You are on page 1of 10

Maganda Pa Ang Daigdig Ni: Lazaro Francisco Uri ng Nobela: Ang Maganda Pa Ang daigdig ay isang uri ng Nobelang

Historikal.isang uri ng nobelang humango ng materyal sa mga pangyayaring naganap sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay pumapaksa sa mga aktwal na pangyayari o kayay mga sitwasyong nahahawig sa mga aktwal na kalagayang umiral sa kasyasayan ng bansa. Maaari din itong maging isang uri ng Nobela ng Romansa. Dahil pumapaksa din ito sa pag-big. Pag-ibig sa bayan, sa Diyos, sa kapwa, magulang, kasintahan, at ipa pang uri ng pag-ibig. Maari din maging Nobela ng Pagbabago. Na naglalayong magtaguyod ng pagbabago sa lipunan at pamahalan. Pangunahing Tauhan: Lino Rivera Si Lino ay anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal. May isa siyang anak si Ernesto. Dati rin siyang sundalo ng Bataan. Ms. Loreto Sanchez (Luring) Isang Prinsipal at babaeng banal. Siya ang nag-alaga kay Ernesto habang nasa bukid ang amang si Lino.May lihim na pag-ibig kay Lino Padre Amando Amain ni Ms. Sanchez. Nag-aari ng malalawak na lupain at magpapanukala ng pagbabago. Ernesto Nag-iisang anak ni Ernesto. Inaalagaan ni Ms. Sanchez. Kumander Hantik Kasapi ng mga huk na hihimukin si Lino na makisapi sa kanilang samahan upang wakasan ang bulok na sistemang agraryo. Koronel Carlos Roda Pinuno ng mga militar sa operasyon laban sa mga huk at pagpapasuko sa grupo nila ni Lino. Mapagparaya sa pag-ibig niya kay Ms. Sanchez. Don Tito Isang makapangyarihang panginoong maylupa.

Tisyo Kanang-kamay ni Lino. Tagpuan Ang Tagpuan ng kuwento ay sa Pinyahan. Ang lugar kung saan ipinanganak si Lino. Buod ng Nobela Nobela ni Lazaro Francisco, ang Maganda pa ang Daigdig ay naglalahad sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino ay anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal. Nagbalik siya sa Pinyahan makaraan ang digmaan, at hinanap ang kaniyang anak na si Ernesto. Makikilala niya si Kumander Hantik na hihimukin siyang sumama sa kilusan upang wakasan ang bulok na sistemang agraryo. Tatanggi si Lino. Darating sa buhay niya si Pari Amando na nag-aari ng malalawak na lupain at magpapanukala ng pagbabago. Tahimik na sana ang pamumuhay ni Lino, lalo na't napaibig siya kay Bb. Sanchez. Darating ang sandali na masasangkot siya sa gulong, at pagbibintangang pumatay sa isang lalaki. Mabibilanggo siya, ngunit makatatakas, kasama ang iba pang bilanggo, at magbabalik sa kaniyang lalawigan. Ang pangkat ni Lino ang magsisilbing tagapagtanggol ng naaaping magsasaka. Sasapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang panginoong maylupa. Magwawakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan. Pagkaraan, maihahayag na walang sala si Lino na taliwas sa paratang na siya'y mamamatay-tao. Pagpapahalaga Ang panalangin ay mabisang paraan sa matapos ang giyera o ano mang hindi pagkakaunawaan sa panig ng dalawang taong nagtatalo. Sa lahat ng problema o sitwasyon ay mayroong solusyon. Kahit gaano pa man ito kahirap mayroon pa ring pag-asa at mga taong may mabubuting loob na tutulong. Hindi kailangan na ang buhay dito sa mundo ay hindi pantay. May mga mayayaman, may mga mahihirap. Ngunit ang pagsubok ng buhay ay walang pinipili, kahit sino ka man presidente ka man ng bansa

o ordinaryong tagapagbenta ng popcorn sa daan Hindi pwedeng wala kang pagdaanang pagsubok sa buhay kaya isa-isip natin na normal lang ang mga ganitong bagay sa mundong ating ginagalawan. Nararapat lamang na hindi tayo mawalan ng pag-asa. Manampalataya lamang tayo, at magtiwala. Bigyang pansin natin ang mga taong magmamahal sa atin at ang mga pangarap na ating nais makamit. At sigurado, ipapakita ng Diyos na maganda pa rin ang daigdig. Sa ano mang problema, hindi dapat tayo matakot. Kailangan natin harapin at ayusin ang ano mang problema natin. Huwag nating hayaan na sirain ng iba ang buhay natin lalo na kapag tayo ay inaakusahan ng isang krimen na hindi tayo gumawa. Sa huli ang tama din naman ang mananaig kayat kung wala naman tayong ginawang masama sa iba, hindi natin kailangan magtago at magdusa sa halip ipaglaban natin ang ating sarili.

MAGANDA PA ANG DAIGDIG


Ni Lazaro FranciscoKabanata 13 Wala Akong Sala Napansin kaagad ni Miss Sanchez ang kakatwang kilos at alingasngas ngkaniyang mga kanayon laban kina Kabo Lontoc na ibinunga ng bintang ni AlingAmbrosia na benggansa lamang ang dahilan ng pagdakip kay Lino. Upangmaagap na maapula ang anumang maaaring mangyari ay iginala ng dalaga angkaniyang paningin sa karamihan at mabanayad na nagsalita.Mga kanayon! ani ni Miss Sanchez. Huwag sana nating malimot na sinaKabo Lontoc ay napag-uutusan lamang! Tumutupad lamang sila sa kanilangtungkulin! Batas at bayan ang kanilang panginoon, at tayoy bahagi ng bayangpinaglilingkuran nila! Sa ilang katagang iyon ng punungg u r o , a n g m a y m a i i n i t n a u l o s a kanilang paligid ay para namang nasubhang bigla ng malamig na tubig. Ang mgaumirap sa kabo ay tumahimik na at ngumiti pa ang ilan.Ito pa, Miss Sanchez, himig pasintabing wika ni Kabo Lontoc, ang isa samalulungkot na tungkulin namin! Ngunit kung hindi namin tutupdin ito ay bababaa n g t i n gi n s a a m i n n g b a y a n a t b a k a w i k a i n p a n g a l a n g a n k am i s a a m i n g uniporme!Tumangutango si Miss Sanchez, ngunit hindi nagsalita.Ipinakikiusap ko sana sa kanila, Miss Sanchez, pakli naman ni Villas natinukoy sina Kabo Lontoc, na, yayamang hindi pa naman gaanong tiwasay angpanahon, at yayamang marami pa rin naman ang nakikita nating nagkalt doon atdito na nakagawa ng lalong malulubhang paglabag sa batas nguniy ni di pa manlamang yata kamalak-malak na isakdal at hulihin kung kaya nakapanunungkulanpa ang iba at ang iba namay patuloy

na nakapamamayagpag sa gitna ng bayan,ay maano sanang ipagwalambahala na muna nila ang pagdakip na ito kay Linoa t m a g i n g p a r a n g b a l a t o n a n i l a s a a t i n a n g k a n i l a n g p a g p a p a u m a n h i n , n a anupat palabasin na lamang na hindi nila natagpuan si Lino dito saan man.Nasabi ko pa nga na kung kailangan lamang na palayuin na muna rito ang mag-amang Lino at hindi maluwag na magawa natin iyon, huwag na lamang sanangdakpin ngayon dito ang ama, alang-alang sa kabutu-butong anak na musmospat walang sinomang maaaring sulingan kahit na isang malayo nang kamaganak!Malungkot na yumuko si Miss Sanchez at nagpatuloy sa di rin pagkibo.E ano ang sagot sa inyo, Mr. Villas? tanong ni Miss Lavadia.Tama rin naman ang isinagot nila sa kin, ang patuloy na salaysay niVillas na naging tugon na rin sa tanong ni Miss Lavadia. Kung magkakagayond a w a y k a i l a n p a k a y a m a s i s i m u l a n a n g p a g p a p a t u p a d s a m g a b a t a s s a kapakanan ng kapayapaan at kaayusan?Saka, sudlong ni Kabo Lontoc, kung hindi man kami ay marami pa rinnamang ibang mauutusang dumakip sa dinarakip namin at baka, kung inaalat,maging dalus-dalos pa sa pakikitungo sa inyo at sa dinarakip! Lumingalingaa n g k a b o a t t u m a n a w s a m g a k a s a m a n g k a w a l , s a k a h i n a r a p s i V i l l a s . Gagabihin kami, Mr. Villas! Sandali lamang, Kabo Lontoc, Hadlang ni Miss Sanchez. Maaari bangbigyan ninyo kami ng kaunting panahong makausap muna namin si Mang Lino?Aba, opo, Miss Sanchez, payag kaagad ng kabo. Kausapin na ninyo.Hindi kami maiinip. Salamat, tanging nasabi ni Miss Sanchez na tumalikod na upang lumapitsa magamang Lino.Saglit munang tinaya ni Miss Sanchez ang anyo ng pag-uusap ng magama. Ibig sana niyang igalang ang mga huling maseselang sandaling yaon ngkanilang pag-uusap. Ngunit maikli na ang panahon. Kaya nga, napilitan nanglumapit ang dalaga na naging maingat naman at marahan. Sinundan siya ni MissLavadia at ni Aling Ambrosia.Buung-buo manding nakapako naman yata ang isip ni Lino sa mga bagayna sinasabi at itinatagubilin sa anak kung kaya nakalapit at sukat sina MissSanchez sa may likuran ng takayad nang di niya napansin, gayong manipis atbutas-butas na ang dingding ng takayad. Patuloy si Lino sa banayad napagsasalita at sa tinig na malinaw, marahan, at walang pangamba.Mulit muling sinasabi ko sa iyo, Ernesto, na tibayan mo sana ang loobmo, anang tinig ni Lino na halos nanuot sa kaluluwa ni Miss Sanchez at ngdalawang kasama. Mag-aral kang magpakalalaki, kahiman bata ka pa. Itanimmo sa puso mo na wala akong sala, pagkat iyan ang totoo. Umasa kangmagbabalik ako, pagkat may katarungan pa naman sa puso ng tao, marahil. At ..kung wala man, umasa ka ring magbabalik ako Ernesto. Hahanapin kitasaanman, anoman ang

mangyari, gaya rin ng ginawa kong paghahanap sa iyonoong sanggol ka pa. Hindi pa nasira ang anomang sinabi ko sa iyo, Ernesto,hindi ba?Tumigil sandali si Lino sa pagsasalita. Si Miss Sanchez, gaya rin ninaMiss Lavadia at Aling Ambrosia, ay patuloy sa matahimik na pagkakayukohabang nakikinig. Isa man sa kanila ay walang nangahas na sumilip man lamangsa anyo ng mukha ni Ernesto.Wala akong mapaghahabilinan sa iyo kundi kay Aling Ambrosia, patuloyni Lino sa tinig na nabasag nang bahagya. Magpapabait ka. Mag-aral kangmakisama sa kanila, at sa lahat ng tao. Maging magalang ka at matapat na lagi.Huwag kang hihiwalay sa nalalaman mong mabuti, kahit ka mamatay.Naniniwala akong may langit at impiyerno sa kabilang buhay. Ngunit gumawa kang mabuti, hindi sapagkat may langit kundi sapagkat mabuti ang mabuti. Huwagkang gagawa ng masama, hindi sapagkat may impiyerno, kundi sapagkaymasama ang masama. Iyan lamang ang nakikilala kong landas para sa mga taong may dangal at may kahihiyan!Pamuling tumigil si Lino sa pagsasalita. Mabilis na tumatakas ang oras atibig niyang makimis ang lahat ng dapat ang sabihin. Mapapansing dinampi-dampian ni Miss Sanchez ng panyo ang kaniyang mga mata. Nagpatuloy si Linosa pagsasalita Huwag kang mawawalan ng pananalig sa Diyos, Ernesto! Iyan lamang,sa mga bagay na dati kong pinaniniwalaan, ang tanging di ko ibig na mawala pasa akin. Sa Kaniya mo hihingin ang lahat ng iyong ibig. Sa Kaniya mo idadaingang mga sakit ng loob mo. Sa Kaniya ka hihingi ng lunas kung ikaw ay maykaramdaman. Sa Kaniya ka tatawagkapag nawawalan ka ng pag-asa. Sa Kaniyaka dudulog kung nakararamdam ng pangungulila ang puso mo sa isangmagulang o sa isang kamag-anak o sa isang kaibigan!Muli pa na namang huminto si Lino sa pagsasalita. Suminghot si MissSanchez at tila panabay na humikbi sina Miss Lavadia at Aling Ambrosia, ngunithindi pa rin sila napansin ng mag-ama.Gaano kaya katibay ang puso mo, Ernesto? ang tanong ni Lino atmasusing minasdan ang mukha ng anak. Kung hulihin na ako ilakad,maipangangako mo sa akin, Ernesto na di ka iiyak? Maipangangako mo ba yansa akin, anak ko?Noon pa lamang napilitan nang silipin at masdan ni Miss Sanchez angmukha ni Ernesto. Nakita niyang kumurap-kurap ang bata sa pagkatingalangnakatitig sa mukha ng ama; makalawang Iumunok; kumurap-kurap na muling tilanahihilam; kuminig-kinig ang mga labi, at humikbi-hikbi sa pagpipigil mandinghuwag siyang mapasigaw. Ngunit namalisbis lamang ang luha sa kaniyang mgapisngi at di nakapangako.Ernesto! ang malungkot na tawag ni Lino. Mapait man sa loob koy tikisna sinanay kita sa hirap para magkaroon ka ng matibay na puso at matatag naloob. Bakit ka lumuluha? Sa pagkakasala lamang, sa pagkabulid lamang ngmasama, nararapat malaglag ang luha ng isang tunay na lalaki. Hindi sa gaanoman kalaking kasawian at mga kaapihan!

Mabilis na pinahid ni Ernesto ng kaliwa niyang bisig ang luha sa kaniyangmga mata, at muling panatag na iniharap ang mukha sa nahahambal na ama. SiAling Ambrosia ay napilitang tumalikod. Tumagilid lamang si Miss Lavadia na tiladi na makagalaw. Isinubsob naman ni Miss Sanchez ang kaniyang mukha sadalawang palad at tikis na hindi kumilos. Kailangang igalang ang maseselangmga sandali yaon sa mag-ama.May isang tanging alaala na iiwan ko sa iyo, Ernesto, aniyang muli niLino sa tinig ng isang tahasan nang pamamaalam. Itoy alaalang bigay sa akinng iyong ina! Sa pakikilaban sa Bataan; sa pagkapiit sa Kapas; sa pamumundoknamin bilang mga gerilya; sa malaong pakikipagsapalaran natin sa Maynilahanggang sa mga sandaling ito, ang alaalang itoy hindi nawalay sa katawan kosaglit man! Dinukot ni Lino sa kaniyang lukbutan ang isang kalupi at inilabasmula sa isang tanging pitak nito ang isang munti at manipis na krusipihongaluminyo na may nakapakong larawan ng Kristo. Ingatan mo ito at pakamahalinalang-alang sa nakalarawa, sa iyong ina, at sa akin! Hinagkan muna ni Lino ang 190

krusipiho bago hinawakan ang kamay ng anak at inilagay iyon sa lahad na palad.Maraming pagkakataong iniligtas ako nito sa panganib. Gayon ang nagingpaniniwala ko, Ernesto. Di mamakailang sa gitna ng malulupit napangangailangan natin sa Maynila ay dinalanginan ko iyan at akoy dininig.Naging mabisang tulay iyan ng mga dalangin ko sa Diyos! Binitiwan na ni Linoang kamay ng anak. Itay! tawag ni Ernesto sa kumikinig na tinig at di itinikom ang palad nakinasasalalayan ng krusipiho. Ayokong kunin ito sa iyo! Ibig kong makaligtas ka,Itay! Ayoko, ayoko, Itay!Ernesto! ang tawag ng ama sa di-natitigati na tinig. Ikaw ang laongmangangailangan niyan! Higit na mahaba ang panahong tatahakin mo pa sabuhay, anak ko! Alanganin nang lubha ang haba at kulay ng mga araw sa akingharapan!Pag buhay ka lamang, Itay, hindi ako maaano, hindi ako matatakot! Oo,Itay! Maski hindi na ako kumain, Itay!Ernesto! ang mairog na tawag ng ama. Hindi mo pa nauunawaan anghiwaga ng buhay! Sundin mo ang sinasabi ko sa iyo. Ingatan mo at pakamahalinang alaalang iyan ng iyong ina!Itaaay! tutol pa rin ni Ernesto.Ipinakikiusap ko sa iyo, anak ko!Hindi na nakatutol si ernesto. Dahan-dahang iniunat ang naginginig namga daliri; inilahad ang palad at pinakatitigan ang krusipiho na sa mga mataynunukal ang luha; at, sa simbuyo mandin ng di mapaglabanang hinagpis,isinubsob ng bata ang kaniyang mukha sa krusiho at pasigaw na aniya:Diyos ko po! Si Itay ko po!Tahasan nang umiyak si Miss Lavadia. Humagulgol si Aling

ambrosia. SiMiss Sanchez ay pasugod na lumapit kay Ernesto at niyakap ito, saka basa ngluha ang mga matang humarap kay Lino.Miss Sanchez! ang magalang na bati ni Lino bago nakapagsalita angdalaga. Tila kayo anghel na nakikita namin kapag may dalita!Mang Lino! tawag ni Miss Sanchez sa tinig na tigib ng panggigipuspos. MangLino! ang pamuling tawag. Hindi ko kailangang malaman kung bakit kayohinuhuli! Nguni' ibig kong ipakiusap sa inyo, kung may tiwala kayo sa akin, na saakin na sana maihahabilin si ernesto!

A! Nasa gipit na katayuan kami, Miss Sanchez, ang marahang tugon niLino. Isang kapalaluang tanggihan ko ang isang matapat na pagkakawanggawa!Opo, Miss Sanchez! Inihahabilin ko siya sa inyo. Maging sa anomang kalagayansiya maturing ay tatanawain kong utang-na-loob sa buong buhay ko!Aariin ko siyang akin, Mang Lino! Pagpapalain ko! Papagaaralin ko!Magiging kapatid siya ni Erni, na isa ring ulila. Sisikapin kong matanim sa puso atisip niya ang mga aral na aking narinig. Buung-buo na makukuha ninyo siya saakin sa anomang sandali na maibigan ninyo!Salamat, Miss sanchez! Hindi ko kayo malilimot kailanman. M agigingpanata ko, mula ngayon, ang pagsisikap na makaganting-loob sa inyo. Ngunitiiwan ko sa inyo ang isang kataga, na isinasamo kong paniwalaan sana ninyo!Opo! Sabihin ninyo, Mang Lino!Wala nang panahong maisalaysay ko pa ang mga tunay na nangyari, anin i L i n o . B a l a n g a r a w a y m a l a l a m a n d i n n i n y o k a y p a l a a n g l a h a t a y l a h a t . Ngayoy wala akong tanging sasabihin sa inyo, Miss Sanchez, kundi Wala akongSala! N a n i n i w a l a a k o s a i n y o , M a n g L i n o , a n g m a d a l i n g t u g o n n i M i s s Sanchez at bigay na bigay na tumitig sa kausap. A n o m a n a n g m a n g y a r i ; a n o m a n a n g k a h a n t u n g a n ; a t , a n o m a n a n g sabihin ng mga tao, ay naniniwala ako ngayon pa, at maniniwala ako kailanman,na wala nga kayong sala, Mang Lino, pagkat gayon ang sinabi ninyo sa akin!Hindi iyan lamang. Idadalangin namin ang iyong kaligtasan. Pumanatag kayo, athuwag ninyong alalahanin si Ernesto. M i s s S a n c h e z ! H i n d i k o m a l i r i p k u n g p a a n o n g n a g i n g m a r a p a t a n g kaliitan namin sa inyong pagtingin. Gayonmay paniwalaan ninyong buhay koman ibibigay nang dahil sa inyo!Bago nakapagsalita ng anoman si Miss Sanchez, si Lino ay mabilis nayumukod at humalik sa dahon ng pamaypay na anahaw na nakabitin sa kamayng dalaga. Napayuko si Miss Sanchez at nagbuntunghininga.Ernesto! ang malungkot na tawag ni Lino sa kaniyang anak. Maiiwankita kay Miss Sanchez. Magpapakabait ka at maging masunurin. Babalik ako saiyo, anak ko!P a s u g o d n a y u m a k a p s i E r n e s t o s a k a n i y a n g a

m a n a t i l l a d i makapangusap. Ni yakap si ya nang buong hi g p i t n i L i n o a t h i n a g k a n n a n g hinagkan. 192 Sa-lalapit na noon si Kabo Lontoc at si Estanislao Villas. Kasunod nila angisang maalikabok na jeep na pinalalakad ng isa sa tatlong kawal na lulan. Sahudyat ng kabo, isa sa mga kawal ang bumaba at naglabas ng esposas.Utangna-loob, Kabo Lontoc, ani Miss Sanchez at lumapit sa kabo,huwag ninyo silang kabitan ng esposas. Sinasagutan ko sa inyo na hindi silatatakas!Kasama akong mananagot, Kabo! susog naman ni Villas.Kami man, sagut din! ang halos sabay-sabay na pakli naman ng marami.Kung may balak man lamang na magtago yan, hindi rito sa Pinyahantitira yan nang lantaran! ang palabi at patalilis na wika ng isang matandangbabaing may pandudurang nagluwa sa sapa. Pwe!Marangal na tao yan, kahit na ganyan lang sa tingin! Sabad ng isangmatandang lalaki na umingusingos.Bakit ba di magtago, kundangan, gayon palat dapat sagutin? sumbat ngisa pang matandang lalaki. Di kaya nakikitang yun lang hindi nagtatago angsiyang dinadakip?E, kung gayon, ani ni Kabo Lontoc, matapos mag-isip sandali. PrivateGorospe! baling sa may hawak na galang. Ibulsa mo na lang yang bastus naposas na yan! Hindi kailangan yan, aniya pa at binalingan si Lino.Paano,kaibigan? S a s a m a a k o s a i n y o , a n i n i L i n o n a m a l u n g k o t n g u n i t p a y a p a n g humarap sa marami. Kung minsay kailangan din pala ang isang kasawian paramaunawa ng tao na may halaga pa siya sa kaniyang kapwa! Salamat sa inyonglahat! Sa mga utang-na-loob namin sa inyo, aniya pa at malungkot na tuminginkay Ernesto, ay iiwan kong sangla sa inyo ang aking anak!Pinagkabilaang akbayan ni Miss Sanchez at Miss Lavadia si Ernesto.Walang kaimik-imik na nakatitig ang bata sa mukha ng kaniyang ama.Sa malakas na pag-alon ng dibdib ng bata, sa mahigpit na pagkakatikomn g k a n i y a n g m g a l a b i a t s a m g a m a t a n g i t i n i t i t i g n a p i l i t b a g a m a n l a b i s n a nahihilam ay dagling masisinag ang malaking nais na makapag-anyong matibaysa paningin ng kaniyang ama sa kabila ng matinding simbuyo ng hapis.Malayo na ang sasakyang nilulunan ni Lino ay nasa gayong anyo pa rin siErnsto. Walang kurap na nakatitig sa malayo. Tila walang nakikitang anoman sanatatanaw. Parang walang nararamdaman, ni naririnig, sa kaniyan g paligid.Waring nasaid ang luha sa tindi ng dusang kumuyom sa dibdib. 193 Ernesto! ang nahahambal na tawag ni Miss Sanchez sa pagkakatitig samukha ng bata. Bayaan mong malaglag ang mga luha mo! Sulong umiyak ka!Makagiginhawa yan sa dibdib mo!Siyanga, Ernesto! tigib-lunos na udyok ni Miss Lavadia.Tiningala ni Ernesto si Miss Sanchez at si Miss Lavadia. Nakita ng

dalawana may namuong luha sa mga mata ng bata, na biglang yumuko at humikbi-hikbing halos mapugtuan ng hininga.Ernesto! ang masuyong tawag ni Miss Sanchez sa umiiyak na tinig.Tibayan mo ang loob mo! Talagang ganyan ang buhay! Maraming pagsubok!Maraming pagtitiis! Ngunit umasa kang hindi ka pababayaan! Ituturing kitangtunay na akin, Ernesto!Ang Itay ko, ang pahikbing wika ni Ernesto sa tinig na tigib ng masaklapna hinanakit, panay siyang hirap panay siyang pagtitiis!Umasa kang liligaya rin siya, Ernesto! ang mahambal na alo ni MissErnesto. Gaya rin ng araw: may dilim at may liwanag ang buhay! Tena naErnesto! yaya na ng dalaga at masuyong inakbayang muli ang bata. AlingAmbrosia! baling na tawag sa labandera. Lalakad na kami. Kung may anomansina Ernesto na dapat dalhin sa amin ay kayo na sana ang bahala!Opo, Miss Sanchez! anang labandera. Ako na ang bahala! Isama naninyo siya!Isang tinging balot ng magkakalangkap na lungkot, habag at paghanga ngn a i w a n g k a n a y o n a n g p u m a t n u b a y s a p a g l a k a d n i n a M i s s S a n c h e z , M i s s Lavadia, at Ernesto.Kaawa-awang bata! ang sagut-sagutang wika ng marami. Magandanglalaki, at mabait! anang ilan. T al a g a n g p a m b i h i r a n g b a b a e y a n g s i M i s s S a n c h e z , a n a n g i s a n g matandang lalaki naman. Mabuti na lamang at sa kaniya nahabilin ang bata!Ba! Mang Islaw! tawag ng isang babae na nakapansing naroon pa siEstanislao Villas. Paano ba? Hindi ba kikilos ang ating kapisanan?Iyan din nga ang iniisip ko, ang tugon ni Villas. Ernesto! ang nahahambal na tawag ni Miss Sanchez sa pagkakatitig samukha ng bata. Bayaan mong malaglag ang mga luha mo! Sulong umiyak ka!Makagiginhawa yan sa dibdib mo!Siyanga, Ernesto! tigib-lunos na udyok ni Miss Lavadia.Tiningala ni Ernesto si Miss Sanchez at si Miss Lavadia. Nakita ng dalawana may namuong luha sa mga mata ng bata, na biglang yumuko at humikbi-hikbing halos mapugtuan ng hininga.Ernesto! ang masuyong tawag ni Miss Sanchez sa umiiyak na tinig.Tibayan mo ang loob mo! Talagang ganyan ang buhay! Maraming pagsubok!Maraming pagtitiis! Ngunit umasa kang hindi ka pababayaan! Ituturing kitangtunay na akin, Ernesto!Ang Itay ko, ang pahikbing wika ni Ernesto sa tinig na tigib ng masaklapna hinanakit, panay siyang hirap panay siyang pagtitiis!Umasa kang liligaya rin siya, Ernesto! ang mahambal na alo ni MissErnesto. Gaya rin ng araw: may dilim at may liwanag ang buhay! Tena naErnesto! yaya na ng dalaga at masuyong inakbayang muli ang bata. AlingAmbrosia! baling na tawag sa labandera. Lalakad na kami. Kung may anomansina Ernesto na dapat dalhin sa amin ay kayo na sana ang bahala!Opo, Miss Sanchez! anang labandera. Ako na ang bahala! Isama naninyo siya!Isang tinging balot ng magkakalangkap na lungkot, habag at

paghanga ngnaiwang kanayon ang pumatnubay sa paglakad nina Miss Sanchez, MissLavadia, at Ernesto.Kaawa-awang bata! ang sagut-sagutang wika ng marami. Magandanglalaki, at mabait! anang ilan.Talagang pambihirang babae yang si Miss Sanchez, anang isangmatandang lalaki naman. Mabuti na lamang at sa kaniya nahabilin ang bata! Ba! Mang Islaw! tawag ng isang babae na nakapansing naroon pa siEstanislao Villas. Paano ba? Hindi ba kikilos ang ating kapisanan?Iyan din nga ang iniisip ko, ang tugon ni Villas.

You might also like