You are on page 1of 3

Talambuhay ni Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na Filipinong nobelista. Ilan sa kanyang mga akda ay Dekada 70, Bata Bata Pano ka Ginawa? at Gapo. Si Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2 ng Disyembre 1945. Nakapagtapos siya ng elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958 at sekondarya sa Torres High School noong 1962. Siya ay pumasok sa Lyceum University of the Philippines sa kursong journalism ngunit nag-drop bago pa man matapos ang kanyang unang taon. Bagamat kulang sa pormal na pagsasanay, si Bautista ay naging kilala sa kanyang makatotohanan at matapang na paghayag sa mga isyung kinasasangkutan ng mga babaeng Filipino at sa kanyang makabagbag damdamin na pagpapakita sa babae na may mahirap na sitwasyon sa bahay at sa trabaho. Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) pata sa nobelang Gapo, Dekada 70 at Bata, Bata Paano ka Ginawawa?, mga nobelang naglalarawan nang kaapihan ng mga kababaihan noong panahon ni Marcos. Dalawa sa maikling kuwento ni Bautista ay nagkamit din ng Palanca Awards ang "Talong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra"(unang gantimpala, 1982) at "Buwan, Buwan, Hulugan mo Akong Sundang"(ikatlong gantimpala, 1983). Hindi rin matatawaran ang kanyang husay sa pagiging script writer. Ang kanyang unang screenplay ay ang Sakada, 1976 na nagpapakita ng kalagayan ng mga magtutubo. Ang kanyang ikalawang pelikula ay ang "Kung Mahawi Mang ang Ulap" noong 1984 na nominado sa Film Academy. Ginawa rin niya ang Bulaklak ng City Jail base sa kanyang nobela tungkol sa mga kababaihang nakulong. Nahakot nito halos lahat ng gantimpala sa Star Awards at Metro Manila Film Festival. Kabilang siya sa University of the Philippines Creative Writing Center noong 1986, nagsilbing bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines at pinuno ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular. Siya lang ang natatanging Filipino na kasama sa libro ng International Women Writers na nilimbag sa Japan.

Ang mga salitang ito'y tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista, mamamahayag, pulitiko at iba pang naging bahagi ng mga rali't demonstrasyon sa mga alaala ng isang di-malilimutang panahon sa ating kasaysayanang dekadang 1970.

Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome ang mga sakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae. Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari. Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar. Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda. Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world." Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran: "Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipagusap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!

At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'nTutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api? Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya. Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din." Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada. Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan. Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon. Sa mga panahong gaya ng dekada 70na dekada ng pagkamulat at pakikibakanatutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago. Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."

You might also like