P. 1
El Filibusterismo Deciphered Kabanata 22 - Ang Pagtatanghal

El Filibusterismo Deciphered Kabanata 22 - Ang Pagtatanghal

|Views: 11,193|Likes:

More info:

Published by: Daniel Mendoza-Anciano on Jan 20, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF or read online from Scribd
See more
See less

12/02/2014

pdf

INCOMPLETE and UNCORRECTED PROOF Kabanata 22 Ang Pagtatanghal

Ang anyo ng dulaan ay buhay na buhay; punung-puno ang entrada genera (general admission), sa mga daanan ay nakikita ang maraming mga tao na nakatayo, nagkakahirap sa pagtataas ng ulo o makasilip man lamang sa pagitan ng isang leeg at isang tainga. Ang mga palkong walang takip, na ang karamihan ay puno ng mga babae, ay nag-aanyong basket ng bulaklak, na ang mga talulot ay pinagagalaw ng mahinang simoy (ang tinutukoy namin ay ang mga pamaypay)1 at doo·y nagbubulungan ang libu-libong bubuyog.2 Sa dahilang may mga bulaklak na masasarap o matitindi ang amoy, mga bulaklak na pumapatay at mga bulaklak na nakaaaliw, sa mga basket ng ating dulaan ay nasasamyo rin ang mga gayong amoy, nakakadinig ng mga salitaan, usapan, mga salitang sumisigid at ngumangatngat.3 May tatlo o apat na palko lamang ang walang laman, kahi·t napakagabi na;4 ikawalo·t kalahati ang takdang pagsisimula ng palabas, nguni·t kulang na lamang ng labinlimang minuto sa ikasiyam ay hindi pa itinataas ang tabing sapagka·t ang Kapitan Heneral ay hindi pa dumarating.5 Ang mga nasa entrada general, inip na·t

MGA PALIWANAG Para sa kapakinabangan ng mga nag-aaral sa kabanatang ito ay inaanyayahan ko po kayo na basahin ang synopsis ng Les Cloches de Corneville sa wikipedia. Ito ay upang higit makita sa tamang konteksto ang pagtatanghal na iikutan ng kabanata. http://www.oldandsold.com/opera/opera-44.shtml 1 Sa bahaging ito ay pasisimulan ni Rizal ang mga luntian pagbibiro na may pasaring na sekswal. 2 Ang mga bubuyog ay ang mga lalaki na nakatingin sa mga babae na nasa palko (theater box) na parang mga bulaklak na nakaipon sa basket. Ang kanilang bulungan ay katulad sa huni ng mga bubuyog

3 Depende sa uri (ganda at ugali) ng bulaklak/babae ang bulungan na ibinigay ng mga bubuyog/lalaki. 4 Sa pag-unawa ng kabanatang ito ay napakahalaga na bantayan ang mga tao na ookupa sa mga palko na wala pang laman sa mga sandaling iyon. 5 Hindi nagsisimula kapag wala ang mahalagang tao.

sikip sa kanilang mga uupan , ay nanggugulo na·t nag-iingay sa kapapadyak at kapapalo ng mga tungkod sa tuntungan.6 ´Bum, bum, bum! Buksan na ang tabing! Bum, bum, bum!µ7 Ang mga artilyero ay siyang lalong maiingay. Ang mga kaagaw ni Marte, gaya ng tawag sa kanila ni Ben-Zayb, ay hindi nasisiyahan sa tugtuging ito;8 sapagka·t inaakala marahil na sila·y nasa isang plaza de toros,9 ay binabati ang mga babaing magdaan sa kanilang harap ng mga salitang dahil sa pagbaligtad na banggit ay tinatawag na bulaklak sa Madrid, gayong kung minsan ay nangahahawig sa umaalingasaw na basura. 10 Hindi pinapansin ang mga pagalit na tingin ng mga asawa at ipinahahayag nang malakas ang mga damdamin at mga pagnanasang pinabubukal sa kanilang kalooban ng gayong karaming kagandahan«11 Sa mga butaka, na waring kinatatakutang babaan ng mga babae, sapagka·t wala roon ni isa man sa kanila, ay naghahari ang isang bulungbulungan.12 Tawanang pinipigil, sa gitna ng ulap na usok«13 Pinagtatalunan

6 Pansinin na ipinararamdam ni Rizal ang inkonbinyensiya ng mga karaniwang tao. 7 Ang pagpalo ng mga karaniwang manonood sa sahig ng dulaan ay isang pagpapakita ni Rizal na kahit bahagya ay mayroong pagkilos ang mga ito sa harapan ng nararamdaman nilang diskontento. 8 Ipinapakita rito ang kawalan ng disiplina ng mga sundalo na kabilang sa lahing Espanyol. 9 Higit na ipinakita ni Rizal sa isang hindi halatang paraan ang kawalan ng kultura ng mga kawal na purong Espanyol, ito ay dahilan sa hindi nila magawang idistingge ang pagkakaiba ng teatro at plaza de torro. Sa kabilang dako may katotohanan ang bahaging ito ng sinasabi ni Rizal, ito ay sa dahilang ang Teatro de Variedades bago maging isang tanghalan ay dating plaza de torro. 10 saludaban á las señoras que pasaban delante de ellos con frases que por eufemismo se llaman en Madrid flores cuando á veces se parecen á humeante basura ² dito ay makikita na talagang ang bulaklak na ginamit ni Rizal ay mayroong ibang pakahulugan. 11 Bastos ang mga kawal Espanyol, kahit na kasama pa ang asawa ay ipinararating sa malaswang salita ang kanilang nararamdaman para sa mga babae. Kung sa ating panahon ay maririnig ang mga sinasabi ng mga lalaki ay masisigawan silang mga maniac. 12 Ang butaka ay reserbadong stall sa tanghalan para sa mga kalalakihan. Pansinin na ang naghahari ay isang bulungbulungan o mayroong mga sikretong pinaguusapan.

ang kahusayan ng mga artista, pinag-uusapan ang mga iskandalo,14 na ang Heneral ay nakipagkagalit sa mga prayle, na kung ang pagdalo ng Heneral sa palabas na iyon ay isang paghamon o isang pag-uusisa lamang, ang iba ay hindi ito ang iniisip, kundi, ang akitin ang paningin ng mga babae sa tulong ng pag-upong mabikas, na wari·y mga istatwa, at pinagagalaw ang mga suot na singsing, lalung-lalo na kung inaakalang sila·y tinutudlaan nang walang humpay na katitingin ng isang largavista;15 ang iba·y bumabati sa gayong babae o binibini, na iniyuyuko nang kaunti ang ulo, samantalang ibinubulong sa kalapit na: ´Kakutya-kutya! Nakakainis!µ16 Ang babae·y sasagot sa pamamagitan ng lalong masarap niyang ngiti at isang kalugod-lugod na galaw ng ulo, at bubulong sa kaibigang nakikisangayon, sa pagitan ng dalawang galaw na banayad ng pamaypay, na: ´Napakamahangin! Nababaliw sa pag-ibig.µ17 Samantala nama·y dumadalas ang kapapalo: bum, bum, bum! Tok, tok, tok! Wala nang natitirang walang laman kundi dadalawang palko at ang sa Heneral na naiiba dahil sa mga kurtinang pula.18 Ang orkestra ay tumugtog ng isa pang balse, ang taong naroroon ay tumututol; mabuti na lamang at dumating ang isang maawaing magiting na nakalibang sa madla·t nakapagligtas sa may-ari ng palabas;19 isang ginoong umupo sa isang butaka

13 Ang mga lalaki sa butaka ay labis na naninigarilyo o nanabako. 14 Pinag-uusapan ng mga lalaki ang kahusayan ng mga artista at mga eskadalo. May pahiwatig rito na may serbisyong sekswal ang mga artistang Pranses sa mga Espanyol sa Maynila. (Balikan ang Kabanata 21 ukol sa kontrabersiya na nilikha ng pagtatanghal na ito.) 15 Ang lalaking ito ay nagpapa-kyut kaya pumunta sa tanghalan at feeling pogi. 16 Ang nasa lalaki sa butaka ay bumabati at yumuyukod ² samantalang ang nasa isip ay napakapanlait sa babae. 17 Ang babae ay magiliw sa pagtugon ² subalit nilalait ang lalake na nasa butaka. Kung magkaganoon ang dalawang inilalarawan rito ni Rizal ay mayroong Mutual Misunderstanding. 18 Dalawang palko na lamang ang walang laman at ang palko ng Kapitan Heneral na hindi pa rin dumarating. 19 Isang kaugalian na makikita rito ay ang kawilihan ng mga Espanyol na manood ng iba pang palabas, maliban sa palabas sa tanghalan. Maiiintindihan ito ng mga

at ayaw tumindig nang dumating ang may-ari ng upunan, na dili iba·t ang mapagbulay-bulay na si Don Primitivo.20 Nang makita ni Don Primitivo na hindi makahinuhod sa taong iyon ang kanyang pangangatwiran ay tinawag ang taga-ayos. ´Ayokong tumindig!µ ang tugon ng magiting na lalaki na hinihitit na payapang-payapa ang kanyang sigarilyo. Ang taga-ayos ay lumapit kasama ang namamahala. ´Ayokong tumindig!µ ang ulit at nagpakabuti sa pagupo. Ang namamahala·y umalis samantalang ang mga artilyero sa entrada ay sabay-sabay na umaawit ng: ´Sa hindi! Sa oo! Sa hindi! Sa oo!µ Ang taong iyon, na napuna ng lahat, ay nag-akalang ang pag-urong ay ikabababa niya, kaya·t kumapit sa silya, samantalang inuulit ang kasagutan sa dalawang veterena na tinawag ng namamahala. Alang-alang sa tinataglay na katungkulan ng naglalaban ay tinawag ng mga bantay ang kabo, samantalang ang lahat ng taong naroroon ay nag-ukol ng matinding palakpakan at pinupuri ang katigasan ng ginoong iyon, na patuloy rin sa pagkakaupo na wari·y isang senador na Romano.21 Narinig ang paswitan at galit na lumingon ang ginoong may matigas na kalooban sapagka·t inakalang siya ang sinusutsutan; nadinig ang takbuhan ng mga kabayo, naramdaman ang kilusan; ang sino man ay mag-aakalang sumabog ang isang himagsikan o kung di man, ay isang pagkakagulo; hindi, inihinto ng orkestra ang balse at tinugtog ang marcha real; ang marangal na Kapitan Heneral at Gobernador ng Sangkapuluan ang dumarating; hinanap siya ng lahat ng mata, sinundan siya ng tingin, nawala, at sa kahuli-hulihan ay natanaw sa kanyang palko, at, matapos na makatingin sa lahat ng pook at magawang mapalad ang ilan sa pamamagitan ng isang makapangyarihang bati, ay umupo na wari·y isang tao sa ibabaw ng isang silyon na nag-aantay sa kanya. Saka pa lamang huminto ang mga artilyero at tinugtog ng orkestra ang pasimula.22
nanonood ng sine na nasa balcony na dalawa ang pinanood ² ang palabas sa screen at ang palabas sa dakong likuran ng balcony. 20 Si Don Primitivo ay isa sa mga tauhan ni Rizal sa Noli Me Tangere na mahilig magsalita ng Latin. 21 Halimaw sa katigasan ang lalaki, pansinin na pataas na ng pataas na ang ranggo ng mga lumalapit sa kaniya para paalisin siya sa puwesto. Ilegal nga niyang inupuan ang puwesto, pero ayaw pa ring umalis. Ang pagpapaalis sa isang mataas na puwesto sa pamahalaan ay isang eksenang masarap na panoorin. Tama ba ako sa aking anotasyon kaibigang (CJSC) Coronado Justonato Santo Cristo? 22 Makikita rito ang kahusayan ni Rizal sa paggawa ng eksena sa pamamagitan ng isang manonood na ayaw umalis ng kaniyang upuan kahit na nilapitan ng mga matataas na tao ay ginamit ni Rizal na isang mahusay na eksena para sa pag-entrada ng Kapitan Heneral sa tanghalan (Nota: subalit mayroon pa ito malalim na simbolismo

Ang ating mga nag-aaral ay nasa isang palkong katapat ng kinalalagyan ng mananayaw na si Pepay. Ang palkong ito·y handog ni Makaraig, na nakipag-alam na sa babae, upang mapalambot si Don Custodio.23 Nang hapong iyon ay sumulat si Pepay sa bantog na ponente, na nag-aantay ng kasagutan at tinipanang magtagpo sila sa dulaan. Dahil dito, kahit na labis na nilabanan ni Don Custodio ang operetang Pranses, ay naparoon din sa dulaan,24 bagay na naging sanhi ng mga pasaring na pinatatama sa kanya ni Don Manuel, ang kanyang malaon nang kalaban sa mga pulong ng Ayuntamyento. ´Naparito ako upang hatulan ang opereta!µ ang tugon, na wari·y isang Caton (si Caton ay bantog na manunuri) na nasisiyahan sa sariling budhi. Si Makaraig nga ay nakikipagpalitan ng tingin kay Pepay, na ang ibig sabihin ng babae ay mayroong ipababatid; at sa dahilang masaya ang mukha ng mananayaw ay sinasapantaha na ng lahat na ang tagumpay ay napagtibay na. Si Sandoval, na kababalik pa lamang na galing sa pagdalaw sa ibang palko ay nagpatibay na ang kapasyahan ay naging sang-ayon, at nang hapon ding yaon ay sinuri ng kataas-taasang lupon at sinang-ayunan. Pawa ngang kagalakang lahat; maging si Pecson ay nakalimot sa kanyang pagiging pesimistiko dahil sa nakikita na si Pepay ay nakangiting ipinakikita ang isang sulat; si Sandoval at si Makaraig ay kapwa nagdudulutan ng maligayang bati, si Isagani lamang ang natitirang malamig at bahagya nang mangiti. Ano ang nangyayari sa binata?25 Nang pumasok si Isagani sa dulaan ay nakita si Paulita sa isang palko at kinakausap ni Juanito Pelaez. Siya·y namutla·t sinapantahang siya·y nagkamali. Nguni·t hindi, sadyang ang binibini ang naroroon na bumabati sa kanya ng isang masarap na ngiti samantalang ang magagandang mata·y waring humihinging-tawad at nangangakong isasaysay ang sanhi noon. Sadya ngang silang dalawa·y nagkasundo, na si Isagani muna ang papasok upang
- Ano kaya ang hinihintay ng taong iyon ayaw umalis ng upuan sa tanghalan ² impeachemt?) 23 Naglalaro kaya ng salita si Patricio Mariano sa pagsasalin na ito? Ano ang palalambutin ni Pepay kay Don Custodio? Siyempre, ang matigas na paninindigan ng lalaki. 24 Makikita rito ang inpluwensiya ng kabit ng isang mataas na opisyal sa paninidigan nito. 25 Malalaman natin sa pagkakataong ito ang nasa likod ng paglikha ni Rizal sa pagiging tahimik ni Isagani sa kabila ng pakiramdam na pagtatagumpay ng kanilang mga adhikain.

tingnan kung sa palabas ay walang anumang hindi nararapat mapanood ng isang binibini, at saka ngayon ay natagpuan doon na kasama pa naman ng kanyang kaagaw. Ang dumanas sa kaluluwa ni Isagani·y hindi maisasaysay: galit, panibugho, pagkaduhagi, pagdaramdam, ang bumayo sa kalooban ng binata; may sandaling ninasa na ang dulaan ay gumuho; tinangkang humalakhak nang malakas, alimurahin ang kanyang iniibig, hamunin ang kanyang kaagaw, gumawa ng gulo, nguni·t ang nayari sa kanyang loob ay ang umupong dahan-dahan na lamang at huwag tingnan ni minsan ang binibini. Nadidinig ang mga munakala nina Makaraig at Sandoval nguni·t waring sa kanya·y malalayong alingawngaw ang gayon; ang mga himig ng balse ay waring malulungkot at nakahahambal sa ganang kanya; ang mga naroroon ay pawang hunghang at baliw, at makailang kinailangan niya ang magpigil upang maimpit ang pagluha. Bahagya na niyang napuna ang nangyari sa ginoong ayaw tumindig sa butaka at ang pagdating ng Kapitan Heneral; ang tinatanaw niya ay ang tabing ng paglalabasan na may pintang anyong daanan, sa pagitan ng malalaking tabing na mapupula, na tanaw sa isang halamanang sa gitna·y may daluyan ng tubig. Gaano kalungkot sa wari niya ang daanang iyon, at gaano kalamlam ang anyo ng tanawin! Libu-libong pagbubulay na walang linaw ang sumisipot sa kanyang alaala, na wari·y malalayong ulinignig ng tugtugang nadidinig sa kinagabihan; wari·y himig ng ulilang kagubatan at mapapanglaw na batisan, mga gabing may buwan, sa tabi ng dagat na nalalatag nang buong kalaparan sa harap ng kanyang paningin« At ang umiibig na binatang nagaakalang napakasawing-palad niya ay tuminga-tingala sa bubungan upang ang mga patak ng luha·y di makapulas sa kanyang mga mata.i Isang matinding palakpakan ang nakapukaw sa kanyang pag-iisip.26 Kabubukas pa lamang ng tabing, at naharap sa kanyang mga mata ang masayang pulutong ng mga taong bukid sa Corneville na nangakasuot ng gorang bulak at mabibigat na bakyang kahoy ang nasa paa. Ang mga babae,
i Sa kabuuan ng mga pagdiriwang ng mga mag-aaral sa inaakalang tagumpay ng kanilang adhikain ay nag-iisa at malungkot si Isagani, ito ay dahilan sa pagdaramdam ng selos sa posibilidad na kataksilan ng kaniyang kasintahan. Sa kabilang dako, hindi kaya ang bahaging ito ay sinusulat ni Rizal sa panahon na alam na niya na ang kaniyang kasintahan na si Leonor Rivera ay ikakasal kay Henry Kipping. Higit sa lahat sa isang mga account (Zaide) ay sinasabing sa isang tanghalan nawala ang locket ni Rizal na nagtataglay ng larawan ni Leonor Rivera na signos ng pagpapakasal ng babae sa dayuhang manliligaw. 26 Makikita rito ang lupit na gumawa ni Rizal ng eksena, iiyak na si Isagani, subalit ang kaligiran siya ay pinapalakpakan. Kung ang magiging pelikulang muli ang El Filibusterismo, ang isang mahusay na direktor ay hindi mahihirapan pagandahin ang eksena, ito ay dahilan sa mismong si Rizal ang gumawa na ito ay maging isang mahusay na pagtatanghal.

mga anim o pitong dalaga, na may pahid na pula sa mga pisngi·t labi, may malaking guhit na itim sa paligid ng mata upang lalong pakinangin ito, ay nagpapamalas ng kanilang mapuputing bisig, mga daliring puno ng brilyante at mga hitang mabibilog na waring hinubog.27 At samantalang inaawit ang mga salitang Normando na allez, marchez! allez, marchez (tayo na, lakad na) ay nangakangiti nang tiyakan sa mga nasa butakang umiirog sa kanila, kaya·t matapos na makatingin si Don Custodio sa palko ni Pepay, na wari·y ibig mapatunayang hindi ito gumagawa ng gayon din sa ibang nangingibig,28 ay itinala sa kanyang sulatan ang kahalayang iyon, at upang lalo pang mapatunayan ay iniyuko pa nang kaunti ang ulo upang makita kung ang ipinatatanaw ng mga artistang babae ay umaabot hanggang tuhod.29 ´Oh, ang mga Pransesang ito!µ ang kanyang bulong, samantalang ang kaniyang imahinasyon ay nagbubuko ng mga pagpaparis-paris at proyekto sa isang dakong mataas-taas pa nang kaunti.30

27 Ang pambungad na pagtatanghal ng operetta ay mapapanood sa youtube at inilagay ng nagsasaliksik anng lin na ito upang magkaroon tayo lalo ng higit na pagkakaintindi sa mga eksena na nais ni Rizal na ipabatid sa kaniyang mga mambabasa. http://www.youtube.com/watch?v=Dzykgnk-yHw 28 Sa pamamagitan nito ay kinukumpirma ni Rizal sa nobela ang posibilidad ng mga sekswal na ugnayan ng ilang mga artistang Pranses na babae at ng mga mayayaman at mga makapangyarihang lalake sa Maynila. Maaring hindi nakarating sa Maynila ang operetang La Cloches de Corneveile, subalit mahihinuha na binunot ni Rizal ang ilang mga binabanggit na iskandalo sa ibang mga lokal na artistang babae sa kaniyang kapanahunan. 29 Halimaw talaga sa paglalarawan si Rizal. Pansinin na tiningnan niya ang kaniyang kabit na si Pepay, pagkatapos ang mga artistang Pranses at isinulat ang mga kahalayan na kaniyang naoobserbahan sa pagkatapos ay yumuko pa para tingnan pa o panoorin kung may mga kahalayan na ipakikita pa ang mga artista. (si Don Custodio ay maituturing na awtoridad sa larangan ng kalaswaan na ang pinakamahusay na patunay ay ang mananayaw na si Pepay). 30 ³¡Oh, estas francesas! murmuró mientras su imaginacion se perdía en consideraciones de un grado más elevado y hacía comparaciones y proyectos. Nagandahan si Don Custodio sa mga babaeng artista. Mapapansin ito sa pagkakabigkas niya ng Ohhh! Ang pagpaparis-paris ay maaring kay Pepay (na tinitingnan niya kanina) at sa mga artista at saka gumawa ng isang mataas na panukala. Katulad ng isang lalaki bago sa isagawa ang kaniyang pagpapaligaya sa sarili ay pumipili ng larawan ng isang magandang babae at inilalagay sa imahinasyon ang katawan ng isang babae na pagpaparausan ng kaniyang mga proyekto.

´Quoi v·la tous les cancans d·la s-maine«! ang awit ni Gertrude, isang magandang dalaga na sumusulyap ng makahulugang sulyap sa Kapitan Heneral.31 ´Makakakita tayo ng cancan!µ ang bulalas ni Tadeo, ang nakakuha ng unang gantimpala sa Pranses sa kanyang klase at nakaulinig ng tinurang salita. ´Mangagsasayaw ng cancan, Makaraig.µ32 At masayang pinagkumos ang kanyang mga kamay.33 Sapul nang itaas ang kurtina ay hindi inintindi ni Tadeo ang tugtugin; wala siyang hinahanap kundi ang maiskandalo, malaswa at imoral na mga kilos at pananamit, at sa tulong ng kaunting Pranses na kanyang nalalaman ay tinatalasan ang pandinig upang di mapalampas ang mga malalaswang pananalita na ipinamamalita ng mahihigpit na censura ng bayan.34 Si Sandoval, nagsasabing mabuti siya sa Pranses, ay naging wari·y tagasalin ng kanyang mga kaibigan. Gaya rin ng nalalaman ni Tadeo ang kanyang abot, nguni·t malaki ang naitutulong sa kanya ng mga salaysay ng

31 Quoi v·la tous les cancans d·la s-maine«! Ipinahiwatig rito na totoo ang mga bulung-bulungan ukol sa Kapitan Heneral at sa mga artistang Pranses. Pansinin na sa pag-awit ni Gertrude ay tumingin ng makahulugan sa Kapitan Heneral. Ang Pranses na parirala sa bahaging ito kung isasalin ay ´Ano ang lahat ng mga chismis dito sa Maineµ ² nais din kaya ni Rizal na ipahiwatig rito ang Ano ang lahat ng mga chismis dito sa Manila. 32 Nang marinig ni Tadeo ang salitang cancan sa awit ni Gertrude ay hindi niya naiintindihan na ang kahulugan nito ay chismis ² ang nasa isip niya ay ang sayaw na cancan kung saan kung saan ang mga mananayaw ay sabay-sabay na isisipa ng mataas at malalantad ang kanilang mga binti. http://www.youtube.com/watch?v=bAtIyMb6yuE http://www.britannica.com/EBchecked/topic/92194/cancan Subalit sa pag-aaral ng salitang cancan ay mayroong dalawang pakahulugan sa nobelang ito. Ang maling akala ni Tadeo na ang cancan ay isang malaswang sayaw at ang higit sa lahat ² ang tunay na cancan ay mauunawaan ninyo sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kabanatang ito. 33 Isang aksiyon na nagpapahiwatig ng labis na pananabik na makapanood ng cancan. 34 Ipinapakita rito na ang sensura ng pamahalaan ay higit na nagbibigay daan sa pagiging mausisa ng karaniwang mamamayan.

katuturan na inilathala ng mga pahayagan, at ang iba pa·y natakpan na ng sarili niyang palagay.35 ´Oo,µ anya, ´mangagsasayaw ng cancan at ang babae ang siyang mangunguna.µ 36 Si Makaraig at si Pecson ay humanda na sa pakikimatyag at nangakangiti na hindi pa man.37 Si Isagani·y sa ibang pook tumingin, nakukutyang si Paulita ay nakadalo sa gayong pagtatanghal, at iniisip na dapat hamunin ng patayan, kinabukasan, si Juanito Pelaez. Nguni·t walang napala sa kaaantay ang ating mga binata.38 Dumating si Serpolette, isang kaiga-igayang dalaga, na taglay rin ang gorang bulak, na nanghahamon at matapang« ´Hein! Qui parle de Serpolette?µ39 ang tanong sa mga dalahira, at ang kamay ay nasa baywang at ang asta·y matapang. Isang ginoo ang pumalakpak at pagkatapos ay sumunod ang lahat ng nasa butaka: Si Serpolette, kahit hindi iniiwan ang anyo niyang makisig na babae, ay tumingin sa unang pumalakpak at ginanti ito ng isang ngiti, na nagpakita ng maliliit niyang ngipin na wari·y isang collar na perlas na nakasilid sa isang lalagyang tersiyopelong pula. Sinundan ni Tadeo ang tingin at nakita ang isang ginoo, na may

35 Isang lihim na payo ni Rizal kung papaano mauunawaan ang mga nilalaman ng kabanatang ito kahit hindi ganap ang kaalaman sa wikang Pranses. Kailangan na maunawaan ang synopsis ng operetang Cloches de Corneville at ng sarili nitong palagay. 36 Walang sapat na kaalaman si Sandoval sa wikang Franses subalit alam ang mga kwento ng palabas dahilan sa binasa niya ang ang mga sinopsis nito sa pahayagan. Kaya sa wakas ay naging magkatulad sila ng paniniwala ni Tadeo na ang mga artistang Pranses ay magsasayaw ng cancan. 37 Inaanyayahan ko po kayo na matyagan ang usapan nina Pecson at Makaraig sa panahon na hininintay nila ang maaring paglabas ng cancan. 38 Sorry na lang ² walang dumating na sayaw na cancan 39 Hoy! Sino ang nagsasabing Serpolette ² ito ang binigkas ni Serpolette sa tagpo ng pagtatanghal dahilan sa inabutan niya na pinag-tsismisan siya ng kaniyang mga kababayan.

balatkayong misay at may isang napakahabang ilong. ´Voto al chapiro ! anya, ´si Irenillo!µ40 ´Oo,µ ang putol ni Sandoval, ´nakita ko sa loob, na kausap ng mga artistang babae.µ Siya nga, si Padre Irene, na isang mahilig sa musika at may kahusayan sa wikang Pranses, ay pinaparoon ni Padre Salvi sa dulaan, na wari·y isang pulisya-sekreta ng relihiyon; gayon ang kanyang sabi sa mga taong sa kanya·y nakakilala.41 At gaya ng mabubuting manunuri na hindi nasisiyahang tingnan mula sa malayo ang mga bagay-bagay, ay tinangka niyang siyasatin sa malapit ang mga artista; nakihalo sa pulutong ng mga manliligaw at makikisig, pumasok sa bihisan na pinagdadausan ng mga satsatan, at ang wikang Pranses na ginagamit ay papilipit, Pranses-palengke, salitang malinaw na malinaw sa babaing nagtitinda, kailan ma·t ang mamimili ay laan sa pagbabayad ng malaki.42 Si Serpolette ay nalilibutan ng dalawang makiyas na opisyal, ng isang mandaragat at ng isang abugado,43 nang makitang susubuk-subok at pumapasok sa lahat ng pook at mga puwang ang isang mahabang ilong na waring sa tulong noon ay sinisiyasat ang mga kababalaghan ng palabasan. Pinigil ni Serpolette ang pagsasalita, ikinunot ang kilay, itinaas, binuksan ang bibig, at dala ang kaliksihan ng isang Parisien ay iniwan ang mga humahanga sa kanya at tinakbong wari·y isang torpedo ang ating inbestigador.
k

40 Voto al Chapiro ² isang ekspresyong Espanyol na pagpapahayag ng pagkamuhi/galit na nabitiwan ni Tadeo, ng makilala niya ang lalaking unang pumalakpak kay Sarpolette ² si Padre Irene. Pansinin ang pagkakagawa ni Rizal ng eksena sa kabanatang ito. Nagtanong si Serpolette at ang paglitaw ni Padre Irene na kaniyang tiningnan. http://www.wordmeaning.org/spanish/ch%E1piro.htm k Ang mga bahaging ito ay isang flashback bago magsimula ang pagtatanghal, kung saan nagtagpo sina Padre Salvi at Serpolette. 41 Hindi pinapunta ni Padre Salvi si Padre Irene, iyon lamang ang kaniyang sinasabi kung may makakilala sa kaniya. 42 Isang pahiwatig na ang mga manliligaw ay nandoon sa bihisan at sa tulong ng kanilang limitadong alam sa francés de tienda ay upang mamili ng mga babaeng artista. 43 Ang mga ito ay mga nais na makabili kay Serpolette.

´Tiens, tiens, Taouteu! Mon lapin!µ44 ang bulalas na hinawakan sa bisig si Padre Irene at masayang inalug-alog ito samantalang ipinaiilanlang sa hangin ang kanyang mataginting na tinig. ´Chut, chut!µ makapagkanlong. ang sabi ni Padre Irene na nagpupumilit

´Mais, camment! Toi isi, grosse bete! Et moi qui t·croyais«45 ´ ¶Fais pas d·tapage, Lily! Il faut m·respecter ¶suis icl l·Pape46 Lubhang naghirap muna si Padre Irene bago napahinuhod ang babae. Ang masayang si Lily ay lubhang namamangha sa pagkakatagpo sa Maynila sa isang dating kaibigan na nagpapaalaala sa kanya ng mga coulisses (lagusan) ng dulaan ng Grande Opera. At iyon nga ang dahil kung kaya·t si Padre Irene, sa pagtupad sa kanyang katungkulang pagiging kaibigan at pagkamanunuri, ay nagsimula ng isang palakpak upang mapalakas ang loob ng babae: karapat-dapat naman si Serpolette sa gayon.47

44 Kamusta na aking KUNEHO ² pansinin na iniwan ni Serpolette ang mga nangliligaw sa kaniya para harapin si Padre Irene na sinabihan niyang Aking Kuneho ² ang kuneho ay kilala na sa kapanahunang iyon dahilan sa nakatutuwang konotasyong sekswal, katunayan ang ulo ng kuneho ang ginamit na logo ng Playboy Magazine http://www.ehow.com/how-does_4566896_rabbits-mate.html . 45 Mais, camment! (Mais, comment) - Paano nangyari iyon/ Toi isi, (Toi ici) at narito ka /grosse bete! (malaking hayop-) / Et moi qui t·croyais ² (hindi ako makapaniwala). Lumilitaw na dati ng magkakilala na sila Padre Irene at Serpolette. Muli silang nagtagpo sa Maynila. Kilala ni Serpolette ang malaking kahayupan (malaking kuneho) ni Padre Irene noong sila ay magkakilala pa sa Paris. Mapansin sana na kahit na maraming nanliligaw o nag-aalok kay Serpolette ay iniwan niya ang mga ito. Hindi makapaniwala si Serpolette na muling matatagpuan ang isang kaligayahan na kaniyang naranasan at hinahanap-hanap niya at dito pa sa Maynila. 46 Fais pas d·tapage, Lily! (huwag kang manligalig, Lily) /Il faut m·respecter (dapat mo akong igalang) /¶suis icl l·Pape (Ako ang Papa) Tandaan na kaya naging bulgar sa pag-uusisa si Serpolette kay Padre Irene ay dahilan sa ito ay nakasuot ng karaniwan at walang abito. 47 Ito ang dahilan kung bakit pumalakpak si Padre Irene kay Serpolette. Mahusay na umarte ang babae at nanahimik sa kanilang dating relasyon sa lagusan ng mga tanghalan sa Paris. Maarin rin na ang palakpak ni Padre Irene ay para iparamdam kay Serpolette na siya ay nasisiyahan sa mga naging performance ng artistang Pranses sa lagusan ng mga tanghalan sa Paris.

Samantala·y inaantay ng ating mga binata ang cancan; si Pecson ay nagkakandidilat, nakita ang lahat ng bagay, ang cancan lamang ang wala.48 Nagkaroon ng isang sandali na kung hindi dumating ang isang taong may katungkulan ay magpapanuntukan na sana ang mga babae, mangagsasabunutan, dahil sa udyok ng mga taong nag-aantay,49 gaya ng ating mga nag-aaral, na makakita ng higit pa kaysa isang cancan.50 Scit, scit, scit, scit, scit, scit, Disputez-vous, battez-vous Scit, scit, scit, scit, scit, scit, Nouns allons compter les coups.51 Ang tugtugin ay huminto, nangagsialis ang mga lalake, unti-unting bumalik ang mga babae at nagsimula sila sa isang pag-uusap na walang nalinawang ano man ang ating mga kaibigan. Ang pinag-uusapan ay pagsira sa usapan ng isang hind nakarating.52 ´Animo·y mga makaw na magpapansit!µ ang sabing marahan ni Pecson.53
48 Kawawang mga estudyante ng Maynila na umaasa na makakapanood sila ng cancan/kahalayan. Wala silang nakitang kahalayan o kabastusan sa palabas ² sapagkat ang mga kahalayan at kabastusan ay lihim na nakatago sa kanilang mga mata at higit sa lahat ay nakatago sa nobelang ito na kinabibilangan nila. 49 Pansinin na ang may gawa upang magkagulo ang mga babae ay ang mga paisano (sa textong Espanyol) o mga karaniwang tao na ito ang mga nakita ni Conconicido na pumasok sa tanghalan na masama ang pagkaka-suot ng amerikana. 50 Hindi alam ng mga manonood, lalo na ng mga estudyante ang maaring isang malaking kasakunaan na magaganap sa tanghalan. Tandaan sana ang sinabi ni Simoun kay Basilio sa libingan na ´Ilang bese kong tinangka na patayin ang inyong mga Isagani at Makaraigµ. 51 Para sa kapakinabangan nating hindi nakapanood ng aktwal na pagtatanghal ay inaanyayahan ko kayo na panoorin ang link na ito sa youtube. http://www.youtube.com/watch?v=Dzykgnk-yHw sa time magsimula sa 5:25 at kung isasalin ng malaya ay mapapansin ang mga salitang sumusunod sa ´Scit, scit, scit, scitµ ay lilitaw na ´Do you dispute, fight,µ at ´Now we are going to count the strokesµ Napakalahalaga ng awitin na ito sa kabanata ² lumilitaw na ito ay isang senyales sa gagawing pagpapasabog ng mga tauhan ni Simoun sa tanghalan. 52 Pansinin na ang mga di kilalang tao sila ang unang nag walk-out sa tanghalan dahilan sa hindi pagdating ng taong inaasahan nila. 53 Maaring isang karanasan sa mga pansiteria kung saan ang mga parokyano ay gutom na gutom pero hindi niluto ang pagkain na kanilang gustong makain.

´At ang cancan?µ ang tanong ni Makaraig.54 ´Pinagtatalunan ang pook na lalong bagay na pagsayawan!µ ang tugong walang katawa-tawa ni Sandoval.55 ´Animo·y mga makaw na magpapansit!µ ang ulit ni Pecson na masama ang loob.56 Isang babaing kasama ang asawa ay pumasok nang mga sandaling iyon at lumuklok sa isa sa dalawang palkong walang laman.57 Ang galaw ay waring reyna at tinitingnan nang pawalang-bahala ang buong salas na waring ang ibig sabihin ay: ´Nahuli pa ako kaysa inyo, talaksan ng mga tiwali at malalayo sa tungo ng kampana, dumating akong huli pa kaysa inyo.µ Tunay nga, may mga taong pumaparoon sa mga dulaan na kagaya ng mga burro sa takbuhan: nananalo ang huling dumating. 58 Nakakakilala naman kami ng mga taong lubhang matitino na aakyat na muna sa isang bibitayan kaysa pumasok sa loob ng dulaan bago magsimula ang unang bahagi.59 Nguni·t ang katuwaan ng babai·y hindi nagluwat; nakita ang isang palko na wala pang laman; ikinunot ang kilay at kinagalitan ang kanyang mahal na kabiyak

Maaring ginamit ni Rizal na tagapagsalita si Tadeo ng mga nasa sa loob ng mga tulisan na magpapasabog ng tanghalaan. 54 Tinatanong ni Makaraig ang cancan o ang malaswang sayaw na kanilang inaasahan. Ang pagtatanong naman na iyon ni Makaraig ay maibabato sa lihim na usapan ng mga lihim na tauhan ni Simoun sa bomba na kanilang dapat na pasasabugin sa tanghalan. Isang pagbibiro sa kasaysayan na noong mga unang taon ng 1970·s ang mga malalaswang palabas sa mga sinehan ay tinawag na BOMBA FILM. 55 Isang palusot ni Sandoval na kaya hindi lumabas ang cancan ay dahilan sa naghahanap ng tamang lugar at pagkakataon. Sa pagkakataong ito ay ginamit ni Rizal si Sandoval sa mga nasa isip ng tauhan ni Simoun ² na nagbibigay ng hustipikasyon sa hindi pagkakatuloy ng pagpapasabog sa tanghalan. 56 Pansinin ang muling pag-ulit ni Pecson ay siyang niyang pagpapahayag ng kaniyang diskontento. Pansinin na sa una ay marahan (hindi naririnig o naiintindihan ng iba) samantalang sa ikalawa ay mayroong emosyon ng sama ng loob. 57 Isang palko na lamang ang natitira na hindi naookupahan. 58 Isang pang-iinis ni Rizal sa mga tao na dumarating ng huli sa mga takdang oras ng usapan. 59 Parunggit sa mga prayle.

at nag-ingay nang di gayon na lamang, kaya·t ang maraming naroon ay nangayamot.60 ´Sss! Sss!µ ´Ang mga hangal! Wari·y marurunong ng Pranses!µ61 anang babae na tumingin nang lubos na paalipusta sa lahat ng dako at tumitig sa palko ni Juanito, na sa akala niya·y doon nadinig na nagbuhat ang isang walang pitagang sss.62 Sadya ngang si Juanito ay may kasalanan; sa simula pa·y kunwaring nauunawa niyang lahat at umaastang ngumingiti, tumatawa at pumapalakpak ng tama, na waring walang nakakakawala sa kanya sa mga sinasabi.63 Gayong hindi siya umaalinsunod sa kilos ng mga artista sapagka·t bahagya nang tumanaw sa pinaglalabasan. Sinasadya ng mapagbiro ang pagsasabi kay Paulita, na dahil sa mayroon namang lalo pang magaganda ay ayaw siyang mapagod sa pagtingin sa malayo«64 Si Paulita ay namula, tinatakpan ng pamaypay ang mukha at palihim na tumingin sa kinalalagyan ni Isagani, na hindi tumatawa ni pumapalakpak at nanonood na hindi pinupuna ang palabas.65 Si Paulita ay nagdamdam ng sama ng loob at pagseselos; naiibigan kaya ni Isagani ang mga mapanuksong mga artistang iyon?66 Ang pagaakalang ito·y nakapagpasama ng kanyang ulo kaya·t bahagya nang madinig ang mga pagpuring ginawa ni Donya Victorina kay Juanito.
60 Ang hangal na babae ay nagalit dahilan sa hindi dumating ang may-ari ng palko. Subalit kung iyon ay dumating mayroong masamang mangyayari sa dulaan. Ang palkong walang laman ay isang simbolo ng isang trahedya na hindi naganap. 61 Iniisip niyang mga hangal ang taong sumutsot sa kaniya ² subalit hangal din siyang lalo dahilan sa siya ay nasa dulaan na hindi na itinatanghal sa wikang hindi niya naiintindihan. 62 Dito makikita ang kahusayan ni Rizal ² ang kakayahan niyang humabi ng mga eksena kung saan niya binabalutan ang isang malagim na maaring mangyari ng mga katatawanan. 63 Makikita rito ang isang malaking katukayuan nang pakilusin ni Rizal si Juanito Pelaez na nagkukunawaring may kaalaman sa wikang Pranses. 64 Pansinin ang husay ng pambobola ni Juanito. 65 Sa kabilang dako si Paulita ay nakatingin sa kasintahan at pinapanood naman niya mula sa malayo. 66 Pansinin ang puso ng dalaga ay na kay Isagani at nagseselos sa kasintahan na nakatitig (subalit wala sa isip) sa mga magagandang artistang Pranses.

Ginaganap na mabuti ni Juanito ang kanyang papel; maminsanminsan ay umiiling, tanda ng di kasiyahang-loob, at sa gayon naman ay nakakarinig ng ubuhan, alingawngaw sa ilang pook; kung minsan ay ngumingiti; tumatango at makaraan ang sandali·y umuugong ang pagakpakan.67 Si Donya Victorina ay wiling-wili at nagkaroon na tuloy ng hangad na pakasal sa binata sa araw na si Don Tiburcio ay mamatay. Si Juanito ay marunong ng Pranses at si de Espadaña ay hindi! At nagsimula na sa pagpapatanaw ng lambing sa binata!68 Nguni·t hindi napupuna ni Juanito ang pagbabagong-lakad, dahil sa minamatyagan ang isang mangangalakal sa Katalan (taga-Cataluña, Espanya) na nasa tabi ng konsul na Suwiso: si Juanito, na nakakita sa kanila na nag-uusap sa wikang Pranses ay umaalinsunod sa nababakas sa mukha ng dalawa at sa gayong paraan ay nakapang-uulol nang buung-buo.69 Nagsunud-sunod ang mga pangyayari, ang mga tao·y nagsunud-sunod sa paglabas, mga masasaya·t mapagpatawa gaya ng bailli at ni Grenicheux, mga dugong mahal at nakalulugod gaya ng markes at ni Germaine: ang mga nanonood ay nagkatawanang mabuti dahil sa tampal ni Gaspard at patungkol sa duwag na si Grenicheux,70 nguni·t ang nakatanggap ay ang mahinahong bailli,71 na tumama sa peluka nitong umilandang, sa kaguluhan at sa kaingayan, nang ibaba ang tabing. ´At ang cancan?µ ang tanong ni Tadeo.72 Nguni·t agad na itinaas ang tabing at ang tagpuan ay naging anyong tiyangge ng mga alila, may tatlong haliging kinalalagyan ng mga sagisag at may dalang mga pahayag na servantes, cochers, at domestiques. Sinamantala ni

67 Perpekto talaga si pag-aartista si Juanito sa pagkukunwaring may alam siya sa wikang Pranses. 68 Ang malaking katatawanan rito ay si Donya Victorina ang nakaramdam ng pagsisimula ng pag-ibig kay Juanito at hindi Paulita na abala sa pagtingin at nagseselos sa ng kaniyang kasintahan. 69 Makikita na hindi mauubusan ng pamamaraan si Juanito sa pang-uulol sa tao. 70 Mapapansin na nasa Act 1 pa ang pagtatanghal. 71 Ang bailli ay opisyal ng korte na itinotoka ni Gaspard na mapangasawa ni Germaine. 72 Pansinin na labis na naghahanap si Tadeo ng cancan o malaswang palabas. Sa bahaging ito ay lalabas ang panibagong cancan na isang tunay na kalaswaan.

Juanito ang pagkakataon, at malakas na sinabi kay Donya Victorina nupang madinig ni Paulita at ito·y manalig sa kanyang karunungan.73 ´Ang kahulugan ng servantes ay mga serviente, ang domestiques ay domestico«µ ´At ano ang kaibhan ng mga servantes sa mga domestiques?µ ang tanong ni Paulita.74 Si Juanito·y hindi nangunti. ´Domestiques ang mga domesticado o napaamo na: hindi ba ninyo napupuna na ang ilan ay may astang taong-gubat? Iyan an g mga servantes.µ ´Siyanga naman!µ ang dugtong ni Donya Victorina, ´ang ilan ay may masasamang kilos«at ang akala ko pa naman na sa Europa ay pawang may maaayos na ugali at« nguni·t sa dahilang nangyayari sa Francia« naiintindihan ko na!µ ´Sss, sss!µ Nguni·t ang kagipitan ni Juanito ay nang dumating ang oras ng pagpatawaran at binuksan ang halang, ang mga alilang nagpapaupa ay nangagsilagay sa piling ng kani-kanilang mga label na nagpapakilala ng kanilang kinauukulan. Ang mga alila, mga sampu o labindalawa na anyong magagaspang, nangakasuot ng librea at may dalang isang sangang maliit sa kamay, ay nangagsilagay sa ilalim ng pahayag na domestiques. ´Iyan ang mga maaamo na!µ ang sabi ni Juanito.

73 Ang bahaging ito ang Act 2 ng operetta. Kung saan ang mga tao sa lugar na iyon ay nag-aalok ng sarili para magtrabaho. Kung sa ating panahon ito ay higit na job fair at sina Serpolette at Germaine ay nandoon kasama ng iba pang mga tao para magtrabaho kay Henry (ang bagong dating na may-ari ng kastilyo). Ito paraan ng dalawang dalaga para makaiwas sa masamang mga balak ng nag-ampon sa kanila na si Gaspard. 74 Halos magkapareho ang kahulugan nito. Subalit sa kapanahunang iyon at sa estado ni Henry (Marquis de Corneville) ay magkakaiba ito. Ang domestique ay mga karaniwang katulong at ang mga servantes ay ang mga katulong na may kahusayan sa trabaho. Napakaloko ni Rizal ² dahilan sa gagamitin niya ang magandang si Paulita sa kaniyang kakaibang paraan ng patago ngunit malaswang paglalahad.

´Tunay nga na ang mga asta ay waring hindi pa nalalaunan ang pagamo,µ ang banggit ni Donya Victorina. ´Tingnan natin ang mga hindi pa lubos na maamo!µ Makaraan yaon, ang labindalawang dalaga na pinangunguluhan ng masaya·t maliksing si Serpolette, na ang mga suot ay ang lalong maiinam nilang kagayakan, ang bawa·t isa·y may isang malaking kalangi sa baywang, masasaya, nangakangiti, malulusog ang katawan, malalandi, ay nangagsilagay sa piling ng haligi ng mga servantes. . ´Bakit?µ ang tanong na palagay na palagay ni Paulita, ´iyan baga ang mga taong bundok na inyong sinasabi?µ75 ´Hindi,µ ang tugong walang katiga-tigatig ni 76 ´nangagkamali«nangagkapalit« Iyang mga huling darating.µ ´Iyang mga dumarating na may mga dalang latigo?µ77 Patangong sumagot ng ´ooµ si Juanito na hindi mapalagay at nagulumihanan. ´Kung gayon ay ang mga dalagang iyan ang mga cochers?µ78 Isang napakalakas na ubo ang sumagi kay Juanito na nakayamot tuloy sa ilang nanonood.79
75 Nagtataka si Paulita kung papaano ang mga babae na may maayos na kasuotan at malandi ang kilos ay magiging savage ayon sa paliwanag ni Juanito ay malalagay sa label na servantes. 76 Ayon kay Juanito nagkamali ang pagkakalagay sa label ng mga tauhan, sa layunin na siya ay makalusot sa kaniyang ginagawang panloloko sa magtiyahin 77. Inakala ni Paulita na ang mga may dalang latigo ang mga servantes (savage ayon kay Juanito) 78 Dito makikita ang malabis na kahusayan ni Rizal ² dahilan sa naniniwala si Paulita na ang mga may dala ng latigo ay mga mga servantes, kung magkaganoon, ang mga magagandang at malalanding dalaga ay siyang mga kutsero. 79 Noong mga unang panahon na binabasa ko ang kabanatang ito ay naniniwala ako na ang dahilan ng pag-ubo ni Juanito ay dahilan sa nahuli siya ni Paulita na nagkamali sa pagsasalin sa operetang kanilang pinapanood. Bwa ha ha ha ha ha ² nagyon ko lang naunawaan na ang pag-ubo ni Juanito ay dahilan pumapasok sa kaniyang imahinasyon ang hitsura ng babae na nangangabayo.

Juanito,

´Palayasin iyan! boses.80

Palayasin ang natutuyo!µ ang sigaw ng isang

Natutuyo? Tawagin siyang natutuyo sa harap ni Paulita? Ibig makita ni Juanito ang may masamang dila upang ipalamon dito ang pagkatuyo. At nang makitang humahadlang ang mga babae ay lalong tumapang at lumaki ang loob. Salamat na lamang at si Don Custodio ang siyang nagsabi ng taglay na sakit at sa pangingilag na mapuna ay nagwawalang-bahalang wari·y isinusulat ang pagtuligsa sa dula.81 ´Kung hindi lamang kasama ko kayo!µ ang sabi ni Juanito na pinagalaw ang mga mata na gaya ng ilang manika na nagpapagalaw sa pendulum ng mga orasan. At upang lalo pang mahawig ay manaka-nakang inilalawit ang kanyang dila.82 Nang gabing yaon ay naging matapang at marangal siya sa mata ni Donya Victorina, kaya·t ipinasya na nito sa sarili na pakasal sa kanya pagkamatay na pagkamatay ni Don Tiburcio. Si Paulita ay unti-unting lalong nalulungkot dahil sa pag-iisip na kung bakit ang mga babaing iyon na tinatawag na cochers ay nakaakit kay Isagani. Ang salitang cochers ay nagpapaalaala sa kanya ng ilang banggit na ginagamit ng mga kolehiyala upang ipahiwatig ang isang wari·y damdamin kung sila-sila ang nag-uusap.83 Natapos din ang unang bahagi at dinala ng markes na parang alila si Serpolette at si Germaine, ang nagtataglay ng anyong mahinhin ng samahan, at pinakakutsero ang hangal na si Grenicheux. Isang matunog na palkpakan ang nagpabalik na mangagkakawit sa kamay, sa mga artista, na may mga ilang sandali pa lamang ang nakararaan ay nangaghahabulan at nangagaaway; nangagsisiyuko sa lahat ng dako ng mairuging nanonood na tagaMaynila at ang mga babai·y nakipagtapunan ng titig sa ilang nanonood na lalaki.
80 Ang pagkatuyo ay sakit na tuberkulosis na nakakahawa at kinatatakutan ng mga tao noon dahilan sa wala pang natutuklasang kagamutan. 81 Ang totoo nga nito, ang kilos ni Don Custodio na patay malisya sa kaniyang naging pang-aasar kay Juanito ay isa sa mga estilo ni Rizal sa kaniyang pagsusulat ² atakihin ng todo at ibaon na parang baliwala lamang. 82 Napagandang larawan ng katatawanan. 83 Nagseselos si Paulita dahilan sa kaniyang paniniwala na naakit si Isagani ng mga magagandang artistang Pranses na inaakala niyang mga kutsero. Ang pagseselos na ito ay mayroong basehan, dahilan sa napagkukuwentuhan nila ito ng kaniyang mga kapwa kolehiyala.

Samantalang naghahari ang kaguluhang madaling lumipas, na gawa ng mga pag-uunahan sa pagtungo sa bihisan upang dulutan ng maligayang bati ang mga artista, at ang mga tumutungo naman sa mga palko upang bumati sa babae, ang ilan ay nagpapahayag ng kanilang mga pasya tungkol sa dula at sa mga artista. ´Hindi mapag-aalinlanganan, si Serpolette ang tanging mabuti,µ ang sabi ng isa na umanyong matalino. ´Ibig ko si Germaine, isang blonde na kaibig-ibig.µ ´Wala namang boses!µ ´At ano ang gagawin ko sa boses?µ ´Kung sa inam ng katawan ay ang mahusay!µ ´Psh!µ ani Ben-Zayb, ´ang lahat ay walang kakabu-kabuluhan, wala isa mang artistang matatawag.µ Si Ben-Zayb ay siyang manunuligsa sa El Grito de la Integridad at ang kanyang anyong mapagpawalang-kabuluhan ay nagbibigay sa kanya ng katangian sa mata ng mga nasisiyahan na sa kakaunting bagay.84 ´Ni si Serpolette ay may boses, ni si Germaine ay may kariktang kumilos, ni iyan ay musika, ni arte, ni ano mang bagay na may kabuluhan!µ85 ang ipinantapos na salitang ang anyo ay lubos na mapagwalang-bahala. Upang makapagpanggap na mabuting manunuligsa ay walang ibang mabuting paraan liban sa pintasan ang lahat. Dalawang ticket lamang ang ipinadala ng may-ari ng palabas sa pasulatan.86

84 Hindi magaling umarte pero mayroon siyang ibang personal na kinasisiyahan. 85 Pansinin na hindi niya nagugustuhan ang boses o ang kariktan. 86 Ang tindi ng pagbatikos at magiging paghanga ay nakasalalay sa natatanggap na pabor. Maari naging maganda ang kaniyang maisusulat kung nakatanggap pa siya ng pera. Isang pang-aasar ni Rizal ay ng bigyan niya ng pangalan ang pahayagan na Ang Sigaw ng Integridad. Mapapansin na si Ben-Zayb ang unang mamamahayag na nag-practice ng evelopmental journalism.

Sa mga palko·y ipinagtatanong kung sino ang may-ari ng palkong walang laman. Linaluan noon ang lahat sa chic, sapagka·t siyang huling darating. Hindi malaman kung saan nagbuhat ang balita na ang palko ay kay Simoun. Ang bulungan ay napatunayan. Walang nakakita sa maghihiyas ni sa butaka, ni sa bihisan, ni saan mang dako ng dulaan. ´Datapwa·t nakita kong kasama ni Mr. Jouy kaninang hapon!µ ang sabi ng isa. ´At nag-alay ng isang pamuti sa leeg sa isa sa mga artistang babae«µ ´Sa kangino sa kanila?µ ang tanong ng ilang babaing mausisa. ´Sa mabuti sa lahat, ang sinusundan ng tingin ng Kapitan Heneral.µ Tinginang makahulugan, kindatan, bulalas pagpapatunay at mga salitang paputul-putol.87 na pag-aalinlangan,

´Ibig magsa-Monte Cristo!µ anang isa na ibig masabing mapagbasa.88 ´O tagadulot-kailangan ng Real Casa!µ ang dugtong ng lumalangit sa nagsalita na naninibugho na kay Simoun.

87 Ang alahas na ibinigay ni Simoun sa manager ng pagtatanghal ay mula sa Kapitan Heneral. Kung magkaganoon, kung ang Kapitan Heneral ay nagkaroon ng pabor na sekswal ay dahilan sa ito ang instigasyon ni Simoun. 88 Nabanggit ni Rizal si Monte Cristo ² subalit kung pag-aaralan ang nabanggit na nobelang Monte Cristo at ang El Filibusterismo ay halos mayroong pagkakahawig sa tema ng pagbabalik ng isang misteryosong tao at ang taglay nitong malaking kayamanan.. Maging ang operetang Les Cloches de Corneville ay umiikot din sa pagbabalik ng isang misteryosong tao na si Henry nasa kasuotang Mehikano (Latin Amerikano na kagaya ni Simoun) na hindi nakikilala ng kaniyang mga dating kababayan. Nang bawiin niya ang Kastilyo ay natuklasan niya ang isang lihim, na si Gaspard ang nagpakalat ng mga kuwentong katatakutan upang takutin ang mga usisero at mga supertiyoso upang huwag mag-usisa sa Kastilyo na ipinagkatiwala sa kaniya ng umalis na amo. Ang kuwento ay ipinakalat ni Gaspard sa layunin na makuha niya ang malaking kayamanan na naiwan ng kaniyang amo. Samuel Holland-Rous: The Victrola Book of the Opera: Stories of the Operas (1924), 78.

Sa palko ng ating mga nag-aaral ay naiwan si Pecson, si Sandoval at si Isagani. Si Tadeo ay lumapit kay Don Custodio upang ito·y libangin samantalang si Makaraig ay nakikipagkita kay Pepay. ´Wala, gaya ng sinabi ko sa inyo, kaibigang Isagani,µ ang pahayag ni Sandoval na nagkikilos ng masagwa, pinatatamis ang boses upang madinig siya ng mga binibining nasa palkong kalapit ang mga anak ng mayamang may utang kay Tadeo,89 ´wala, hindi taglay ng wikang Pranses ang mayamang tunog niyang sarisari at maalindog na taginting ng wikang Kastila. Hindi ko mawari, hindi ko mahaka, hindi ko malirip ang ayos ng mga mananalumpating Pranses at nag-aalinlangan ako sa paniniwala na nagkaroon at magkakaroon ng alinsunod sa sadyang kahulugan ng salita, sa loob ng sadyang matatawag na mananalumpati. Sapagka·t huwag nating pagkamalan ang salitang mananalumpati at salitang mananatsat at madaldal. Sa lahat ng bayan ay mangyayaring magkaroon ng mga mananatsat at madaldal, sa lahat ng pook ng sansinukob na tinitirhan ng tao, sa gitna ng malamig at walang imik na mga Ingles, gaya rin naman sa malikot at maramdaming Pranses«µ90 At ipinatuloy ang isang mainam na pagsasalaysay tungkol sa mga bayan na sinamahan ng kani-kanilang nakakaigayang mga hilig at mga taguring mataginting. Si Isagani·y sumasang-ayon sa pamamagitan ng pagtango, samantalang inaalala si Paulita na kanyang nahuling nakatingin sa kanya ng isang tinging nangungusap at may ibig sabihing maraming bagay. Ibig hulaan ni Isagani ang tinuturingan ng mga matang iyon; iyon ang tunay na nagsasabi ng maraming bagay at hindi mapanatsat! ´At kayo, na isang makata, na umaalinsunod sa tunog at sukat, anak ng mga musa,µ91 ang patuloy ni Sandoval at ikinumpay ng magandang kilos ang kamay na waring binati sa abot ng tingin ang siyam na magkakapatid, ´maaakala baga ninyo, na, sa isang wikang napakasalat at walang katunug-tunog, na gaya ng Pranses ay mangyayaring magkaroon ng
89 Tandaan na sa kabilang kabanata na pinagyabang ni Tadeo na ´may utang ang mayamang taga-Maynila sa kaniyaµ 90 Si Sandoval ay katulad rin ni Tadeo ² mapansin sana na hinahatulan niya ang wikang Pranses, samantalang sya mismo ay walang kabihasaan dito. 91 Sa noebalang ito ay ipinakilala ni Rizal si Isagani bilang isang kilalang estudyante makata sa Maynila. Mapapansin sa bahaging sa pagpapahalaga sa kaniya ng mga kamag-aral nito. Maging si Sandoval na isang Espanyol ay mayroong malaking pagpapahalaga kay Isagani dahilan sa katanyagan nito bilang isang makata. Sa panahong 1880·s isang estudyante sa Maynila ang kinikilala na prominente sa pagiging makata ni ISAgani at ito ay walang iba kundi si RIZAl. Ipapaalala ko rin na kabantugan ni Rizal bilang makata ay iginawad sa Teatro de Variedades, kung saan sa kabanatang ito ay pasasabugin ni Rizal sa pamamagitan ni Simoun.

mga makatang napakalaking gaya ng ating mga Garcilaso, ng ating mga Herrera, ng ating mga Espronceda at mga Calderon?µ92 ´Gayunman,µ ang banggit ni Pecson, ´si Victor Hugo«µ ´Si Victor Hugo, kaibigang Pecson, si Victor Hugo, sakali·t makata, ay sapagka·t utang niya sa Espanya«sapagka·t kilala na isang bagay na hindi mapag-aalinlanganan, bagay na tinatanggap sampun ng mga Pranses na nanga-inggit sa Espanya, na kung si Victor Hugo ay may mataas na pag-iisip at makata ay sa dahilang sa Madrid siya nanirahan noong kanyang kabataan, doon nasimsim ang mga unang buko ng pag-iisip, doon nabuo ang kanyang utak, doon nagkakulay ang kanyang paghahaka, ang kanyang puso·y naayos at sumipot ang mga magagandang buko ng kanyang pagkukuro.93 At saka ang isa pa ay sino si Victor Hugo?94 Maipapantay baga sa ating mga makabagong«?µ95 Nguni·t ang pagdating ni Makaraig, na ang anyo·y malungkot at may isang mapait na ngiti sa labi ay pumutol sa salaysay ng mananalumpati. Hawak ni Makaraig ang isang papel na iniabot kay Sandoval nang walang kaimik-imik. Binasa ni Sandoval.
92 Ang mga bibanaggit dito ay ang mga pamosong makata ng Espanya na sina: Garcilaso de la Vega (1501-1536) Fernando de Herrera 1534-1598) Pedro Calderón de la Barca (1600-1681) José de Espronceda (1808-1842) Mapansin sana na maging sa pagbibigay ng mga mahuhusay na makata ng Espanya ay halos lipas na sa makabagong panahon. 93 Si Sandoval ay hindi nakakatalos sa kasaysayan. Totoo na ginugol ni Hugo ang kaniyang kabataan sa Pransiya at ito ay sa panahon na ang Espanya ay sinakop ng pransiya at ang ama ni Victor Hugo ay isa sa mga mataas na pinuno ng hukbong Pranses na direktang naglilingkod sa inilagay na Hari ng Espanya na si Joseph Bonaparte. 94 Isang tanong na may pang-iinsulto na ang ginamit ni Rizal ay ang mismong si Sandoval. Malaman sana na si Victor Hugo ang sumulat ng isa sa pinakadakilang nobela ng ika19 na Siglo na Les Miserables Mapapansin na ang bida sa nobela ni Hugo na si Jean Valjean ay nagtago rin sa lihim na katauhan ni Monsieur Madeleine. http://en.wikipedia.org/wiki/Jean_Valjean 95 Pansinin na hindi na sinundan ni Rizal ang sasabihin ni Sandoval, ito ay para iparamdam sa kaniyang mambabasa na wala ng makabagong makata ang Espanya.

´Kalapati ko: ang sulat mo·y nahuli; iniharap ko na ang aking pasya at sinang-ayunan. Gayunman, dahil sa waring nahulaan ko na ang iyong nasa ay nilutas ko ang salitaan, alinsunod sa nais ng iyong mga kinakandili.µ ´Paparoon ako sa dulaan at aantabayanan kita sa paglabas.µ ´Ang iyong masuyong kalapati,µ ´CUSTODININGµ96 ´Kaybuti ng taong iyan!µ ang bulalas ni Tadeo na halos malungkot. ´At ngayon?µ ang sabi ni Sandoval, ´wala akong bagay na masamang nakikita rito, kundi bagkus pa ngang mabuti!µ ´Oo,µ ang sagot ni Makaraig na ang ngiti·y mapait, ´nalutas nang sang-ayon sa kahilingan! Katatapos ko pa lamang sa pakikipagkita kay Padre Irene!µ ´At ano ang sabi ni Padre Irene?µ ang tanong ni Pecson. ´Gaya rin ng sabi ni Don Custodio, at nangahas pa ang tampalasan na ako·y handugan ng maligayang bati! Ang lupong kumanya ng kapasyahan ng may palagay ay sang-ayon sa balak at naghandog nang maligayang bati sa mga nag-aaral, dahil sa kanilang pag-ibig sa inang bayan at nasang makapagaral«µ ´Kung gayon?µ ´Lamang, sa pag-aalaala sa ating mga gawain, at upang huwag masira ang layon, ang sabi ay inaakalang nararapat na ang pamamahala at pagsasagawa ng binabalak ay isakamay ng isa sa mga corporacion, kung sakaling hindi ibigin ng mga Dominiko na masama sa unibersidad ang akademya.µ97

96 Mapansin sana na sa lambing ng pangalan ni Don Custodio ay mayroon siyang inaasahan na kapalit mula kay Pepay. Patay si Pepay mamaya paglabas sa tanghalan ² tandaan sa mga unang bahagi ng kabanatang ito ay nag-iisip na si Don Custodio ng isang mataas na proyekto.

97 Pansinin ang katusuhanni Don Custodio, inaprobahan ang kahilingan ng mga mag-aaral na makapagtayo ng isang akademiya, subalit ang mga prayle ang mamamahala.

Bulalas na sama ng loob ang sumalubong sa mga salitang ito: si Isagani ay tumindig, nguni·t walang ano mang sinabi. ´At upang makitang tayo·y kalahok sa pamamahala sa akademya,µ ang patuloy ni Makaraig, ´ay ipinagaganap sa atin ang paniningil ng mga ambagan at abuloy, na katungkulan nating ibigay sa isang ingat-yaman na ihahalal ng corporaciong mamamahala, at ang ingat-yamang iyon ang magkakaloob sa atin ng katibayan ng pagkakatanggap«µ ´Kung gayo·y magiging kabesa tayo!µ ang sabi ni Tadeo.98 ´Sandoval,µ ang sabi ni Pecson, ´nariyan ang guantes, saluhin mo!µ ´Puf! Iyan ay hindi guantes, nguni·t dahil sa amoy ay katulad sa isang medyas.µ ´At ang lalong mainam,µ ang patuloy ni Makaraig, ´ay ang turo ni Padre Irene na tayo·y magpiging o kaya·y magdaos ng isang panapatang may mga sulo dahil sa pangyayari; isang pagpapahayag ng pagpapasalamat ng mga nagaaral sa mga taong nakilahok sa usap na ito.µ ´Siya nga, matapos ang palo ay umawit tayo at magpasalamat: Super flumina Babylonis sedimus!µ 99 ´Oo, isang piging na gaya ng sa mga bilanggo!µ ang sabi ni Tadeo. ´Isang piging na tayong lahat ay nakaluksa at bumigkas tayo ng mga talumpating ukol sa patay,µ ani Sandoval. ´Isang harana na ang tutugtugin ay ang Marsellesa at mga marcha funebre,µ ang palagay ni Isagani.100

98 Ang magiging papel nila ay magiging katulad sa tungkulin ng cabeza de barangay noong panahon ng Espanya na taga-singil lamang ng buwis sa pangalan ng kolonyal na pamahalaan. Ang masama pa noon ay maaring ang mga mag-aaral ang maging tagapagpaluwal sa mga hindi makakabayad sa akademiya. 99 Ang kahulugan nito ay Sa pampang ng mga ilog nitong bansang Babilonia. Mula sa aklat ng Mga Awit 137: 1 at ang buong kapitulo ay may pamagat na Panaghoy ng mga Bihag sa Babylonia. Mapapansin na hindi na sinundan pa ni Rizal Sa pampang ng mga ilog nitong bansang Babilonia,kami'y nakaupong tumatangis, sa tuwing Zion, aming naaalala. Nagpapahayag ng pagdaramdam. 100 Makahulugan ang panukala ni Isagani. Mula sa kaniyang panukala ay mararamdaman na nagiging iba na ang kaniyang pananaw ukol sa kilusan ng mga mag-aaral na kaniyang kinabibilangan.

´Huwag, mga ginoo,µ ang turing ni Peson na gamit ang kanyang tawang bungo, 101 ´upang ipagsaya ang pangyayari ay wala nang lalong kapit kaysa isang piging sa magpapansit, na ang maglilingkod ay mga Insik na walang baro, nguni·t tunay na walang baro!µ102 Dahil sa ang palagay ay lubos na mapangutya at napakagaspang ay tinanggap; si Sandoval ang una-unang pumalakpak; malaon nang ibig niyang makita ang loob ng mga tindahang iyon na kung gabiy waring masasaya at maraming tao. At nang tumutugtog pa naman ang orkestra upang simulan ang pangalawang bahagi ay saka tumindig ang ating mga binata, na iniwan ang dulaan sa gitna ng pagkakamangha ng lahat ng naroon.103

101 Pansinin kung gaano kabigat ang panukala ni Isagani ² isang harana na ang tugtugin ay Marcha del Marsellesa maunawaan sana na ang tugtugin na ito ang awitin ng Himagsikang Pranses, kapag hinarana mo ang mga matataas na opisyal ng gobyerno noong panahong iyon sa ganitong tutugin at lyrics: Arise, children of the Fatherland, The day of glory has arrived! Against us of tyranny The bloody banner is raised, To arms, citizens, Form your battalions, Let's march, let's march! That an impure blood Waters our furrows! ay tiyak na ang martsa ay isa ng rebolusyon at ang mga marcha ng funebre ay para sa maraming mga tao na mamamatay. 102 Ano ang kahulugan? (reserba sa mas malalimang pag-aaral) 103 Walk out

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->