P. 1
isda

isda

|Views: 662|Likes:
Published by Andy Honrado

More info:

Published by: Andy Honrado on Dec 09, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/09/2011

pdf

text

original

Subalit dapat tandaang kung gagawin ito bilang maliit na negosyo. kailangan munang humingi sila ng permiso o lisensiya mula sa barangay o munisipyo bago nila ito simulan. tinapa at tuyo mula sa isda at pusit.Paunang Salita Maraming mga taga-lalawigan ang pumupunta pa sa lungsod upang maghanap ng trabaho. kung pangingisda ang pangunahing hanapbuhay sa kanilang komunidad. Lingid sa kanilang kaalaman. Sa mga mangingisdang gustong madagdagan ang kanilang kita. Halimbawa. Bukod pa rito. Mas mahal ibenta ang tuyong pusit kesa sariwa kaya siguradong pagkakakitaan ito. maaari pa ring mag-alaga ng tilapia at alimasag sa likod-bahay nila. Bukod sa hindi sila mangangailangan pa ng malaking puhuhan. ang mga sangkap at kagamitang kakailanganin ay nasa paligid lamang. . higit na maraming pagkakakitaan sa kanilang lugar. narito ang ilang paraan. maaari silang gumawa ng patis.

Nilalaman Tuyong Pusit Tinapa Bagoong Alamang Tuyo at Daing 1 3 5 6 .

Gayunman. kailangan din ang masinop na pamamaraan ng pagtatapon ng mga duming dulot nito upang hindi makasira sa ating kalikasan . TUYONG PUSIT Ang pusit ay isa sa mga lamang-dagat na sagana sa protina na kailangan ng ating katawan. Walang kemikal na ginagamit dito.KARAGDAGANG KITA SA MGA MANGINGISDA I. Maaari pa itong gawing pagkain ng mga alagang hayop. Gayunman.5m 1 . Pinakikinabangan pa rin ang ilang natanggal na bahagi ng pusit. Mga kailangang gamit at sangkap: Patuyuan na yari sa kawayan o mga kawit at kawad Bote Palanggana Mantika Pusit 1m 1. tulad ng anumang itatapong basura. dapat din nating limitahan ang panghuhuli ng pusit lalo na sa panahon ng pangingitlog nito. Wala ring panganib na hatid sa kalusugan ng tao ang pagtutuyo ng pusit. madali pa itong gawin at hindi mangangailangan ng malaking puhunan. Ang pagtutuyo ng pusit ay isang magandang uri ng hanapbuhay dahil bukod sa tumatagal nang anim na buwan ang tuyong pusit.

paarawan mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Isalansan sa kahon ang nabalot na mga pusit. Linising mabuti ang pusit — alisin ang mata. 11. 2. Baliktarin ang pusit at paarawan muli kinabukasan. katamtaman (30-35 cm). Hiwain ang ilalim na bahagi nito at tanggalin ang mga lamangloob. 4. 3.KARAGDAGANG KITA SA MGA MANGINGISDA Paraan ng paggawa: 1. Ilapag isa-isa ang pusit sa mesa. 9. Alisin sa arawan at pahanginan sa malilim na lugar sa loob ng isang oras. Timbangin por kilo at ibalot o ipakete. 7. bunganga. Kolektahin ang pusit kapag mababa na ang temperatura upang maiwasang madikit ito sa patuyuan. at malaki (36-40 cm). at palikpik at hugasang mabuti. Paarawan ulit mula 4:00 hanggang 5:00 ng hapon. balat. 5. Baliktarin ang pusit at ilagay sa patuyuan (maaari rin itong isabit sa kawad na sampayan sa pamamagitan ng mga kawit). 10. Pagsama-samahin ang mga pusit ayon sa kanilang laki: maliit (25-30 cm. 8.). 2 . 6. wisikan ng mantika at pagulungan ng bote upang mapipi o maging plat.

Makakadagdag pa rin sa kita ng gumagawa ng tinapa ang pagtitipon ng abong nakukuha nila. Mga kailangang sangkap at kagamitan: 1 lalagyan ng inasnang tubig 1 sandok 1 kaldero 3 sakong kusot 50 pirasong bilaong kawayan 5 tali ng kahoy na panggatong 2 kalang kongkreto 40 kg. galunggong. hasa-hasa. tamban. tunsoy. Maraming kailangang kahoy sa paggawa ng tinapa. Maraming uri ng isda ang maaaring gawing tinapa. Maaari ring gamitin ang balat ng niyog. at bangus. Maaari itong ipagbili bilang panlinis ng mga kasangkapan imbes na cleanser.KARAGDAGANG KITA SA MGA MANGINGISDA II. galunggong 8 dram na pausukan 2 kg. lapad. kabasi. banak. Kabilang na rito ang tawilis. asin 1 salaan 10 galong tubig 1 kutsilyo 3 . Maaaring tumagal hanggang pitong araw ang tinapa pero puede pa rin itong abutin ng sampu kung nakalagay sa repridyereytor. kamatis at kape sa umaga. TINAPA Isa ang tinapa sa mga paboritong ulam na masarap ipares sa sinangag.

7. Ihanda ang pausukan. gumamit ng 20 galong tubig at dalawang kilong asin. ilagay ang bilao sa kuwartong may katamtamang temperatura at bayaang lumamig. 5. Pihit-pihitin ang bilao upang maging pantay ang pagpapausok sa isda. 4. Gumamit ng kusot at kahoy. hindi hilado o bilasa. Pagkatapos pausukan. Mas matagal pinausukan. Bayaang kumulo nang limang minuto. Ang pagpapausok ay depende sa laki o pagkatuyo ng isda. 9. Takpan ang pausukan. Ilagay ang isda sa kumukulong tubig na may asin. Linising mabuti ang isda.KARAGDAGANG KITA SA MGA MANGINGISDA Paraan ng paggawa: 1. 8. Patuluin ang isda at ilagay sa bilao. Ihanda ang pinaghalong tubig at asin. Ang pagpapakulo ng isda rito ay upang matiyak na hindi magiging malata ang isda. 2. 3. Tiyaking tatagas lahat ang tubig mula sa isda. 4 . Ang sikreto ng masarap na tinapa ay nasa paggamit ng sariwang isda lamang. 6. mas matagal masira ang isda. Para sa 40 kilong isda. Tiyaking nakalubog dito ang isda.

Iwan sa loob ng tatlong araw. Ilagay sa plastik bag ang pinaghalong alamang at asin. 5 . Madali lamang gumawa nito hindi lamang para sa pansariling konsumo kundi maaari pa rin itong pagkakitaan. 4. 3. Mga kailangang gamit at sangkap: 2 lata ng mantika (kasya ang 17 kilo) o banga 2 pirasong plastik bag 1 banyera 1 malaking kahoy na sandok 50 kilong sariwang alamang 3 kilong asin Paraan ng paggawa: 1. Patuluin muna ang tubig mula sa alamang upang hindi ito masira. Ihalo ang tatlong kilong asin dito. BAGOONG ALAMANG Hindi sasarap ang kare-kare at manggang hilaw kung walang kasamang bagoong alamang. 2.KARAGDAGANG KITA SA MGA MANGINGISDA III. Linising mabuti ang mga lata at ilagay ang plastik bag sa loob nito. Talian ang bunganga ng plastik bag. 5.

panatilihin itong buo.Mas magandang gamitin ang banga kesa lata. Hugasang mabuti upang maalis ang dumi at burak. 6 . Kuskusin ng asin ang isda. Mga kailangang gamit at sangkap: 60 kilong sariwang isda plastik bag 2 malaking lalagyan para pagbabaran ng isda 6. Ang kailangang asin ay depende sa klase ng isda. lagay ng panahon. .5 kilong asin 10 pirasong baklad malinis na tubig tabla Tip: . Masarap din ang daing at tuyo sa almusal. Paglilinis a.Huwag gagamit ng food coloring. Kung tuyo ang gagawin. lalo na at may kasamang kamatis na sawsawan. kung daing. Masama ito sa kalusugan. Patuluin ang isda nang 20 minuto. Paraan ng paggawa: 1. 2. TUYO AT DAING Dahilan sa kakulangan ng pasilidad sa pag-iimbak ng isda at paiba-ibang paghuli sa isda. b.KARAGDAGANG KITA SA MGA MANGINGISDA IV. at kagustuhan ng mamimili. maraming mangingisda ang ginagawang daing o tuyo ang kanilang huli upang maiwasan ang pagkabulok nito. Pag-aasin a. hiwain sa likod at alisin ang bituka at hasang. c.

Ang inasnang tubig ay nagtatagal nang 2-3 araw lamang.1 daing 3. at 3-5 oras naman para sa malalaki. Pagpatung-patungin o isalansan ang mga isda at lagyan ng asin sa ibabaw ng bawat salansan.3 Isalansan nang maluwag ang mga isda bago ilagay sa matapang na solusyon.1.1. . Pagbabad sa inasnang tubig 3. 3. 3.2 Ibabad muna sa matabang na solusyon ang isda sa loob ng kalahati hanggang isang oras upang maalis ang mga dugo bago ilagay sa matapang na solusyon. Para sa maliliit na isda. kailangang nakalubog ito sa solusyon.2.1 Ilubog ang 60 kilong isda sa tubig na may asin at haluin manaka-naka upang maiwasang sumobra ang alat sa ilang bahagi nito. Para sa maliliit na isda. 3. .1 Ibabad ang isda sa inasnang tubig depende sa laki at nais na alat na isda.2.Palitan ang inasnang tubig kapag umasim ito.KARAGDAGANG KITA SA MGA MANGINGISDA b.2 Ihilera ang mga isda sa baklad.2 Tuyo 3. 7 . Paalala: . 3.1. mula 23 oras. Gumamit ng tatlong klaseng solusyon para sa ibat ibang uri ng isda: Matapang na solusyon: 50 kilong asin sa 100 litrong tubig (1:2) Katamtamang solusyon: 50 kilong asin sa 150 litrong tubig (1:3) Matabang na solusyon: 50 kilong asin sa 200 litrong tubig (1:4) 3.

Iimbak ang tuyo sa katamtamang temperatura. magaan ito at malambot ang laman. Ibalot ito sa plastik o sa kahong yari sa kahoy na nasasapnan ng wax paper. Kung maganda ang pagkatuyo ng isda. alat. Alisin ang isda sa inasnang tubig at ibilad sa araw mula 2-3 araw. b. Takpan ng screen ang nakabilad na isda upang hindi malangawan. Pagpapatuyo a. depende sa laki ng isda. 5. c. Baliktarin ang isda pagkaraan ng isa o dalawang oras upang maging pantay ang pagkatuyo. pagkatuyo. Tip: Maaari ring ipagbili ang natitirang isda sa mga gumagawa ng patuka. Mas mainam kung ibibilad ito nang 3-4 oras sa umaga at pahanginan sa loob ng kuwartong may katamtamang temperatura upang maiwasan ang mabilis na pagkatuyo. depende sa klase. Pag-iimbak at pagbabalot o pagpapakete a.KARAGDAGANG KITA SA MGA MANGINGISDA 4. Tumatagal ang tuyo nang hanggang anim na buwan. 8 . b. at kondisyon o klase ng pag-iimbak.

Binuo ng Sangay ng Serbisyong Mapanlikha Ahensiya ng Impormasyon sa Pilipinas (PIA) .

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->