P. 1
El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 19 Ang Mitsa

El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 19 Ang Mitsa

5.0

|Views: 14,504|Likes:

More info:

Published by: Daniel Mendoza-Anciano on Jan 04, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF or read online from Scribd
See more
See less

01/25/2016

pdf

UNCORRECTED PROOF Kabanata 19 Ang Mitsa Iniwan ni Placido Penitente1 ang klase, na ang puso ay puno ng kapaitan at luha

sa kaniyang maiitim na mga mata. Siya·y lubhang angkop sa kanyang pangalan kapag hindi nagagalit, subalit kapag iniinis ay nagiging isang tunay na baha, isang halimaw na mapipigil lamang kung mapatay o makamatay. Ang gayong karaming insulto, mga pagsundot, na sa araw-araw ay nagpapanginig sa kanyang puso at natatago rito upang makatulog na kagaya ng tulog ulupong, ay nangagbabangon ngayon na nagngangalit sa poot.2 Ang mga sutsot ay umuugong sa kanyang tainga na kasama ang mga mapanpalibak na salita ng katedratiko, ang mga salitang wikang tindahan, at waring nadidinig niya ang mga lagitik ng hampas at halakhak.3 Libu-libong balak na paghihiganti ang lumilitaw sa kaniyang isipan na nagkakapatongpatong at biglang lumilipas na parang mga larawang nakikita sa pangarap. Walang tigil siyang inuudyukan na dapat kumilos, na taglay ang katigasan ng ulo ng isang desperado. ´Placido Penitente,µ anang boses, ´ipakilala mo sa lahat ng kabataang iyan na mayroon kang karangalan,4 na ikaw ay anak ng isang matapang at
MGA PALIWANAG 1 Placido Penitente ² Payapang nagtitiis, isa sa mga maaring maging dahilan ng pagbibigay ni Rizal ng pangalan sa kaniyang tauhan sa nobela ay para ipakita sa mga mag-aaral at maging sa mga Pilipino noon ang kanilang mga kalagayan bilang mga payapang nagtitiis o napapakasakit sa sarili sa harap ng hindi maipaliwanag na anyo ng pagsasamantala ng pamahalaan at panlilinlang sa kanilang mga kaisipan ng kolonyal na simbahan. 2 Tulog ulupong ² walang kagambalagambala sa mga taong nagdadaan, subalit kapag nagising o naistorbo sa kaniyang pananahimik ay totoong mapanganib. Ang ulupong ng Pilipinas, ang isa sa pinakamakamandag na ahas sa mundo. 3 Lengua de Tienda ² hindi maayos na pananalita ng wikang Espanyol, ikinakapit ito sa wikang Chavacano na naging wika sa mga lugar ng Pilipinas kung saan aktibo ang inter-aksiyon ng mga Pilipino at malaking bilang ng mga Espanyol. Katulad ito ng pidgin na ginagamit ng mga Tsino sa Hong Kong, at sa kasalukuyan ay ang paggamit natin ng Taglish. Isang katatawan sa mga Espanyol noon ang mga Pilipino na pilit na ginagamit ang kanilang wika na saliwa sa panuntunan ng balarila. 4 Halos katulad ito sa Isang piraso ng tula ni Rizal na A la juventud Filipina noong nag-aaral siya sa UST. Sa tulang nabanggit ay hinihikayat niya ang mga kabataang Pilipino na itaas ang malinis na noo ² o magkaroon ng pagmamalaki na maari nilang matamo sa pamamagitan ng isang masigasig na pag-aaral ng siyensiya at sining.

marangal na probinsiya, na doon, ang isang insulto ay hinuhugasan ng dugo. Batangueno ka, Placido Penitente! Gumanti ka, Placido Penitente!µ5 At ang binata·y umuungol at nagngangalit ang mga ngipin at binubunggo ang lahat ng tao sa lansangan, sa tulay ng Espanya, na parang naghahanap ng basag-ulo. Sa huling pook na ito·y nakakita ng isang sasakyang kinaroroonan ng Vice Rector na si Padre Sibyla, na kasama ni Don Custodio, at nagtaglay siya ng malaking pagnanais na sunggaban ang pari at ihagis sa tubig. Nagpatuloy sa Escolta at muntik-muntikan nang pagsusuntukin ang dalawang Agustino na nangakaupo sa pintuan ng bazaar ni Quiroga, na nagtatawanan at binibiro ang iba pang prayle na nasa loob ng tindahan at nakikipag-usap; nadidinig ang kanilang masasayang boses at matutunog na halakhakan.6 Sa dakong malayu-layo ay nakaharang sa bangketa ang dalawang cadete na nakikipag-usap sa isang kawani ng isang tindahan, na nakabaro·t walang Amerikana; tinungo sila ni Placido Penitente upang sapilitang buksan ang daan, nguni·t ang mga cadete na masasaya at nakahalata sa masamang tangka ng binata ay nangagsilayo.7 Nang mga sandaling si Placido ay nasa ilalim ng hamok na sinasabi ng mga sumusuri sa ugaling Malayo.8
5 Subalit sa tinutungo ng nobela sa katauhan ng mag-aaral na si Placido Penitente ay napakalayo sa diwa ng A la juventud Filipina sapagkat sa pagkakataong ito, ang karangalan ng mga kabataang Pilipino ay kukuhanin na sa pamamagitan ng paghihiganti o ng dahas. (Hindi kaya ang bahaging ito ay isang anyo ng inpiltrasyon sa pamamagitan ng panunulsol ni Rizal sa mga kabataang Pilipino, katulad ng kaniyang ginawa sa Kabanata 16, kung saan ay pinag-iinit niya ang damdamin ng mga sundalong Pilipino sa isyu ng sapatos. 6 Binibiro ng mga Agustinong nasa labas ang iba pang mga prayle na nasa loob ng bazaar ni Quiroga. Tandaan na sa itaas ng tindahan ay mayroong mga servidora si Quiroga na masunurin at maaring makapulong ng mga prayle. Ang pagkamuhi ni Placido Penitente sa mga prayle sa tindahan ni Quiroga ay dahilan sa nahuhulaan niya na ang dahilan ng tawanan ay maaring kasiyahan dahilan sa pagsasamantala ng mga ito sa bayan. 7 Isang ugali ng mga Pilipino na magalang na yumuyuko kung lalampas sa mga taong nag-uusap na nakaharang sa kaniyang dadaanan. Subalit ang diretsong paglakad na walang yuko ay nararamdaman na ng dalawang kadete na masama ang dating ni Placido Penitente. 8 Amok - "mad with uncontrollable rage. Amok originated from the Malay word mengamuk , which roughly defined means ´to make a furious and desperate chargeµ Isa sa mga nag-aral ng ugali ng lahing Malayo ay si Alfred Russel Wallace na isang British Naturalist ay isa sa mga unang tumalakay rin sa kaniyang aklat ukol sa ugali ng mga mamamayang Malayo na mag-amok. Isa sa mga naka-inpluwensiya kay Rizal lalo na sa usapin ng ebolusyon ay ang nasabing siyentipiko.

Habang papalapit si Placido sa kanyang bahay ² ang bahay ng isang platero sa kanyang pinangungupahan ² ay pinipilit na iugnay-ugnayin ang kanyang mga iniisip at binuo ang isang balak. Uuuwi sa kanyang bayan at maghiganti, upang ipakilala sa mga prayle na hindi naaalimura nang gayun-gayon lamang ang isang binata, at ang gaya niya·y hindi maaaring aglahiin.9 Iniisip na sumulat agad sa kanyang ina, kay Kabesang Andang, upang ipabatid dito ang nangyari at sabihing hindi na siya makapapasok sa klase, at kahit may Ateneo ng mga Heswita upang makapag-aral sa taong yaon,10 marahil ay hindi siya bibigyang-pahintulot ng mga Dominiko na makalipat, at kahit na maaari ang gayon ay mababalik din siya sa unibersidad sa susunod na taon ng pag-aaral. ´Sinasabing hindi kami marunong maghiganti!µ ang sabi, ´pumutok ang lintik at saka makikita.µ Nguni·t hindi inaasahan ni Placido ang nag-aantay sa kanya sa bahay ng platero. Kararating pa lamang ni Kabesang Andang na galing sa Batangan at lumuwas upang mamili, dumalaw sa kanyang anak upang dalhan ng kuwalta, tapang usa at mga panyong sutla. Nang matapos ang mga unang batian, ang kahabag-habag na babaing sa simula pa·y napuna na ang mabalasik na tingin ng kanyang anak, ay hindi na nakapagpigil at nagsimula na sa katatanong. Sa mga unang pagsasalita·y inaring biro ni Kabesang Andang, ngumiti·t pinagpayuhan ang kanyang anak, at ipinaalaala dito ang mga paghihirap, ang mga pagtitipid, atbp.;11 at binanggit ang anak ni Kapitana Simona, na dahil sa pagkakapasok sa seminaryo ay waring obispo na kung lumakad sa kanilang bayan. Ipinalalagay

Basahin ang artikulong Dr. Jose Rizal's Darwinism and scientific thought http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=68454&publicationSubCategoryId=75 9 Nagiging abusado ang isang tao dahilan sa hindi sila napaparusahan sa kanilang ginagawang pagmamalabis. Tinatawag ito sa ingles na impunity.10 Nasa unibersidad si Placido Penitente at lilipat sa Ateneo na isang paaralang sekondaryo na nagbibigay rin ng kursong bokasyonal. Maring ang paglipat niya sa Ateneo ay para kumuha ng kurso para maging agrimensor. 11 Mapapansin sa katauhan at paunang pananalita ni Kabesang Andang na ang mga ina ang isa sa mga dahilan ng pagiging kimi ng mga kabataan. Ang sabi nga ni Rizal, ang duwag na ina ay mag-aanak ng isang alipin.

na ni Kapitana Simona na siya·y Ina ng Diyos; mangyari baga·y magiging isa pang Jesucristo ang kanyang anak! ´Pag naging pari ang anak,µ ang sabi ni Kabesang Andang, ´ay hindi na babayaran ang utang sa atin« Sino pa ang makasisingil sa kanya pag nagkagayon?12 Nguni·t nang makitang tinototoo ni Placido ang pagsasalita at napansin sa mata nito ang sigwang bumabayo sa kalooban ay nakilalang dala ng kasawian ay sadyang tunay ang sinasabi.13 Mga ilang sandaling hindi nakapangusap, at pagkatapos ay naghinagpis nang katakut-takot. ´Ay!µ anya, ´at naipangako ko pa naman sa ama mo na aarugain kita, papag-aralin at gagawing abugado! Tinitipid ko ang lahat upang makapag-aral ka lamang! Imbes na sa pangginggeng malakihan ang pusta ay naparoroon sa panggingeng maliitan ang taya, at tinitiis ko na ang mababahong amoy at maruruming baraha! Tingnan mo ang mga baro ko·t may sulsi! Kahi·t makabibili ako ng mga bago ay ginugugol ang kuwalta sa mga pamisa at mga handog kay San Sebastian, kahi·t na wala akong pananalig sa kanilang bisa, sapagka·t minamadali ng pari, at ang santo ay bagung-bago at hindi pa marunong gumawa ng kababalaghan, at hindi batikulin kundi laniti!14 Ay! Ano ang sasabihin sa akin ng ama mo pagkamatay ko·t kami·y magkita?µ At ang kaawa-awang babai·y naghihinagpis at umiiyak; lalo pang nagdidilim ang kalooban ni Placido at namumulas sa kanyang dibdib ang mga timping buntung-hininga.15 ´Ano ang mapapala ko kung maging abugado?µ ang tugon. ´Ano ang sasapitin mo?µ ang patuloy ng ina na pinagdaop ang kamay, ´panganganlan kang pilibistiero at bibitayin ka!16 Sinasabi ko na sa iyong
12 Maging ang mga inang Pilipino ay nakikita ang pagng-ekonomiyang adbantahe na magkaroon ng anak na pare. 13 Pansinin na ang pagkayamot ni Placido Penitente ay nadaragdagan kapag nababanggit ang pagsasamantala ng mga pari. 14 Sa sinuman na mapansinin ay makikita ang malupit na istilo ni Rizal bilang bihasa sa sining ng panunudyo ² gumagawa muna siya ng katatawanan sa katauhan at pananalita ni Kabesan Andang bago niya ito gamitin para laiitin ang isang maling paniniwala. 15 Pansinin ang lalo pang pag-aalab ng poot ni Placido ² dahilan sa ang kamangmangan ng kaniyang ina at ang panloloko ng mga taong simbahan.

magtitiis ka, ikaw ay magpapakumbaba!17 Hindi ko sinasabi sa iyong humalik ka ng kamay sa pari, alam kong ang pang-amoy mo·y maselan na gaya ng ama mo na hindi makakain ng keso ng Europa«18 nguni·t dapat tayong magtiis, huwag umimik, pa-oo sa lahat ng bagay« Ano ang magagawa natin? Ang mga prayle ay mayroon ng lahat ng bagay; kung ayaw sila ay walang magiging abugado, ni mediko. Magtiis ka, anak ko, magtiis ka!µ19 ´Nakapagtiis na akong lubha, inang; buwanang ako·y nagtiis!µ20 Patuloy si Kabesang Andang sa kanyang paghihinagpis. Hindi niya hinihinging ipahayag ni Placido na siya·y kampi sa mga prayle. Siya man ay hindi rin; lubos niyang batid na sa bawa·t isang mabuti ay may sampung masama na kumukuha ng salapi ng mahihirap at nagpapadala sa mayayaman sa tatapunan. Nguni·t dapat na huwag kumibo, magtiis at magbata; walang ibang paraan.21 At binanggit ang ganoon at ganitong ginoo na dahil sa nagpakita ng pagka-paciencioso at mapakumbaba, kahi·t na sa kaibuturan ng puso·y nagagalit sa kanyang mga panginoon, ay naging promotor-piskal gayong galing sa pagiging alila ng prayle;22 at si gayon na ngayo·y mayaman at mangyayaring makagawa ng mga mabangis na asal at makaaasang may ninong na mag-aampon sa kanya nang laban sa mga kautusan ay galing sa pagiging isang maralitang sakristang

16 Pansinin na si Kabesang Andang ay nasa estado ng pamali-mali at saka pinapagsalita ni Rizal ng isang subersibong ideya sa kaniyang panahon. 17 Ang ikalawang hanay na pabor sa kaayusang panlipunan ay isinunod ² upang ipakita ang estado ng pamali-mali. 18 Nakabalot sa isang patawa ang isang masamang pang-iinsulto ´mabahong kamay ng prayleµ, isang simbolismo ng mga nagagawang kasamaan na salungat sa kanilang pinanumpaan bilang mga alagad ng simbahan. Isang pang-uulok ni Rizal na alisin ng mga Pilipino ang ganitong kagawian. 19 Pansinin ² na sa kabila ng pagiging mapanata ni Kabesang Andang ay alam niya ang kapangyarihan ng mga prayle. Ang kaniyang pananampalataya ay mayroong kahalong takot sa kapangyarihan ng mga dayuhang alagad ng simbahan. 20 Pansinin na lalo pang nagalit si Placido sa pagsasabi ng kaniyang ina ukol sa mga prayle. 21 Pansinin na ang relihiyosang babae ay may reserbasyon sa tunay na kabanalan ng mga prayle. 22 Pansinin na habang nangangaral siya ng pagiging pasensiyoso, ang ikinukeuwento niya ay nakakainis.

mapagpakumbaba·t masunurin, na nag-asawa sa isang magandang dalaga na ang naging anak ay inanak ng kura.23 Patuloy si Kabesang Andang ng lintanya sa mga Pilipinong mapagpakumbaba at paciencioso, gaya ng sabi niya, at babanggit pa sana ng iba na dahil sa hindi gayon ay nangapatapon at pinag-uusig,24 nang si Placido, dahil sa isang munting bagay na dinahilan, ay umalis at naglagalag sa mga lansangan. Nilibot na tatanga-tanga at mainit ang ulo ang Sibakong,25 Tundo, San Nicolas, Sto. Cristo, na hindi pinupuna ang araw at ang oras, at nang makaramdam lamang ng gutom at naunawang wala siyang kuwalta, dahil sa ibinigay lahat sa mga pistahan at mga ambagan,26 ay saka umuwi sa kanyang bahay. Hindi niya inaantay na matatagpuan ang kanyang ina, sapagka·t may ugali ito, kailan ma·t lumuluwas sa Maynila, na tumungo sa mga oras na iyon sa isang kapitbahay na pinagsusugalan ng panggingge. Nguni·t siya·y inaantay ni Kabesang Andang upang pagsabihan ng binalak. Ang matandang babai·y patutulong sa procurador ng mga Agustino upang mapawi ang pagka-galit ng mga Dominiko sa kanyang anak. Pinutol ni Placido sa isang iglap ang kanyang pananalita. ´Tatalon na muna ako sa dagat,µ ang sabi, ´manunulisan na muna ako bago bumalik sa unibersidad.µ27

23 Pansinin na ito ang katulad ni Kapitan Tiyago sa Noli Me Tangere. 24 Ang totoo pinagkukumpisal ni Rizal ang tunay na nasa kalooban ni Kabesang Andang. May utang na loob pa nga ang mga prayle, dahilan sa pinaalis ni Rizal si Placido Penitente, kung hindi umalis ang lalaki ay baka mapuno pa ng ilang pahina ang kabanatang ito ng mga litanya ng pagsasamantala ng mga prayle sa kaniyang kapanahunan. 25 Sibakong ² ang higit na binabanggit rito ay tulay sa ibabaw ng estero de Sibacon na nag-uugnay sa Santa Cruz at Escolta. Lugar na kailangan na madaanan upang malibot ni Placido Penitente ang mga mga binabanggit na arabales ng Maynila. Ang larawan ay nagpapakita ng Estero ng Sibacon sa mga huling taon ng ika-19 na siglo. 26 Maalala sana kung papaano siya hinuthutan ni Juanito Pelaez bago siya pumasok sa loob ng silid-aralan. 27 Isang desperadong deklarasyon ng isang mag-aaral na piliin pa ang kabundukan kaysa sa pamantasan.

At sa dahilang sinimulan na naman ng ina ang salaysay tungkol sa pagtitiis at kababaang-loob ay umalis na muli si Placido na hindi kumain ng ano man at tinungo ang daungang himpilan ng mga bapor. Ang pagkakita ng isang nakaangklang bapor na aalis na patungong Hongkong ay nag-udyok sa kanya ng isang akala: pumaroon sa Hongkong,tumakas, magpayaman doon upang digmain ang mga prayle.28 Ang pagparoon sa Hongkong ay gumising sa kanya ng isan g alaala, isang kasaysayan ng mga kagayakang prontal ng altar, mga ciriales at mga titirikan ng kandila na pawang pilak na inihandog sa isang simbahan ng kabanalan ng mga mapanampalataya; anang isang platero ay nagpagawa sa Hongkong ang mga prayle ng ibang kagayakan sa dambana, mga ciriales at mga titirikan ng kandila na pawang pilak na Ruolz na siyang ipinalit sa mga tunay na pilak na ipinatunaw at ipinagawang pisong Mehikano. Ito ang kasaysayang kanyang narinig, na kahit mga sali-salita lamang iyon o bulung-bulungan ay inaari na niyang totoo dahil sa sama ng kanyang loob at nagpapaalaala pa sa kanyang ilang gayon ding pangyayari. 29 Ang paghahangad na mabuhay nang malaya at ilang balak na hindi pa lubos na yari ay nakapag-udyok sa kanyang ipatuloy ang balak na tumungo sa Hongkong. Kung doon dinadala ng mga corporacion ang lahat ng kanilang salapi ay dapat na lumakad na mabuti ang pangangalakal doon at maaaring siya·y yumaman.30 ´Ibig kong maging malaya, mabuhay nang malaya!µ

28 Ang Hong Kong ang ligtas na lugar na kanlungan ng mga Pilipino na kalaban ng mga Prayle ² Isa na sa mga masugid na Pilipinong ito ay si Jose Maria Basa na naging matalik na kaibigan ni Rizal at instrumental sa pagpupuslit ng kopya ng nobelang ito sa Pilipinas. Isa pa rin sa mga lalaking nakatagpo ni Rizal sa kolonyang Ingles ay si Balbino Mauricio ² ang dating nagmamay-ari ng bahay sa kalye Anlouague na ginamit ni Rizal sa Noli at Fili na bahay ni Kapitan Tiago. Maging si Rizal bago ang kaniyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1892 ay pansamantalang nanirahan at nanggamot sa Hong Kong. 29 Ang binabanggit na ito ay mga kumakalat na bali-balita ay walang makitang ganitong kongkretong pangyayari, subalit maging si Rizal sa kaniyang pansamantalang pagtigil sa Hong Kong ay natagpuan niya na ang mga Dominicano ang pinakamayamang korporasyon noon sa Hong Kong. 30 Sa kapanahunan ni Rizal ang isa sa mga pangunahing pangkatin na naglalabas ng pera ng bayan ay ang mga korporasyon ng simbahan.

Inabot siya ng gabi sa paglilibot sa San Fernando, at sa dahilang hindi makatagpo ng isang kaibigang magdaragat ay nagpatuloy nang umuwi. At sapagka·t maganda ang gabi at ang buwan ay kumikinang sa langit na nagbibigay anyong kahariang makababalaghan ng mga ada ang maralitang siyudad, siya ay nagpunta sa perya. Doon nagpayao·t dito, nilibot ang mga tinda nguni·t hindi napupuna ang mga bagay-bagay; ang pag-iisip niya ay nasa Hongkong upang mamuhay nang malaya; magpayaman« Iiwan na sana ang perya nang mamataan mandin ang mag-aalahas na si Simoun na nagpapaalam sa isang taga-ibang lupa at kapwa sa wikang Ingles nag-uusap.31 Sa palagay ni Placido, ang lahat ng wikang ginagamit sa Pilipinas ng mga dayuhan, kailan ma·t hindi ang Kastila, ay Ingles: at saka naulinigan pa ng ating binata ang salitang Hongkong. Kung mangyayari sanang maipakiusap siya ng mag-aalahas na si Simoun sa dayuhang iyon na tutungo mandin sa Hongkong! Tumigil si Placido. Nakikilala niya ang maghihiyas dahil sa naparoon sa kanyang bayan at nagbili ng alahas. Sinamahan niya sa isang paglalakbay at pinagpakitaan siya ng magandang loob ni Simoun na isinalaysay sa kanya ang mga pamumuhay sa mga unibersidad ng malalayang bansa: anong laking kaibahan!32 Sinundan ni Placido ang mag-aalahas. ´Ginoong Simoun, ginoong Simoun!µ anya. Nang sandaling yaon ay lulan ng sasakyan ang maghihiyas. Nang makilala si Placido ay tumigil. ´Ibig ko sanang makiutang ng loob sa inyo«dalawang salita lamang!µ ang sabi. Si Simoun ay umanyong may pagkainip, bagay na sa katuligan ni Placido ay hindi napuna. Sa ilang salita·y isinalaysay ng binata ang nangyari sa kanya at ipinahayag ang nasang tumungo sa Hongkong.

31 Si Simoun at Mr. Leeds 32 Makikita rito na ang katutubong diskontento ni Placido Penitente ay ginatungan pa nang una silang magkita ni Simoun na nagkuwento sa kaniya noong ito ay makasama niya sa Batangas.

´At bakit?µ ang tanong ni Simoun na tinitigan si Placido sa tulong ng kanyang mga salaming bughaw.33 Hindi sumagot si Placido. Sa gayo·y tumingala si Simoun at ngumiti nang dati ring ngiting tahimik at malamlam, at sinabi kay Placido, na: ´Siya! Sumama kayo sa akin. Sa daang Iris!µ34 ang sabi sa kutsero. Sa buong nilakaran ay namalaging walang imik si Simoun na waring may iniisip na isang malaking bagay. Sa pag-aantay ni Placido na siya·y kausapin ay hindi bumigkas ng ano mang salita at naglibang sa pagmamasid sa maraming naglalakad na sinasamantala ang kaliwanagan ng buwan. Mga binata, magkakaakbay na magkasintahan, ang nagkakaibigan na sinusundan ng mga maiingat na ina o mga tiyahin, pulu-pulutong na mga nag-aaral na nakadamit na puti na lalo pa manding pinatitingkad ng buwan ang kaputian; mga sundalong halos lasing na nangakakarwahe, anim na paminsan, na dadalaw sa templong pawid na itinalaga kay Citeres;35 mga batang naglalaro ng tubigan, mga Insik na nagtitinda ng tubo, atbp.; ang pumupuno sa dinadaanan at sa liwanag ng maningning na buwan ay nagkakaroon ng anyong mamalikmata·t mga kaaya-ayang ayos. Sa isang bahay ay tumutugtog ng mga balse ang orkestra at nakikita ang ilang magkalangkay na nagsasayawan sa liwanag ng mga kingke at lampara« napakahabag na panoorin iyon sa ganang kanya kung ipapara sa nakikita sa mga lansangan! At sa pag-iisip niya tungkol sa Hongkong ay itinatanong sa sarili kung ang mga gabing may buwan sa pulong iyon ay kasing-inam, kasinsasarap ng sa Pilipinas, at isang matinding kalungkutan ang bumalot sa kanyang puso.36

33 Simbolismo ng pagkilatis na mabuti sa isang bagay mula sa isang madilim na salamin, 34 Ang Calle Iris ay bahagi ngayon ng dulong silangang ng kasalukuyang Claro M. Recto. Nagsisimula ito sa may Bilibid (Manila City Jail ngayon) hanggang sa dulo ng Kolehiyo ng San Sebastian. Dahilan sa Simoun at Placido Penitente ay nagmula sa Quiapo patungo ng Calle Iris, matitiyak na ang dinaanan nila ay ang Calle San Pedro (ngayon ay ang Evangleista ² wala pa ang Quezon Boulevard) na patungo kalye Iris kung sila ay kakanan sa kalooban ng kalsada. 35 Templong pawid ni Citeres ² Bahay aliwan ang Quiapo noon ay kilala bilang isang distrito ng mga mang-aaliw. 36 Sa buhay ni Rizal, ang pagtanaw sa kabilang ibayo ng tubig ay parang isang pangangarap ng kalayaan. Sa murang edad habang tinatanaw niya ang Lawa ng Laguna, itinatanong niya kung ang mga tao sa kabila ng lawa ay malaya. Sa panahon na nag-aaral siya sa Ateneo ay tanaw niya ang mga bapor na nagyayaot sa Maynila patungo ng Hong Kong.

Ipinag-utos ni Simoun na huminto ang sasakyan at bumaba silang dalawa. Nang mga sandaling yaon ay siyang pagdaraan sa kanilang tabi ni Isagani at ni Paulita Gomez na nagbubulungan ng matatamis na salita; sa likuran ay kasunod si Donya Victorina na kasama si Juanito Pelaez, na malakas ang pagsasalita, nagkukukumpay at lalo pang nakukuba. Sa pagkalibang ni Pelaez ay hindi nakita ang kanyang naging kamag-aral. ´Iyan ang maligaya!µ ang bulong ni Placido na nagbuntunghininga at nakatingin sa pulutong na unti-unting nagiging parang anino lamang, na ang tanging nakikitang mabuti ay ang mga bisig ni Juanito na ibinababa·t itinataas na wari·y pamagaypay ng isang gilingan. ´Sa gayon na lamang siya pakikinabangan,µ ang bulong naman ni Simoun, ´mabuti na ang lagay ng kabataan!µ Sino ang tinutukoy ni Placido at ni Simoun? 37

Hinudyatan nito ang binata, iniwan nila ang kalsada at nagsuot sa isang palikaw-likaw na landas at mga daanang pagitan ng ilang bahay;38 kung minsa·y nangagsisitalon sa maliliit na bato upang iwasan ang mumunting putikan at kung minsa·y yumuyuko upang dumaan sa bakod na masama ang
37 Ang tinutukoy ni Placido ay si Pelaez dahilan sa mayaman at may kakayahan na makapag mabutihang loob sa nga Espanyol at Simoun ay si Isagani, na para sa kaniya ay higit na mabuti na siya ay manligaw na lamang kaysa sa makibahagi sa kilusan ng mga mag-aaral na nagsusulong sa pagtuturo ng wikang Espanyol. 38 Ipinapakita sa mapa ang hilagang bahagi ng Calle Iris na halos bukiran pa noong kapanahunang iyon. Bagay na nagpapakita ng realidad sa paglalarawan ni Rizal sa kaniyang istorya.

pagkakayari at lalo pa manding masama ang pagkakaingat. Namangha si Placido nang makitang naglalakad sa mga pook na iyon ang mayamang magaalahas, na wari·y sanay doon.39 Sa kahuli-huliha·y nakarating sila sa isang wari·y kulob na malaki na may nag-iisang munting bahay na dukha na napapalibutan ng sagingan at mga puno ng bunga. Ilang balangkas na kawayan at putul-putol na bumbong ay nakapagpahinala kay Placido na sila·y nasa bahay ng isang kastilyero.40 Kumatok si Simoun sa durungawan. Dumungaw ang isang tao. ´Ah! Ginoo«µ At dagling nanaog. ´Nariyan na ba ang pulbura?µ ang tanong ni Simoun. ´Nangasabayong; inaantay ko ang mga bumbong.µ ´At ang mga bomba?µ ´Nahahanda.µ41 ´Mabuti, maestro« Ngayong gabi rin kayo lalakad at makikipag-usap sa tenyente at sa kabo« at pagkatapos ay ipatuloy ang inyong lakad; sa lamayan ay makakatagpo kayo ng isang tao sa isang bangka: batiin ninyo ng salitang ´Kabesaµ at siya·y sasagot ng ´Tales.µ Kailangang dumating dito bukas. Hindi makapag-aaksaya ng panahon!µ At binigyan ng ilang salaping ginto. ´Bakit po, ginoo?µ ang tanong sa mabuting wikang Kastila ng tao, ´may bagong bagay po ba?µ ´Oo, gagawin sa loob ng linggong darating.µ

39 Maitatanong kung mismong si Rizal ay sanay na pumasok sa nasabing lugar? Bakit 40 Kastilyero ² manggagawa ng paputok 41 Mula sa pag-uusap ay makikita na ang paggawa ng paputok ay kublihan lamang ni Simoun sa paggawa ng mga pampasabog na kailangan sa himagsikan. Mula rito ay mararamdaman ang sistema ni Rizal sa pagsulat ² ang mga paputok na ginagamit niya sa pang-aliw sa kaniyang mga mambabasa at ang bomba na kaniyang inihahanda para sa mga mambabasa.

´Sa linggong darating!µ ang ulit ng tao na napaurong, ´ang mga arabal ay hindi pa handa; inaantay na iurong ng Heneral ang utos«ang akala ko·y ipagpapaliban hanggang sa pagpasok ng kurisma.µ Umiling si Simoun. ´Hindi na natin kakailanganin ang mga arabal,µ42 ang sabi, ´ang mga tao ni Kabesang Tales, ang mga naging karabinero at isang regimiento ay sapat na.43 Kung ipagpapaliban pa, marahil ay patay na si Maria Clara! Lumakad kayo agad!µ44 Ang lalaki·y nawala. Kaharap si Placido sa maikling pag-uusap na ito·t nadinig ang lahat; nang inakalang nakaaninaw siya nang babahagya ay nanindig ang kanyang buhok at tiningnan si Simoun ng matang gulat. Si Simoun ay nakangiti. ´Ipinagtataka ninyo,µ ang sabing malamlam ang ngiti, ´na ang Indiyong iyan na masama ang suot ay makapagasalitang mabuti ng wikang Kastila? Naging guro sa paaralan, na nagpumilit na turuan ng wikang Kastila ang mga bata at hindi nagtigil hanggang naalis sa tungkulin at napatapon dahil sa salang panggugulo ng katiwasayang-bayan at sa dahilang naging kaibigan ng kaawa-awang si Ibarra. Kinuha ko sa kinatapunan, na ang inaatupag doon ay ang pagtatanim ng niyog at ginawa kong magkakastilyo.µ45 Nangagsibalik sa daan at palakad na tumungo sa dakong Trozo. Sa harapan ng isang munting bahay na tabla na ang anyo·y masaya at malinis, ay may isang kastila na naniniin sa isang tungkod at nag-aaliw sa liwanag ng
42 Isa sa mga plano ni Simoun ay ang pagsunog sa mga arabal higit na slum area na itataon sana nito sa magaganap na demolition ng mga bahay pawid na pagkakaitaan ng malaki ni Don Timoteo Pelaez. 43 Mapapansin rito na ang mga mismong kawal ng kolonyal na hukbong ay kasama sa planong pag-aalsa ni Simoun. 44 Isa sa pinakamalaking konsiderasyon sa plano ay ang gagawing pagtakas kay Maria Clara. 45 Ang magkakastilyo ay ang dating guro ng San Diego na nakasama ni Ibarra sa planong pagtatayo ng paaralan nasabing bayan sa nobelang Noli Me Tangere. Isang malaking pagbibiro ng kasaysayan na si Simoun, ang dating guro at si Placido Penitente ay magkasama sa liblib na dako ng Sampaloc ² pagkat ang lugar na ito ang kasalukuyang UNIVERSITY BELT ng Pilipinas. Higit na isang malaking pagbibiro na ang kanlurang bahagi ng Calle Iris ay ang Paseo de Azcarraga, kung saan isinilang ang rebolusyonaryong kilusan na KATIPUNAN.

buwan. Tinungo siya ni Simoun; nang makita ito ng kastila ay nagtangkang tumindig na tinimpi ang isang daing. ´Humanda kayo!µ ani Simoun sa kanya. ´Kailan ma·y handa ako!µ ´Sa linggong darating!µ ´Ipatutuloy na ba?µ ´Sa unang putok ng kanyon!µ At lumayong kasunod si Placido na nagsisimula na ng pagtatanong sa sarili kung siya·y nananaginip. ´Ikinatataka ninyo,µ ang tanong sa kanya ni Simoun, ´ang pagkakita sa isang Kastilang bata pa·y salanta nang lubha ng mga sakit? May mga dalawang taon lamang na iyan ay kasintibay ninyo sa pangangatawan, nguni·t nagawa ng kanyang mga kalaban na siya·y maipadala sa Balabak upang gumawa roong kasama ng isang pangkat na disciplinaria, at nariyan at tingnan ninyot rayuma at walang likat na lagnat na nag-aboy sa kanya sa libingan. Ang kahabag-habag na iyan ay nag-asawa sa isang magandang babae«µ46 At sa dahilang nagdaan ang isang sasakyang walang sakay ay pinahinto ni Simoun at napahatid na kasama si Placido sa kanyang bahay sa daang Escolta. Nang mga sandaling iyon ay tinugtog sa mga orasan ng mga simbahan ang ikasampu at kalahati ng gabi. Makaraan ang dalawang oras ay nilisan ni Placido ang bahay ng magat wala nang katau-tao kahit na masaya pa rin ang mga café. Mangisa-ngisang sasakyan ang nagdadaang matulin na nag-uumugong nang katakut-takot sa ibabaw ng dinadaanang gasgas na batong nakalatag sa lansangan.48 aalahas47

46 Pansinin na hindi rin nakaligtas maging ang isang Espanyol na katulad na kasawian ng mga katutubong naninirahan sa Pilipinas. Ang kaniyang magandang asawa ay pinag-interesan din ng mga prayle. 47 Dalawang oras pa si Placido sa bahay ni Simoun ² sapat upang mailahad ni Simoun ang kaniyang mga balakin sa isang mag-aaral. Nakakatuwa na sipin na pinagsama ni Rizal ang dalawang tauhan ng El Fili sa iisang tagpo. Simoun at Placido. 48 Noon pa man ay masama na ang kalagayan ng kalsada sa Maynila .

Mula sa isang silid ng kanyang tahanang nakaharap sa Ilog Pasig ay tinatanaw ni Simoun ang bayang palibot ng pader na nakikita sa mga durungawang bukas ang mga bubong na hierro galvanizado na pinakikintab ng buwan at ang kanyang mga tore na nalilitaw na malungkot, bagol, malalamlam, sa gitna ng mapanatag na anyo ng gabi. Si Simoun ay nag-alis ng salaming bughaw sa mata,49 ang kanyang maputing buhok na wari·y kulob na pilak ay nakalibid sa kanyang matigas at sunog na mukhang malamlam, na naliliwanagan ng isang lampara, na ang ilaw ay waring mamamatay dahil sa kakulangan sa petroleo. Dahil mandin sa isang bagay na iniisip ay hindi napupuna ni Simoun na unti-unting namamatay ang lampara at lumalaganap ang kadiliman. ´Sa loob ng ilang araw,µ ang bulong, ´pag nasusunog na ang lahat ng apat na tagiliran ng sinumpang lungsod na iyan, na kanlungan ng mga palalong walang alam at ng walang awang pagsasamantla sa mangmang at napipighati;50 kapag ang pagkakagulo ay nangyari na sa mga arabal, at palusubin ko sa mga lansangan ang aking mga taong maghihiganti, na ibinunga ng mga kasakiman at kamalian, ay saka ko bubuksan ang pader ng iyong bilangguan, aagawin kita sa kuko ng panatisismo,51 at maputing kalapati, magiging Fenix kang muling sisipot sa mainit na abo«! Isang paghihimagsik na binalak ng mga tao sa gitna ng kadiliman ang siyang naglayo sa akin sa piling mo; isa namang paghihimagsik din ang mag-aaboy sa akin sa mga bisig mo,52 bubuhay sa
49 Upang higit na makita ang kapaligiran sa mas maliwanag na bisyon, sa panahon ng gabi. 50 Ang Intramuros ay sentro ng kolonyal na pamahalaan at simbahan. Sa mga pananalita sa bahaging ito ng nobelang ito ay pinatutungkulan niya ang pamahalaan na mayabang na walang alam, at ang kolonyal na simbahan na nagsasamantala sa mga mangmang at napipighati. 51 , te arrancaré de las garras del fanatismo ² ang panatisismo ang nagkukulong kay Maria Clara. Pinagtatakpan ng mga matataas na madre ang nagaganap sa dalaga. 52 Ginamit ni Rizal ang salitang revolucion at hindi rebelion. Masasapantaha rito na ang ikalawang salitang tinutukoy, ngunit hindi nagamit ni Mr. Leeds ay ang revoluction.

aking muli, at ang buwang iyan, bago sumapit sa kanyang kabilugan, ay tatanglawan ang Pilipinas na linis na sa karimarimarim niyang basura.µ53 Biglang huminto si Simoun na waring natigilan. Isang tinig ang tumatanong sa loob ng kanyang budhi kung siya, si Simoun, ay hindi bahagi rin ng basurang ng kalait-lait na lungsod, o marahil ay siya pa ang bulok na may lalong pinakasama ang singaw. At kagaya ng mga magbabangong patay, pagtugtog ng pakakak na kakila-kilabot, ay libu-libong marugong multo, mga aninong nanggigipuspos ng mga lalaking pinatay, mga babaing ginahasa, mga amang inagaw sa kanilang mga anak, masasamang hilig na inudyukan at pinalusog, mga kabaitang hinalay, ay nangagsipagbangon ngayon sa tawag ng matalinhagang katanungan.54 Noon lamang, sa kanyang masamang pamumuhay, sapul ng sa Habana, sa tulong ng masamang hilig ng pagsuhol ay tinangka niya ang pagyari ng isang kasangkapan upang magawa ang kanyang mga balak; isang taong walang pananalig, walang pag-ibig sa bayan at walang budhi; noon lamang, sa kabuhayang iyon tumututol ang kanyang budhi laban sa kanyang mga inaasal. Ipinikit ni Simoun ang kanyang mga mata at malaong namalagi na walang katinag-tinag; matapos iyon ay hinaplos ang kanyang noo, ayaw silayan ang kanyang budhi at natakot. Ayaw, ayaw suriin ang kanyang sarili, kinulang siya ng katapangan upang lingunin ang dakong kanyang dinaanan« Kulangin pa naman siya ng katapangan nang nalalapit na ang sandali ng pagkilos, kulangin siya ng paniniwala, ng pananalig sa sarili! At sa dahilang ang mga kakila-kilabot na larawan ng mga sawimpalad, na siya ay nakatulong sa sinapit, ay nasa kanyang harapan pa rin na wari·y nangagsisipanggaling sa makinang na ibabaw ng ilog at nilulusob ang silid, na sinisigawan siya·t inilalahad sa kanya ang mga kamay; sa dahilang ang mga sisi at panaghoy ay waring namumuno sa hangin at nadidinig ang mga pagbabala at mga sigaw ng paghihiganti ay inilayo ang kanyang tingin sa durungawan at marahil ay noon lamang siya nanginig. ´Hindi, marahil ay may sakit ako, marahil ay masama ang aking katawan,µ ang bulong, ´marami ang nagagalit sa akin, ang mga naghihinalang ako ang sanhi ng kanilang kasawian, nguni·t«µ At sa dahilang nararamdamang nag-iinit ang kanyang noo ay tumindig at lumapit sa durungawan upang sagapin ang malamig na simoy sa gabi. Sa kanyang paanan ay pinauusad ng Ilog Pasig ang wari·y pilak na agos, na sa

53 Makikita ang pahayag ni Simoun na ang isang rebolusyon ay isang kasangkapang panlinis sa isang maduming bayan. 54 Maaring para kay Simoun ² pero, si Simoun ay likha lamang at ang totoong mga maysala sa binabanggit na krimen ang pinatatamaan. Isang pulbura sa na nakatago sa bumbong.

ibabaw ay nanghihinamad na kumikinang ang mga bulang umiikit, sumusulong at umuurong na sumusunod sa lakad ng mumunting uli-uli. Ang siyudad ay natatayo sa kabilang ibayo at ang kanyang maitim na muog ay nakikitang nakakikilabot, matalinhaga, at napapawi ang kanyang karukhaan sa liwanag ng buwan na nakapagpaparikit at nagpapaganda sa lahat ng bagay. Datapwa·t si Simoun ay muling nangilabot; waring nakita sa kanyang harapan ang mabagsik na mukha ng kanyang ama na namatay sa bilangguan, nguni·t namatay dahil sa paggawa ng mabuti, at ang mukha ng isa pang lalaki na lalo pang mabagsik, ng isang lalaking nagsakripisyon ng buhay, nang dahil sa kanya, dahil sa inaakalang kanyang hahanapin ang ikabubuti ng kanyang bayan. ´Hindi, hindi ako makauurong,µ ang bulalas na pinahid ang pawis ng kanyang noo, ´ang gawain ay magtatapos na at ang kanyang pagtatagumpay ay siyang magbibigay-katwiran sa akin«55 Kung ako·y gumaya sa inyo ay nasawi ako marahil« Tama na ang pangangarap, tama na na ang maling pagkukuro!56 Apoy at asero sa kanser, kastigo sa bisyo, at pagkatapos ay sirain, kung masama, ang kasangkapan! Hindi, pinag-isip ko nang mabuti, nguni·t ako·y nilalagnat ngayon«ang pag-iisip ko·y uulik-ulik« talaga« kung ginawa ko ang kasamaan ay upang makapagtamo ng kabutihan at ang layunin siyang nagbibigay-matuwid sa pamamaraan« Ang gagawin ko·y ang huwag akong malantad«µ At nahigang gulo ang pag-iisip at tinangkang makatulog. Nang kinabukasan ay pinakinggang nakasukot at nakangiti ni Placido ang pangaral ng kanyang ina. Nang sabihin nito sa kanya na makikiusap sa procurador ng mga Agustino ay hindi tumutol ni humadlang man lamang; kundi bagkus pa ngang humandog na siya na ang gagawa upang maibisan ng kagambalaan ang kanyang ina na pinakiusapang bumalik na kaagad sa kanilang lalawigan at kung mangyayari·y sa araw ding iyon. Itinatanong sa kanya ni Kabesang Andang kung bakit. ´Sa dahilang« sa dahilang kung mabatid ng prokurador na naririto kayo ay hindi gagawin ang inyong kahilingan samantalang hindi muna siya nabibigyan ng anumang handog at ilang pamisa..µ

55 Ang tagumpay ng rebolusyon ang magbibigay ng katwiran sa kaniyang naging pamamaraan. 56 Upang ito ay magtagumpay ay tigilan na ang maling akala na mayroon pang pagbabago sa matatandanng pamamaraan. Pagkukuro ni Elias

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->