P. 1
TULANG PATNIGAN

TULANG PATNIGAN

4.0

|Views: 21,213|Likes:

More info:

Published by: Dan Alexis Morco Arinzana on Jan 04, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/07/2013

pdf

text

original

TULANG PATNIGAN

Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na pag-iisip.

Mga uri
1.Karagatan - ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroong namatay. Kunwari ay may matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang tabong may tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot, ang matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang matatalinhaga o makahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ng singsing ay siya niyang pakakasalan. 2.Duplo - ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay. 3.Balagtasan - ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco "Balagtas" Baltazar. Pinatanyag ito ng "Hari ng Balagtasan" na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).

MGA KAYARIAN NG PANGUNGUSAP
Pangungusap -lipon ng mga salitang binubuo ng buong diwa. Bahagi ng Pangungusap Simuno/Paksa - ang pinag-uusapan sa pangungusap Panaguri - nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ha. Itapon mo ang basura ang basura - ang paksa ng pangungusap sa itaas itapon mo - ang panaguri ng pangungusap sa itaas Dalawang ayos ng Pangungusap 1.Karaniwang - ayos - nauuna ang panaguri na sinusundan ng paksa o simuno 2.Kabaligtarang - ayos - nauuna ang paksa o simuno na sinusundan ng panaguri. Apat na Kayarian ng Pangungusap 1.Payak - binubuo ng isang diwa lamang. hal. Humanga siya sa iyo. 2.Tambalan - binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng mga

pangatnig na sapagkat, at, pati, dahil sa, ngunit, subalit, datapwat, bagamat at o. hal. Napapahalagahan nila ang mga mamamayan sapagkat sinabi ng mga ito ang kanilang karaingan. 3.Hugnayan - Binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa na sinasamahan pa ng isa o mahigit pang katulong na sugnay. Ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na kung, kapag, pag, nang, upang, kaya, gayon at habang. hal. Kung di ka makaalis ngayon, sabihin mo lang sa akin. 4.Langkapang Pangungusap - binubuo ito ng dalawa o mahigit pang punong sugnay na kapag-iisa at isa o mahigit pang sugnay na pantulong o sugnay na di makapg-iisa. hal. Pinapahalagahan ngayon ang mga magsasaka dahil sila ang nagbibigay ng pagkain sa buong bansa kaya maypagpupulong ngayon.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->