Professional Documents
Culture Documents
Balita
Kuwento o pagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari
Headline
Ito ay ang balitang nakaimprenta nang malaki sa harap ng pahayagan upang makatawag pansin sa mga mambabasa.
Newspage
Editoryal
Ito ay mahalaga sa anumang pahayagan. Ito ay paglalahad ng pangunahing tayo ng publikasyon ukol sa isang mahalagang isyu. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago.
Editorial cartoon
a.) Panimula. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari na kung tatawagin ay news peg. b.) Katawan. Ang katawan ay sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan. c.) Pangwakas. Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng awtor.
Opinyon
Paglalahad ng sariling saloobin at paninindigan tungkol sa isang isyu