You are on page 1of 21

Bagong Kaibigan

(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali) May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel. Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang ibat-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay. Gising na anak, may pasok ka ngayon Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan! Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.

Halimbawa ng Dula: Himala


DULA: Himala sa panulat ni Ricky Lee Act 77. Sa Kalsa. Umaga. Sa burol ay parang karnabal uli. Pero mas malala. Di malaman kung sino ang mas may sakrt, ang mga nakaratay sa tolda, o ang mga nagbabangag sa tabing daan, o ang mga nakikipaghilahan na customers. Paikut-ikot si Aling Pising, kasingdusing pa rin noon pero wala nang kargang anak. Nagbebenta uli ng benditadong tubig si Mrs. Alba at ang Siyete Apostoles. Nagmamando si Baldo sa pila ng mga pasyenteng ayaw makinig. Hinahampas ng init ng araw lahat ng tao pero walang umaalis. Nakalutang sa hangin ang mga problema at dasal. MAYOR: (Lalapit sa Chief of Police.) Chief, hulihin mo ang sinumang magsalita laban sa Diyos, sa gobyerno, o sa akin. Tatango ang Chief of Police. May hihintong Mercedes Benz at mapapatingin lahat. Bababa ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Chua, pinapayungan ng driver, marami ring alahas sa katawan. TAGABARYO: Nabuhay si Chua! CHIEF DE LA CRUZ: Sino ba yun? LUCIO: (lalapit at titingin din). Kapatid ho yun ni Chua. Baka isa pa ho yang me sakit din. Bababa ng tricycle si Orly. Dala pa rin ang kamera. Makikihalo sa gulo ng mga tao. Babalikan ni Baldo ang mga pasyenteng nakapila. BALDO: O, yung mga may sakit, dito lang. O paraanin yan, paraanin! O kayo dyan, dito kayo! Lapit! Sa isang tabiy magsisiluhuran ang mga tao, magrorosaryo. Kasama sina Lolo Hugo at Mrs. Gonzales. LOLO HUGO: Nasaan si Bella? Nakita nyo ba si Bella? Maninigas si Mrs. Gonzales na parang nagta-trance, gaya ni Elsa. Pagmamasdan siya ng dalawang tinedyer. TINEDYER 1: Napano yan? TINEDYER 2: Kinakausap ng Birhen!

Tawanan. Parang walang narinig si Mrs. Gonzales. Gagala si Igmeng Bugaw. May hinahanap. Mapapangiti at lalapitan ang isang turistang Puti. IGMENG BUGAW: Hey, Joe, want some girl? TURISTA: Yeah? Where? IGMENG BUGAW: Very pretty. Virgin only. TURISTA: Sure, where? Susutsutan ni Igmeng Bugaw si Bella, na ngayoy seksi na ang ayos at naka-make up. TURISTA: In green, over there? IGMENG BUGAW: Yeah. Lalapit si Bella. Ngingitian ang turista. Aalis silang tatlo. Magsisigawan uli ang mga tao. Pinagpapawisan na sila sa init ng araw at kumakalat ang nakakaliyong kabaliwan. LALAKI 1: Asan na ba si Elsa? (sisigaw). Elsa! Elsa MGA TAO: (palakas nang palakas ang sigaw). Elsa! Elsa! Elsa! Elsa! ALING RISING: (makikisigaw na rin). Elsa! Elsa Elsa! Sa likuran ng entablado sa tabi ng burol ay nagdarasal sina Elsa, Sepa at Aling Saling. Pinupunasan ni Sepa ng pawis si Elsa. Siya na ang pumallt kay Chayong. Matatapos sila at walang mga damdamin sa mukhang lalakad papuntang entablado. MGA TAO: (patuloy ang sigawan). Elsa! Elsa! Elsa! Aakyat sl Elsa sa entablado, kasunod si Aling Saling. Lalong magkakagulo ang mga tao, di na ngayon mapigitan. Magsusuguran ang iba papunta sa unahan, dala-dala ang mga rosaryo at panyo at istampltang gustong pahawakan kay Elsa, sumisigaw mula sa kaibuturan ng mga kaluluwa nilang desperado. Haharangin sila ng kordon ng mga pulisat magliliyab ang mga kamera. Sa entablado, malungkot na pagmamasdan ni Elsa ang lahat. Isang dagat-dagatan sila ng mga mukhang naghihirap at nagugutom, umaasa at nababaliw. Tataas ang mga kamay ni Elsa at tatahimik ang lahat. Sa tagiliran niyay nakatayo ang malaking imahen ng Mahal na Birhen. Humuhugong na uli ang hangin. Bababa ang kamay ni Elsat magsisimula siyang magsaiita. ELSA: Ipinatawag ko kayong lahat dahil may gusto akong ikumpisal. Sandaling titigil si Elsa. Maghihintay ang lahat. ELSA: Nitong mga nakaraang araw, sa loob lamang ng napakaikiing panahon, parang naranasan natin ang pinaghalong langit at impiyerno.

Nag-aalalang pagmamasdan ni Aling Saling ang mga tao. Taimtim na nakikinig ang mga ito. Nakatingala kay Elsa sina Mrs. Gonzales, Lolo Hugo at Bino. ELSA: Maraming sakit ang gumaling, maraming tao ang bumuti at nagkaroon ng pananampalataya. Pero nakakita rin tayo ng kamatayan, ng epidemya, ng pagpuputa, ng krimen at panloloko. Mapapalapit si Mrs. Alba. ELSA: Kapag may masamang nangyayariy sinisisi natin ang sumpa. Isinumpa ang Cupang. Itinaboy kasi natin ang maysakit noon. Kaya ganoon. Patuloy na umiihip ang hangin, idlnuduyan ang buhok at damit ni Elsa, hinahampas ang malaking imahen ng Birhen. Nakatutok kay Elsa ang tingin ni Aling Saling. ELSA: Kapag may mabuti namang nangyayari, sinasabi nating itoy gawa ng langit. Gawa ng Birhen. Gawa ng himala. Nakatingin si Sepa. ELSA: May ipagtatapat ako sa inyo. Bababa ang kamera ni Orly. Titingnan ni Elsa si Aling Saling. Saka haharap uli sa mga tao. ELSA: Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos! Walang makakakibo. Walang makakapagsalita. ELSA: Hindi totoong buntis ako dahil sa himala! Hindi totoong nagpakita sa akin ang Mahal na Birhen! Walang himala! Hindi totoong may himala! Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos! Walang himala! Sa umpukan ng mga taoy tataas ang isang kamay na may baril at bago matapos ni Elsa ang sasabihiy papailanlang ang isang putok. Pagtama ng bala sa puso ni Elsay awtomatikong mapapataas ang kamay niya, mapapaatras siya, at bago siya matumbay magagaya niya ang anyo ng Birheng may sugat na nakita niya noon sa kanyang mga aparisyon. Masasalo nina Aling Saling at Sepa si Elsa. Kakandungin ni Aling Baling ang anak. Isang matinis at nakaiulunos na daing ang aahon mula sa mga tao. Magkakagulo. Magtatakbuhan lahat papuntang unahan para malaman kung anong nangyayari. Magkakatapakan, rnagtutulakan. Matutumba ang mga maysakit at magsasamantala ang mga magnanakaw.

Puprotektahan ni Mrs. Alba ang mga bote niya pero babagsakan siya ng mga ito. Magiiiyak siya. Madadapa si Lolo Hugo at di makakabangon dahil rumaragasa ang mga paa sa palibot. liwan ng tucistang Puti si Bella. Makiklta ng Mayor ang lalaking may hawak na baril at tatawagin ang Chief of Police. MAYOR: Hepe, dakpin mo ang bumaril! Susundan nila ang lalaki. Mahuhuli at bubugbugin. CHIEF OF POLICE: Ikaw ang bumaril ano? Ikaw, ano? Pero ayaw magsalita ng lalaki. Panay lang ang tanggap sa mga bugbog na parang patay na, o kayay bangag at wala sa sarili. Patuloy ang pagkakagulo. Mababagsakan si Igmeng Bugaw ng isang lalaking naka-wheel chair at bubulwak ang dugo sa bibig niya. Magtrtitlli si Aling Pising habang paikut-ikot. Masasabit ang abito ng madre sa isang wheel chair at madadaganan siya. Pinipilit ng paring matulungan ang batang napilay. May tatapak sa natumbang si Lolo Hugo. Naghihingalong pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang kandong ng umiiyak na si Aling Saiing. Ang lahat ay parang isang panaginip, Isang halusinasyon ng sangkatauhang nagtatakbuhat naghahalu-halo sa isang walang katapusang larawan ng kapahamakan. Papatak ang luha niya. Ito ang mga kaguluhan at kabaiiwang kanyang pinasimulan Lalapit si Oriy at kukunan si Elsa. May lalabas na bahagyang ngiti sa mga labi ni Elsa, saka pipikit ang mga mata at tuluyang mamamatay. Bababa ang kamera ni Oriy. Magiiyakan ang Siyete Apostoles. BALDO: (sisigaw sa mga tao). Patay na si Elsa! Sabay-sabay na hagulhol at tili ang aakyat sa langit. Magsusuguran ang mga tao papuntang entablado, isinisigaw ang pangalan ni Elsa. Bubuhatin nina Baldo ang katawan ni Elsa. Parang lumulutang ang katawan ni Elsa sa dagat ng mga tao habang dinudumog ng mga nagtatangkang makahawak maski man lang sa laylayan ng damit niya, o manggas niya, humahagulgol na para bang ngayoy nawala nang tuluyan lahat nang pag-asa at iayunin sa buhay. Umiiyak si Mrs. Gonzales, nagpipilit makalapit. Bitbit-bitbit ang isang tsinelas ni Elsay humahagulgol na susunod sa mga tao si Aling Saling. Pipigilan ni Bino si Sepa. BINO: Sepa, hwag ka nang sumunod! Dito ka na lang, ano ka ba? Pero makakawala si Sepa.

Ipapasok sa ambulansiya ang katawan ni Elsa at aaiis ang ambulansiya. Magpapatuloy sa paghagulgol ang mga taong naiwan. May mga nakalugmok, may mga nakaluhod. Pagmamasdan ni Sepa ang lahat, saka itataas niya ang mga kamay. SEPA: Si Elsay isang santa! Namatay siya upang ipaalala sa atin na ang mundo ay makasalanan! Magbalik tayong lahat sa burol upang ipagdasal ang kanyang kaluluwa! Kailangang ipagpatuloy natin ang kanyang paniniwala! Itaguyod ang pananampalataya sa Mahal na BIrhen! Magsusunuran ang mga tao kay Sepa. Mga paang nagmamadali. Mga pusong umaasa uli. Sa gitna ng mga nakatumbang kubol, punit na karatula, wasak na mga saklay at umaagos na dugoy nakaluhod na aakyat uli sila sa burol, sabay-sabay na nagdarasal. Makakasalubong nila ang bangkay ni Igmeng Bugaw, buhat-buhat ng ilang kalalakihan. Gayundin ang bangkay ni Lolo Hugo, kasunod ang umiiyak na si Bella at si Bino. Tutulungan ng isang babae si Mrs. Alba para makaakyat sa burol. Hawak-hawak ni Aling Pising ang sugatang ulo habang umiiyak. Nakatingin lang si Orly sa lahat. May konting pagtataka, at pagkaunawa, sa kanyang mukha. Patuloy ang sabay-sabay na pagdarasal ng mga tao habang ang screen ay unti-unting dumidilim. MGA TAO: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya Bukod kang pinagpala sa babaing lahat Tags: dula, Halimbawa ng Dula, himala, ricky lee Posted in dula, Halimbawa ng Dula

Alamat ng Ilog Pasig


Payapa ang gabi noon,nagningningan ang mga talasa langit. Nagsisislbing ilaw ang liwanag sa buwan sa kapaligiran. Isang binatat dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi. Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan. Napagkasyahan ng magkasintahan na mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang Pilipina ang isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak ang nakita ang dalaga na nakalutang sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-bot niyang iyon, ang bangkang kanilang sinasakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan, ang binata ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawag niya si Paz na tulungan siyang makaahon. Paz sigueme! Paz, sigueme! Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo ako. Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng binata ay Paz sig! Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sa pangyayaring ito ang ilog ay tinawag nang Pasig o Ilog Pasig.

Ang Agila at ang Maya

The Eagle and the Maya Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. "Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. "Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito. "O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako." "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata. At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya. Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila. MENSAHE: Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao. Halimbawa Ang Tsinelas-ni Jose P. Rizal Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan. Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig. Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela. Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. "Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka. "Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko. Isang Anekdota ukol Sa Pangulong Quezon Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka't may-sakit, ay dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang

kanyang pagdating. Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang sinabi, "Mr. President, the prest is here." Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang "priest", inakala ng Pangulo na ang kanyang panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay, "Sabihin mo sa 'press' na pumunta sa impyerno." Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon. Madali niyang natutunan ang abakada (isang kawili-wiling anekdota sa buhay ni Jose Rizal) Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang tugon ni Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y nagpumilit kaya't sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe. by: (ms_annemaera@yahoo.co.uk) ----------------------------------------------------------------------------------ako ay tumakbo, natapilok, natisod, natumba, hanggang sa nadisgrasya, naaksidente, nasugat, nalumpo, at natigok. ung anekdota kc ay kahit ano lamang na tungkol sa isang partikular na bagay na nangyari sa iyo, un bang parang isang episode lang na kakaiba sa buhay mo. isang example, is ung kay jose rizal, kunwari, diba, ung hinulog niya ung tsinelas niya sa ilog. ung something like that and isa pa pala, pwedeng anekdota ng ibang tao, i mean, pwede kang sumulat ng anekdota ng ibang kilalang tao, sure mo lang kung totoo ha, pero syempre mas maganda kung tungkol sayo. KAW NA LANG GUMAWA NG SARILI MONG ANEKDOTA, basta isang pangyayari na lang sa buhay mo, para mas madali, marami kang maisulat.

Ang Aking Maikling Sanaysay Ukol Sa Pilipinas <center> Salin ni: William P. Nucasa </center> (Ito ay salin ng sanaysay sa English ni Jaeyoun Kim, isang estudyanteng Koreano, na may pamagat na My Short Essay About The Philippines. Ipinalathala ni Peliks Deyta, Jr. sa The Weekly B.A.N.A.T. (Brave Advocacy for National Advancement of Truth) na may petsang April 9-15, 2008. Si Ginoong Deyta ay isa sa mga kontribyutor ng BANAT, lingguhang pahayagan sa Norte. Tunghayan n'yo at sana'y inyong maramdaman ang damdaming naramdaman ng tagasalin noong una niyang basahin ang sanaysay. Makakatulong ito sa inyong pagmumuni-muni kaugnay ng sapin-saping krisis na kinakaharap ng ating bansa.) <center> </center> Labis na ikinababahala ng mga Pilipino ang talamak na korapsyon sa Pilipinas. Ikaw, naniniwala ka ba na korapsyon nga ang pangunahing suliranin? Ako, hindi! Ang nakikita kong dahilan ay ang kakulangan ng pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang bansa. Hayaan n'yong magkuwento muna ako ukol sa aming bansa, ang Korea. Sa palagay ko, makakatulong ito upang maunawaan n'yo ako. Pagkatapos ng Korean War, alam n'yo ba na ang South Korea ay isa sa pinakaabang bansa sa daigdig? Nagsimula ito sa wala dahil ang buong bansa ay winasak ng digmaan. Nawasak maski ang mga likas na yaman. Madalas noong maging paksa ng mga Koreano ang Pilipinas dahil angat sa pamumuhay ang mga mamamayan nito. Inggit na inggit noon ang mga Koreano sa mga Pilipino. Pinakapapangarap talaga noon ng mga mamamayan ng Korea na maging kasing-unlad ng mga mamamayan ng Pilipinas. Marami ang namatay sa gutom. Ang tatay at kuya ko man ay namatay sa gutom. Ang korapsyon sa pamahalaan ay higit pa kaysa sa inyong inakala. Ngunit dahil sa pagkakaisang bumigkis sa aming mga pusong naglalagablab sa pagkamakabaya'y nagawa naming magbago at umunlad. Noong naluklok sa kapangyarihan si Presidente Park, apatnapung taon na ang nakararaan, ginawa niya ang lahat upang mapaunlad ang Korea. Sinubok niyang manghiram ng pondo sa ibang mga bansa ngunit siya'y nabigo dahil sa kahabag-habag na kalagayang pang-ekonomiya ng South Korea. Hindi siya nakahikayat maski ng dayuhang mamumuhunan. May tatlong pabrika lamang noon ang Korea. Kalaunan, ang presidente'y nagpasya na lamang na magpadala ng maraming minero at nars sa Germany nang may magpadala ng pondo upang makapagpatayo ng mga pabrika. Katakut-takot ang hirap at dusang pinagdaanan ng mga iyon. Noong 1964, bumisita si Pres. Park sa Germany upang manghiram ng pondo. Daandaang Koreano sa naturang bansa ang sumalubong sa kanya sa airport. Luhaan, ito ang iisang tanong ng lahat: "Mahal na Pangulo, kailan bubuti ang ating kalagayan?" Nakiluha din sa kanila ang pangulo. Sabi niya, magiging maunlad ang Korea kung ang bawat Koreano ay magpupursige para sa kanyang pag-unlad. Napahanga sa nasaksihan, pinahiram ng presidente ng Germany ang aming bansa. Daan kaya tumayo ang maraming mga pabrika. Lalong dumalas ang pagpapaalaala ni Pres. Park na mahalin ng mga Koreano ang Korea.

Maraming Koreanong inhinyero at sayantist sa Estados Unidos ang bumalik upang tumulong na mapaunlad ang Korea. Gayong kakarampot lamang ang sahud, ibinigay nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa kanilang bansa. Marubdod ang hangarin nilang maninirahan sa masaganang bansa ang kanilang mga anak. Palagi akong ipinapasyal ng aking mga magulang sa mga lugar ng maralita at mga may kapansanan. Gusto nilang maunawaan ko ang kanilang buhay upang malaman ko kung paano sila matutulungan. Naglingkod din ako sa Simbahang Katoliko noong ako'y nasa army. Ang pinakamahalagang natutuhan ko mula sa simbahan ay ang pagmamahal sa kapwa. At totoo, mahal ko ang aking kapwa. Iniyakan mo na ba ang Pilipinas? Ako, iniyakan ko na ang aking bansa ng maraming beses. Iniyakan ko na rin ang Pilipinas dahil sa kanyang napakaraming maralitang mamamayan. Nakadalaw na ako sa Bilibid. At doo'y nakadama ako ng kalungkutan dahil sa mga bilanggong walang pagmamahal sa kanilang bansa. Dumadalo sila sa misa at tumutulong sa mga gawain ng simbahan. Nagdadasal sila arawaraw. Gayunman, hindi nila mahal ang Pilipinas. Dalawa sa mga bilanggo sa maximumsecurity compound ang nakausap ko at kapwa nila balak lisanin ang Pilipinas pagkalabas nila ng kulungan. Magsisimula raw sila ng bagong buhay sa ibang bansa at kailan ma'y hindi na babalik dito. Dakila ang pagiging makabayan ng mga Koreano. Bukas ang mga palad nila sa pakikiramay at pagtulong sa kapwa. Isang katunaya'y binabahaginan ng mga may-ari ng mga pabrika ang kanilang mga manggagawa mula sa kanilang kita upang may maidagdag ang mga iyon sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at may maitabi pa para sa kinabukasan ng mga anak. Noong ako'y nasa Korea pa, pinangarap kong maging pari. Nang nasa Pilipinas na'y naglaho ang pangarap na iyon. Nalito ako sa napakaraming reyalidad na nasilayan dito. Araw-araw, senaryong nagpapadugo sa puso ko ang nakikitang mga batang kalye sa kahit saan man. Ang Pilipinas ang tanging Katolikong bansa sa Asya, ngunit napakarami ritong nagdarahop. Ang mga tao ay laging nagpupupunta sa simbahan tuwing Linggo ngunit wala namang nagbabago. Pumunta rito ang mga magulang ko noong nakaraang linggo at nakita rin nila ang mga senaryong ito. Sabi nila, ang Korea ay higit pang dukha kaysa sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas noong sila ay mga bata pa. Ikinasugat ng loob nila ang maraming pulubi at batang lansangan. Noong dumayo kami sa Pagsanjan, pinilit ko silang sumakay kami sa bangka dahil sabi ko'y masaya iyong eksperyensya. Ngunit hindi sila nasiyahan. Hindi na raw uli sila sasakay ng bangka upang huwag maawa muli sa mga bangkero. Payat ang mga iyon. Halatang maralita. Karamihan sa mga lulan ng bangka ay siyang-siya, hindi alintana ang hirap ng mga bangkero sa paggaod. Hindi ganoon ang mga magulang ko dahil may simpatya sila sa kapwa. Mahal nila ang mga bangkero. Sinabi ng aking ina (na naglilingkod na sa simbahan simula noong ako'y musmos pa) na kapag pumupunta tayo sa simbahan ngunit hindi tayo nagbabago ay hindi tayo tunay na Katoliko. Ang tunay na pananampalataya ay may kalakip na gawa. Dagdag pa niya, mahalin ko ang mga Pilipino at gawan sila ng mabuti dahil pantay tayong lahat sa paningin ng Diyos na nagmamahal sa atin. Hangad kong sana'y mahalin ng mga Pilipino ang kanilang kapwa at ang kanilang bansa katulad ng pagmamahal nila

sa Diyos upang mapabuti ang Pilipinas. Tiyak ako na pagmamahal ang keyword na dapat maisapuso ng bawat Pilipino. Hindi natin mababago ang lisyang kabuuan nang isang iglap lamang. Ang pagbabago ay dapat magsimula sa bawat indibidwal. Ang pagmamahal ay dapat sumibol sa puso ng lahat. Maraming kayang gawin ang pagmamahal. Alisin natin ang pagkakampi-kampi at sa halip ay pagtuunan ng sama-samang atensyon ang mga tunay nating suliranin sa pamamagitan ng ating bago at busilak na pananaw. Magtiwala sa magagawa ng pagmamahal. Kaya nitong baguhin ang mundo, ang lahat. Please, mahalin n'yo ang inyong kapwa. Mahalin n'yo ang inyong bansa. Sabi ni Hesus, anumang gawin natin sa kapwa ay ginawa natin sa Kanya. Kung mayroon kang anak, turuan mo siyang mahalin niya ang Pilipinas. Isalaysay mo sa kanya kung bakit dapat niyang mahalin ang kanyang kapwa at ang kanyang bansa. Masisiyahan din ang Diyos kung mahal natin ang isa't isa. Iyan ang kabuuan ng nais kong sabihin sa inyo, mga minamahal kong Pilipino.

Talambuhay ni Mahatma Gandhi?


si mohandas karamchad gandhi, itinuturing na ''Ama ng Bansang India'', ang isa sa mga naging pangunahing instrumento upang makamtan ng india ang kalayaan mula sa mga ingles.Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pilosopiyang satyagraha (satyam-katotohanan; agraha-tangan,hawak,kapit) o ang mapayapang pag-aaklas at hindi pagsunod. Isinilang si Gandhi sa Porbandar,Gujarat, India noong 1869.Ang kanilang pamilya ay nagmula sa mga mangangalakal

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop; Dugo, yaman, dunong, katiisat pagod, Buhay may abuting magkalagot-lagot Sa kaniyay utang ang unang pagtanggap Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas Sa inis na puso na sisinghap-singhap Sa balong malalim ng siphayot hirap Ang nangakarang panahon ng aliw Ang inaasahang araw na darating Ng pagkatimawa ng mga alipin, Liban pa sa bayan saan tatanghalin? Kung ang bayang itoy nasasapanganib At siya ay dapat ipagtangkilik Ang anak, asawa, magulang, kapatid Isang tawag niyay tatalikdang pilit Nasaan ang dangal ng mga Tagalog? Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?

Bayay inaapi, bakit di kumilos At natitilihang itoy mapanood? Kayong mga dukhang walang tanging [palad] Kundi ang mabuhay sa dalitat hirap Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat. Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig, Hangang sa may dugoy ubusing itigis, Kung sa pagtatanggol buhay ay [mapatid] Itoy kapalaran at tunay na langit. Ang Kabataan Noon at Ngayon Ang kabataan noon at ngayonay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa pusot isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pagaayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaangloob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat. Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalanggalang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi bat mayroon tayong Sampung Lider na mga Kabataan na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon. Kabataan:Isang Pagtatanong ni C.C Marquez, Jr. Ako, ikawkayosilatayong mga kabataan, Saan natin ihahatid itong ating inang batan? Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguan Sa paanan ba ng langit o bunganga ng libingan? Dapat tayong manghilakbotdapat tayong kilabutan Sa lahat ng pangyayaring nagaganap ng hayagan

Unti-unting naglalaho nang di natin nalalaman Ang sariling tatak natin bilang Perlas ng Silangan; Kilos natin at damdaminang kulturat kabuhayan, Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan! Nanaisin pa ba natin ang magbalik ang panahon Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon? Noong tayong mga kabataan ay may pusong nag-aapoy At wala ng hinahangad kundi gulot rebolusyon? Sa kumpas ng paaralay nais pa ba natin ngayong Maglagay ng barikadat magdaos ng demonstrasyon? Di bat dahas ay sa dahas sumugpong na lubos noon Upang ganap na sikangan ang sa bayay nagsusulsol? Kabataankabataanako nayoy nagtatanong: Saan natin ihahatid itong ating henerasyon? Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa, Ang sariling tatak natit kakanyahan ay mawala? Sa kultura ng dayuhang dito ngayoy bumabaha, Ang sariling kalinangay lulunurin na rin kaya? Ang malagim na kahapong dugot luha ang napunla Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya? Ang aral ni Dr.Rizal na tayoy pag-asa nga, Bakit ngayoy aral pa ring matupad ni bahagya? Sa paningin ng daigdig, dapat tayong mangahiyaPilipinong naturingan ay dayuhan ang kamukha! Ikaw kayay isang bulag at hindi mo nakikita Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura? Sa harap ng telebisyon panatag kang nakatawa At ni hindi ka mapaknit kung dayuhan ang programa Ang likas mong panooring makulay na zarzuela, Ngayoy nagging video tapes at Betamax sa tuwina Ang tamis ng tulain mo at kundimng pangharana, Pinalitan mo ng disco, ng swing, ng rock, boogie; Dumilat ka, kabataanang lahi moy nakukuha Ng dayuhang sa bansa moy nagpapanggap na turista! Ang agwat ng talastasan ng magulang at anak, Hindi mo ba napapansing kaylawak ng isang agwat? Dumaraan ang maghapot lumilipas ang magdamag, Ni putol mang dayalogoy hindi kayo nakabigkas; Kahit isang problema mosa kanilay di naungkat, Kaya itoy nananatiling suliraning hindi malutas Papaano, tayong bunsoy sa lansangan nagpupuyat

Sila namang ama at inay sa Gawain nagbababad; Ah! Sa aba ng Maykapal kapag itoy di nagwakas, Wawasakin ang pamilyat ang bansa moy malalansag. Ikaw, akokayo, sila dapat tayong mangag-isip, Itong ating Inang Bayay saan natin ihahatid? Sa altar ba ng pag-asa o libingang sakdal lamig? Sakuko ng kabiguan o tagumpay na marukit? Tayong mga kabataan ang pag-asa ng daigdig, Sa magulang at ninunoy tayong lahat ang magpapalit Ang kulturat kabuhayan ay linanging buong higpit Upang tayoy makalaya sa dayuhang mapanggipit; Isang bansa Isang diwa ang satiy bumibigkis, Tayoy mga kabataan Pilipino bawat saglit! STEPHANIE

Maikling cuento Si Pingkaw ni Isabelo Sobrevega Naalimpongatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at nanunuyang tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya't di ko Makita nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de Hapon na may kabit na lata sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palara na kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw. "Hoy, Pingkaw," sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may itinatawingtawing sa daga. "Sige nga, kumanta ka ng blak is blak." "Ay, hiya ako," nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri. "Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo," nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat, mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni Pingkaw. Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga. "Sige agawin natin ang kanyang anak," sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pingkaw. Maya-maya'y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang bata. "Huwag niyo naming kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor." Patuloy pa rin ang panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pingkaw.

Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya't sumigaw ako para takutin sila. "Hoy mga bata, salbahe n'yo! Tigilan n'yo ang pagtukso sa kanya." Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko'y natakot ang mga batang isa-isang nag-aalisan. Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi: "Meyor, kukunins nila ang aking anak." Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may senador siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na naman. "O sige, hindi na nila kukunin yan. Huwag ka nang umiyak." Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng biskwit. Dali-dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa lata. "Hele, hele tulog muna, wala ditto ang iyong ina" ang kayang kanta habang ang lata'y ipinaghele at siya'y patiyad na nagsasayaw. Natigilan ako. At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang hindi pa siya ganito. Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan ng syudad) at ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o maipagbili. Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang kanyang tinig -basag at boseslalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahil sa tila malungkot na tinig ng kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa lamang siyang naghahalukay ng basura. Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya'y puno ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a nakasabit sa gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Ito'y mga tira-tirang sadinas, karne norte o kaya'y pork and beans, pandesal na kadalasa'y nakagatan na at kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang kanyang tinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng kundimang Bisaya. Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang kanyang anak: "Poray, Basing, Takoy, nandito na ako." At ang mga ito, dali-daling nagtakbuhan pasalubong sa kanya habang hindi makaringgan sa pagtatanong kung may uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya ng bitsukoy? Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lamang nalaman ang kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b'yuda na s'ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo iting nakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang panakotuwak sa maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubo gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kung tatlong taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya kung minsa'y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur. Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton, ihihiwalay

ang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habang gumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kayang mga anak at ang sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino na tagabili. Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lamang makikita si Pingkaw na inaambaan ang kanyang mga anak. "Ang mga bata," nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, "hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng loob." Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao'y handing tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa piseta anf kayang ipinamamahagi sa mga nagpapalimos. Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el to rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon. Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito: pinagdugtung-dugtong ng mga tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng Tsino. Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti sa bata. "Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak, sana'y namatay na. ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit hindi naipadoktor," ang sabi ni Pingkaw nang magpunta siya sa talipapa bago pa man gumaling ang kanyang anak. Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga mahihirap. Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta tulungan ay hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan" Iyan si Pingkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay. Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako'y nasa bahay ng aking kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking nadama. Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano mang panis na kanilang nakain.

Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang kailangan dalhin ang mga anak sa ospital. Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa katulong. Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana. Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. May doktor doon ngunit wala naming gamut para sa nalason. Halos hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton. Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa sa mga ito ang tumigil. Maya-maya napansin niyang hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang lumapiot upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada. Pakiramdam niya'y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala naming sakit, binigyan din ng gamut ang dalawang anak ni Pingkaw. Nang gumabi'y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang lumipas, sumunod namang namatay ang bunso. Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik, sinusundan na naman ng mga pilyong bata. "Hele-hele, tulog muna, wala ditto ang iyong nanay" ang kanta niya, habang ipinaghehele ang binihisang lata..

You might also like