal noon ay pwede na ngayon, at ang ibang pwede noon ay bawal na ngayon. Kung ikinahihiyang ilantad noon ang homosekswalidad, ngayon ay pinagsusumikapan itong itaas at papurihan. Kung pinupuri noon ang pagiging birhen at mahinhin, ikinahihiya ito ng marami ngayon. Ang paghuhubad sa pelikula, halimbawa, ay tinatawag na mature role samantalang ang kahulugan ng

salitang “mature” ay may ganap at tamang pag-iisip. Kung ganun, anong tawag sa role ng mga ayaw maghubad? Childish? Naïve? Immature? Kung ang paghuhubad ang umpisa ng maturity, ibig sabihin ay maraming mga artista ang hindi na nakarating sa kaganapan ng kanilang karera. Ang malalaswang panoorin at babasahin naman ay nasa klasipikasyon ng “for adults only” na ang ibig sabihin ay para sa mga may sapat na gulang. Bakit nga ba? Anong kinalaman ng kalaswaan sa edad? Naririnig natin minsan ang mga magulang na nagsasabi, “Masama sa bata ito,” ibig bang sabihin ay nagiging mabuti ito kapag matanda ang gumagawa? Ilinalayo natin ang mga bata sa pornograpiya at mga larawan ng karahasan dahil sinisira nito ang kanilang kaisipan at kawalang-muwang pero paglaki nila, ang mga bagay na iniwas natin sa kanila noon ay nakapangalan na sa kanila ngayon: “For adults”. Dahil ba hindi na nito kayang sirain ang kamusmusan ng kanilang isip ngayong sila ay matanda na? Anong silbi ng pagprotekta natin sa kanilang kalinisan habang bata kung tayo naman mismo ang maglulublob sa kanila sa putik paglaki nila? Tayo-tayo ay naglolokohan! Anong tawag ng henerasyong ito sa mga babae at lalaki na nakikipagtalik sa sinumang magustuhan nila? Liberated – ibig sabihin ay malaya. Pero kung susuriin ito ayon sa esensya ng tao, tama nga kayang gamitin ang salitang ito para ilarawan ang mga taong halos wala nang kontrol sa sarili? Ang tao, tulad ng mga anghel, ay may isip; at may katawang laman tulad ng hayop. Ang isip, bilang espiritu, ay nasa ibabaw ng lahat ng bahaging material. Ito ang nakatakdang magpasya at masunod sa lahat ng pagkakataon, hindi ang dikta ng katawan. Ang taong tunay na malaya ay yung mayroong kapamunuan at kapangyarihan sa lahat ng bahagi ng kanyang pagkatao. Hindi siya asal-hayop na sumusunod lang utos ng laman, sa halip ay binubusalan niya ang anumang kagustuhan ng katawan na wala sa tamang panahon. Siya ang panginoon ng kanyang katawan at hindi siya alipin nito. Sa kabilang banda, ang tinatawag na “liberated” sa panahong ito ay mga alipin sa totoo nilang kalagayan. Ang katawan ang kanilang panginoon at alipin sila ng mga kagustuhan nito. Ikalima sa tila nagpapasarap sa kasalanan ay ang tukso. Temptations make us uncomfortable. Pakiramdam natin ay hindi tayo matatahimik

hanggang hindi tayo tinitigilan ng mga bulong sa ating isip. May kasabihan nga na “The surest way to get rid of temptation is to give in to it.” Bakit ka pa nga naman tutuksuhin kung ginagawa mo na! The dilemma, however, is this: To give in to temptation means to sin, and to sin means to die. E bakit nga ba masarap bumigay sa tukso? Why is it such a sweet surrender? Because the desires of the flesh are being satisfied, and the mental discomfort appears to have ceased. Pero sa taong may pagkilala sa kanyang tunay na kalikasan hindi lang bilang laman kundi bilang espiritu, hindi ang pagpatol sa tukso ang katapusan ng kanyang pasakit. Alam niya na pagkatapos na pagkatapos niya lang magkasala ay maaaring balikan siya ng tukso; pero higit sa kabalisahang ito ay ang lubos na pagkaunawa na siya ay nagkasala. Kung noong hindi pa siya nagkasala ay tukso lang ang lumiligalig sa kanya, ngayon ay pati na ang sumbat ng kanyang konsensya. Sa katapusan, bagamat ang limang bagay na ito ay nagbibigay ng kaisipan na masarap gumawa ng mali, masarap magkasala, o masarap ang bawal, pinatutunayan ng matuwid na pangangatwiran na ang mga ito ay pawang kasinungalingang kinatha ng mundo, ng kaaway ng Diyos, at ng sarili nating pagkamakalaman. Ang kabusugan, sarap, kalayaan, lakas, at kaginhawahan ay mabubuting bagay na ginagamit ng mga kapangyarihang hindi nakikita upang ang tao ay malinlang, mamuhay sa kasinungalingan, tumalikod sa Diyos, at maibulid sa kamatayan – lahat ng ito sa paraang hindi namamalayan ng kanilang biktima.

August 23, 2007 Naisahan Ba Tayo ni Dimas? Sino si Dimas? Ayon sa tradisyon, ang isa sa dalawang kriminal na kasabay ni Jesus na ipinako sa Kalbaryo ay may pangalang Dimas. Ito ang minsan ay tinatawag ng iba bilang “mabuting magnanakaw”. Isang beses lang binanggit sa Ebanghelyo ang presensya ni Dimas bagamat may mga haka-haka na nakita rin siya sa ibang bahagi. Sa unang tingin, parang pampahaba lang ng kwento ang tungkol sa dalawang tulisan; pero ang totoo, walang pangyayari na ipinahayag sa Kasulatan ang pampahaba lang, bawat pangyayari ay may ipinararating. Si Dimas ang isa sa mga unang nakapasok sa langit ayon na rin sa pangako ni Jesus. Dahil dito, may ilang mga nagsasabi, “Magnanakaw na siya sa lupa, ninakaw pa rin niya ang langit.” Sa pangungusap na ito ay nakatago ang magkasamang pag-asa at pagkalito. Pag-asa, dahil nauunawaan natin na kahit pala masama ang tao buong buhay niya, nakahanda pa rin ang Diyos na patawarin siya kung aaminin niya ang kanyang pagkamakasalanan at magtitiwala sa Diyos; pagkalito naman dahil parang hindi parehas o makatarungan na magkatulad lang ang hahantungan ng isang taong may mabuting pamumuhay at ng isang taong namuhay sa kasamaan. Dahil sa maling pagkaunawa ay mayroon pa ngang mga nangangatwiran na pwede namang sa huli na lang magbalik-loob; sa ngayon ay magkakasala muna sila. Una, hindi talaga ninakaw ni Dimas ang langit; at pangalawa, hindi totoo na pwedeng sa huli na lang magbalik-loob. Pinatunayan ito ng dalawang kriminal na nasa magkabilang tabi ni Jesus. Ang pananaw ng tao tungkol sa lahat ng bagay ay bahagi ng kanyang sarili, kung paanong ang mata ay bahagi ng katawan. Hindi niya mapapalitan ang kanyang mata sa isang iglap lang. Ang lahat ng bagay na itinuturing mong tama habambuhay -lubos man ang paniniwala o hindi -- ay hindi mo maituturing na mali sa anumang oras mo lang gustuhin. It might take you another lifetime to realize and completely absorb the truth that you denied your whole life. Sapat ang biyaya ng Diyos para ang sinuman ay makapagbalik-loob, pero

hindi sapat ang isang araw para makilala ng isang taong kusang tumalikod sa Diyos ang presensya ng mga biyayang ito. Hindi man nakikita, pero ang pagliligtas ng Diyos ay isang proseso; walang kaligtasang nanganap sa isang kisapmata. Maging ang kriminal na humamak kay Jesus ay naghahangad din ng kaligtasan, pero dahil sa matigas niyang puso, hindi niya nakita ang kaligtasang nasa tabi niya na. Sa pagkakataong iyon, silang dalawa na -- higit sa lahat ng tao -- ang pinakamalapit sa biyaya ng Diyos; nagawa pa nga nila itong kausapin. Ang “masamang magnanakaw” ay nakatingin sa uri ng kaligtasan na bunga lamang ng kanyang makasariling paghahangad kaya hindi niya ito nakamit. Sa kabilang banda, si Dimas ay nakamulat ang mata. Nakita niya si Jesus sa paraang hindi nakita ng kanyang kasama, o kahit ng mga Judio at mga Romano. Si Dimas ay hindi halimbawa ng isang “instant saint”, at walang sinuman. Kilala ni Dimas si Jesus bago pa man sila nagkita sa Golgota; at sa paraan niya ng pagsasalita, maaaring ang pagkakilala niya kay Jesus ay higit pa kaysa mga alagad. Tumestigo siya kay Jesus nang sinabi niya, “Ang taong ito’y walang ginawang masama.” Hindi pangkaraniwan sa isang taong namamatay na ang magsalita pa para lang ipagtanggol ang integridad ng taong hindi niya naman kilala. Isa pa, nakapako na si Jesus kaya hindi niya na rin ito maililigtas mula sa parusa. Bukod doon, siya mismo ay kriminal at kasalukuyang pinaparusahan ng kamatayan, kaya walang kredibilidad ang kanyang sinasabi. Pero hindi niya ito ginawa para linisin ang pangalan ni Jesus, kundi upang ipahayag ang katotohanan bilang isang mananampalataya. Hindi niya na pagpapaguran pang magsalita kung hindi niya kilalang-kilala ang pagkatao ni Jesus at kung hindi siya sigurado sa kanyang sinasabi. Hindi niya lang basta kilala si Jesus bilang isang taong matuwid, alam din niyang si Jesus ang kanyang kaligtasan, at ang kaligtasan ng Israel. Tahasan niyang sinabi, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Para sa mga Romanong naroon, maaaring ito ay isang malaking eksena ng katatawanan. Ano nga namang mararamdaman mo sa panahong iyon kung makakita ka ng dalawang kriminal na nakabitin sa krus at nag-uusap tungkol sa paghahari! Isama mo pa ang pagtatalo tungkol sa pagiging inosente ng

isa sa mga nahatulan! Pero para sa mga Judio, maaaring ito ay hindi nakakatawa. They probably took the malefactor’s testimony about Jesus’ innocence as a threat because they all know that he truly is innocent. Pero higit sa lahat, napakalaking kalapastanganan sa pandinig nila na sabihin ninuman na si Jesus ay hari. Wala nang mas malaki pang kahihiyan para sa mga Judio kaysa maipako sa krus kaya dahil dito, wala na ring mas hihigit pang kalapastanganan sa pangalan ng kanilang lahi kaysa pagsasabing ang kanilang hari ay hinatulan sa krus. Ito ang dahilan kung bakit hinarap nila si Pilato para palitan ang isinulat niya tungkol kay Jesus: JESUS NAZARENO, HARI NG MGA JUDIO. Ang pahayag ni Dimas ay hindi bunga ng isang mala-mahikang pangyayari kung saan kanina lang ay kaaway siya ng Diyos, pero ngayon ay bati na sila. He surely had his fair share of sufferings, of torments, of fear, of dilemmas, and even of great physical pain. Hindi niya nakakamtan ang langit sa madaling paraan tulad ng isang magnanakaw. Ipinaranas sa kanya ng Diyos ang prosesong dinadaanan ng lahat ng tinawag para sa kaligtasan. Ang paghahandang naranasan niya ang nagbigay sa kanya ng lakas na ipahayag na si Jesus ang Mesias. Isang konkretong leksyon sa lahat ang nagyari sa isang kaibigan ni St. Thomas More na nag-akalang pwede niyang paglaruan ang mga bagay ng Diyos. Naniniwala siya noon na maliligtas siya basta tumawag lang sa pangalan ng Diyos kapag malapit na siyang mamatay. Isang araw, naaksidente siya sa kanilang pangangabayo; dahil sa pagkagulat, sa halip na makatawag siya sa pangalan ni Jesus tulad ng sinabi niyang gagawin niya sa oras ng kamatayan, ang lumabas sa bibig niya ay ang salitang “demonyo”. Siguro nga ay tama siya na maaari siyang maligtas kung nakapagbalik-loob siya bago namatay, pero ang pangyayaring ito ay isang halimbawa ng katotohanan na ang Diyos ang magtatakda ng oras, hindi ang sarili. Sa pangyayaring iyon, ang lalaki ay nahulog sa kanyang sinasakyang kabayo at namatay. Hindi malilinlang ang Diyos, ang lahat ay hahatulan ayon sa kanyang pamumuhay.

August 23, 2007 Biyaya ng Diyos Ang salitang biyaya ay tumutukoy sa mga bagay na tinatanggap nang walang bayad o anumang kapalit. Mas madalas na ang tawag natin dito ay regalo. Sa paksang ito ay gusto kong ibahagi ang isang katotohanang hindi napupuna ng marami – kasama ang sarili ko: Na ang biyaya ng Diyos ay hindi dumarating. Madalas, iniisip natin na may mga oras na dumarating ang biyaya ng Diyos, lalo na kung nakatutok ang paningin natin sa mga materyal na bagay at sa mga kaaya-ayang pangyayari sa ating buhay. Sinasabi natin na sa ganito o ganyang panahon ay tumanggap tayo ng biyaya mula sa Diyos, at umaasa tayong sa ganito o ganoong panahon ay mayroon ulit tayong matatanggap. Isipin natin, halimbawa, na tayo ay naninirahan sa isang barko kung saan libre ang pagkain, inumin, damit, higaan, at lahat ng bagay na kailangan natin para mabuhay; kung isang araw ay binigyan ako ng kapitan ng barko ng isang piraso ng paborito kong tsokolate, sasabihin ko bang, “Hay, salamat, nakatanggap na naman ako ng regalo galing sa kapitan! Nung isang lingo lang, may ibinigay din siya sa akin”? Nung isang linggo nga ba? Hindi ba’t katatapos lang ng libreng hapunan, at ngayon ay oras nang magpahinga sa libreng kwarto na may libreng ilaw at libreng higaan? Hindi ba’t para sa kasiguruhan ng lahat ay may libreng security system at mga guard buong maghapon at buong magdamag? Hindi ba’t sa tuwing pagising sa umaga ay may libreng almusal, at sa tanghali ay may libreng pananghalian? Hindi ba’t ang lahat ng ito, kasama ng tsokolate, ay pawang mga regalo dahil hindi ito binayaran o pinalitan man? Mayroon bang isang linggo, isang araw, isang oras, o isang minutong pag-itan ang pagtanggap ng regalo ng mga nakatira sa barkong ito? Wala. Ang bawat sandali ng paninirahan dito ay biyaya -- walang kapalit. Ito ang katotohanang madalas ay nalalampasan natin ng pansin. Ang

nakikita natin at tinatawag na biyaya ay ang mga tsokolateng ating tinatanggap -- ang mga pangyayaring madalang natin maranasan -pero hindi ang mga regalong bawat sandali ay pinakikinabangan natin. Ang mga biyaya ay hindi dumarating sa ating buhay dahil ang totoo, tayo ay namumuhay sa gitna ng mga biyaya. We could not even exist without these gifts from the Creator. Tuwing gumagalaw tayo, dumadampi sa balat natin ang mga biyayang ito; tuwing tayo ay nagsasalita, pumapasok ang mga ito sa ating bibig. Hinihinga natin ang mga biyayang ito; kinakain natin at nalalakaran. Walang lugar o pangyayari na hindi natin kasama ang mga biyaya ng Diyos. Siguro nga ay napakahirap isipin ng katotohanang ito dahil nakasanayan na natin ang pag-aakalang tayo ay nabubuhay sa sarili nating lakas, talino, at pagsisikap, pero maging ang mga nabanggit na ito ay biyaya din ng Diyos. Walang anuman ang nagmula sa atin pero nabubuhay tayo at patuloy na mabubuhay habampanahon dahil sa mga biyayang ito. Kailanman ay wala tayong totoong nalikha o nabili man lang; ang lahat ng bagay ay sa Diyos at walang isa man ang nanggaling sa atin. Sa ganitong paraan natin mauunawaan ang itinagubilin ni Pablo na “magpasalamat kayo sa Diyos para sa lahat ng mga pangyayari”. Halimbawa, ang balat na mayroon ka ngayon bilang init at proteksyon sa buong katawan; ipagpapalit mo ba ito sa magandang bahay, maraming pera at mga ari-arian? Aanhin mo ang mamahaling pagkain na inaasam-asam mong bilhin kung ang kapalit ay ang iyong ganang kumain? Aanhin mo ang kumportableng buhay na pinagpapakamatayan mong makamit kung wala ka namang hininga? Ang mga bagay na mayroon ka ngayon ay hindi talaga sa iyo at maaaring mawala anumang oras; hindi ba’t ang mga bagay na ito ang dapat pa nga ay ipagpasalamat natin, sa halip na maghinanakit tayo dahil sa mga bagay na hindi natin makamtan? Buong puso ang pasasalamat natin kapag nangyayari ang mga gusto nating mangyari, pero hindi natin pinapansin ang mas mahahalagang bagay pa na hindi pinagsasawaang ibigay sa atin araw-araw kahit na hindi natin ito nagagawang ipagpasalamat. Hindi natin nakikita ang nandito dahil hinahangad natin ang wala. May mga kabataan, halimbawa, na sa sobrang kagustuhan na magkaroon ng partner ay hindi na nakikita ang pagmamahal ng pamilya o ang pagmamalasakit ng mga kaibigan. Mayroong mga tao na dahil sa

paghahangad na magkamal ay hindi na nakaka-appreciate ng kung ano ang meron sila ngayon. Tayo ay nabubuhay sa biyaya ng Diyos bawat sandali, at lahat ng bagay ay nararapat nating pasalamatan. Sa bahaging ito ay masdan natin ang mas malaking larawan ng ating kasaysayan. Ang Diyos ay may nakahanda sa buhay ng bawat isa sa atin; pero bagamat indibidwal ang kanyang mga panukala, ito ay magkakaugnay at bumubuo ng isang pangkalahatang plano. Dahil ang Diyos ay mabuti, at lahat ng gawa niya ay mabuti, nangangahulugan lamang na mabuti ang lahat ng nangyayari sa atin -- hindi man natin maunawan -- dahil lahat ito ay bahagi ng kanyang plano at hindi nawawala sa kontrol. Maaaring maitanong natin, “Pati ba ang mga krimen, ang mga kaguluhan, mga kalamidad, at ang araw-araw na pagkakasala ng tao, kasama sa plano ng Diyos? Mabuti rin ba ang mga ito?” Kailanman ay hindi naging mabuti sa paningin ng Diyos ang mga bagay na sadyang masama. Ang lahat ng masamang nangyayari sa sangnilikha ay konsekwensya ng pagtalikod sa Diyos ng mga nilalang niya. Hindi man ang mga ito ang panukala ng Diyos, lahat ito ay pinahihintulutan niyang mangyari, hindi para magkaroon ng masama sa kanyang plano, kundi upang sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan at karunungan, ang presensya ng masama ay maging para sa ikabubuti ng mga pinili niya. Ang masasamang nilalang at mga pangyayari ay isang bahagi lang ng plano ng Diyos para sa mga nakatakdang maghari kasama niya. Hindi dapat indahin ng mabubuti ang hirap na dulot ng masasama, ni magreklamo man sa gitna ng hindi magagandang pangyayari dahil ang lahat ng ito ay nangyayari para sa kanilang kapakanan. Sila ang sentro ng plano ng Diyos. Ang mga bagay na hindi maganda sa panlabas na anyo ay mga biyayang nakapaligid sa kanila. Ang plano ng Diyos para sa mga hinirang niya ay biyayang patuloy nilang tinatanggap sa lahat ng sandali dahil ang bawat bahagi ng kanilang buhay ay katuparan ng mga bahagi ng planong ito. Mabuting ipagpasalamat ang mga biyayang madaling makita, pero hindi natin dapat makalimutan na ang bawat sandali ng ating buhay ay biyaya ng Diyos.

September 5, 2007 Damdamin: Ako Noon, Ako Ngayon Isa sa mga nagbago sa akin ay ang pananaw ko tungkol sa damdamin at sa relasyon nito sa pag-ibig. Nagpapasalamat ako sa mga rejection na naranasan ko noong mga panahong napagkakamalian kong ang damdamin ay sapat nang dahilan para magkagusto sa isang tao at maghangad na maituring ding espesyal ng taong napupusuan. Sa loob ng maraming mga taon, unti-unti kong nakita at naunawaan ang pagkalinlang na naranasan ko nang ilang ulit, na nagbigay sa akin ng maraming sakit ng kalooban. Pinag-aralan ko ang hugis ng sariling kasaysayan at ikinumpara sa katotohanan ng ibang tao. Nakita kong ang nararanasan ko ay nararanasan din ng karamihan, at sa pamamagitan ng pagsalaming ito ay nakita kong ako, at sila man, ay gumagawa ng isang bagay na nakahulma na -- kung ano noon, siya rin ngayon. Madalas kong marinig ang mga linyang, “Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito,” “Siya na talaga,” “Iba siya sa lahat,” at iba pang mga pangungusap na may ganitong ideya. Tuwing may nagugustuhan tayo, parang lagi itong isang bagong karanasan dahil ibang tao na ang kasali, iba na ang sitwasyon, at marami pang pagkakaiba kung ikukumpara. Ito ang ilan sa mga bagay na naunawaan ko: 1) Nagbabago ang pamantayan ng tao, lalo na kung ang

pagkukumparahin ay ang paraan niya ng pagpapahalaga at paghanga noong bata pa at sa pagtanda. Ito ang isa sa malimit na dahilan kung bakit hindi na pareho ang paghanga natin ngayon sa mga taong dati ay hinahabol-habol natin. (2) Ang paghanga ay dapat na pinamumunuan ng katwiran, hindi ng damdamin. Ang damdamin ay kontrolado ng mga katangiang pang-ibabaw, at sa gayon ay hindi sapat na basehan ng paghanga. Sa kabilang banda, ang makatwirang paghanga ay hindi mapupulaan o makikitaan ng kapintasan. (3) Ang pagtanggi ng iba na ituring kang espesyal ay hindi dapat ikalungkot nang lubusan dahil ang pagiging espesyal ng sarili ay hindi nakadepende sa pagtingin ng ibang tao. Laging tandaan na ang tuluyang pagtanggi sa iyo ng isang tao ay nangangahulugan ng hindi pagiging akma. Isipin mo na lang kung anong

mangyayari sa susing sapilitang ipangbubukas sa maling susian? Ganun din ang mangyayari kung ipipilit natin ang mga bagay na hindi akma -mauubos ang ating lakas, masisira ang disenyo ng ating buhay, at sa huli, tayo ay parang susing mababali. Dapat pa nga nating ipagpasalamat ang mga pagtangging ating nararanasan dahil ito ang mabilis na indikasyon na ang isang bagay, tao, sitwasyon, o mithiin ay hindi para sa atin, at dapat nating itama ang tinutungo nating direksyon. (4) Hindi totoo na sa bawat lalaki ay may nakalaang babae. Una, imposibleng mangyari ito dahil magkaiba ang populasyon ng dalawang kasarian. Ikalawa, magkakaiba ng bokasyon ang mga tao. Hindi lahat ay magaasawa, at hindi rin lahat ng mag-asawa ay magkakaanak, o magiging magulang ng sarili nilang mga supling. (5) Ang panliligaw sa bagong kakilala ay nagpapakita ng pangangailangan, hindi pagmamahal. Ang pagmamahal ay hindi maaaring ihiwalay sa pagkakilala. Ang maraming kamalian sa ating pag-unawa ay madalas na impluwensya ng damdamin. Isipin mo nga, kung may makita kang aso at magustuhan mo ito, pagkakuhang-pagkakuha ba sa tindahan ay masasabi mong mahal na mahal mo ang bago mong alaga? Sa eskwelahan, halimbawa, masasabi mo bang “I love chemistry” dahil lang nagustuhan mo ang unang lesson? Syempre hindi! Pero dahil sa matinding hatak ng damdamin sa paraan natin ng pag-iisip, mas mahirap mangatwiran ng tama kapag tao na -hindi na alagang hayop o pag-aaral -- ang pinag-uusapan. Mas masarap magpadala sa damdamin kaysa magpagod sa pag-iisip dahil bilang “laman”, mas madaling sundin ang makahayop nating bahagi o yung tinatawag na “animal instinct”. Ganunpaman, mananatili ang katotohanan na tayo ay tao at hindi dapat magsahayop. Ang panliligaw ay pangangailangan ng kasiguruhan sa atensyon at espesyal na pagtingin -minsan ay higit pa -- ng taong liniligawan. (5) Marami sa mga tinatawag na “awit ng pag-ibig” ay hindi tungkol sa pag-ibig kundi sa kagustuhang mag-angkin; sa pagkakaroon ng pusong sinungalin; at sa hindi pagkakilala sa maraming bagay, kasama na ang sarili. Ilan sa mga kantang ito ay may linyang tulad ng “Sana dalawa ang puso ko,” “Bakit ngayon ka lang dumating,” “I was born to make you happy,” “Sinasamba kita,” “I can’t live without your love,” “…kahit sinasabing mahal ko siya, sa puso ko, ikaw pa rin ang mahal ko,” “Minamahal kita nang hindi mo

alam,” “Kung malaya lang ako,” at marami pang tulad nito. Mas tamang tawagin silang “mga awit ng kaguluhan” o “mga awit ng kalituhan”. Kung tatawagin silang “mga awit ng pag-ibig”, mangangahulugan na ang kataksilan ng puso at panlilinlang ng isip ay lumalarawan sa tunay na mukha ng pag-ibig. Marami akong napuna at natutunan sa usaping ukol sa damdamin at pag-ibig pero hindi ko ito maiisulat lahat. Ibinahagi ko lang ang ilan para himukin ang lahat ng bumabasa na maging mapagmasid at huwag basta umayon sa mga popular na paniniwala. Hindi man tayo perpekto, tungkulin natin alamin kung ano ang tama at totoo, at sikapin itong maging bahagi ng ating buhay.

September 10, 2007 Tao Ba Si Jesus? Walang sinumang Cristiano ang magsasabing si Jesus ay hindi tao. Pero ang nakapagtataka ay kung bakit patay na patay ang Iglesia ni Manalo sa pagpapatunay na si Jesus ay tao. Ito lang ang masasabi ko sa kanila: “Lahat kaming mga nakakakilala sa aming pananampalataya ay lubos na nakakaunawa sa pagiging tao ng aming Manunubos. Ang totoo, isa ito sa mga nagbibigay sa amin ng lakas ng loob na paglabanan ang mga tukso sa kabila ng pagiging tao at mahina.” Gayunma’y iba ang layunin ng Iglesia ni Mang Felix. Tulad ng mga heretiko noong mga lumang panahon, gusto nilang itapon ang konsepto ng pagiging Diyos ni Jesus. Sa kagustuhan nilang ipilit ang kaliitan ng kanilang isip sa mga misteryo ng Diyos, ginagawa nila ang lahat ng uri ng kakatwang pagbibigay-kahulugan sa mga teksto ng Kasulatan na noon pa mang unang panahon ay nauunawaan na ng matatapat na Cristiano. Ang totoo, kapiraso lang ang Biblia sa mga ginawa at ipinangaral ni Jesus, ng mga apostol, at ng kanilang mga disipulo. Mas malaking bahagi ng mga aral na ito ay dumaan sa bibig at tenga, hindi lamang sa mata, bagamat ang naririnig (word of mouth) ay nagpapatotoo sa nababasa (Scripture), at ang nababasa ay nagpapatotoo sa naririnig. Halos 2,000 taon nang sumasaksi sa isa’t isa ang Simbahan at ang Kasulatan bago pa man lumitaw sa ibabaw ng mundo ang isang Felix Manalo na naligaw sa iba’t ibang sekta ng relihiyon at sa huli ay nagtayo ng sarili niyang simbahan at tinawag itong Iglesia ni Cristo. [Hindi kailanman iniwan o iiwan ng Diyos ang kanyang tunay na Iglesia mula sa panahon ng mga apostol hanggang sa huling araw tulad ng kanyang ipinangako.] Bakit “Iglesia ni Cristo” ang pangalan ng relihiyon ni Manalo? Dahil gusto niyang ipilit sa isip ng mga taong mapaniwalain na ito ang pangalan ng Simbahang itinayo ni Jesus, samakatwid ay ito ang tunay na Simbahan, at makikita daw ito sa Biblia -- bagay na sila-sila lang ang naniniwala. Nakarinig ka na ba ng pangalang “Lapis ni Juan” na tumutukoy sa isang lapis? O kaya’y “Ballpen ni Pedro” na tumutukoy sa isang ballpen? Ako wala pa, at sa tingin ko ay wala pa talagang gumagawa ng ganun. Dahil

ang mga katagang ito ay tumutukoy, hindi sa pangalan ng bagay, kundi sa may-ari ng mga bagay na ito. Maaaring ang lapis ay may pangalang Mongol, at ito ay lapis ni Juan; ang ballpen naman ay maaaring may pangalang Panda, at ito ay ballpen ni Pedro. Ang lapis at ballpen na ito ay kailangan pangalanan dahil hindi naman isang lapis at ballpen lang ang meron sa mundo. Kung may 10 lapis na pare-pareho, hindi ito papangalanang “Lapis ni Juan” dahil iba-iba ang may-ari nito. Ganun din ang Simbahan ni Cristo: kung marami siyang itinatag na Simbahan, kailangan niya itong pangalanan isa-isa, pero dahil isa lang ang itinatag niya, hindi nito kailangan ng pangalan. Ganunpaman, dahil sa pagdami ng mga ereheng tulad ni Felix Manalo, noong ikalawang siglo ay pinayuhan ang mga Cristiano na tuwing mapupunta sila sa isang bayan ay huwag nilang itatanong kung nasaan ang mga kapatid na Cristiano o nasaan ang Simbahan, kundi nasaan ang Iglesia Katolika para hindi sila masila o masakmal ng mga heretikong sekta noong panahong iyon na nagsasabing sila ang mga tunay na Cristiano at ang kanilang itinuturo ay iba sa itinuturo ng mga apostol. Si Felix Manalo at ang kanyang mga taga-sunod ay ilan lamang sa napakaraming mga taong umuulit at hindi natuto sa mga nakaraang kasaysayan, kaya ang pagkaligaw ng mga tao noong mga nakaraang panahon ay inuulit lang din ng mga tao sa kasalukuyan. Halimbawa, napaniwala ni Ariano ang mga taga-sunod niya noong panahong iyon na si Jesus o ang Salita ay linikha lang ng Diyos para makatulong niya sa paglalang ng lahat ng bagay. Naniniwala siya na kasama ng Diyos ang Salita bago pa likhain ang anumang bagay, pero binibigyang-diin niya na nauna lang ang Salita sa lahat ng mga bagay na nilikha, pero siya mismo ay linikha rin. Sa kabilang banda, bagamat parehong heretiko sina Ariano at Manalo, at magkaisa sila sa pagsasabing si Jesus ay hindi Diyos, linagyan naman ng ibang rasyonal ni Mang Felix ang teorya ni Ariano (at ang kathang-isip ng iba pang mga relihiyong sinalihan niya). Para kay Felix Manalo, kahit ano pang sabihin, si Jesus ay hindi pwedeng maging Diyos dahil iisa lang ang Diyos. Hindi niya matatanggap na ang isa at isa ay isa lang, sa halip na dalawa, kaya kahit anong ipahayag ng Kasulatan tungkol sa pagka-Diyos ni Jesus ay hindi katanggap-tanggap at lahat ng

ito ay may bagong kahulugan para sa kanyang “Iglesia”. Sa isang iglap, si Mang Felix na at ang kanyang mga kapalit ang tagapagpaliwanag ng katotohanan, at hindi na ang mga pinagkatiwalaan ni Jesus at ng mga apostol. Hindi naman kailangan ng malalim na karunungan para usisain ang praktikalidad ng mga katwiran ng INM. Si Jesus daw ay tao pero inutos ng Diyos na sambahin siya ng lahat ng mga nilalang sa kabila ng pagkasuklam ng Diyos sa mga taong sumasamba sa hindi Diyos; may kapangyarihan daw magpatawad si Jesus dahil ibinigay ito ng Diyos; kung si Jesus man ang nakatakdang hahatol sa lahat, dahil lang daw yun ang gusto ng Diyos. Bumuhay siya ng mga patay, nagpagaling, nagpakain, lumakad sa tubig, tumakas sa kalagitnaan ng mga tao; siya ay nasa lahat ng lugar, at nakaaalam ng lahat ng bagay; pero taglay man ang lahat ng kapangyarihang pang-Diyos, si Jesus daw ay hindi Diyos, kundi sumasakanya ang Diyos. Aba’y kung hindi Diyos si Jesus, at ibinigay naman sa kanya ang lahat ng kapangyarihan, karapatan, at karangalan sa langit at lupa, mabuti pa’y magpalit na sila ng Diyos! Ganun din e! Kung ibinigay sa kanya ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa, ibig sabihin ay siya ang makapangyarihan sa lahat -- katangiang sa Diyos lamang matatagpuan. Si Jesus din ang Buhay at Muling Pagkabuhay, na ang ibig sabihi’y siya ang pinagmulan at nagpapanibago ng buhay. Tao pala ang “origin of life”, hindi Diyos? Isang makatwiran at simpleng prinsipyo lang ang nasa likod ng pagiging kwalipikado ni Jesus para maging tagapagligtas ng sangnilikha: Siya ay tao na kumakatawan sa nagkasalang sangkatauhan; at siya ay Diyos na may tanging-halaga na maaaring ibayad sa Diyos. Dahil tao ang nagkasala, tao din ang dapat na magbayad, pero ang bagay na ito ay imposible sa tao. Kahit isang milyong Jesus na walang kasalanan ang piliin ng Diyos para tumubos sa sangkatauhan, wala itong halaga kung lahat sila ay tao lamang. Hindi mababayaran ng kabanalan ng isang milyong tao kahit na ang isang kasalanan lang ng kapwa. Ang pagiging walang-hanggan ang kailangan ng tao para maging posible ang isang bahagi pa lamang ng pagliligtas na ito. Dahil ang Diyos ay hindi umiiral

sa lugar at panahon, ang pagkakasala sa kanya ay hindi lamang isang nakalipas na pangyayari, kundi isang patuloy na kaganapan -- walang kahapon o bukas -- laging nangyayari sa kasalukuyan. Kung tanggapin man ng Diyos ang halaga ng sakripisyo ni Jesus bilang tao, kakailanganin pa rin niya itong gawin araw-araw sa habampanahon. Ito ang dahilan kung bakit araw-araw ay naghahandog ang mga Judio para sa kasalanan, dahil ang kasalanan ng tao ay laban sa Diyos na walang-hanggan, at sa gayon ay pagkakasalang walang-hanggan din (eternal offense). Walang tao na posibleng makagawa ng hinihingi ng hustisya ng Diyos: Na magalay ng isang Jesus araw-araw. Ang solusyon: ang ipambayad-sala ay isang nasa kawalang-hanggan din, upang ang paghahandog na ito ay maging eterno o laging nagaganap sa kasalukuyan -- katumbas ng habampanahong paghahandog (eternal sacrifice). Sa huli, ang makakatubos lang sa mundo ay isa na nagmula sa lahi ng tao pero walang-hanggan; isinilang pero walang simula; may kamatayan pero walang katapusan. Magagawa ng Diyos na maging tao, pero hindi niya magagawa kailanman na ang isang tao ay maging Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Si Jesus ang Salitang-Diyos na nagkatawang-tao (cf. Jn 1:14; Ph 2:7) para maging posible ang hinihingi ng hustisya ng Diyos. Ang ikalawang bahagi para maging posible ang pagliligtas ay ang karangalan ng naghahandog. Maaari bang pawalang-sala ang pangkaraniwang tao na nagkasala sa mataas na opisyal ng isang bansa sa pamamagitan lang din ng isang pangkaraniwan ding kababayan nito? Isang mataas na opisyal din mula sa bansang pinagmulan ng nagkasala ang kakailanganin para makapagbigay ng posibilidad ng pagpapatawad. Kung ganito ang kaso sa tao, ano pa kaya ang sa Diyos! Sapat bang ihandog ng isang uod ang sarili, gaano man ito kalinis, para mailigtas ang kanyang lahi sa parusa ng Diyos? Si Jesus, bilang tao, ay isa lamang uod sa harap ng kaluwalhatian ng Diyos tulad ng sinabi niya sa pamamagitan ng bibig ni David; pero sa kabila ng ganitong kalagayan, tinanggap ng Diyos ang kanyang sakripisyo dahil taglay niya ang kalikasan ng Diyos -- sapat para pagbayaran ang pagsira ng tao sa karangalan ng Diyos.

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa prinsipyong ito, magiging mulat ang mata ng mga taong may pusong tunay na humahanap sa katotohanan. Sa liwanag nito makikita ang tunay na kahulugan ng mga salita ng Kasulatan at ang kasaysayan ng kaligtasan. Mga katotohanang kailangang isaalang-alang: (1) Ang tao ay nagkasala sa Diyos. (2) Ang pinagkasalahan ay walang-hanggan. (3) Ang pinagkasalahan ay mayroong hindi matatapatang karangalan. (4) Ang pagkakasala sa Walang-Hanggan ay walang-hanggan din. (5) Ang tutubos sa tao ay dapat na tao rin bilang kinatawan ng sangkatauhan. (6) Ang pagbabayad-sala sa Walang-Hanggan ay dapat na walang-hanggan din. (7) Ang tagapagkasundo ay dapat na kapantay ng karangalan ng pinagkasalahan.

September 13, 2007 Pamahiin: Wala Nga Bang Mawawala? Sa sobrang tanda na ng kultura ng pamahiin, hindi na natin matutunton pa ang pinagmulan ng katagang madalas nating marinig: “Wala namang mawawala.” Simula ng magkaisip ako, bilang bata, hanggang sa kasalukuyan, hindi siguro lumipas ang isang taon na wala akong narinig na nagsabi o nagpahiwatig ng ganitong ideya. Ang hindi ko malarawan ay kung saang bahagi ng makatwirang isip maaaring magmula ang ganitong uri ng pananaw. Wala nga bang mawawala? Ang unang-una at pangitang-pangitang nawawala sa mga pumapatol sa pamahiin ay ang lohika o tamang pangangatwiran. Ang salitang “lohika” ay tumutukoy sa sekwensya at koneksyon ng mga konsepto at konklusyon. Kung halimbawa ay pupunta ka sa Mindanao galing sa Luzon, tatahakin mo ba ang daan pahilaga para makarating doon? Kung wala ka sa tamang pag-iisip, maaaring gawin mo iyon. Suriin natin ang mga proposisyon. Unang proposisyon: Ikaw ay pupunta sa Mindanao galing sa Luzon; ikalawang proposisyon: Ang Luzon ay nasa hilaga at ang Mindanao ay nasa timog na bahagi ng bansa; ang konklusyon: Tatahakin mo ang daan pa-timog para makarating sa gusto mong puntahan. Ito ang halimbawa ng tamang pag-iisip. Sa kabilang banda, ang mga mapamahiin ay ganito maghinuha: Unang proposisyon: Ang pusa ay itim; ang konklusyon: May mangyayaring masama sa makakasalubong nito. Unang proposisyon: Natapakan ng babaeng ikinasal ang paa ng asawa; ang konklusyon: Magiging sunud-sunuran ang lalaki sa babae. Unang proposisyon: Nakatapat sa hagdan ang pintuan ng bahay; ang konklusyon: Hindi magiging maayos ang takbo ng buhay ng nananahan doon. Anong pagkakaiba ng mga ito sa unang halimbawa? Laging mayroong “missing link”. Ang ganitong paraan ng pag-iisip, bagamat laganap, ay hindi normal sa tao. Ang tao ay rasyonal na nilalang -- may kakayahang mangatwiran -- pero kung hindi natin ito ginagamit nang tama, masasabing tayo ay hindi nagpapakatao. Ang ikalawang nawawala sa mga taong mapamihiin ay ang kanilang

kalayaan. Nagiging alipin sila ng takot, at bilanggo ng maling kaisipan. Kung halimbawa ay may pupuntahan ako, pero dahil may nakasalubong akong pusang itim ay madali akong umuwi at hindi na tumuloy sa aking lakad; sino ang nagdesisyon ng dapat kong gawin, ako ba o ang takot ko? Kung naka-schedule ang interview ko ng Miyerkules pero hindi ako sumipot dahil “malas” ang Miyerkules sa linggong iyon, hindi ba ito pagpapakita na bilanggo ako ng ganitong kaisipan? Sa ganitong sitwasyon, sunud-sunuran ako sa mg utos ng aking takot, at pinipigilan sa paggalaw ng maling paniniwala. Ang ikatlong nawawala sa ganitong mga tao ay ang konsepto ng katotohanan. Isipin mo na lang ang isang tao na nakatingin sa mabangis na oso pero ang nakikita niya ay isa lamang puno; ganito rin ang sitwasyon ng mga taong bulag sa katotohanan -- nasa harapan na ang kamatayan pero inaakala pa ring ito ay kaligtasan. Ang ikaapat na nawawala sa mga naniniwala sa ganitong mga kathangisip ay ang tunay na pagkakilala sa Diyos at sa kanyang mga nilalang. Marami sa mga nagsasalita ay hindi nag-iisip, at buong-tiwala nagsasabi na ang buhay ng tao ay nakasalalay sa tamang pagpapasya, swerte, at pananampalataya sa Diyos. Ang pagpapasya ay bagay na kontrolado ng tao; ang pananampalataya naman ay sa pag-itan ng tao at ng Diyos; pero ang swerte ay konsepto ng kapalarang hiwalay sa impluwensya ng Diyos at ng tao, sa halip ay nasa ilalim ng mga kapangyarihang natural na may autonomiya. Pinasisinungalingan nito ang katotohanang walang nagaganap sa sangnilikha na hindi pinahihintulutan ng Diyos. Isa itong porma ng pagsamba sa hindi tunay na Diyos kundi sa mga “pwersa ng kalikasan”. Ito ang kabilang mukha ng “nature worship” na ginagawa ng mga katutubo at mga pagano. Ang ganitong disposisyon ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos, lalo na kung ang Mabuting Balita ay hindi naman malayo sa mga taong ito. Wala itong pagkakaiba sa pagkakaroon ng mga diyus-diyusan. Kayong mga naniniwala sa swerte at malas, isipin niyo nga ito: Hindi ba’t ang lahat ng bagay ay sa Panginoon? Hindi ba’t siya lang ang

nagpapahintulot at nagbabawal sa lahat ng kaganapan? Bakit ninyo ipinagpapalagay ang kapalaran sa mga posisyon, bilang, araw, kulay, at mga gawaing wala namang kinalaman sa inaasahan ninyong resulta? Magpapasya ba ang Diyos na payamanin ka kung ilalagay mo ang iyong mga gamit sa ganito o ganyang lugar sa iyong bahay? Poprotektahan ka ba niya sa mga sakuna kung ihaharap mo sa ganito o ganyang posisyon ang iyong tahananan? Pasasagasaan ka ba niya sa kotse kapag hindi ka umuwi kahit na nakasalubong ka ng itim na pusa? Sisirain ba niya ang relasyon mo sa iyong pamilya dahil hindi compatible ang zodiac signs ninyo? May mga mata ang inyong isip, huwag ninyo itong ipikit! Tuso at mapanlinlang ang mga pwersang nakapaligid sa mundo -- walang mahirap o mayaman, matalino o mangmang, na palalampasin nila sa dalang kasinungalingan. Hindi dapat akalain ng sinuman na alam niya na ang lahat ng kailangan niyang malaman. Ang mga kalaban ng tao ay nakatago sa dilim, hindi nakikita o naririnig man, pero sumisira ng isip at nagdadala mawawala. sa kapahamakan. Maging matalino sa pagpapasya at paniniwala, dahil sa pagkapit sa maling kaisipan, hindi totoo na walang

September 13, 2007 Poon, Santo, o Rebulto? Pangkaraniwan na sa ating mga Filipino na kung ano ang nakasanayan, yun na ang tama. Halimbawa ay sa mga salita: sa halip na pareho ay parehas ang madalas na ginagamit; sa halip na manibela, manubela; sa halip na ayoko, ayako. Madalas din ay ginagamit ang “masama” at “bawal” na parang pareho lang ang kahulugan. Isa ang relihiyon sa mga pinakasensitibo at kontrobersyal na isyu sa lahat ng panahon at bahagi ng mundo kaya hindi maaaring ipagwalang-bahala ang mga kamaliang lalong naglalayo sa mga tao sa posibilidad ng pagkakaisa. Isang halimbawa ay ang maling paggamit ng salitang “poon” at “santo” para tumukoy sa isang rebulto o imahe. Kahit sa mga balita sa media, o sa mga taong aktibo sa mga gawain ng kanilang parokya, ay maririnig ang nakalililgaw na paggamit ng mga katawagang ito. Sa pamamagitan nito ay lalong napagtitibay sa isip ng mga kapatid na nasa ibang sekta na ang mga Katoliko ay sumasamba sa mga rebulto. Bukod dito, nakokondisyon ang isip natin sa maling paglalarawan ng kahulugan ng mga salitang ito. Sa wikang Ingles, ang salitang “poon” ay katumbas ng “lord”, at ang santo ay “holy” o “saint”. Hindi tamang tawaging poon ang isang rebulto, kahit pa si Jesus ang ilinalarawan nito, dahil ang salitang ito ay tumutukoy mismo sa Panginoong Diyos. Hindi rin dapat gamitin ang salitang santo para tumukoy sa mga rebulto dahil ito ay tumutukoy sa mga banal na kasama ng Diyos sa langit, o minsan ay kahit sa mga banal na nasa lupa pa. Iskandalo ang dala ng ganitong pagkakamali kaya dapat itong pagingatan. Tandaan: Ang rebulto o imahe ay para sa mga estatwa, ang icon o larawan ay para sa mga iginuhit na anyo, ang santo ay para sa mga banal na nilalang, at ang poon ay para sa Diyos lamang.

September 5, 2007 Totoo Nga Ba? Madalas, mas madaling linlangin ang sarili kaysa tanggapin kung ano ang totoo. Napapatunayan natin ang bagay na ito sa pang-araw-araw nating mga karanasan. Dito sumilang ang kasabihang “Masakit tanggapin ang katotohanan.” Ang pinakamalaking patunay na nahihirapan tayong harapin kung ano ang totoo ay ang kawalan natin ng pagkakaisa. Bawat indibidwal at grupo ay may kani-kanilang paniniwala, pilosopiya, ideolohiya, at relihiyon. Masama ba ito? Masama kung ang ating pagkakaiba-iba ay hindi nakaturo sa daan ng pagkakaisa na patungo sa iisang katotohanan; ibig sabihin, hindi tayo matutulungan ng ating mga paniniwala kung ito mismo ang nagiging dahilan ng ating pagkakuntento na manatili na lang sa sarili nating mundo sa halip na magpatuloy sa paghahanap ng ikapagkakaisa sa iisang katotohanan. Ang sumusunod ay mga gabay na tanong upang tulungan tayong maging matapat sa pagsusuri ng ating paniniwala: 1) “Ano” ba o “sino” ang pinaniniwalaan ko? Sa tanong na ito ay kailangan nating maging maingat sa pagsagot dahil kapahamakan lang ang dulot ng mga paniniwalang nagtutulak sa atin para dayain ang sarili. Kailangan nating usisain, “Ang pinaniniwalaan ko ba ay “ano” (mga konsepto na inaakala kong totoo), o “sino” (mga taong pinagkakatiwalaan ko)? Magiging totoo ka lang sa sarili mo kung ang iyong paniniwala ay bunga ng matapat na pangagatwiran ng sarili tungkol sa mga usaping nakahain. Ang proposisyon, halimbawa, ay tungkol sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ka bang may Diyos dahil sinabi sa iyo o dahil napatunayan mo ito? Isa pang halimbawa ay ang pagsisinungaling: Naniniwala ka bang masama ang pagsisinungaling dahil nauunawaan mo ang kalikasan nito, o dahil itinuro lang sa iyo? Kung tinatanggap natin ang isang ideya dahil lang nanggaling ito sa mga pinagkakatiwalaan natin, o kaya’y dahil naipahayag ito sa paraang nagustuhan natin, hindi ito nagpapakita ng totoong paniniwala, sa halip ito ay akto lamang ng pagsasaulo ng mga konseptong hindi naman talaga natin nauunawaan.

Tinatanggap na lang natin ang mga ideyang ito, at ipinagkakatiwala sa ibang tao ang pagiging totoo nito o hindi, dahil ayaw nating pagaksayahan pa ng pagod ang pag-iisip, pag-uusisa, at pakikipagtalo sa sarili tungkol dito. Ayaw natin ng “inconvenience”, ayaw natin ng pagbabago, wala tayong lakas ng loob na akusahan at ilagay sa paglilitis ang ating mga paniniwala dahil natatakot tayo sa posibilidad na baka mali nga ang mga paniniwalang matagal na nating kinakapitan at ipinagsasanggalang. Ayaw nating mapahiya sa sarili. 2) Bakit ako naniniwala? Naniniwala ba ako dahil sigurado ako na ito ang totoo, o dahil gusto ko na ito na lang ang totoo? Ang ikalawa ang madalas na nangyayari sa atin; naniniwala tayo sa gusto nating paniwalaan, at nakikita lang natin ang gusto nating makita. Kung ano ang kinagisnan, yun na yun! Sa ganitong sitwasyon, ang ating mga katwiran ay madalas na hinabi na ng iba para sa atin -- gagamitin na lang. Dahil hindi natin totoong nauunawaan ang sinasabing pinaniniwalaan natin, inaampon na lang natin ang mga salitang ginagamit ng iba sa kanilang pangangatwiran para mapaniwala natin ang sarili, at subukang mapaniwala ang iba, na totoo ang ating pinaniniwalaan. Ang katulad nito ay pagsusuot ng damit na hindi alam kung saang tela ginawa; o kaya’y pagsubo ng isang bagay na hindi alam kung nakabubusog o nakamamatay. Sa isang banda pa, kung masasabi man nating tayo ay naniniwala dahil sigurado tayong iyon ang totoo, hindi pa rin nito mapatutunayan na totoo ngang tayo ay naniniwala. Isa pang pagsubok ang dadaanan nito: “Kaya ko bang katwiranan ang dahilan ng aking paniniwala?” Madaling sabihin, “Ito ang totoo,” pero mapatutunayan mo lang na totoong naniniwala ka kung mabibigyangkatwiran mo ang iyong paniniwala sa oras na kailanganin. Tungkol dito ang sinasabi ni Pedro sa kanyang unang sulat sa mga Cristiano. 3) Ang paraan ko ba ng paniniwala ay patungo sa pagkakaisa, o dahilan ng pagkakawatak-watak? Dahil ba sa paniniwala ko ay nagkakaroon ako ng pag-aasam na makarating ang lahat sa iisang katotohanan -- taglay ko man yun sa kasalukuyan o hindi pa -- at sa huli ay magkaroon ng tunay na kaisahan?

O siguradong-sigurado na akong hawak ko ang katotohanan, kaya bahala na sila kung ayaw nilang maniwala o sumunod? Ang ganitong attitude ng kawalan ng tunay na pakialam sa ikabubuti ng kapwa ay nagpapakita ng kawalan din ng pakialam sa tunay na pinaniniwalaan ng sarili. Sila yung mga taong mariringgan lagi ng linyang, “Basta, yun ang totoo. Bahala ka kung ayaw mong maniwala.” Sa halip na ipakita ang detalye ng dahilan ng kanyang paniniwala, para pakinabangan din ng ibang tao, ay gagamitin na lang niya ang salitang tatapos sa lahat ng talakayan: “Basta!” Nagpapakita ito na ang mismong nagsasalita ay hindi totoong nakauunawa sa kanyang sinasabi. Ang kanyang paniniwala ay nagmumula sa emosyonal at bulag na pagkapit sa mga konseptong hindi niya talaga naiintindihan. Sa madaling salita, kumakapit lang siya sa mga ideyang kanyang sinasabi, pero hindi siya totoong naniniwala sa mga ito. Ang layunin ng artikulong ito ay hindi para ipakita kung ano ang dapat paniwalaan, kundi upang tulungan ang mga bumabasa na subukin ang pagiging totoo ng kanilang paniniwala -hindi ang mismong pinaniniwalaan -- dahil ang unang problema sa akto ng paniniwala ay hindi ang linalaman o ang pinaniniwalaan, kundi ang pagiging tunay o huwad ng ating paninindigan. Maraming kaso, halimbawa, na ang mga Cristiano ay masigasig sa mga gawaing pangsimbahan, pero ang totoo ay hindi talaga nila nauunawaan ang kanilang pinagsusumigasigan. Isa pang halimbawa ay ang katotohanan na may mga pastor o pari na nagaakalang sila ay may pananampalataya dahil alam nila ang lahat tungkol sa kanilang ipinangangaral, pero ang totoo ay isa lamang itong bahagi ng napakarami nilang kaalaman na sinaulo lamang at hindi naging totoong bahagi ng kanilang pagkatao. Kailangan nating maging maingat at matalino, magkaiba ang paniniwala at pagsasaulo. Maaaring alam na alam mo ang mga doktrina ng iyong simbahan, pero kahit kaunti ay hindi ka totoong naniniwala sa mga ito.