P. 1
Pagsusuri - Noy

Pagsusuri - Noy

|Views: 2,949|Likes:
Published by Ced Bugarin

More info:

Published by: Ced Bugarin on Nov 15, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/17/2013

pdf

text

original

Pagsusuri Ng Pelikula NOY

Ipinasa ni: John Cedrick P. Bugarin IT102 Ipinasa kay: Gng. Elena Castañeda
Guro sa Filipino 1

.

I. Iba Pang mga Tauhan • • Jhong Hilario – Adik 1 Ketchup Harold Eusebio – • • • • Kristoffer King – Adik 2 Neil Ryan Sese – Pulis Monroe White – Ray Linda Tindera Gonzales – • • • Janus Del Prado – Boy Pen Medina – Mang Nick Ping Medina – Binatang Bangkero • • Maricor Canlas – Doctor Journalie Cameraman Payonan – • Tess Antonio – Teacher . kasintahan ni Noy ngunit nais ipakasal ng pamilya sa ibang lalaki. Siya ay isang manikurista upang buhayin ang pamilya. • • Vice Ganda – Jane. Masipag siya mag-aral ngunit sa di innaasahang pangyayari ay nabulag. • Joem Bascon – Bong. Head ng pinapasukang News Station ni Noy. ina ni Noy na naulila sa asawa. bunsong kapatid na babae ni Noy. isang pekeng mamamahayag na ginagawa ang lahat upang mabuhay ang pamilya. nakatatandang kapatid ni Noy. Editor ng mga ginagawang footage at balita ni Noy. Siya ay lumpo at ginawa kahit illegal upang makatulong sa pamilya. • Erich Gonzales – Divine. • Cherry Pie Picache – Letty. • Cheska Billiones – Tata. Baron Geisler – Caloy.Mga Nagsiganap Pangunahing Tauhan • Coco Martin – Manolo Noy Agapito.

Ang nasabing pelikula na Noy ay nanalo naman ng Pinakamagaling na Direksyon sa nakaraang Gawad Urian Awards.• Bong Mendoza – Security Guard Direktor Dondon Santos (March 25. Ilan sa kanyang mga ginawang pelikula / palabas ay: • • Green Rose (2011) Buhawi Jack (2011) • Pepeng Agimat (2009 – 2011) . 1980) ay isang Pilipinong direktor. Siya ay nakapagdirek o nakagawa na ng iba’t-ibang tv series at pelikula simula 2006. Siya ay nakatanggap ng paggawad bilang Pinakamagaling na Direktor sa kanyang pelikulang Noy sa nakaraang Film Academy of the Philippines (FAP) Award.

. II. magkaiba sa estado ng buhay! Upang maiahon at mabuhay ang pamilya napilitan ni Noy (Coco Martin) na pasukin ang pagiging isang mamamahayag na simula pa lang ay pangarap na niya. Ito ay ang paggawa ng isang dokyumentaryo sa kampanya ng kanyang kapangalan na si Top Presidential bet. Sen. Siya ay natanggap dahil sa mga pekeng diploma at dokumento na nagpapatunay na siya ay nakapagtapos ng isang bachelor’s degree ngunit ang totoo’y hindi man lamang siya nakatapak ng kolehiyo. Ito ay yung mga bahagi o mga senaryo na kanyang nakuha sa panahon ng pangangampanya ni Pang. pamumuhay at pag-asa para sa pamilyang Filipino. Ipinakita sa pelikula ang tunay na footage ng dokyumentaryo kasama ang mga senaryo na sumasalamin sa kahirapan. Nagkaroon siya ng una niyang proyekto sa unang pasok niya.• • Dalaw (2010) Kung Tayo’y Magkakalayo (2010) • Komiks Presents (2006 – 2010) *Si Rodel Nancianceno o mas kilalang Coco Martin ay naging direktor rin ng pelikulang ito. Benigno “Noynoy” Aquino para sa 2010 Pambansang Eleksyon. Synopsis Parehas sa ngalan. Noynoy Aquino.

sitwasyon at panahon nito para maipakita ang pagiging makatotohanan ng pelikula. Pagsusuri ng Pelikula Iskrip ng Pelikula Naging masuri sina Rondel Lindayag.. Minsan ito’y impormal o “balbal” na paraan at minsan nama’y pormal na paraan. Ang pelikula ay may iba’t – ibang paraan ng pagsasalita para mapakita ang uri ng buhay at pag-uugali ng mga karakter. Mga Tauhan Pangunahing Tauhan • • • • Noy Nanay Letty Divine Bong • • • • • Tata Jane Caloy Adik 2 Harold Iba pang mga Tauhan • Adik 1 . Shugo Praico at Coco Martin. Ito ay naaayon sa lugar o senaryo na mangyayari. mga manunulat ng pelikula sa mga wikang ginamit nila sa bawat karakter. Sa kabuuan.III. ang iskrip ng pelikula ay naayon at angkop sa tema. Francis Xavier Pasion.

Ipinakita dito ang mga .• • • • • • • • • Boy Mang Nick Binatang Bangkero Teacher Pulis Ray Tindera Doctor Cameraman • • • • • • • • • • Kris Aquino James Yap Boy Abunda Ai-Ai Delas Alas Ogie Alcasid Dingdong Dantes Marian Rivera Mar Roxas Baby James (Son of Kris) Joshua (Son of Kris) Mga Sikat na Tauhan • Pang. Noynoy Aquino Paglalarawan Nagsimula ang pelikula sa mga eksena nung namatay at inilibing ang Dating Pangulong Corazon Aquino at kaalinsunod nito pagpapahayag ni Dating Senador at ngayo’y Pangulong Noynoy Aquino na siya’y kakandidato sa pagkapangulo ng ating bansa.

Ang karakter ni Noy ay masasabing katauhan ng isang mahirap na tao na nangangarap maingat ang estado ng kanilang buhay. Kung gayo’y nakita natin ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino Ang pelikulang Noy na pinagbidahan ni Coco Martin bilang isang batang mamamahayag na nagngangalang Noy. Si Noynoy Aquino ay ipinakilala bilang isang taong sikat dahil sa kanyang mga magulang. Hindi man totoong mamamahayag. Nagsimula niyang ipakita ung mga eksenang karaniwang nakikita sa likod ng kamera. Setting ng Pelikula . unti-unting naintindihan at nakilala ni Noy ang tunay na ugali at personalidad ni Noynoy Aquino at napagtanto niya ang tunay na kulay ng kanyang buhay. Sa pagpapatuloy ng pelikula.nangyari o dokyumentaryo ng mga paghahandang ginawa ni Pang. Siya ay nakatira sa isang mahirap at lubog sa baha na lugar dulot ng nakalipas na bagyong Ondoy. na kung saan kahirapan ng tunay na buhay ang naipapakita. Aquino noong siya’y nangangampanya pa lamang. Sinabi pa lamang sa unang bahagi ng pelikula na ang lahat ng ating mapapanuod ay totoo maliban na lamang sa bidang si Noy. ang pagsubaybay ni Noy kay Noynoy Aquino ay isang trabahong papaunlad.

Pagganap ng mga Artista . Visual / Larawan ng Pelikula Ang pelikulang Noy ay mistulang pinaghalong normal at independent na kaurian ng pelikula. Ang lugar nila’y binaha dulot ng bagyong Ondoy at magmula noo’y hindi na nawala ang tubig at mistulang naging isang isla ang bawat tahanan. Ang paksa ng nasabing pelikula ay pang indie fil ngunit ang paraan ng paggawa ng pelikula lalo na ang pagkuha ng mga eksena ay pang normal na pelikula. Kahit na ang pokus ay nasa karakter ni Noy. Ipinakita sa kanilang lugar ang buhay mayroon ang mga pamilyang nakatira sa lugar na mahirap tirahan.Ang pelikula ay naganap sa isang mahirap na lugar malapit sa riles ng tren. Ang mga eksena gamit ang kamera sa pelikula ay naglalarawan ng isang pampublikong kahulugan. naipakita rin ang ilan sa mga lugar na pinagkampanyahan nito at pati na rin ang mga presinto kung saan boboto. ang kanyang pakikisalamuha sa mga tao sa kanyang paligid ay naglalarawan ng mga totoong nangyayari ngayon sa ating bansa. Dahil sa pagsubaybay at paggawa ni Noy ng dokyumentaryo para kay Noynoy Aquino. Naganap ang pelikula sa panahon ng kampanya ng mga kandidato para sa 2010 Pambansang Eleksyon.

mula sa pisikal na kaanyuan gaya ng pananamit. Naging mabisa rin ang pagwawakas nito dahil sa makabayang awitin na nagpapahiwatig ng kabayanihan ng ating bansa. masayang awitin para sa nagdiriwang na eksena at romansang awitin para sa maromansang eksena nila Noy at Divine. sa kilos. Musika Naging masusi at masining si Carmina Cuya.Naging mahusay ang bawat artista sa pagganap sa mga tauhan. Ang pelikula ay lubos na naging makatotohanan dahil sa epektibong pagganap ng mga artista. sa uri ng hanapbuhay at sa estado ng buhay. Ideya / Mensahe ng Pelikula Ang pelikulang “Noy”. Naging mahusay ang paglalapat ng mga awitin at musika para sa bawat mga eksena. Naging mahusay rin ang bawat artista sa pagdadala ng emosyon na nais ipakita ng mga karakter. Musical Director ng Noy sa paghahanap at pamimili ng mga awitin at musikang gagamitin. sa pananalita. Malungkot na awitin para sa malungkot na eksena. ay nagpakita ng ideya tungkol sa dalawang magkaibang tao na may iisang mithiin sa buhay at iyon ay ang . Naipakita nila ang kahalagahan ng bawat karakter na kanilang ginagampanan. Madali ring mababatid ng mga tao ang mga nagyayari o mangyayari sa mga sound effects na kanilang naririnig.

Magtiwala lang tayo sa ating mga sarili at ibigay lahat ng ating kagalingan sa bawat bagay na ating papasukin. Masasabi rin na ang Pilipino’y ginagawa ang lahat. ipinakita rin ang buhay ng isa pang Noy (Coco Martin) at mga nasa paligid niya na masasabi nating naging larawan ng mga mahihirap na Pilipino. Ang dalawang karakter. Ipinapahiwatig sa atin ng pelikula na ang dalawang karakter na may magkaparehas na ngalan ay mayroong malaking pagkakaiba sa estado ng kanilang buhay ngunit mayroon silang iisang mithiin sa buhay. Sinasabi sa atin ng pelikula na ang bawat isa sa atin ay magiging pangulo ng ating mga buhay. magkaiba man ng layunin ay gagawin ang lahat upang magwagi sa kani-kanilang mga buhay. legal man o illegal para lang maiahon ang sarili at ang pamilya sa buhay. Ang bawat isa sa atin ay maaabot ang ating mga pangarap. Ipinakita ang buhay ni Noynoy Aquino sa panahon ng kanyang pagtakbo sa pagka pangulo ng ating bansa. Unti-unting ipinakilala na si Noynoy Aquino ay hindi lamang nakilala dahil sa kanyang mga magulang bagkus sa kanyang mga mithiin para sa ating bansa. . Sa kabila nito.magtagumpay. Ipinakita ang ideya na si Noy ay sumisimbolo sa bawat mga Pilipinong ginagawa ang lahat maiahon lang ang pamilya sa hirap.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->