1

M

Sakit sa Puso at Diabetes

“Ikaw, ano ang bp mo?”
arami ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng “presyon ng dugo” o “blood pressure”? Ang presyon ng dugo ay tumutukoy sa lakas at bilis ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Mahalaga ang presyon ng dugo para sa sapat na pagdala ng dugo ng sustansya sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Ito ay sinusukat sa dalawang numero: ang systolic at ang diastolic na presyon. Halimbawa, kapag sinabi ng duktor na 120 over 80. Ang unang numero (120) ang systolic na presyon, at ang pangalawang numero (80) ang tinatawag na diastolic na presyon. Konting paliwanag lang: Ang systolic na presyon ay ang pinakamataas na presyon sa ugat habang nagbobomba ng dugo ang puso. Ang normal na systolic na presyon ay hanggang 140 mm Hg. Ang diastolic na presyon ay ang pinakamababang presyon sa ugat habang ang puso ay nagpapahinga. Ang normal na diastolic na presyon ay hanggang 90 mm Hg. Maaaring mag-iba ang presyon ng dugo dahil sa mga sumusunod: 1. May ginagawa o napagod. 2. Pag-iba o pagpalit ng posisyon, gaya ng paghiga, pag-upo at pagtayo. 3. Pagkain, sakit na nararamdaman, pag-iisip at matinding pagkabalisa. Kailan sasabihing may altapresyon ang isang tao? Kapag ang presyon ng dugo ay mataas kaysa sa normal, at ito ay nananatiling mataas, ito ay tinatawag na altapresyon. Ang blood pressure na 140 over 90 (140/90) pataas ay nangangahulugan ng altapresyon! Alam niyo ba na sa isang 1

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain pangkaraniwang barangay, tinatayang mayroong isa sa apat na katao ang may altapresyon. Heto ang pinakabagong klasipikasyon ng Blood Pressure sa taong edad 18 pataas: Pinakamainam Mataas sa normal Altapresyon: Baitang 1 Baitang 2 Systolic < 120 120-139 140-159 > 160 at o o o Diastolic < 80 80-89 90-99 > 100

Ang mga pangkaraniwang sintomas ng altapresyon ay ang (1) sakit ng ulo sa bandang batok, (2) pagkahilo, (3) mabilis na tibok ng puso na halos kumakabog ang dibdib, at (4) paninikip ng dibdib. Hindi lahat ng taong may-high blood ay may sintomas. Karamihan nga ay walang nararamdaman. Ngunit delikado pa rin ito. Kung mataas ang inyong presyon, kumonsulta agad sa inyong duktor o health center.

Iwas sa maaalat kung may altapresyon
Isa sa bawat 4 na Pilipino ay may altapresyon. Kapag umaabot na sa edad 60, 1 sa 2 Pilipino ay may altapresyon na. Kung mataas sa 140 over 90 ang iyong presyon, may altapresyon o high blood pressure ka na. 1. Umiwas sa maaalat na pagkain. Ang pinakabawal sa may altapresyon ay ang pagkaing maaalat tulad ng hamon, mga sarsa, naka-delatang pagkain, at iba pa. Ang mga instant noodles ay napakataas din sa asin. Ang ginagawa ko ay kinakalahati ko lang ang seasoning ng noodles, pagkatapos ay kalahati din lang ang dami ng sabaw. Sa ganitong paraan, kalahati lang ang alat na makakain ko. Sa bawat pagbabawas ng asin sa pagkain, bababa ang inyong presyon. Ito ay dahil ang asin ay nag-iipon ng tubig sa katawan, na nagdudulot ng altapresyon. 2

Sakit Sa Puso, Maiiwasan Na 2. Kung ano ang timpla ng pagkain, huwag nang dagdagan pa ng sawsawan. Alam kong masarap ang toyo, patis o bagoong, pero maaalat po ito. Kung okay lang sa iyo, mas maigi pa ang suka o calamansi bilang kapalit. 3. Iwas alat, iwas kanser pa. Ayon kay Dr. Antonio Villalon, isang tanyag na espesyalista sa kanser, ang paggamit ng maraming toyo, patis at bagoong ay puwedeng magdulot ng kanser. Nakakatakot hindi ba? Ang sabi ni Dr. Villalon, maaaring may lahi ka na ng kanser. At kapag “nagising” ang selula mo ng mga masasamang pagkain, ay puwede maging kanser ito. Bukod sa maaalat, umiwas na rin sa mga pagkaing sunog (smoked foods), inihaw, matataba at hilaw (tulad ng kilawin). 4. Hindi mabisa ang pineapple juice sa altapresyon. Ang pineapple juice ay may vitamin C na masustansya, ngunit hindi po ito lunas sa altapresyon. Marami ang may ganitong maling akala. Ang pinakamabisa sa lahat sa pagbaba ng presyon ay ang pag-iwas sa maaalat at pag-inom ng gamot sa altapresyon. Kumonsulta sa inyong doktor.

Sakit Sa Puso Maiiwasan Na
Ayon sa American Heart Association, may 9 na sanhi ang altapresyon at sakit sa puso. 1. Nagkakaedad. Dumarami ang nagkakaroon ng altapresyon habang tayo ay tumatanda. 2. Mga lalaki. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng altapresyon ang mga lalaki, kaya mas dapat silang mag-ingat at magpa-check up ng maaga. 3. Lahi ng pamilya. Ang altapresyon ay maaaring mamana mula sa mga magulang. Kung may kamag-anak kayo na maagang namatay sa sakit sa puso (wala pang 50 anyos). Magpa-konsulta din kayo sa inyong duktor. 4. Pagkaing maaalat at matataba. Ang maalat na pagkain ay nagpapataas ng presyon ng dugo at nagbibigay ng manas sa paa. Ang matatabang pagkain naman ay nagdudulot ng pagbabara sa ugat ng ating puso at utak. 5. Sobrang katabaan. Dahil dito, ang puso ay mas puwersadong bumomba 3

Hindi aktibong pamumuhay. Ito ay nakapagpapakipot sa mga ugat at nagiging sanhi ng hindi magandang pagdaloy ng ating dugo. kapag kinargahan mo ng taba at 30 pounds. Paninigarilyo. Kung kulang ka sa ehersisyo. at Rosuvastatin. be happy. Kailan puwedeng hindi muna uminom ng Statins? Ayon sa National Cholesterol Education Program ng America. 7. Hindi ko po sinasabi na hindi mabisa ang mga Statins. Good luck po! Gamot sa Cholesterol. mas mataas ang posibilidad na ika’y tumaba. Kung ang suweldo mo ay P250 lang sa isang araw. Masisira agad ang iyong puso at tuhod. Stress o tensyon. Ang puso natin ay maihahalintulad sa makina ng kotse. Ang tawag dito ay Statins at nagkakahalaga ito ng P20 – P80 bawat tableta. Atorvastatin.Sakit sa Puso. para ka na ring nagbitbit ng 30 pounds. 8. Maging magalaw at maliksi. paano mo pa mabibili ang gamot na iyan. Ang malakas na pag-inom ng alak ay may masamang epekto rin sa ating puso. Ang stress ay nakapagpapataas ng presyon dulot ng sobrang pagkapagod ng katawang pisikal. Sobrang alak. atay. Diabetes at Tamang Pagkain ng dugo. 9. lalung-lalo na ng isip at emosyon. masisira ang makina at gulong nito. Ang mga kilalang Statins ay ang Simvastatin. Ganoon din ang katawan natin. Tandaan: Kung ang mga nabanggit na dahilan ay mababawasan o mababago. sikmura at utak. Ngunit kadalasan ay nareresetahan agad ang pasyente ng Statins kahit hindi pa ito kailangan. Sa katunayan ay napakabisa nito sa paglinis ng ating ugat. 6. Hindi Dapat Agad Inumin Napakaraming pasyenteng mahihirap ang nareresetahan ng mamahaling gamot sa cholesterol. binibigay ang 4 . maaaring makaiwas sa maraming sakit. Gumamit ng hagdanan. Kapag kinargahan mo ng 2 tonelada ang kotse. Don’t worry.

Hindi Dapat Agad Inumin Statins kapag ang cholesterol ay lampas 240 mg/dl at wala namang diabetes o sakit sa puso ang pasyente. Sana po ay nakatulong ang artikulong ito para malinawagan ng ating mambabasa kung kailangan ba talaga uminom ng Statins. puwedeng i-diyeta muna natin iyan. May mga generic na P10 hanggang P20 bawat tableta. may tinatawag na “poor man’s statin.” Ito ay ang Aspirin 80 mg tablet na P1. Ngunit may isa pang importanteng detalye: Ang mga babae na hindi pa menopause ay hindi gaanong matutulungan ng Statins. at napakataas ang iyong cholesterol (lampas 240 mg/dl). ipasuri muli ang cholesterol. puwede munang hindi uminom ng Statins ang mga babaeng hindi pa menopause. Kailan dapat uminom ng Statins? Kung ika’y nagkaroon na ng atake sa puso. karne. Makatutulong iyan sa sakit sa puso at mataas na cholesterol. Ang mura at epektibong statin ay ang Simvastatin. 5 . Paano kapag kulang sa pera? Kapag kapos pa rin sa pera. may ibang doktor na kahit 210 lamang ang cholesterol ay nagrereseta na ng Statins. Iwas taba. istrok.50 lang ang halaga. Ito’y dahil may estrogen pa sila sa katawan na nagproprotekta sa kanilang puso. may tulong din ang Statins. Tandaan ang numerong 240. Ang problema kasi. Kapag ang cholesterol test mo ay hindi pa umaabot sa 240. cakes at mantika muna. Okay lang sana kung mayaman ang pasyente.Gamot sa Cholesterol. Pagkaraan ng 2 buwan. Kapag lampas pa sa 240 mg/dl. Dahil dito. Paano naman kapag lampas sa 240 ang cholesterol? Sa ganitong pagkakataon puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. doon tayo magsisimula ng Statins. Pero unahin mo muna bilhin ang gamot sa diabetes dahil mas mahalaga ito. kailangan mo nang uminom ng Statins. Kung may diabetes ka.

Paano matatanggal ang sobrang manas ng heart failure? 1. kung saan lalabas sa telebisyon ang hugis ng puso. Ang sintomas ng heart failure ay ang pamamanas ng paa. juice. Bakit nanghihina ang puso? Ang karaniwang sanhi ng heart failure ay ang pagbabara ng ugat sa puso dulot ng altapresyon. Dahil dito. paninigarilyo at pagkain ng matataba. 2.Sakit sa Puso.000 depende kung saan gagawin. Parang nalulunod ang pakiramdam at kailangan nilang gumamit ng maraming unan. Base sa 2D-Echo. Nagkakahalaga ito ng P1. Ano ang gamutan? Kailangan magpa-check up agad sa isang cardiologist. malalaman kung may heart failure ang pasyente. Limitahan ang pag-inom ng tubig at likido sa 4 hanggang 5 baso lang sa isang araw. at matutubig na prutas. Gumamit ng 6 . May mga batang pasyente na may rheumatic heart disease ang nagkakaroon din ng heart failure. diabetes. Ilista ito sa papel. Kabilang na dito ang sopas. Kapag uminom ka ng isang tasang sabaw. 2.500 hanggang P4. nag-iipon tuloy ang tubig sa buong katawan. Paano malalaman kung may heart failure? Ang pinakamagandang test para malaman ang kondisyon ng puso ay ang 2DEcho. paghingal lalo na kapag nakahiga. nahihirapan ang puso na magbomba ng dugo sa buong katawan. Furosemide 40 mg tablet – Ito ay gamot na pampaihi. May mga gamot na ibinibigay tulad ng: 1. Ace-inhibitors tulad ng Enalapril 10 mg o Captopril 25 mg tablet – Mabisa ang gamot na ito para mapaliit ng bahagya ang lumalaking puso. Dahil mahina ang puso. Diabetes at Tamang Pagkain Solusyon sa Mahina ang Puso (o Heart Failure) May sakit na kung tawagin ay “heart failure” kung saan ay humihina ang masel ng puso. Sukatin ang iniinom at iniihi bawat araw. 4 na baso na lang ng tubig ang puwede mong inumin.

nangangahulugang may diabetes ka na. May pag-asa pa kahit mahina ang inyong puso. magpa-check up para sa diabetes. o namamayat.Diabetes Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay plastic na litro ng soft drinks para masukat ang lahat ng iniihi sa isang araw. 3. Ito’y para mapalitan ang potassium na nawawala sa katawan sa pag-ihi. Pero napakaraming pasyente na ang napagaling sa ganitong paraan. iced tea at mga juices. kailangan ay mas madami ang iniihi kaysa sa iniinom. Kumonsulta sa inyong doktor. laging nauuhaw. madalas umiihi. Sorry po. Kapag ang blood sugar ay higit sa 125 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar). Diabetes Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid. Timplahin ang pag-inom ng Furosemide para maabot ang layunin na 1 o 2 litro ng ihi sa isang araw. Pangalawa. 4. Kung 1 litro ang nainom. dapat ay suriin ang iyong asukal sa dugo. Sa ganitong paraan. kung mas mataas pa sa 140 mg/dl ang iyong fasting blood sugar ay puwede nang magsimula ng gamot. mabisa at epektibong gamot sa diabetes. Mag-tubig ka na lang. Bawasan ang pagkain ng matataba at matatamis. Marahil ay hindi na makukuha sa diyeta iyan. Lalo na kung may lahi ka ng diabetes. Mag-ehersisyo ng mas regular. May mga mura. Una. Alam kong mukhang mahirap ang paggamot ng heart failure. Ang ibig sabihin nito ay 20-50% ng iyong mga selula sa pancreas (o pale sa Tagalog) ay nasira na ng diabetes. mag-diyeta at mag-ehersisyo. Umiwas sa soft drinks. kailangan ay 1 o 2 litro ang iihiin sa isang araw. Simple lang ang gamutan sa diabetes. Ito ay ang (1) Met7 . Gagaling pa ba ito? Hindi ito mapapangako ng doktor. pero maaari pa nating maisalba ang mga gumaganang parte ng pancreas. Kumain ng 2 saging bawat araw. Huwag mangamba. Sa mga pasyenteng may heart failure at pamamanas. mababawasan ang manas at paghingal ng pasyente.

Sa pamamamagitan nitong 2 gamot. Mga 5 piso lang ang bawat isang tablet na mabibili sa Botika ng Bayan at Generics Pharmacy. Lalabo ang mga mata. Diabetes at Tamang Pagkain formin 500 mg na tableta. Hindi biro ang sakit na diabetes. At sa huli. Augusto Litonjua. mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Umiwas sa matatamis at matataba. Ang dalawang binanggit kong mga gamot ang pinakamabisa at pinakasubok na gamot sa diabetes. Kung ikaw ay may diabetes. Tumanggi sa Ice Tea. piliting makontrol ito. 1. Mag-tubig na lang. Soft Drinks at Capuccino. 3. Dahil dito. Sigurado pong hahaba ang buhay ninyo sa mga gamot na ito. Ang layunin natin ay mas bumaba pa sa 105 mg/dl ang iyong fasting blood sugar. Ang pag-inom ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar. Kumonsulta sa inyong doktor. Heto ang mga tips na dapat tandaan. Alam n’yo ba na ang pag-inom ng isang basong Ice Tea bawat araw ay nakapag8 . dapat ay mapababa na natin sa normal na lebel ang iyong blood sugar. Diyeta sa diabetes Alam n’yo ba na ang diabetes ay napakasama at nakamamatay? Kaya kung kayo ay may diabetes.Sakit sa Puso. mapuputol ang paa at masisira ang mga bato. Hindi na kayang makipag-sex. tumataas ang iyong asukal sa dugo ng lampas sa normal na 105 mg/dl. mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. hindi naman lahat ng pagkain ay pinagbabawal sa diabetes. Walang “mild” sa diabetes. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng wastong pagkain at wastong kaalaman. ibig sabihin ay 50% ng iyong mga selula sa pancreas ay nasira na. Puwedeng umabot ito sa dialysis at pagkamatay. Bawasan lang ang matatamis at mamantika na pagkain. Kung hindi mo tututukan ang iyong blood sugar. (2) Gliclazide 80 mg na tableta. tinaguriang Ama ng Diabetes Medicine sa Pilipinas. Mamamanhid ang mga paa at kamay. 2. Masisira ang ugat ng puso. Ayon kay Dr. ay mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito.

ubas. Ang pinakamainam na gamot sa diabetes ay ang mga nirereseta ng ating mga doktor. Ngunit madalas ay hindi pa rin napapa-normal ang asukal sa dugo. Hinay-hinay lang.Murang Gamot sa Diabetes daragdag sa inyong timbang ng 1 libra bawat linggo? Ang 1 basong soft drinks naman ay may 7 kutsaritang asukal. isang gulay at konting karne. Paano ginagamot ang diabetes? Sa umpisa ay kinukuha sa diyeta at exercise ang diabetes. junk food. Puwede ang isang kanin. Ang mga hindi nag-e-ehersisyo at may katabaan ay maari ding magka-diabetes. pineapple. Kung gusto mo ng mangga. Akala ng marami ay “all you can eat” ang mga prutas. taba ng baboy at French fries. Ang solusyon ay ang paglimita sa dami ng pagkain. Hindi po ito maganda. Murang Gamot sa Diabetes May 4 na milyong Pilipino ang may diabetes. Kailangan din ng katawan natin ang carbohydrates para sa balanseng diyeta. Soft drinks. Mali! Matamis at nakatataba din ang mga prutas tulad ng mangga. hindi ba? Mag-diyeta para ma-kontrol ang inyong diabetes. sitsirya. Bakit ko nasabi ito? Ito’y dahil sa klase ng ating kinakain. 4. Mansanas at peras ang pang-diyeta na prutas. May mga taong hindi na kumakain ng kanin para pumayat. abokado at lychees. Dahil dito. Isang platitong ulam o gulay. Pagdating sa ubas ay sampung piraso lang ang puwede. na may 1 tasang kanin ay sapat na. May pagsusuri na nagpapatunay na ang soft drinks ay puwedeng magdulot ng diabetes. At napakarami pa ang magkakaroon nito sa darating na panahon. Sa katagalan ay manghihina kayo at mawawalan ng sigla. tubig lang talaga ang tunay na walang calories. 5. Grabe ang tamis! Kaibigan. marami ang nangangailangan ng gamutan. isang pisngi lang ay sapat na sa isang kainan. 9 .

Depende sa antas ng inyong blood sugar. kaya lumalala tuloy ang sakit nila. kailangan na magumpisa ng Insulin injections. Ang Metformin ay binibigay mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon depende sa taas ng iyong blood sugar. malaki ang naitutulong ng Insulin para hindi mahirapan ang ating pale (pancreas). 2. 3 beses din sa isang araw. tinitimpla ng mga doktor ang dosis ng gamot na ibibigay sa iyo. Metformin 500 mg tablet – Ang Metformin ay binibigay sa pasyenteng may katabaan. Ang isang murang brand name ay ang Glubitor na 6 na piso lamang. Diabetes at Tamang Pagkain 1. At Gliclazide 80 mg tablet. Huwag pong matakot sa Insulin. mas epektibo ang mga regular na gamot. Mas mura pa ang mga ito. Pinakamurang gamot sa diabetes Kung gipit kayo sa budget.Sakit sa Puso. Iniinom ito ng 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Ito ang 4 na bagay na dapat nilang tandaan. 3 beses sa isang araw. Gliclazide 80 mg tablet – Ang Gliclazide ay mas malakas magpababa ng asukal kaysa sa Metformin. Nakababawas ito ng gana sa pagkain. Minsan ay pinagsasabay ang Gliclazide sa Metformin. may murang mga generic na gamot na mabibili sa mga tindahan tulad ng Botika ng Bayan at Generics Pharmacy. Ang pinakamataas na dosis na aking binibigay ay ganito: Example: Metformin 500 mg tablet. 10 . tulad ng Metformin at Gliclazide. Matigas ang ulo at ayaw makinig sa doktor. Kapag umiigi na ang pakiramdam ay itinitigil na ang gamot. kaysa sa mga food supplements. Nagkakahalaga lang ng 2 o 5 piso ang bawat tableta ng Metformin o Gliclazide. Huwag Pasaway. Magpatingin sa inyong doktor. Sa katunayan. Inumin Ang Gamot Niyo Mayroong mga pasyenteng pasaway. At kapag hindi pa rin bumaba sa normal ang blood sugar. Paano naman ang food supplements? Sa aking pananaw.

Subukang maggenerics dahil mura ang generic na gamot. diabetes at sakit sa puso. Paano masisiguro na regular ang pag-inom ng gamot ng pasyente? Sa mga madalas makalimot. Kaya kung puwede lang ay huwag maging pasaway. mahalaga ang pag-unawa ng pamilya. panghabang-buhay po ang pag-inom ng mga gamot na ito. Kumonsulta muna sa inyong doktor bago ihinto o baguhin ang mga gamot. Ibalik si itay o inay sa doktor kada-tatlo o kada-anim na buwan. Puwede bang ihinto ang gamot kung maayos na ang pakiramdam? Hindi puwede! Tandaan. tandaan ang 2 bagay: (1) Ano ang pangalan ng gamot na iniinom? (2) Paano at kailan ito iniinom? Ilista sa papel para hindi makalimutan. Kaya nasa tamang antas ang inyong blood pressure ay dahil may epekto pa ang gamot. iyong hugis tatsulok.” Ibig sabihin ay i-maintain o ituloy mo ang pag-inom. Kapag inihinto mo ang pag-inom nito. Kadalasan. kumuha ng Senior Citizen card sa City Hall at ipakita ito sa botika upang mabigyan ng diskuwentong 20%. May mga magulang na hindi iniinom ang kanilang gamot dahil napakamahal daw nito at ayaw nilang pagastusin ang kanilang mga anak. Paano makakamura sa pagbili ng gamot? Kung kayo ay lampas 60 ang edad.” Ano ba iyan? Ano ba ang tingin mo sa mga doktor. 11 . “Dok. Dapat inumin ng tuloy-tuloy ang mga gamot sa altapresyon. Inumin ang maintenance na gamot para humaba ang inyong buhay. maraming gamot ang tinatawag na “maintenance medicine. Puwede ring bantayan kung iniinom ng inyong asawa o magulang ang kanilang mga gamot. 3. Sabihin din sa inyong doktor kung puwedeng palitan ng mas murang brand ang mga iniinom na gamot. 4. Importante iyan! 2. iyong bilog at iyong kulay pink na gamot. muling tataas ang presyon ng dugo.Inumin Ang Gamot Niyo 1. mayroong nabibiling espesyal na lalagyan ng gamot na may markang Lunes hanggang Linggo sa labas. Kaya payo ko sa mga kamag-anak o nag-aalaga sa pasyente. Dahil dito. Ano ang dapat tandaan ng isang pasyente tungkol sa gamot niya? Naiinis ang doktor sa pasyenteng hindi alam ang kanilang gamot. manghuhula.

Kamatis – Ang kamatis ay mataas sa lycopene na tinatawag na anti-oxidants. hika. sakit sa tiyan. 1. spinach at iba pang mga talbos ay napakahalaga sa katawan. Sagana ito sa bitamina. 12 . tumutulong sa pag-iwas sa atake sa puso at istrok. pechay. 4. Ang kamatis ay makatutulong din sa pag-iwas sa mga kanser. Carrots – May pagsusuri ang nagsasabi na ang carrots ay panlaban sa kanser. suha at dalandan – Masustansya ang mga prutas na ito dahil may Vitamin C. Citrus fruits tulad ng calamansi. Matatabang isda – Ang mga oily na isda tulad ng sardinas. 5. Ang ketchup at tomato sauce na galing sa kamatis ay mainam din. Ang Omega-3 ay nag-aalaga ng puso. 3.2 2 Tamang Pagkain Ang Pinakamasustansyang Pagkaing Pinoy A lam mo ba ang mga pinakamasustansyang pagkain para sa ating kalusugan? Ano ba ang pinaka-healthy na pagkaing ginawa ng Diyos para sa tao? Hindi ko na kayo papasabikin. diabetes. kangkong. heto ang aking listahan. minerals at iba pang healthy na kemikal. Ang Vitamin C ay panlaban sa mga sakit tulad ng sipon. sa tingin ko ay puwede ka nang hindi mag-vitamins. Ma-berdeng mga gulay – Ang gulay tulad ng repolyo. Kapag mahilig ka sa gulay. 2. tilapia. at nagpapababa ng kolesterol sa katawan. Ang problema lang ay mahal ang mga isda na ito. broccoli. at arthritis. Ayon sa pagsusuri. Ang gulay ay mabuti rin sa maraming sakit tulad ng sakit sa puso. Pang-alis ito ng dumi sa ating mga selula. colon cancer at iba pang kanser. ang Omega-3 supplements ay punong-puno ng healthy na Omega-3. tuna at mackerel ay may Omega-3.

Gatas. 9. Nakita niyo ba ang laki at lakas ng mga Americano? Ginagawa kasi nilang tubig ang pag-inom ng gatas. may carbohydrates at may taba din.” Ito’y dahil ang gatas ay may protina. keso at yoghurt – Ang mga produkto ng gatas tulad ng mga nabanggit ay matatawag nating “complete foods. mag-saging ka. Ang saging ay lunas din sa mga nanghihina at may cramps dahil mayaman ito sa potassium. May taglay na pectin ang apple na nag-aalis ng dumi sa katawan. ang tanyag na tennis player? Kumakain siya ng saging sa gitna ng kanyang laban. Nakakabusog pa ito at puwede sa mga nag-di-diyeta. Kailangan ni Federer ng lakas at sigla. May calcium pa para sa kababaihan. 10. Lalu na ngayong tag-init. panlinis ng katawan. Puwede ito gawing lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura. 6. Bumili ng purified water o pakuluan ng 5 minuto ang tubig. Saging – Ang saging ang pinakamasustansyang prutas para sa akin. (12) monggo na mataas sa protina at mura pa. Mansanas – “An apple a day.Ang Pinakamasustansyang Pagkaing Pinoy Ito ay may Vitamin A na mabuti sa ating mga mata. Tubig – Kasali ang tubig sa ating listahan dahil marami sa ating Pinoy ang kulang sa pag-inom ng tubig. Mayroon pang 10 pagkain sa aking listahan: (11) Ampalaya para sa diabetes. Nakita niyo na ba si Roger Federer. Siguraduhin lang na malinis ang tubig na iniinom para hindi magka-typhoid o cholera. (15) kamote 13 . pagbawas ng acid sa tiyan at pampaganda rin ng ating kutis. Bawang – Ang bawang ay makatutulong sa pagpapababa ng kolesterol. nakakapayat ang carrots dahil 35 calories lang ang kalahating tasa nito. Isa pa. Sa mga gustong magpapayat. Ito’y dahil natatapalan ng saging ang mga sugat sa tiyan. at saging ang sagot. 7. keeps the doctor away.” Tunay po iyang kasabihan. (13) luya tulad ng salabat para sa boses at pagsusuka. kailangang uminom ng 8-12 basong tubig. Kung lagi kayong pawisin at gusto niyong lumakas. Kaya turuan natin ang ating mga anak na kumain ng carrots. (14) oat meal para bumaba ang kolesterol. Makatutulong ito sa pag-iwas sa impeksiyon sa ihi. low-fat milk ang inumin. 8. Mag-ingat lang sa pagkain nito dahil puwedeng humapdi ang iyong tiyan.

Mga “Not-so-healthy” Foods Na Hilig Ng Pinoy Alam mo naman tayong mga Pinoy. Kaibigan. minsan. Matatabang sarsa tulad ng gravy. Masisira ang ating atay. 8. Sana po ay matago niyo ang listahang ito at maipamahagi sa iyong mga kaibigan. Nakapagdudulot din ito ng maraming kanser.” Masama po ang alak sa ating kalusugan. guilty ka diyan. Mas mainam pa ang suka. (16) wheat bread dahil mataas ito sa fiber. 6. 10. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta sa numero 1. hilig natin ang mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan.Sakit sa Puso. mag-tubig ka na lang! 9. Mag-ingat din sa diet soft drinks. Junk food – Nakaka-addict ang mga sitsirya at chips. Soft drinks – Naku. tulad ng kilawin na isda o karneng may dugo pa. Ito’y dahil may halong vetsin at asin. dahil may halo itong phosphorous. mayonnaise at butter. Wala po itong silbi sa katawan kaya turuan natin ang ating mga anak na iwasan ito. Hindi sapat ang pagsawsaw sa suka o calamansi para 14 . Tadtad iyan ng calories. Nakatataba at masama ito sa mga may diabetes. Kaya grabe ang tamis. Alak – May mga pasyente ang nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso. ang sagot ay. (17) taho at tofu. nauubos ko ang isang bote. Kapag tinanong ko kung gaano karami ang iniinom. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Medyo hilaw na karne – Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na laman. 7. may sakit sa puso at mataas ang kolesterol. at (20) mani para tumalino. Diabetes at Tamang Pagkain dahil sa taglay na Vitamin A. French fries – Mataba at mamantika ang French fries. (19) buko at buko juice para sa kidneys. (18) tsa-a tulad ng green tea. ang pinakamasama sa lahat. calamansi o hot sauce bilang sawsawan. Siguraduhin lutongluto ang inyong kinakain. Ito ang sinisisi ng maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong matataba. ugat at utak. 5. ‘di ba? Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. “Doc.

Mag-ingat! “Overweight ka ba?” Alam niyo ba ang inyong tamang timbang? May taong mukhang payat.” “Eh saan ba nagtatago ang taba. patikim-tikim na lang. 15 . pero iyan po ang buong katotohanan. Huwag makipagsapalaran. Kaibigan. May mga eksperto ang nagsasabi na puwedeng magdulot din iyan ng kanser.” hirit pa niya. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball. Lechon – Ang paborito ng lahat kainin ay ang lechon. taba pa rin iyan. Magpopcorn ka na lang. Kung gusto ninyo na malaman kung mataba kayo o hindi. 2. Kapag ang mga street vendors ay hindi naghuhugas ng kamay. Chicharon at chicharon bulaklak – Sabi ng kaibigan ko. bato at bituka. taas at kasarian. Sobrang taas iyan sa uric acid at kolesterol. heto ang lista ng tamang timbang batay sa edad. Gulay at isda lang talaga ang masustansya para sa inyo.” ang sagot ko. pero payat naman. 1. 3. crispy pata at pata tim. 70% ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan. May taong mabilog ang mukha. Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak. “Balat lang naman ang gusto ko at hindi naman taba. pero ang taba ay nasa bilbil. puso. Sorry po kung nasaktan ko ang inyong damdamin. puwedeng mailipat ang bulate sa ating pagkain. 4. Laman loob – Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga Pinoy ang pagkain ng utak. Kaibigan. Street food – Ayon sa pagsusuri. “Sinawsaw ko naman sa suka. queck-queck at iba pa.“Overweight ka ba?” mapatay ang mga bulate at mikrobyo. Ang resulta? Istrok at atake sa puso.

3. Diabetes at Tamang Pagkain Lalake Taas Timbang Pounds Kilo 4’ 10’’ 4’ 11’’ 5’ 0’’ 5’ 1’’ 5’ 2’’ 5’ 3’’ 5’ 4’’ 5’ 5’’ 5’ 6’’ 5’ 7’’ 106 112 118 124 130 136 142 148 48.3 5’ 0’’ 5’ 1’’ 5’ 2’’ 5’ 3’’ 5’ 4’’ 5’ 5’’ 5’ 6’’ 5’ 7’’ Taas Babae Timbang Pounds 90 95 100 105 110 115 120 125 130 135 Kilo 40. tatlo hanggang limang beses kada linggo.9 43.Sakit sa Puso. Ang ibig sabihin ay puwede kang magkasakit ng diabetes.6 67.2 45. may ilang tips dito para magpapayat: 1. Pumili ng ehersisyong kinasisiyahang gawin at isagawa ito ng mga 30 minuto. Ang mga pildoras na pampapayat (diet pills) ay pansamantala lamang ang epekto.2 50. ang tamang pagbabawas ng timbang ay 1-2 kilo lamang bawat buwan at hindi hihigit pa rito. Kapag lumampas ka ng 10 pounds sa timbang na iyan ay tatawagin ka ng “overweight” ng iyong doktor. Kumain nang dahan-dahan para maramdaman agad ang pagkabusog at paunti-unti ring bawasan ang dami ng kinakain. Kung sobra ka sa timbang.4 47. 16 . Kapag sobra sa timbang.0 52. I-rekord at bantayan ang iyong timbang habang patuloy na minamanmanan ang iyong kinakain. 4. 2. ang tamang timbang mo ay 136 pounds lamang.4 Halimbawa.3 54. Iwasan ang mga sitsirya (junk foods).4 59.6 56.1 61.8 64. 5. kung kayo ay lalaki na may taas na 5 feet at 5 inches.8 59.1 61. soft drinks at juices.7 50.9 53.6 56. arthritis at sa puso.

Magbawas sa Pag-inom ng Iced Tea at Soft Drinks Magbawas sa Pag-inom ng Iced Tea at Soft Drinks Kung kayo po ay sobra sa timbang. Sa ubas ay 10 piraso lang ang pinakamadami. Malaki ang maibababa sa timbang ninyo. baka kayo tumaba. Umiwas sa Coffee at Energy drinks Walang gaanong benepisyo ang makukuha sa mga coffee drinks. Kung gusto ng mangga. Bawal na bawal ang mangga at ubas dahil sobra itong matamis. Puwede kang magka-osteoporosis. pineapple juice at kung anu-ano pang juices. at full cream milk ang kape mo. Alam niyo ba na ang katumbas ng isang cappuccino with whipped cream ay 3 pla17 . para ka na rin kumain ng 7 kutsaritang asukal! Ganoon din ang iced tea. may altapresyon o gusto lang maging malusog. ang pag-inom ng soft drinks ay puwedeng maging sanhi ng diabetes. Orange juice. sundin ninyo ang payo ko: Magbawas tayo sa Iced Tea. Mabilis din itong makataba at magpalaki ng tiyan. peras at konting saging lang ang puwede. Anong prutas ang puwede sa mga nagpapapayat? Mansanas. Mataas ito sa calories at asukal kahit sabihin mong “unsweetened” pa. Dahil ang diet soft drinks ay may halong phosphorous na nagtatanggal ng calcium sa ating katawan. Gamot. Lalo na kung may halo pang whipped cream. isang pisngi lang ang puwedeng kainin. Kapag uminom kayo ng maraming juices. Puro asukal din iyan kaya grabe ang tamis! Ayon sa siyentipikong pagsusuri. may diabetes. Ang payo ko ay mag-tubig na lang! Nakatataba ang Pineapple Juice at iba pa Kung kayo’y may katabaan. Hindi ko alam saan nanggaling ang paniniwala na maganda sa altapresyon ang pag-inom ng pineapple juice. Alam ba ninyo na ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Hindi po ito tunay. ang payo ko ay umiwas din sa mga fruit juices. soft drinks at kung anu-ano pang matatamis na inumin. diyeta at exercise lang ang magpapababa ng blood pressure. Kahit “No-sugar” o “Lite” pa ang inyong inumin ay may peligro pa rin. chocolate. Kapag uminom kayo ng soft drinks.

Kung ika’y may altapresyon. Kung ika’y may sakit sa puso. puwede itong makasama sa iyo. Nakaka-addict ang caffeine at nakabibilis pa ng tibok ng puso. Kaya kaibigan. bawal ang energy drinks dahil puwedeng tumaas ang blood pressure mo. Piliin ang nilagang itlog kaysa sa pritong itlog. bacon at tocino. Sa kahit anong bagay ay dapat hinay-hinay lang ang pagkain. 18 . kailangan limitahan mo ang pagkain ng itlog sa 3 itlog lang sa isang linggo. Ngunit sa kabilang banda ay may 213 milligrams ng kolesterol ang isang pula ng itlog. walang sakit sa puso. Papayat ka pa at makaiiwas ka pa sa maraming sakit! One Egg A Day Lang Po! Marami ang nagtatanong kung ilang itlog ang puwede nilang kainin? May magandang balita at hindi magandang balita tungkol sa itlog. Sari-sari ang opinyon tungkol sa itlog. Heto ang payo namin: 1. vitamin B12. Mabuti ito sa katawan at masustansya. Ang itlog ay may protina. Mataas ito sa kolesterol dahil ang rekomendasyon ng American Heart Association ay huwag kumain ng lampas sa 300 milligrams ng kolesterol sa isang araw. Kung ika’y malusog. Mag-ingat lang sa mga kasamang pagkain ng itlog tulad ng hotdog. 3. vitamin D. Ngunit ang sasabihin ko ngayon ay ang deklarasyon ng mga doktor ng American Heart Association at Philippine Heart Association. Kung gusto mo kumain ng itlog. mas maigi ang puti ng itlog na lang ang kainin at huwag na lang ang pula o egg yolk. Nasa egg yolk kasi ang kolesterol. Eat eggs in moderation. Kapag sinobrahan mo ang isang bagay.Sakit sa Puso. tubig lang ang dapat inumin. diabetes o problema sa kolesterol. diabetis o mataas ang kolesterol. puwede kang kumain ng 1 itlog sa isang araw. riboflavin at folate. 2. Diabetes at Tamang Pagkain tong kanin na? Masama din sa kalusugan ang mga energy drinks dahil mataas ito sa caffeine.

tinapa. suha at mansanas. Kailangan ay balanse ang ating diyeta. Heto ang listahan ng puwedeng ipalit sa mga pagkaing mataas sa kolesterol at asukal. patis. hamon. Good luck po! “Dok. Limitahan din sa isang beses kada linggo ang mga pagkain ng pato. sagana sa bitamina ang saging. manok. tilapia at bangus belly. pagkaing prito. talaba at alimasag. tuyo. bakit lahat ng katakam-takam kainin ay masama daw sa katawan?”“Tama ka diyan. vetsin. 19 . Bawal po ang asin sa mga may high blood. at mga pagkaing de-lata. karne norte. hindi ko mapapayo ang pagkain ng lampas sa 1 itlog sa isang araw. Masustansya ang gulay tulad ng kangkong. toyo. Sa mga misis. bawasan ang maaalat na pagkain tulad ng tocino. gata. at skim milk. prutas at isda. ano ang bawal kainin?” May pasyente ako na nagsabing. palitan ng skim milk. sausage. at taba ng karne. lechon. Ang ensaymada ay maraming mantika at asukal. magbeyk (maghurno) o mag-ihaw na lamang kaysa sa magprito. carrots at kalabasa. ano ang bawal kainin?” Para sa akin. Sa prutas. Ang full cream milk ay nakatataba. hamon. pan-de-sal na lang. Hiwain at tanggalin ang taba sa mga karne. 2. mabuti sa katawan ang sardinas. Ang taba ng baboy at baka ay masama. Mainam na magpakulo. Mag-dahan-dahan tayo sa pagkaing mataas sa taba at kolesterol gaya ng chicharon. “Ewan ko nga ba kung bakit ang masasarap ay bawal?” Ano ang mga dapat natin kainin at iwasan? Kumain ng mga pagkaing wala o mababa sa taba at kolesterol gaya ng gulay.” wika ko. 1. malunggay. Kumain ng gulay. limitahan ang pagkain nito sa tatlong beses sa isang linggo. Mabuti lahat iyan sa katawan. Sa isda naman. may payo tayo sa tamang paraan ng pagluluto ng mga pagkain. asin. mantikilya. bagoong.“Dok. Kumain na lang ng taba ng isda na mas-healthy. Kung mahilig kayo sa itlog. Itapon ang mantikang lumabas sa karne habang niluluto ito. “Dok. Kung kayo ay may altapresyon. 3. isda.

2 mg. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw. 3.U. magtubig na lang. Magbawas sa mayonnaise sa ensalada. Vitamin A: 430 I.Sakit sa Puso.. Vitamin C: 10 mg. parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A. Kung hilig mo ay magpulutan tulad ng chicharon bulaklak. matutunang gumamit ng suka. puwede bang ice candy at gulaman na lang? Alagaan natin ang ating kalusugan. 8. Saging: Ang Pinakamasustansyang Prutas sa Buong Mundo May kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away. Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories. Imbis na uminom ng softdrinks o iced tea. 6. Carbohydrates: 23 grams. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. Iron. at Protein: 1. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan. Vitamin B: Thiamine . Ang bago ngayon ay “Two bananas a day will keep the doctor away.. Tiyak na papayat ka diyan. C. Huwag piliin ang sinangag. 2.. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon. Kumain ng tama. kumain na lang ng popcorn o butong pakwan. B. Parang Multivitamin . sinaing na kanin na lang. at Potassium ito. 7. dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw. 5. Calcium. Para sa puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina.” Mali na po iyan. Marami ang benepisyo ng saging: 1. Diabetes at Tamang Pagkain 4..Kung susuriin mo.. Calcium: 8 mg. Iron: 6 mg.. you can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like 20 .04 mg..” Marami nang pagsusuri ang nagpapatunay na ang saging ay napakabuti sa katawan. Para sa tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Phosphorus: 28 mg. Sa mga naglilihi sa ice cream at cake na may icing. Potassium: 260 mg.

Para sa nag-e-ehersisyo – Sa mga mahilig mag-ehersisyo. Kaya kung nalulungkot ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend. kumain ka ng saging para lumakas at lumusog. kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Mahirap kainin.Dahil mataas sa fiber ang saging. Kung ikaw naman ay ane21 . Tipid pa! 4. Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin. kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Pang-baon talaga – Kaibigan. Talagang ginawa ng Diyos ang saging para kainin. marami din ngayong nagbebenta ng malunggay bread. Madaming Bitamina Ang dahon ng malunggay ay sagana sa calcium at iron. 5. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Posibleng makabawas sa leukemia at hika sa bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata ay lagi mong papakainin ng saging. Kumain ng saging. mas hindi sila hihikain. malunggay noodles at iba pang pagkain na may sangkap na malunggay. 8. at hindi rin magkakaroon ng leukemia. 7.Kumain ng Malunggay Piolo Pascual. 6. Magbaon ng 2 saging sa iyong bag. Kumain ng Malunggay Alam ba ninyo na napakasustansya ng malunggay? Bukod sa pagkain ng malunggay. Alamin natin ang galing ng malunggay. hindi ba? Pero ang saging ay napakadali ibaon. puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit sa bituka natin. Hindi pa ito tiyak. huwag nang lumuha. Mabuti sa colon . pero marami ang naniniwala nito. Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo.

4. Ang prutas ng malunggay ay masustansya din at mataas sa carbohydrates. vitamin A at vitamin C ang malunggay. Itapal sa sugat . ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat na bata.Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay arawaraw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan. Marami pang galing ang itinatago ng malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno.Sakit sa Puso.Kapag ika’y tinitibi. ang malunggay ay may mas maraming bitamina. kumain din ng 1 tasang dahon araw-araw. 2. calcium. Mataas din sa protina. Kumpara sa ibang prutas at gulay. Mga benepisyo ng malunggay: 1. Puwede din pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin. At dahil sa bitamina nito. Pampalakas ng katawan . Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga Maraming doktor ang nagulat sa galing na ipinakita ng pakwan. may iron ang malunggay na nagpapadami ng ating dugo. Pampadami ng gatas ng ina . Super-gulay talaga ang malunggay. Lagyan ng konting tubig at initin. potassium. iron at phosphorus. Ito ang lumalaban sa stress at nagpapabagal sa ating pag-edad. Sino ang magaakala na pagkatapos ng maraming dekada.Kapag kulang ang gatas ng ina. 3. Diabetes at Tamang Pagkain mic o kulang sa dugo. Para sa constipated . ngayon lang nadiskubre ang mga 22 .Kapag ika’y may sugat. puwedeng ilagay ang dinurog na dahong malunggay sa sugat. Mura at masustansya ang malunggay. Kaya magtanim na ng malunggay sa inyong bakuran. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat. Ang mga bitaminang A at C ay tinatawag na anti-oxidants. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Ang problema lang ay dapat masanay ang mga bata na kumain nito. Makatutulong ito sa pag-ayos ng iyong pagdumi. kumain din ng 1 tasang dahon sa gabi.

na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Pampalakas ng sex drive – Ayon sa mga eksperto. mas mabuti pa ito sa katawan. 7. Dahil dito. napapabilis nito ang ating pagdumi. Ang potassium at magnesium ng pakwan ay may tulong din sa blood pressure. 8. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat sa ari ng lalaki. 5. Tulong sa pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansya dahil may taglay itong lycopene. para na ring Viagra ang epekto ng pakwan. Ito’y dahil sa sangkap na lutein ng dilaw na pakwan. may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pag-bawas sa bad breath. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser. Bukod sa pakwan. posibleng may tulong ang pakwan sa pagpapagana sa sex. ang kamatis ay mayaman din sa lycopene. May katas na alkaline water – Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. 4. Nagpapababa ng presyon – Dahil pinapaluwag ng arginine ang ating ugat. May nagsasabi na mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide. Kung ang pulang pakwan ay panlaban sa kanser. Kung ika’y sinisikmura o may ulcer. 2. Makatutulong sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan. Kung ika’y laging tinitibi (constipat23 . Mabuti sa mata – Ang pakwan ay mayroong vitamin C at vitamin A na kailangan ng ating mata. umiwas sa katas ng orange at pinya dahil maasim at acidic ito. 3. ang dilaw na pakwan naman ay makatutulong sa pag-iwas sa katarata sa mata (macular degeneration). Dahil dito. nakapagpapababa din ito ng blood pressure. At kapag mas maraming pakwan ang iyong kakainin. Maigi sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture.Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga sikreto ng pakwan? Alamin natin ang bisa nito: 1. ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso. Ngunit hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot. 6. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto.

11. Para makaiwas sa heat stroke – Kapag napakainit ang panahon. 12. 14. maganda itong lagyan ng yelo. May tulong sa gout at mataas na uric acid – Ang katas ng pakwan ay makapagpapababa ng uric acid sa ating katawan. tinatapal ang balat ng pakwan sa ulo at bandang sentido para matanggal ang sakit ng ulo. 9. May natural na asukal din ang pakwan na nagpapasigla sa atin. makatutulong din ang pakwan sa iyo. Paalala: Huwag kainin ang buto ng pakwan. kumain ng maraming pakwan. 16. Puwede din lagyan ng laman ng pakwan ang parteng napaso. 13. At kung ika’y may bato sa bato (kidney stones). Para sa sakit ng ulo – Sa South Africa. Ang glutathione ay maaaring makaputi ng balat at nagpapalakas pa ito ng ating immune system.Sakit sa Puso. Mainam sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice. Kung ika’y may impeksyon sa ihi. Napakahaba ang listahan ng benepisyo ng pakwan. kumain ng pakwan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo sa pantog. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansyang katas na nagpapalamig sa ating katawan. Sa mga may arthritis dahil sa uric acid (gout). Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Kain na! 24 . Magiginhawahan kayo at mababawasan ang rashes.Kapag napaso ang iyong balat. Ipahid ang loob ng pakwan (pulp area) sa parte na may bungang araw. 10. ang glutathione ng pakwan ay mas marami pa kaysa sa ibang mga prutas at gulay. potassium at iron. puwede tayong mahilo at manghina. Bilang pampaputi – Alam niyo ba na may glutathione din ang pakwan? Oo. kumain ng pakwan. nagbibigay ito ng lakas sa katawan. nililinis ng pakwan ang ating kidneys at pantog. Diabetes at Tamang Pagkain ed). First-aid sa bungang araw – Kumuha ng balat ng pakwan at palamigin sa refrigerator. First-aid sa sunburn at pagkapaso . Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B. 15. Dahil dito.

prutas. Bawasan ang Kanin Ang payo ko sa mga may diabetes o sa mga matataba: Bawasan ang kanin. Ang mga bad carbohydrates naman ay ang white rice. Ang sikreto nila: Huwag daw magpakabusog. Nakita niyo na ba ang 1 supot ng kanin sa fastfood. patatas at white bread. Damihan mo na lang ang gulay mo tulad ng repolyo. kaya nga tayo tumataba? Sino bang nagsabi na puwede mong ubusin ang isang bandehadong kanin. biglang tataas ang asukal niya sa dugo. Ang mahilig sa rice ay lumalaki ang bilbil. maigi din na bawasan ang kanin. Huwag lang ubusin ang isang supot. Kapag ang diabetiko ay kumain ng 2 platong kanin. Madali silang tumigil sa pagkain. Hindi tulad ng gulay kung saan dahandahan ang pagpasok ng sustansya sa ating katawan. Ngunit kung tinapay ang hilig. Ganoong karami lang ay sapat na. Alam kong may mag-rereklamo. imbes na magkanin at tap-si-log ay mag-pandesal na lang at sardinas. pansit at wheat bread. Mabilis kasi madurog at ma-absorb ang kanin sa ating katawan. ampalaya at kangkong. Ito ang mga gulay. 25 . Para sa may katabaan naman. Kahit 3 pandesal ay puwede naman. Para sa mga may diabetes. Kaya magbawas sa kanin para pumayat at makontrol ang diabetes. “Paano naman iyan. May nadiskubre ngayon ang mga eksperto na kung tawagin ay “good carbohydrates” at “bad carbohydrates. Bakit? Dahil ang kanin ay nakatataba at nakatataas ng antas ng ating blood sugar.” Ang good carbohydrates ay hindi gaanong nagpapataas ng asukal sa ating dugo. masisira ang kanyang mga organo. At may sikreto pa ang mga Hapon na umabot sa edad 100. Good luck po. mas papayat sila. matutuklasan niyo na biglang tataas ang iyong blood sugar 15 minutos pagkatapos kumain ng rice. Sa katagalan. Sa umaga.Bawasan ang Kanin Sa May Diabetes at Matataba. hindi ako mabubusog kung walang kanin?” Eh. Basta may laman lang ang tiyan ay puwede na.

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Paano Iiwas sa Pagkaing Nakalalason
Nakakaawa po ang ibang balita sa diyaryo, “27 bata nalason sa pagkain.” Dahil dito, naghanda ako ng mga epektibong tips para maka-iwas sa pagkalason. 1. Piliin ang mainit na pagkain. Mas safe ang mga bagong lutong pagkain tulad ng kumukulong sabaw. Mainam din ang hot tea bilang inumin. 2. Piliin ang tuyo na pagkain. Mabilis masira ang mga ulam na may sarsa, lalo na yung may gata. Para ligtas, kumain na lang ng pritong karne o inihaw na isda. 3. Amuyin, tingnan at tikman muna ang pagkain. Kung amoy panis ang pagkain, huwag isubo. Kung lasang ipis, iluwa ito. Kung may itim-itim na mukhang dumi ng ipis, ipaalam sa waiter. 4. Limitahan ang pagkaing may gatas. Madaling mapanis ang cheese whiz, cheese pimiento, buko salad at mga may mayonesa. Kung hindi mapigilan ang sarili, konti lang ang kainin para kung may mikrobiyo man, ay malalabanan mo pa rin. 5. Huwag kumain ng hilaw. May mga nagpapa-sosyal sa half-cooked na laman, yung may dugo pa. Mag-ingat at maraming bulate ang puwedeng mamuhay sa karne tulad ng mga beef and pork tapeworms. Lutuin maigi bago kainin. 6. Piliin lang ang kakainin. Alam ko kapag handaan, gusto natin tikman lahat ng pagkain. Kaya lang, kung may panis na isang putahe ay siguradong damay ka sa pagtatae. Para ligtas, pumili lang ng iilang klase ng pagkain. 7. Malinis na tubig ang inumin. Huwag magbakasakali sa tubig sa gripo. Hindi po ito malinis at posibleng magdulot ng typhoid, amebiasis at cholera. Delikado po ito at kapag napuruhan kayo, puwedeng makamatay. 8. Mag-ingat sa mga tinda sa kalye. Alam kong masarap ang fish ball, queckqueck at Pinoy sorbetes. Kaya lang alam mo ba kung kani-kaninong laway na ang nakasawsaw sa sarsa ng fishball? At malinis ba ang sangkap ng pagkain? Kaya mabuti pa na kumain na lang sa bahay. Maghugas tayo ng kamay bago at pagkatapos kumain. Gumamit ng sabon at kuskusin maigi ang mga kamay 26

Mga Pagkaing Pampasaya at kuko ng isang minuto. Turuan din ang ating mga anak ng kalinisan. Hugas kamay lang, iwas sakit na!

Malungkot ka ba? May Pagkaing Pampasaya!
Totoo po, kaibigan. May mga pagkaing nagpapasaya sa atin. Ang tawag ng mga eksperto dito ay “mood-lifting foods.” Kaya kapag kayo’y nalulungkot sa buhay, subukan itong mga pagkain: 1. Kanin, wheat bread at spaghetti – Ang mga carbohydrates tulad ng kanin, pansit at spaghetti ay nagpapasaya sa atin. Ang carbohydrates ay nagpapataas ng ating serotonin levels, na nagpapakalma ng ating emosyon. Hindi ba parang kalmado ka kapag nakakain ka ng isang platong mainit na kanin? Mas mainam na piliin yung mga good carbohydrates tulad ng wheat bread, brown rice at mga gulay din. Huwag maniwala sa high-protein diet tulad ng Atkin’s at Southbeach diet dahil ito’y magpapalungkot lang sa inyo. Kaibigan, ingatan lang ang dami ng ating kinakain para hindi tumaba. 2. Gatas –Ang gatas ay may mga bitamina at amino acids para gumanda ang ating pananaw. Dahil sa gatas, tataas ang serotonin sa ating katawan. Ang serotonin ay parang anti-depressant tulad ng Prozac. At para hindi tumaba, uminom ng skim milk na mababa sa calories. Masustansya na, pampasaya pa! 3. Matatabang isda tulad ng mackerel, tuna at sardines – Ang mga matatabang isda (oily fish) tulad ng mga nabanggit ay mataas sa Omega-3 fish oil. Ang Omega 3 ay mabuti sa ating puso, pampababa pa ng kolesterol at makatutulong din na pasayahin tayo. Pinapataas ng Omega 3 ang serotonin levels ng ating utak. At kapag maraming serotonin, mas masaya tayo. May tulong din ang Omega 3 supplements para sa ating kalusugan. 4. Tsokolate – Naku, nakakataba yata iyan? Oo nga, aaminin kong nakakataba ang tsokolate pero marami naman itong kemikal na nagpapasaya sa atin. Sabi ng mga experto, ang pagkain ng tsokolate ay nagpapadami ng endorphins sa ating katawan. Ang endorphins ay mga natural na hormones na nagpapasaya sa atin. 27

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain 5. Kahit anong pagkaing masarap – Basta masarap ang kinakain, hindi ba sumasaya ka na? Kaya lang, karamihan ng masarap na pagkain ay nakakataba at baka tumaas pa ang ating kolesterol. Para sa akin, masarap ang gulay tulad ng ampalaya at upo. Masaya ako diyan. Sa iba naman, masarap ang chicharon, lechon at taba ng baboy. Ang payo ko ay hinay-hinay lang sa pagkain ng inyong mga paborito. Sanayin ang panlasa natin na kumain ng masarap na at masustansya pa. Ang gulay, prutas at isda ay sadyang mabuti sa inyong kalusugan. Piliin ang mga ito.

28

29 . napupuwersa ang puso na bumomba nang mas malakas kaysa dati upang dumaloy ang dugo sa mga ugat. tumataas ang ating presyon. Marami ang mga nagtatanong sa akin: 1. Makakatipid ka rin sa pambili ng sigarilyo at mailalaan ito para sa ibang mga gastusin. Ano ang kinalaman ng paninigarilyo sa altapresyon? Malaki. Ano ba ang benepisyong makakamit kung ihihinto ang paninigarilyo? Marami po. at atake sa puso. Tiyak na hahaba ang iyong buhay dahil gaganda ang lagay ng iyong kalusugan. Ang nikotina ay isang kemikal na may nakakaengganyong epekto sa ating utak. Bakit mahirap ihinto ang paninigarilyo? Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina at ito ang sanhi kung bakit nawiwiling gumamit ang maraming tao nito. Ang isang humihithit ng sigarilyo ay nakadadama ng kakaibang “high” – parang tumatalas ang isip at nakokondisyong magtrabaho. Dahil dito. Gawin natin ang lahat para maitigil ito. Ang buong katotohanan ay ang paninigarilyo ang pinakamasamang bisyo. Makakaiwas ka sa mga komplikasyon sa katawan tulad ng mga sakit sa baga (emphysema at kanser). Ang usok ng sigarilyo ay sumisira sa dingding ng mga ugat at napagalaman rin na ito ay nakapagpapakipot ng mga ugat.3 O Tamang Pamumuhay Kailangan Bang Itigil Ang Paninigarilyo? o. baga. bato (kidney) at pati ang puso mismo ay nadadamay. Dahil sa bara o pagkakipot. Maihahalintulad nga ang sigarilyo sa isang pinagbabawal na gamot. Ang mga ugat na naaapektuhan ay matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi o organo ng katawan tulad ng utak. 3. stroke. 2.

Ang withdrawal symptoms ay mararanasan sa umpisa ngunit ito ay isang senyales na ang katawan ay naguumpisa nang humilom. Itabi ang lahat ng sigarilyo at ashtray sa bahay at opisina. magsisimula na itong kusang maghilom. Alamin ang mga dahilan kung bakit nais tumigil. Ngunit ang prosesong ito ay mabagal kaya mas mainam kung maititigil nang maaga ang paninigarilyo upang hindi na umabot pa sa lubusang pagkasira ng mga ugat. utak at bato dahil gaganda ang daloy ng dugo.” Ano ito? Ito ay isang kondisyon kung saan ang buong katawan ay nakararanas ng masamang pakiramdam at pagkabalisa dala ng biglang pagtigil sa bisyong nakasanayan na. Maaaring mangailangan ng ilang ulit na pagsubok sa paghinto bago maging matagumpay sa balak. Kung wala na ang nakasisirang epekto ng sigarilyo sa mga ugat. Paano Ititigil Ang Pag-Yosi Alam kong mahirap itigil and paninigarilyo lalo na kung nakasanayan mo na ito. • Pagpasyahan at planuhin nang mabuti. • Humingi ng suporta mula sa mga kamag-anak. • Umiwas sa tukso. Diabetes at Tamang Pagkain 4. Lalakas ang iyong puso. kabiyak at kaibigan. • Asahan ang pagdating ng tinatawag na “withdrawal symptoms. Pansamantalang lumayo muna sa mga kaibigang naninigarilyo rin o kaya ay ipaalam sa kanila ang plano mong huminto na. • Kunin nang paisa-isang araw ang pagtigil sa paninigarilyo hanggang sa unti-unting makasanayan na hindi ka na gumagamit nito. • Magtakda ng petsa kung kailan talaga titigil. Pero may pag-asa pa.Sakit sa Puso. 30 . Kaya mong maihinto ito bagama’t may kahirapan. Ang mga sumusunod ay ilang mga hakbang upang maihinto ang bisyong ito: • Ihanda ang sarili. Huwag maglalagay ng sigarilyo sa bulsa. Ang pagtigil ba sa paninigarilyo ay makapagpapalakas ng katawan? Oo. Magkaroon ng mga dagdag na libangan tulad ng sports at pagsasayaw. Pati sex-life niyo ay titindi rin. • Maging abala sa mga iba’t ibang gawain.

Kapag nangyari ito. at mapanumbalik ang kalusugan ng katawan. mag-nicotine gum ka na lang. Paano ang tamang pagsisipilyo? Ang tamang paggamit ng toothbrush ay ang pagtagilid sa ngipin ng 45 degrees ang angulo. matatanggal ang mga dumi na sumisiksik sa ngipin. Ang bawat ngipin ay dapat ma-brush ng 10 beses bawat pagsisipilyo. Mag-pursige. Kailangan ng tiyaga at determinasyon upang mapanaig ang kagustuhang maitigil ang paninigarilyo. Sa ganitong paraan. karamihan ng mga bata ay sira o nabubulok ang ngipin. Mag-umpisa mula sa pagitan ng ngipin at gilagid. Mag-brush ng higitkumulang sa 3 minuto. kapag laging sira ang iyong ngipin. bago sa itaas. Mag-brush sa kaliwa. mababawasan ng 3 taon ang iyong buhay.Magsipilyo Ng 3 Beses Bawat Araw • Huwag agad masiraan ng loob kung sa simula ay hindi magtagumpay. Ayon sa pagsusuri. • Tandaan: Ang paghinto sa paninigarilyo ay di biro. Unahin muna ang mga ngipin sa ibaba. Imbis na sigarilyo ang ilagay sa bibig. sa gitna at sa kanan. Abutin din ang likod ng mga ngipin. Kailangan ang matinding determinasyon para subukan muling huminto. Magtanong sa duktor o sa botika tungkol sa tamang paggamit ng Nicotine gum. Pumunta sa anumang barangay o eskuwelahan. Hindi nila naturuan ang kanilang anak na mag-sipilyo. 31 . Dahan-dahan lang ang pag-brush. at pataas ang dapat na pagkilos. Kaya mo iyan! Magsipilyo Ng 3 Beses Bawat Araw Isa sa laganap na problema ng pinoy ay ang pagkasira ng ngipin. Paano naman ang kinabukasan ng bata? Ang may kasalanan talaga nito ay ang mga magulang. ang unang iisipin ng magulang ay ipabunot ang ngipin.

2. 4. Diabetes at Tamang Pagkain Mga dagdag na payo para sa ngipin 1. Alam n’yo ba na maraming sakit ang maiiwasan kung tayo ay maliligo maigi araw-araw? Kaya mga bata. Nakasisira ito ng ngipin. isang dalagang 28 anyos. Hindi naman siya pangit at marunong pang magtrabaho.Sakit sa Puso. maligo araw-araw at umiwas sa mga sakit na ito. Mag-floss kahit isang beses sa isang araw. 7. Umiwas din sa paninigarilyo. Magmumog o uminom ng tubig pagkakain nito. Nakadidilaw ang mga ito ng ating ngipin. Magpakonsulta sa inyong dentista kada anim na buwan. Umiwas sa matatamis na pagkain tulad ng candy at tsokolate. Dahan-dahan lang sa pagkagat ng baboy. Huwag hayaan si beybi na makatulog na may bote ng gatas sa bibig. 32 . iwas bad breath at iwas gastos din. magmumog na lang maigi ng tubig. Painumin siya ng tubig pagka-dede para hindi masira ang ngipin. Mabait naman ang lalaki. Kung tutuusin. 6. tama si Linda dahil napakahalaga ang kalinisan ng katawan. may isang pintas si Linda: madumi ang kanyang mga kuko. Huwag kumain ng matitigas na bagay at baka mabali ang inyong ngipin. butong pakwan at iba pa. 3. 5. Napatunayan na makatatanggal ito ng bacteria at mabahong hininga. turuan natin ang ating anak na magsipilyo araw-araw. Bumili ng panlinis ng dila o Tongue Cleaner. Kung hindi kayang mag-brush pagkatapos kumain. Huwag uminom ng makukulay na inumin tulad ng soft drinks o iced tea. Kaya po ang pakiusap ko sa mga magulang. 8. Baka wala nang magkagusto sa kanila. Maligo Araw-Araw May masigasig na manliligaw si Linda. Gumamit ng dental floss (yung sinulid na pinapasok sa pagitan ng ngipin) araw-araw. Kaya lang. Kawawa naman sila kapag lumaki silang bungi. baka. kuya at magulang. ate. Iwas impeksyon. Binasted ni Linda iyung lalaki dahil hindi siya malinis sa katawan.

Gumamit ng shampoo sa buhok at sabon para sa katawan. Galis (o scabies) – Sabon at tubig ang magandang panlaban sa galis. Madumi kasi ang kanilang mga kamay at punong-puno ng bacteria at virus. Hugasan maigi ang buhok. Huwag magmadali at gumamit ng sapat na tubig. Alipunga – Ito ay isang fungal infection sa mga daliri ng paa. Maligo ng 15 hanggang 20 minutos para malinis ang buong katawan. puwedeng magka-alipunga.Maligo Araw-Araw 1. puwede silang magkabulate. 33 . mababawasan din ang mga sugat sa katawan kapag maliligo tayo. Bukod sa mga sakit na ito. 5. At kapag isinubo ng bata ang kamay sa bibig. Bulate sa tiyan – Kapag ang mga bata ay naglalaro sa lupa. Pigsa – Ang mga taong pinipigsa ay kadalasan kulang sa kalinisan. Sobra itong nakahahawa lalo na kung nakipagkamay ka sa isang taong may sore eyes. Tandaan: maligo araw-araw para makaiwas sa sakit. Maligo at mag-alcohol palagi para makaiwas sa pigsa. Panatilihin ding malinis ang ating paligid at silid tulugan para hindi dapuan nito. Ang mga bacteria sa ating balat (ang tawag ay staphylococcus) ang nagdudulot ng pigsa. Gumamit ng tuwalya o bimpo at kuskusin ang buong katawan. 2. Sipon at ubo – Ang sipon at ubo ay madaling makahawa. lalo na sa mga bata. 4. papasok na ang bulate sa tiyan. Nagtatago sa ilalim ng kuko ang mga itlog ng bulate. Sore eyes – Bacteria sa mata ang sanhi niyan. 3. Ang solusyong: maghugas ng kamay. 6. Hindi puwede ito ipagpalit dahil ang shampoo ay angkop sa buhok at ang sabon ay angkop sa balat. Maligo mula ulo hanggang paa. Kapag laging basa ang ating paa at hindi tayo araw-araw naliligo. Pahanginan ang paa at mag-tsinelas muna. Huwag kaligtaan ang mga daliri sa kamay at paa.

Makipag-tsismis – Ayon sa pagsusuri. Kung ika’y nag-iisa. Mag-alaga ng halaman o house plants – Ang pag-alaga ng halaman sa loob ng bahay ay nagbibigay ng malinis na hangin (oxygen) at nakatatanggal ng polusyon sa ating paligid. Ang pagtulog ang panahon na naghihilom ang katawan at nanunumbalik ang ating lakas at sigla. tataas ang lebel ng mabubuting kemikal (endorphins) sa iyong katawan. Magkaroon ng mabait na kaibigan – Alam mo ba na ang pagkausap sa isang matalik na kaibigan ay puwedeng makatanggal ng 90% ng iyong problema? Ayon sa pagsusuri. Mag-alaga ng aso – Malaki ang naitutulong ng alagang aso sa paggaan ng ating kalooban. Kahit malungkot ka. Ngunit puwede namang magagandang balita ang pag-usapan at hindi iyong nakasisira ng kapwa. 6. Tumawa. Nailalabas at naihihinga mo ang iyong problema. May problema sa pera. Matulog – Ang tulog ay sadyang nagpapalakas ng ating katawan.Sakit sa Puso. 7. Tumingin na lang ng magagandang bagay sa mall at mababaling na ang iyong isipan. trabaho. Ito’y dahil marunong magbigay ng pagmamahal ang aso sa kanilang amo. tulad ng comedy at entertainment shows. 5. Diabetes at Tamang Pagkain Bawasan Ang Stress: 10 Paraan Lahat ng tao ay may stress sa buhay. Mag-shopping – Nakalilibang ang pag-shopping. 4. 2. pamilya at pagmamahal. subukang manood ng mga masasayang palabas sa TV o sa sine. Sa ganitong paraan. Ang hilig ko ay ang “fortune plant” na madaling alagaan. Para mabawasan ang iyong stress. 34 . 8. baka gusto mong mag-alaga ng aso. heto ang 10 paraan: 1. 3. Magsulat sa diary – May tulong ang pagsusulat ng iyong sinasaloob sa isang notebook. Sasaya at gagaan ang iyong pakiramdam. Kahit window-shopping lang ay puwede na. Hindi ka naman dapat bumili kung ayaw mo. Matatanggal ang sakit ng ulo niyo. ang pakikipagkuwentuhan sa kaibigan ay katumbas na ng pag-inom ng isang tabletang pain reliever. nakatatanggal ng stress ang tsismis.

10. lalo na sa mas mahihirap sa atin. at bawasan ang iyong stress.Bawasan Ang Stress: 10 Paraan 9.” Gamitin ang 10 paraan na ito. Magdasal – Alam natin na ang Diyos lang talaga ang kayang makaintindi at makatanggal ng ating mga suliranin. Sabi sa Bibliya. Natutuklasan natin na maliit lang pala ang ating problema kumpara sa ibang tao. “Cast all your burdens upon Him and He shall give you rest. Good luck! 35 . Tumulong sa kapwa – Nakagagaan ng pakiramdam ang pagtulong sa kapwa.

• Uminom ng 1 basong tubig bago kumain. i-martsa mo ang iyong mga paa. Kapag lumampas ka dito. ang dapat na sukat ng tiyan (sa pusod ang sukat at hindi sa baywang) ay 36 inches o mas mababa pa sa lalaki. Paano malalaman kung mataba ka o hindi? Isang simpleng paraan ay ang pagsukat ng tiyan. igalaw mo ang iyong mga braso. Kung ano ang nasa plato mo. ay medyo masama na ito. Isa pa. Habang may ka-text. Sundin ang mga tips para pumayat: • Magbawas ng 100-200 calories bawat araw. iyun lang ang kakainin. • Maging magalaw o malikot. Samantala. Dahil nakabubusog din ang 36 . Gumanda At Para Sa Kababaihan Magpapayat Tips (Part 1) yon sa isang local survey. arthritis at sakit sa puso. Puwede mo din bawasan ang iyong panghimagas. wala nang pa-dukot-dukot pa. Magagawa mo ito kapag iiwas ka sa soft drinks o iced tea. 15% lang ng kalalakihan ang matataba. Sa ganitong paraan. mako-kondisyon ang iyong isipan na konti lang ang kakainin. Magtubig ka na lang. Habang ika’y naglalakad. Kailangan nang magpapayat dahil baka magdulot ito ng diabetes. iyung 9 inches lang ang sukat.4 A Para Pumayat. At laging nasa bahay ang mga babae kaya hindi gaanong nag-e-ehersisyo. • Gumamit ng maliit na plato. Bakit kaya? Ito’y dahil ang mga nanay ay kinakain ang tira ng mga anak. at 31 inches sa babae. Kapag maliit ang plato. makababawas ka ng 200 calories bawat araw. Gawin mo ito at siguradong papayat ka. 40% ng mga kababaihan ay overweight o sobra sa timbang. Ayon sa isang pagsusuri sa Asia. Zero calories ang tubig.

mansanas. Ayon sa pagsusuri. okra. Turuan 37 . • Masama ang “Crash Diet” o iyung gustong biglang ginugutom ang sarili. Kaya mo itong gawin ng 3 araw. mas konti lang ang makakain mo. Nakatataba kasi ang kanin. • Dalawa lang ang bawal: Matatamis at matataba. kangkong.Magpapayat Tips (Part 2) tubig. Piliin ang masasabaw na pagkain. halo-halo at mga juice na nasa lata. pero pagkatapos ay babawi na ang iyong katawan. Huwag kakalimutan ang agahan. gawin na lang 1 tasa. Sa tanghalian at hapunan. Ang sopas at ensalada ay magaan din sa tiyan. peras at saging. Ang sikreto dito ay konti lang ang iyong kakainin. puwedeng 1 cup rice. gawin mo na lang half-cup rice. Mas maigi pa ang spaghetti o noodles. Mabilis makabusog ang mga pagkaing mataas sa fiber. Sa susunod. Magbawas lang ng 1-2 pounds bawat linggo. • • Magpapayat Tips (Part 2) Sundin natin ang mga dagdag payong ito para pumayat: • Kumain ng madalas pero pakonti-konti. Umorder ng arroz caldo. sitaw. puwedeng 1 saging o mansanas lang. Magbawas din sa mga baboy at baka na maraming taba. huwag chicken and rice. Kumain ng pakwan. Ito lang talaga ang bawal. Babalik din ang dati mong timbang. • Kumain ng mga gulay at prutas na maraming fiber tulad ng pechay. Huwag mag-stock ng sitsirya sa bahay. carrots. gulay at isang ulam lang. ang crash diet ay nagpapaigsi ng buhay ng 5 years. Kung dati ay 2 tasa ka magkanin. huwag ang mangga. Huwag hintayin ang gutom bago kumain. • Umiwas sa junk foods. Kung 1 cup rice dati. magbibigay pa ako ng maraming tips para tuluyan na kayong pumayat. Hindi pa ito nakatataba. Magbawas ng kanin. ampalaya. Sa meryenda. Mas mabubusog ka sa mga matubig na pagkain. Umiwas sa matatamis na pagkain tulad ng icing ng cake.

Kailangan mo ng lakas ng loob para pumayat. Umiwas sa araw – Alam n’yo ba ang beauty secret ni Nicole Kidman? Si Nicole ay hindi nagpapaaraw. Umiwas din sa mga sports na laging bilad ka sa araw tulad ng golf at swimming. may hinanda akong matipid na beauty tips.000-P4. Nakakabusog at mababa sa calories. Alam kong marami sa ating kabataan ang mahilig magbeach. Hanapin ang may nakasulat na SPF 15 o mas mataas pa. kumain ka ng 2 saging bawat araw. Kapag bumababa na ang timbang. Maraming beauty procedures tulad ng Obagi na nagkakahalaga ng P21. nagdudulot ng freckles at posibleng magka-skin cancer pa dahil sa UV light. subukan ang Kenny Roger’s Roast Chicken. Alamin ang timbang bawat 2 araw. Maraming vitamins na iyan. Kapag tumataas ang iyong timbang. Tandaan. Magtago sa matinding sikat ng araw mula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon. • • • Beauty Tips Para Sa Nagtitipid Napakamahal po ang magpaganda. Sa fast-foods. Mataas sa asin at walang sustansya ang chichirya. pero masisira ang kutis niyo diyan. Ang araw ay nagpapakulubot ng balat.000 bawat bote. Bumili ng timbangan. Kalahating tableta lang ng multivitamin ay puwede na. 2. Ang ibig 38 . Uminom ng Multivitamin kapag nagdi-diyeta.Sakit sa Puso. Ang mga brand name na creams naman ay umaabot sa P3. Kapag walang pera. Paborito ko iyan. Ang roasted chicken ng Kenny Roger’s ay natanggalan na ng mantika. piliting mag-diyeta na. Healthy din ang vegemeat at gulay sa Bodhi. 1. mga P300 lang. at Subway Sandwiches. Good luck. Bodhi Vegetarian Food. Diabetes at Tamang Pagkain ang mga bata na kumain ng saging o mansanas kapag nagugutom. Gumamit ng sunblock – Payo ng dermatologists ang paggamit ng sunblock araw-araw. ang araw ay nakatatanda. Mura lang ang timbangan. ituloy lang ang ginagawa para mapanatiling mababa ang timbang. Para sa mga gipit sa budget.000 bawat buwan.

6. puwedeng mag-payong. Magbawas ng stress – Sabi nga. Maligo araw-araw. Sa mga problemado. Nakakita ka na ba ng nakulangan sa tubig o na-dehydrate? Biglang lumalalim ang kanilang mata at kumukulubot ang kanilang mukha. parang 1 minuto lang ang exposure mo ng walang sunblock. dating presidente ng Philippine Dermatological Society. Maipapayo ko rin ang paggamit ng face mask para hindi malanghap masyado ang masasamang usok. Uminom ng maraming tubig – Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para manatiling malambot ang ating balat. simple lang ang sikreto ng pagpapaganda. Ang alak naman ay nakapagpapakulubot din ng balat dahil madi-dehydrate ka. hindi kakalat ang dumi mula sa buhok papunta sa mukha. parang umitim ka sa usok. tulad ng usok. 7. Titigas din ang buhok niyo sa alikabok. Kung may budget.” Ang madaling magalit ay mabilis pumangit di ba? Nagsasalubong ang kilay at nakangiwi ang mga labi.. 5. Sira na ang beauty ni Mader. ay nakatatanda sa ating mukha. at tatanda ka agad. Hihina ang iyong resistensiya at babagsak ang inyong katawan. Ang resulta ay tigyawat sa umaga. 3. Iwas sa sigarilyo at alak – Ang paninigarilyo.Beauty Tips Para Sa Nagtitipid sabihin nito ay kapag 15 minutos ka nakabilad sa araw. Naku. Tumawa ka at ika’y gaganda. mag-sombrero o magtakip ng bandana sa mukha. Maglaro 39 . Francisca Roa.polusyon. Mainam din maligo bago matulog. Umiwas sa usok at alikabok – Ito ang malaking problema natin . subukan mag-relax bago matulog. “Huwag kang magalit. 4. mag-aircon bus ka na lang o magtakip ng mukha. Bilang dagdag proteksyon. Hanapin din yung may proteksyon sa UV-A at UV-B. Gumamit ng sabon at tubig – Ayon kay Dra. Gumamit ng sabon at maraming tubig para laging malinis ang katawan. Tender Care o Johnson’s baby soap. Matulog ng 7 o 8 oras – Kailangan mo ang beauty sleep para hindi magka-eye bags. 8. Kapag nag-commute ka mula Pasay hanggang Fairview. Sa ganitong paraan. Maganda ang mild soap tulad ng Dove.

madali itong magkakalinya. Sa ganitong paraan. Usong-uso ngayon ang mga paraan na pampaputi. 11. Healthy living – Mag-exercise. makakapahinga pa din ang katawan natin. Pero ano ba talaga ang tunay at napatunayan na ng siyensiya? Ito ang aking mapapayo: 1. 10. Mag-lotion sa gabi – May tulong sa pagpapakinis ng mukha ang mga lotion. Magdasal at tumulong sa kapwa – Hindi ba ang tunay na kagandahan ay wala sa labas kundi nasa loob ng isang tao? Ang “inner beauty” ay mas tumatagal at nangingibabaw kaysa sa “outer beauty. Pampaputi Ng Balat: Ano Ang Tunay? Ang mga Pilipino ay moreno kaya medyo maitim ang ating balat. Gumamit ng sunblock 40 . Huwag lumabas mula 10 AM hanggang 4 PM.” Naalala niyo ba si Mother Teresa? Madami siyang wrinkles pero parang may ilaw ang kanyang mukha. At kung hindi ka makatulog ay humiga na lang kahit gising.Sakit sa Puso. tapos maglagay ng lotion. Ang ibigsabihin ay medyo marami ang Melanin pigment sa ating balat. kailangan umiwas talaga sa araw. mamantika at sitsirya. Maging abala sa magandang gawain. Healthy eating – Kumain ng tama at masustansya tulad ng prutas at gulay na sagana sa vitamins and minerals. 11. Magkaroon ng libangan. Kapag lagi kang nasa araw. Umiwas sa pagkaing matataba. 12. Huwag matulog ng nakadapa – May nagsasabi na kapag naipit n’yo ang inyong mukha habang natutulog. Ang melanin ay nagpo-protekta ng balat laban sa masamang ultraviolet radiation (UV-light) ng araw. Basta maganda ang saloobin mo. Hindi naman kailangan bumili ng mamahaling brands. Ang importante ay masaya kayo para sumigla ang katawan. parang beautiful ka na rin. dadami ang inyong melanin. Matulog ng nakatihaya. Gumamit ng Sunblock – Kung gusto ninyong pumuti. Maghugas muna ng mukha. Maglibang. 9. Diabetes at Tamang Pagkain muna.

Pinapahid ang oatmeal sa mukha at parte ng katawan na magaspang. Kumonsulta muna sa dermatologist bago sumubok nito. magsunglasses. 41 . Kahit gaano kakati. Magtago sa araw – Nagtataka ba kayo kung bakit maputi at makinis ang ating puwit? Lagi kasing nakatago sa araw at polusyon. tiisin lang. Posibleng nagpapaputi rin ito. Kahit anong mantsa o pamumula sa balat. Kalamansi o lemon para sa Age Spots – May mga tinatawag na age spots (parang pantal na maitim sa balat) na lumalabas kapag tayo’y nagkakaedad. 5. huwag na huwag kakamutin dahil magsusugat iyan. Huwag mag-beach. may eczema. 2.Oatmeal Sa Mukha: Siguradong Gaganda Ka! na may SPF 30 pataas at may proteksyon sa UV-A at UV-B. mag-suot ng mahabang manggas at magpantalon. Puwede sumubok ng Glutathione – Ang glutathione ay isang gamot na pinag-aaralan pa kung epektibo sa kanser o hindi. 4. Puwede ito pahiran ng kalamansi o lemon juice araw-araw. Puwede ito gamitin ng lahat. Tandaan: Bawal ang 3 K – Bawal ang kamot. kailangan siguraduhin ng publiko (1) na tama ang dosis ng glutathione. Hanapin ito. kalkal at kuskus. lalo na yung may dry skin. Ipahid sa mukha. Kailangan maghintay ng 2 buwan bago makita ang epekto nito.1%. Good luck! Oatmeal Sa Mukha: Siguradong Gaganda Ka! Mayroon akong nadiskubreng epektibo at murang paraan para magpaganda. Huwag ding kukuskusin ang maiitim na balat. magsuot ng sombrero. 6. o may tigyawat. leeg at kamay. Subukan ninyo ito sa bahay. Mag-ingat lang na huwag sosobra at baka masira ang ating balat (acidic kasi ito). Magdala ng payong. 3. at (2) walang diprensiya ang inyong atay. Pero ayon kay Dr. dahil lalo lang ito iitim. Puwede ang Whitening Cream – Ang mga subok na sangkap na pampaputi ay ang Hydroquinone 2% at Tretinoin 0. Mayroong mga pasyente na naninilaw (jaundice) sa pag-inom nito. Ito ay ang Oatmeal Face Mask. mag-motorsiklo o mag-bike. Francisca Roa ng Philippine Dermatological Society.

Ano ba ang sikreto ng oatmeal-honey mask? Ang oatmeal ay ginagamit pa noong 2. Dahan-dahan lang. Puwede itong ilagay bago maligo para isahan na ang paglilinis. (2) 3 kutsara ng honey. Pagpahid sa mukha: (1) Maghilamos muna ng mukha. Ngayon. at (3) may saponin na nagtatanggal ng dumi at mga dead skin cells sa mukha (tinatawag na exfoliation). (2) may oat protein para mag-moisturize ng kutis. Ang honey naman ay nakatutulong sa may pimples dahil may sangkap ito na panlaban sa bacteria at pamamaga (anti-inflammatory). FDA para sa paglunas ng dry skin at eczema (yung mga may pantal-pantal).Sakit sa Puso. (5) Tuyuin ang mukha.C sa Egypt. Ang oatmeal ay aprubado din ng U. Para ka nang nagpa-facial. tingnan ang mukha sa salamin. ilalim ng mata. (2) Gumamit ng kutsara. subukan ang oatmeal-honey face mask. lumambot at gumanda ang iyong kutis? Ang galing talaga. Good luck po. Kaya kung wala kayong pera magpa-derma. Kailangan ay walang make-up o dumi sa iyong mukha. Malamig at medyo titigas ang mask. 42 . Dagdag tips: Iwas sa araw. (3) 2 kutsara ng tubig. Diabetes at Tamang Pagkain Ang mga sangkap ay (1) ¼ cup ng instant oatmeal. (3) Lagyan ng konting tubig para maihalo ng maigi. Isali ang noo. tulad ni Cleopatra. (4) Kung gusto n’yo. Ang oatmeal ay may 3 sangkap: (1) may polysaccharides para i-repair ang balat.000 B. (4) Pagkatapos ay dahan-dahang maghilamos ng maligamgam na tubig.S. May mga iba na naghahalo din ng Plain Yoghurt sa face mask na ito. Hindi ba kuminis. Maglagay din ng sunblock araw-araw. Puwede itong gawin sa umaga at sa gabi. Kailangan magmukhang pandikit ito. (3) Hayaan ito ng 10 to 20 minutes. alikabok at usok. Ihanda ang oatmeal face mask: (1) Durugin muna ang oatmeal sa isang tadtaran o sa osterizer. puwedeng initin ito ng bahagya sa microwave ng 10 segundo o sa kalan. Iwas din sa sigarilyo. brush o kamay para ilagay ang oatmeal mask sa buong mukha. ilong. cheeks at baba. Ito ang mga mabilis magpakulubot ng kutis. (2) Ilagay ang honey sa oatmeal at haluin ito. Puwede rin subukan ito. o kung kailangan mong magpa-beauty.

Ito’y mga kulani (lymph nodes). 1. Huwag kalimutan: kapain ang kili-kili. at ang Pap’s smear ay kapag 43 . Kung may kanser sa suso. Habang naliligo. Magpasuri ng suso sa iyong obstetrician (OB) at sabayan mo na rin ng Pap’s smear. Ulitin ang pagmamasid sa iyong suso. Pagmasdan maigi ang bawat suso kung pareho ang laki at hugis nito. Minsan kasi ay may mga parang bukol na nakakapa bago mag-regla (dahil sa hormones natin) at nawawala naman pagkaregla. Ang pagsuri ng suso ay nag-uumpisa sa edad 20 pataas. Sa kababaihan.Ang Tamang Pagsusuri Ng Suso Ang tamang pagsusuri ng suso Ang kanser sa suso ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa kababaihan. Tumayo sa harap ng salamin at ilagay ang braso sa gilid ng katawan. Nakasalalay po ang buhay n’yo dito. 2. Pagkatapos ay itaas naman ang kaliwang braso at ang kaliwang suso naman ang suriin. Ang mga ito’y maaaring masamang senyales. Mula sa gilid ng suso ay gamitin ang mga daliri para diinan ng paikot-ikot ang suso. Mag-umpisa sa utong at unti-unting bumilog ng palaki ng palaki. Minsan ay kasing-liit lang ng isang monggo ang makakapa. Gamitin ang kaliwang kamay para salatin ang kanang suso. 3. Itaas ang kanang braso at ilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo. Ang pagsusuri ng suso ay dapat gawin bawat buwan. Suriin kung may pamumula. kung puwede ay bago magregla at pagkatapos ng regla. Masdan ang bandang utong at paligid nito (ang nipple at areola). pangungulubot o dili kaya’y tumutulo na likido dito. Pagkatapos ay gawin naman sa kabilang suso. huwag makalimot sa iyong check-up bawat taon. itaas ang kanang braso. Dapat alamin ng bawat babae ang tamang pagsusuri ng kanilang suso. kumonsulta sa doktor. Pagkatapos ay itaas at ipuwesto naman ang dalawang kamay sa likod ng iyong ulo. kalimitan ay may bukol din na makakapa sa kili-kili. Ang hinahanap natin ay ang mga cyst or mabibilog na parang holen sa ilalim ng suso. Kung may makapa na kaduda-dudang bukol. Ngayon naman ay humiga sa isang patag na kama. Gamitin ang dulo ng mga daliri ng kaliwang kamay para kapain ang iyong kanang suso.

puwede itong mabuo at maging isang tumor. Ngunit may mga dahilan na magpapataas sa tsansa na magkaroon ng ganitong uri ng kanser. May mga kaso na nagmumukhang balat ng dalandan ang suso. (4) Apektado ang balat sa suso. Kadalasan ay kinakailangan ng operasyon ang bukol sa suso. Heto naman po ang mga palatandaan ng kanser sa suso. kailangang magpamammogram o magpa-breast ultrasound para masuri maigi ang bukol sa suso. Nagbubukol-bukol ito. (1) May bukol na makakapa na kalimitan ay matigas at di pantay ang hugis. hindi pa tiyak ang sanhi nito. Kung kayo o ang kaibigan ninyo ay may bukol sa suso. Mag-ingat sa kanser sa suso Paano nagsisimula ang kanser? Ang kanser ay isang kondisyon kung saan ang selula ng ating katawan ay nawawalan ng kontrol sa pagtubo. Ang ibang tumor naman ay hindi masama o benign. (1) May lahi ng kanser sa suso sa pamilya. Ito ay masamang senyales at dapat ipatingin agad. Minsan ay may dimple o paglubog sa balat ng suso. Mas maaga 44 . (3) Isang babaeng hindi nagkaanak. Pagdating sa kanser sa suso. basahin mabuti ang dapat niyong gawin. kumonsulta agad sa isang surgeon. na tinatawag na malignant. Ang tumor o bukol ay maaring cancerous. Kapag abnormal ang pagdami ng selula. Pangalawa. Sila ang makapagsasabi kung may tumor ka o wala. (2) May pagbabago sa laki at hugis ng suso. Diabetes at Tamang Pagkain nakikipagtalik na ang babae o edad 30 pataas. Bantayan natin ito. Ang mga benign na tumor ay hindi kumakalat at sumisira sa katawan. (3) Minsan ay nagdurugo ang utong. (5) Paggamit ng “hormonal” therapy. (5) Ang pagsugat at pagdurugo ng balat ay malalang sintomas na. Una sa lahat. (2) Maagang pagkakaroon ng regla.Sakit sa Puso. (4) Paggamit ng kontraseptibong pildoras.

Bawat araw po na tumatakbo ay mahalaga sa isang may kanser sa suso. 45 .Mag-ingat Sa Kanser Sa Suso nating papaoperahan. Huwag nang magdalawang isip pa. mas malaki ang tsansang mapapagaling ang pasyente. Magpatingin agad sa doktor kung may duda kayo sa iyong suso.

Una. Lipid profile – Kasama sa test na ito ang cholesterol.5 A Murang Check-up at Tamang Gamutan Murang Check-Up (Part 1): Blood test at Urinalysis lam kong marami ang ayaw magpa-check up sa doktor. Mag-iingat po. 2. Creatinine – Tumataas ang creatinine kapag may sakit na sa bato. 5. Umiwas sa matatamis at matataba para bumaba ang inyong blood sugar. 4. mahal magpa-konsulta sa doktor. mayroon akong matipid na paraan para malaman ninyo ang lagay ng inyong kalusugan. Fasting blood sugar o FBS – Kung lalampas sa 105 mg/dl ang inyong blood sugar. Makikita rin kung may impeksiyon ka sa katawan. Ikatlo. Sa mga takot magpa-check up. ang ibig sabihin ay may diabetes kayo. taho. beans. akala nila ay mahal ang magpa-executive check-up. Magpa-blood test at urinalysis. Simple lang po. Uric Acid – Kapag mataas ang inyong uric acid. 3. 1. puwede kayong magkaroon ng isang klaseng arthritis na kung tawagin ay Gout. Kapag malakas tayong uminom ng tubig. Kapag mahilig kayo sa matatabang pagkain. Mag-ehersisyo din. Kaya uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig araw-araw para malinis ang ating katawan. Umiwas sa mga pagkaing mataas sa uric acid tulad ng monggo. masaya ang mga kidneys natin. puwedeng tumaas ang cholesterol ninyo. takot sila malaman ang sakit. Heto ang mga dapat ipasuri sa inyong dugo. kare-kare. Pangalawa. good cholesterol (HDL) at bad cholesterol (LDL). laman loob at lahat 46 . triglycerides. Complete blood count o CBC – Makikita rito kung ikaw ay anemic o kulang sa dugo.

Kung ikaw ay madalas ubuhin o may plema. Heto ang mga tests na dapat gawin kada 1 o 2 taon. Pumunta sa isang kilala at murang laboratoryo. Sa urinalysis. mainam din na ipasuri ang ihi. 6. magpakonsulta sa doktor at baka may altapresyon. Mas hahaba pa ang inyong buhay. Chest X-ray – Ang Chest X-ray ay nagkakahalaga lang ng mga P250. dapat na kayong magpa-konsulta sa doktor. mas mura ang gamutan kapag maaga itong matutuklasan.Check Up (Part 2): X-ray. Kung ikaw ay wala pang 40. Ano pa ang hinihintay n’yo? Magpa-check up na! Check-Up (Part 2): Chest X-ray. Ang lahat ng tao edad 40 pataas ay magandang magpa-check up. Urinalysis – Maliban sa blood test. may diabetes o may diprensiya sa bato (kidneys). cirrhosis at ang pag-inom ng alak ay nakasisira sa ating atay. 7. maigi din na magpakonsulta sa doktor. kailangan mong magpa-X-ray. Magpakuha din ng blood pressure. Makikita rito kung ikaw ay may impeksiyon sa baga. Ang halaga ng mga nabanggit na blood test at urinalysis ay humigit-kumulang P700 lamang. Bukod sa eksamen sa dugo at ihi. pero mayroon kayong nararamdaman sa katawan. SGPT – Itong test ang nagpapakita kung may sira na ang inyong atay. Tandaan din na may 10 hours fasting ang pagkuha ng dugo. puwedeng magpa-blood test ng 6 ng umaga. binanggit ko na mura lang ang mag-pa-Executive checkup. mayroon ding ibang mga tests na mahalaga: 1. Tandaan. Hindi ito dapat katakutan o ipagpaliban. ECG at Ultrasound Sa naunang artikulo. makikita sa Chest X-ray kung ika’y may impeksi47 . makikita kung kayo ay may impeksyon sa ihi. ECG at Ultrasound ng klaseng mani. Kung ikaw ay naninigarilyo. Kung 8 ng gabi ang huling kain ninyo. Kung ang blood pressure ninyo ay lampas sa 140 over 90. may bukol sa baga o lumalaki ang puso. Kapag lampas sa 100 ang inyong SGPT. Ang mga sakit na hepatitis. bago pa mag-almusal.

Silymarine – Ang silymarine ay para sa atay. Hindi po ganito ang paggamit nito. ECG – Ang ECG ay isang test para makita kung ikaw ay may sakit sa puso. Mas-tumpak ito kaysa sa simpleng ECG.000 na Pinoy ang may sakit nito. Diabetes at Tamang Pagkain yon. Makikita rito kung may diprensiya ang inyong atay (liver).000 sa murang laboratoryo. obaryo (ovaries) at pantog (bladder). 1. Ang 2D-Echo ay parang ultrasound ng puso kung saan lalabas ang hugis ng inyong puso sa isang telebisyon. 4. Huwag mangamba. Humanap ng laboratory na mura at subok na.000 sa malalaking ospital. ay makatutulong ang silymarine. Nagkakahalaga ito ng P2. 2D-Echocardiogram – Ang 2D-Echo ay ginagawa lamang kung may natuklasang problema ang inyong cardiologist. susuriin natin ang 5 kilalang mga food supplements. Ngunit kung may nakita. maganda po ang mga tests na ito. 3. Mura lang ang ECG. mga P150 lamang. 5 Food Supplements: Para Saan Ito? Napakaraming food supplements ang mabibili sa botika. Ang galing hindi ba? Nagkakahalaga ito ng mga P1. bato (kidneys). 2. Sa dami ay nakakalito na. apdo (gallbladder). Mainam din ipa-X-ray ang ating mga kasambahay o kamag-anak na madalas inuubo. Ultrasound of the whole abdomen – Kung ikaw ay may nararamdaman sa parte ng tiyan. Kapag may duda kayo sa kalagayan ng inyong puso o mga organo sa tiyan. Nakakahawa ang sakit na tuberculosis kapag hindi ito ginamot.000 sa murang laboratory.Sakit sa Puso. matres (uterus). Minsan may libreng ECG sa mga medical mission. nararapat magpa-Ultrasound ng buong tiyan. Kung normal ang inyong ECG ay wala naman dapat ikabahala. May ibang naniniwala na kahit uminom ka ng alak o kumain ng maraming taba. na umaabot sa 400. Hindi po ito masakit pero may kamahalan lang. Alamin ang sakit para malunasan ito ng maaga. Ang silymarine ay binibigay lamang 48 . lapay (spleen). magpasuri sa isang cardiologist (espesyalista sa puso). Laganap sa atin ang sakit na tuberculosis. pale (pancreas). Dahil dito. ngunit aabot ng P4.

Ito’y dahil napatunayan itong mabisa para sa pag-protekta sa puso. puwedeng hindi na uminom ng silymarine. Melatonin – Ang melatonin ay isang kemikal na gawa ng ating pineal gland sa utak. Omega 3 Fish Oil – Ang Omega 3 fish oil ay tinatayang pinakamabisang food supplement sa lahat. puwede itong makatulong sa pagiwas sa istrok at heart attack. Grado: B 4. Grado: B2. Ito ay nakapagpapalabnaw ng dugo tulad ng aspirin. Para saan ito: Pampatulog Grado: B+ 5. dahil baka masyadong lumabnaw ang dugo at magdulot ng pagdurugo. at pag-iwas sa istrok at heart attack. Kagaya ng aspirin.Food Supplements: Para Saan Ito? (Part 1) kung ang pasyente ay may hepatitis o cirrhosis. Hinihinalang baka makatulong din ito sa Parkinson’s disease at kanser. May nagsasabi na panlaban din ito sa kanser. Makatutulong din ito sa pagpapahimbing ng ating pagtulog. nakita ng mga doktor na ang mga umiinom ng Omega 3 ay mas malusog kumpara sa hindi umiinom nito. Coenzyme Q-10 – Ang coenzyme Q-10 ay isang anti-oxidant. pagbaba ng cholesterol. Ngunit hindi pa ito subok ng siyensiya. Nakatutulong ito sa pag-ayos ng ating pagtulog lalo na kung may jet lag. Para saan ito: Hepatitis. May mga pagsusuri na nagpapakita na mabisa ang coenzyme Q-10 sa mga pasyenteng mahina ang puso o may heart failure. Para saan ito: Pagbabara sa ugat. Dapat ingatan ang pag-inom ng ginkgo biloba kasabay ng Aspirin. Para saan ito: Sakit sa puso. Para saan ito: Heart failure Grado: B 3. mataas ang cholesterol. Ayon sa pagsusuri. Kung malusog naman ang atay. Grado: A 49 . Ginkgo biloba – Ang ginkgo biloba ay nagmula sa dahon ng puno ng ginkgo. cirrhosis.

Para saan ito: Nahihilo at nasusuka Grado: A 3. Ngunit kapag malala na ang arthritis. Diabetes at Tamang Pagkain Huwag po basta iinom ng food supplements. Bukod dito. ang luya ay may panlaban din sa mga mikrobyo. dapat pa rin kumonsulta sa doktor. May nagsasabi na ang bawang ay bahagyang nagpapababa ng cholesterol at ng presyon ng dugo. Makatutulong din ito sa sakit ng tiyan. Good luck po! Mga Iba Pang Food Supplements: Para Saan Ito? Noong nakaraan ay nagsulat ako tungkol sa mga food supplements. Makababawas din ito sa kirot ng ating kasu-kasuan. Mas epektibo ang bawang kapag ito’y hilaw ngunit nakakairita naman sa sikmura. Para saan ito: Pampalakas ng katawan Grado: B 4. Luya – Ang gingerols sa luya ang sanhi ng lakas nito bilang gamot. Ang problema lang sa bawang ay ang amoy nito. May nagsasabi din na nagbibigay ito ng dagdag lakas at resistensiya. Para saan ito: Arthritis sa tuhod Grado: B 50 . Glucosamine Sulfate – Ang glucosamine ay nagmula sa shells ng alimango. talaba at hipon. Bawang – Ang bawang ay puwedeng kaining hilaw o gawing tableta. Mag-ingat lang po ang mga may altapresyon at sakit sa puso dahil puwedeng lumala ang kanilang sakit. 1. Ginseng –May paniniwala na ang ginseng ay nagpapalakas sa sexual performance ng mga kalalakihan. Napag-alaman sa mga pag-aaral na makatutulong ito sa paggamot ng arthritis sa tuhod. Heto pa ang 5 na popular na produkto. Aralin at alamin kung babagay ito sa inyo. Ang luya na ginawang salabat ay epektibo para sa nagsusuka at nahihilo.Sakit sa Puso. Para saan ito: Mataas ang cholesterol Grado: B2.

Ano ang risks o peligro sa gagawin sa iyo. At kung may tanong. May mga murang alternatibo ba para sa akin? Huwag mahiyang humingi ng pangalawang opinyon sa ibang doktor. Itanong kung ang operasyon ay emergency o puwede pang maghintay. Magdesisyon ng kalmante ang isip. 4. Alamin ang mga kondisyon na nangangailangan ng operasyon. Mag-ingat lang sa pag-inom dahil may halo itong caffeine na maaaring magpabilis ng tibok ng puso. (b) pagsasaayos ng deformity. kumuha ng second opinion at kumonsulta sa ibang doktor. 1. Ano ang tawag sa operasyon? b. Heto ang payo ko. Kung ang operasyon ay bago pa lamang (tinatawag na experimen51 3. at (c) pagpapahaba ng buhay. at madalas ba itong mangyari? d. Green Tea – Ang green tea na nagmula sa Asia ay pinapaniwalaang panlaban sa kanser at pampababa ng cholesterol. Buhay mo ang nakasalalay dito. kumonsulta sa inyong doktor. 2. Huwag magpapadala sa emosyon. itanong kung bakit kailangan operahan agad. Magkano ang dapat kong ihanda na pambayad sa ospital at sa doktor? e. Kung emergency.Kailangan Ba Ng Operasyon? 5. Nilista ko ang mga sitwasyon na kailangan maghinay-hinay sa iyong desisyon: a. katulad ng: (a) pagtanggal sa matinding sakit. Paano ito ginagawa? c. Ilista ang mga tanong na ito para sa pagharap mo sa iyong doktor: a. Kung hindi sapat ang paliwanag ng doktor. 5. Para saan ito: Panlaban sa kanser Grado: APumili lang ng supplements na babagay sa inyo. . Kailangan Ba Ng Operasyon? May mga bagay na dapat tandaan bago magpa-opera.

pagtanggal ng matris. Kung hindi sigurado ang kahihinatnan ng operasyon. Magdasal na makita ninyo ang tamang doktor na magpapagaling sa inyo. Linawin ito sa doktor. b. Ingat po! 52 . Diabetes at Tamang Pagkain tal). May mga kontrobersyal na operasyon na paiba-iba ang opinyon ng maraming doktor. Ito ay ang pagtanggal sa tonsils. angioplasty. may mga doktor na ‘mabilis’ mag-opera at mayroon namang konserbatibo. operasyon sa apdo at mga plastic surgery.Sakit sa Puso. heart bypass. Sa madaling salita. Caesarian section (CS). operasyon sa buto. Magtanong maigi bago umayon sa ganitong operasyon. 6.

Halimbawa. Ang mga gamot para sa impeksiyon. ubo. Isa pa.6 D Murang Gamutan Bumili Ng Generics Na Gamot ahil mahal ang presyo ng gamot. Mabisa Ang Generics na Gamot Oo. Ang mga nag-rereklamo ay ang mga dayuhang kompanya na nagbebenta ng napakamahal na gamot. kung tunay na gusto niyong tumulong sa mga Pilipino. Walang epekto ang pa-isa-isang tableta lang. Bakit mura ang generics? Mas mura ang generics na gamot dahil hindi sila gaano gumagastos sa advertisements at promotion. mas mabisa kaya ang pag-inom ng antibiotic na nagkakahalaga ng P200 bawat tableta o ang pag-inom ng murang antibiotic na P7 lang pero araw-araw mo namang iinumin ng 10 araw? Sa aking palagay. Ang halaga nito ay mula P2 hanggang P8 lamang ang isang tableta. Sana ay huwag manira sa generics 53 . Mababa din ang presyo ng mga gamot para sa lagnat. kaya mas mura ang benta nila. mas mabisa iyung gamot na iniinom araw-araw. umaabot sa P20 hanggang P50 ang mga gamot dito. Kaunti din ang sinusuwelduhang empleyado. ang payo ko ay mag-generics na lang tayo. wala nang Patent (open na sa publiko) ang mga gamot na generics kaya ang mga kompanya ay puwedeng gumawa at magbenta nito. Sa mga kompanya ng gamot. Kung ikukumpara natin ito sa mga gamot sa malaking drugstore. Alam kong may nagsasabi na mahina ang mga generics. diabetes at iba pa ay mabibili sa Botika ng Bayan. ibaba natin ang presyo ng gamot. altapresyon. trangkaso at antibiotic. mabisa ang generics.

Ang isang tao ay may high blood kapag ang blood pressure niya ay lampas sa 140 over 90 ang bilang. Hindi naman ito mali. Alam niyo ba na 1 sa bawat 5 Pinoy ay may high blood. ang payo ko ay mag-generics tayo. Karamihan ng ating kababayan ay hindi kaya bilhin ito. halos 50% ang may high blood na. Hydrochlorothiazide sa High Blood: Mura at Mabisa Sa iba’t-ibang medical mission na pinupuntahan namin. Kaya lalabas na P2. Pero kung gipit kayo sa budget. Napakamura. Magtiwala po kayo. ngunit mahina ang gamot na metoprolol para sa high blood. hindi ba? Metoprolol: Mura pero mahinang gamot Maraming doktor ang nagrereseta ng metoprolol para sa altapresyon.Sakit sa Puso. puwede kayo bumili ng mamahaling gamot sa drugstore. Ang pag-inom ng kalahating tableta bawat araw ay kadalasang sapat na para bumaba ang presyon. maraming pasyente ang may altapresyon o high blood pressure. Mag-Generics Tayo Kung kayo ay mayaman. At pagdating sa edad 60 pataas. Ang problema ay napakamahal ng mga gamot para sa altapresyon. Mas maigi kung makunan ng 2 beses para makasiguro na mataas talaga ang presyon. Suportahan natin ang Botika ng Bayan at Generics Pharmacy para lumawak pa ang kanilang matutulungan.90 lang ang gastos sa bawat araw.85 lamang. Hydrochlorothiazide: Mura at Mabisa Ang pinakamurang gamot sa altapresyon ay ang Hydrochlorothiazide na mabibili sa drug store sa halagang P5. Kung 54 . Diabetes at Tamang Pagkain na gamot. Bumili ng sapat na gamot at inumin ng tamang dosis para tuluyan kayong gumaling.

Paano Makatitipid sa Medikal na Gastusin ang presyon mo ay lampas 160 over 100.” Puwede na rin iyan. 2. Paano ba tayo makatitipid sa gamutan? 1. Hindi naman kasalanan ang maging mahirap. Alamin ang sakit – Una sa lahat. Ilista ito sa isang papel. mag-hydrochlorothiazide ka na lang. laboratory test o gamot lamang? Ilinaw maigi sa doktor. hindi na puwede ang metoprolol lang. sa atay o sa bato? Ano ang tawag sa sakit niya? Isulat ito sa papel para hindi makalimutan. Alamin ang gamutan – Kailangan ba ng pasyente ang operasyon. Bilang isang cardiologist. Ano ang dosis at ilang beses iniinom ang gamot bawat araw? Mahalaga po ito para maintindihan natin ang kalagayan niyo. Sa katunayan ay hahaba pa ang iyong buhay! Paano Makatitipid sa Medikal na Gastusin Maraming tao ang natataranta kapag sakit na ang pinagusapan. Hindi na ito tatalab. pinapayo ko sa mga nakababatang doktor na gumamit na lang ng hydrochlorothiazide 25 mg para sa mga pasyenteng napakataas na blood pressure. Puwede bang generic na lang? Magsabi ng tapat na kulang ang pera. Ano ang maiging paraan ng gamutan? Tandaan mabuti ang pangalan ng gamot. Nakalulungkot pero marami sa ating mga pasyente ay nireresetahan ng napakamahal na gamot. Magtanong kung may matipid na gamutan – Huwag mahiyang magtanong sa doktor kung may mas murang gamot. May sakit ba siya sa puso. 55 . Kapag kulang sa pera. 3. nabigyan pa ng mahal na gamot. At dahil dito. itanong ang hinihinalang sakit o “working diagnosis. Kung hindi pa alam ng doktor kung ano ang sakit. dapat malinaw ang diagnosis o sakit ng pasyente. Kaya lagi kong tinatanong sa pasyente kung magkano ang budget niya. Kawawa naman ang pobreng pasyente na wala na ngang pambili ng pagkain. madalas ay napapagastos sila ng malaki para lang gumaling. Ang gamot sa altapresyon ay iniinom ng maraming taon. Hindi po ito makasasama sa iyong kalusugan. Hindi na nila alam kung ano ang gagawin.

altapresyon. Alam n’yo ba na karamihan ng sakit ay kailangan ng maintenance na gamot? Ang mga sakit sa puso. 5. Kung kulang sa budget. Hindi ko pinapayo na pumunta sa albularyo o herbal na gamutan. Subukan muna sa tunay na doktor at tunay na gamutan bago magbakasali sa iba. Diabetes at Tamang Pagkain hindi ba? Kung hindi kayo kuntento sa paliwanag ng inyong doktor ay humanap ng pangalawang opinyon. 4. puwedeng kayong malagay ng Social Services sa “Class D. 1. mas makatitipid kayo kung madalas kayong magpapa-check up.” Ang ibig sabihin ay pinakamababa ang presyo ng gastos. Magtanong sa ibang doktor. Pumunta sa gobyernong ospital – Para makatipid. Kulang ang Pera. Walang short-cut sa pagpapagaling. Pumunta sa mga government hospitals kung saan mas alam nila ang mga murang gamutan. pumila na lang sa government hospitals at health centers.Sakit sa Puso. Maging masipag sa follow-up – Maraming pasyente ang tamad magpacheck up. parang tinapon ninyo na rin ang pera. Ilagay sa isang folder at laging dalhin sa inyong pagpapa-check up. Kapag nawala ito. Huwag itong i-asa sa laboratory center o sa doktor. mabuti naman ang pakiramdam nila. Phil. Sa katunayan. Jose Reyes. diabetes at sakit sa utak ay kailangan ng matagalang gamutan. Anong Gagawin? Heto ang aking mga payo kung paano makalilikom ng pera. Kailangan ang matagalang pagmamasid at pag-iingat sa sarili. Heart Center. 56 . at Philippine Children’s Medical Center. Ikaw ang pasyente at kailangan hawak mo ang buhay mo. pumila sa mga charity services ng gobyernong ospital tulad ng PGH. I-xerox ang lahat ng inyong rekord – Huwag iwawala ang mga resulta ng inyong laboratoryo. Marami din ang inihihinto ang kanilang gamot dahil naubos na daw ang reseta. Kasi daw. Hiramin ang resulta ng test at i-xerox ito. Libre na ang mga serbisyo ng doktor. Kung walang trabaho.

May dahilan ang lahat. Kailangan ipakita sa ibang tao na masipag ka. ID picture at letrato ng bahay. Magbigay ng kahit kaunting regalo. Labanan natin ang sakit. Hindi naman tayo bibigyan ng Diyos ng problema na hindi natin kayang lutasin. Ngunit kung nakita naman nila na puspusan ang pagsisikap mo. Trabaho at dasal. walang gana ang sponsor na tulungan ang maysakit. Ngunit ayon sa Biblia.Kulang ang Pera. posibleng matulungan din tayo sa ibang araw.000 ang naitutulong ng PCSO. Sumulat sa PCSO – Sa Pilipinas parang PCSO na lang ang takbuhan ng lahat. nilibre ang lahat ng gamot niya ng Foundation. Magsikap at magdasal araw-araw – Dalawa ang sikreto ng taong matagumpay. Kung tatamad-tamad ang humihingi. Huwag iwawala ang kahit anumang papeles. Ang madalas hingiin ay ang medical abstract (humingi sa doktor o ospital). Tumulong sa mga charity foundations. 3. corporations at sponsors – Kung mapapansin niyo. Ihanda ito ng maaga para makapasa sa charity services. 5. Kadalasan ay P10. Alam natin na napakahirap humingi ng pera. Malaki ang maitutulong ng dasal. Kaya iyan! 57 .000 to P15. 4. hindi ko sinulat na “humingi ng tulong” kundi “tumulong sa” charity foundations. kung tayo ay tutulong muna. prutas o card sa inyong balak lapitan na sponsor. Kung wala naman ay magtiyaga na lang at pumila. pag-iingat sa sarili at pagtulong sa kapwa. Kung kailangan mo ng operasyon. maaawa ang donor at puwede kayong tulungan. Anong Gagawin? 2. Ipakitang na marunong kayo tumanaw ng utang na loob para lumaki ang tsansang mapakinggan kayo. May isang pasyente akong nag-janitor sa isang charity foundation. Ang ibang budget ay sariling sikap na natin. barangay clearance. Ayusin ang lahat ng papeles o requirements – Karamihan ng gobyernong ospital at institution ay kailangan ng mga papeles. Kahit ang pagkakasakit ay puwedeng maging daan sa pagkaayos ng pamilya. derecho na ang donation ng PCSO sa iyong ospital. Noong nagkasakit siya. Mas maigi sana kung may kakilala ka dito.

sa tulong ng iyong doktor. Makatutulong ang aspirin kung kayo ay nagkaroon na ng atake sa puso o istrok. makakapag-desisyon ka na. may sakit sa puso at may mataas na kolesterol. Diabetes at Tamang Pagkain Sa Pisong Aspirin. kung bagay sa iyo ang aspirin.) 2. Ito ay mabisa pero mas mahal na gamot – ang Clopidogrel (brand name Plogrel) na nagkakahalaga ng P30 bawat tableta. pinapayuhan ang pasyente na kumain muna bago uminom ng aspirin. hahaba ba ang buhay mo? Napakagandang gamot ang aspirin. Ayon sa maraming pagsusuri. Side Effect ng Aspirin Ngunit dapat ding mag-ingat sa pag-inom ng aspirin dahil maaaring mangasim ang sikmura at magka-ulcer. Ano ang dosis ng Aspirin? Ang tamang dosis ng aspirin ay 80 mg bawat araw. magtanong muna sa doktor bago uminom ng aspirin. Abot kaya ito. (Iyung istrok na may bara sa utak. palitan ng 30 mg na aspirin. Dahil dito. 58 . Mabisa din ang aspirin sa mga taong may diabetes. Ngayong alam mo na kung para saan ang aspirin at posibleng side effect nito. Napatunayang mapipigil ng aspirin ang istrok at atake sa puso. ang aspirin ay nababagay sa mga sumusunod na sakit: 1.Sakit sa Puso. Kung humahapdi ang sikmura mo sa 80 mg na aspirin. may puwedeng ipalit ang iyong doktor. Dalawa kasi ang klase ng istrok. Ano ang puwedeng ipalit sa aspirin? Kung hindi ka makainom ng aspirin dahil sa ulcer o allergy. Kung madalas humapdi ang iyong sikmura. Ngunit may dapat muna tayong alamin bago uminom nito. Ang brand name na Aspririn 30 mg ay Cor 30.

000 Pribadong hospital: P 500.000 hanggang 20.000 hanggang 80. Saan may murang operasyon? Paano makatitipid? Sa artikulong ito.000 hanggang 70.000 2.000 hanggang 25.000 Thyroid surgery o pagtanggal ng goiter sa leeg: Charity hospital: P 10.000 Myoma surgery o pagtanggal ng myoma sa bahay bata: Charity hospital: P 10.000 hanggang 200. lalo na ang gagastusin para dito. 3.000 hanggang 20.000 hanggang P 1 milyon Cataract surgery o pagpalit ng lente sa mata: Charity hospital o medical mission: P 5.Dok.000 hanggang 40.000 Pribadong hospital: P 60.000 Angiogram o pagsilip ng mga ugat sa puso: Charity hospital tulad ng PGH o Heart Center: P 5. Magkano Ba Ang Operasyon? Dok.000 hanggang 60. at humigitkumulang ang magiging gastos ninyo sa pribadong ospital kumpara sa pangpublikong ospital.000 Pribadong hospital: P 60. 7.000 Heart bypass surgery o pag-opera sa puso: Charity hospital: P 150. Magtiwala at kumonsulta sa ating mga charity hospitals tulad ng PGH. 1. 4. ililista ko ang mga pangkaraniwang operasyon. Ganito po ngayon ang kalakaran sa operasyon sa Pilipinas.000 Hernia surgery o pag-ayos ng luslos sa singit: Charity hospital: P 10. Magkano Ba Ang Operasyon? Ang isa sa kinakatakutan ng lahat ay ang pagdating ng operasyon. 59 .000 hanggang 70.000 hanggang 20.000 hanggang 10.000 hanggang 80. 5. Gallbladder surgery o pagtanggal ng apdo: Charity hospital: P 10. Wala nang mas mura pa.000 o minsan libre Pribadong hospital: P 25.000 Pribadong hospital: P 40. 6.000 Pribadong hospital: P 60.000 Pribadong hospital: P 60.

Grabe ang gagastusin! Kailangan Operahan Sa Puso At Walang Pera: Paano Na? Marami ang nagtatanong sa akin kung ano ang gagawin ng mga mahihirap na pasyenteng may sakit sa puso. alamin kung magkano ang gagastusin. Magpatingin sa doktor. Sa ganitong paraan. Huwag nang hintayin pa na umabot sa operasyon. Ang layunin natin dito ay ang makakuha ng mababang kategorya. Dalubhasa ang mga doktor dito. Alamin maigi ang sakit. Ang Philippine Heart Center ang pinakamalaking ospital para sa mga mahihirap na may sakit sa puso. ay maigi nang mamuhay ng malinis at kumain ng tama.Sakit sa Puso. mabibigyan kayo ng pinakamurang diskuwento para sa operasyon. Saan sila lalapit na ospital o doktor? Ganito po ang dapat niyong gawin: 1. Magpa-interview sa Social Service ng PHC. O papaano na iyan? Nahilo ba kayo sa dami ng “000”? May balak pa ba kayong manigarilyo. at kumain ng matatabang pagkain? Gusto pa ba nating abusuhin ang ating katawan sa pag-inom ng alak at iba pang bisyo? Kung wala kayong ganitong pera para magpa-opera. Pumila sa Charity Out-Patient Department ng PHC o PGH. I-xerox ng maraming kopya. Dito po kayo pipila para malaman ang inyong sakit. Alamin ang sakit ng maaga para malunasan ito. Ano ang sabi ng doktor? Ano ang pangalan ng sakit? Bakit kailangan operahan? Itago ang lahat ng laboratory tests ninyo. Pumunta sa Philippine Heart Center (PHC) o Philippine General Hospital (PGH). 3. 5. at marami pang iba. Matagal ang proseso at marami ang maysakit. kailangan niyong magtiis sa haba ng pila. National Orthopedics Center. 4. Ang operasyon sa puso sa char- 2. Kaya lang po. 60 . Diabetes at Tamang Pagkain East Avenue Medical Center. Lalo na kung medyo malala ang kondisyon at kailangan operahan na. Kapag nadesisyonan na ng doktor na kailangan mo ng operasyon. Philippine Children’s Medical Center.

kaibigan. 7. barangay report.Kailangan Operahan Sa Puso At Walang Pera ity ward ay nagmumula sa P20. Subuking humingi ng tulong sa kamag-anak. Bumalik sa takdang petsa at huwag mag-absent. litrato. at charity foundations.000. Minsan ay bumababa naman ang presyong ito. 8. DSWD at Pagcor ay nagbibigay din minsan ng dagdag pondo para sa operasyon. social service certification. Kompletuhin ang lahat ng papeles. Ang PCSO. at iba pa. Pumila lang ng maigi. Isiping darating din ang tutulong. kompanya. may pag-asa. pulitiko. 61 . Good luck po! 6. Habang may buhay.000 hanggang P200. Huwag agad matakot sa presyo. Huwag mawawalan ng pag-asa. Kailangan ay kompleto ang inyong medical abstract. Magpursige para makalikom ng pera para sa operasyon.

ang katawan natin ay naglalabas ng isang kemikal na tinatawag na epinephrine. sa tono ng iyong tanong. pero ito ang mga safety tips sa ganitong sitwasyon: (1) Inumin muna ang regular na gamot bago makipag-sex tulad ng gamot sa puso. nahulaan kong wala kang balak makipag-sex sa iyong misis. para may lakas pa. (4) Itakda ang pakikipag-sex sa umaga. Ngunit kung makikipag-sex ka sa nakababatang partner. Ang tanong ko ay kung paano ako makikipag-sex nang walang peligro? Dok. magkakaroon ng dobleng stress sa iyong puso. Nakarinig ka na siguro ng taong binuhat ang muebles nila 62 . Ayon sa pagsusuri. (2) Hayaang magtrabaho sa ibabaw ang nakababatang kapareha. maghintay muna ng dalawang oras. mas walang panganib makipagtalik kay misis (o sa iyong usual partner) dahil mas kaunti ang lakas na iyong gagamitin. (3) Huwag makipag-talik ng bagong kain. Ito’y ginagamit ng ating katawan kung may peligro. at (5) Humingi ng medical clearance sa iyong doktor.7 7 Tanong Sa Sex at Family Planning Baka Tumigil Ang Puso Kapag Nag-sex A ko’y 71 years old at may sakit sa puso. alta-presyon at iba pa. titigil ba ang puso ko kapag nakipag-sex ako? Kaibigan. Mag-isip muna dahil marami ang ina-atake sa puso sa ganitong pagkakataon. Ayaw ko mang isulat. Dahil mas excited ka. o dili kaya ay magpabantay sa duktor! Bakit mabilis ang tibok ng puso ko kapag ako’y ninenerbiyos? Ano ang first aid sa ganitong kalagayan? Sa oras ng maramdaming sitwasyon. bago ang inyong tagpuan at may balak kang patunayan sa iyong pagkalalaki.

nagbibigay ako ng isang pangpakalmang gamot tulad ng Bromazepam (brand name Lexotan) na makakahingi ng reseta sa doktor. Kung bibilangin natin ay 14 na safe days at 14 na hindi safe days. lalo na ang mahihirap. bumibilis ang tibok ng iyong puso.” Dito ay ikinuwento niya ang lahat ng katuwa-tuwa at nakakatawang istoriya tungkol sa family planning. 2.Family Planning ni Senator Juan Flavier sa oras ng sunog. ay naglalabas ng epinephrine ang katawan. Family Planning at Senator Juan Flavier Si Senator Juan Flavier ay sumulat ng librong “Family Planning Made Easy. relax ka lang. Bawat taon. Withdrawal Method – Ang withdrawal ay kung saan tinatanggal ng lalaki 63 . Grabe! Ang layunin lang ni Senador Flavier ay bigyan ng impormasyon ang ating mga kababayan. At alam n’yo ba na may 300.000 sanggol ang na-a-abort bawat taon. Sa pagkakataon na kayo ay nagalit. Rhythm Method – Ang rhythm ay magagamit ng babaeng regular ang pagregla. Bakit ba dapat mag-plano ng pamilya? Ayon sa Senador. Kung ang menses ng babae ay bawat 28 araw. Dahil dito. ang safe na araw para magtalik ay 7 araw mula sa unang araw ng pag-regla. Iyan ang taglay ng epinephrine.000 kababaihan ang namamatay dahil sa paglalaglag ng bata (abortion). Gamitin ang imahinasyon para makalikha ng isang matahimik na lugar sa iyong isipan. Ok lang iyan kaibigan. Ligtas din ang 7 araw bago dumating ang susunod na regla. maraming mga nanay at sanggol ang namamatay dahil sa hindi pagpa-plano ng pamilya. Heto ang mga paraan: 1. tungkol sa family planning. Huminga ng malalim at mabagal ng walong beses. may 12. hindi puwedeng gamitin ang rhythm. Ngunit kung ang babae ay hindi regular ang menses. kung magtatalumpati. Umupo sa isang tabi. Mabisa at walang delikado ito. kung may matinding problema. Pero may natural ding paraan para labanan ang kaba. Para sa mga may nerbiyos.

2%). Mesa. Tinulungan namin sila at binalikan pagkaraan ng 5 buwan. tulad ng IUD (intra-uterine device) at diaphragm na hindi ko na tatalakayin. heto ang mga paraan ng family planning na ginagamit ng Pinoy: Pag-inom ng pills (32%). Ito’y dahil may konting semilya nang lumalabas kahit hindi pa nag-oorgasm ang lalaki. Diabetes at Tamang Pagkain ang kanyang ari bago mag-orgasm o maglabas ng semilya. May iba pang mga paraan ng family planning. may mga lalaki na ayaw gumamit ng condom dahil hindi sila lubusang nasisiyahan sa kanilang pagtatalik. May 7 silang anak. May iba naman ang nagsasabi na “pigilan si Mister sa pang-gigigil. 4. may TB din. naospital ang nanay dahil nabuntis na naman at dinugo ng malakas. Napatunayan na ito’y makapagpipigil sa pag-laganap ng AIDS at sakit sa babae. Ligation sa babae (19%). Ang 2 permanenteng paraan ng family planning ay ang vasectomy at ligation. Ang tatay at nanay. Magtanong sa inyong obstetrician-gynecologist (doktor sa babae) o sa inyong health center tungkol dito. may pamilya kaming binisita sa tabi ng riles ng tren sa Sta. Good luck po! Bakit Kailangan Mag-plano ng Pamilya? Sa aming medical mission. lahat may tuberculosis. 64 . ngunit hindi po ito 100%. Rhythm method (14%). Mababawasan nito ang tsansang magbuntis ang babae. Withdrawal (14%). Puwede din magpa-vasectomy ang lalake o magpatali ang babae. Papaano pa kaya sila aahon sa buhay? Ayon sa pagsusuri. Pills – May mga pildoras na iniinom araw-araw ng kababaihan para hindi magbuntis. Condom – Ang condom ay isang plastic na isinusuot sa ari ng lalaki. Epektibo din ang condom pang-family planning. Medyo safe naman po ito. Pumili ng angkop sa inyo at sa inyong paniniwala. 3.Sakit sa Puso.” Hindi naman ito puwede. Condom (4%) at Vasectomy (0. Kaya lang. hindi ba? Napakamahal po ngayon magpa-aral at magpalaki ng anak. Hayan. Alamin natin itong mga paraan ng family planning.

dating presidente ng Philippine College of Surgeons. Tulad ng mga babaeng may rheumatic heart disease at mahina ang puso. Mabuti sana kung sapat ang pera ng pamilya para magpalaki ng maraming supling. Maghihirap sila ng 9 na buwan. ligtas at epektibo ang vasectomy. mas madaling gawin ang vasectomy sa lalake. Magagawa ito sa loob ng 30 minutos at ginagamitan lang ng local anesthesia. makagagawa sila ng tamang desisyon para sa 65 . Flavier. Ligtas ang ligation at bihira lang magka-komplikasyon. walang itong epekto sa pagtatalik. Madalas ay sinasabay ang ligation sa panganganak ng babae. Ngayon. Kung ikukumpara natin ang vasectomy sa ligation. Eduardo Gatchalian. Lalo na kung Caesarian Section o CS ang ginawa. Ang vasectomy ay isang simpleng operasyon kung saan pinuputol ang tubo ng semilya ng lalaki (tinatawag na vas deferens). Bilang isang doktor. Kapag tinali ito. Ayon kay Dr. Ligation sa kababaihan Ang ligation ay isang operation kung saan tinatali ang fallopian tubes ng babae. napakadali lang magpa-ligate. Ginagawa ito sa mga ospital ng gobyerno. Puwede itong pag-usapan ng mag-asawa kung ano ang pipiliin nila. Karapatan ito ng bawat isa. Kadalasan ay hindi kakayanin ng puso ang stress ng pagbubuntis. depende sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay. 2.Bakit Kailangan Mag-plano ng Pamilya? 1. ngunit wala nga lang itong semilya (sperms) na nakabubuntis. Duduguin pa kapag nanganak. ito’y para hindi rin mahirapan ang mga babae. kailangan natin ibahagi ang tamang impormasyon tungkol sa family planning. Ayon kay Doc Jondie. marami na akong nakitang pasyente na matutulungan ng family planning. Alam naman natin kawawa ang babae sa laging pagbubuntis. hindi na magbubuntis ang babae. Vasectomy sa kalalakihan Ayon kay Dr. Ang fallopian tubes ay pinagdadaanan ng itlog ng babae mula sa obaryo papunta sa bahay bata (uterus). Masama ba ang epekto ng vasectomy sa sex life? Hindi. May semen pa rin na lalabas sa lalaki. Si Dr. Jondie Flavier ay nag-pro-promote din ng vasectomy.

) 66 . kumonti ang mga spots ko pero hindi nawala. May maputi.Sakit sa Puso. Masakit ang pag-ihi na parang binabalisawsaw. may napansin po ako na mga “greenspots” sa aking brief. Sa kuwento mo ay mukhang nagkaroon ka ng Gonorrhea o tulo. minsan ay hindi na ito epektibo. madilaw o maberdeng likido na tumutulo sa ari o vagina. Nagka-tulo po yata ako. Makukuha and Gonorrhea sa pagtatalik. matres at fallopian tubes ng babae. 2 beses sa isang araw. puwede ito magdulot ng pagkabaog (sterility). Bawal ito inumin ng edad 18 pababa. Ciprofloxacin 500 mg tablet. Nakagamit po ako ng bayarang babae. Good luck po. at puwede rin kumalat sa dugo at kasukasuan (joints). (Magpakonsulta muna sa isang Urologist o OB-gynecologist para matiyak ang sakit. Sana po’y matulungan nyo ako. Tama lahat ang mga sintomas na ikinuwento mo tungkol sa tulo. Nasa daanan ng ihi (urethra) naman ito ng kalalakihan. cervix (kuwelyo ng matres). Diabetes at Tamang Pagkain kanilang sarili. Puwedeng lumipat ang gonorrhea sa bibig. God Bless! – Anonymous Dear Anonymous. lalamunan. Pinagsisisihan ko na ang aking mga ginawa. isang Sexually-transmitted disease. Doc Willie. Ako nga po pala’y may asawa at 2 anak. Puwedeng uminom ng 3 araw. Ang Gonorrhea ay dahil sa bacteria na Neisseria gonorrhea.) 1. Salamat sa liham mo. Naninirahan ito sa vagina. may nagpayo sa akin na uminom ng “ciprofloxacin”. Uminom po ako nito. (Dahil matitindi na ang mga klase ng Gonorrhea ngayon. mata at puwit ng tao! Grabe ang kamandag ng sakit na ito. Kapag hindi ito ginamot. May namamatay dito. at medyo sumakit ang aking pag-ihi na parang lagi akong may balisawsaw. Heto ang mga gamot na ibinibigay ng doktor. Sexually-Transmitted Disease Magandang araw po Doc Willie! Ako po’y may idudulog sa inyong problema. Ngayon dumami ulit ang tulo ko. makalipas ng 5 araw.

Huwag makipagtalik sa ibang babae (o lalake) na hindi mo asawa o permanenteng partner. God bless din! Nasira ang Sex Life ni Mang Bert Dear Doc Willie. 56 years old. Gumamit ng condom para mabawasan ang tsansang mahawa. Umaasa. bakit po kaya? Sana matulungan ninyo ako sa aking problema. God bless! Hi Bert. Paano makaiiwas sa sexually-transmitted disease? 1. ano po ba ang mainam? Isa pa Dr. Natuklasan kong may diabetes ako 2 taon na ang nakakaraan. sumulat ako sa inyo dahil nabasa ko kayo sa Pilipino Star Ngayon ang paborito kong diyaryo. Ayaw na pong tumigas ni manoy. May kahalo pa itong Chlamydia. Natuwa ako sa issue mo tungkol sa ‘dyeta sa diabetes’. At sana naman ay matuto na ng leksyon at maging matapat kay Misis. 3. may asawa. tinuturukan ng Ceftriaxone 125 o 250 mg injections sa loob ng masel (intramuscular). “Gusto pa ng isipan pero mahina ang 67 . May pagkakataon na hindi lang Gonorrhea ang sakit ng pasyente. Ang gamot sa Chlamydia ay Doxycycline 100 mg tablet. ang tamod ko ay kaunti lang kung lumabas hindi tulad noong mga nakaraang taon na tumitilamsik at marami. Ang importanteng tanong ko po ay ano po ba ang magagawa ninyo para manumbalik ang kasiglahan ko sa sex. 2. Salamat sa sulat mo. Kawawa naman si Misis at baka mahawa pa siya sa Sexually-transmitted disease. Sa mga seryosong kaso. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Mahirap ang masira ang sex life lalo na sa ating kalalakihan.Nasira ang Sex Life ni Mang Bert 2. Iyon bagang. Inumin ng 7 araw. Tawagin ninyo na lamang akong Mang Bert. 2 beses sa isang araw. Ong. isa pang Sexually-transmitted disease. Sa dami ng mga sumusulat sa akin ay pinili ko ang liham mo dahil alam kong malaki ang problema mo.

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain katawan.” Ang tanong mo ay bakit nagkaganoon si manoy at ayaw nang tumigas? Ang masisisi natin dito ay ang diabetes mo. Alam n’yo ba na kapag ang diabetes ay pinabayaan ng 5 taon ay magiging impotent ka na? Ito’y dahil sinisira ng diabetes ang mga UGAT natin, mula sa puso (atake sa puso), mata (pagkabulag), paa (pagkamanhid at puwedeng maputulan ng paa) at ari ng lalaki (paglambot ng ari). Nagbabara at kumikipot ang daanan ng dugo sa ari. Dahil dito, hindi na titigas ang ari kahit ano pang gawin o basahin. Ang solusyon dito ay dapat IBABA natin and asukal sa dugo. Heto ang mga numerong kailangan itaga sa isipan ng lahat ng diabetico. 1. Fasting blood sugar na hindi lalampas sa 105 mg/dl 2. Two-hour blood sugar na hindi lalampas sa 140 mg/dl 3. Hemoglobin A1C na hindi lalampas sa 6 mmol/L Kung kayo’y may diabetes, i-check ang unang 2 test ng 2 beses kada linggo. Kung kaya ng budget, bumili ng sariling blood sugar monitor para maibaba ng husto ang blood sugar. (P3,000 ito sa Bambang, Rizal Avenue.) Yung Hemoglobin A1C naman ay puwedeng i-check sa laboratoryo kada 2 buwan. Tandaan, kapag 5 taong lampas sa normal ang iyong mga numero sa diabetes, puwedeng maglaho ang iyong sex life. Magpakonsulta tayo sa isang endocrinologist o diabetes specialist para sa tamang gamot na iinumin. Karamihan ng diabetico ay kailangang uminom ng gamot. Makatutulong din ang tamang diyeta at ehersisyo. Kaya Bert, kapag normal na ang iyong blood sugar, mapipigilan na natin ang panghihina ni manoy at baka manumbalik pa ulit ang sigla, lakas at dami na iyong inaasam. Good luck po.

“Dok, masama ba ang Oral Sex?”
Dok, masama ba ang oral sex? Hindi masama ang oral sex kung ikaw at ang iyong partner ay parehong malusog. Siguraduhin walang vaginal discharge ang babae at walang im68

“Dok, masama ba mag-sex araw-araw?” peksyon din ang lalake. Maligo maigi at maging malinis sa katawan. Pagkatapos mag-sex, magmumog ng bibig at lalamunan ng isang mouthwash. Uminom din ng kalahating basong tubig para mahugasan ang lalamunan. May isang pagsusuri sa America na nagsasabi na 50% ng mga edad 60 pataas ay nakikipag-oral sex pa sa kanilang partner. Dok, masama ba ang anal sex o gay sex? Oo, masama. Ayon kay Dr. Eduardo Gatchalian, dating presidente ng Philippine College of Surgeons, masama ang anal sex o iyung pagpasok ng ari ng lalake sa puwit ng kapwa lalake o babae. Sabi ni Dr. Gatchalian, madumi ang looban ng puwit (ang rectum) at marami itong bacteria. Napatunayan sa pagsusuri na ang anal sex ay nagdudulot ng sexually-transmitted diseases tulad ng AIDS, genital warts, anal warts at HPV virus. Sa anal sex, napupunit ang balat ng puwit kaya nakakapasok tuloy ang mga impeksyon dito. Ang puwit ay hindi ginawa para sa sex. Ngunit kung hindi niyo ito maiwasan, puwedeng gumamit ng condom para may proteksyon laban sa AIDS. May sexual position ba na dapat iwasan kapag nagse-sex? Oo, mayroon. Huwag maging ma-eksperimento o acrobatic sa kama at baka mapilay ang iyong likod at balakang. Para sa may sakit sa likod, ang pinapayong posisyon ay ang paghiga ng nakatihaya para hindi mapilay ang likod. Hayaan na lang ang mas malakas na partner ang magtrabaho sa ibabaw. Para maging masigla sa sex, mag-ehersisyo araw-araw para lumakas ang katawan. Sa ganitong paraan, gaganda din ang sex life niyo. Good luck.

“Dok, masama ba mag-sex araw-araw?”
Dok, gaano kadalas ako dapat mag-sex? Kasi po gusto ko ng maraming beses sa isang araw. Ako’y 24 years old. (Arnel) Arnel, hindi masama mag-sex araw-araw. Ang sex drive ng lalake ay depende sa lebel ng testosterone ng kanilang katawan. Ang mga teenager hanggang edad 30 ay may napakataas na lebel ng testosterone sa katawan. Pag lampas 40 69

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain ay dahan-dahan na itong bababa. Ito ang pahayag ni Dr. Eduardo Gatchalian, isang tanyag na urologist, “Sa edad 20, gusto mong makipag-sex 3 times a day. Sa edad 30, gusto mong magsex 3 times a night. Sa edad 40, nakikipag-sex ka ng 3 times a week. Sa edad 60 ay 3 times na lang ang sex sa isang buwan. Sa edad 70, try ka na lang ng try. At sa edad 80, you try to remember na lang kung paano nga makipag-sex.” Gaano katagal dapat titigas ang ari ng lalake para masabing normal siya? Kadalasan, tumatagal ng mula 45 minuto hanggang 1 oras ang erection ng lalake. Pangkaraniwan, dapat manatiling matigas ang ari hanggang mayroon pang nag-stimulate nito. At kailangan ay makatapos ang lalake ng sex at makalabas ng semilya. Bakit mas open sa sex ang mga dayuhan kumpara sa mga Pinay? (John) Siguro, John, mga mahiyain at Maria Clara ang kaibigan mo. Mabuti ka pa. Pero alam mo, marami nang agresibong mga Pinay ngayon. Sabi nga ni Dr. Gatchalian, “Ang pagiging mahiyain ng Pinay ay dahil lamang sa mga tinuturo ng kanilang magulang. Napipigilan lang sila. Ngunit ang sexual drive ng Pilipino ay nandoon at nakatago lamang.”

“Dok, paano magiging malakas sa sex?”
Dok, paano ako lalakas sa sex? Ayon kay Dr. Rafael Castillo, presidente ng Philippine Society of Hypertension, ang alak at paninigarilyo ay puwedeng magdulot ng impotence o ang paglambot ng ari ng lalake. Para sa inyong kaalaman, ang sigarilyo ay nagpapakipot ng ugat sa ari at binabawasan ang daloy ng dugo. Dahil dito, hindi na titigas si manoy. Masama din ang sobrang alak. May maling akala na nagpapalakas sa sex ang alak. Mali po ito. Masisira ang performance mo sa kama dahil sa alak. Isa pa, kailangan din ma-kontrol ang presyon ng dugo (blood pressure) at asukal sa dugo (blood sugar). Kapag ika’y may altapresyon o diabetes, puwe70

(3) ang pag-injection ng gamot sa ari. magtanong sa inyong Urologist. Lakasan ang loob. isang oras bago makipag-sex. Ang Andros ay pinakamurang brand na nasa merkado (P200 bawat tableta). Andros ang brand name at Sildenafil ang generic name ng gamot sa impotence. Ang pagiging nerbiyoso at kulang sa pagtitiwala sa sarili ay nakakaapekto din sa sex. Ano ang puwede kong inumin para lumakas sa sex? Sa mga may problema sa sex. espesyal na plastic tube na pinapasok sa loob ng ari.“Dok. Hirit pa niya. Gusto daw niya kasi makipag-sex sa isang 18 years old na dalagita. “Dok. (2) ang paggamit ng vacuum (humihigop) na bote. Ngunit kung ika’y may sakit sa puso. Isipin mong kaya mo. masama ba ang masturbation?” Dok. at (4) ang paglagay ng penile implants. masama ba ito sa aking kalusugan? 71 . magpa-check muna sa doktor at baka hindi kayanin ng puso mo ang sobrang pagiging excited. Mag-ingat at magpagamot na agad. Ang operasyon ng penile implant ay nagkakahalaga ng P150. ano pa ang ibang gamutan ng impotence? May iba pang paraan ang mga doktor para magamot ang impotence: (1) may tableta na inilalagay sa loob na ari. May kuwento nga akong isang 72 years old na lalakeng pasyente na pinipilit akong resetahan siya ng Andros. Naaawa kasi ako sa Misis mo! Bukod sa Andros. pero hindi ko alam kung kaya ng konsiyensiya ko na resetahan ka. simple lang ang sagot sa problema mo – ang Andros. “Dok. masama ba ang masturbation?” deng masira ang sex life mo sa loob ng 5 taon. puwede ba ako makipagtalik sa 18 years old?” Ang sabi ko ay sa tingin ko ay kakayanin ng puso mo. Hanggang isang tableta lang ang puwedeng inumin sa isang araw. araw-araw akong nagbabati (masturbation).000. para makaya mo nga. Para sa mga paraan na ito. Uminom ng Andros 50 mg tablet.

hindi ba walang sinabi ang mga tao kumpara sa mga hayop? Tinukso dahil maliit ang pagkalalake Dok. (Josh) 72 . Diabetes at Tamang Pagkain Ayon kay Dr. Dok. walang masama sa pagbabati. baka puro pansarili na lang ang kanyang iniisip at hindi na makaunawa ng tunay na pagmamahal. puwedeng mangyari iyan. o maging masaya sa iyong trabaho. Para sa mahilig magbati. Ngunit kailangan natin alalahanin na puwede magkaroon ng psychological na problema ang taong mahilig magbati. Gatchalian. magkaroon ng libangan.Sakit sa Puso. Gatchalian. Halos 2 basong semen! O. Magpatingin sa iyong urologist. Ang masyadong malakas na pagbabati ay puwedeng makasugat sa mga ugat ng ari. hindi po ito normal at maaaring senyales ito ng pagkabaog. pinapayo ng doktor na ibaling na lang ang atensyon sa ibang bagay. dumugo ang ari ko pagkatapos ko magbati. Ano pong nangyari? Tulungan niyo ako. Dok. gaano karaming semilya (semen )ang normal sa isang lalake? Ayon kay Dr.5 ml ang lumalabas na semilya. Eduardo Gatchalian. Malamang ay nasugatan ang iyong seminal vesicles. Ang payo ko ay huwag munang magbati ng ilang araw para maghilom ito. Ngunit huwag mag-alala at gagaling din ito ng kusa. may isang beses. ano ba ang normal na haba ng ari ng lalake? Niloloko ako ng kaibigan ko dahil maliit daw yung akin. 3 ml ng semilya o kalahating kutsarita ang normal na dami bawat paglabas (orgasm). Maglaro ng sports. isang urologist. ang mga tubo sa bayag na nagdadala ng semilya. Isang paghahambing: ang boar (baboy damo) ay kayang maglabas ng 500 ml na semilya. Kung may kakaunti sa 1. Oo. Sabi ni Dr. Wala namang peligro ito sa katawan at hindi rin ito matuturing na sexual perversion. Lumayo din sa tukso tulad ng mga babasahin at palabas na malaswa.

Kapag nalimutan mo ito ay siguradong lagot ka! Paano naman ang mga lalake? Ano ang nagpapasaya sa kalalakihan? Ayon sa mga eksperto.Tinukso dahil maliit ang pagkalalake Josh. Kailangan ninyong dalawa na mag-usap ng masinsinan kung ano ba ang problema ni Mister. mas mahalaga ang emosyon at pagkarinyo. Noong una. Bakit ayaw na niyang makipagtalik sa iyo? Baka naman lagi mo siyang sinesermonan at kinokontra sa usapan. Bantayan maigi si Mister at huwag papatalo sa ibang babae. ang naka-relax na ari ay sadyang maikli at malambot. Isa pang dapat tandaan Josh. Kasal na kami ng 4 taon. Gulatin mo si Mister sa pagsuot ng mga maiikling damit o nighties. Siguradong patok iyan at magiging masaya sila. walang kaugnayan ang haba ng ari sa galing mo sa pagtatalik. Dok. iba ang hinahanap ng babae kumpara sa lalake. Para sa mga kababaihan. Gusto nila lagi ng may sorpresang regalo tulad ng bulaklak. Ang tunay na sukat ng haba ng ari ay kapag tumigas na ito. ang haba na 3 pulgada (inches) ay sapat na para sa sex. Philip Cruz. simple lang ang hilig ng lalake. O baka naman may bago na siyang kinahihiligan.” Ayon sa mga doktor. hindi normal sa mag-asawa ang walang sex. Sa mga babae. Mayroon isang pasyente na 1. madalas kaming magtalik. Good luck! 73 . Ngunit ngayon ay may 4 na buwan na kaming walang sex. tsokolate. Ang asawa ko po ay 26 ang edad. at mga text na “I love you”. Huwag din natin kakaligtaan ang mga birthday at anniversary. paano ko mapasasaya ang aking nobya? (Ronnie) Ayon sa mga psychologists. Ayon nga kay Dr.5 inches lang ang haba ng ari pero kaya niyang magpaligaya ng babae. Bakit po kaya? Normal ba ang walang sex? (Gloria) Gloria. ang pagmamahalan ay hindi lang tungkol sa sex. “Hindi iyung haba ng lapis mo ang importante. Ang mahalaga ay kung paano mo ito sinusulat.

Ang trabaho ng platelets ay ang pagbuo ng dugo kapag tayo’y nasusugatan. Alamin! agulat ang lahat sa pagkasakit ni Francis M.Namamana ito sa ating magulang. Itigil iyan. sa sakit na Acute Leukemia. At dahil dumadami ang cancer cells. Ano ba itong sakit? Paano ba ito nakukuha at maiiwasan? Ang leukemia ay isang kanser sa dugo. MRI at iba pang radiation. Ang benzene. 4. Ang sintomas ng leukemia ay dala ng pagkasira nitong 2 klaseng selula: (1) Kumokonti ang red blood cells. Kapag ika’y madalas magkaroon ng pagdurugo o pagpapasa. Kapag nagkulang ng platelets. ay puwede ding magdulot ng leukemia. Smoking – Masama ang paninigarilyo. matutuklasan kung may leukemia ang pasyente. Chemicals – Masama ang mga ginagamit nating pesticides para sa halaman. 2. 3. CT Scan. Sa ganitong blood test. Genetics . Nagbabago ang cells (selula) sa dugo ng pasyente at nagiging kanser ito. Radiation – Masama ang laging exposed sa mga X-rays. 74 .8 N Artista at Kalusugan Sakit na Leukemia. (2) Kumokonti ang platelets. gilagid at balat. tulad ng red blood cell (pulang dugo) at platelets. isang kemikal ng plastic. Ganito ang nangyari kay Francis M. Nagiging anemic ang pasyente at kailangan salinan ng dugo. puwede tayong duguin sa ilong. Ano ang sanhi ng leukemia? Apat ang posibleng pinanggagalingan ng leukemia: 1. Gumamit ng mask at guwantes. natatabunan ang mga normal cells natin. ipasuri ang iyong dugo: CBC with peripheral smear.

iba po ang bangungot sa Bangungot syndrome. Ang Bangungot syndrome naman ay isang sakit na kung tawagin ay Acute Pancreatitis. Mahal ang mga pamamaraan na ito at hindi pa tiyak na gagaling ang pasyente. Ang trabaho ng pancreas ay ang maglabas ng “juices” para tunawin ang ating kinain. Una sa lahat. • Turuan din ang mga bata na kumain ng gulay. longanisa at hamon. Sa isang araw. Paano tayo iiwas sa leukemia? Sundin po ang mga payong ito: • Ang mga bata (edad 2 pababa) ay dapat pakainin ng saging at orange 4 hanggang 5 beses bawat linggo. Kailangan ipasuri ang leukemia sa mga ekspertong doktor. Bangungot Syndrome: Paano Iiwas? Ano ba ang bangungot? Bakit maraming Pilipino ang namamatay dito? Kung matatandaan ninyo. Siguraduhing walang kemikal (tulad ng fertilizer) na nakadikit dito. mahihirapan ang ating pancreas. makaiiwas ang mga bata sa leukemia. Kapag napadami ang ating kinain. Sa ganitong paraan. tulad ng pechay. bone marrow transplant at makabagong stem cell treatment. Ang bangungot ay iyong nananaginip ka ng masama. Ang ibig sabihin ng “organic” ay hindi gumagamit ng kemikal sa pagpapalaki ng manok at iba pang pagkain. Ang Acute pancreatitis ay ang pamamaga ng ating pancreas o pale. • Piliin ang mga organic na manok at itlog. ang mga preserved meats ay puwedeng magdulot ng leukemia.Bangungot Syndrome at Marky Cielo Ang leukemia ay ginagamot sa pamamagitan ng chemotherapy. Mabuhay ng malinis at umiwas tayo sa sakit. halos 8 basong pancreatic juice ang ginagawa ng pancreas. tocino. • Hugasan maigi ang gulay at prutas bago kainin. Ayon sa pagsusuri. 75 . kangkong at ampalaya. Dalawa ang sanhi ng acute pancreatitis: (1) sobrang pagkain ng marami at (2) sobrang pag-inom ng alak. • Umiwas sa hotdog. ito ang hinihinalaang sanhi ng pagkamatay nina Marky Cielo at Rico Yan. na kung tawagin ay Hematologists.

hindi rin gaano tataas ang iyong asukal sa dugo (blood sugar). Tubig ang pinakamagandang inumin para sa ating kalusugan. 3. mas maigi po na umiwas na rin sa alak. Hindi ka tataba sa ganito dahil konti lang ang kinakain mo. Kapag ganito ang iyong nararamdaman. at isang ulam lang. puwedeng kalahating tasang kanin.” Baka bangungot syndrome ang aabutin mo niyan. Ang sintomas ng Acute pancreatitis ay ang matinding pagsakit ng sikmura.Sakit sa Puso. Maglakad ng 20 minutos pagkatapos kumain. “Kain ka lang ng kain. Sabi ni Kris sa akin. lagyan muna ng pagkain ang iyong tiyan. baka raw namamana ang Bangungot syndrome dahil mas natatagpuan ito sa mga kalalakihan ng taga-Asia. Diabetes at Tamang Pagkain Ayon sa eksperto. True. Kung tutuusin. tapos hindi mo ako tutulungan sa pagtunaw ng pagkain. Pinag-usapan namin ni Ms. pumunta agad sa ospital. Makatutulong ang ganitong schedule sa pagtunaw ng ating kinakain. Usapang First Aid With Kris Aquino Mapalad kaming nag-guest ng aking misis na si Dra. Sasabihin niya. Liza sa Boy & Kris ng ABSCBN. Siguro mas malakas din uminom ng alak ang mga lalake. Kasama din namin ang nakakatuwang si Pokwang at ang 11 taong anak niyang si May. Kapag hapunan. Sa meriyenda.” hirit ni Kris bago sumenyas 76 . Masisira ang ating atay at pancreas. eh baka magalit ang iyong pancreas. Kumain ng 5-6 na beses sa isang araw pero pakonti-konti lang. Kung iinom ng alak. Para sa mga diabetico. Paano iiwas sa Acute pancreatitis? 1. 2. sabaw. Good luck po. na tumutugon sa ating likod. “You know you’re very lucky because your wife is pretty. Bawal matulog agad! Kapag napadami ang kinain mo at biglang matutulog. Kris Aquino ang tungkol sa First Aid tips para sa mga mommies. Masama ang alak kapag walang laman ang tiyan. puwedeng isang saging o mansanas lang. “Are you husband and wife?” Tumango ako.

Usapang First Aid With Kris Aquino yung cameraman ng “Rolling. puwede daw bang kalugin niya ang baba niya kapag nauntog? Siyempre mali itong paniniwala. 2. Tapalan ng gasa. Sabi ni Pokwang. Maaring dalhin sa ospital ang pasyente para bigyan ng bakuna laban sa tetanus o rabies lalo na kung grabe ang kagat. 4. Kung dumudugo. linisin ng povidoneiodine o alcohol. sabay pakita sa camera. 3. Pagdurugo ng ilong o balinguynguy. buhusan ng malamig na tubig or yelo sa paligid para mawala ang pangangati. Dagdag naman ni Kris ay may allergy daw siya sa betadine. Puwedeng maglagay ng ice bag sa taas ng ilong para magbuo ng mabilis ang dugo. Sanay na daw ang pamilya Aquino sa ganitong pagkakataon. Kagat ng aso. Sabi ni Kris. Una. Ang anak ni Kris na si Josh ay madalas daw magdugo ang ilong. Hayan may konting peklat pa sa braso. Obserbahan ang aso na kumagat ng 10 araw. Kaya ang gamit niya lagi ay Casino Rubbing Alcohol. Paupuin at itingala ang ulo ng pasyente. Ihiga ang bata at lagyan ng ice bag ang tinamaang parte. Pagkatapos ay takpan ng gasa. Nauntog. 1. 77 . Kris is Kris and nakakatuwa talaga siya.” Anyway.” patawang sabi niya. kung tayo ay mahilig magbasa ng tungkol sa kalusugan. sa panahon ng emergency ay alam na natin ang ating gagawin. Ito’y para magbuo agad ang dugo at huwag nang lumaki. bad. Kagat ng lamok. dahil siya ang Celebrity Endorser nito. hugasan agad ng sabon at tubig para maalis ang laway ng hayop. Maraming alam si Kris tungkol sa medisina. Diinan ang dulo ng ilong para mapigilan ang pagdurugo. Tulad ni Kris. Hugasan mabuti ng sabon at tubig ang kagat. nakagat siya ng lamok kamakailan at kinamot niya ng kinamot. Pagkatapos. Nasabi pa niya na paborito ng mga Aquino ang Diphenhydramine (Benadryl) dahil madalas silang mag-allergy. Heto ang pinag-usapan namin. “Bad Kris. langgam at surot. Uso talaga ito kapag tag-init. Subu king paduguin ang sugat para maalis ang mikrobyo. pusa o daga. Maya-maya ay hihinto na rin.

Uminom ng 4 na basong gatas (low-fat milk) bawat araw. Pag-iwas sa food poisoning. Tips sa mga buntis. Umiwas sa mga pagkaing lampas na sa 3 oras na nakahain. Ai. (2) palakasin ang resistensiya. Kapag piyestahan. 3.” Si Ruffa ay matangkad. Sa ating kababayan. at (3) umiwas sa mga taong inuubo. tulad ng may gata. At siyempre. Si Ai-Ai naman ay talagang sobrang lakas ang appeal sa masa. Napakasaya at palaging puno ng impormasyon at kasiyahan para sa manonood. Napakabait at very charming sina Ms. Mapalad kami ng aking misis. Kumain ng itlog. 2. petsay. ang Tamiflu. 78 . Humina na itong virus at halos hindi na nakamamatay sa mga nagkakasakit nito. Kumain din ng maberdeng gulay na mataas sa folic acid at iron tulad ng kangkong. manok at karne. May gamot na rin sa swine flu. Wala siyang ere at masaya siya sa kaniyang buhay. Mas ligtas ang mga tuyong pagkain tulad ng prito at inihaw na isda. Ang payo namin ay (1) maghugas lagi ng kamay. Liza Ong. huwag masyadong matakot sa swine flu o Influenza A (H1N1) virus. Bawat biro at galaw niya ay siguradong tatawa ang studio audience.Sakit sa Puso. Ito ang ilan sa mga paksa na aming tinalakay sa Ruffa and Ai: 1. karne at atay para makakuha ng protina. na si Dra. dapat mag-ingat sa napanis na pagkain. spinach at talbos ng kamote. Umiwas sa masyadong matatamis at baka kayo magka-diabetes. Ipagdasal natin na mahanap na ni Ruffa ang kaniyang “soulmate” para sumaya pa ang kaniyang buhay. Mag-ingat din sa pagkain na may sarsa. Ang sagot ko ay siyempre “Oo. Ang fruit salad at cheese whiz ay madali din mapanis. na maging medical experts ng naturang programa. folic acid at protina. may mayonesa at gatas. iron. magpa-check up sa inyong OB kada buwan. maganda at napakabait. Pag-iwas sa swine flu. Diabetes at Tamang Pagkain Ruffa and Ai: Maraming Impormasyon Na Matututunan Nakakatuwa ang programang Ruffa and Ai ng ABS-CBN. malunggay. Ruffa and Ms. Palagi kaming tinatanong kung maganda ba si Ruffa Gutierrez at Ai-Ai De Las Alas sa personal. Kailangan ng buntis ang 4 na sustansiya: calcium. Ilagay ang tirang pagkain sa refrigerator.

pinagdaanan na niya ang lahat ng panlalait. Iniisip na kaya niya. simbulo ng paniniwala niya sa Itaas. Sino ba 79 . May nakakatuwa. mataas man o mababa. naaawa si Boy sa mga humihingi sa kanya ng payo. Ano kaya ang sikreto ng tagumpay ni Boy Abunda? Heto ang nakikita ko. Kahit anong sulat mo ay hindi ka papansinin. Kapag nahihiya ka. Lagi siyang humihingi ng tulong sa Diyos sa kahit anong pagsubok. 1. Ang laman ng CD ay 10 awit ng buhay ni Kuya Boy. ngunit talino ang kanyang naging puhunan. Maraming sikat na tao ang napakahirap nang abutin.” Dahil malaki ang tiwala niya sa Diyos at sa sarili. Hindi nahihiya. may nakakalakas ng loob. madalas niyang suot ang kanyang scapular. Probinsiyano lang dati si Kuya Boy. 2. hindi siya sumuko hanggang nakuha niya ang break. Sa mga nakakakilala kay Boy. Tumutulong sa tao. Boy Abunda sa amin kamakailan. Kulang ka sa credentials. Sinasagot ang mga tawag. Talagang mapalad kami na makilala si Kuya Boy. 4. Ayon sa payo ng mga psychologists. Iyan ang laman ng kakaibang CD ni Boy Abunda. at may dagdag pang 10 interview ng mga artista. No vacancy. hindi ko akalain na bibigyan niya kami ng pansin. Maka-Diyos. No opening. umarte kang malakas ang loob mo. Noong nag-uumpisa pa lang si Kuya Boy. at iba pang pagtanggi. lahat ay saludo sa kabaitan niya. may nakakaiyak. At kapag mapagbigay ka sa ibang tao. Noong lumiham kami sa kanya noong 2005. “Hindi ka bagay. ay babalik din ang biyaya sa iyo.Ano ang sikreto ni Boy Abunda? Ano ang sikreto ni Boy Abunda? Nagpapasalamat kami sa 10 kopya ng Love Life CD Album na ibinigay ni Mr.” 3. ay nilalakasan na niya ang loob niya.” 5. Sa mga shows ni Boy. Ngunit dahil nga nag-umpisa lang siya na walang pangalan. kapag natatakot ka ay umasta ka na parang malakas ang loob mo. “Give and you shall receive. Ani niya. “Iyan ang sekreto ko. sinasagot ko ang mga tumatawag sa akin. Noong siya’y nag-uumpisa.

Dahil ang adhikain namin ay makatulong lang sa mga maysakit. “Dearest Willie and Liza. God bless and we love you always. Noong natanggap ko ang Love Life CD ni Kuya Boy ay agad kong binasa ang kanyang sinulat. Thanks for believing! – Boy” Kuya Boy. ay binigyan mo kami ng pag-asa. – Willie and Liza 80 .Sakit sa Puso. Naniwala ka sa aming kakayahan. todo ang suporta ni Kuya Boy sa amin. kahit kami mismo ay duda sa aming sarili. Diabetes at Tamang Pagkain naman kami? Malaking pagtulong ang ibinigay niya sa amin. taos puso kaming nagpapasalamat sa iyo dahil noong lungkot na lungkot kami.

mula sa mata. malamang ay tensyon o stress lang iyan. malamang may diprensya ang iyong mga mata. o kung may kasamang lagnat. Mefenamic 81 . Hindi po ito masama. kung ang sakit ng ulo ay gumiginhawa sa pagmamasahe ni Misis. Kapag mataas sa 140/90. puwede ding sumakit ang ulo. maraming problema at kulang sa budget. ngunit mas mabisa naman ang ibuprofen. Naninibago lang ang mga ugat sa ulo dahil sa pagbabago ng panahon.9 A Mga Sakit Mula Ulo Hanggang Paa Sakit Ng Ulo: Kailangan Bang Ipa-check Sa Doktor? ng sakit sa ulo ang madalas ireklamo ng pasyente sa kanilang doktor. Pangalawa. isangguni na sa doktor. Una. Kunin din ang blood pressure. Pangatlo. pagsusuka o panghihina. karamihan ng sakit ng ulo ay hindi delikado. Magpatingin sa optometrist at magpagawa ng salamin. Kailan dapat kumonsulta sa doktor? Kapag matindi ang sakit ng ulo. Kailangan lang itong inumin ng bagong kain para hindi sikmurain. kung ang sakit ng ulo ay sumasabay sa pagbabasa ng diyaryo o pagtatrabaho sa harap ng computer. Ngunit huwag mangamba. posible na altapresyon ang dahilan ng pagsakit ng ulo. Malalaman mo na migraine iyan dahil kalahati lang ng ulo ang sumasakit. Uminom na lang ng paracetamol o ibuprofen. Naninikip kasi ang mga masel (muscles) ng ulo kapag naii-stress. sa pagbago ng panahon at sa stress ay puwede nang hindi ipa-check sa doktor. Ang mga nabanggit kong sanhi ng sakit ng ulo. kung labas pasok ka sa malamig at mainit na lugar. Ang ibig sabihin ay marami kang iniisip. Mas gentle sa sikmura ang paracetamol. kaya sasakit talaga ang ulo. Ang iba ay natatakot na baka kung ano na ang masamang sanhi nito. Ang migraine ay isa ding pangkaraniwang dahilan ng sakit ng ulo.

Ang gamot sa vertigo ay ang meclizine tablet (Dizitab. Ngayong alam mo na ang mga dahilan ng sakit ng ulo. puwede kang mahilo at manakit ang iyong batok. Kung may dumi o impeksiyon sa tainga. puwede kang mahilo habang nagbabasa o nagko-komputer. anemic at maputla. Nasa tainga kasi ang ating vestibular system. Pagusapan natin ang mga pangkaraniwang sanhi ng pagkahilo.Sakit sa Puso. Bukod dito. 82 . Kapag kinakabahan. Problema sa mata – Kung malabo ang iyong mata. Ang tawag dito ay nerbiyos o panic attack. puwede ito magdulot ng matinding pagkahilo. Problema sa tainga – Isa pang pangkaraniwang dahilan ng pagkahilo ay ang mga sakit sa tainga. natatakot o nakasaksi ng nakahihindik na bagay. Kung ikaw naman ay low blood. Diabetes at Tamang Pagkain acid o aspirin ang gamot sa migraine. Magpagawa ng salamin o baguhin na ang grado ng salamin. 2. puwede silang mahilo. 3. ang mga sakit na binabantayan ng doktor ay ang istrok at bukol sa ulo (brain tumor). Kailangan lang magpahinga at uminom ng pampa-relax na gamot tulad ng Lexotan 1. Good luck po! Nahihilo: Mga Posibleng Dahilan Maraming dahilan ang pagkahilo. 4. makapagdedesisyon ka na ng tama kung kailangan magpacheck sa doktor. Nerbiyos – Ang mga nerbiyosong tao ay madalas mahilo din. Sa doktor lang makahihingi ng reseta nito. Ang ganitong hilo ay tumatagal ng mga isang buwan bago humupa. puwede ka rin mahilo. Presyon ng dugo – Kung ika’y may high blood. Bonamine) o cinnarizine tablet (Stugeron). Dapat ay ipahinga ang mata at tumingin sa malayo para ma-relaks ito. Kadalasan ay hindi naman delikado ito. ang tinatawag na vertigo. 1.5 mg tablet. Dito nagmumula ang pakiramdam natin sa balanse at paggalaw. Ang sintomas nito ay ang panghihina o pamamanhid ng katawan. Dapat ang blood pressure ay nasa pagitan ng 140/90 ang pinakamataas at 90/60 ang pinakamababa.

Sakit Sa Thyroid O Goiter Ang thyroid gland ay matatagpuan sa harap ng ating leeg. Para malaman kung ika’y hyperthyroid. Free T4 at TSH. Kapag lumalaki ang thyroid gland. bumibilis ang kanyang metabolism. Binibigyan ng gamot na Methima83 . Sa katunayan ay 12. Kapag mataas ang lebel ng T3 at T4. iyung nakaumbok na buto sa gitna ng ating leeg. Ang thyroid gland ang namamahala ng galaw ng mga organo ng ating katawan. Subalit huwag matakot dahil bihira lang naman ito. kumonsulta sa inyong doktor. Nagkakahalaga ito ng P800 sa murang laboratoryo. laging naiinitan. Dalawa ang puwede maging sakit ng thyroid gland: ang hyperthyroid (sobra sa thyroid hormones) at ang hypothyroid (kulang sa thyroid hormones). Ang thyroid gland ay hugis paru-paro at karaniwan ay hindi nakikita o nakakapa. Mabilis ang tibok ng puso. Katabi ito ng Adam’s apple. nine-nerbiyos. ibig sabihin ay hyperthyroid ang pasyente.Sakit Sa Thyroid o Goiter 5. Ang istrok ay may kasamang panghihina ng isang parte ng katawan. ipa-check ang Free T3. laging pinapawisan. Ito ay ang istrok at tumor sa utak. Madali lang gamutin ang hyperthyroid. Sa panghuli. Madalas makita sa kababaihan ang goiter. tinatawag itong goiter o bosyo.5% ng kababaihan ay magkakasakit sa thyroid. Kailangan lang magpahinga. magpahangin at mawawala rin ang pagkahilo. Kung may karagdagan kang katanungan. Kulang sa oxygen – Minsan naman ay may nahihilo o hinihimatay sa mga mataong lugar tulad ng simbahan o rally. Ang tumor naman sa utak ay may kasamang matinding sakit ng ulo. Delikado ito kapag hindi naagapan. Dala ito ng matinding init at dami ng tao. mayroon ding mga pinangagalingan ang hilo na mas seryoso. Hyperthyroid: Mabilis Ang Galaw Kapag hyperthyroid ang pasyente. Kapag lumala ay puwedeng lumuwa din ang kanilang mga mata. at nagtatae.

Kadalasan ay iniinom ang Levothyroxine pang-habang buhay. o (c) normal lang ang thyroid. Sa mga pasyenteng hypothyroid. (b) hypothyroid o kulang sa thyroid hormones. Free T4 at TSH. Magpa-konsulta sa inyong doktor. Malalaman natin kung ang thyroid ninyo ay (a) hyperthyroid o sobra sa thyroid hormones. Ipa-check ang inyong Free T3. Iniinom ang gamot ng lampas 1 taon. Simple lang ang gamutan ng hypothyroid. ikonsulta sa doktor. Mabagal ang tibok ng puso at lagi silang nalalamigan. ang problema ay napakahirap itong matuklasan ng doktor. Alamin kung may sakit sa thyroid. Kabaligtaran naman ang nararamdaman nila. Normal po ito. May mga gamot para sa hyperthyroid at hypothyroid. Free T4 at TSH. May nakakapa ba kayong bukol sa harap ng inyong leeg? Pagkatapos ay humarap sa salamin at pagmasdan ang inyong leeg. may mga pasyente na hypothyroid. mababa ang lebel ng kanilang T3 at T4. may tinatawag na Adam’s apple na nakaumbok. Pinaiinom sila ng Levothyroxine (Brand name Eltroxin) na nagpupuno ng kakulangan ng thyroid gland. Hypothyroid: Mabagal Ang Galaw Sa kabilang dako. May mga bukol kasi na tumutubo sa ating thyroid gland. Kaya ang payo ko: ipa-check ang inyong Free T3. ito ang mga pinagagawa ng doktor: 1. 84 . Mayroon ba kayong nakikitang bukol? Sa lalaki. kapain ninyo ang inyong leeg. Kung kayo ay may bukol sa thyroid. Paano Sinusuri Ang Thyroid Gland? Ang bukol sa thyroid gland ay madalas natatagpuan sa mga kababaihan. habang binabasa ito.Sakit sa Puso. Mabagal din silang kumilos at mag-isip dahil kulang nga sa thyroid hormones. Kakaiba kasi ang sintomas at napagkakamalang ibang sakit. Kahit madali ang gamutan sa hyperthyroid at hypothyroid. mula 2 hanggang 4 na tableta sa maghapon. Bukol Sa Leeg O sige. Diabetes at Tamang Pagkain zole (brand name Tapdin) 5 mg. Ngunit kung mayroon pang ibang nakakapa o nakikita sa inyong leeg.

tulad ng hirap sa paglunok. Ang tuberculosis naman ay ginagamot ng 6 na buwan ng TB medicines. puwede pa natin ito obserbahan at pagmasdan kung lalaki pa.000 hanggang 20. Masusukat din ang laki at hugis ng thyroid gland. Bakit kailangan operahan ang bukol? Dagdag ni Dr. Magtanong sa iba’t ibang doktor para mahanap ninyo ang tamang gamutan. sigarilyo (smoker’s cough). Ang. o may abnormal na resulta sa T3.000 sa pribadong ospital at P5. kailangan bantayan ang lahat ng bukol sa thyroid. namamagang tonsils (tonsillitis) at tuberculosis (TB). Magpagawa ng Thryoid Scan bawat taon para mabantayan ito. Ngunit kung ika’y may nararamdaman na. “Minsan ay kanser pala itong bukol. Magpagawa ng Thyroid Scan o Ultrasound. T4 at TSH. Kadalasan ang mga bukol sa thyroid ay inooperahan. tubig lang talaga ang 85 . Ano Ang Ginagawa Sa Bukol Sa Thyroid? Ayon kay Dr. Ang gastos sa operasyon ay mga P60. Sa mga sakit na ito. Anthony Ang ng Manila Doctors Hospital.” Kaibigan. Makikita natin kung may bukol sa thyroid o wala. tulad ng Amoxicillin.Nakakaistorbong Ubo: Ano ba Ang Solusyon? 2. God bless po! Nakakaistorbong Ubo: Ano Ba Ang Solusyon? Inuubo ka ba? Alam mo ba ang pinanggagalingan ng ubo? Ang ubo ay puwedeng dulot ng trangkaso (flu). dapat na natin ito gamutin. Uminom ng 8-12 basong tubig – Ayon sa mga doktor. Mas mabuti na matanggal ito ng maaga para hindi na kumalat pa. makabog ang puso. ang pulmonya at tonsillitis lang ang nangangailangan inuman ng antibiotics. allergy. pulmonya (pneumonia). Kapag maliit pa ang bukol (mas maliit pa sa butones). tulad ng trangkaso. At para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo. Kapag malaki na. sipon at ubo (common colds). huwag muna mangamba.000 sa ospital ng gobyerno. heto ang aming maipapayo: 1. sipon at allergy. wala talagang gamot na pampaliit nito.

Itigil ang paninigarilyo – Ang sigarilyo ay nagdudulot ng emphysema. 4. Pinapalabnaw ng tubig ang malapot at madikit na plema. Kapag kompleto ang iyong tulog ay dahan-dahang lalakas ang iyong katawan. puwedeng uminom ng mga gamot tulad ng carbocisteine. Umiwas sa mga bagay na ito. Pasensya na po pero walang gamot para sa emphysema at smoker’s cough. Puwede rin uminom ng Loratadine 10 mg tablet isang beses sa gabi para sa allergy. kailangan ng ating katawan ang pahinga. Diabetes at Tamang Pagkain pinakamabisang gamot sa ubo. Uminom ng mainit na sabaw o salabat – Malaki ang tulong ng salabat at luya para maginhawahan ang lalamunan natin. Mababawasan ang iyong ubo. Gamot para sa ubo at plema – Kung gugustuhin. 2. yung tipong hindi ka patutulugin. 8. Umiwas sa nakaka-allergy na bagay – Maraming ubo ang nanggagaling sa allergy. ambroxol at bromhexine para lumabnaw ang plema. May panlaban din ito sa bacteria at nakaaalis ng kati ng lalamunan. mas madali na itong mailalabas. uminom ng butamirate citrate (brand name Sinecod). siguradong may tama na ang iyong baga.Sakit sa Puso. sa balahibo ng pusa at aso. Puwedeng magka-allergy sa usok. Gamot para sa tuyong ubo (dry cough) – Para sa nakaiistorbong ubo. Uminom ng Vitamin C – May mga pagsusuri na nagsasabi na ang pag-inom ng Vitamin C 500 mg ay nagpapalakas ng ating immune system. Kapag humihithit ka ng 10 stick ng sigarilyo bawat araw. Mabisa ito. 6. 86 . sa matatapang na pabango. isang klaseng sakit kung saan nabubutas at nasisira ang ating baga. 3. 5. Magpahinga at umiwas sa bisyo – Huli sa lahat. Ang pag-inom naman ng mainit na sabaw ng manok ay nagpapaluwag din ng ating paghinga. at sa pollen ng mga halaman. 7. Kapag lumabnaw na ang plema. Itigil ang yosi.

Pangalawa. Puwedeng uminom ng mefenamic acid kapag makirot talaga. malaki ang tsansa na baka puso din ang diprensiya. hindi iyan sa puso. Ang sakit ay tumatagal ng 5 hanggang 15 minuto. May iba pang paraan para masuri kung galing sa puso ang pananakit. Ang solusyon dito ay pahinga lamang. halos sigurado ako na hindi sa puso ang iyong problema. 80% ng mga sakit sa dibdib ay walang kinalaman sa puso. magpatingin sa doktor. Dumarating ang sakit kapag napagod. Kadalasan ay nagmumula sa masel ng dibdib ang pagkirot. may diabetes. Paano ko nalalaman na hindi sa puso ang problema? Nahuhulaan ito ng doktor sa pagkukuwento ng pasyente sa kanyang nararamdaman. lalo na kung kababaihan. gaano ba katagal sumasakit ang iyong dibdib? Kapag wala pang isang minuto ang sakit o kaya ay lampas sa isang oras ang kirot. Baka nadaganan ni Mister. Kung ika’y may katabaan. hindi na iyan sa puso. Sa aking palagay. Kung ang sakit ay nasa kanang bahagi ng dibdib. Huwag mangamba. Sa ganitong sitwasyon. Baka natulog ka sa matigas na higaan. Kung ang sakit mo sa dibdib ay parang may tumutusok. o may lahi ng sakit sa puso. Magpa-check sa isang espesyalista sa puso kung kinakilangan. siguradong hindi rin iyan sa puso. naglakad ng malayo o umakyat ng hagdan. sari-saring sakit sa dibdib ang kinokonsulta sa akin. kaya mo bang ituro ng isang daliri ang pananakit sa dibdib? Kapag naituro ito ng pasyente. mula 50 edad pataas. hindi rin iyan sa puso. Una. Baka nagbuhat ka ng mabigat at napilay ang laman. Ang tunay na sakit sa puso ay mula 5 minuto hanggang 15 minuto lamang.Sakit sa Dibdib: Atake Sa Puso Na Ba Ito? Sakit Sa Dibdib: Atake Sa Puso Na Ba Ito? Bilang isang espesyalista sa puso. Sino ang madalas magkaroon ng sakit sa puso? Ito ay ang mga kalalakihan. Paano ba talaga ang sakit na nagmumula sa puso? Ang tunay na sakit ng puso ay sinasabing mabigat at parang may nakadagan sa dibdib. 87 . Pero kung wala ka pang edad 30. Ang sakit sa puso ay hindi maituro ng isang daliri.

frequent meals). Umiwas sa pagkaing maasim at maanghang (spicy). Napaka-healthy ng saging. saging at pandesal ang baon ko para hindi humapdi ang sikmura. Diabetes at Tamang Pagkain Mahapdi Ang Sikmura? Saging At Tinapay Ang Lunas Lahat tayo ay nakakaramdam ng paghapdi ng sikmura.Sakit sa Puso. Kapag nalipasan tayo ng pagkain o na-stress sa trabaho. Arawaraw. 3. at pineapple juice ay puwedeng magdulot ng paghapdi ng sikmura. mahalaga ang pagkain ng wasto: 1. Halimbawa. Magmerienda ng tinapay ng alas 4 ng hapon. Kumain sa tamang oras (small. Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa pagbawas ng asido sa tiyan. Gumagawa ng sobrang asido (acid) ang ating sikmura kaya sumasakit ito. suka. kanin. Umiwas sa pagkaing nakahahapdi ng tiyan. Saging at tinapay ang lunas. parang makulo ang ating tiyan. At mag-relaks din kaibigan habang kumakain para hindi ma-stress ang ating tiyan! 88 . Kahit abala ka sa trabaho. 4. Kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw. mahuhugasan at malilinis ang asido sa tiyan. ang saging ay parang gamot na rin sa ulcer dahil natatapalan nito ang ating sikmura. huwag kalimutang kumain sa tamang oras. Hindi lang gamot ang solusyon sa paghapdi ng sikmura. Sa aking palagay. Bukod sa madaling baunin at kainin. tinapay. May mga pagkaing sadyang nakahahapdi ng tiyan. Kumain na lang ng mga pagkaing nakaka-relaks ng ating tiyan. Ang sobrang lamig na inumin ay nakakairita din ng tiyan. Ang tamang pag-inom ay ang paglagok ng kaunting tubig bawat 20 minutos. Sa ganitong paraan. Ang tawag dito ay gastritis at kapag lumala ay puwedeng maging ulcer. At mag-dinner ng alas 8 ng gabi. kumain ng alas 7 ng umaga. tulad ng saging. Mag-saging ng alas 10. kalamansi. hindi mo kailangan ng gamot sa pangkaraniwang paghapdi ng sikmura. Uminom ng tubig. lugaw at gulay. Ang sili. Mag-tanghalian ng kaunti lang. 2. Sa aking pananaw.

puwedeng bawasan ang dosis ng aspirin sa 30 mg lamang (brand name Cor 30). 6. Kapag humapdi ang tiyan. Mas maigi pa ang yoghurt para sa tiyan. Limitahan ang pag-inom ng gamot para sa kirot (pain relievers). Inumin ang aspirin pagkatapos kumain. Ang Aspirin ay puwedeng magdulot ng ulcer.Mahapdi Ang Sikmura: Dagdag Payo Mahapdi Ang Sikmura: Dagdag Payo Noong nakaraan. (3) uminom ng kaunting tubig bawat 20 minuto. Baka mahirapan tuloy ang pagbaba ng kinain natin. Ayon sa mga espesyalista. 2. ang gatas ay puwedeng magpadami ng asido sa sikmura. Heto pa ang mga karagdagang payo para sa ulcer: 1. Ang sigarilyo naman ay nakapagdudulot din ng ulcer. 4. 3. Umiwas sa alak at sigarilyo. At huwag ito araw-arawin dahil nakasisira din ito ng sikmura at bato. huwag agad umupo o humiga. (2) kumain ng saging at tinapay. Ito ang tinatawag na gastritis o ulcer kung saan nagagasgas ang laman ng sikmura. at (4) umiwas sa maasim at maanghang na pagkain. Mag-ingat sa pag-inom ng gatas. naisulat ko ang natural na panglunas sa pagsakit ng sikmura. May tao naman ang nagtatae sa gatas. 5. ihinto ang aspirin at kumonsulta sa doktor. 89 . Ang mga gamot sa kirot tulad ng Mefenamic acid ay dapat lang inumin pagkatapos kumain. Kapag sinisikmura pa rin. Ang alcohol ay nakagagasgas ng sikmura lalo na kung iinom nang walang laman ang tiyan. Ang masikip na pantalon ay maaaring umipit sa ating tiyan. Maglakad-lakad muna para matunawan. Pagkatapos kumain. Magluwag ng sinturon. Ang mga payo ko ay (1) kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw.

Mag-squat at gamitin ang lakas ng hita para mai-angat ang dinadala. Panatilihing 90 . o iyung sakit ng kalamnan. Mag-ehersisyo ng katamtaman lang. 2. Dahan-dahan din ang pag-ehersisyo sa gym. hindi na sasakit ang ating likod. Diabetes at Tamang Pagkain Kailan dapat pumunta sa doktor? Kapag nangitim ang iyong dumi o matindi talaga ang sakit ng tiyan. Naguumpisa ito ng edad 40 pataas. Para bang napilay ang likod. Masakit Ang Likod. Mag-swimming o mag-gym. kailangan magpapayat. Bakit Sumasakit Ang Likod? Ang kadalasang dahilan ng pananakit ng likod ay ang muscle strain. Kung ika’y sobra sa timbang. mas maaga mo itong mararamdaman.Sakit sa Puso. Mag-ehersisyo kapag pawala na ang sakit sa likod. Sundin ang mga payong ito at alagaan ang ating tiyan. 3. may problema sa likod (tulad ng Scoliosis). o hindi nag-e-ehersisyo. Kung ika’y sobra sa timbang. 4. Huwag magbuhat ng mabibigat. 5. kumonsulta sa doktor. Napakahalaga ng ehersisyo. Puwedeng gumamit ng kaunting pabigat (weights). Palakasin ang masel sa ating likod. Ang sanhi nito ay ang pagkapuwersa ng masel sa likod dahil sa (1) maling posisyon sa pag-tulog. (2) maling pag-upo (naka-kuba). Magandang pampalakas ng likod ang swimming. (3) maling pagbubuhat (nakayuko kung mag-buhat). at (6) pagka-edad o arthritis. Ano Ang Dapat Gawin? 1. Kung mayroon kang bubuhatin. Anong Dahilan? Ang sakit sa likod at balakang ay nararamdaman ng halos lahat ng tao. (4) pagbubuhat ng sobrang bigat. magpatulong sa isang kasama para kalahati lang ang bigat. (5) sobra sa timbang. Hindi kaya ng likod ang bigat ng tiyan. Kapag lumakas ang masel ng katawan.

Balak ko na mag-trabaho sa abroad. Huwag yumuko para mag-buhat. puwedeng lagyan ng warm compress o mainit na bagay sa ating likod. Ong. 12. Jaime. Gagaling pa ba ako? Umaasa. “Doc. Maglagay ng suporta (maliit na unan) sa sandalan ng upuan para laging nakatuwid ang ating likod. 10. Sinisisi ako ng Misis ko dahil nakuha ko daw ito sa pagtatalik sa ibang babae. nalaman ko na may Hepatitis B ako. Ang pinakamaganda sa likod ay ang paghiga sa kama. Ganitong puwesto ang komportable sa likod. Hanggang ngayon ay positibo pa rin ako sa Hepatitis B. at huwag din umupo ng matagal. Huwag maglakad ng matagal. Huwag gumamit ng sobrang lambot na lumulundo ang iyong likod. kumonsulta sa isang orthopedic surgeon o rheumatologist. Kung nakatagilid kang matulog. Noong 1998. maglagay ng unan sa pagitan ng iyong hita. May Hepatitis B Ako” deretso ang likod. Tandaan: Kapag hindi nawala ang sakit ng likod sa loob ng 2 linggo. Mag-unan para may suporta ang ulo. Mali iyan! Umupo ng deretso ang likod. Mapapagod ang ating likod kapag nakapirme sa isang puwesto. May Hepatitis B Ako” Dear Dr. galing ito sa aking trabaho bilang tagabigay ng first aid. Huwag hilutin o padaganan ang likod. Humiga ng patihaya. 6. Sa tingin ko. 11. huwag kayo gaanong mangamba. Pumili ng katamtamang kutson na tulugan. Kapag masakit. Sa mga may hepatitis B. 7. Kaya natin la91 . Kapag wala kasing anday.“Doc. Baka lalo lang mapilay ito. puwedeng bumaluktot ang hita at mapuwersa ang ating likod. Maglagay pa ng isang unan sa ilalim ng tuhod para nakataas ng bahagya ito. At huwag din matulog sa papag dahil sobrang tigas ito. 8. Matulog ng naka-“s” ang katawan. 9.

semilya at regla ng isang taong may hepatitis B. Pangatlo. nail clippers at kutsara ng taong may hepatitis B. 92 . Kung hindi sigurado. Paano lalabanan ang hepatitis B? Una. tulad ng Interferon at Lamivudine. ang hepatitis B ay panghabang-buhay (tinatawag na hepatitis B carrier). Nakasisira ito ng atay. Alam n’yo ba na 11% ng mga Pilipino ay may hepatitis B? Karamihan sa kanila ay walang nararamdaman. Sa mga mag-asawa. toothbrush. Ang hepatitis B ay dulot ng isang virus na tinatamaan ang ating atay.Sakit sa Puso. Umaabot sa ilang libong piso ito. Ang ibig sabihin ay positibo na siya sa hepatitis B antibody (proteksyon ang antibody laban sa hepatitis B virus). Pangalawa. Puwedeng mag-ehersisyo ng 3-5 beses bawat linggo. Kadalasan. Matulog ng 7-8 oras. Paano mag-iingat ang mga taong malapit sa pasyenteng may hepatitis B? Ang dugo ng isang hepatitis B carrier ay nakahahawa. Kumain ng masustansya. Depende sa examination ng dugo. Nakukuha ang hepatitis B sa 3 paraan: (1) napasa ito ng nanay natin noong tayo’y pinanganak. May mga gamot na puwedeng makasira ng atay. huwag basta iinom ng mga gamot o herbal supplements. Diabetes at Tamang Pagkain banan ito sa pamamagitan ng tamang kaalaman. Huwag gumamit ng pang-ahit. Huwag abusuhin ang katawan sa sigarilyo at puyat. Makikita ang virus sa dugo. Huwag din masyadong magpagod. umiwas sa pag-inom ng alak. may mga mamahaling gamot para sa hepatitis B. Ang mga buntis na may hepatitis B ay dapat magsabi agad sa kanilang doktor. gumamit ng condom sa pagtatalik. healthy at clean living ang kailangan. laway. May gamot ba ang hepatitis B? Oo. Relax lang at palakasin ang katawan. siguraduhing protektado na ang iyong partner sa hepatitis B. Ipaalam muna sa doktor. May mga bakuna na tinuturok sa bagong panganak na sanggol para hindi ito mahawa sa hepatitis B. o (3) nasalinan ng dugo na may hepatitis B. (2) nakipagtalik o nahawa sa isang taong may hepatitis B.

Mali po. sakit ng ulo at kalamnan. Para sa nabugbog na parte. Mura lang ito at mabibili sa botika. ang aspirin 325 mg ay mabisang lunas para sa migraine o sakit ng ulo. Puwedeng uminom ng paracetamol kahit walang laman ang tiyan. Mabisa din ito at mura pa. buto at likod. Good luck po. Paracetamol – Akala ng iba ay para lang sa lagnat ang paracetamol. para hindi humapdi ang tiyan. Inumin ang tableta pagkatapos kumain. puwedeng uminom ng mefenamic acid 500 mg hanggang 3 beses sa isang araw. puwede rin ang malamig na bag (ice bag). puwede na lagyan ng hot compress. lagyan ito ng malamig na bag sa loob ng 1-2 araw para hindi lumaki ang pamamaga. Mefenamic Acid . Kumonsulta sa isang gastroenterologist.Murang Gamot Para Sa Sakit Ng Katawan may mga pasyente na makikinabang dito. 2.Para sa sakit ng katawan at pananakit ng laman. Minsan pinagpapalit-palit ang mainit sa malamig. 4. Halos pareho ang epekto nito sa mefenamic acid. Dito nanggaling ang kasabihan ng doktor na “Take 2 aspirins and call me 93 . Ano ba ang solusyon dito? 1. Subalit mas mahina lang ang epekto nito kumpara sa mefenamic acid. Mainit o malamig na bag (hot or cold compress) – Para sa kirot ng kasu-kasuan. depende kung ano ang komportable sa pasyente. Aspirin – Katulad ng mefenamic acid. Murang Gamutan Para Sa Sakit Ng Katawan Ito ang pangkaraniwang problema ng karamihan: kirot ng katawan. Kapag nakalipas na ang 3 araw. Katamtaman lang. Kahit sa mga kagat ng langgam o lamok. Subukan ito. Ngunit kung gipit kayo sa budget ay puwede naman daanin na lang sa healthy at clean living tulad ng mga ipinayo ko. Makababawas din ito sa kirot ng katawan. tulad ng ankle sprain o black eye. puwedeng gumamit ng mainit na bag at itapal ito sa masakit na parte ng katawan. Huwag naman sobrang init at baka mapaso ka. 3. sakit ng ulo at kasu-kasuan.

• Huwag mag-high heels. Malaki ang stress sa tuhod ng paghagdanan. 94 . lalo na ang edad 40 pataas. Mabisa din ang mga generics. puwede kayong bumili sa Botika ng Bayan. Ang pangunahing dahilan ng pagsakit sa tuhod ay ang arthritis. Diabetes at Tamang Pagkain in the morning. Kung mayroon kang bubuhatin. Nakasisira ito ng tuhod. • Huwag tumayo o mag-lakad ng matagal. puwedeng mapudpud din ang iyong tuhod. Ano Ang Dapat Iwasan? • Huwag mag-buhat ng mabibigat. Kung sobra ka rin sa ehersisyo. Masakit Ang Tuhod? Basahin Ito. Malakas at mabisa ito. • Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagdanan. magpatulong sa isang kasama. Kapag ika’y nasa simbahan. • Huwag lumuhod sa sahig. Kung ika’y sobra sa timbang. Mas relaks ang tuhod kapag tayo’y nakaupo. pero malaki din ang stress nito sa tuhod.Sakit sa Puso. binibigyan namin sila ng Tramadol 50 mg. atleta at basketball player. • Huwag mag-squat (talungko). Kapag hindi nawala ang sakit ng inyong katawan.” 5. isang sakit ng pag-edad. Ang sakit sa tuhod ay nararamdaman ng maraming tao. gamitin ang malambot na kutson para sa iyong tuhod. tulad ng mga runner. Umupo at magpahinga. Para makatipid. Mas komportable ang tuhod kapag hindi iniipit at pinupuwersa. Alam kong mas sexy ang babae kapag nakahigh heels. Tramadol – Para sa matitinding sakit kung saan halos mapaiyak na ang pasyente. mas maiging kumonsulta na sa inyong doktor. mas maagang sasakit ang tuhod mo.

Puwede ang stationary bike o magbending exercise ng bahagya lang (Half squat lang at hindi full squat. Namamana ito sa ating mga magulang. • Patigasin ang buto.Solusyon Sa Varicose Veins Ano Ang Dapat Gawin? • Kung ika’y sobra sa timbang. Ingatan ang tuhod para humaba pa ang gamit natin nito. Ano ba ang solusyon dito? 1. Uminom ng gatas o skim milk na may maraming calcium. Makatutulong ang pampalambot nito (cushion) para hindi matagtag ang tuhod. • Kapag hindi nawala ang sakit sa tuhod. uminom ng calcium supplements. Para sa kababaihan. Huwag ma-guilty – May 17% ng lahat ng tao ang may varicose veins. Masama ang sobrang pagbaluktot ng tuhod lampas sa 90 degrees. • Kapag umiinit ang tuhod sa matagalang paglalakad. posibleng makatulong ang glucosamine sa ating kasu-kasuan (joints). Hindi kaya ng tuhod ang bigat ng iyong tiyan! • Bumili ng rubber shoes o malambot na sapatos. nag-iipon dito ang dugo at namamaga ang ugat. Hindi ito maganda tingnan at minsan ay sumasakit pa. 2. Tandaan: Alagaan ang tuhod habang bata pa. Kaya umupo at ipatong ang paa sa isang silya o kutson. • Palakasin ang masel sa hita. Itaas ang kamay o paa – Ang sanhi ng varicose veins ay ang pagluwag ng ating mga ugat. Ipatong din ang kamay sa isang unan at itaas ng ilang beses sa isang araw.). magpa-konsulta sa isang orthopedic surgeon o rheumatologist. Ang supplement na ito ay maaaring makabawas sa sakit ng ating tuhod. kailangan magpapayat. puwedeng lagyan ng malamig na bag o cold compress. 95 . Huwag puwersahin sa trabaho. Ayon sa pagsusuri. Kapag laging nakababa ang ating paa. Solusyon Sa Varicose Veins Napakarami ang may problema sa lumalaking ugat sa binti at kamay. • Subukan ang Glucosamine at chondroitin tablets.

Sakit sa Puso. at kangkong. puwedeng maipit ang ugat at mapigilan ang pagdaloy ng dugo sa ating mga paa. Katty Go-Estrada. 4. magiging regular ang iyong pagdumi at makaiiwas kayo sa varicose veins at sa almoranas. Iba kasi ang gamutan ng gout kumpara sa ordi96 . Huwag basta maniwala sa mga mamahaling gamot o pamahid para sa varicose veins. okra. pechay. gout ang dahilan ng iyong arthritis. Kapag mataas ang uric acid. Grabe ang sakit ng gout. Para malaman kung gouty arthritis nga ang sakit. Gumamit ng stockings o medyas ng masikip. pulis o saleslady. 6. ng kamay at ng tuhod. Gout At Mataas Ang Uric Acid Ang gout ay isang pangkaraniwang sakit. Sa tulong nito. mainam na magpakonsulta na sa isang dermatologist. Gamitin ito palagi. Kung malaki na ang iyong varicose veins. Mag-ingat at baka mapeke lang kayo. Sundin muna ang mga payong ito. Ang sintomas ng gout ay ang matinding pamamaga at pananakit ng hinlalaki ng paa. Huwag tumayo ng matagal – Kung ang trabaho mo ay bilang security guard. 7. ang support stockings ang pinakamabisang lunas sa varicose veins. Kung puwede kang umupo ay mas mainam sana. Ayon kay Dr. Mayroon ding operasyon na ginagawa ang mga surgeons. Ang prutas tulad ng papaya at pinya ay may fiber din. 5. Diabetes at Tamang Pagkain 3. Kumain ng mga pagkaing mataas sa fiber tulad ng patola. Huwag magsuot ng masikip na pantalon – Kapag masikip ang ating pants o maong. Galaw-galawin ang iyong paa habang nakatayo para umakyat ang dugo mula sa paa pabalik sa puso. puwede kang magka-varicose veins. kailangan suriin ang Uric Acid levels sa pamamagitan ng blood test. Magsuot ng support stockings (masikip na medyas) – Mabibili ito sa mga SM department store at tindahan ng mga medical supplies. Itaas ang paa habang natutulog – Ipatong ang paa sa isang unan para mabawasan ang pag-iipon ng dugo dito.

Nakukuha ang gout sa 2 bagay: (1) lahi o namana sa magulang. mushroom at spinach. Kailangan inumin ito araw-araw para hindi umatake ang gout. sisig. puso at kidneys). hindi na sapat ang pagdi-dyeta sa pagkain lamang. Inumin lang ang maintenance na Allopurinol kapag humupay na ang sakit at pamamaga pagkalipas ng 2 araw. tamban. Isang mahalagang tip: Bawal ang Allopurinol tablets habang matindi ang atake ng gout. tea. pero dapat bawasan ang oatmeal at whole grain cereals. keso at karne ay puwede rin. gelatin at lahat ng klaseng prutas ay hindi bawal sa gout. sardinas. hindi ba? 97 . iwasan ang pagkain ng asparagus. nagbibigay din kami ng Colchicine tablets. Sa oras ng pagsumpong ng gout. beans. OK lang ang kanin. Ang gatas. wine at hard drinks kung ayaw mong atakihin ng gout. patis. 4 na beses sa maghapon. Puwedeng uminom ng Mefenamic Acid 500 mg tablet din para sa kirot. tahong at lahat ng klaseng mani. Ano na lang ba ang puwede kainin? Puwede naman ang lahat ng gulay bukod sa mga nabanggit ko na. Ano ang mga gamot sa gout? Kapag inatake ka ng gout. tunsoy. dilis. Ang coffee. Nagrereseta kami ng Allopurinol 100 mg o 300 mg tablet bawat araw depende sa taas ng iyong uric acid. bagoong. Ganito lang po ang gamutan ng mga doktor sa gout. Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang iyong uric acid level sa dugo. utak. Ano ang pagkaing dapat iwasan sa gout? Sa mga gulay. Umiwas din sa pag-inom ng beer. Mataas ito sa uric acid. Ang gravy. umiwas sa mga lamang loob (bituka.Gout At Mataas Ang Uric Acid naryong arthritis lamang. cauliflower. Pagdating naman sa ulam. Simple lang. (2) pagkain o mahilig kumain ng mga pagkaing mataas sa uric acid. atay. at lechon liver sauce ay mataas din sa uric acid.

maraming sakit sa balat ang mapapagaling nito tulad ng: 1. Ang gusto nating mangyari ay manuot ang katas ng Povidone iodine sa loob mismo ng balat. 3. Eczema – Kapag ang sugat ay ma-basa-basa na. 2. may pagkakataon na mahirap itong gumaling. Patakan ng Povidone iodine ang bulak o cotton buds para mabasa ito. Kahit anong kagat ng hayop. 6. Ano ang mga sakit na kayang gamutin? Dahil ang Povidone iodine at alcohol ay nakapapatay ng mikrobyo.Sakit sa Puso. Ito ay ang paggamit ng Povidone iodine (brand name Betadine) at alcohol. tsinelas o gloves. Diabetes at Tamang Pagkain Impeksiyon: Povidone iodine At Alcohol Ang Lunas Kung ikaw ay may impeksiyon sa balat. gamitin ito sa mga matitinding impeksyon. 4. Dulot ito ng laging pagpapawis ng paa. 7. May simpleng lunas akong ituturo sa inyo. puwedeng lagyan ng alcohol o povidone iodine. Dermatitis – Ito’y isang pamumula sa balat na galing sa allergy sa sabon. Mga kati-kati sa katawan. Pigsa – Impeksyon ito sa balat na may nana. Sobrang kati nito at nagbabalat. Dahil mas mabisa ang povidone iodine kumpara sa alcohol. 5. 2. 3. eczema na ang tawag dito. Pahiran ang naturang impeksiyon ng Povidone iodine 3 beses sa isang araw. Tigyawat sa mukha at katawan. Alipunga – Isang fungal infection ito ng mga daliri sa paa. Paggamit ng Povidone iodine sa Impeksyon: Mabisa ang Povidone iodine laban sa mga nabanggit na impeksyon sa balat. 1. Mahapdi ang pakiramdam nito kapag puma98 . at sari-saring sugat.

99 . Kumonsulta sa doktor kapag hindi gumaling ang sugat. basain ng alcohol ang bulak o cotton buds at ipahid ito ng 3 beses sa maghapon. Mag-tiis lang dahil siguradong masusugpo ang impeksiyon kapag naabot ito ng Povidone iodine. Alcohol sa Impeksyon: Kung hindi naman malala ang impeksyon. 4. puwede muna lagyan ng alcohol.Impeksyon: Povidone Iodine at Alcohol Ang Lunas pasok ang Povidone iodine. Gawin ito ng 7-10 araw hanggang tuluyang mawala na ang impeksyon. alcohol din ang solusyon diyan. dahil sa katagalan ay babalik din sa normal na kulay ang balat. Okay lang iyan. Sa mga madalas magkaroon ng pigsa at tigyawat. Tandaan: Kalinisan lang talaga ang panlaban natin sa mga sakit. Katulad ng ginawa natin sa Povidone iodine. Maligo maigi araw-araw. 5. Ang isang side effect lang ng Povidone iodine ay ang pangingitim ng balat.

kaysa sa benepisyo. puwede kang atakihin sa puso at ma-istrok. pampagana kumain at pampasarap ng tulog. Kapag lagi kang galit at mainitin ang ulo. pero sa katunayan ay mas malaking pinsala ang maidudulot ng alak. Ito’y napatunayang nagpapahaba ng buhay dahil pinapaluwag nito ang ating mga ugat. Alamin kung kailangan mo nito. at iba pa. Heto ang ilang epektibong mga paraan: Mag-relax – Magbawas ng stress sa buhay. Sana nga ay ganoon kadali iyon.” Oo.10 G • • Pahabain ang Buhay Pahabain Ang Buhay (Part 1) usto mo bang humaba ang iyong buhay? Siyempre lahat tayo ay gusto niyan. Pinakinggan siya ng Diyos at binigyan pa siya ng 15 taon. Magdasal – Ayon sa Bibliya (2 Kings 20:6). Maging masaya at hahaba ang buhay mo. Sa katagalan. Suriin ang iyong vitamins at supplements – Ang pinakamagandang supplement ay ang Omega-3 fish oil. Umiwas sa alak – May mga nagsasabi na “Wine is good for the heart. Epektibo rin ang vitamin B complex. pulmonya. • • • 100 . Magpabakuna – Malaki ang tulong ng bakuna para makaiwas sa sakit. Magpakonsulta sa doktor. Ang iniinom ko ngayon ay isang multivitamin kada 2 araw. Ayon sa pagsusuri. tataas ang iyong stress hormones (cortisol) sa katawan. aaminin kong may kaunting katotohanan ito. May mga bakuna laban sa hepatitis B. trangkaso. ang mga taong madasalin ay masiyahin ay mas mahaba ang buhay kumpara sa mga hindi naniniwala sa Diyos. si Haring Hezekiah ay nagdasal sa Diyos para bigyan pa siya ng mahabang mabuhay.

Maaaring magtanong sa ibang doktor (second opinion) kung hindi kayo komportable sa una ninyong doktor. umakyat ng hagdan. may magbabantay sa iyo kapag ika’y nagkasakit. X-ray at ECG bawat 1-2 taon. Magbasa o manood ng mga “good news” lamang sa 101 • • . Magbati at magmahalan na lang. utak at atay. Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa. at maglinis sa bahay. Mag-isip ng positibo (Positive thinking) – Magbasa ng mga libro na nagbibigay ng inspirasyon tulad ng mga gawa ni Norman Vincent Peale. Mayroon ding hihingi ng saklolo kung may sakuna. Good luck po! Pahabain Ang Buhay (Part 2) Mayroong mga paraan para humaba ang ating buhay. At siyempre. Uminom ng gamot kung kinakailangan. Kaya huwag nang awayin si Misis o si Mister. iba pa rin ang may kausap at karamay sa iyong mga problema. Magpa-blood test. Bakit kaya? Dahil kung may asawa ka. Nakasisira ito sa ating ugat. Huwag na lang uminom. subukang gumamit ng hagdanan. Laging mag-isip ng maganda tungkol sa ating sitwasyon at sa ating kapwa. kahit konting ehersisyo lang ay makatutulong na sa katawan. urinalysis. Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay – Tunay po iyan. Ang pagiging malikot at magalaw sa pagkilos ay parang nag-e-ehersisyo na rin. Iwas ka pa sa gulo at sakit ng ulo. Kung nasa second o third floor ang iyong pupuntahan. Kaibigan.Pahabain Ang Buhay Part 2 May mga manginginom diyan na kayang umubos ng isang boteng red wine o isang lapad. Mag-lakad. • Magpatingin sa magaling na doktor – Ang trabaho ng isang doktor ay ituro sa iyo ang dapat mong ipa-test sa iyong katawan. Ito’y napatunayan na ng mga doktor at ibabahagi ko ito sa inyo: • Mag-ehersisyo – Ayon sa mga eksperto. masama po ang alak kapag sobra sa kalahating basong wine o isang shot ng hard drinks.

Iwas sigarilyo. Matutong mag-ipon para sa iyong kalusugan. Huwag sumabak sa mga bisyo na makasasama sa iyo. Sundin ang mga payong ito: • Kumain ng prutas – Ang pinaka-healthy na prutas ay ang saging. Maging maingat sa katawan para hindi na umabot sa sakit. Kapag kumain ka ng 2 saging sa maghapon. Kumain ng tama. Ang saging ay punung-puno ng mga sangkap na mabuti sa ating tiyan. Umiwas din sa mga delikadong gawain tulad ng paglabas sa hatinggabi. 102 . mansanas at dalandan. Mag-isip muna bago mag-desisyon. iwas alak at iwas drugs. ketsup at tomato sauce ay may lycopene na panlaban din sa kanser. Mabuti ito para sa sipon at sa mga may sugat. kamatis. para ka na ring uminom ng isang multivitamin. • • Pahabain Ang Buhay (Part 3) Malaki ang impluwensiya ng ating kinakain sa ating kalusugan. Kapag masustansya at malinis ang pagkain mo. puso at katawan. hindi ka agad magkakasakit. Kailangan din maghulog sa PhilHealth o kumuha ng health card.Sakit sa Puso. isiping malulutas mo rin ito. Umiwas sa bisyo at peligro – Gamitin lagi ang utak. Ang dalandan. makapa-check up at makapagpa-laboratoryo. Tumataas kasi ang lebel ng endorphins sa katawan ng mababait na tao. Kung may suliranin ka. pagsakay ng motorsiklo. Ang endorphins ay isang kemikal sa utak na nagpapasaya sa atin. • Tumulong sa kapwa – Ayon sa isang pagsusuri ni Professor Peggy Thoits ng Vanderbilt University. ang mga taong matulungin ay nagiging mas masaya at mas healthy kumpara sa iba. Ang kamatis. Mas masustansya ang lakatan kaysa sa latundan o saba. Tama ba ang gagawin ko o mali? Mag-ipon ng pera – Kailangan natin ng pera para makabili ng gamot. Diabetes at Tamang Pagkain peryodiko at telebisyon. calmansi at suha ay mayaman naman sa Vitamin C. at pagsama sa masamang barkada. Huwag mawawalan ng pag-asa.

Dahil mataas din ito sa fiber. (6) diyetahin ang pagkain ng prutas at fruit juices dahil nakatataba din ito. tulad ng pechay. Huwag lang kainin ang mga masasarap. Medyo mababa ang Omega-3 ng bangus pero puwede na rin ang bangus belly. Nakakabusog pero hindi nakakataba. Hindi po masama ang taba ng isda. makatutulong ang gulay sa ating sikmura at bituka. Hinay-hinay lang po! 103 . ampalaya. Kung ang sukat ng iyong tiyan (sukatin sa tapat ng pusod) ay lampas sa 36 pulgada sa lalaki or 31 pulgada sa babae. kangkong. Kapag nagbawas ka sa karne at nagdagdag ng berdeng gulay. Magpapayat – Alamin ang iyong tamang timbang at piliting maabot ito. Kumain ng maberdeng gulay – Ang mga berdeng gulay. mackerel. talbos ng kamote. matataba at matatamis na pagkain na masama naman sa iyo. kaya dapat magpapayat. tunsoy at hasa-hasa. Ito ay matatagpuan sa sardinas. Tandaan: Piliin ang pagkain base sa kabutihan na maidudulot sa ating katawan. at repolyo ay punungpuno ng vitamins at minerals na mabuti sa ating katawan. (2) umiwas sa soft drinks at iced tea. Overweight. at (7) mag-ehersisyo. (5) magbawas sa panghimagas tulad ng mga cake at ice cream. siguradong hahaba ang iyong buhay. (4) kumain ng mas maraming gulay. tilapia.Pahabain Ang Buhay Part 3 • Kumain ng matatabang isda – Ang pinakamasustansyang isda ay iyung mataas sa Omega-3 fish oil. Malaki din ang tulong ng gulay para makapagbawas tayo ng timbang. • • Heto ang mga tips para pumayat: (1) kumain ng isang tasang kanin lang (1 cup rice). Mababa lang kasi ang calories ng gulay. Mapapaayos din ng gulay ang ating pagdumi. Sa katunayan ay makatutulong ito sa ating puso. salmon. tamban. utak at ugat. (3) mag-tubig ka na lang. Magiging matalino ka pa. ang ibig sabihin ay mataba ka na.

Kung lampas sa 160 over 100 ang iyong blood pressure. Kung ika’y may pananakit ng tiyan.000 artikulo na ang nagpapatunay na masama ang paninigarilyo. mataas ang kolesterol at sa mga naistrok. Kaya paki-usap ko lang po.Sakit sa Puso. Uminom ng gamot sa diabetes – Kung ika’y may diabetes naman. Uminom ng gamot sa altapresyon – Kung ang presyon mo ay lampas sa 140 over 90. Alam n’yo ba na kapag napababa natin ang iyong blood pressure sa normal. Kailangan ang aspirin sa mga pasyenteng may diabetes. Ang tamang dosis ng aspirin ay 80-100 mg na tableta. isang beses sa maghapon at inumin ito ng busog ang tiyan. magtanong muna sa doktor bago uminom ng aspirin. sobra na pong taas nito at kailangan mo ng gamot. mas maaga nating malulunasan ang iyong problema. ay hahaba ang iyong buhay ng 9 na taon. Diabetes at Tamang Pagkain Pahabain Ang Buhay (Part 4) May mga karagdagang payo ako para humaba ang iyong buhay. May 70. ang ibig sabihin ay may altapresyon ka. Uminom ng gamot para sa diabetes. Kung mas maaga kang magpapa-check-up. Ito po ang pinaka-epektibong paraan ayon sa mga doktor: • Uminom ng Aspirin – Ang aspirin ay isang pambihirang gamot na nadiskubre noong 1899. Ang dapat lang ingatan sa aspirin ay ang pagkakaroon ng ulcer. Alamin ang sakit – Magbasa at aralin ang tungkol sa sakit na iyong nararamdaman. Baka bigla ka na lang ma-istrok. Huwag balewalain ito. Kadalasan ay panghabang-buhay ang mga gamot na ito. inumin ang iyong gamot sa altapresyon araw-araw. At alam niyo • • • • 104 . Totoo po iyan. kailangan mong mapababa ang iyong fasting blood sugar sa 100 mg/dl o mas mababa pa. Nakakatakot ang komplikasyon ng diabetes at puwede itong umabot sa pagkabulag. Itigil ang sigarilyo – Ang sigarilyo ang pinakamasamang bisyo sa lahat. may sakit sa puso. Kumonsulta sa doktor. At bukod sa mabisa ito. piso lang ang halaga nito. Kanser at maagang pagkamatay ang magiging resulta. pagkaputol ng paa at pagkamatay.

At sa mga nakalalanghap ng usok. Kawawa naman ang mga mahal natin sa buhay. Itigil na po ang bisyong ito at siguradong hahaba ang iyong buhay. Lungkot at sakit ng katawan lang ang aabutin mo diyan. 105 .Pahabain Ang Buhay Part 4 ba na masama din ang usok na nalalanghap ng mga hindi naninigarilyo (passive smoking)? Tinatayang 6 na taon ang mababawas sa iyong buhay kung ika’y patuloy na maninigarilyo. 2 taon naman ang matatanggal sa buhay nila.