You are on page 1of 17

UNCORRECTED PROOF Kabanata 16 Ang Mga Kapighatian Ng Isang Tsino Sa gabi ng Sabado ring iyon, ang Tsino na si Quiroga1

na nananais na makapagtayo ng isang consulado para sa kanyang bansa,2 ay nagbigay ng isang hapunan sa itaas ng kanyang malaking bazar na nasa daang Escolta. Ang kaniyang piging ay dinaluhan ng marami mga prayle, mga kawani, mga militar, mga mangangalakal, lahat ng kanyang mga suki, mga kasosyo o mga ninong,3 ay nangaroroon; ang kanyang tindahan ay siyang
Ang pamagat na ito ay isang napakalaking katatawanan, kapag nabasa at naintindihan mo ng buo ang mga kahulugan ng kabanatang ito. Nanaisin mo mo na rin na magkaroon ng katulad na kadalamhatian. 1 Sa unang bahagi pa lamang ng Kabanata ay nangangailangan na ng masusing pag-aaral. Ang pangalan ng tauhang Tsino ay Quiroga at hindi isang pangalang Tsino. Ang pangalan na Quiroga ay nagpapabatid na ang Tsino na tinutukoy rito ay nagpabinyag sa Katoliko sa panahon ng kaniyang pananatili sa sa Pilipinas. Ginamit ni Rizal sa pagpapangalan sa kaniyang tauhang Tsino ang Quiroga. Ang pangalang Quiroga ay higit na hango ni Rizal kay Pedro Quiroga na itinalaga ni Haring Philip IV noong 1635, upang maging inspektor sa Mexico at bantayan ang mga ipinupuslit (smuggled) na kalakal mula sa Maynila patungo ng Mexico. (Basahin ang Shirly Fish, The Manila-Acapulco Galleons: The Treasure Ships of the Pacific, 9) at ang BR, The Philippine Islands v. 29 ,71). Sa pamamagitan ng pagpapagamit ni Rizal ng pangalang Quiroga ay nagawa niya na lumikha ng kabalintunaan, dahilan sa ang orihinal na Pedro Quiroga ay kalambat ng pagpupuslit, samantalang ang Tsinong Quiroga sa nobela ay isang mamumuslit (smuggler). 2 Sa pamamagitan ng paghahayag ni Rizal na ang Tsino Quiroga ay nagnanais na magkaroon ng isang konsulado para sa mga mamamayang Tsino ay nagawa niyang maipaalam kung sino ang kaniyang tinutukoy. Si Jose Alejandrino na nakasama mismo ni Rizal sa Ghent, Belgium ay tinukoy ng direkta sa kaniyang aklat na La Senda del Sacrifio (1933) na si Tsino Quiroga ay walang iba kundi si TAN QUIEN-SIEN na mas kilala sa ating panahon bilang Carlos Palanca Sr. Higit na ipinakilala ni Tan Quien-Sien/Carlos Palanca ang kaniyang sarili na katugma ng tauhan ni Rizal na si Tsino Quiroga, sa ilang mga pahayag nito noong ito ay humarap sa pagdinig ng Philippine Commission ng America. (Report of the Philippine commission to the President. : January 31, 1900[-December 20, 1900] [Vol. 1, no. 2 Testimony and Exhibit p. 219-225 at 270-278) (Basahin ang mga aklat nina Joe Studwell, Asian Godfathers: Money and Power in Hong Kong and Southeast Asia (2007) Chu Wong, The Chinese in the Philippine economy, 1898-1941 (1999)Andrew R. Wilson, Ambition and identity: Chinese merchant elites in colonial Manila (2004) Edgar Wickberg, The Chinese in Philippine life, 1850-1898 (1965) 3 Ang isa sa mga naging ninong ni Tan Quien-Sien (ang Tsino Quiroga sa nobelang ito) ay si Colonel Carlos Palanca y Gutierez. Ang Espanyol na Palanca ay opiyal ng hukbong militar ng Espanya at nakilala sa pakikibahagi nito sa pananakop sa Vietnam (1858-1862).

kinukunan ng lahat ng kailangan ng mga kura at ng mga kumbento, tumatanggap vale ng lahat ng kawani,4 mayroon siyang mga matatapat na tagaglingkod masunurin at masisipag.5 Ang mga prayle ay hindi mahahamak kung magpalipas mga oras sa kanyang tindahan,6 sa pook na tanaw ng publiko, maging sa mga silid nasa loob, na may mga kaaya-ayang kasama7

ng na ng na

Nang gabing iyon, ang bulwagan ay may nakapag-uusisang anyo.8 Puno ito sa mga prayle at mga kawani na nakaupo sa mga silya at bangko ng yari sa maitim na kahoy ng Viena at mga upuang marmol na galing sa Canton, na nakapaharap mga maliliit na lamesang parisukat, at nangaglalaro ng tresilyo o nagsisipag-usap, sa tulong ng maningning na liwanag ng mga ginintuang lampara o ng kukuti-kutitap na ilaw ng mga parol-Tsino na may matitingkad na borlas na sutla.9 Sa mga dingding ay magulong nagkakahalo ang mga panooring payapa at bughawin na gawang Canton at Hongkong, na kasama ng mga cromo ng mga babaing alipin ng mga sultan, mga babaing halos hubad,10 mga larawan ni Cristo
4 Ang tinutukoy rito ay ang voucher ukol sa mga pangangailangan ng mga ahensiya, opiyal o maging tauhan ng pamahalaan na kumuha ng kalakal na kaniyang itinitinda, sa pangakong babayaran ito ng pamahalaan. 5 Isang palaisipan kung ang mga tagapaglingkod (servidores) na ito ay babae o lalaki. 6 Hindi mahahamak ang kanilang pagiging alagad ng simbahan 7 Sino ang mga kaaya-ayang kasama ng mga prayle sa mga kuwarto sa itaas ng bazar ni Tsino Quiroga? Mga servidores kaya? Dito ay makikita na ang isang paraan ng paghuhulog ni Quiroga sa mga kaparian noong kapanahonang iyon ay painan ng mga babae. 8 Ang katagang nakapag-uusisang anyo ay isang hamon ni Rizal na pag-aralan na mabuti ang nilalaman ng bahay. Lalo na sa talatang ito. 9 Simbolismo ng eksena sa kabanata Ang mga upuan ay lumalarawan sa kanilang lugar na kinalalagyan ng kapangyarihan ng mga prayle at mga empleyado ng Espanya. Kanluran na kinakatawan ng mga upuan na gawa sa Vienna at Silangan na kinakatawan ng upuan na gawa sa Canton. Pagsusugal at nagsisipag-usap pagpapakita ng pagkakahati ng interes ng mga prayle at mga empleyado ng Espanya hinaharap ang bisyo o kaya ay pagtalakay sa mga bagay na ayon sa kanilang interest. Liwanag Pansinin na magkaiba ang liwanag bright or dull na maaring lumarawan sa epekto ng bisyo at mga paksang talakayan ng mga prayle at mga empleyado. 10 Ang alipin ng sultan na halos hubad na tinutukoy rito ay tinatawag na odalisque. Ang sining naman na tinutukoy ay imitasyon ng isa sa mga kilalang pinta ng mundo na Grand Odelisque na nilikha ni Jean Auguste Dominique Ingres noong 1814 na nasa museo ng Louvre, sa France. Mapapansin rito ang maramihang imitasyon ng nasabing pinta na ginagawa sa pamamagitan ng paraang ng chromolithography at isa sa koleksiyon ni Quiroga o maaring ipinagbibili ng Tsino Quiroga ay ito. Isang higit na nakakatawag pansin na ang pinta sa itaas ng pahina ay may katulad ding pangalan na iginihit ni Juan Luna at sinasabi na isa sa mga koleksiyon ni Jose Rizal.

na mukhang babae,11 ng pagkamatay ng banal at ng makasalanan, na pawang yari sa mga bahay pagawaan ng mga Hudyo sa Alemanya upang ipagbili sa mga bayang Katoliko.12 Naroon din ang mga larawang Tsino na nasa pulang papel na may isang lalaking nakaupo na ang anyoy kagalang-galang, mapayapa at nakangiti,13 sa likuran nitoy may nakatayong aliping napakapangit, nakasisindak, mabalasik, nagbabala, na ang pigil ay isang sibat na ang talim ay malapad at matalas; tinatawag na Mahoma ng mga tagaroon at tinatawag na Santiago ng ilan, hindi namin maalaman kung bakit; ang mga Tsino naman ay hindi nagpapaliwanag tungkol sa dalawang pangalan ng isang katauhan.14 Mga putok ng botelya ng champagne, bungguan ng mga kopa, tawanan, usok ng tabako at isang tanging amoy ng bahayTsino, na may halong pebete, apyan at mga imbak na bungang-kahoy ang nagiging kabuuan ng lahat ng iyon. Nakasuot ng damit na parang mandarin, na bughaw ang borlas ng kopya ay nagpapalakad-lakad sa mga silid si Tsino Quiroga, na tuwid at unat na unat, na pasulyap-sulyap na waring sinisiyasat kung walang nadudukot na anuman.15 Datapwat kahit na taglay ang gayong likas na kawalan ng pagtitiwalang ay nakikipagkamayan, binabati ang ilan sa tulong ng mga masuyo at pakumbabang ngiti, at ang ilan ay bating mapag-ampon, at ang ibay bating palibak na waring ang ibig sabihin ay: Alam ko na! Hindi kayo naparito para sa akin, kundi, dahil sa aking hapunan. May katwiran si Tsino Quiroga. Iyong matabang ginoo na pumupuri sa kanya at nagsasabi ng pangangailangan ng isang consulado ng Tsino dito sa Maynila, na ang
Basahin ang mga website na sumusunod: http://en.wikipedia.org/wiki/Odalisque_%28painting%29 http://en.wikipedia.org/wiki/Grande_Odalisque http://www.harvardartmuseums.org/collection/detail.dot?objectid=1943.251&globalSearchTe xt=odalisque Basahin rin ang sinulat ni Raquel A. G. Reyes na: Love, Passion and Patriotism: Sexuality and the Philippine Propaganda Movement, 1882-1892 11 litografas de Cristos femeniles mga larawan ng Cristo na mukhang babae ibig sabihin ay parang bakla, ito ay dahilan sa parang hindi nakakatigatig sa mga larawan ng odalisque. 12 Pagpapakita ni Rizal na ang gumagawa ng mga religious object na pinagbibili ni Quiroga ay gawa sa mga pabrika sa Alemanya na pag-aari ng mga Judio. Ang mga Judio ay walang pananampalataya sa Cristo. 13 Maaring ang nasa larawan ay si Cunfucius na buong aliwalas na inilarawan ni Rizal sa nobela. 14 Isang pang-uuyam ni Rizal sa katabi ni payapang Cunfucius ay ang pangit at marahas na alipin. Tinatawag ang pangit at marahas na Mahoma ng ilan at Santiago ng iba. Dito ay makikita ang pagsusuri na ang relihiyong Islam at Kristiyanismo na lumaganap sa pamamagitan o kasunod ng armadong pananakop. 15 Kawalan ng tiwala ng mga Tsino sa ibang tao.

ibig manding sabihin ay walang makagaganap sa katungkulang iyon liban na kay Quiroga, ay si Ginoong Gonzalez na pumipirmang Piliti kung tinutuligsa sa mga tudling ng pahayagan ang pagparito ng Tsino.16 Ang isa na may kagulangan na at sinisiyasat na mabuti bagay-bagay, ang mga lampara at mga cuadro, atbp., at ngumingiwi at padustang sumisigaw ay si Ginoong Timoteo Pelaez, ama ni Juanito, mangangalakal na nangangalandakan laban sa kompetisyon ng mga Tsino na nagwawasak sa kanyang kalakal.17 At ang isa, ang nasa dako pa roon, iyong kayumangging ginoo, payat, na ang paningin ay magaslaw at banayad ang ngiti, ay ang bantog na may pag-kwestiyon tungkol sa mga pisong Mehikano na nagbigay ng pagkadismaya sa isang kinakalong ni Quiroga; ang kawaning iyon ay kilala sa Maynila dahil sa katalasan!18 Ang nasa malayu-layo pa, iyong kung tumingin ay pairap at hindi ayos ang bigote ay siyang kawaning kinikilalang lalong karapat-dapat sapagkat nagkaroon ng katapangang magsalita nang laban sa pangangalakal ng mga bilyete sa loterya na ginagawa ni Quiroga at ng isang babaing bantog sa mga lipunan sa Maynila. Sa katotohanan kung hindi kalahati ay ang dalawa ng katlong bahagi ng mga bilyete ay dinadala sa Tsina at ang nalalabing kaunti sa Maynila ay ipinagbibiling may patong na sikolo.19 Ang ginoong iyon ay nanalig na sa balang araw ay mapapasa kanya ang pinakamalaking tama, kayat muhing-muhi sa mga gayong kagagawan.20 Samantala, nagtatapos ang hapunan. Mula sa kakainan ay maririnig ang mga talumpati, tawanan, mga pagsalansang, halakhakan Ang pangalan ni Quiroga ay paulit-ulit na nadidinig, na kahalo ng mga salitang consul, pagpapantay-pantay, mga karapatan21
16 Mararamdaman rito na ang sakop ng inpluwensiya ni Tsino Quiroga, nagawa niyang mainpluwensiyahan ang peryodistang si Sr. Gonzales, na ginagamit ang tunay na pangalan kapag pinupuri si Tsino Quiroga at gumagamit ng pangalang Pitili kapag binatikos ang pagparito ng mga Tsino. Maari lamang maipaliwanag na ang peryodista ay sumusulat ng papuri kay Tsino Quiroga kapalit ng anumang konsiderasyon (lalo na ng salapi), habang ang kaniyang tunay na saloobin ay salungat sa kaniyang sinusulat. 17 Ipinakita rito na ang paglaban ng ilang mga Filipino laban sa mga Tsino ay produkto ng inggit o pagkatakot sa kompitensiya sa mga ito. Hindi tunay na makabayan. 18 Noong sinusulat ni Rizal ang nobelang ito ay nagaganap ang malawakang pagpupuslit ng dolyar mehikano mula sa pagawaan ng mga pekeng pera sa Hong Kong patungo sa Pilipinas. Ang lalaking inilalarawan rito ay maaring isa sa mga opisyal ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya na nagsagawa ng mga reporma laban sa pagpupuslit ng mga dolyar mehikano na mula sa Hong Kong na ipinapasok sa Pilipinas. 19 Ibinebenta ng Tsino Quiroga ang malaking bulto ng ticket ng loterya sa ibang bansa na mayroong 10% komisyon at ang komisyon ay idindepoisto sa bangko sa Hong Kong. Sino ang babaeng kasosyo ni Tsino Quiroga? Asawa ng isang mataas na tao sa Maynila. Ang ukol sa lawak ng bentahan ng ticket ng loterya sa China sa kapanahunang iyon ay tinalakay ni Edgar Wickberg, 1965. 20 Ang ikinagagalit ng ginoo ay kakauntian at ang pagtaas ng presyo ng ticket ng loterya na kaniyang nabibili na humahadlang sa kaniyang pangarap na manalo sa loterya. 21 Itinaon lang kaya ni Rizal ang bahagi ng mga papuri kay Tsino Quiroga ay sa panahon na halos ang lahat ng kaniyang mga bisita ay mga lasing na.

Ang may piging na hindi kumakain ng lutong-Europa ay paminsan-minang nakikitungga na lamang sa kanyang mga bisita at nangangakong makikisabay sa pagkain sa mga nasa unahang lamesa. Si Simoun ay dumating at pagkatapos na kumain ay nakikipag-usap, sa salas, sa ilang mangangalakal na nangagsisidaing ukol sa kalagayan ng negosyo: masama ang lakad ng lahat, paralisado ang kalakalan, ang pakikipagpalitan ng pera sa Europa ay napakataas ang halaga;22 nangagsisihingi ng solusyon sa mag-aalahas o inuudyukan siya ng ilang paraan, sa pag-asa na ipararating ito sa Kapitan Heneral. Sa bawat panukalang remedyo ay sinasagot ni Simoun ng isang sarkastikong ngiti. Ba! Kaululan!23 Hanggang sa nang mamuhi na ang isa ay itinanong ang kanyang haka. Ang aking haka? ang tanong, pag-aralan ninyo kung bakit umuunlad ang ibang bansa at tularan ninyo sila.24 At bakit nangagsisilusog, Ginoong Simoun? Kinibit ni Simoun ang kanyang balikat at hindi sumagot.25 Ang mga gawain sa daungan na nakabibigat sa kalakalan at ang daungang hindi mayari-yari!26 ang buntung-hininga ni Ginoong Timoteo Pelaez, ay isang kayo ni Guadalupe, 27 gaya nang sabi ng anak ko, na hinahabi at kinakalasang mga buwis28

22 Ang katotohanan ng salaysay na ito sa nobela ay nakaayon sa kaganapan ng panahong iyon. Naging malaki ang palitan ng perang Piso Mehikano na nakabase sa pilak, dahilan sa ang ginagamit noon na pamantayan ay ang ginto. 23 Nagpapakita ng pagkainis dahilan sa ang kaniyang mga naririnig na panukala ay higit na para lamang sa makasarili interest. 24 Sa pamamagitan ni Simoun ay ipinaramdam ni Rizal ang pangangailangan na matuto ang mga Pilipino sa karanasan ng mga maunlad na bansa. 25 Pagpapakita ni Rizal sa anyo ni Simoun ng kaniyang pagkainis sa mga negosyante na ang tanging layunin sa progreso ay ang personal na kapakakanan. 26. Sa taong 188 ay pinasimulan na ang konstruksiyon sa pag-aayos ng nasabing puerto at sa panahon na kaniyang natapos ang nobela ay hindi pa rin natatapos ang pagawaing pampublikong ito. Ang katotohanan, ang proyektong pagsasa-ayos ng puerto ng Maynila ay nadatnan at tinapos na ng gobyernong kolonyal ng Amerika sa Pilipinas noong mga unang taon ng 1900. Basahin ang librong Memoria sobre el progreso de las obras del puerto de Manila ni Garca Morn,: 1889 Jose

27 Sa pagbabanggit ni Rizal na ang ginamit na pagtutulad ni Rizal sa hindi matapos na pagawain sa Puerto ng Maynila sa tela ng birhen ng Guadalupe sa Mexico. Subalit sa salin naman ni Derbyshire ginamit niya ay Penolope Web. Ang katotohanan ay higit na tama ang

At umaangal pa kayo! ang bulalas ng isa, ngayong kapapasya pa lamang ng Heneral ng pagpapagiba ng mga bahay na pawid! Kayong maraming hierro galvanizado! Oo, ang sagot ni Ginoong Timoteo, ngunit ang nagastos ko naman sa kapasyahang iyan!29 At saka ang pagpapagibay hindi pa gagawin kundi sa loob ng isang buwan, hanggang dumating ang kurisma; mangyayaring may dumating pang ibaang ibig ko sanay ipagiba ngayon din, datapwat Bukod sa rito, ano ang ibibili sa akin ng mga may-ari ng bahay na iyan na pawang maralita? Mangyayari ding mabili ninyo nang murang-mura ang kanilang mga bahay30 At pagkatapos ay lakaring pawalang-bisa ang kautusan at ipagbiling muli, sa dobleng halaga! Iyan ay isang negosyo.31 Si Simoun ay ngumiti ng ngiti niyang malamlam,32 at sa dahilang nakitang sumasalubong din si Tsino Quiroga ay iniwan ang mga reklamador na negosyante upang batiin ang magiging consul. Babahagya pa lamang siyang nakita nito ay nawala na ang anyong may kasiyahang-loob at ang mukhay iginaya sa mga mangangalakal, at yumuko nang bahagya.
Penolope Web na ayon sa mitolohiyang Griyego ay paraan ng paghahabi ni Penolope na binubuo niya ang tela sa umaga at sinisira sa gabi. Nagkamali kaya si Rizal sa pag-gamit ng tela ng Guadalupe at ng tela ni Penolope? Hindi dahilan sa mayroong sapat na kaalaman si Rizal sa mitolohiyang Griego, kung minali niya ito ay upang patingkarin ang katangahan ng mag-ama dahilan sa naniwala si Don Timoteo Pelaez sa sinasabi ng kaniyang anak na Juanito Pelaez. Makakatulong ang website na ito sa pag-unawa sa misteryosong tela ng Gudalupe: http://www.csicop.org/sb/show/miraculous_image_of_guadalupe/ 28 Binabaklas at inaayos ang paulit-ulit na konstruksiyon sa puerto ng Maynila. Kumikita ang mga kontratista sa walang katapusang konstruksiyon at ang mga kasabwat nilang pinuno sa pamahalaan. Balikan ang puna ni Don Custodio sa pagawaing bayan sa Kabanata 1. Sa pamamagitan ng ipinagamit na salita ni Rizal kay Don Timoteo Pelaez ay naiparating nito ang panghihinayang sa pagkaubos ng salapi ng bayan dahilan sa hindi maayos na pagkakaprograma ng gastusin ng pamahalaan. 29 Ipinapakita rito ni Rizal ang papel ng salapi upang maisulong ang isang kautusan. Kung meron lamang noon na isang anyo ng pangkapuluang batasan ang kolonayl na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas, ang gastos ni Don Timoteo Pelaez ay maaring maikubli sa anyo ng lobbying, subalit dahilan sa wala ang kaniyang ginastos para sa kautusan ay sa anyo ng suhol. 30 Ito ang panukala ng kausap ni Don Timeoteo Pelaez. 31 Pansinin na biglang nakaisip ng pagkakitahan si Don Timeoteo Pelaez. 32 Ngiting malamlam ni Simoun nakikitawa sa katusuhan, subalit namumuo ang poot laban sa pagsasamantala ng mga ganid na negosyante.

Iginagalang na lubha ng Tsino na si Quiroga ang mag-aalahas, hindi lamang sa dahilang kilala niyang mayaman, kundi dahil sa mga bulung-bulungang umanoy kaututang-dila ng Kapitan Heneral. Nababalitang inaayunan ni Simoun ang mga hangarin ng Tsino, kasang-ayon tungkol sa consulado, at sa gitna ng mga salisalitaan, mga parunggit at mga puntos suspensivos ay tinukoy na siya ng isang pamahayagang laban sa Tsino, sa isang nabantog na pakikipagsagutan sa isang kasamang kampi sa mga may buhok. Idinaragdag pa ng ilan kataong malumanay na iniuudyok umano sa Kapitan Heneral ng Eminencia Negra na gamitin ang mga Tsino sa pagsugpo sa matibay na karangalan ng mga tagarito.33 Upang maging masunurin ang isang bayan, anya, ay walang paraang gaya ng duhagihin at ipakilala sa kanya ang sariling kaabaan.34 Sandali lamang at nagkaroon agad ng isang pangyayari. Ang mga kapisanan ng mga mestiso at ng mga naturales ay nangagmamanman at ginagamit ang kanilang katapangan at kasipagan sa paghihinala at kawalan ng tiwala.35 Isang araw, sa misa, ang kapitan ng mga naturales na nakaupo sa bangkong nasa dakong kanan at lubhang payat, ay nakaisip na pagpatungin ang kanyang mga paa, na anyong nonchalant (makisig) upang lumakilaki sa wari ang kanyang mga pigi at maipamalas ang kanyang magandang sapatos; ang kapitan naman ng mga mestiso na nakaupo sa kabilang ibayo, sa dahilang may pamamaga ang paa ay hindi napagpatong ang paa dahil sa katabaan ay ibinakaka ang kanyang mga hita upang malantad kaniyang malaking tiyan na nadadamitan ng chaleco na napapalamutihan ng isang magandang tanikalang ginto at brilyante.36 Ang dalawang pangkatin ay nagkapakiramdaman at nagsimula na ang paghahamok; sa sumunod na pagsisimba, ang lahat ng mestiso, pati ng lalong payat, ay pawang may buyon at ibinikakang mabuti ang mga hita na waring mangangabayo. Lahat ng naturales ay pinagpatong ang kani-kanilang paa, sampu ng lalong matataba, kayat

33 Inilalantad ni Rizal ang isang sistema ng patakarang divide and rule ng Espanya sa Pilipinas. Hinati at pinamahalaan nito ang mga Pilipino sa pamamagitan ng paghahati ayon sa lingwistikong pagpapangkat. Sa kaayusan naman ng pagiging iisa ng mga Indio bilang lahi ay ginamit naman ng mga Espanyol upang ipakita ang ating kahinaan bilang isang bansa. 34 Ang pagsusuring ito ay ipinagamit ni Rizal kay Simoun, upang ipakita na kahinaan ng mga Pilipino ay produkto ng pagnanais ng Espanya na mapanatili sakop tayo. Ang isang bansa na nagsisimulang makilala ang kaniyang tunay na lakas ay bayang nagsisimula ng humanap ng pag-alpas. 35 Malinaw na ipinakita rito ni Rizal ang modus operandi kung papaano ipinatutupad ang divide and rule, nagaganap ang kawalan ng pagtitiwala ng mga pangkatin sa iba. 36 Ang dalawang kapitan ay sa iisang lugar lamang na nakararami ay mga Tsino (halimbawa ay Binondo), kung saan mayroong magkaibang kapitan para sa mga naturalesng Pilipino at mga mestisong Tsino. (Tandaan na si Kapitan Tiago ay naging pinuno ng pangkat na mestiso). Dahilan sa iisa ang lugar at na may dalawang magkaibang uri at pinuno ay halos malupit ang karibalan ng dalawang pangkat na ito.

may kabesa tuloy na umaringking.37 Ang mga Tsino na nakakita sa kanila ay gumagamit naman ng kanilang anyo: nangagsiupong gaya nang kung nasa kanilang tindahan, ang isang paay baluktot at nakataas, ang isay nakabiting kukuya-kuyakoy.38 Nagkaroon ng mga tutulan, mga kasulatan, mga expediente, atbp., ang mga kuwadrilyero ay matuling nangagsipanandata upang pasimulan ang isang digmaang sibil,39 ang mga kura ay nangagkatuwaan, ang mga Kastilay nasasayahan at ang lahat nang itoy pinagkakakitaan ng salapi, 40 hanggang sa pinigil ng Heneral ang kaguluhan sa pamamagitan ng pag-uutos na silay mangagupuang kagaya ng Tsino, sa dahilang ang mga itoy siyang bumabayad ng lalong malaki, kahit hindi siyang lalong Katoliko.41 At dito nangyari ang kagipitan ng mga mestiso at naturales, na, sa dahilang makikipot ang pantalon ay hindi makagaya sa Tsino. At upang ang nasang duhagihin silay mabunyag, ay ginanap ang kautusan ng buong karingalan at ginamitan ng mga sangkap, nilibid ang simbahan ng isang pulutong na kabayuhan, samantalang ang lahat ng nasa loob ay pinapawisan.42 Ang usapin ay nakarating sa Espanya, ngunit dooy naulit din sa dahilang ang nagbabayad ng lalong malaki ay ang mga Tsino at mangyayaring pairalin ang kanilang ibigin, sampu sa mga seremonias religiosas,43 kahit sa bandang huli ay tatalikuran nila pagtatawanan ang pagka-Kristiyano.44 Nasiyahan ang mga naturales at mestiso at pinag-aralan nila ang hindi pag-aaksaya ng panahon sa mga gayong bagay na walang kabuluhan.

37 Ipinapakita rito na ang mga katutubo ng Pilipinas sa kanilang mga postura ay higit na ang sukatan ng maganda at kaaya-aya ay ang postura ng mga dayuhang taga-kanluran. 38 Ipinakita rito ni Rizal na ang mga mestisong Tsino ay walang anumang paniniwala sa superioridad ng anyo ng mga Europeo, sa labanan ng puwesto ng pag-upo ay labis na nagpakatotoo lamang ang mga mestisong Tsino. 39 Ang kuwadrilyero ay ang kolonyal na pulisya ng mga bayan-bayan sa Pilipinas. Higit silang kontrolado ng mga kapitan ng bayan. Sa mga kuwadrilyerong ito nagsimula ang lokal na pulisya ng Pilipinas at maging ang private army ng mga pulitiko. 40 Natutuwa ang mga kura at mga Espanyol dahilan sa ang nangyayari ay isa lamang kahibangan na maari nilang pagkasalapian. Ang labanan ng dalawang pangkat ay gagamit ng mga Espanyol at kura para mamagitan, o kaya ay makakampi sa labanan. 41 Ang desisyon ng Kapitan Heneral na pumapabor sa mga mestisong Tsino mula sa paggamit ng pananalita ay higit na produkto ng malaking pera na natanggap nito mula sa mga Tsino. 42 Ang pinakamataas na pangdudusta ay ipakita at iparamdam sa mga naturales ang kanilang pagkabigo sa isang anyo ng seremonya. 43 Nang-aasar si Rizal na sa inpluwensiya ng pera ng mga ito ay maari nilang mabago ang seremonya ng simbahan. 44 Mula sa karanasan ng bansa sa mga nandayuhang Tsino na nagpabinyag sa simbahan para makapag-asawa o magkaroon ng koneksiyon sa interest ng negosyo. Kapag nagsi-uwi na ang mga ito sa Tsina ay bumabalik sa kanilang tunay na relihiyon at tinatalikuran nila ang Kristiyanismo at ginagawang katatawanan ang mga seremonyas na kanilang nilahukan o maaring binayaran pa nga ng malaki.

Sinuyu-suyo ni Quiroga si Simoun sa tulong ng kanyang tinig na napakamahimok, paulit-ulit ang kanyang yuko, ngunit pinutol ng mag-aalahas ang kanyang pangungusap at itinanong sa kanyang bigla: Naibigan baga ang mga pulseras? Sa tanong na itoy napawing tulad ng pangarap ang sigla ng kalooban ni Quiroga; ang tinig na dating mahimok ay naging mahinagpis, lalo pang nagpakayukuyuko at matapos pagdaupin ang mga kamay na itinaas na pantay-mukha, anyong pagbati sa kaTsinoan, ay dumaing ng: Uu, sinyo Simoun! Akieng lugi, akieng hughog! Bakit, Tsino Quiroga, kayoy lugi at hughog? At ganyan karami ang botelya ng champagne at mga panauhin! Ipinikit ni Quiroga ang kanyang mga mata at ngumiwi. Hss!45 Ang kasayahan ng gabing iyon, ang naging kinahinatnan ng mga pulseras, ay makapagwawasak sa sa kanya. Si Simoun ay ngumiti. Kapag ang isang negosyanteng Tsino ay dumaraing ay sapagkat maayos ang lagay; kapag ang ipinakikita ay waring mabuting-mabuti ang kanyang negosyo ay sapagkat nakikinikinita ang isang pagkalugi o tatakas pabalik sa kanyang bayan. Kayo mo hiene alam akieng lugi, akieng hughog? A, sinyo Simoun, akieng huapay! At upang lalong maipabatid ng Tsino ang kanyang kalagayan ay sinabayan ang salitang huapay ng anyong pagpapatimbuwang. Ibig-ibig ni Simoun na siyay pagtawanan, ngunit napigil at sinabing wala siyang ano mang nalalaman, wala, walang-wala. Dinala siya ni Quiroga sa isang silid na inilapat na mabuti ang pinto, at ipinaliwanag sa kanya ang sanhi ng kasawian. Ang tatlong pulseras na brilyante na hiningi kay Simoun upang ipakita sa kanyang asawa ay hindi sadyang para rito, kaawa-awang Indiya na nakukulong sa isang silid, na waring isang babaing Tsino, kundi para sa isang maganda at kaayaayang babaing kaibigan ng isang mataas na tao, na kailangan niya ang tulong, dahil sa isang kalakal na pagtutubuan niya ng mga anim na libong piso! At sa dahilang ang Tsino ay walang kabatiran sa mga maiibigan ng babae at nais niyang magpakita ng pagiging galanteay hiningi ang tatlong pinakamabuting pulseras na inilalako ng mag-aalahas, na tatlo o apat na libo ang halaga ng bawat isa. Ang Tsino ay nag-anyong walang malay at sa tulong ng kanyang mahimok na ngiti ay sinabi sa babaeng piliin ang magugustuhan; ngunit ang babae, lalong walang muwang at lalo pa manding mahimok, ay nagpahayag na ibig niya ang tatlo, at kinuhang lahat.
45 Isang ekspresyon ng pagkakabuko o pagkakahuli sa hindi maayos na pag-arte o pagpapaawa.

Si Simoun ay humalakhak. A, sinyolia! Akieng lugi, akieng hughog! ang sigaw ng Tsino na sabay ang pagtatampal sa sarili ng kanyang maliliit na kamay. Patuloy din ang mag-aalahas sa katatawa. Huu! Masama tao, sigulo hienno tuto sinyola! ang patuloy ng Tsino na iginagalaw ang ulot masama ang loob. Ano? Bo hiya, kahi insiek sa akieng, ako tao. A, sigulo hienno tuto sinyola; kung sigalela belong pa konti hiya!46 Nahuli kayo, nahuli kayo, ang bulalas ni Simoun na sabay sa pagtumbok nang marahan sa tiyan ng Tsino. At lahat tao hienge utang at hienne mayad, ano iyan? at binilang sa kanyang daliring may mahahabang kuko, impelealo, opisya, tinienti, sunnalo, a, sinyo Simoun, akieng talo, akieng huapay!47 Siya, siya na ang kadadaing, ang sabi ni Simoun, iniligtas ko kayo sa maraming opisyal na humihingi sa inyo ng salapi Silay pinautang ko nang huwag na kayong gambalain at batid kong hindi nila ako mababayaran48 Nguni, sinyo Simoun, kayo pautang sa opisya, ako pautang sa mamae, sinyola, malinelo, lahat tao49 Masisingil din ninyo! mayad!50 Akieng makasingil? A, sigulo hiene po ikaw alam! Pag talo sa suga, wala na Mamuti sa inyo melon konsu; maali habol, akieng wala

46 Isang panlalait ni Rizal sa mga babaeng kabit ng mataas na opisyal ng gobyerno. Mga babaeng walang kahihiyan, na nakakahigit ang dangal ng mga cigarera o mga babaeng nagtatrabaho sa pagawaan ng sigarilyo. Hindi kaya ibang cigarera ang binabanggit rito ni Rizal? 47 Sa tinurang salita ay makikita ang lawak ng inpluwensiya ni Tsino Quiroga sa kolonyal na gobyerno ng Espanya sa Pilipinas. Totoo na nangungutang ang mga taong tinuran at hindi rin nagbabayad. Subalit, ang mga pautang na ito ay isang anyo ng paunang suhol ni Tsino Quiroga para sa pabor na maari niyang hingiin sa hinaharap na panahon. 48 Ito ang patunay na ang tinutukoy ditong pautang na hindi na mababayaran ay isang anyo ang paunang suhol. Si Simoun man ay nagpautang na sa mga opisyal ng kolonyal na pamahalaan. 49 Sa usapang Simoun at Tsino Quiroga ay wari silang nag-kukuwentahan ng mga taong adbanseng nabayaran ng suhol sa anyo ng pautang. 50 Pahapyaw na natalakay ang papel ng sugal sa pagkakabaon sa utang ng mga tauhan ng kolonyal na pamahalaan bilang siyang susi ng katiwalian sa Pilipinas. Ang katotohanan, hindi ang maliit na suweldo ng taong gobyerno ang dahilan ng katiwalian, kundi ang kanilang mga luho at bisyo.

Si Simoun ay nag-isip.51 Tingnan ninyo, Tsino Quiroga, ang sabing wariy natatanga, ako ang maniningil ng utang sa inyo ng mga opisyal at mga marinero, ibigay ninyo sa akin ang katibayan ng pagkakatanggap nila. Muling namighati si Quiroga, hindi siya binibigyan kailan man ng katibayan. Pag nangagsiparitong hihingi ng salapi ay paparoonin ninyo sa akin; ibig kong iligtas kayo. 52 Napasalamat nang lubos si Quiroga, ngunit nabalik na naman sa kanyang mga pagdaing, tinukoy ang mga pulseras at inulit-ulit ang: Kung sigalele belon pa hiya! Caramna ang nasabi ni Simoun, na tinitingnang pasulyap ang Tsino na waring ibig hulaan ang nasa kalooban, nangangailangan pa naman ako ng salapi at inaakala kong mababayaran ninyo ako. Ngunit ang lahat ay may kagamutan, ayaw kong mahapay kayo nang dahil lamang sa walang kabuluhang bagay na iyan. Siya, isang utang na loob at gagawin kong pito ang siyam na libong utang ninyo sa akin. Kayoy nakapagpapasok sa adwana ng lahat ng inyong naisin, mga kahon ng lampara, mga bakal, mga pinggan, tanso, mga pisong Mehikano; nagbibigay kayo ng armas sa mga kumbento?53 Napaoo ang Tsino sa tulong ng tango; ngunit kailangan niyang sumuhol sa maraming tao.54 Lahat akieng bigay sa pale!55
51 Mapapansin sa reaksiyon ni Simoun na ang tunay na dahilan ng hangarin ni Tsino Quiroga sa pagkakaroon ng isang konsuladong Tsino sa Maynila ay hindi ang kapakanan ng kaniyang mga kababayan. Kundi upang isulong ang kaniyang personal na kapakinabangan. Inaanyayahan ko kayo na basahin ang ginawang pagdinig ng Philippine Commission noong 1900, kung saan si Carlos Palanca ay halos umiwas sa tanong ukol sa malaking halagang binabayaran ng mga nandadayuhang Tsino sa sa katatatag pa lamang na konsulado ng Tsino sa Maynila. Nagkakaroon ako ng impresyon na ang konsulado ay higit na isang anyo ng recruitment agency. 52 Sa usapan na ito kung saan mismong si Simoun na, ang maniningil ng pautang ng mga empleyado ng kolonyal na gobyerno ay isang taktika nito na ilipat sa kaniya ang inpluwensiya ni Tsino Quiroga. 53 Sa pamamagitan ni Simoun ay nagawa ni Rizal na isa-isahin ang smuggling activities ni Tsino Quiroga. 54 Makikita na sa kapanahunan ni Rizal ang pagiging talamak ng suhulan sa aduana. Salamat sa mga taga aduana ng kasalukuyang panahon hindi na ako mahihirapan pa na ipaliwanag ang katotohanan ng akusasyon na ito ni Rizal.

Kung gayon ay tingnan ninyo, ang marahang patuloy ni Simoun, kailangan kong ipapasok ninyo ang ilang kahon ng baril na dumating ngayong gabi ibig kong itago ninyo sa inyong bodega; hindi magkakasyang lahat sa aking bahay.56 Si Quirogay nahintakutan. Huwag kayong masindak, hindi kayo maaano; ang mga baril na iyan ay untiunting itatago sa ilang bahay, at pagkatapos ay gagawa ng pagsisiyasat at marami ang ibibilanggomarami tayong kikitain sa paglakad na makawala ang mga napipiit. Batid na ninyo?57 Si Quiroga ay alinlangan; takot siya sa mga armas. Sa kanyang mesa ay mayroon siyang isang rebolber na walang punglo, na hindi niya hinihipo kailanman kundi lilingon munang nakapikit. Kung hindi ninyo magagawa ay hahanap ako ng iba, ngunit kailangan ko kung gayon ang aking siyam na libong piso upang padulasin ang mga kamay at ipikit ang mga mata. Siya, siya, ang sa huliy sabi ni Quiroga, ngunit huli ba malami tao? Utos lekisa, ha?58 Nang bumalik sa kabahayan si Quiroga at si Simoun ay natagpuan ang mga galing sa paghahapunan na nangagtatalo; pinatabil ng champagne ang mga dila at nagpapagalaw sa mga utak ng ulo. Nangag-uusapang walang kakimi-kimi.59 Sa isang pulutong na may maraming kawani, ilang babae at si Don Custodio, ay pinag-uusapan ang isang ipapadalang komisyon sa Indiya upang pag-aralan ang paggawa ng mga sapatos ng mga sundalo. At sinu-sino ang bumubuo? ang tanong ng isang babaing malaki. Isang koronel, dalawang opisyal at ang pamangkin ng Heneral.60

55 Ibig sabihin ay nagbibigay siya ng malaking halaga sa mga taong simbahan mula sa kaniyang smuggling activity. 56 Ang baril na ito na ipupuslit ni Simoun ay para sa kanyang gagawing pag-aalsa. 57 Nililinlang ni Simoun si Tsino Quiroga sa pagsasabi na ang baril ay itatanim para maging ebidensiya sa mga taong kalaban ng gobyerno. 58 Ipinapakita ni Rizal ang pagiging sagad sa pakinabang ni Tsino Quiroga. 59 Talagang ito ang istilo ni Rizal ang ilagay sa ibang estado ng kaisipan ang kaniyang mga tauhan na gagamitin niya sa pagsisiwalat ng mga kabulukang panlipunan. 60 Noon pa man ay malaki ang nagiging papel ng malapit na kamag-anak ng punongehukutibo sa Pilipinas para malasabit sa mga paglalakbay sa labas ng bansa.

Apat? ang tanong ng isang kawani, ganyan lang karami ang komisyon! At kung magkahati sa kapasyahan? May alam naman kaya sila sa bagay na iyon?61 Iyan nga ang tanong ko, ang dugtong ng isa, ang sabi koy dapat pumaroon ang isang hindi kawal sa hukbo, isang walang hilig sa pagkamilitar sa halimbawa, isang manggagawa ng sapatos. Iyan nga, ang sagot ng isang mamamakyaw ng sapatos, ngunit sa dahilang hindi bagay na magpadala ng isang Indiyo, ni ng isang Makaw, at ang tanging magsasapatos na Kastila ay humihingi ng malaking sahod62 Datapway ano pat pag-aaralan ang sapin sa paa? ang tanong ng isang babaing malaki, marahil ay hindi iuukol sa mga artilyerong Kastila! Ang mga Indiyo ay maaaring walang sapatos gaya ng kung nasa kanilang bayan.63 Siyang dapat, at ang kabang-bayan ay lalong makapagtitipid! ang dugtong ng isang senyorang balo, na hindi nasisiyahan sa kanyang sinasahod na pension. Ngunit unawain naman ninyo, ang sagot ng isa sa mga kaharap, na kaibigan ng mga opisyal na magsisiyasat, tunay ngang ang maraming Indiyo ay walang sapin kung lumakad sa kanilang bayan, ngunit hindi ang lahat, at hindi magkaisa ang lumakad nang alinsunod sa sariling kaibigan kaysa nasa paglilingkod; hindi napipili ang oras, ni ang daraanan, ni hindi nakapagpapahinga kung kailan ibigin. Alalahanin ninyo, ali, na kung katanghalian ay nakaluluto ng tinapay ang init

61 Parang inggit ang kawani at hindi siya nakasama sa komisyon. 62 Ang mamamakyaw ng sapatos ay isang Espanyol na umaangkat ng sapatos para kolonyal na sandatahan ng Espanya sa Pilipinas. Maaring siya rin ang Espanyol magsasapatos na humihingi ng malaking bayad para makasama sa komisyon. Ang sapatos itinutustos sa kolonyal na hukbong sandatahan noon ay isa sa mga maaring pagkunan malaking kayamanan. sa na na ng

63Sa matatandang larawan ng mga opisyal at kawal ng kolonyal na hukbo ng Espanya sa Pilipinas ay halos mga Espanyol lamang ang mayroong sapatos. Samantalang ang pangkatin ng mga sundalong katutubo na naglilingkod sa kolonyal na hukbo ng Espanya ay nakapaa. Ang katiwalian sa procurement ng sapatos mga sundalong Espanyol ay isa sa napansin ng ilang mamamahayag na Amerikano sa litrato ng mga sundalong Espanyol na napalaban sa matagalang tangkang pagkubkob ng mga Pilipino sa simbahan ng Baler ay ang mga wasak na sapatos na gawa sa mahinang kwalidad. (Panahon po ng mga Espanyol ang sinasabi ko rito) Mapapansin din sa ginawang pagpuna ng isang babae na ang mga Pilipinong kawal sa kolonyal na hukbo ay dapat na walang sapatos ay isang lihim na paghahatid ng sedisyosong mensahe ni Rizal sa mismong mga Pilipino sundalo.

ng lupa. At maglakad pa kayo sa buhanginan, doo n sa may mga bato, araw sa itaas at apoy sa ibaba, at punglo sa harap64 Sa sanayan din lamang iyan!65 Gaya ng hayop na burro na nasanay sa hindi pagkain! Sa kasalukuyang labanan, ang lalong marami sa nasasawi sa atin ay gawa ng mga sugat sa talampakan66 Inuulit ko ang sa burro ali, ang sa burro! Ngunit anak ko, ang tutol ng babae, isip-isipin ninyong napakaraming salapi ang magugugol sa katad. Sukat nang maibuhay sa maraming ulilat balo upang mapagtibay ang karangalan. At huwag kayong ngumiti, hindi ko sinasabi nang dahil sa akin pagkat mayroon naman akong pensiyon kahit kakaunti; lubhang kaunti sa mga ipinaglingkod ng aking asawa; tinutukoy ko ang iba na may napakamaralitang kabuhayan ngayon: hindi nararapat na matapos ang maraming kahihingi upang maparito at matapos na makapaglakbay-dagat ay maging katapusan ang mamatay dito sa gutom Ang sinasabi ninyong ukol sa mga sundalo ay totoo marahil, ngunit ang katunayan, kahit mahigit na akong tatlong taon dito ay hindi pa ako nakakita ng pipilay-pilay. Sa bagay na iyan ay kasang-ayon ako ng aling kuwan, ang sabi ng isang babaing kalapit, ano pat bibigyan ng sapatos, sa wala naman silang sapatos nang sumipot sa maliwanag? At ano pa ang kailangan ng baro? At ano pa ang kailangan ng salawal?67

64 Ang lupit ni Rizal dahilan sa ang ginamit niyang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga sundalong katutubo sa kolonyal na hukbo ng Espanya ay isang Espanyol na nagmamalasakit. Subalit, ang laman naman ng mensahe ay naglalagay naman ng diskontento sa mga katutubong naglilingkod sa kolonyal na hukbo. 65 Pansinin na muling ginamit ni Rizal ang babaeng Espanyola sa katutubong kawal hindi kaya ito para lalo silang papag-initin. pangdudusta sa mga

66 Pansinin na ang pinasasagot ni Rizal ay isang mapagmalasakit na Espanyol subalit ang kaniyang isinasaysay kahit na pagmamalasakit ay isang paraan naman ng patagong panunulsol. Ito ay isang anyo ng pagbibigay ng rasyonal sa isang diskontento na ang epekto ay hindi matatalos sa maaring maging proporsiyon. Ang usapin sa pagkakaroon ng sapatos ay katulad lamang sa panahon na ito ng usapin ukol sa kwalidad ng helmet na ipinagagamit natin sa ating mga kawal sa hukbong sandatahan. 67 Sa mga sumunod na pangungusap ay ipinakita ni Rizal na ang dahilan ng pagkakait na ito ng pangunahing pangangailangan ng mga sundalong Pilipino sa kolonyal na hukbo ay para sa pension ng mga nasawing sundalong Espanyol. Na sinundan pa ng dalawang pananalita na puno ng panlalait ng dalawang babae.

Isip-isipin ninyo ang mapapala natin sa pagkakaroon ng isang hukbong hubot hubad! ang tapos ng nagtatanggol sa mga sundalo.68 Sa isang pulutong ay lalong mainit ang pagtatalo. Si Ben-Zayb ay nagsasalitat nananalumpati; gaya nang datiy hinahadlangan siya sa bawat sandali ni Padre Camorra. Ang manunulat na prayle,69 kahit niya iginagalang na lubha ang mga taong may satsat, ay palaging nakikipagtalo kay Padre Camorra na inaari niyang isang prayle-praylihang mangmang; sa gayoy ginagamit ng anyong malaya at dinudurog ang mga sabisabihan ng mga tumatawag sa kanyang Fray Ibaez. Kinalulugdan ni Padre Camorra ang kanyang katunggali; iyon lamang ang tanging nagpapalagay na may katuturan ang kanyang mga tinatawag na pangangatwiran niya. Ang pinag-uusapan ay tungkol sa magnetismo, espiritismo, mahika, atbp., at ang mga salitat sumasahimpapawid na gaya ng mga sundang at bola ng mga salamangkero; sila ang naghahagis at sila rin ang sumasalo.70 Nang taong iyon ay pinagkakaguluhan sa perya sa Kiyapo ang isang ulo na di bagay sa tawag na esfinge, na itinatanghal ni Mr. Leeds, isang Amerikano. Malalaking pabalita na makababalaghan at nakapangingilabot, na nakaaakit sa panonood,71 ang nangakadikit sa pader ng mga bahay. Ni si Ben-Zayb, ni si Padre Camorra, ni si Padre Irene, ni si Padre Salvi ay hindi pa nakakakita sa ulong iyon; si Juanito Pelaez ang tanging nakakita, isang gabi, at siyang nagbabalita ng kanyang pagkahanga sa mga magkakalipon. Si Ben-Zayb, dahil sa kanyang pagkamamamahayag, ay nagpupumilit na makatuklas ng kadahilanang likas; binabanggit ni Padre Camorra ang diyablo; si Padre Irene ay ngumingiti; si Padre Salvi ay walang kaimik-imik.72
68 Iniwan ng Espanyol ang pagtatanggol sa kapakanan ng mga katutubong sundalo waring iniwan ni Rizal ang usapan sa napakataas na lundo ng insulto upang magtanim ng diskontento. 69 Manunulat na prayle tinutukoy rito ay ang mamahayag na si Ben Zayb. 70 Makikita rito pababa na ang intensidad ng talakayan ukol sa kalagayang panlipunan na nagsimula sa pagiging ganid ng mga taong may makasariling interest at ang lundo ay anglihim na panunulsol ni Rizal sa kalagayan ng mga katutubong sundalo sa hukbo ng Espanya. Ang usapan ay nauwi na lamang sa espiritwalidad at mahika. Pansinin na ang talakayan ay higit na ispekulatibo at hindi naayon sa pag-aaral na pang-relihiyon na itinataguyod ng antropolohiya. 71 Katulad ng isang horror movie na kapag nabalitaan na nakakatakot ay marami ang nagnanais na makapanood. 72 Pansinin ang attitude ng tatlong tauhan: Si Ben-Zayb ay isang peryodista at ang lagi niyang hinahanap ay ang kadahilanan ng mga kaganapan Si Padre Camorra ay isang prayle na may medyebal na pananaw ukol sa relihiyon at naniniwala sa papel ng Diablo sa mga bagay na ukol sa mahika. Si Padre Irene sa kaniyang ngiti ay natatawa sa paniniwala ni Padre Camorra isang indikasyon na si Padre Irene ay walang tunay na paniniwala sa aral na itinuturo niya.

Ngunit padre, sa hindi na pumaparito ang diyablo; tayo sa ating sarili ay sukat na upang magkasala73 Kung hindi gayon ay hindi makukuro Kung ang karunungan Ulit na naman ang karunungan! Puales!74 Ngunit makinig kayo, aking ihahayag. Ang lahat ay alinsunod lamang sa paningin. Hindi ko pa nakikita ang ulo, ni hindi ko batid kung papaano itinatanghal. Anang ginoo, (itinuro si Juanito Pelaez), ay hindi kagaya ng mga ulong nagsasalita na karaniwang itinatanghal, kahit na! Ngunit ang sanhi ay iyon din; lahat ay umaalinsunod lamang sa paningin; hintay kayo, ilalagay na paganito ang isang salamin, ang isa pay sa likuran, ang malalarawan ay matatanaw ano, isa lamang suliranin ng pisika.75 At ibinaba sa kinalalagyan ang maraming salamin, iniayos, ikiniling, at sa dahilang hindi niyia mapalabas ang kalinawan ay tinapos sa wikang: Gaya ng sabi ko, walang pinagka-iba sa isang pagsira lamang ng paningin.76 Ngunit anong salamin ang ibig pa ninyo, sa sinabi sa atin ni Juanito na ang ulo ay nasa loob ng isang kaha, na ipinapatong sa isang mesa Nakikini-kinita ko sa bagay na iyan ang espiritismo sapagkat kailan man ay gumagamit ng mesa ang mga espiritista, at sa akala koy sapagkat gobernador eclesiastico si Padre Salvi ay dapat niyang ipagbawal ang pagtatanghal.77 Si Padre Salvi ay walang kasali-salita; hindi sumasagot ng oo ni hindi. Upang maalaman kung may diyablo o espiritu sa loob, ang sabi ni Simoun, ang mabutiy paroonan ninyot tingnan ang bantog na ulong iyon.

Padre Salvi ang kawalan ng imik nito ay isang misteryo sa tunay niyang isipan. 73 Isang masakit na parunggit ni Rizal sa pamamagitan ni Ben-Zayb na kahit wala na ang Diablo ay magkakasala pa rin sila (pansinin na ang mga kausao niya ay mga prayle). 74 Pansinin na ang paglalarawan ni Rizal kay Padre Camorra ay ang pagkakaroon nito ng pagkamuhi sa karunungan. 75 Pinipilit na pag-aralan ni Ben-Zayb ang paraan ng mahika ukol sa espinghe sa pamamagitan ng siyensiya. 76 Optical illusion 77 Ipinapaliwanag naman ni Padre Camorra na ang pagtatanghal sa espinghe Diablo. ay gawa ng

Ang palagay ay minabuti at tinanggap, ngunit si Padre Salvi at si Don Custodio ay nagpakita ng kaunting ngani-ngani. Sila ay paparoon sa isang perya, makikipagsiksikan sa mga tao at manonood ng mga esfinge at mga ulong mangungusap! Ano na lamang ang sasabihin ng mga Indiyo? Aariin silang tao na may hilig at kahinaan ding taglay ng iba. Sa gayon, si Ben-Zayb, akay ng kanyang pagkamamamahayag ay nangakong ipamamanhik kay Mr. Leeds na huwag magpapasok ng manonood samantalang silay nasa loob. Napakalaking karangalan ang ibibigay nila sa kanilang pagdalaw upang di sumang-ayon, at saka hindi pa sila hihingan ng upa sa pagpasok. At upang mapangatwiranan ni Ben-Zayb ang sinabi, anya ay: Sapagkat akalain na lamang ninyo! Kung mahuli ko ang daya sa harap ng mga manonood na Indiyo, aalisin ko ng kakanin ang kaawa-awang Amerikano! Si Ben-Zayb ay isang taong malingap.78 May labindalawa ang pumanaog na kabilang ang ating mga kilalang si Don Custodio, si Padre Salvi, si Padre Camorra, si Padre Irene, si Ben-Zayb at si Juanito Pelaez. Inihatid sila ng kanilang mga sasakyan sa pagpasok sa liwasan ng Kiyapo.

78 Nagpapatawa si Rizal ng sabihin nito na malingap si Ben-Zayb, gayong ang nais nito ay sirain ang reputasyon ng palabas sa mga tao.

You might also like