P. 1
Noli Me Tangere Buod Kabanata 31-45

Noli Me Tangere Buod Kabanata 31-45

5.0

|Views: 25,696|Likes:
Published by Mikee Valerio

More info:

Published by: Mikee Valerio on Jan 29, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/21/2015

pdf

text

original

31 : Ang Sermon Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang Kastila at Tagalog.

Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon. Nagpugay ang pari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya upang isara ang lahat ng mga pintuan. Nagalinlangan anp alperes, iniisip niyang tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng magsalita ang predikador. Nakita ni pari Damaso na napakunot noo ang alperes sa kanyang tinuran. Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Padre Damaso sa wikang Kastila, kaya hindi maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco. Umasim din ang muha ng alperes, kaya inakala ng marami na pinagalitan siya ni Pari Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan.

Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang tukuyin ang pagwawalang bahala ng mga tao sa kasalanan, isang lalaki ang namumutlang tumindig at nagtago sa kumpiskalan. Inaantok ang mga nakikinig. Si Maria ay hindi nakikinig sa sermon sapagkat abala siya sa pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra na malapit lamang sa kanya. Nang simulan na sa tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal. Lumilisya na si Padre Damaso sa sermon niya sapagkat puro panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw ang isinasumbulat niya. Dahil dito,pati si Ibarra ay nabalisa lalo nang turulin ng pari ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal na namamatay sa bilangguan na walang sakramento sa simbahan. Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na si Padre Salvi upang huminto na si Damaso. Pero, sumabak pa rin sa pagsasalita ng may kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat maari siyang mamamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.

32 : Ang Panghugos Ipinakita ng taong madilaw kay Nol Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo. Tinignang mabuti ni Nol Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang batong malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hangganghanga si Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila. Sinabi ng taong madilaw kay Nol Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don Saturnino na nuno ni Don Crisistomo. Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan. Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-okasyon. Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang may hawak ng lubid. Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas at magbaba ng bato na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga.

Hustong nasa ibaba si Ibarra, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo. Nagiba ang buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay. Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito y natabunan ng mga biga na nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba kundi si Nol Juan. Pero, nakiusap si Ibarra na siya na ang bahala sa lahat. Makaraang ipagtanong niya si Maria, kaagad na umuwi si Ibarra upang magpalit ng damit. Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang masamang simula. 33 : Malayang Pag-iisip Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway

Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano y narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao. Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nyor Juan. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom. Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa tao. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.

34 : Ang Pananghalian Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Padre Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak. Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Padre Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungkol sa pagkamatay ng ama ni Ibarra ang pag-aglahi. Inabot ang isang kutsilyo't sinabayan ng yapak sa leeg ng prayle. Biglang dinaluhong niya si Padre Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.

35 : Mga Kuro kuro Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung naging matimpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na kitlan hininga si Padre Damaso. Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama. Nanindigan naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.

36 : Ang Unang Suliranin Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata. Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan. Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na P50,000 sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyan buhay at kaluluwa.

Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang umiyak nang ito y naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak ang mga kausap ni Kapitanlalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga taynga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro. Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkarrang pagsabihan ng Kapitan si Maria na tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay. Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen. Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang makausap ng KapitanHeneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan.

37 : Ang Kapitan-Heneral Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Padre Sibyla,Padre Martin, Padre Salvi at iba pang mga prayle. Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nila na may sakit ang hinahanap. Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria na kaagad namang tumutol. Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excomunicado. Pagkakita ng Heneral kay Ibarra mabilis sinabing niyang tama lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumunicado ni Ibarra. Iminungkahi niya itong ipagbili ang lahat lahat na ariarian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan.

Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra. Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarra at umalis na. Ilang saglit lamang ay tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Tumango ang Alkalde sa sinabi ng Heneral. Nang dumating si Kapitan Tiago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na kasintahan ng kanyang anak .Nagprisinta pa ang Heneral na maging ninong sa kasal. Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra kung bakit ayaw siyang kausapin ni Maria Clara. 38 : Ang Prusisyon Ang nakakatulig na paputok ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan

ng pagbigas ng tulang papuri. Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak. Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero. Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Saglit na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng kaptian Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pagusapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin.

39 : Si Donya Consolacion Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid ito. Nang umagang iyon, ang asawa na alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra kung alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kanyang ng ibayong ngitngit. Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya sa bantay ang lahat ng mga bintana at nagpasindi pa ng ilaw. Pinakandado niyang mabuti pati pintuan. Pinapaakyat ng Donya si Sisa upang pakantahin. Palibhasa, sa wikang kastila ang utos ng Donya, hindi ito maunawaan ni Sisa. Kinuha ng Donya ang latigo ng alperes at muling inutos na kumanta si Sisa. Pero, hindi sumunod si Sisa. Dahil dito, inutusan ng Donya ang sundalo na sabihin kay Sisa ang gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng Donya at nakapagsalita ng Tagalog.

Napamaang ang sundalo, hindi niya sukat akalain na marunong ng Tagalog ang Donya. Napansin ng Donya ang pagkamaang ng kawal, kaya galit na pinaalis ito. Binalingan ng Donya si Sisa at sa pilipit na pangangastila ay inutusan itong magbaile o sumayaw. Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng dugo mula sa nabakbak na sugat. Hindi napansin ng Donya ang pagdating ng alperes na pasikad na binuksan ang nakasarang pintuan. Pagkakita ng alperes kay Sisa, sinagilahan ito ng pangangatal ng katawan sa galit at namutla. Tinanong niya ang alperes kung bakit hindi man lang daw bumati ito sa kanya. Hindi sumagot ang alperes. Inutusan niya ang bantay na bigyan ng damit at pagkain si Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang higaan at huwag lalapastanganin. Ang dahilan si Sisa ay nakatakdang ihatid sa tahanan ni Ibarra kinabukasan din. Sa kabilang dako, ang kagaspangan ng ugali si Donya Consolacion ay bunga ng kanyang kawalan ng sapat na edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng mga sundalo na mapangasawa niya ang alperes na nuon ay isa lamang kabo.

40 : Ang Karapatan at ang Lakas Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sinindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng luces de Bengala . Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tinienti Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ng Tiniente si Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kanyang tungkulin. Danga t nalamang hindi tinanggap ng alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama ang mga kaibigan. Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito ng Crispino dela Comare . Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Pari Salvi na walang kurap na nakatitig kay Maria Clara. Tapos na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito. Tumindig si Pari Salvi o ang Kura at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi sumunod ang Don at sinabing hindi niya magagawa ang gayon sapagkat nag-abuloy ng malaki si Ibarra. Isa pa, anang Don hindi siya

natatakot sa gagawin ng kura sapagkat maghapong kau-kausap ng Kapitan Heneralat ng Alkalde ng lalawigan si Ibarra. Napilitan umalis ang Kura at ang mga kasama nito. Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang mawawala sapagkat mayroong nalimutang tipanan. Pinigilan siya ni Sinang subalit nangako si Ibarra na babalik na lamang siya. Papalabas na si Yeyeng upang sumayaw, nang lumapit ang dalawang sibil kay Don Filipo at ipinatitigil ang palabas dahil hindi raw makatulog sa ingay ang alperes at si Donya Consolacion. Pero, hindi pinagbigyan ang kahilingan ng mga sibil at natapos na ang dula. Pero, bigla na lang nagkagulo. May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas pero ang mga ito ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don Filipo. Tiyempo namang nakabalik na si Ibarra. Kumapit na sa bisig ni Ibarra ang mga nasindak na dalaga. Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao. Pero, pinakiusapan sila ni Don Filipo na huwag ng palalain pa ang pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin. Kaya kay Ibarra siya nakiusap. Sinabi ng binata na wala siyang magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na

puntahan ang mga kalalakihang nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng piloto ang mga lalaki na huwag ng ituloy ang kanilang mga binabalak. Isa-isa ng nagsialisan ang mga tao. Mula naman sa kinaroroonan ni Pari Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan. Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring kaguluhan. Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Mari Clara ay walang malay-tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan siya ng mga kastila, pero hindi niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Pari Salvi. 41 : Dalawang Panauhin Dahil sa nangyari hindi dinalaw ng antok si Ibarra. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing. Pinapatuloy niya ito. Ang kanyang panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay

ni Elias sa pagpunta niya kay nakita niya si Bruno at Tarsilo. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias. Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam na si Elias. Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa pagkakasakit ng kasintahan. Tutungo siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan nakasalubong niya ang isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Nabanas ng husto si Ibarra sa pangungulit ni Lucas na kung magkano raw ang ibabayad sa pamilya ng kanyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil dadalaw ito sa isang maysakit. Tsaka na nila pinag-usapan ang tungkol sa pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni Ibarra, kaya tinalikuran niya kaagad si Lucas.

42 : Ang Mag-asawang de Espadaña Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria. Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis. Natigil ang paguusap ng magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadaña, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya. Inaasahan ni Tiyago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni Victorina si Linares, sinamahan sila ni Tiyago sa kani-kanilang silid. Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya ay isang ginang na may edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang. Nuong bata at dalaga pa siya at kapanipaniwalang maganda ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang mapangasawa ay isang dayuhan. Ibig na mapabilang sa mataas na antas ng lipunan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila na tagaEspanya itinaboy ng bayang Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay Tiburcio de Espadaña na may 35 taong gulang, ngunit mukha pang matanda kay Donya Victorina.

Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko dumanas siya ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya na siyang magbalik sa Espanya, dahil ipinasya na niyang manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya sa bansa nang matanggap siya sa trabaho dahil sa tulong ng mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging kastila. Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa panggagamot. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay na mediko sa Protomedicato de Manila na siya ay pekeng doktor. Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga kakilala t kababayan subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina. Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng

mga palamuti sa katawan. Ilang buwan ang lumipas, Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak na tatawaging rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espanada. Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsyami. Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak. Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo. Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang sa Donya. Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Pari Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng Kapitan Heneral sa kanilang tahanan.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng azucena. Naitanong naman ni Linares kay Pari Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat may dala itong sulattagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares. Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: Sa Umaga ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan. Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linarez sa magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Pari Salvi na dumating na si Pari Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.

43 : Mga Balak Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria. Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Tumindig si Pari Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkonahe at umiyak na parang batang ibunulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na talagang mahal na mahal ng pari ang inaanak na si Maria. Nang kumalma na ang damdamin ng pari, ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay inaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabaho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si Tiyago. Naiwan si Pari Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang siya nang batiin ni Lucas, na humihingi umano ng payo tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid Nagalit ang pari sa kadramahan ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito at pasalamat siya t hindi siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong-bulong si Lucas.

44 : Pagsusuri ng Budhi Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria. Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Isang hapon napag-usapan ang nakatakdang pag lipat ng parokya ni Pari Damaso sa Tayabas. Sinabi ni Kapitan Tiyago na ang ganitong pagkakalayo ng pari ay labis na daramdamin ni Maria sapagkat para na rin niya itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga pangyayari noong pista. Sinabi naman ng kura na mabuti nga ang di pag papahintulot ng kapitan na mag kausap ang anak at si Ibarra. Pero, tinutulan ng Donya ang ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang kanyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang nakapagpagaling kay Maria. Hindi pinansin ni Pari Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw ang nagawa ng pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat namga gamot na gaya ng pinatutunayan na ng maraming pagkakaton.

Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan niya ng viatico kinabukasan upang tuloytuloy na ang kanyang paggaling. Samantala, pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa bumbong na kristal at bilin ng doktor ay itigil ito kapag nakakaramdam siya ng pamimingi. Itinanong ni Maria kay Sinang kung hindi sumulat si Ibarra. Sumagot si Sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na mapatawad ng Arsobispo ang kanyang ekskumunyon. Saglit na natigil ang kanilang paguusap sapagkat siyang pagpasok ni Tiya Isabel upang ihanda muli si Maria na sulatan niya si Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di nakapag tanong si Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria naman ay nag-iisip ng mga kasalanan. Binasa ni Tiya Isabel ang sampung utos. Pagkaraan ay nagtulos ng isang malaking kandila sa harap ng altar ng mahal na Birhen. Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang pari sa sinasabin ni Maria, tila ba binabasa ang nasa isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si Pari Salvi, ito ay namumutla at nakapangagat labi, kunot ang nuo at pawisan. Sa malas, siya ang kinumpisalan na di nagtamo nag patawad.

45 : Ang mga Inuusig Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Siya ay sinamahan ng isang lalaki sa yungib na tila nasa ilalim ng lupa. Nang makita ni Elias ang Matandang Pablo na natatalian ang ulo ng isang bigkis na kayong may bahid ng dugo. Kayat na nagkilala silang dalawa. May anim na buwan na, nang huli silang magkita. Noon, ayon Kay matandang Pablo siya ang naaawa Kay Elias. Subalit, ngayon nagkapalit sila ng puwesto. Si Elias ay malakas samantalang ang matanda ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at kalooban. May 15 araw na naibalita kay Elias ang sinapit ni Kapitan Pablo. Katunayan, pinaghanap siya nito sa kabundukan ng dalawang lalawigan. At ngayon nga ay kanya na itong natagpuan. Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng mga di-binyagan upang doon na manirahan nang payapa kahit na malayo sa sibilisasyon, yaman din lamang daw walang nangyari sa kanyang paghahanap sa angkang nagpahamak sa kanyang pamilya. Binigyang diin ni Elias na magturingan na lamang silang dalawa bilang magama yamang pareho na silang nag-iisa sa buhay. Umiilig lamang ang matanda sa kahilingan ni Elias at sinabing wala siyang dahilan para magpanibagong

buhay sa ibang lupain. Kailangan niyang maipaghiganti ang kalupitang sinapit o pagkamatay ng kanyang dalawang anak na lalaki at isang babae sa kamay ng mga buhong. Ang kanyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan at inilugso ang kapurihan ng isang alagad ng simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa niyang anak na lalaki. Pero, nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isa niyang anak ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin sa kanyang buhok at narinig niya ang sigaw, daing at pagtawag sa kanya, pero siya ay nasanay sa buhay na tahimik ay naging duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na pumatay o magpakamatay. Ang kurang nagparatang ay inilipat sa ibang lugar.Pero ang kanyang anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas. Ang isa naman niyang anak ay hindi duwag at pinangambahan na siya ay maghihiganti dahil sa sinapit ng dalawamg kapatid. Ito ay hinuli ng mga awtoridad dahil nakalimutan lamang niyang magdala ng sedula. Ito ay pinahirapan din hanggang sa magpatiwakal na lamang. Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni kapitan Pablo, siya man daw ay tulad nito na sa pangambang makasugat nang walang kinalaman, kinalimutan niya ang paghihiganti. Pero, para sa kapitan, ang paglimot ay lubhang napakahirap. Kaya ang ganang kay Elias ay napakadali

sapagkat siya ay bata pa, hindi namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag-asa. Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay napakapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan. Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kanyang lakad o pakikipag-usap sa binata (si Ibarra ) sa loob ng apat na araw. Sa mga tauhan ng kapitan ang kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin niya ang sagot. Kapag pumayag ang binata, may maasahan at makakapagtamo sila ng katarungan at kung hindi naman, si Elias ang unang kasama niyang maghahandog ng buhay.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->