Professional Documents
Culture Documents
KALIGIRANG KASAYSAYAN
== Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang itoy naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.
PANITIKAN SA KASTILA
1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ; OBRA-MAESTRA- A Rizal 2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad) 3. JESUS BALMORI Batikuling; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido; nahirang siyang poeta laureado sa wikang Kastila 4. MANUEL BERNABE- makatang liriko 5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan) 6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino
PANITIKAN SA TAGALOG
= Ang FLORANTE AT LAURA ni Francisco Balagtas at URBANA AT FELIZAni Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog = Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod: = MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez; Nemecio Carabana; Mar Antonio
MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes; Patricio Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino Reyes; Tomas Remegio
LOPE K. SANTOS Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-Banaag at Sikat JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRAMAESTRA-Isang Punungkahoy FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRAMAESTRA- Lumang Simbahan AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-MAESTRA- Isang Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA-MAESTRA- Nena at Neneng INIGO ED REGALADO Odalager; OBRA-MAESTRADamdamin
*ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng April Morning; nakilala sa pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komomwelt ESTRELLA ALFON ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang MAGNIFICENCE at GRAY CONFETTI ARTURO ROTOR may-akda ng THE WOUND AND THE SCAR-kauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan ng taong 1941-1945 ay nabalam sa kanyang tuluy-tuloy na sanang pag-unlad nang muli tayong sakupin ng isa na namang dayuhan mapaniil-ang mga Hapones. Natigil ang panitikan sa Ingles. Maliban sa Tribune at Philippine Review, ang lahat halos ng pahayagan sa Ingles ay pinatigil ng mga Hapones. Naging maganda naman ang bunga nito sa Panitikang Tagalog. Patuloy na umunlad ito sapagkat ang mga dating sumusulat sa Ingles
ay bumaling sa pagsulat sa Tagalog. Si Juan Laya na dating manunulat sa wikang Ingles ay nabaling sa Tagalog, dahil sa mahigpit na pagbabawal ng pamahalaang Hapon tungkol sa pagsulat ng anumang akda sa Ingles. Ang lingguhang LIWAYWAY ay inilagay ng mga Hapones sa mahigpit na pagmamatyag hanggang sa ipabahala ito sa isang Hapong nagngangalang ISHIKAWA. Ang naging paksain ng mga panitikan sa panahon ng Hapon ay pawang nauukol sa BUHAY LALAWIGAN.
MGA MANUNULAT
** SANGAY NG DULA: -JOSE MA. HERNANDEZ- Panday Pira -FRANCISCO RODRIGO- Sa Pula, Sa Puti -CLODUALDO DEL MUNDO bULAGA -JULIAN CRIZ BALMACEDA- Sino Ba Kayo?; Dahil sa Anak ; Higanti ng Patay
-Narciso Reyes Lupang Tinubuan -Liwayway Arceo- Uhaw ang Tigang na Lupa -NVM Gonzales- Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan
SANGAY NG TULA
-Ang karaniwang paksa ng mga tula noong panahon ng Hapon ay tungkol sa BAYAN o sa PAGKAMAKABAYAN; PAG-IBIG; KALIKASAN; BUHAYLALAWIGAN o NAYON; PANANAMPALATAYA at SINING