P. 1
Ang Mga Anyong Lupa

Ang Mga Anyong Lupa

|Views: 43,237|Likes:
Published by Sherwin Valencia

More info:

Published by: Sherwin Valencia on Jan 31, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/15/2015

pdf

text

original

Ang Mga Anyong Lupa

Maraming anyong lupa ang matatagpuan sa pilipinas tulad ng mga kapatagan,kabundukan,lambak,talampas,burol,bulkan at mga bulubundukin. Iba-iba ang hugis at sukat ng mga ito. Ang mga anyong lupa ng bansa ay nakatuyulong sa pag-unlad nito. Bagama't mabundok at di pantay pantay ang lupa sa Pilipinas, ito ay angkop sa agrikultura o pagsasaka. Tinatayang apatnapu't limang bahagdan ng buong kalupaan sa bansa ay ginagamit sa pagsasaka.Ang pagsasaka ay pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa kapuluan. Palay at bigas din ang pangunahing produkto dito.

Binubuo ng mahahabang hanay ng kabundukan ang Pilipinas. Bukod sa pinakamataas na Bundok ng Apo, makikita naman ang pinakamahabang bulubundukin sa Luzon. Ito ay bulubundukin ng Sierra Madre na nakahanay sa mga lalawigan ng Aurora,Cagayan,Isabela,Nueva Ecija,Quirino,Quezon at Nueva Vizcaya. Ang mga bundok ng Natib,Samat at Mariveles ay matatagpuan sa lalawigan ng Bataan. Ang Bundok ng Pulog,na siyang pinaka mataas sa Luzon ay nasa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Ang iba pang kilalang bundok sa Luzon ay ang Bundok ng Arayat sa Pampanga, Makiling sa Laguna, at ang mistikong Bundok ng Makaturing as Ragang na naghihiwalay sa lalawigan ng Cotobato at Lanao. Ang bundok ang pinakamataas na anyong lupa.

Ang Bulkan
Mararaming magagandang bulkan and matatagpuan sa Pilipinas na umaakit sa mga lokat at dayuhang turista. Ang Bulkan Mayon ang pinakamaganda sa bansa dahil sa hugis-kono nito. Ito ay matatagpuan sa Albay,Bicol. Nitong hulyo, 2006 ang pinakahuling pagsabog nito.Ang Bulkan Taal naman sa Batangas ang tinagurian Pinakamaliit sa buong mundo. Ang dalawang ito ay mga aktibong Bulkan. Maliban sa Bulkan Mayon, isa pang aktibong Bulkan na sumabog noong taong 2006 ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon. Aktibo rin ang Bulkan ng Kanlaon sa Negros Oriental, Hibuk-hibok sa Camiguin, at Pinatubo sa Zambales na nagkaroon ng malakas na pagsabog noong taong 1991.

Ang malalakas na pagsaboh ng Bulkang Mayon at Bulkang Pinatubo ay nagdulot ng pangamba sa buong mundo dahil nagbunga ito ng maraming pagbabago sa klima at epektong pangheograpiya na naranasan ng maraming bansa sa mundo. Ang pinakamakapuksang pagsabog sa bansa ay dulot ng Bulkang Pinatubo. Sumabog ito ng apat na beses sa loob ng limang araw. Mahigit sa 900 katao ang namatay at libu-libo ang nawalan ng tirahan at ari-arian. Ang lahat na dumaloy mula sa Pinatubo ay puminsala sa mga bukirin at hanapbuhay ng mga tao sa Pampanga at Zambales. Ang bulkan ay tulad ng isang bundok sa anyo at hugis ngunit ito'y may butas sa itaas. isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito

sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.

Ang Lambak
Ang mga lambak ay patag na lupa na nasa pagitan ng mga bundok o burl. Ang lupa sa paligid ng mga bundok ay nadadala sa mga lambak tuwing umuulan at pananim na gulay at palay. Ang mga kilalang lambak sa bansa ay ang Lambak ng Cagayan,Trinidad, at Cotabato. Ang lambak ng Cagayan na siyang pinaka malawak sa bansa ay matatagpuan sa Rehiyon I kung saan makikita ang malawak na taniman ng tabako. Ang lambak ng Trinidad sa Benguet ay tinaguriang "Salad Bowl of the Philippines" o hardin ng mga gulay dahil sa sagana ito sa iba't ibang tanim na gulay.Ang Lambak ng Cotabato naman ay tinatawag na Rice Granary of Mindanao o Bangan ng bigas sa mindanao dahil ito ang pinagkukunan ng bigas sa buong katimugan, lalung lalo na ang Mindanao. Ang lambak ay isang patag na lupa na matatagpuan sa gitna ng mga bundok o burol. isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Ang Burol
Ang mga Burol ay mabababa kaysa sa mga bundok. Kadalasam, hindi hihigit sa 300 metro ang taas ng isang burol.

Ang tumpok-tumpok na Chocolate Hills na nasa Bohol ay kilalang-kilala sa mundo. Ang burol ay mas mababa kaysa sa bundok. higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ngBohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.

Ang Kapatagan
Karamihan sa mga tao ay mas ninanais maniorahan sa mga kapatagan. Mas napapadali ang transportasyon at komunikasyon dito. Maraming pabrikampagawaan, opisina at pook kalakalan ang matatagpuan dito. Mainam din para sa pagtatanim ng iba't ibang halaman at pananim ang mga kapatagan sa buong bansa. Ang mga lalawigan ng Bulacan,Nueva Ecija,Pampanga,Pangasinan, at Tarlac ay bumubuo sa Kapatagan sa Gitnang Luzon. Ito ay tinaguriang Bangan ng Bigas ng Bansa o Rice Granary og the Philippines dahil malaking bahagi ng pangangailangan ng mga Pilipino sa bigas ay nanggagaling dito. Ang iba pang kapatagan sa Pilipinas ay matatagpuan sa leyte,sa Daet,Camarines Sur, at Kapatagan ng Davao at Agusan sa Mindanao. Ang Kapatagan ay isang malawak at patag na anyong lupa. isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.

Ang Talampas
Ang talampas aay isang patag na lupa sa mataas ma lugar. Ito ay maaaring gawing pastulan ng baka at ibang hayop.Tinatamnan din ito ng mga gulay,prutas, at palay. Dahil ito ay nasa mataas na lugar, malamig ang klima sa talampas. Ang Baguio na tinagurian Summer Capital of the Philippines, ay isang halimbawa ng talampas. Isa pa rito ay ang Talampas ng Bukidnon kung saan matatagpuan ang. pinaka malaking taniman at pabrika ng pinya na pag-aari ng Del Monte sa Pilipinas. Ang lungsod ng tagaytay ay maituturing ding talampas. Ang talampas ay mabuting pastulan para sa mga baha at kabayo dahil sa makapal nitong damuhan. patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.

Mga Anyong Tubig
Ang Pilipinas ay napapaligiran ng malalawak na dagat at karagatan. Bunga nito, ang pangingisda ay isa ring mahalagang industriya sa bansa.

Ang mga maliliit na anyong tubig naman na makikita sa bansa ay mga ilog,lawa,look,golpo,talon,batis,bukal, at kipot.

Ang Golpo
Ang golpo ay bahagi ng karagatan ng bahagyang napaliligiran ng lupa. Ilang halimbawa ng gilpo sa bansa ay ang Golpo ng Albay, Golpo ng Ragay sa Quezon,Golpo ng Lagonoy sa Camarines Sur, Golpo ng Lingayen sa Pangasinan, Golpo ng Leyte, at Golpo ng Davao. Ang Golpo ay Bahagi ng Dagat.

Look
Ang look ay bahagi rin ng dagat na pumapasok sa kalupaan. Ang look ng Maynila ay kilala sa magandang tanawing makikita rito, ang paglubog ng araw. Maraming magagandang ilaw din ang matatagpuan sa Roxas Boulevard na nasa gilid ng look. Ang look na ito ay nagsisilbing magandang daungan para sa malalaking sasakyang dagat. Ang isa pang mahalagang look ay ang look ng subic sa Zambales.Dito itinatag ng bansang Estados Unidos ang isa sa mga pinakamalaking base militar nito. Noong inalis ang baseng ito, ang Look ng Subic ay naging isa sa mga pinakamahalagang daungan o Freeport sa bansa Ang look ng Tayabas ng Quezon,Look ng Iligan sa Misamis Occidental, Look ng Lamon sa Quezon, at Look ng Illana sa Zamboanga ay mga kilalang look din sa bansa.

Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)

Ang Bukal
Ang bukal ay isang anyo ng tubig na nanggagaling sa ilalim ng lupa . May mga maiinit at malalamig na Bukal sa bansa.Karamihan sa mga ito ay natatagpuan sa Luzon tulad ng maiinit na Bukal ng Calamba at Los Banos sa Laguna, Mainit sa Bukal ng Tiwi sa Albay, Bukal ng Pandi sa Batangas, at Bukal ng San Mariano sa Pangsinan. Sinasabing ang mga maiinit na bukal ay nakapagpapagaling ng ibang karamdaman. Ang bukal ay nagbibigay ng mainit o malamig na tubig na naggagaling sa ilalim ng lupa. Ang bukal[1] ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan . Malamig ang tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.

Ang Talon
Ang talon ay isang anyo ng tubig na dumadaloy mula sa mataas na lugar.

Ang bansang pilipinas ay kilala sa magaganda nitong mga talon na dinarayo ng mga turista. Isa sa mga ito ay ang Talon ng Pagsanjan sa Laguna, Kinagigiliwan ng mga turista ang pagsakay sa banka pasalungat sa rumaragasang tubig sa pagsanjan. Ang talon ng Maria Cristina naman sa Iligan, Mindanao ay pinagkukunan ng elektrisidad para sa buong Mindanao. Ang iba pang talon sa Pilipinas ay ang Talon ng Tamaraw sa Mindoro,Hinulugang Taktak sa Antipolo,Daranak sa Rizal,Katibawasan sa Camiguin, at Blanca Aurora sa Gandara , Samar. Ang talon ay nagdudulot ng Enerhiya. matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa

Ang Lawa
Ang lawa ay anyo ng tubig na napaliligiran ng lupa. May kabuuang limampu't siyam na lawa ang matatagpuan sa Pilipinas. Isang kilalang lawa sa bansa ay ang Lawa ng Taal sa Batangan. Sa gitna nito ay matatagpuan ang napakagandang Bulkang Taal. Ang Lawa ng Laguna naman ang pinakamalaki sa bansa. Ang mga lawa ng Lanao sa Lanao Del Sur, Naujan sa Mindoro, Buhi sa Camarines Sur, Lumbo sa Agusan Del Sur, At sultan sa Lanao del Norte ay ilan din sa mga kilala sa bansa Ang lawa ay anyong tubig na napaliligiran ng lupa. Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero.

Ang Ilog
ang ilog ay isang anyong tubig na dumadaloy patungo sa dagat ito ay ginagamit sa pagdadala ng mga produkto sa ibang lugar. Maganda rin itong patubig sa mga bukirin. Maraming ilog ang matatagpuan sa ating bansa. Ang ilog ng Cagayan sa Rehiyon ng Ilocos ang pinakamahaba sa pilipinas na may habang 270 kilometro. Pumapangalawa naman ang Rio Grande sa Mindanao. Sa Metro Manila naman ay makikita ang ilog pasog. ang ilan pa sa mahahalagang ilog ay ang abra at Laoag sa Ilocos, Agno sa Pangasinan ,Pampanga at Angat sa Gitnang Luzon, Pagsanjan sa Laguna, Marikina sa Rizal,Chico, at Magat sa Lambak ng Cagayan. isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.

Ang Karagatan ng Dagat
Ang karagatan ang pinakamalaki at pinakamalalim na anyong tubig at ang dagay naman ay mas maliit kayas sa karagatan. Ang mga dagat sa Pilipinas ay ang Sulu,Sinuyan,Visayas,Mindanao,Samar,Camotes, at Mindoro. Matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas ang Dagaaat ng Timog Tsina at ang Dagat Celebes naman sa katimugang bahagi.

Ang Philippine Deep ang pinakamalalim sa buong mundo. napagalaman na sa lalim nito ay lulubog ang Bundok ng Everest dito na siyang pinakamataas sa buong mundo. Ito ay matatagpian sa Surigao Del Sur. Ang Karagatan at dagat ay malalaki at malalalim na anyong tubig. Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)

Ang Kipot
Ang kipot ay isang makitin na anyong tubig na nag-uugnay sa dalawang malalaking anyong tubig. Ang Kipot ng San Juanico ay matatagpuan sa pagitan ng Samar at Leyte. Ang Tulay ng San Juanico sa ibabaw nito, na siyang pinakamahabang tulay sa pilipinas ay nag-uugnay sa mga pulo ng Samar at Leyte. Ang mga Kipot ng San Bernardino, Biliran at Leyte,Basilan,Cebu,Guimaras,at Surigao ay ilan pang kilalang kipot sa bansa Ang Kipot ng San Juanico ay napakahalaga para sa mga Pilipino sa Kabisayaan. makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.

Ang Kanal

Ang kanal ay isang makipot na daang tubig na nag-uugnay sa dalawang anyong tubig. Ang mga Kanal ng babuyan at Balintang Sa Batanes ay mga Halimbawa ng kanal sa Pilipinas.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->