You are on page 1of 12

GAMIT NG PANGNGALAN

SIMUNO
SIMUNO = ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap. Halimbawa. Si Doming ay masipag na empleyado. Ang mga bata ay masayang naglalaro ng tumbangpreso.

KAGANAPAN NG PANSIMUNO
Ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa panaguring tinutukoy rito ay iisa lamang.
Hal. Si

Apo Kayan ay mahusay na pinuno


panaguri

paksa

PAMUNO
Ang simuno at isa pang pangngalang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang .
Hal. 1.Si Apo Kayan, ang pinuno, ay dapat igala ng at sundin 2. Si Raquel, ang kapatid ko, ay nasa Espanya.

PANTAWAG


pangngalang ipinantatawag sa

pangungusap.
Halimbawa: Rosie, wag mong kalimutan ang iyong baon. Anak, mag-aral ka na ng iyong leksyon.

TUWIRANG LAYON/ LAYON NG PANDIWA


Layon ng Pandiwa= pangngalan pagkatapos ng pandiwa at sumasagot sa tanong na ano
Halimbawa: Naglinis ng kwarto si ate kanina. Nagluto ng turon si nanay para sa merienda.

LAYON NG PANG-UKOL
Pangngalang pinaglalaanan ng kilos.
Hal. Ang konting pagkain at inumin ay para kay Lolong nagugutom.

Kaukulan ng Pangngalan

PALAGYO
PALAGYO = kung ang pangngalan ay ginagamit na Simuno,
Pantawag, Kaganapang Pansimuno, Pangngalang Pamuno.
Halimbawa: Ang panahon ngayon ay pabagu-bago. Ama at Ina, salamat po sa pagpapa-aral sa amin. Si Gng. Andres ay mabuting guro. Si Bantay, ang aking aso, ay marunong magbukas ng aming pinto.

PALAYON
PALAYON = kung ang pangngalan ay ginagamit na
Layon ng Pandiwa at Layon ng Pang-ukol.
 Halimbawa: Magdadala ako ng ulam bukas.  Ang pagsisikap ni Jason ay para sa kanyang mga magulang.

PAARI
PAARI= may dalawang pangngalang magkasunod, ang
ikalawang pangalawan ay nagsasaad ng pagmamay-ari. Halimbawa: Ang pagpapatawad ni ama ang sanhi ng aking pagbabago. Anak ni Reynaldo si Romel.

MARAMING SALAMAT

You might also like