P. 1
Panahon Ng Kastila Sa Pilipinas

Panahon Ng Kastila Sa Pilipinas

|Views: 21,421|Likes:
Published by Sheila Marie Naval

More info:

Published by: Sheila Marie Naval on Jan 08, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/13/2013

pdf

text

original

“PANAHON NG KASTILA SA PILIPINAS” Ang pananakop ng mga kastila sa Pilipinas ay isa na marahil sa pinaka mahalagang parte ng ating kasaysayan

. Tatlong daan at tatlumpung tatlong taon tayo sinakop ng mga kastila kaya’t di kataka taka na malaking bahagi n gating kasaysayan at kultura ay galling sa mga Espanyol. Nang manungkulan si Felipe bilang haring Felipe II ng Espanya, iniutos niya ang isang ekspedisyon na ang layon ay maka tuklas ng daan pabalik sa Espanya mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng dagat pasipiko. Itinalaga ng hari si Miguel Lopez de Legazpi bilang pinuno ng ekspedisyon. Tumulak si Legazpi mula Navidad, Mexico noong Nobyembre 21,1564. Kasama niya sa ekspedisyong ito si Andres de Urdaneta na isa ng paring Agustino at magsisilbing pangunahing nabigante at tagapayong ispiritwal. Ang ekspedisyon ay binuo ng apat na barko at tatlong daan at walumpung tauhan. Bago tumulak ng ekspedisyon, nakatanggap si Legazpi ng isang selyadong sulat mula sa hari na kaniya lamang dapat basahin kapag sila ay nasa laot na. Sinunod ni Legazpi ang tagubilin at namangha sa nakasaad sa sulat. Nilalaman nito ang utos na ”Sakupin ang Pilipinas.” Wala silang magagawa kundi sundin ang utos. Sa kanilang paniniwala na ang kautusang ito ay para sa Diyos at simbahan. Dumaong ang pangkat ni Legazpi noong Pebrero 1565 sa isang pulo na malapit sa Cebu. Hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga katutubo sa kanila kaya’t sila ay napilitang lumipat sa mga karatig pook hanggang sila ay makarating sa Bohol. Doon ay tinanggap sila ng maayos at noong Marso 16,1565 ay naganap ang sanduguan s pagitan ni Legazpi at Sikatuna, isa sa mga pinuno sa Bohol. Ito ay sinundan ng isa pang sanduguan din kay Sigala, isa paring pinuno sa Bohol. Ang Xebu ang naging unang pamayanang kastila at syudad sa Pilipinas. Una itong tinawag na San Miguel ngunit ng lumaon ay tinawag na Ciudad del Santisimo Nombre de Jesús. Natagpuan ang estatwa sa isang di nasunog na bahay Nang maganap ang pagsalakay nina Legazpi noong Abril 1565 kaya’t ipinangalan ito sa siyudad. Maraming suliranin ang hinarap ni Legazpi sa Cebu kaya’t nagdesisyun itong pumunta ng Panay at noong 1570 ay inutusan nito Mertin de Goiti na galugarin ang Hilagang Luzon. Matagumpay na nakarating si Martin de Goiti sa Maynila noong Mayo 24, 1570. Ang Mayinila ay munalad na noon sa pamumuno ni Raha Sulayman. Matagumpay na nasakop ni Legazpi ang maynila noong Mayo 19,1571. Itinatag niya ang isang pamahalaang lungsod at ginawa niya itong kabisera ng Pilipinas. Noong Hunyo 1,1574, sa bisa ng kautusan ni Hring Felipe, ang lungsod ng Maynila ay tinwag na Insigne y Siempre leal Ciudad (Distinguished and Ever Loyal City). Nagtatag si Legazpi ng pamahalaang lungsod o ayuntamiento na may dalawang alcalde, isang alguwasil mayor, 12 konsehal at isang iskribano o tagasulat. Mula sa Maynila, ang pagsakop sa ibang bahagi ng Luzon ay naging madali na para kay Legazpi. Nakatulong niya ang mga misionero sa pagsakop sa Luzon. Madali nilang nakuha ang pagtitiwala ng mga katutubo. Sa pangunguna ni Juan de Salcedo, apo ni Legazpi at ni Martin de Goiti, nasakop ng mga Kastila ang Timog at Kapatagang Luzon noong 1572. Pagkaraan noon, nasakop din nila ang buong Hilagang Luzon. Ang Sulu ay napuntahan naman ng Kastila noong 1636. Naitatag ni Gobernador Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera ang isang kampaniento sa Jolo. Nagkaroon ng kasunduan ang mga taga-Sulu at mga Kastila na magtulungan kung may ibang dayuhang magtatangkang

Recoleto noong 1606. kakaw. Ang simbahang at ang Estado ay may ugnayan. Pangasinan. Ang lahat ng opisyal ng Simbahan mula Arsobispo. naitatag ang pundasyon ng pangangailangang ispiritwal ng mga katutubo. 1572. Subali’t nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa hinggil sa pagpapatupad ng mga tadhana ng kasunduan. nagpatuloy ang mga labanan sa pagitan ng mga Muslim at kastila at di gaanong nasakop ang Timog Mindanao. Humahawak siya ng kapangyarihang pulitikal at mayroon siyang mataas na katayuan sa lipunan. sa pamamagitan ng mga misyonero. Pinahintulututan din ng Sultan ang mapayapang pagpasok ng mga paring Hesuita sa Jolo. Ang kasunduang nilagdaan noong abril 1851 ay nagtakda ng halos lubusang pagsanib ng Sultanato ng Sulu sa kahrian ng Espanta. Ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas noong panahon pa man ng Kastila ay ang Arsobispo. Ilokos. Ang lahat ng mga gawaing pangrelihyion sa buong Pilipinas ay sakop ng simbahan at ng estado. Paring Dominicano noong 1587. Ang pamahalaang itinatag niya sa Maynila ay ipinatupad din sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. pinya. at Benedicto noong 1895. Noong agosto 20. Simula ng di pagkakaunawaan na ito. maaalala mo na nang dumating si Legazpi noong 1565 may kasama siyang limang paring Agustino na siyang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Cebu. Maynila. Ang simbahan ay itinataguyod sa pamamagitan ng buwis ng taong bayan. Panay. Noong 1647 ay sinalaky ng mga TagaSulu ang kabisayaan at ginipit ang mga mamamayan ng Zamboanga. Nagsimula ang Kristiyanismo nang dumating ang mga Kastila sa pamumuno ni Magellan noong 1521. Sinundan ito ng Pagdating ng iba pang Orden tulad ng Orden Franciscano noong 1577. Iloilo. ang mga misyonero ang nanguna sa pagtatatag ng mga kabayanan sa bawt bayan. Pangalawa. Una. Obispo at Kura paroko ay tumatanggap ng sahod buhat sa Estado. gayundin ang ilang uri ng hayop. Ang kapangyarihang panghukuman ng pangasiwang eklesiyastikal ay nasa hukuman ng Arsobispo. Pangatlo. Noong 1737. Dahil sa ito ay naka sulat sa wikang Kastila at diyalekto ng taga-Sulu. Namatay si Legazpi. Sinasabing naitatag niya ang imperyong Kastila at malakas na ito nang siya ay pumanaw. talko.Ang kasunduan ay naglalaman din ng pagkilala ng Pamahalaang Espanta sa lubusang kapangyarihan ng Sultan ng Sulu sa ilang mga pulo. Ang pamamahala ng batas at ng pagbibigay ng kaparusahan sa mga nagkasala ay sakop din ng simbahan at estado.manakop sa naturang pool vatu. Ang Kura Paroko ay may pribilehiyong opisyal sa kapuluan. Bataan at ilan pang lalawigan sa Bisaya. Napakalaki ng papel ng Simbahan noong panahon ng kastila. Itinakda sa kasunduang ito ang pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa pamamagitan ng mapayapang paglutas ng anumang suliranin.ad ng mga Deutch o Portugués. kamatsile. Sakop niya ang pangangasiwa sa lahat ng mga gawaing pangrelihiyon sa buong kapuluan. Hindi din nagtagal ang kasunduan. isang kasunduan ang pinagtibay naman ni Sultan Alimud Din na nilagdaan nina datu Mohammed Ismael at Datu Ja’far at Gobernador General Fernando Valdes y Tamon sa Maynila. Paring Hesuita noong 1581. ipinakilala nila ang mga bagong pananim at halaman tulad ng kamatis. Tumanggap ang mga Sulanon ng pangangalaga at proteksyon ng Espanta at kanilang ginamit ang bandila ng Kastila. natuklasang hindi naging tama ang pagsasalin ng mga salitang Kastila sa diyalektong Suluanon. sa tulong ng mga manggagawang .

pagbasa. Dahilan sa natutuhan nilang kaalaman ginising nila ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Kusang-loob nilang tinuruan ang mga mag-aaral na bumasa at sumulat. paaralang bokasyonal. musika at pangangalakal. pagsulat. Sinundan ito ng iba pang paaralan na mataas ang antas katulad ng paaralang sekundarya. Ipinasasaulo sa mga mag-aaral ang mga aralin. Ang mga Pilipinong ito’y pinanday at hinubog ng mga pareng Hesuwita at Dominikano ay siyang nagbukas sa isipan ng mga Pilipino na gumawa ng hakbang upang makatulong sa kapwa Pilipino. Nagtayo rin ng kolehiyo para sa mga babae. Nagtayo ang mga Kastila ng mga kolehiyo na katumbas ng mataas na paaralan sa ngayon. Sunud-sunod nang itinatag ang colegio de San Ildenfonso sa Cebu noong 1595 at ang Colegio de San Jose sa Maynila noong 1601. Labas-pasok sa kanilang tainga ang pagmemorya ng mga dasal na tila sila mga lorong sunod lang nang sunod sa mga misyonero. aritmetika. . ang mga misyonero ay nagtayo ng mga tulay. Kung susundin ang mga unang utos ng hari ng Espanya. Ang unang paaralang itinatag ng mga pareng Heswitas para sa mga lalaki ay ang Colegio de Manila noong 1589. Hindi lamang iyon. Ito ang kolehiyo na kilala ngayon bilang Colegio de San Ignacio. Hindi lamang mga kolehiyo ang itinatag ng mga Kastila kundi maging ang mga beateryo para sa mga babae. gusali. Ang paulit-lulit na pagmememorya ay di naibigan ng mga nakararamik. Itinatag ito ng mga Heswitas hanggang sa ito’y maging Ateneo de Manial. bagamat di naman nila nauunawaan ang kanilang sinasabi. mga paaralan at sistemang pang-irigasyon. at paaralan pagkaguro sa mga kalalakihan. Ito’y dahil sa ang Escuela Pia ay naging unibersidad. Di kalaunan ay nagtatag din ng mga pamantasan o unibersidad. ang naging mga unang guro ng mga Pilipino ay ang mga misyonerong Kastila. Di agad ito naisakatuparan ng pangasiwaan. ang mga paaralang unang itinatag ay mga paaralang parokya na pinamahalaan ng mga pari. ang dapat na unang itinayo nila ay mga paaralang primarya. magkwento at tumugtog ng mga instrumentong pangmusika. lansangan. Ang Universidad de santo Tomas ang itinuturing na pinakamatamdang pamantasan sa kapuluan na itinatag noong 1611. Noong panahon ng mga Kastila. Unang itinatag ang Colegio de Santa Potenciana noong 1589. Maging ang dasal ay ipinasasaulo nrin. Sinundan ito ng Colegio de Santa Isabel noong 1632 at ang Colegio de Santa Rosa noong 1750. Nakapagtapos sa dalawang bantog na kolehiyo at unibersidad ang mga Pilipinong kabilang sa Ilustrado o alta-sosyedad ng lipunan.kautubo. ang Colegio de Santisimo Rosario na itinatag ng ma pareng Dominikano ay siya ngayong kilalang-kilala bilang Universidad ng Santo Tomas. Ang edukasyon sa panahon ng mga Kastila ay totoong naging makabuluhan. Kasama sa mga asignatura ang wikang Kastila. Nangunguna ang Beaterio dela Comapaña de Jesus noong 1694 at ang Beaterio de Santa Catalina noong 1696. relihyion. Sila rin ang nagpatayo ng malalaking simbahang hanggang ngayon ay nasa paligid natin at nagtataguyod ng mga patakarang edukasyonal ng Espanya ayon sa batas noong 1555.

Sheila Marie naval  . -. at ang mga paaralang kanilang itinatag na siyang pinagmulan ng kaalaman ng mga Pilipino’y siya ring pinagsimulan ng mga Pilipinong nakaunawa sa mga pagsasamantala at pagsikil ng ating mga kalayaan noong panahong iyon.Ang mga paring Misyonero ang una nating guro.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->