You are on page 1of 30

Emilio Aguinaldo

Si Emilio Aguinaldo y Famy ay isang Pilipinong heneral, pulitiko, at lider ng rebolusyon laban sa Espanya at Estados Unidos. Ipinanganak siya saCavite el Viejo, Cavite noong Marso 22, 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay isanggobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880. Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran, ngunit, tumigil siya noong nasa ikatlong taon na siya para tulungan ang kanyang nabiyudang ina na patakbuhin ang kanilang bukid. Sa edad na 28, si Miong ay naging cabeza de barangay sa Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng 8 taon. Noong 1893, ipinasa ang Maura Law na ibinago ang sistema ng lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na gobernadorcillo sa capitan municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite del Viejo na tinawag na capitan municipal. Rebolusyong Pilipino Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de guerre na Magdalo, para kay Maria Magdalena. Ang kanyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo. Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod ng San Juan, Metro Manila]]. Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian. Noong Pebrero 17, 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya. Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili

nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong Marso 22, 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pagaaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kanyang mga kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squad noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Hulog na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite. Biak-na-Bato Habang tumitindi ang tensyon, napilitan sina Aguinaldo na lumikas papunta sa mga bundok. Dito pinirmahan niya ang Kasunduan ng Biak-na-bato. Isusuko ni Aguinaldo ang kanyang gobyerno at itigil ang digmaan kapalit ng $800,000 (Mehikano) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong Disyembre 14 at 15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang Hong Kong para lumikas. Ang dala nilang $400,000 (unang installment) ay dineposito sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo ang gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang Konseho ng Bayan. Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos, ay nagtatag ng Komiteng Ehekutibong Sentral na siyang naging pamahalaan habang wala sina Aguinaldo. Kahit pumirma si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng mga Kastila sa mga Pilipinong sumama sa rebolusyon. Dahil dito, nagsimula muli ang rebolusyon. Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila, nanalo ang American Asiatic Squadron na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla si Aguinaldo sa kanyang posisyon at linusob ang Maynila. Deklarasyon ng Kalayaan, Diktadura, at Gobyernong Rebolusyonaryo Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898.

Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang lider ng buong militar at nagtatag ng gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador. Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binasa ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumasa. Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng kanyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin bilang pangulo. Pangulo Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Konstitusyon ng Malolos noong Enero 21, 1899 sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang nahuli si Aguinaldo sa Palanan, Isabela ng mga Amerikanonoong Marso 1, 1901.

Manuel L. Quezon
Si Manuel Luis Quezon y Molina[1] (Agosto 19, 1878 Agosto 1, 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 15,1935Agosto 1, 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal). Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.[1]Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.[1] Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[1] Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.[1] Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.[1] Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat saLungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle. Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'

Jose P. Laurel
Si Jose Paciano Laurel y Garcia (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay pangulo ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945. Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. siya ay agad namatay. Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok. Ibang kasagutan: Talambuhay ni Jose P Laurel - Sikat ang Pinoy Si Jose P Laurel ay isa din sa mga sikat na Presidenteng Pinoy na dalubhasa sa batas, administrator, manunulat, abugado, estadista, at tagapagturo, Si Dr Jos P. Laurel ay ipinanganak noong ika 9 ng Marso 1891 sa Tanauan, Batangas. Siya ay natapos sa kanyang pag-aaral ng batas sa unibersidad ng Pilipinas at kinuha ang kanyang masteral ng batas sa Escuela de Derecho; at pagkatapos non ay doktor ng Philiosophy sa unibersidad ng Santo Tomas; at Doktor ng Batas sa mga unibersidad sa Tokyo imperyal. Bago ang ikalawang digmaan pandaigdig, ang pangulo noon na si Manuel Luis Quezon ay hinirang sa kanya kaugnay ng katarungan ng kataas-taasang hukuman. Noong Oktubre 14, 1943 siya ay naging pangulo ng Republika ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng hapon, ang digmaan ng Pilipino binansagan na siya ng mga tao sa kanyang gawain bilang isang "tagatulong." Si Jose P. Laurel at ang kanyang mga kasama pinangalanang sina Camilo Osias, Benigno S. Queno, SR at pangkalahatang Mateo Capinpin na nagtangkang makatakas ngunit bigo siya nakuha sa kanilang mga paraan ng mga hapon at ipinadala pabalik sa Pilipinas. Sila ay nabilanggo at sinubukan at hinusgahan sa taong hukuman. Si Lorenzo Taada ay kabilang sa pag-uusig na tagapamahala habang si Claro M. Recto Quintin Paredes, at Vicente Francisco umakto bilang kanyang mga legal counsels. Sa diwa ng pagkakasundo at upang makiisa sa bansa, si presidente Roxas na ipinagkaloob sa kanila absolute parol. Si Ginoong Jose. Laurel ay nalitaw ang kanyang sarili bilang isang mambabatas na advocated babae karapatan sa pagboto. Siya ay isa sa mga taong bumoto sa pabor ng Hare-mayroon-

cutting Batas, at sponsored ang Bill of Rights sa saligang-batas ng Pilipinas. Noong taon 1951, siya ay muling nahalal bilang senador. Sa taon 1953, siya ay hinirang ni Ramon Magsaysay bilang Chairman ng Economics Mission sa Estados Unidos. Siya ay naka-sign ang kasunduan na tinatawag na ang Laurel-Langley kasunduan sa Enero 1, 1956. ito ay siya na itinatag sa Economics Nation Development Authority (NEDA) at ng Pilipinas Banking Corporation. Bilang isang tagapagturo, itinatag niya ang Lyceum ng Pilipinas at maging sa kanselor emeritus ng Nation guro College. Sa Nobyembre 6, 1956 Jos P. Laurel ay namatay ng pagpalya ng puso sa manila.

Sergio Osmena
Si Sergio Osmena, Sr. ay ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 - Mayo 28, 1946). Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmea ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya siManuel L. Quezon. Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmea. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Dalawampu't limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan. Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (OsmeaRoxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmea ang humalili sa kanya. sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap

na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones.Template:Fact Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas. Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu.

Manuel Roxas
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Si Manuel Acua Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa Pilipinas. Siya ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Mayo 28, 1946Abril 15, 1948). Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ngPamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersangAmerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthurkasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio Osmea. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino.

Elpidio Quirino
Si Elpidio Quiriono, ika-6 na Presidente Si Elpidio Quirino (16 Nob. 1890 - 29 Peb. 1956) iyo an ika-anom na presidente kan Republika kan Filipinas. Nagsirbe siya sa katongdan na ini poon Abril 17, 1948 abot Des. 300, 1953. Namundag siya sa Vigan, Ilocos Sur sa mag-agom na si Mariano Quirino saka si Gregoria Rivera. Tinapos niya an kursong abogasya sa Unibersidad kan Pilipinas kan taon 1915. Siya Katoliko Romano asin iyo an enot na Ilokanong presidente. Siya igwa man dugong Kastila. Kaamayan kan buhay Kan siya sadit pa, duman siya nagestar sa [[Aringay, La Union]|Aringay], La Union. Sa segundarya, nag-entra siya sa Vigan High School alagad naggraduar siya sa Manila High School kan taon 1911. Nagtrabaho man siya komo junior computer sa Bureau of Lands asin property clerk sa Manila Police Department. Nagkua siya asin nakapasar nin eksamen sa civil service, enot na grado. Nagklase man siya sa Unibersidad kan Pilipinas (University of the Philippines) asin nagkua siya sa College of Law kaini nin abogasya kan taon 1915 asin ta nakapasar siya sa eksamen sa pagka-abogado. Nagpraktis siya kan saiyang pagka-abogado alagad napili siya na magtukaw komo Representante sa Philippine House of Representatives poon 1919 abot 1925, dangan nagin siyang Senador (1925-1931). Nagsirbe man siya komo Secretary of Finance asin Secretary of the Interior sa gobyernong Kumonwelt. Pulitika Pakatapos kan Ika-2ng Gerang Pangkinaban nagsirbe siya komo Sekretaryo kan Estado asin Bise Presidente sa irarom kan si pinaka-enot na presidente kan Talingkas na Filipinas, si Manuel Roxas. Kan magadan si Roxas kan Abril 15, 1948, siya an nagsalida sa pagkapresidente. Sunod na taon napili siya sa eleksyon para sa apat-na-taon na termino sa parehong kargo. Nagdalagan siya sa tiket kan Partido Liberal. An administrasyon niya nag-atubang nin makuring homa' sa pagbungkaras kan mga Hukbalahap na dati sarong hokbo naglaban sa mga nanakyadang Hapon igdi sa Filipinas. Kan an mga Komunistaiyo na an namayo sa hiron (movimineto) na ini, nagtumang na sa gobyerno asin ta an negosasyon ni Quirino kan 1948 sa lider kaini na si Luis Taruc mayong kinaabtan; si Taruc nagdeklara na an grupo ninda tuyong bubungkalon an gobyerno. Pagtongtong kan 1950, an mga Huk kontrolado na an dakulang parte kan Luzon. An ginibo ni Quirino pigtokahan si Ramon Magsaysay komo

Sekretaryo kan Depensa Nasyonal sa pagsabat asin pagsumpo kan nagtatalubo na insureksyon. An termino ni Qurino nabibisto sa marikas na rekonstruksyon hale sa pagkawasak sa gera, dagosdagos na paguswag kan ekonomiya, asin an pagsampa' nin dakulang tabang ekonomiko haleng Estados Unidos. Alagad, dakul na problema sosyal sa mga baro-banwaan an dai maresolberan. Masabi pa, an saiyang administrasyon nadigtaan kan akusasyon na grabe asin lakopan an korupsyon nangyayari sa irarom kan saiyang liderato. Sinasabi na an eleksyon kan 1949 iyo an saro sa pinaka-madaya' na eleksyon nangyari igdi sa Filipinas. Si Magsaysay naglitik saiya sa isyu nin korupsyon, asin dara an mahamot niyang imahe sa pagsumpo niya kan insurhensya kan mga Huk, nagdalagan siya sa eleksyon kan 1953 sa tiket kan Partido Nasyonalista kontra ki Quirino sa pagka-presidente. Sa eleksyon na idto, si Quirino nadaog asin nagretiro na sa pribadong buhay.

Ramon Magsaysay
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramn "Monching" Magsaysay[1] (Agosto 31, 1907 Marso 17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ngPilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang sa kanyang kamatayan. Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyonng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.Template:Fact Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.

Carlos P. Garcia
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Si Carlos Polistico Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinong makata at pulitiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Marso 23, 1957Disyembre 30, 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy. Talambuhay Carlos Polistico Doi Garcia (1896-1971), Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Bise Pangulong na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas. Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957. Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA

samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961. Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75.

Diosdado Macapagal
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril 21, 1997) ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 Disyembre 30,1965) at ay ang ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961-Disyembre 30, 1965).Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin. [baguhin]Talambuhay Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente. [baguhin]Sariling buhay Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya siGloria Macapagal-Arroyo, ang dating Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal Jr.. [baguhin]Edukasyon Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sa Pamantasan ng Santo Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya. Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging

Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila. Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.

Ferdinand E. Marcos
Si Ferdinand Emmanuel E. Marcos ay ang ikasampung pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nanilbihan siya bilang pangulo mula 1965 hanggang 1986. Siya ang natatanging pangulo ng Pilipinas na nagsilbi sa kanyang tanggapan ng mahigit sa dalawampung taon. Dalawang beses siyang tumakbo at nagwagi bilang pangulo ng bansa bago ang pagdedeklara ng Batas Militar noong 1972. Muli siyang nagwagi sa eleksyon ng pagkapangulo noong 1981 at sa 1986 Snap Presidential Elections, ngunit ang malawakang protesta na kilala sa tawag na "1986 People Power Revolution" ang puwersang humila sa kanya na bumaba sa pwesto noong 1986. Pinag-Ugatan Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos ay ipinanganak sa Sarrat, sa lalawigan ng Ilocos Norte sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. Siya ay panganay na anak nina Mariano Marcos, isang pulitiko, at Josefa Edralin, isang guro. Noong 1935 na halalan, ang katunggali ng kaniyang ama sa pulitika na si Julio Nalundasan ay pinatay makaraang manalo bilang kinatawan ng Ilocos Norte. Inaaresto siya noong 1938 kaugnay sa pagkakasangkot sa pagpatay, ngunit matagumpay niyang naipetisyon sa Korte Suprema ang kaniyang pansamantalang paglaya upang matapos ang kaniyang pag-aaral. Noong 1939 ay nagtapos siya ng Abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa Bar Exam na may mataas na grado. Bago matapos ang taong iyon, siya ay napatunayang nagkasala at sinintensiyahang makulong ng hanggang 10 taon. Habang nasa kulungan ay sumulat siya ng apela, at noong 1940 ay hinawakan niya ang sariling kaso sa harap ng huwes na si Jose P. Laurel, na siyang nagpawalang sala sa kaniya. Nagsilbi si Marcos sa Sandatahang Lakas ng Filipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinanindigan ni Marcos na siya ang namuno sa mga gerilya laban sa pananakop ng Hapones sa Pilipinas, paninindigang kaniyang pinanghawakan sa kanyang buong karera sa pulitika. Karera sa Pulitika Pagkatapos ng himagsikan, nakamit ng Pilipinas ang ganap na kalayaan mula sa Estados Unidos. Mula noong 1946 hanggang 1947, nagsilbi si Marcos bilang katulong sa bagong pangulo nangg nagsasariling republika na si Manuel Roxas. Humiwalay si Roxas sa Partido Nasyonal, na noon ay nangungunang partido upang buuin ang Partido Liberal. Tumakbo si Marcos bilang kandidato ng Partidong Liberal at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos

Norte noong 1949. Nakatatlong termino siya bilang mambabatas, samantalang pinakasalan niya si Imelda Romualdez na dating nagwagi sa timpalak pangkagandahan mula sa Leyte. Nagwagi si Marcos bilang senador noong 1959. Nagsilbi siyang pangulo ng senado mula noong 1963 hanggang 1965. Lumipat siya ng ibang partido upang makalahok sa pambansang halalan bilang katunggali ng dating pangulong Diosdado Macapagal, ang ama ng kasalukuyang pangulong si Gloria Macapagal Arroyo. Ipinakilala niya ang kanyang sarili na may kakayahang pumutol sa katiwalian at sa hindi maayos na pamumumuno ng pamahalaan. Nakuha niya ang suporta ng pangulo ng Estados Unidos na si Lyndon B. Johnson at ng kumunidad ng mga dayuhang negosyante. Madaling napagwagian ni Marcos ang halalan at siya ay pinasinayahan noong 30 Disyembre, 1965.

Bilang Pangulo Mula sa simula nang panunungkulan ni Marcos bilang pangulo, tumindi ang pagkakasangkot ng Estados Unidos sa digmaan sa Vietnam. Naglagay ng dalawang base ng militar ang Estados Unidos sa Pilipinas. Ang mga ito ay ang Clark Air Base at Subic Bay Naval Base. Ang digmaan na ito ang nagpasok ng bilyun-bilyong dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. Maraming proyekto ang pinondohan ng mga dayuhang nagpapautang, na naging malaking tulong sa pag-unlad ng ekonomiya. Nakadagdag pa ang paglulunsad ni Imelda Marcos ng serye ng mga prestihiyosong proyekto sa Maynila, kasama na ang pagtatayo ng mga gusali ng museo at magagarang otel. Noong 1969, makaraang mangampanya gamit ang islogan na "Bigas at Daan," muling nanalong pangulo si Marcos na nakakuha ng 74 porsiyentong boto. Siya ang kauna-unahang pangulo na nanalo sa ikalawang termino, na pinahihintulutan ng konstitusyon. Maging ang mga nanalong senador at kinatawan ay nanggaling sa Partido Nasyonal, na kaniya ring partido. Habang si Marcos ay nasa kaniyang ikalawang termino, humarap siya sa maraming suliranin. Maraming mga mag-aaral sa unibersidad at mga Pilipino ang tutol sa patuloy na presensiya ng mga militar ng Estados Unidos at patuloy na pagsuporta sa mga polisiya ng Estados Unidos laban sa Vietnam. Ang partidong komunista sa Pilipinas ay lalong naging aktibo at naglunsad ng malawakang kaguluhan sa maralitang taga-nayon at taga-lunsod. Sa katimugang bahagi naman ng Pilipinas, ang kilusan ng mga Muslim ay dumadagsa na rin. Habang papalapit na ang pagtatapos ng ikalawang termino ni Marcos ay lumalaki ang posibilidad na hindi mabubuwag ang kontistusyong hanggang dalawang termino lamang maaring manungkulan ang pangulo ng Pilipinas at mahaharap siya sa posibilidad na kaniyang lilisanin ang puwesto pagkatapos ng 1973. Marcos Bilang Diktador

Ang Kumbensyong Pangkonstitusyon ay hindi naisakatuparan, dahil umano sa palapit na kaguluhan. Idineklara ni Marcos ang batas militar noong 1972 at sinuspinde ang konstitusyong 1935, o pagtanggal sa kongreso at pagkuha sa lahat ng kapangyarihan. Sinupil ni Marcos ang mga pulitikong tumutol sa kaniya. Inaresto ang pulitikong pinuno na si Benigno Aquino Jr.. Winakasan ang kalayaan ng mga mamamahayag. Ang bagong konstitusyon ay pormal na ipinahayag ni Marcos noong Enero 1973 na nagbigay ng lubos na kapangyarihan sa pangulo at pagpapaliban ng mga halalan. Si Marcos ay nangasiwa sa bisa ng dekreto at ikinubli ang kaniyang diktaduryang kapangyarihan sa retotrika ng batas. Sinabi ni Marcos na ang batas militar ang panimula sa paglikha ng bagong lipunan at kailangang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng bansa. Ngunit si Marcos kasama ang kaniyang asawa at kanilang malalapit na katuwang ay gumanti ng puro katiwalian sa gitna ng paghihirap ng mga mamamayan Pilipino. Kinurakot nila diumano ang kaban ng yaman ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga malalapit na kaibigan na siyang kumontrol sa mga monopolyo sa industriya, komunikasyon, at bangko. Nagkamal ng limpak- limpak na salapi ang pamilyang Marcos at ang iba pang pera ay nakatago sa mga bangko sa ibang bansa. Ang kanilang marangyang pamumuhay ay malaki ang pagkakaiba sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino. Ang kakayahan ni Marcos na maging matatag ang nag-udyok sa kaniya na bawiin ang ilan sa mga malupit na patakaran na sumasakal sa pagtutol at sa kalayaang magpahayag. Noong 1980, pinayagan ni Marcos si Ninoy Aquino, pinuno ng partidong Liberal, upang lumayo at magtago sa Estados Unidos. Pinayagan din niya ang Radyo Veritas, isang istasyon ng radyo na pinatatakbo ng mga Katoliko, upang magsahimpapawid ng mga batikos laban sa kaniyang rehimen. Ang Herarkiya ng Katoliko, na pinamumunuan ni Jaime L. Sin, Arsobispo ng Maynila ay hindi natatakot sabihing tutol siya kay Marcos. Sa Pilipinas, kung saan karamihan sa populasyon ay Katoliko, ang simbahan ang ginagawang patnubay hinggil sa usaping pampulitika. Noong 1981, opisyal na binawi ni Marcos ang batas militar, ngunit nanatili pa rin ang kanyang emergency power upang magamit para sa pekeng halalang pampangulo. Kagaya nang inaasahan, si Marcos ay nanalo ng isa pang termino. Sa kabilang banda ang kaniyang kalusugan ay nagsimulang humina. Nagkaroon siya ng lupus erythematosus, na siyang naging dahilang upang hindi na gumana ang kanyang mga bato. Noong 1983, nagdesisyon si Aquino na bumalik na sa Pilipinas, kahit na alam niyang siya ay aarestuhin. Si Aquino ay binaril sa likod ng kaniyang ulo, at namatay ilang minuto lamang makaraang dumating sa Manila International Airport (Ninoy Aquino International Airport ngayon}. Sinabi ng pamahalaan na ang pagkakapatay kay Aquino ay gawa ng upahang mamamaril, na napatay ng pulisya sa paliparan. Isang espesyal na komisyon ang nagimbestiga at nagsabing resulta nang sabwatan ng militar ang pagkakapatay,

ngunit noong 1985 ay pinawalang sala ang mga opisyal na kinasuhan nang pagpatay. Noong 1990, 16 opisyal ng militar ang nahatulang nagkasala sa pagkakapatay kay Aquino, ngunit ang utak ng krimen ay hindi na natukoy pa. Ang pagkamatay ni Aquino ang naging malaking puwersa sa pagbagbsak ni Marcos. Inilarawan ni Corazon Aquino, biyuda ni Aquino, si Marcos bilang isang brutal na diktador. Upang makuha muli ang puwesto at magpatuloy ang suporta ng Estados Unidos sa kaniyang rehimen, inihayag ni Marcos ang pagkakaroon ng biglaang halalan pampangulo na ginanap noong Pebrero 1986, taon bago matapos ang kaniyang termino. Inaasahan ni Marcos ang pagkapanalo, dahil sa kaniyang makinarya at sa pagkakahati-hati ng oposisyon. Ngunit bumuo si Kardenal Sin ng alyansang oposisyon, at hinikayat si Corazon Aquino upang tumakbo sa pagkapangulo at si Salvador Laurel bilang pangalawang pangulo. Habang nagaganap ang botohan, maraming Amerikano ang nakasaksi sa mga tumatakbong iregularidad. Ang dalawang kinatawan mula sa Estados unidos at sa pamahalaan, na nagbabantay sa resulta ng halalan ay naglabas ng magkaibang resulta. Sinasabi ng parehong kinatawan na si Corazon Aquino ang nanalo ngunit ayon sa pambansang asemblea, ang parehong kinatawan ay sinasabing ang kanila ang nanalo. Ngunit kinilala ng pambansang asemblea si Marcos bilang siyang nanalo. Noon, nagpahayag ang Simbahang Katoliko na ang naganap na halalan ay isang panloloko lamang at ang tagumpay ni Marcos ay isa lamang kahungkagan. Aklasang Bayan Noong 22 Pebrero, 1986, dalawa sa matataas na opisyal ng militar ni Marcos ang nagbitiw ng suporta sa kaniya. Naglunsad ng rebelyon ang kalihim ng Tagapagtanggol na si Juan Ponce Enrile at si Fidel V. Ramos, Ikalawang Hepe de Estado Mayor at inagaw ang dalawang kampo ng militar. Ang rebelyong ito ang naging hamon kay Marcos at sa kaniyang pinsan na si Fabian Ver, Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na tapatan ito nang matinding puwersa. Sa tulong ng pananawagan ni Kardenal Jaime L. Sin sa taong bayan, nagdagsaan ang mga tao sa dalawang kampo ng militar upang harangan ang mga tangke ni Ver. Apat na araw pinalibutan ng mga tao ang mga kampo na kinalululanan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama. Ito ay upang mapigil ang paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng militar at ng mga loyalista ni Marcos. Walang nagawa ang mga tropa ni Marcos sapagkat hindi nila maaaring saktan ang libu-libong mga tao. Sa kabila ng mga kaganapan ay iginigiit pa rin ni Marcos na siya ay mapasinayahan na sa simple at pribadong seremonyas noong 25 Pebrero. Noong sumunod na araw, ang pamilyang Marcos at ang mga taong malalapit sa kanila ay lumipad patungong Hawaii lulan ng sasakyang panghimpapawid ng Estados Unidos. Hinirang naman si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas na siyang nagbunsod sa kanya bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa.

Kamatayan Nanatili si Marcos sa Hawaii hanggang sa siya ay pumanaw noong 1989. Makaraang pumanaw si Marcos, si Imelda ay pinawalang sala sa kasong panglulustay ng hukuman ng Estados Unidos at nahatulang nagkasala sa kasong pangungurakot ng hukuman ng Pilipinas noong 1993 ngunit binaliktad ng korte dahil sa kaniyang apela noong 1998. Maging sa iba pang kaso, siya ay pinawalang sala rin. Noong 1993, ibinalik ang naimbalsamang bangkay ni Marcos sa bansa at inilagak sa isang glass case crypt. Ito ay makikita sa kanyang museleo sa kanyang sinilangang bayan. Gayunpaman, noong 2003, ginawaran ang pamahalaan ng 624 milyong dolyares mula sa mga perang nakalagak sa mga bangko sa Switzerland, na pag-aari ni Ferdinand Marcos. Ang perang ito ay gagamitin upang pambili ng lupa ng mga mahihirap na magsasaka. Kaagad namang umapila ang mga Marcos sa paratang.

Corazon Aquino
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Si Mara Corazn Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang Mara Corazn Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933Agosto 1, 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabingisang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kaunaunahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (Pebrero 25, 1986Hunyo 30, 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri saWikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya angdemokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong ika-1 ng Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.

Fidel V. Ramos
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ay ang ikalabingdalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30,1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ngKorea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award. Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr. Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkob sa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa. Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran.

Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

Joseph Estrada
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap[1], ay ang ikalabingtatlong Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1998 - Enero 20, 2001). Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero, at ni Maria Marcelo. Talambuhay Si Jose Marcelo Ejercito ay ipinanganak sa Tondo, ang isa sa mga mahihirap na bahagi ng Maynila. Siya ay anak ni Emilio Ejrcito, Sr (1898-1977), isang maliit na sweldong pamahalaan kontratista, at Mara Marcelo (1905-2009), isang maybahay. Siya ang ikawalo sa sampung magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Antonio Ejercito (1932-2005), Emilio Ejercito, Jr (George Estregan) (1939-1988), Dr. Pilarica Ejercito, abogado Paulino Ejercito, Petrocinia E. de Guzman, Marita , at Jesse Ejercito. Asawa niya (ang dating Doktor at unang ginang ng bansa na napormasenador) na si Luisa Pimentel at nagkaroon ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (mas mahusay na kilala bilang "Jinggoy Estrada"; dating Alkalde ng San Juan naporma senador / kasal kay Precy Vitug), Jackie Ejercito (kasal kay Beaver Lopez), at Jude Ejercito (kasal kay Weng Ocampo). Joseph Estrada matugunan ang kanyang asawa Loisa Pimentel habang nagtatrabaho bilang isang katulong sa National Center for Mental Health (NMCH) sa Mandaluyong City. Siya rin ay may mga anak mula sa apat na sa labas ng matrimonyo relasyon, kasama Joseph Victor "JV" Ejercito (mula sa mga taong tanyag sa lipunan Guia Gmez) na gumawa rin ng pangalan para sa kanyang sarili sa pulitika sa para sumusunod sa mga yapak ng kanyang ama bilang kasalukuyang alkalde ng San Juan City . Pagsanjan, Laguna Mayor Emilio Ramon P. Ejercito III, na kilala sa Philippine Showbiz na si George Estregan, Jr, o ay Ejercito, ay ang kanyang pamangking lalaki. Sa panahon ng 2000 pagtataluwalagsa pamamaraan, nagkaroon si Estrada ng maraming panlabas ng relasyon at mga anak. Bilang isang aktor at direktor Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o

mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Bilang pulitiko Pinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll. Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution. Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa Three Outstanding Senators of the Year. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992. Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Pangulo ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Gloria Macapagal-Arroyo
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Si Maria Gloria MacapagalArroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulong Republika ng Pilipinas (Enero 20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ngKagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ngSimbahang Katoliko [1]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004. Kabuuan Si Pangulong Arroyo ay isinilang na Maria Gloria Macapagal ng pulitikong Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg Macapagal. Siya ay kapatid ni Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado. Nanirahan siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga taon niya kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama.[2] Sa edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa ina, sa Lungsod ng Iligan.[3] Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati niya ang kanyang oras sa Mindanao at Maynilahanggang sa siya'y maglabing-isang taon.[3] Mahusay siya sa Wikang Ingles, Wikang Tagalog, Kastila at iba pang wika sa Pilipinas.

Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay nahalal na pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang sa Maynila. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption College at nakapagtapos na valedictorian noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School of Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton at napanatili ang pangalan nito sa talaan ng Dekano.[4] Nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna cum laude noong 1968. Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang siya ay nasa kanyang kabataan pa lamang.[2] Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel (1969), Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974). Ipinagpatuloy ni Gloria ang kanyang pag-aaral at nakuha ang Master na degree sa Ekonomiks mula Ateneo de Manila noong 1978 at ang Doctorate na degree sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1985.[5] Mula 1977 hanggang 1987, humawak siya ng mga posisyon sa pagtuturo sa iba't ibang mga paaralan, gaya ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila. Noong 1987, siya ay inanyayahan ni Pangulong Corazon Aquino na lahukan ang pamahalaan bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote bilang undersecretary pagkatapos ng dalawang taon. [baguhin]Pangalawang Pangulo Kinunsidera ni Arroyo na tumakbo bilang pangulo noong pambansang halalang 1998 subalit naimpluwensyahan ni Pangulong Fidel V. Ramos, at pinuno ng ng partido ng administrasyon Lakas-Christian Muslim Democrats na imbes na pangulo ay maging pangalawang pangulo na lamang at ng kandidatong si Ispiker Jose de Venecia, Jr.[6] Nanalo si Arroyo bilang pangawalang pangulo na may malayong agwat, na nakakuha ng higit doble sa sumunod nitong katunggali, ang kandidatong pangawalang pangulo ni Estrada, si Edgardo Angara.[7] Nagsimula ang termino ni Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Hunyo 30, 1998, Siya ay tinalaga ni Estrada na maging Kalihim ng Kagawaran ng Pangangalagang Panlipunan at Pagpapaunlad.[6] Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, upang ilayo ang kanyang sarili mula kay Estrada, na inakusahan ng korupsyon ng kanyang dating tagasuporta sa pulitika na si Chavit Singson, Punong lalawigan ng Ilocos Sur.[8] Noong una ay hindi pa nagsasalita si Arroyo laban kay Estrada, subalit dahil sa mga kaalyado nito, ay sumalina rin ito sa panawagang magbitiw si Estrada sa pwesto. [baguhin]Pagkapangulo

Noong Enero 20, 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pulitikal at malawakang pag-aaklas, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang suporta para kay Estrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr. Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal ng pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon.. Noong Marso 2, 2001, ang Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.

You might also like