You are on page 1of 55

TV Ads: Hanguan ng mga Kagamitang Pampagtuturo sa Elementarya" Panimula; Paglalahad ng Suliranin, Saklaw at Delimitasyon, Disenyo ng Pananaliksik; Balangkas Teoretikal

at Konseptwal, Katuturan ng Talakay, Talababa

KABANATA II - Revyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Laybrari ng gradyuwet iskul ng Ateneo de Naga University at University of Nueva Caceres, at ang Internet ang pinaghanguan ng mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Mga Kaugnay na Literatura Binanggit nina Adeyanju (2003), Liwanag (1995) at Gabuyo (1998) ang papel sa pagkatuto ng mga kagamitang pampagtuturo, ang mga halimbawa at ang mga dapat isaalang-alang sa paghanda ng mga ito. Tinalakay naman nina Transona (2002), Aquino at Razon (1998), at Panambo (1997) ang tungkulin at kwalifikeysyon ng isang mahusay na titser. Makikita ang ibat ibang gamit ng wika sa mga pahayag nina Francisco at Espiritu (2006), Lumbera (2005), at Thompson (2003). Tinalakay naman nina Austero at Fowles (1999), Taflinger (1996), at Gresko at mga kasama (1996) ang paggamit ng saykoloji sa mga advertizment, at sa R.A. 8370 o Childrens Television Act of 1997 ang ahensang naatasang magmomonitor ng mga ito. Natutunghayan sa sumusunod na mga paragraf ang detalye ng mga nabanggit na mga kaugnay na literatura. Sa pagtuturo, ayon kay Adeyanju (2003), mahalaga ang visual aids sa lubusang pagkatuto ng mga bata. Para kay kanya: Learning aids are instructional materials and devices through which teaching and learning are done in schools. Examples of learning aids include visual aids, audio-visual aids, real objects and many others. The visual aids are designed materials that may be locally made or commercially produced. They come in form of wall-charts illustrated pictures, pictorial materials and other two dimensional objects. There are also audio-visual aids. These are teaching machines like radio, television, and all sorts of projectors with sound attributes. Ang advertizment ay maaari ring magsilbing visual aid. Ang kagamitan sa pagtuturo, ayon kay Liwanag (1995), ay isa sa mga faktor sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Ang mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo ay nasasalig sa ibat ibang batayan sa pananaw na sosyo-kultural. Sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo dapat isaalang-alang ang mga gamit nito, ang objektiv, panahon at istilo ng mga wikang gagamitin na naaayon sa kahalagahan ng mga taong nag-uusap at sa hinihingi ng pagkakataon. Ang ikalawa ay ang pananaw na pangkaisipan. Dito binibigyang pansin ang pagkakaiba ng estudyante sa paraan ng pagkatuto. Ang ikatlo ay ang yumanistik na perspektiv. Ang objektiv nito ang lubusang malinang ang buong katauhan ng mga mag-aaral. Para kay Gabuyo (1998), sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo ay kailangang alamin ang karakteristik at pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang objektiv, balangkasin ang nilalaman, iplano ang suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga materyal na paghahanguan. Sa pagsusulat, ihanay nang maayos ang mga ideya, pag-

isipan at simulang buuin ang mga gawain at fidbak, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga grafiks. Ayon kay Transona (2002), walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang mabuting titser ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting titser ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Tinalakay ni Aquino at Razon (1998) sa kanilang aklat ang kwalifikeysyon ng isang mahusay na titser. Ayon sa kanila, matatawag na mahusay ang titser kung nagtataglay sya ng sariling kakayahan at katalinuhan, matapat sa pakikitungo sa kanyang kapwa titser at iginagalang ang karapatan ng bawat estudyante. Kailangan ding may alam sya sa mga prinsipol ng mabuting pagkatuto tulad ng paggamit ng angkop na pamamaraan sa pagtuturo, motiveysyon, paggawa ng leson plan, kasanayan sa pagtataya at integreysyon. Ang pagkatuto para kay Panambo (1997) ay ang pinakamahalagang proseso ng pagtuturo at pag-aaral. Ang pagkatuto ng mga estudyante ay nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ng isang titser. Ang titser ang nababalak at nagpapasya sa pamaraang kaniyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais nyang makamtan ng mga estudyante, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mga estudyante at gayundin sa uri ng paksang-aralin at sabjikt na kanyang ituturo. Sa lektyur ni Francisco (2006) sa Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino binanggit nya, ayon kay Espiritu, wika ang gamit ng titser sa pagpapaunawa ng nilalaman ng kurso at wika ang gamit ng estudyante upang ipakita ang kanyang pag-unawa at ipahayag ang kanyang iniisip at niloloob. Samaktwid, mahalagang konsiderasyon ang wika sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto. Payo ni Lumbera (2005) sa mga manunulat sa intervyu sa kanya ng Pinoy Weekly Online: Importante na kilalanin ng isang manunulat na siya ay namumuhay sa ganitong lipunan at kung hindi man siya kumilos para baguhin ang lipunan na iyon, huwag namang maging hadlang sa pagkilos ng ibang tao. Lagit lagi, kilalanin ang kanyang kaugnayan sa buhay ng lipunang kanyang kinabibilangan. Sa ganoong paraan, ang kanyang mga tula, kuwento, dula ay uungkat sa mga nangyayari sa ating lipunan at yong kanyang odyens na bumabasa sa kanyang mga tula o nanonood ng kanyang dula ay mabigyan niya ng kamalayan na siya ay bahagi ng lipunang inilalarawan sa akda. Sa ganoong paraan ang manunulat ay hindi magiging kuntento na lamang sa paggamit sa wika ayon sa personal niyang kagustuhan. Sa 192 mga Pilipinong advertisement pantelebisyong sinorbey ni Thompson (2003), ang isandaan at walo (108) ay gumamit ng English E, apatnaput isa (41) ay Tagalog na may mga English na salita at phrase T(E), dalawamput dalawa (22) ay Tagalog T, at dalawamput isa (21) ay English na may mga Tagalog na salita at phrase E(T). Ang anim na tipo ng produktong nanguna at halos gumagamit ng Tagalog (T at T(E)) ay Pagkain (39.68%), Farmasyutikal (23.81%), Panlinis/Detergent (11.11%), Inuming Alkohol (7.94%), Pampamahalaang Serbisyo (6.35%), at Home Maintenance at Aplayans/Elektroniks (parehong may 3.17%). Samantala, ang anim na tipo ng produktong nanguna at halos gumagamit ng English (E at E(T)) ay Aplayans/Elektroniks (18.60%), Pagkain (12.40%), Damit (10.85%), Pagbabangko/Finans (9.30%), Gamit sa Banyo at Inuming Di-alkohol (parehong may 8.53%), at Sasakyan/Travel at Inuming Alkohol (parehong may 6.98%). May labin-limang atraksyon sa mga advertizment na tinawag ni Jif Fowles na imbentaryo ng motibo ng tao ayon kay Austero (1999). Ang saykoloji o mga atraksyon sa mga

advertizment ay mga pangangailangan: sa seks, pagsasamahan, pagmamahal o pag-aalaga, ng patnubay, seguridad, estetik senseysyon, kyuryositi, na bayolojikal, makapantay o makalevel ang isang tao, makatakas, magpatnubay, mangibabaw, kumuha ng atensyon, maging prominente at awtonomus. Sa libro ng Taking ADvantage ni Taflinger (1996), binanggit nya ang sampung psychological appeal na ginagamit sa advertayzing upang makapagmotiveyt sa mga mamimili. Ang mga psychological appeal na ito ay: self-preservation, sex, acquisition of property, self-esteem, personally enjoyment, constructiveness, destructiveness, curiosity, imitation at altruism. Para kina Gresko at mga kasama (1996), matagal nang ginagamit ang saykoloji sa advertayzing bilang ifektiv na pamamaraan sa pagbebenta ng isang produkto o serbisyo. Ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto na nakaaapekto sa saykoloji ng tao ay makatutulong sa isang kompanya na makabenta ng kanilang produkto o hindi kaya ay makatutulong sa isang konsyumer upang maunawaan ang mga marketing istratiji na nakakahimok sa kanilang bumili ng mga produkto. Mahalagang makuha ang atensyon ng konsyumer at ito ay sa pamamagitan ng pag-apela sa emosyon. Alinsunod sa R.A. 8370 o Childrens Television Act of 1997, ang National Council for Childrens Television (NCCT) ang magmomonitor, magrerevyu at magkaklasifay ng mga pambatang programa sa telebisyon at mga advertizment na ipinalalabas sa mga oras na maraming bata ang nanonood. Sa katuturan nito, ang children ay tumutukoy sa lahat ng tao na wala pang labin-walong (18) gulang. Mababasa sa Seksyon 2, ang Declaration of Policy, na kinikilala ng estado ang kahalagahan at impakt ng brodkast midiya partikular ang mga programa sa telebisyon kaugnay sa pagpapalaganap ng valyus at intelektwal na pagunlad ng mga kabataan bilang bahagi na rin ng suporta at pangangalaga sa kanilang interes.

Mga Kaugnay na Pag-aaral Ang mga paksang tinalakay sa mga pag-aaral nina Gastello (1999), Fortuno (1998), Lopez (2001), Mallapre (2004), Mettilla at Metilla (1996), Camaya at mga kasama (2004), Arenas (1995), Alcedo (1998) at Alegre (1998) ay hango sa midiya at nagkakaiba-iba sa ginamit na materyal. Ang kina Gastello, Fortuno at Lopez ay hango sa dyaryo: mula sa dyaryong brodsyit gamit ang mga komikstrip sa unang pag-aaral at mula sa dyaryong tabloyd gamit ang mga artikel sa ikalawa at mga balita sa ikatlo. Ang kina Mallapre, Metilla at Metilla, at Camaya at mga kasama ay hango sa telebisyon gamit ang nobelang popular sa unang pagaaral at mga edyukeysyonal program sa huli. Ang kay Arenas ay hango sa sine gamit ang pelikula. Samantala, ang kina Alcedo at Alegre ay hango sa libro gamit ang ibat ibang akda sa unang pag-aaral at mga tula lamang sa huli. Ang mga materyal na nilikom nina Fortuno, Gastello, Mallapre, Alcedo at Alegre ay iklinasifay: ayon sa paksa sa unang tatlong magkakahiwalay na pag-aaral at ayon sa kaisipan sa huling dalawa. Ang pinakamalapit sa kasalukuyang pag-aaral ay ang case study ni Adeyanju (2003) na tinukoy ang persepsyon ng epekto ng mga kagamitang pampagtuturo sa pagkatuto, at ang pangmaster na tisis ni Transona (2002) na inalam ang kaangkupan ng sanayang-aklat sa kyurikulum ayon sa persepsyon ng mga titser sa Filipino. Tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo rin ang mga pag-aaral nina Adeyanju at Transona.

Natutunghayan sa sumusunod na mga paragraf ang detalye ng mga nabanggit na mga kaugnay na pag-aaral. Isa sa mga objektiv ng mga pag-aaral nina Fortuno, Gastello, Alcedo at Alegre ay maikonekt sa edukasyon ang ginawang pag-aaral. Ang kina Fortuno, Alcedo at Alegre ay sa pagtuturo: sa Edukasyong Pagpapahalaga sa elementarya sa una at sa Panitikan sa hayskul sa ikalawa at sa kolij sa huli. Samantala, ang kay Gastello ay pagpapaunlad ng kurikyulum bukod pa sa paglinang sa kakayahan sa pagbasa at sa pagpapahalaga. Tinukoy sa pag-aaral nina Alegre at Gastello ang mga figyurovispits at islang sa mga maikling kwento para sa unang pagaaral at mga komikstrip sa huli. Tinukoy naman sa pag-aaral ni Arenas ang mga role ng mga babaeng karakter sa mga pelikulang Pilipino at sa pag-aaral ni Gastello ang istilo ng presentasyon ng mga karakter sa mga komikstrip. Sa pag-aaral ni Gastello (1999), sinuri at inalam sa lipunan sa panahong iyon ang 96 na mga komikstrip na Pugad Baboy ni Pol Medina Jr. na araw-araw na nailathala sa pahagang The Philippine Daily Inquirer. Batay sa isinagawang pag-aaral, ang mga paksang-diwa ay inilahad sa pagbibigay ng observeysyon at kritikal na pagsusuri sa mga kasamaan at katiwalian sa kalikasan, edukasyon, gobyerno, lipunan at ekonomiya ay ginawang katawa-tawa at hindi obvyus upang hindi maging masakit sa mga pinatutungkulan. Nakitang ang mga pangalang ibinibigay sa mga tauhan ay nababagay sa mga pag-uugaling taglay nila at ang mga taong ito ay nakakasalamuha natin sa araw-araw. Ang paggamit ng mga figyurovispits ay mabisang paraan sa paglalahad at pagpapasigla ng isang awtor upang mapukaw ang kawilihan ng mambabasa. Ang mga islang o balbal na salita na komon na ginagamit ngayon lalo na ng mga kabataan at maging ang mga komon na tao ay isang paraan upang maging riyalistik ang dayalog o usapan sa komikstrip. Ang mga komikstrip na ito ay may kahalagahan sa pagprepeyr sa mataas na level ng edukasyon. Sinuri at pinahalagahan ni Fortuno (1998) ang mga piling sanaysay ni Bella Angeles Abayan na pinamagatang Maganda ang Buhay na inilathala at linguhang lumalabas sa pambansang pahayagang Balita, mula Enero ng taong 1996 hanggang Disyembre taong 1997. Sa isinagawang pag-aaral, lumabas na ang apanaput walong (48) sanaysay ay naglalarawan ng mga paksang patungkol sa intelektwal, sosyal at panlipunan, moral at ispiritwal na nagbibigay tuon sa kahalagahan ng karunungan, pag-aaral, determinasyon sa buhay, pag-ibig sa sarili, kapwa at bayan, pagtupad sa tungkulin at paniniwala sa Diyos. Ang 48 sanaysay ay nagtataglay ng mga pagpapahalagang nakapaloob sa DECS CORE VALUES na binibigyang-diin ang pagpapahalagang panlipunan, pagpapahalagang pang-ekonomiya, pagmamahal, katotohanan at pananampalataya. Ang 48 sanaysay ay may kaugnayan sa pagpapatupad ng layunin ng pagtuturo ng Edukasyong Pagpapahalaga (EP) na nakapaloob sa paksang intelektwal, sosyal at panlipunan, moral at ispiritwal. Inalam ni Lopez (2001) sa kanyang pag-aaral ang kahalagahan ng pahayagan bilang instrumento ng pag-unawa ng katarungang panlipunan. Batay sa kinalabasan, ang mga katarungang pambata ay mga karapatang para mabuhay, edukasyon, maayos na pamumuhay, pagtangkilik ng sariling pamilya at proteksyon laban sa pag-aabuso; sa katarungang pangkababaihan ay paghawak ng katungkulan, dangal at reputasyon at proteksyong sekswal; sa katarungang pangmagagawa ay maayos na paglilitis, tamang pasahod at pagtanggap ng benifit sa pinagtratrabahuhan. Ang mga dimensyong sosyal ay wastong paggamit at paggalang sa mga nabanggit na katarungan: pagpapahalaga sa karangalan, pantay-pantay na karapatan at pananagutan at katungkulan dapat gampanan. Ang mga epekto ng mga pagpapahayag ng pagkagalit, pagtawag sa ahensyang sangkot at

pagbibigay tulong at payo upang maisaayos at maitama ang mga paglabag ng mga katarungang pantao sa lipunan. Si Mallapre (2004) ay gumawa ng pag-aaral tungkol sa Mga Nobelang Popular: Salamin ng mga Pagpapahalaga. Sinuri at binigyang pagpapahalaga ang labin-limang nobelang popular na naipalabas sa ABS-CBN taong 1999-2000 sa pamamahala ni Charo Santos. Batay sa ininagawang pag-aaral, ang mga paksang-diwang nilahad ay pagsisikap na maiangat ang buhay na may sab-tapik na: pagsusumikap at pagtitiyaga, pag-asa sa kapalaran, pagsalig sa kapwa; pagkamatatag na may sab-tapik na: pagkamatatag sa pagharap sa problema sa pamilya, pagkamatatag sa pagharap sa problemang kinasasangkutan ng sarili at pagkamatatag sa pagharap sa nagawang kamalian; katangian ng pag-ibig na my sab-tapik na pag-ibig na matiyaga at magandang loob, pag-ibig na mapang-unawa at hindi makasarili at pag-ibig na mapagbata at puno ng pagsasakripisyo; pagpapahalagang sosyal na may sabtapik na: ugnayan sa pamilya, ugnayan sa kapwa at pagpapahalagang katapatan sa pagibig. Ang mga kakintalang nakapaloob sa mga nobela ay personal at interpersonal. Inases nina Metilla at Metilla (1996) ang akseptabiliti ng at pangangailangan para sa lokal na mga edyukeysyonal program sa telebisyon para sa mga bata sa Bicol. Inivalyuweyt ang aveylabiliti ng finansyal, teknikal at manpower resources sa pagproprodyus ng nasabing mga program. Sa pag-aaral, nadiskover na talagang mayroong pangangailangan para sa mga edyukeysyonal program na pantelebisyon na prinodyus sa bansa at katanggap-tanggap ito sa mga vyuwer. Ang telebisyon at ang mga programa na kakikitaan ng karahasan ay may impluwens at nakakapagpahamak sa mga bata. Ang mga lokal at nasyunal na kompani ay parehong nagbigay ng pagsang-ayon sa persepsyon na ang advertayzing ay ifektiv lalo na sa telebisyon. Ang panunuod ng telebisyon nang walang wastong patnubay ay maaaring magpahamak sa mga bata. Kailangan at gusto ng mga magulang at mga bata ng mga programang pambata sa telebisyon na parehong edyukeysyonal at konstraktiv sa kanilang development. Kung mabibigyan ng risonabol na presyo sa komersyal reyts at masisigurado ang vyuwersyip ay wiling na suportahan ng mga kompani ang mga programang pambata sa pamamagitan ng advertayzing. Ang mga potensyal na advertayver at isponsor ng program ay maaaring iimbayt at ipriprizent ang unang episowd ng program upang makuha ang suporta at komitment nila dito. Sa pag-aaral nina Camaya at mga kasama (2004), natuklasang mas pinipili ng mga kabataan sa Sta. Teresita, Iriga City ang mga produkto at serbisyong iniindors ng mga silebriti kaysa sa mga produkto at serbisyong iniindors ng mga di-silebriti. Ang mga advertizment sa telebisyon ay mas napapanood ng mga rispondent tuwing praymtaym kaysa sa ibang oras. Natuklasan ring mas kaakit-akit sa mga kabataan ang mga advertizment na iniindors ng mga silebriti. May epekto sa paggawa ng desisyon sa pagpili ng kanilang pangunahing pangangailangan ang mga advertizment sa telebisyon. Sinuri ni Arenas (1995) ang 14 pelikulang Pilipino na iprinodus at ipinalabas mula 1990 hanggang 1994 at sinubukang iaydentifay at ianalayz ang ibat ibang roles ng mga babaeng karakter. Natuklasang 9 sa 23 babaeng karakter ay ina o asawa ang role, 8 ay kabit o girlfriend, 3 ay anak, at 2 ay prostityut. Ang mga pwersang sosyo-kultural na nakaimpluwensya sa paghubog ng mga karakter na babae ay educational background, values orientation sa bahay, at marginalization sa tahanan, trabaho at sa lipunan. Ang mga sosyo-kultural na implikasyon sa ibat ibang roles ng babae ay nakikita sa dalawang discernable forces tulad ng sa traditionalism at modernism. Sa Philippine setting, ang tingin

sa kababaihan ay sabmisiv, konservativ at fultaym na ina. Ang tingin sa modern imij ay asertiv, karir-oryented at libereyted. Natuklasan ni Alcedo (1998) batay sa isinagawang pagsusuri naipahayag ang mga kaisipang nakapaloob sa piling elemento ng nobela na patungkol sa mga kaisipang pangmakabayan, pangmakatao, pangmoral at pangkagandahang-asal at pang-intelektwal. Inilahad ang mga kaisipan at mga pagpapahalagang kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan. Ang mga nabuong kongklusyon ay ang mga sumusunod: 1) Ang mga kaisipang nakapaloob ay patungkol sa kaisipang pangmakabayan, pangmakatao, pangmoral, pangkagandahang-asal at pang-intelektwal. 2) Ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa nobela batay sa mga kaisipan ay mga pangmakatao, pangmoral, pagpapahalaga sa kabutihang-asal at pagpapahalagang pangkaisipan. 3) Ang mga pagpapahalagang pagkamaka-tao, pagkamaka-Dyos at pagpapahalaga sa pangkaisipan ay magagamit sa pagtuturo kaugnay sa pagtuturo ng mga layunin pang-edukasyon sa pagtuturo ng panitikan sa hayskul. Nilayon ni Alegre (1998) na masuri at mapahalagahan ang dalawamput limang tula ni Tinio A Trick of Mirrors at maikonekt ito sa pagtuturo ng panitikan sa kolij level. Batay sa isinagawang pagsusuri, nailahad ang mga nilalamang-diwa batay sa ibat ibang uri ng damdaming nakapaloob sa tula. Naipakita ang paggamit ng mga larawang-diwa at figure of speech sa tula ni Tinio at naikonekt ang mga kaisipang mga larawang-diwa at figure of speech sa pagtuturo ng panitikan sa kolij level. Nadiskover sa pag-aaral na ito na ang mga tula ni Tinio ay may nilalamang-diwa batay sa relasyon ng magulang, mag-asawa at kapwa na naglalahad ng ibat ibang damdamin at isipan. Ang mga tula ni Tinio ay mayaman sa mga larawang-diwa at mga figure of speech gaya ng ayroni, metafor, epigram, personifikeysyon, pagtatanong, metonimi, simili at pagpapalit-diwa na nagpapalitaw sa ibat ibang damdamin at kaisipang awtor. Sa case study ni Adeyandu (2003) sa Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching na mahigit siyamnapung porsyento ng mga gurong sinorvey ay sumang-ayon sa positibong epekto ng pagtuturo na ginagamitan ng ibat ibang mga kagamitan sa pagtuturo. Pinatunayan nilang 1) mas nauunawaan ng mga estudyante ang mga itinuturo kapag ginagamit nila ang mga kagamitang pampagtuturo sa kanila, 2) nag-iimprovayz sila ng mga kagamitang pampagtuturo kapag kinakailangan, at 3) gumamit sila ng kagamitang pampagtuturo upang maipaunawa ang ibat ibang konsepto na nangangailangan ng pagpapaliwanag. Bumuo ng sanayang-aklat sa Filipino VI si Transona (2002). Tinukoy nya ang mga nilalaman nito upang mapaunlad ang kasanayang pampanitikan ng mga estudyante sa Filipino IV, at ang ibat ibang istratijing ginamit na angkop sa paglinang ng vokabyulari, mga kaugnay na aktiviti at pagpapahalaga sa pagsukat ng natamong kaalaman ng mga estudyante. Tinukoy rin nya ang kaangkupan ng binuong sanayang-aklat sa kyurikulum ayon sa pananaw ng 17 titser sa Filipino na nagsilbing mga juror. Ang kinalabasan: 1) Ang nilalaman ng sanayangaklat ay paglinang ng vokabyulari, pag-usapan, kaugnay na aktiviti at ivalyuweysyon. 2) Ang paglinang ng vokabyulari ay pag-unawa ng mga nilalaman ng panitikan o ang diwang nais ipahiwatig sa akda. Ang pag-usapan ay bahaging nagbibigay ng mga tanong upang lubos na masuri ang akdang pampanitikan at maikintal ang anumang kaisipan o pagpapahalagang dapat matamo ng mga estudyante. Ang kaugnay na aktiviti ay magsisilbing pagpapahalaga sa akdang natalakay. Ang ivalyuweysyon ay ang bahaging pinakasaligan sa pagsukat ng natamong kaalaman ng mga estudyante. 3) Sa pananaw ng mga guro ay angkop na angkop ang sanayang-aklat kyurikulum sa layunin, at sa kawilihan, karanasan at kaayusan.

Kalagayang Pansining

Matapos ilahad ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral, makikita ang kaugnayan nito sa kasalukuyang pag-aaral. Inaasahang makapagbibigay ng interesting at kakaibang iksperyens sa mga estudyante ang mga pantelebisyong advertizment kung gagamitin sa pagtuturo ng Filipino at HEKASI sa Grade VI. Ang paggamit ng mga advertizment sa pagtuturo ay nangangailangan ng masusing pagbabalak at nagpapasya, tungkuling magagampanan lamang ng isang mahusay na titser. Gumagamit ng wika, karikatura, kulay at tunog ang mga advertizment. Puno ito ibat ibang diwa, literal at figyurativ, buhat sa napagmasdang dula ng buhay o karanasan ng mga sumulat at bumuo ng advertizment. Hango rin sa midiya ang materyal na gagamitin sa kasalukuyang pag-aaral at ikaklasifay rin ito. Ang pagkakaiba ng pag-aaral na ito ay mga pantelebisyong advertizment ang gagamitin at ayon isyu ikaklasifay. Tatalakayin sa kasalukuyang pag-aaral ang mga lantad na katotohanan at mga talinghagang nakapaloob sa mga advertizment. Bukod sa mga ito, tatalakayin rin ang istilo ng presentasyon ng mga advertizment tulad ng paggamit ng saykoloji, figyurovispits at islang sa mga ito. Matutugunan ng mga pantelebisyong advertizment ang kakulangan sa kagamitang pampagtuturo upang magsilbing lunsaran sa mga aralin sa Filipino at HEKASI.

Talababa

Virgilio J. Adeyanju, Teachers Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching: a Case Study of Winneba Basic and Secondary Schools, Faculty of Education, Institute of Education, Obafemi Awolowo University, Nigeria, 2003 http://ultibase.rmit.edu.au/Articles/nov03/adeyanju1.htm(Binuksan noong April 12, 2007) Lydia S. Liwanag, Phoenix Educational Journal, 1995 Araceli Gabuyo, Ang Sanayang-Aklat Bilang Kagamitang Pampagtuturo Panayam sa Pambansang Seminar sa Filipino sa Pagtataguyod ng Kagawaran ng Filipino sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng Philippine Normal University, 1998 Leopoldo R. Transona, Sanayang-Aklat Pampanitikan sa Filipino IV: Isang Pagsusuri, (DiNalathalang Masteral Tesis Ateneo de Naga University, 2002) Naga City Rosa Maria B. Panambo, Walong Linggong Kurikulum: Ang Bisa Nito sa Kakayahan ng mga Mag-aaral (Di-Nalathalang Masteral Tesis University of Nueva Caceres, 1997) Naga City Christian George C. Francisco, Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino, De La Salle Unioversity-Dasmarias,

2006 http://ptechs.org/ptechs2006/Presentation/CFrancisco.pdf (Binuksan noong April 12, 2007) Bienvenido Lumbera, Dr. Bienvenido Lumbera: Pambansang Alagad ng Sining Intervyu ng Pinoy Weekly Online kaugnay ng pagkakahirang sa kanya bilang Pambansang Alagad ng Sining, 2005http://pinoyweekly.org/pw5-25/kult/kult_1.htm (Binuksan noong May 7, 2007) Roger Thompson, Filipino English and Taglish: Language Switching from Multiple Perspectives, Marketing messages through language switching in television commercials, Amsterdam: John Benjamins, 2003 http://www.clas.ufl.edu/users/rthompso/filipinocommercials.html (Binuksan noong March 30, 2007) Richard F. Taflinger, Taking ADvantage, Washington State University/Edward R. Murrow School of Communication, 1996 (Bersyon sa internet) http://www.wsu.edu:8080/~taflinge/advant.html(Binuksan noong February 20, 2007) Jon Gresko at mga kasama, Social Psychological Factors Underlying the Impact of Advertising, Miami University, 1996 http://www.users.muohio.edu/shermarc/p324ads.shtml (Binuksan noong April 2, 2007) Republic Act No. 8370, Childrens Television Act of 1997 Guillermo Gastello, Comic Strip: Larawan ng Galaw ng Buhay (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1999 Vivian B. Fortuno, Kagamitang Pampagtuturo at Edukasyong Pagpapahalaga (Di-nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998 Marivic S. Lopez, Pamahayagan: Instrumento sa Pagpapahalaga ng Karapatang Panlipunan (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 2001 Cherfield Metilla at kasama, The Acceptability of a Local Childrens Educational Program in Television, (Unpublished Masteral Thesis), Ateneo de naga University, Naga City, 1996 Lilybeth R. Mallapre, Mga Nobelang Popular: Salamin ng mga Pagpapahalaga (DiNalathalang Masteral Tesis University of Nueva Caceres, 2004) Naga City Eden D. Arenas, Women Characters in Selected Filipino Movies (Unpublished Masteral Thesis), Ateneo de Naga University, Naga City, 1995 Virgilio J. Alcedo, Ibong Mandaragat: Pagsusuri at Pag-uugnay sa Kasalukuyang Panahon (DiNalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998 Amy A. Alegre, Mga Piling Tula: Isang Pagsusuri at Pagpapahalaga (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998 Camaya at mga kasama, The Perceived Effects of Television Advertisments to Decision Making of the Youth in Choosing their Basic Needs in Sta. Teresita, Iriga City (Unpublished AB-Development Communication Thesis), Ateneo de naga University, Naga City, 2004

research
BALYUS AT KATANGIAN NG PELIKULANG PITONG DALAGITA: PATNUBAY
AUTHOR : MARY JANE D. PAARES DEGREE : MASTER OF ARTS IN TEACHING FILIPINO ADVISER : DR. ELISEO H. CANTON

INTRODUKSIYON

Ang pelikula ay bahagi ng ating kultura at malaki ang naiiambag nito sa ating sining. Ang pelikula ay isang ring uri ng komunikasyon kung saan ang mensahe o punong kaisipan ay inilalahad sa pamamagitan ng isang isinadulang kuwento. Ang pelikula ay isa sa mga uri ng midya na may malaking epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga manonood. Ito ang pinakamalakas na anyo ng mass media na ginagamit ngayon lalung-lalo na sa mga kabataan. Pinaniniwalaan ng mananaliksik na malaki ang naging impluwensiya ng mga pelikula sa buhay ng tao at sa paghubog ng kaisipan ng mga kabataan. Ang damdamin, pag-iisip, wika at gawi ng mga kabataan ay maaaring magkaroon ng kanais-nais o di kanais-nais na pormasyon pagkatapos makapanood ng pelikula. Kaya naman ang pelikula ay dapat na kinapupulutan ng mga balyu na makapagbubuo ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan. Ang tanong ay kung sa kasalukuyan makikita pa kaya ng mga kabataan ang pagpapahalagang pangkatauhan ng mga pelikulang Pilipino? Tulad ng nasabi sa unahan may malaking impluwensiya sa mga manonood ang mga pelikula; ito ay maaaari makalason ng isipan ng kabataan lalo na kung nagpapakita ng kalaswaan o karahasan ang mga eksena. Napatunayan na sa isang pag-aaral na ang mga napapanood na karahasan sa mga pelikula ay nagiging dahilan ng pagtaas ng kriminalidad sa lipunan. Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na tumutuklas sa katotohanang impluwensiya ng mga pelikula sa mga kabataan at ang kaugnayan nito sa personal nilang pamumuhay at sa kanilang lipunang ginagalawan. Sinisikap ng mananaliksik na malaman ang kalidad ng pelikulang pangkabataan sa pamamagitan ng pagsusuri at paglalarawan ng pelikula. ANG SULIRANIN Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang balyu at katangiang makikita sa pelikulang Pitong Dalagita. Batay sa kinahinatnan, ang patnubay sa pagsusuri ng pelikula ay iminumungkahi. Ang tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay upang makalikom ng kasagutan sa mga sumusunod na suliranin: 1. Anu-ano ang mga balyus na makikita sa pelikulang Pitong Dalagita batay sa pananaw na : 1. humanismo ; at 2. eksistensyalismo ? 2. Anu-ano ang mga katangian ng pelikulang ito na dapat malaman ng mga kabataan ayon sa mga sumusunod? 1. mensaheng hatid ng pelikula sa mga manonood

2. bisa ng pelikula sa mga manonood 3. Batay sa kinahihinatnan, anong patnubay sa pagsusuri ng pelikula ang maimumungkahi? Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamaraang deskriptiv. Ginamitan ng analisis at interpretasyon ayon sa kasalukuyang kalikasan mula sa Pelikulang Pitong Dalagita. Sinubukang masuri ang balyus ayon sa dalawang teoryang pampanitikan, ang humanismo at eksistensyalismo.

Mga Natuklasan

MGA BALYU sa pananaw na:


Humanismo Eksistensyalismo

Pakikipagkaibigan Pakikipagkapwa Pagiging matatag Pagpapahalaga sa magulang Pagtanggap sa katotohanan Katapatan Pagpapahalaga sa buhay Pagpapakumbaba Pagtitimpi / Mahinahon Pagiging Senstibo sa Pangangailangan ng Iba Magandang Pananaw sa Buhay Pagpaparaya Pagiging Simple Pagkamaparaan

Pagtitiwala kakayahan
Pagtitiyaga

sa

sariling

Pagtitiwala sa sarili Pagiging totoo sa sarili Mabuting Pagpapasya


Pagkamatiisin

Paggalang sa Kasarian Paggalang sa Karapatan ng Iba

Mensahe sa mga manonood - Ang tunay na kaibigan ay maituturing na isang kayamanan. - Ang pagtanggap sa katotohanan ay makadudulot ng kapayapaan. - Ang pagkaiinggit o pagseselos ay di makabubuti sa anumang relasyon.

- Dapat malaman ang kahalagahan ng Diyos sa buhay ng tao upang mapahalagahan din ang buhay na bigay ng Diyos. - Magkaroon ng katataggan ng loob upang maharap ang mga suliranin o pagsubok sa buhay.

BISA NG PELIKULA
ASAL ISIPAN DAMDAMIN

Pagpapahalaga sa Ang malakas na Pagkainis sa mga taong di kaibigan ngunit maging determinasyon ng isang marunong umunawa sa maingat sa pakikisama. tao ay maghahatid din sa kapwa. kanya sa tagumpay. Pagtitimpi o kahinahunan Pagkaawa kay Tina na parang isang napakabuting May mga magulang na walang nagmamahal sa kanya. katangian at nakita ito makasarili na kina Tisha at Ruli. kinalilimutan ang Paghanga sa katatagan ni obligasyon sa anak. Mayo sa pakikipaglaban sa Pagmamalasakit sa tukso. kapwa ang katangian ng Paghahangad na makilala Joyce, marunong sa pamlya, kaibigan at umunawa sa damdamin lipunan ay mahalaga sa ng iba. isang tao. Paggalang sa mga tao ay Di dapat maging padalusdapat matutunan lalo nat dalos sa mga pagpapasya. mga taliwas na kasarian ng tao. Kung marunong kang gumalang sa kapwa, Pagiging matapat susi sa igagalang ka rin nila. mabuting samahan. Pagkagalit kay Kissy sa kanyang pagiging mapagkunwari at pagkawalang takot sa Diyos. Pagtataka na may magulang na di nauunawaan ang kalagayan ng anak.

Paghahangad ng Pagpapakumbaba tunay kabutihan ay na kahanga-hanga. nakapagpapaligaya rin sa Malaking paghanga kay Joyce isang tao. sa kanyang katapatan bilang kaibigan. Pagkamatiisin sagot sa paglaban sa kahirapan o Pagsasakripisyo para sa pagsubok. kapakanan ng iba.

Pagpaparaya tanda ng Anumang pagkakamali ay malawak na pang-unawa. maaaring pa ring ituwid.

Konklusyon Ayon sa ginawang pagsusuri nakita na maraming balyus sa pelikulang Pitong Dalagita batay sa humanismo at eksistensyalismong pananaw. Itong mga balyu ay nakitaan din ng mga mensahe na tuminag sa kanilang damdamin, nagpabuo ng mabuting kaisipan at naging patnubay sa pagtuklas ng kanila ring kalakasan at kahinaan. Ang pelikula ay nagturo sa mga kabataan kung paano harapin ang mga pagsubok sa buhay at maging maingat sa mga pagpapasya. Naihatid ng pelikula sa mga kabataan ang sa tunay na kahulugan ng kaibigan at pagmamalasakit. Ipinakita sa pelikula na lahat ng bagay ay may limitasyon. Ito ay magsisilbing gabay ng mga nakapanood na ang buhay ay may ibat ibang mukha na maaaring taliwas sa nakikita sa panlabas na kaanyuan. Maaaring ang nakikita mong mabuti sa panlabas iba sa katotohanan. Rekomendasyon Iminumungkahing ng mananaliksik na gagamitin ng sinumang nagnanais na pag-ibayuhin pa ang pag-aaral sa mga Pelikulang Pangkabataan ang mga sumusunod: 1. Dapat sundin ang batayan sa pagsusuri ng pelikula bilang output sa pag-aaral 2. Dapat na palagiang isama sa mga aralin ang mga pelikulang nagsasaad ng maraming balyus at mensahe na ikabubuti ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyang panahon. Di lamang sa pagsusuri nito kundi sa paghango ng mga aral kaugnay ang iba pang aralin. 3. Magkakaroon ng Salingkurang Pagsasanay sa mga titser na nagtuturo ng Filipino sa hayskul at kolehiyo upang magkakaroon sila ng pag-iisa sa pagsusuri ng pelikulang Pilipino. 4. Magkalap ang mga guro ng mga pelikulang Tagalog bago pa man mag-umpisa ang klase upang masuri ito at maisama sa paghahanda ng silabus ng kurso sa Filipino sa bahagi ng literatura sa bawat antas ng hayskul at kolehiyo.

BIBLIYOGRAFI Mga Aklat Agapay, Ramon. Ethics and the Filipino. Manila: National Bookstore, 2005. Alejandro, Rufino, Ph.D. Sining ng Pamamaraan ng Pag-aaral ng Panitikan.Manila: Philippine Book Company, 1979. Baisa, Ailene G.,et.al. Pluma IV. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2004. Bauzon, Priscilliano. Essentials of Values Education. Manila: National Bookstore, 2005. Brubacher, John S. Modern Philosophies of Education. New York City: McGraw Hill Inc., 1978. Frezir, Alexander. Values Curriculum in the Elementary.Boston: Houghton Miffin Company, 1960.

Mosqueda, Cleotilde D.R., et.al. Hamaka III, Manila: Innovative Educational Materials Inc., 2002. Pena, Angelita. Filipino sa Makabagong Henerasyon. Manila: Vicarish Publication and Trading Inc. 2003. Reyes, Manny. Malikhaing Pelikula, Philippines: Media Plus, 1996. Reyes, Soledad S. Kritisismo: Mga Teoryang at Antolohiya Para sa Pagtuturo ng Panitikan. Manila: Anvil Publishing House Inc., 1992. San Juan, Gloria P. Panunuring Pampanitikan. Manila: Booklore Publishing House, 2005. Taylan, Dolores R. at Gonzales, Angelita G. Sigay III. Manila: Rex Book Store Inc., 2005. Timbreza, Florentino, Pilosopiyang Pilipino. Manila: Rex Bookstore Inc., 1982. Villafuerte , Patronicio V. Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay). Philippines: Mutya Publishing House, 2000. Zulueta, Fransisco. Principles and Methods of Teaching, Mandaluyong City: National Bookstore, 2006. Journal Liwanag, Lydia S. Mabisang Pagkatuto. Phoenix Educational Journal. Quezon City: Phoenix Publishing House, 1995. Internet Arceo, Laura. Ang Bahaging Ginagampanan ng Midya at It sa Paghubog ng Kaisipan ng mga Kabataan. <http://www.geocities.com/arceo.html>. Gonzales, Vlad B. Tinig. Setyembre 23, 2007, <http://www.tinig.com/v19/v19vlad.html>. Perez, Antonio. Setyembre 24, 2007. <http://www.tinig.com/v21/v21tonyo.html>.Pop Culture. Setyembre. 23,2006,<www2.ucdsb.on.ca/athens/popculture/influencemovies>. Safe Youth, Safe Youth Organization. Setyembre 23, 2007. <www.Safe youth org / siv global.org.>. McGivern, Alice. Setyembre 25, 2007. <http://www.independent.ie/education/lights-camera-andclassroom-action-1088758.html>. Abante Tonite Online. <http://www.abante-tonite.com/issue/july2005/showbiz_av.html>. Argentina, Anna Maria. Teacher Talk, Enero 1, 2008 <http://www.teflasia.com/articles/TeacherTalk/Using-Movies-in-the-Classroom.html>.

LASAP
Panimula

NG

ORIHINAL

SA

PAMPANITIKANG SALIN

Mahalaga, ngunit hindi prioridad, ang pagsasalin sa Ingles ng mga akdang pampanitikan na orihinal na nasusulat sa wikang Filipino. Marahil, iniisip ng marami na hindi na kailangan pang magsalin sa Ingles ng mga akdang pampanitikan dahil marami namang mahuhusay na Pilipinong manunulat sa wikang Ingles. Ngunit naniniwala ang mga awtoridad na iba pa rin ang panitikang orihinal na sinulat sa isang katutubong wika. Isa na rito si Dr Septy Ruzui ng University of Malaysia. Noong 1977, nagtungo siya sa nooy Surian ng Wikang Pambansa (Komisyon sa Wikang Filipino ngayon) upang ipasalin sa Ingles ang ilang piling maiklng kuwento, tula, at dula na nakasulat sa Pilipino (Filipino na ngayon). Ang mga salin na ito sa Ingles ay naging batayan naman ng salin sa Bahasa Malaysia na isinama sa isang antolohiya ng mga akdang pampanitikan mula sa rehiyong Asean.

Ayon sa mga awtoridad, hindi maiiwasang angkinin ng manunulat sa isang dayuhang wika ang kultura ng wikang ginagamit niya; samakatuwid, hindi na niya masasabi na ang kanyang likha ay tunay na nagbabandila ng kaakuhang Pilipino. Kung gayon, ang pagsasalin sa Ingles ng mga akdang pampanitikan sa katutubong wika ay may mahalagang tungkulin: ibahagi sa buong daigdig ang ating mga mithiin, pag-asa, at pangarap, na ipinapahayag sa ating panitikan. Natatanging karanasan sa pagsasalin Ang papel na ito ay tungkol sa aking naging karanasan sa pagsasalin sa Ingles ng dalawang maikling kuwentong orihinal na isinulat sa Filipino, tungo sa pagtatamo ng titulong MA in English. Ang pamagat ng aking tesis ay A Translation into English of Two Short Stories Originally Written in Pilipino with an Explanation of the Translation Process. Dalawang maikling kuwento ang sentro ng pag-aaral Malalim ang Gabi ni Ponciano B. P. Pineda at Impeng Negro ni Rogelio R. Sikat. Kapwa premyadong manunulat ang dalawang awtor at ang kanilang mga obra ay kapwa nagkamit ng gantimpala sa Palanca Memorial Awards. Nagkamit ng pangatlong gantimpala ang Malalim noong 1952; pangalawang gantimpala naman ang Impeng Negro noong 1962. May iba pang pagkakatulad ang dalawang maikling kuwento, bagamat isang dekada ang nakapagitan nang sulatin at magkamit ng gantimpala ang mga ito: 1. 2. 3. 4. 5. Kapwa ipinapakita sa dalawang kuwento ang manunulat bilang social critic, na lumilikha ng makasining na larawan ng lipunang kanyang kinabibilangan; Kapwa dalawa lamang ang mga tauhan: ang mag-asawang sina Oming at Sinang sa Malalim at sina Impen at Ogor sa Impeng Negro; Kapwa naganap ang mga pangyayari sa ilang oras lamang at mabisang gumamit ng pagbabalik-tanaw upang balikan ang mga nakaraang pangyayari; Kapwa nagtataglay ng mga sangkap na hindi maisasalin, kayat nagsisilbing malaking hamon sa sining ng pagsasalin; Kapwa mapuwersa ang gamit ng wika at may natatanging estilo ang dalawang awtor kayat ang kanilang mga kuwento ay tunay na isang natatanging karanasan.

Hindi madaling magsalin sa wikang Ingles dahil hindi ito ang aking unang wika. Madalas, para akong nangangapa sa dilim para makapili ng pinakaangkop na salita. At upang maramdamang lubos ang tunggalian (boksing) nina Impen at Ogor sa Impeng Negro, nang sa gayoy maging mabisa ang salin, nagtiis pa akong manood ng pelikula tungkol sa boksing! Tunay na isang natatanging karanasan sa larang ng pagsasalin! Mga katangian ng mahusay na salin Ayon sa Summer Institute of Linguistics (SIL), ang isang mahusay na salin ay dapat magtaglay ng tatlong katangian na ang akronim ay CAN: Clear (malinaw) Accurate (wasto) Natural (natural ang daloy ng mga pangungusap) Samakatuwid, ang mahusay na salin ay madaling maintindihan ng target na mambabasa; kailangan ding itoy wasto, o kung ano ang sinasabi ng orihinal na awtor ay iyong-iyon din ang ipinapahayag ng salin sa ibang wika. Ang pagiging natural naman ay tungkol sa pagiging madulas ng mga pahayag sa tunguhang lenggwahe na parang orihinal nan sinulat sa wikang pinagsalinan sa maikling salita, hindi tunog-salin. Sinabi ni Lawrence Venuti sa kanyang The Translators Invisibility (1995) na hindi dapat makita ang tagasalin. Gaya ng sinabi ni Norman Shapiro (mula kay Venuti, sinipi nina Batnag at Petras, 2009:106): ang pagsasalin ay pagtatangkang makalikha ng isang tekstong napakalinaw kayat parang hindi salin. Walang dapat makapansin na itoy salin. Bagong direksiyon sa pagsasalin Ngunit sa kasalukuyan, sa pagsasalin ng mga akdang pampanitikan mula sa mga rehiyon, may bagong direksiyon sa pagsasalin na kontra sa pahayag sa itaas. Noong panahon ng kolonyalismong Kastila, iisa ang direksiyon ng pagsasalin mula Kastila tungong Tagalog at iba pang katutubong mga wika; samakatuwid, mula sa dominante tungo sa kolonisadong wika. Ito, ayon kay Villareal (1994), ay pagtatangkang kontrolin ang buong pagkatao ng mga tagatanggap ng mga salin, sa pamamagitan ng pagkitil sa kanilang pagkamalikhain. Gayunman, hindi naging lubusang tagatanggap lamang ang ating mga ninuno na nagsilbing tagasalin ng mga obrang nasusulat sa Kastila. Nakuha pa rin nilang igiit ang orihinalidad: ang bunga ay mga tulang ladino, awit, korido, moro-moro, pasyon, na may sariling tatak ng kultura ng wikang pinagsasalinan. Samakatwid, noon pa man, naigiit na ng tagasalin ang sarili sa pamamagitan ng kanyang sining kayat ang pagsasalin ay nagsilbing akto ng pagpapalaya. Nagpapatuloy ang paggigiit na ito ng sarili sa pagsasalin ng panitikang panrehiyon sa kasalukuyan. Sa kanyang salin ng sampung sugilanon, o maikling kuwentong Hiligaynon, ginamit ni Villareal ang leksikon, gramatika, diskors at pragmatika upang mapapintig sa salin sa Filipino ang wika at kulturang Hiligaynon. Ganito ring paniniwala ang isinusulong ni John Barrios sa kanyang Ang Pagsasa-Filipino ng Sugidanon: Isang Ma(pagpa)layang Pagsasalin ng Nilupig na Kaalaman (nasa aklat na ito). Para sa kanila, ang salin ay hindi salaming walang pingas kung kayat hindi mahahalatang salin, kundi isang bagong akda sa ibang wika ngunit nagtataglay pa rin ng sariling kakanyahan at sariling tatak ng kultura at wikang pinagmulan. Ang salin,

kung gayon, ay sumasalamin sa wika at kultura ng orihinal, hindi nagtatakwil dito sa pamamagitan ng lubusang pag-angkin sa wika at kultura ng tunguhang lenggwahe (TL). Upang maisagawa ito, pinanatili nila sa salin ang mga salitang kultural mula sa simulaang lenggwahe (SL) at nagpasok ng mga salita at konseptong tanging kanila lamang. Ang bunga ay pampanitikang salin na may potensyal na magpayaman sa wikang Filipino dahil taglay nito ang wika at kultura ng simulaang lenggwahe, Sa maikling salita, ang salin ay salin at kailangang ibandila sa lahat bilang salin. Kung pakakaisipin, bakit nga ba magbabasa ka pa ng panitikang hindi sa iyong sariling wika isinilang hindi bat dahil ibig mong maranasan din ang karanasan ng ibang lugar? Bakit pa magbabasa ang mga Amerikano, halimbawa, ng mga akda ng mga Pilipino kung tunog-Amerikano at lasang Amerikano din lamang ang kanilang maririnig at malalasahan? Gaya ng dalawang tagasalin na nabanggit sa itaas, ito rin ang naging panuntunan ko sa pagsasalin sa Ingles ng dalawang maikling kuwentong nasabi na. Ngunit wala akong ginamit na mabibigat na terminolohiya; hindi ko ito tinawag na ma(pagpa)layang salin (Barrios) o re-framing the sign (Villareal) kundi simpleng pagpapatikim sa target audience ng flavor of the original, pagpapalasap sa dayuhang mambabasa ng linamnam ng orihinal. Sa ibang salitay pagpaparanas sa kanila ng natatanging karanasang pampanitikan ng mga Pilipino. Pagpapaliwanag sa proseso ng pagsasalin:ang pamaaraang segmentasyon Ang pagsasalin ay hindi lamang produkto, o ang tapos nang salin. Mahalaga ring maunawaan ang prosesong pinagdaanan ng isang teksto bago ito naging isang tapos na salin. Isang mabisang paraan sa pagpapaliwanag ng proseso ng pagsasalin ang segmentation technique o pamaraang segmentasyon. Narito ang ilang halimbawa mula sa Malalim ang Gabi.

Orihinal

Salin

Paliwanag Maikli, siksik ng kahulugan, ang pamagat ng orihinal. Kaagad itong lumilikha ng salagimsim na nananatili sa buong naratibo. May pahiwatig na rin sa pamagat pa lamang kung ano ang mangyayari sa kuwento.

Pamagat: Title: Deep is the Malalim ang Night Gabi

Kung susundan ang karaniwang ayos ng pangungusap sa Ingles, ang magiging salin ay The Night is Deep. Ang Deep is the

Night, na sunod sa estruktura ng orihinal, ay agad tumatawag ng pansin dahil sa estrukturang lihis sa karaniwan.
Hus! Heto palat di pa nauunat ang barong ito ni Totoy. Hus! So heres Totoys shirt, not pressed yet. Walang katumbas sa Ingles ang hus, na bulalas ng galak, at iba pang damdamin. Pinanatili sa salin upang mahuli ang lasap ng usapan sa orihinal. Dalawang salita lamang sa orihinal na tinumbasan ng apat na salita sa salin. Sa Filipino, posible ang pangungusa p na walang simuno, na hindi posible sa Ingles. Ang orihinal ay gumamit ng mga

Madilim noon

It was dark then

Dumungaw. He looks over the window.

pangungusa p na staccato maikli, putolputol, upang magpanatili ng atmospera ng kaigtingan. Iisang salita sa orihinal, ngunit sa salin, kailangang pangungusa p na may buong simuno at panaguri ang maging salin. Pansinin din na ginamit ang historical present sa bahaging muling nagaganap sa isip ni Oming ang tapos nang pangyayari. Mga tao! Several men! Kahit hindi sinabing mga lalaki ang dumating, makukuha sa konteksto ang kahulugang

ito. Hindi makukuha ang bigat ng pagdating ng kalalakihan kung Men! lamang ang salin. At may Someone pulls nagbaba ng down hagdan! thedetachablestair s. May dagdag na impormasyong wala sa orihinal, na natatanggal ang hagdan sa mga bahay sa pook-rural. Maiintindiha n na ng tagabasa ng orihinal ang detalyeng ito ngunit kailangang idagdag para sa mga dayuhang mambabasa. Isang libo at isa ang kahulugan ng kuwan na magagamit na pamuno sa alin mang usapan. Pinanatili ito dahil nasa kultura ng

Nagsumbo You informed ng ka sa the kuwan,didnt mgakuwan, you? ano?

mga Pilipino. Sa kuwento, ang kuwan ay tumutukoy sa isa sa dalawang nagtutungga liang puwersa, ang gobyerno at ang mga taong labas, na sa tindi ng takot ng mga mamamayan ay hindi nila mapangalan an kundi ng pangkalahat ang tawag na kuwan. Umurong nang umurong hanggang sa masalat ng kanyang mga paa angkamuni ng na balilangpar ating kapiling niya sa pagtulog. He keeps stepping back until his feet touch hisbludgeon,theka muning na balila, which he always rests beside him in his sleep. Ang kamuning ay isang uri ng matigas na puno samantalang ang balila ay kapirasong kahoy na may sukat na isang metro na magagamit na sandata. Hindi sapul ng bludgeon ang kahulugan

nito ngunit magbibigay ito ng idea sa mambabasa kung ano ito. Hindi ito mabibigyan ng angkop na katumbas kaya pinanatili sa salin.
Ilan pang paraan ng pagsasalin Mas mahaba nga ba ang salin kaysa sa orihinal? Likas na mas mahaba nga ba ang mga pangungusap sa Filipino kaysa sa Ingles? Nagiging mas mahaba nga ang salin kaysa sa orihinal, sa mga pagkakataong hindi maiiwasan. Ang dalawang kuwentong tinatalakay sa papel na ito ay nagpapakita ng isang katangian ng wikang Filipino na wala sa Ingles posible ang isang salitang pangungusap sa Filipino, ang pangungusap na walang simuno, at may mga salita sa Filipino na ispesipiko ang kahulugan (halimbawa: pumikit, na alam na nating mata lamang ang sangkot, ngunit walang isang-salitang katumbas sa Ingles). Sa ganitong mga pagkakataon, nagiging mas mahaba ang salin sa Ingles kaysa sa orihinal na Filipino. Isa pa, nabanggit nang gumamit ng staccato sentences ang mga orihinal na awtor - maiikli, putul-putol na pangungusap, na kung minsan ay hindi kayang tumbasan ng gayon ding putul-putol na pangungusap sa Ingles. Nasa ibaba ang ilang halimbawa. 1. Sa maraming pagkakataon, posible ang isa-sa-isang tumbasan. Orihinal Salin Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, Punch. Jab. Punch, pound, pound, bayo, dagok, dagok punch, punch 1. Ang isang pangungusap na binubuo ng isang salita ay maaaring tumbasan ng isa ring salita. Orihinal Salin Bukas kaagad ang mga mata ni Sinangs eyes were at once wide Sinang. Nagkamalay. Open. Alerted. 1. Ang mga parirala ay matutumbasan ng parirala rin. Orihinal Salin Ng kawalang-malay. Of innocence. Ng pansamantalang kamatayan. Of temporary death. Ng mga kasawian. Of despair. Ng kawalang-hanggan. Of eternity. 1. Ngunit hindi laging ganito. Kung minsan, ang isang parirala ay hindi maisasalin sa parirala rin. At ang isang salitang pangungusap sa Filipino ay hindi matutumbasan ng isang salita rin lamang sa Ingles. Orihinal Salin a. Sandali ng paglimot. a. It was a moment of forgetting. b. Nagulantang ang batang b. The sleeping child was startled. natutulog. Umiyak. He whimpered. 1. Kung minsan, kailangang pagsamahin sa iisang pangungusap ang ilang maiikling pangungusap sa orihinal. Orihinal Salin 1. a. Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri. Pushing, Impen struggled to turn Muling matitihaya. over on one side several times. Again, only to lie supine.

b. Hinawakang mahigpit. Nagpilit He holds the balila tightly, struggles tumayo. to stand up. 1. Ang isang salita sa orihinal ay tinumbasan ng 3 salita. Orihinal Salin At iwinasiwas ang kanyang hawak. He swings it. Nakahagip. He hits one. Ang paggamit ng historical present sa Malalim ang Gabi Sa maikling kuwentong Malalim ang Gabi, gumamit ang awtor ng daloy ng kamalayan. Ang pangunahing tauhan, si Oming, ay paulit-ulit na dinadalaw ng kakila-kilabot na pagkamatay ng kanilang mga kapitbahay, ang mag-asawang Elias at Sisa. Sa isip ni Oming ay muling nabubuhay ang pangyayaring walang nakasaksi; tanging ang ayos ng mga bangkay ng dalawa ang pagbabatayan ng matinding hirap na dinanas nila. May dalawang aksyon sa kuwento, kung gayon, ang realidad ng buhay nina Oming at Sinang, at ang mga pangyayaring sa isip ni Oming nagaganap na nakikipagsalimbayan sa realidad ng buhay. Ginamit ko ang historical present para isalaysay ang pangyayaring nagaganap sa isip ni Oming; sa gayoy iba ang pagsasalaysay nito at nagiging mas matindi at mas maigting dahil mas buhay ang pagsasalaysay. Halimbawa:

Orihinal Pinagtatadyakan ng nagsipanhik ang pinto. Nabuksan. Walang sisigaw!

Salin The men savagely kick the door. It is opened. No one will shout!

Nilapitan ng unang lalaki The first to enter go si Elias at tinutukan ng straight to Elias on rebolber sa dibdib. whose chest he fixes his revolver. Dapa! Umurong si Elias. Dapa!
Pagpapalasap ng orihinal Sa bahaging naratibo, sinikap ng tagasalin na maging madulas at idyomatiko ang tunguhang lenggwahe. Saan na papasok ang lasap ng orihinal? Pinapanatili ng salin ang mga salitang maituturing na nakabuhol sa kultura ng orihinal, tulad ng mga katawagan ng paggalang sa nakatatanda at mga salitang hindi matutumbasan sa Ingles dahil sa taglay na bigat ng kulturang lokal.

Lie down! Elias steps back. Down!

Orihinal Ibig nang maluha ni MangIntong. Dinarampian ni ImpongMenang ang kanyang mga mata.

Salin Mang Intong almost cries. Impong Menang is lightly dabbing her eyes with her

handkerchief. Santa Mariang Ina ng Awa ang buhay natin ay sa manok na anakin Kailan pa po kaya tatahimik, Poon Namin? Tingnan mo nga lang,ay E si Elias, nasa huntahanpa kagabi kina KuyaTerong. Santa Mariang Ina ng Awa our lives have become like chickens When will peace be restored here, Poon Namin? What a sad fate, ay And Elias, he was in thehuntahan last night atKuya Terongs.

May ilan ding salitang hindi tinumbasan sa Ingles, tulad ng mga halimbawang ito mula sa Impeng Negro.

Orihinal Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay. Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyangtumabo.
Kongklusyon

Salin At the dilapidated batalanwhere he squatted, momentarily he stopped washing off the particles of rice in his hand.

He splashed the water in front of him, then dipped water anew with a tabo.

Naniniwala ako na ang panitikan ay tala ng mga natatanging karanasan ng lipunang lumikha nito. Sa pagsasalin, mahalagang mailipat sa tunguhang lenggwahe ang natatanging karanasang ito. Mahalagang maipatikim sa mga mambabasang may ibang wika ang lasap at linamnam ng orihinal. Ang salin ay salin; hayaang mabakas dito ang wika at kultura ng pinagmulang teksto. Mga Sanggunian Batnag, Aurora E. at Jayson D. Petras. 2009. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, Inc. Batnag, Aurora E. 1997. Pagbubuo ng Teorya sa Pagsasalin ng Tula: Paglalapat sa mga Piling Tulang Africano. Di nalathalang disertasyon. Maynila: Philippine Normal University.

_______________. 1982. A Translation into English of Two Short Stories Originally Written in Pilipino with an Explanation of the Translation Process. Di nalathalang tesis. Maynila: Manuel L. Quezon University. ______________, 1980a. Translation Commentary. Proyektong iniharap para sa kursong Advanced Certificate Course on Translation in Southeast Asia: Problems, Techniques and Procedures. Republic of Singapore: Regional Language Centre. _____________. 1980b. Translation Production. Proyektong iniharap para sa kursong Advanced Certificate Course on Translation in Southeast Asia: Problems, Techniques and Procedures. Republic of Singapore: Regional Language Centre. Venuti, Lawrence. 1995. The Translators Invisibility. USA & Canada: Routledge.

Au You may leave areply or trackback. Uncategorized

AUG

Say something
Top of Form

Name (required)

Email (will not be published) (required)

Website/Blog
XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b><blockquote
cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Submit Comment

Bottom of Form

Ano sa Filipino ang His Excellency? Ang Papel ng Pagsasalin sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan

Top of Form

SEARCH

Go

Bottom of Form


About

PAGES

Uncategorized

CATEGORIES ARCHIVES TAG CLOUD BLOGROLL

August 2010

Documentation Plugins Suggest Ideas Support Forum Themes WordPress Blog WordPress Planet

Posts Feed Comments Feed

RSS FEEDS

Log in Valid XHTML Valid CSS XFN Thistle theme by BoltClock WordPress
Copyright 2010 Wika nga, All rights reserved.

META

criticism ANG BATA SA PAGTUKLAS NG MGA BAYANI: ANG PAGKABATA NG BAYANI SA MGA ETNOEPIKO NG PILIPINAS ni Eugene Y. Evasco
Kailangan ng bata ang titingalaing bayani. Ito ang kadalasang

hinahanap ng mga kritiko at magulang kapag tinitimbang ang halaga ng akdang pambata. Sa musmos na kamalayan ng mga mambabasa, mahalagang makatagpo sila ng karapat-dapat na bayaning gagabay sa pag-unlad ng kanilang kultura at mga halagahan. Ilang magulang na ang natatakot sa pagbaling ng kanilang anak sa mga huwarang bayani buhat sa popular na daluyan ng kultura tulad ng telebisyon, pelikula, at komiks. Paliwanag nilay bukod sa banyaga ang bayani, marahas at mapanghamak ang bayaning kinahuhumalingan ng mga bata ng kasalukuyang panahon. Sa mga resulta ng ilang pag-aaral, lumilitaw na nakahihigit ang mga artista sa pelikulat telebisyon, mga mananayaw at mang-aawit, at ang barkada bilang huwarang sasandigan ng mga bata. Nalalayo na ang mga bata sa kanilang magulang, tagapag-alaga, at guro bilang kanilang huwaran. Ang nakapanlulumo pa, naiulat sa dokumentaryongSuper Size Me (2004) ni Morgan Spurlock, higit na kilala ng mga bata sa kasalukuyan ang mga imahen mula sa fastfood (e.g., Wendy at Ronald McDonald) gayong `di nila matukoy ang identidad sa larawan ni Hesukristo. Mahalaga ang tungkulin ng bayani sa panitikan. Nagtatampok ito ng mga unibersal na panghalina, nagpapalaganap ng mabuting halagahan, at naglalaan ng huwaran para sa mambabasa. Ayon pa kina Manjari Singh at Mei-Yu Lu, pinauunlad nito ang pang-unawa ng bawat mamamayan sa mga atas ng lipunan. Taglay ng bayani ang mga katangiang karapat-dapat tularan ng mambabasa. Dahil dito, may kapangyarihan ang panitikan na likhaing muli ang lipunan at ipagpatuloy ang kinagisnan nitong mga halagahan. Dagdag pa ni B. Davis, They have been useful for thousand of years to the people for whom they serve as an idealized human, a sort of super person, capable of dealing with problems that surpass normal humans and their abilities (sipi kina Singh at Lu). Dalawang tungkulin ang natukoy nina Singh at Lu kaugnay ng mga bayaning tampok sa panitikang pambata. Una, tungkulin ng bayani na maging halimbawa ng mga unibersal na katangian. Tinutukoy nito ang mga katangiang pinahahalagahan sa mga lipunan, sa ibat ibang panahonkagitingan, pagmamalasakit, tiyaga, paniniwala sa sarili, at optimismo. Sa pamamagitan ng isang bayani, makikita ang ibat ibang paraan kung paano dapat harapin ang mga hamon sa lahi, etnisidad, uri, at relihiyon. Sa pagtatampok at pag-aaral ng ibat ibang danas ng mga bayani, mailalatag sa mambabasa ang mga estratehiya sa pagdulog sa mga hamon at suliranin. Ikalawang tungkulin ng bayani sa panitikang pambata ay ang pagiging huwaran nito sa mambabasa. Sa tungkuling ito, marapat na taglay ng bayani ang katatagan at iba pang mainan na katangiang makatutulong upang maigpawan ang mga hamon sa buhay. Habang kumikilos ang bayani sa kuwento, napauunlad ng mga mambabasa ang kanilang halagahan. Sa bawat tagumpay ng bayani, lagi itong nakapagtatatak ng

mensahe sa mambabasa: karapat-dapat itong tularan. May mahalagang pag-aaral si Loline M. Antillon kaugnay ng Agyu, ang etnoepiko ng mga katutubong Bukidnon at Manobo. Idiniin sa kaniyang pag-aaral ang pagiging panlipunang dokumento ng isang epiko. Samakatuwid, naitatala ang kasaysayan sa anyong pampanitikan na pinaiikot sa isang bayani. Sa buhay at pakikipagsapalaran ng bayaning ito, itinala nila ang kanilang pakikibaka, ipinadama ang lungkot at saya, ipinagdiwang ang tagumpay, tinanggap ang mga kabiguan, ipinahayag ang mga pagpapahalaga, ipinagtanggol ang mga paniniwala at pananampalataya, at inilagak ang mga katangiang sumasalamin sa kanilang pagkatao at lipi (Antillon 1991: 4). Idinagdag pa, gayong umiikot sa buhay ng isang bayani ang epiko, ito ay kolektibong katauhan, pag-aari at tradisyon ng liping lumikha sa kaniya (Antillon 1991: 4). Natuklasan rin ni Antillon ang kaibahan ng mithiin sa pakikipagsapalaran ng bayaning si Agyu kumpara sa mithiin ng mga bayani sa ibang epiko ng bansa. Kung ang kadalasang mithiin ng bayani ay maghanap ng mapapangasawa, ipaghiganti ang ama, o sumuong sa digmaan, katangi-tangi si Agyu dahil tinuklas niya ang Nalandangan, ang lupang pangako para sa kanilang lahi. Naitala sa bawat kompletong episodyo ng epiko ang paniniwala na mas mainam mamuhay nang naghihirap ngunit malaya kaysa masagana ngunit alipin naman (Antillon 1991: 10). Mangyari, sa ganito ring sentimiyento umiikot ang pakikipagsapalaran at paglalakbay ng pamilya at lahi ni Agyu mula pagkaalipin tungo sa maalwang buhay sa paraiso sa lupa. Inihalintulad rin ng naturang mananaliksik ang Nalandangan sa kahalintulad na konsepto ng lupang pangako sa Bibliya at sa Utopia ni Plato. Pinatatunayan niya ang pagkakahawig ng tatlo sa banghay at istruktura ng naratibo, bagay na magpapagunita sa paniniwala ni [Carl] Jung na may isang kolektibong memorya na dumadaloy sa kamalayan ng tao o ng isang lahi (Antillon 1991: 5). Natukoy sa pananaliksik ang paglalarawan sa lupang pangako ng epikong Manobo. Kasama sa paghihiraya sa Nalandangan ang konsepto ng pananagutan sa paraiso: kailangang mapangalagaan ito upang mapanatili ang biyayang handog nito. Maihahalintulad ito sa isang ipinagtatanggol na kuta na ang mga puno ng bahay ay pinagkabait-kabit ng mga rattan ngunit pinahigpit ang kapit sa isat isa sa pamamagitan ng laway ng mga sawa (Antillon 1991:21). Tungkulin, gamit, at kabuluhan para sa kasalukuyang panahon ang mga natukoy ni Joi Barrios sa kaniyang pag-aaral ng mga etnoepiko sa Pilipinas. Naisa-isa niya ang mga halagahang nakalakip sa mga pahina ng nailimbag na bersiyon. Ayon kay Barrios, ang pagbibigay-halaga sa mga bayani ng epiko ay pagbibigay-halaga na rin sa mga katangian ng katapangan at kagitingan, mga bagay na mahalaga para sa patuloy na pagkabuhay ng isang komunidad (Barrios 1991; 35). Natukoy rin niya ang mga litaw na tema ng pagtutulungan, damayan, at pakikiramay sa

mga epiko. Aniya, Ang problema ng isa ay problema ng buong komunidad (Barrios 1991: 36) kung kaya hindi nakikipagtunggali at nagtatagumpay ang isang bayani sa epiko nang nag-iisa. Dahil lantad ang kolektibong pagkilos at pakikipaghamok, nangangailangan ang bayani sa epiko ng tulong ng mga kapatid, anak at kapanalik (Barrios 1991: 42) Dagdag pa rito ang pagpapahalaga sa pagkilos, paggawa ng paraan at pananalig sa sariling gawa (Barrios 1991: 37). Sa huli, inilatag ni Barrios ang kaniyang interpretasyon sa tungkulin ng mga bayani sa etnoepiko. Aniya:
Ang bayani'y hindi namamatay pagkat ang ating bayani ay hindi iisang tao kundi maraming bayani na kumikilos bilang isa...Ang bayani'y hindi namamatay pagkat laging may handang magbuwis ng buhay para sa iba...Ang bayani'y hindi namamatay hangga't buhay ang kaluluwa ng pakikibaka. Ito ang diwa, ang esensya, ang dahilan ng pakikipagtunggali. Hangga't naniniwala ang mga bayani ng ating bayan na sila ang nasa matwid, hindi sila mawawalan ng pag-asa. (Barrios 1991: 43)

Kaugnay sa pag-aaral ng dalawang Pilipinong iskolar ukol sa mga bayani at mga epiko, mahalagang ibahagi ang Deconstructing the Hero: Literary Theory and Childrens Literature (1997), isang imbestigasyon ni Margery Hourihan kaugnay sa namamalasak na konsepto ng bayani sa panitikang pambata mula sa Estados Unidos, Britanya, at sa Europa. Sa kaniyang pag-aaral ng mga texto, gamit ang mga naunang pag-aaral nina Vladimir Propp at Joseph Campbell ukol sa narrative functions ng kuwentong-bayan at monomyth, natukoy ang hulmahan ng kuwento ng isang bayani sa anyo ng paglalakbay at pakikipagsapalaran:
The hero is white, male, British, American or European, and usually young. He may be accompanied by a single male companion or he may be the leader of a group of adventurers. He leaves the civilized order of home to venture into the wilderness in pursuit of his goal. The wilderness may be a forest, a fantasy land, another planet, Africa or some other non-European part of the world, the man streets of London or New York, a tropical island, et cetera. It lacks the order and safety of home. Dangerous and magical things happen there. The hero encounters a series of difficulties and is threatened by dangerous opponents. These may include dragons or other fantastic creatures, wild animals, witches, giants, savages, pirates, criminals, spies, aliens. The hero overcomes these opponents because he is strong, brave, resourceful, rational and determined to succeed. He may receive assistance from wise and benevolent beings who recognize him for what he is. He achieves his goal which may be golden riches, a treasure with spiritual significance like the Holy Grail, the rescue of a virtuous

(usually female) prisoner, or the destruction of the enemies which threatens the safety of home. He returns home, perhaps overcoming other threats on the way, and is gratefully welcomed. He is rewarded. Sometimes this reward is a virtuous and beautiful woman.

(Hourihan 1997: 9-10) Mula sa pagsusumang ito ni Hourihan, nabanggit niya ang mga katiwalian at mga negatibong representasyon sa mga ganitong tipo ng kuwentong pinag-aralan niya. Lantad sa pagbubuod niya ng mga naenggkuwentrong teksto ang pangingibabaw ng mga puting Europeo at ang pagsasantabi sa kababaihan. Binansagan niya ang mga teksto bilang pangunahing katha (master story) ng sibilisasyong Kanluranin na may malaking impluwensiya sa pandaigdigang panitikang pambata. Sang-ayon sa may-akda, nakaangkla ang kuwentong ito sa kamalayang Kanluranin at nagsilbing batayan ng mga pinakapopular at pinakamatagumpay na produkto sa industriya ng pagbibigay-aliw. Ito ang peligro sa pananaig ng ideolohiyang Kanluranin sa ibat ibang kultura sa daigdig. Dagdag pa niya:
It has always glorified the patriarchy. Now it is a disabling story, naturalizing the exploitation of the environment, the domination of non-European peoples, the marginalization and subordination of women, the wanton slaughter of animals for use and amusement, and the use of force and violence to achieve these ends. It depicts this behaviour as natural, rational and good, as the struggle of the morally and culturally superior to achieve appropriate mastery. (Hourihan 1997: 233)

Sa nasabing pag-aaral, ipinapanukala ko ang muling pagbabalik sa limot at bibihirang teksto ng etnoepiko ng bansa. Mainam itong sagot sa kapangyarihang taglay ng banyagang kultura, bukod pa sa pagsusulong ng pambansang identidad. May dalawang antas ang pag-aaral na ito. Una, maituturing ang pananaliksik bilang pagbabakas sa konsepto ng batang bayani mula sa mga etnoepiko ng Pilipinas. Ihahanay rito ang mga maririkit at kagila-gilalas na kuwento ng pagkabata ng mga bayani o ng mga bata sa etnoepiko at mga prosang bersiyon sa epiko (tulad ng mantukaw ng mga katutubong Bukidnon). Layon din ng sanaysay na muling ipakilala sa mga bata at sa mga manunulat ng akdang pambata ang mga bayani buhat sa katutubo at etnikong anyong pampanitikan sa bansa, lalo pat ang modernong kabataan ang mga pangunahing biktima ng pandaigdigang kulturang popular sa taguyod ng Kanluran. Sa pangalawang antas, binigyang-diin ang pagkabata ng mga bayani sa etnoepiko upang mapag-alaman kung paano hinuhubog ng mga sinauna at katutubong akdang Filipino ang pagkabata. Sa pamamagitan ng pagsasalansan, maikukumpara ito sa konstruksiyon ng pagbata sa panitikan noong panahon ng kolonisasyon. Patutunayan ding ang

usapin ng karapatang pambata ay hindi bago sa lipunang Filipino; sapagkat matagal na itong isinusulong habang inaawit ang mga epiko at pasaling-dilang lumalaganap ang panitikang-bayan. Ilalarawan din na ang kapangyarihan ng mga batang bayani sa epiko at kuwentong-bayan ay nagpapahiwatig ng kalayaan ng kabataan at ng lipunan sa pangkalahatan. Mahiwagang Pagsilang, Maalamat na Pagkagulang Mahalagang elemento sa pagbubuo ng bayani ay ang kaniyang mahiwagang pagkakasilang. Tinutukoy dito ang pambihirang paglaki at mga katangiang eksaherasyon sa biolohikal na pag-unlad ng isang tao. Ang nakalakip na salamangka sa pangyayaring ito ay nagbabadya ng kagitingan at kadakilaan; nagtatakda ng pagkabayani sa epiko. Ayon pa kay Cecil M. Bowra, ang kakaibang kapanganakan ng bayani ay pangitain ng isang tagumpay (sipi kay Eugenio 2001: xvii). Sa mantukaw (ayon kay Carmen Unabia, ito ay rendisyong kuwento ng epiko) ng katutubong Bukidnon, isinilang si Damanaas/ Baybayan mula sa dayap na natagpuan ni Banlak, kapatid ni Agyu, habang naliligo sila sa ilog. Hinati ni Banlak ang dayap na inaanod ng ilog; ang kalahati ay ikinuskos niya sa katawan, ang isay ipinaanod niya. Natagpuan ang kalahati ng isang dalagang pinahintulutan ng amang maligo sa ilog buhat sa pagkakakulong sa mataas na tore. (Sa paniniwalang Bukidnon, mataas ang halaga ng dalagang hindi pinatatapak sa lupa.) Ikinuskos ng dalaga ang kalahati ng dayap sa kaniyang buhok. Pagdating ng dalaga sa kaniyang tore, ikinabigla niya ang kaniyang pagdadalantao. Pagkaraan ng tatlong oras, nagsilang ang dalaga. Pagkasilang na pagkasilang, nilibot ng sanggol ang silid at hinanap ang kaniyang ingkong (lolo). Nais pala ng sanggol na bigyan siya ng pangalan, na hindi naman ipinagkait ng lolo. Tinawag siyang Damanaas. Pagkaraan, humingi si Damanaas ng bitag sa lolo para manghuli ng manok. Sumusunod sa hulmahan ng buhay at kasaysayan ng bayani, na natukoy nina Otto Rank, Lord Raghan, at Johann Georg von Hahn, ang kasaysayan ni Damanaas na mas kilala bilang Baybayan. Nasa talaan sa ibaba ang pagkakahawig ng mga pangyayari:
Ang ama ay maharlika. Ama ni Baybayan ang kapatid ng bayaning si Agyu na si Banlak. Katuwang ni Agyu si Banlak sa mga pakikipagsapalaran sa bersiyong epiko at mantukaw. Ang ina ay isang birheng nananahanan sa tore at hindi nakalantad sa balana. Ang ina ay isang prinsesang anak ng Datu. Supling si Baybayan ng marangal at itinatanging magulang. Kagila-gilalas na pagdadalantao ng prinsesa. Kinilala bilang "Damanaas" ang sanggol dahil kaloob diumano ito ng Diyos Magbabaya.

Nagtagpuan ni Damanaas ang kaniyang amang si Banlak. Sa pagtatagpong iyon, nabiyayaan si Damanaas ng buhay na walanghanggan at kinilala bilang Baybayan. Kinilala si Baybayan ng taumbayan at binigyang-kapangyarihan bilang tagapayo. Dinaig ni Baybayan ang haring si Dauban na nagmamay-ari ng malawak na palayan. Nanaig sa paligsahan ng pagtatanim si Baybayan itinanim niya ang mahiwagang binhi ng palay na agad sumupling at nahinog ng malalaking butil. Naging banal at hari si Baybayan sa pagkakalupig niya kay Dauban. Narating ni Baybayan ang kalangitan, sakay ng salimbal.

Maihahalintulad ang pagkakasilang ni Damanaas kay Banna, bayani ng epikong Ullalim ng mga Kalinga. Naliligo rin ang isang dalaga ng Magobya sa batis nang natagpuan niya ang isang hiwang nganga (betel nut). Nginuya ito ng dalaga at buhat ditoy ipinagbuntis niya ang anak na si Banna. Biglaan ang paglaki ng sanggol nang matuklasan ni Banna, buhat sa tukso ng mga kababatang Agta at pagtatapat ng ina, na ang kaniyang amang si Dulliyaw ng Dulawon ay binihag ng mga tauhan ni Guwela sa kapatagan ng Sakbawan. Panata ni Banna na ipaghiganti ang sinomang lumapastangan sa ama niya. Si Sandayo, bayani ng epikong Suban-on, ay buhat sa sinusuklay na buhok ng dalaga. Humingi si Salaong ng langis kay Datu Salaria. Sabi ni Salaong, Pagkat susuklayin ko/ at pakikinisin ko/ buhok kong malago/ nang kumintab lalo (Castro et al. 1983: 373). Binigyan naman siya ng ama ng langis mula sa pitong bote. Pinahid niya ito sa kaniyang buhok, gamit ang langis/ sinuklay niya ang kanyang buhok/ nang walong ulit./ Walong ulit niyang sinuklay/ at siyam pa pagkatapos./ Sa ika-siyam na ulit/ may nalaglag na sanggol (Castro et al. 1983: 373). Pagkaraan ng isang linggo, nakapaglakad na si Sandayo at saka lumaki naman sa loob ng isang buwan. Si Kudaman naman, bayani ng epikong Palawan, ay tugon ni Nagsalad (panginoon ng mga Palawan) sa hiling ng mag-asawang Pipatuwan at isa sa pitong Binibini ng Ika-labing-apat na antas ng Kalawakan (Linamin at Anguringan). Ipinayo ni Nagsalad na kailangang awatin sa gatas ang isisilang na sanggol at ikulong sa pinid na silid (kutaq) sa loob ng pitong gabi. "Nakaraos sa pagsubok ang sanggol, at nagkaroon ito ng di-pangkaraniwang lakas. Siya'y pinangalanang Kudaman, 'ang nasa pinid na silid'" (Maranan at Revel-Macdonald 1991: 62). Sa epikong Ag Tobig nog Keboklagan (Ang Kaharian ng Keboklagan) ng mga Suban-on, mabilis lumaki ang anak na sanggol (Taake) ni Timoway kapag gabi, at lalong kumikisig kapag umaga. Noong pitong buwan pa lamang si Taake, umatungal ito at ginambala ang lahat sa bayan ng Sirangan. Nagsalita ang sanggol para alamin sa ina kung may ama siya, ang ano ang trabaho nito, ang mga gawaing pang-araw-araw,

at ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng ama. Pagkaraang malaman ni Taake ang buhay ng ama, ipinamana sa kaniya ng ina ang kagamitan sa pangingisda ng ama. Naging kilala ang batang Taake sa pangingisda dahil sa may kapangyarihan siyang makipag-usap sa mga isda at hipon. Sa kaniyang unang huli, nakalikom siya ng pitong bilao ng isda na inialay niya sa ina. Isang araw, humiling ang bata ng mainam na damit sa ina para hindi ito lumabas na kahiya-hiya kapag makatagpo ng mga dalagang Muslim o Bisaya habang nangingisda sa malayong dagat. Sa paglalakbay ni Taake, nakatagpo niya ang isdang sinlaki ng burol na may mga gintong kaliskis. Nabingwit niya ito pero nakipagbuno sa isda sa loob ng pitong buwan (Eugenio 2001: 478). Kagila-gilalas din ang pagkasilang ni Labaw Donggon, ang bayani sa epiko ng Panay. Bunga ito ng pagiging mala-diyos ng bayanianak siya ng diwatang si Anggoy Alunsina at ng mortal na si Buyung Paubari. Kilala ang bayaning ito bilang Binata sa sinapupunan/ ni Anggoy Alunsina...Pagkasilang na pagkasilang/ Nabigla ang sanlibutan/ Kagyat na nagbinata/ Naging matipunong binata (Castro et al. 1983: 128). Pagkaraan ding isilang, tatlong ulit pa itong nanligaw ng mga dalaga. Ang kapangakan ni Tudbulul, ang bayani sa epiko ng mga Tboli, ay naglalarawan sa magiging buhay ng sanggol sa kaniyang paglaki. Kadakilaan ang ipinahihiwatig ng kaniyang pagkakasilang dahil kakambal niya ang mga sumusunod na gamit-pandirigma: sombrero, kalasag, mamahaling gong, at isang kabayo. Ayon kay Damiana Eugenio, ang epikong ng mga Tboli ay nagpapakita at nagbibigayhalaga sa mga kaugalian at paniniwala ng lipunang Tboli kaugnay sa pag-aaruga ng sanggol. Ito ang mga tinukoy na mga kustombre sa epiko:
1. Chewing or cutting betel nut, accompanied by a woman, is part of the courtship custom. 2. A father's preference for a son to be his first-born, as expressed by Kemokul. "I have eleven good fortunes/ I was able to have a son/ In exchange for hoping for a baby girl." 3. The unusual birth of the hero. Various objects accompanied the birth of the child. 4. Choosing a name for the child is a serious affair. 5. A strong belief in omens; e.g. the wild pigeon is an omen bird. 6. An equally strong belief in charms and amulets, chief of which is a tooth from the right side of a snakes mouth. 7. The great concern for what the child will inherit. 8. The father's eagerness to teach his infant son things that a boy should know-swim, trap a bird, make a kubol (trap), etc. 9. There is tracing of the family tree of Tudbulul. He said that he comes from the clan of blacksmith/ From Benati, the chief of thunder.

(Eugenio 2001:

564) Pinakapopular, batay sa elemento ng salamangka, ang pagkakasilang sa bayaning si Lam-ang ng mga Iloko. Hirap sa panganganak si Namongan. Hindi siya matulungan sa pagluluwal ng mga hilot na sina Tandang Marcos, Alisot, at Pas-hong. Ang tanging nakatulong sa pagpapaaank ay isang matandang babaeng hilot na may mapakalakas na daliri. Mahiwagang sanggol na lalaki ang isinilang. Pagkaraang mailuwal, nagsalitang agad ang sanggol: Ay, mahal kong inang Namongan/ Kapag akoy iyong pabibinyagan/ Lam-ang ang nais kong pangalan/ maging ninong ko si Tandang Gibuan (Acacio 1969: 40). Pagkaraan ng binyagan, nagtaka si Lam-ang kung bakit wala ang ama sa kaniyang piling. Usisa ng sanggol sa ina, Ay, itatanong ko aking ina/ Kung mayroon o wala akong ama/ kung anak ako sa pagkakasala/ o anak akong marangal at sinisinta (Acacio 1969: 41). Tinugon naman ni Namongan ang anakang ama ng bayani ay nakikidigma laban sa mga Igorot. Nagpasiya si Lam-ang na hanapin ang kaniyang ama, gayong nag-aalala ang ina at tutol sa pasiya ng siyam na buwang anak. Ang ikinakatakot ni Namongan sa anak, Ang paa moy tila pamaling kawayan/ Mga bisig moy tila karayom pa lamang (Acacio 1969: 42). Sa puntong ito, binaklas ng batang si Lam-ang ang nosyon na ang bata o sanggol ay walang-wala. Paniniwala ng marami, ang sanggol ay ipinanganak na blangko ang isip. Ngunit may mga pag-aaral na nagpapatunay na habang nasa sinapupunan pa lamang ang sanggol, umuunlad na ang isip nito. Kaya nga sa kasalukuyang panahon, nauso na ang pagpaparinig ng klasikal na musika at pagkukuwento ng magulang sa sanggol sa sinapupunan dahil ang buhay at pag-unlad ng tao ay hindi nagsisimula sa kaniyang kapanganakan. Kagila-gilalas at Marilag na Kaanyuan Nagpapahiwatig ng kadakilaan ang pisikal na kaayuan ng bayaning sanggol. Sa paggamit ng mga paglalarawan, naitatangi ang sanggol hindi bilang karaniwang tao kundi mahalagang tauhan sa epiko. Sa epikong Sandayo, ang batang bayani ay napakarilag na maihahantulad sa bulaklak at liwanag ng araw. Hindi rin pinupuri ng kaniyang magulang si Sandayo. Itinuturing itong pangit at walang halaga. Paniniwala ng mga Suban-on at ng mga taga-baryo sa Kabisayaan na kinaiinggitan ng mga masasamang espirito ang mga batang pinupuri (Castro et al 1983: 374). Gayunpaman, hiniling ng bata na bihisan siya ng ginintuang damit para maghitsurang datu. Ayaw ng batang magsuot ng lampin. At sa pagsusuot ng ginto, lalo itong naging maningning at maliwanag. Lalo pat Alipatoy lumagapak/ sa ulo ni Sandayo. At nagliwanag ang bata tulad ng araw na bagong sumisikat/ sa bukangliwayway...waring hindi siya/ tagalupa/ sintuwid ng puno/ tila anak ng Diwata/ tulad ng bulaklak na pambihira/ sa paningiy kaaya-aya! (Castro et al. 1983: 375).

Ganito rin ang pagkakalarawan sa batang si Labaw Donggon: Siyay naramtan ng pilak Siyay nabalot ng ginto. May bandana sa ulo Panyong maningning at burdado. Di habi sa tinubuang lupa Bagkus sa bansang banyaga. Dahan-dahang pinulot Ang putong na si Saramingku May palawit na pilak Na umaawit sa hangin May puntas na maririkit Na umaawit nang pagkatamis-tamis. (Castro et al 1983: 129) Pati ng batang bayaning si Bidasari ng mga Muslim sa Mindanaoa daughter, like a flower/ more beautiful than statue of gold/ just like the tulip that the princess plucked. Tinig naman ang mahiwaga kay Lumalindaw, ang bayani sa epiko ng mga Gadang sa Mountain Province. Tulad ng ibang bayani, mabilis ang paglaki ng bayani. Ngunit kapansin-pansin ang lakas ng kaniyang tinig: kapag sumigaw siya, lalagpak ang lumilipad na ibon; kapag hihiyawan ng puno ng niyog, magbabagsakan ang mga buko. (Eugenio 2001: 71). Dakilang Handog, Matuwid na Gabay Maikakategorya sa dalawang uri ang pamanang maiaalay ng mga magulang sa epiko sa kanilang bayaning anak. Iyong unay mga materyal na bagay. Si Sandayoy binigyan ng mga ginintuang damit para maging datu at magmistulang anak ng diwata. Si Labaw Donggon namay biniyayaan ng mga yaman at damit mula sa malaking baul na nagngangalang Barugbugan Umbaw: Bukasan, pakibuksan Si Barugbugan Umbaw Na may magagarang ukit Ang mabigat na takip. At pagkatapos doon Ay maingat na piliin Ang pinakatatagong kayamanan Ang magilas na damit Huwag sa kailaliman O kayay sa kaibabawan Kundi sa kalagitnaan Huguting dahan-dahan Ang barong may burda Na sa katawan ko Pambalot na magara.

(Castro et al. 1983: 128-129) Handog naman kay Lumalindaw ay ayoding, isang kagamitang pangmusika na nagpapayo sa sinomang may-ari. Ito ang nagpabatid sa bayani na pumunta sa may gawing silangan, sa Manimbawan, para maghanap ng magandang dilag. Sa simula ng paglalakbay na ito, hinandugan ang bayani ng kaniyang ina ng mahiwagang bolo na tunay na pag-aari ng ama. Umaawit ang bolong ito kapag ikinukumpas at ang kinang ng espaday bumubulag ng kaaway (Eugenio 2001: 71). Kung si Taake'y pinamanahan ng gamit-pangingisda ng yumaong ama, sa kuwentong Darangen ng mga Maranao nama'y pinangalanan muna ni Linog ang dalawang niyang anak na lalaki bago lumisan: Tominaman sa Rogong at Mangondaya' Boisan. Pagkaraan, pinamanahan niya ang mga anak ng mamahaling bagay at ng dalawang agong na ginagamit para maghamon ng digmaan o para magbalita sa pagyao ng isang pinuno. Kapansin-pansin sa halimbawa na mahalagang ipamana ng ama ang kaniyang instrumento (lalo na't iyong kaugnay sa sariling tungkulin o trabaho) para sa kaniyang anak. Pinagtitibay ng epiko ang ugnayan ng mga batang bayani sa kaniyang ama, lalo na't ang ipapamana ay hindi lamang kasangkapan kundi ang husay, ang talino, at ang magiging tungkulin sa lipunan. Ang paghahandog ng mga materyal na bagay sa bayani ay paraan ng pagkilala at pagtanggap sa taglay nitong kapangyarihan at sa pagiging bahagi nito sa kultura at pamayanan. Sa bahaging ito, lilitaw ang ikalawang uri ng handog/ pamana sa batang bayani. Itoy ang edukasyong kultural at teknikal. Bagamat pinagpala sa kaanyuan, hiwaga, at potensiyal ang batang bayani, mahalaga pa ring maipasa ng magulang ang kanilang kagalingan. Pinagtitibay nito ang pakinabang ng bayani sa komunidad o sa lipunan. Pinalilitaw rin sa puntong ito na ang pagkabayani ay hindi lamang nadadaan sa salamangka. Mahalaga ang pagpapatalas ng utak, katwiran, pagkamalikhain, at kakayahan. Sa kuwentong Darangen, naghabilin muna si Diwata Ndaw Gibon, ang kauna-unahang hari sa Bembaran, sa kaniyang mga anak. Inihabilin niyang dapat maging huwaran ang mga anak upang maging pinuno. Dapat ipamalas ang tapang at lakas para katakutan sila ng mga mamamayan. Hinding-hindi raw dapat gamitin ang lakas para pumaslang. Kasama rin sa habilin ang tamang asal sa pagiging hukom kapag may sigalot sa loob ng sariling hukbo; mahalagang ipagmalaki ang kanilang kampilan (espada) para makilala sila bilang Ayonan. Mahalaga rin daw na maging patas sa pagpapasiya; hindi ligtas ang kamag-anak sa parusa. Pinakamahalaga sa habilin ng hari ang pagpapahalaga sa pangangalaga ng mga materyal na kultura: mahiwagang sinturon na gayuma, tore ng mga prinsesa, kanilang tahanan, at ang agong na nagmula pa sa ninuno ng kaniyang asawa.

Sa Parang Sabil ng mga Tausug sa Sulu, tinuturuan ang bayaning si Urang Kaya Hadjiyula ng Banal na Koran ng kaniyang ina. Sa katunayan, tinatawag niyangDayang ang inang guro bilang paggalang. Naglalakbay pa ito mula Jolo hanggang Borneo para humiling ng ilmu (karunungan) mula sa guro doon at natatanging kaalaman sa ilmu pagkausugan para magkaroon ng proteksiyon sa pakikidigma. Nag-aral din siyang mangabayo. Sa labis na galak ng ama, halos sunod-sunod ang plano sa edukasyon ng supling na si Tudbulul gayong kapapanganak pa lamang nito pagkukuwento ukol sa bubuli sa dagat, paglangoy, pagbitag ng ibon, at paglikha ng kubol. Nais ng ama na maging dakila at kagalang-galang na mamamayan ang sanggol (Eugenio 2001: 572). Batang Mandirigma, Bayaning Tagapagtanggol Walang kinikilalang edad ang kabayanihan. Sa mga etnoepiko ng Pilipinas, ang paghulma sa mga batang mandirigma bilang tagapanggol ng bayan at tagapagligtas ng lahi ay patunay sa mataas na pagtingin at paggalang sa kakanyahan ng bata. Paraan din ang etnoepiko upang ibahagi sa mga makikinigbata man o matandaang mahalagang katangiang dapat tularan mula sa mga bayaning pangkultura. Sa epikong Agyu, hindi ipinagkait sa batang anak ng bayani ang makilahok sa pagtatanggol ng kanilang pamayanan. Tulad ng kaniyang ama, ang anak ay sumailalim sa ritwal-sayaw bago makidigma; sampung ulit na inikot ang lupain ng Tigyandang at siyam na ulit namang inikot ang sabang (junction) ng Muda'udan. Pagkaraan nito'y tinahak na ng bata ang dalampasigan para makidigma. Libo-libong kaaway ang napaslang ng bata sa loob ng dalawang araw. Pagkaraan ng apat na araw, napatahimik ang mga kaaway at makikita sa paligid ang mala-bundok na dami ng mga bangkay. Sabi pa ng batang mandirigma sa mga kalaban: See my headress look at my gear it will be hard for you to wipe my country of Matigayun na Yandang Impossible for you to slaughter my people at the junction of Mudanudan. (Castro et al. 1983: 59) Tutol man ang amang si Salaria, sinuong ni Sandayo ang larangan ng digma. Katwiran ng ama, napakabata pa nito at hindi kaya ang paglalakbay; may tumutulo pang gatas mula sa kaniyang labi at hindi pa naawat sa pagsuso sa ina. Gayunpaman, ang inang si Bae Salaong ang nag-alay ng gintong espada sa sanggol na mandirigma. Sipatin natin ang sipi mula sa teksto: He took the sword

And tucked it in his waist. The sword of Sandayo Dragged on the floor Scraping the mat, So small the child. Sandayo strutted Towards the door. Brandishing the sword His golden sword; Seven times he hurled it, And seven times he caught it. (Eugenio 2001: 540) Ganito rin ang kaso ng batang si Lam-ang. Nag-alala ang kaniyang inang si Namongan sa sanggol na anak na nagpasyang hanapin ang amang nakikidigma sa mga Igorotmga paa moy tila pamaling kawayan/ mag bisig moy tila karayom pa lamang/ Di pa malakas ang iyong katawan/ sa loob ng siyam na buwan lamang (Acacio 1969: 42). Gayumpaman, tinungo pa rin ng sanggol ang lupalop ng Kaigorotan, dala-dala ang mga agimat na bato ng sagang (mailap na hayop na kahawig ng pusa na may matalas at maapoy na mga mata), bato ng tangraban(ibong malaki-laki sa pugo), bato ng ibong lawlawigan (maliksing ibong magaling umawit), at bato ng mailap na musang (uri ng pusang-bundok) (Acacio 1969: 43). Sa epikong-bayan ng mga Bikol, hinandugan ng bayaning si Handyong ang kasama nitong kabataang si Bantong ng libong mandirigma bilang katulong sa pagpaslang kay Rabot, na kalahating-tao, kalahatinghalimaw (Espinas 1996: 19). Binigyan ng pagkakataon ng nakatatandang bayani ang bata para patunayan ang halaga nito sa pagtatanggol ng bayan laban sa kaaway. Mahahalagang aralin naman sa pamumuno, pagiging hukom, at pakikidigma ang alay ni Haring Gibon sa mga batang anak nito sa mga kuwentong prosa mula sa Darangen. Sa Hudhud hi Aliguyon ng mga Ifugao, hindi lamang sinanay ang batang mandirigmang si Aliguyon sa pakikidigma, kundi hinanda rin ito bilang pinunong-espiritwal ng kaniyang hukbo. Sa mantukaw naman ng mga Bukidnon, makulay na isinalaysay ang pakikidigma ni Binembi, batang anak ni Agyu. Hinahanap ng bata ang kaniyang ama at napag-alaman niya mula sa kaniyang mga tiyahin na ang ama at ang hukbo nito ay matagal nang hindi nakababalik mula sa labanan. Pagkaraan nito, nabulabog ang kababaihan ng Yandang. Sa bukana ng ilog, namasdan nila ang libo-libong mandirigmang nasa tabing-dagat ng Mudan-udan. Nabahala ang mga tiyahin ni Binembi dahil wala silang tagapagtanggol. Anila, Mga kapatid, anong gagawin natin? Walang naiwan ni isa mang lalaki dito sa Kuta. Lahat ay sumama kay Agyu sa digmaan. Agad namang hinarap ng sanggol ang napipintong digmaan. Sabi ng sanggol, Sabihin nyo sa akin kung

nasaan ang aking mga sandata. Hiningi niya ito sa kaniyang mga tiyahin at maging ang baluti na iniwan ni Agyu para sa anak. (Lumisan si Agyu at nakidigma nang hindi pa isinisilang ang anak na si Binembi.) Agad namang isinuot ng bata ang kaniyang damit pandigma: ang baluting limbutung, balaraw, kalasag, at sibat. Nagpahanda pa siya ng nganga sa mga kapatid na babae ng ama. Sa pagnganga ni Binembi nito, lumaki siya nang lumaki. Pero hindi pa rin maitago ng mga tiyahin ang pag-aalala sa bata. Nakiusap itong huwag bumaba sa tahanan at makipaglaban. Sabi ng mga tiyahin, Pakiusap Binembi, huwag kang bumaba at makipag-away. Nag-iisa ka lamang at bata ka pa upang makipaglaban. Ngunit hindi pa rin nila mapigilan si Binembi ng Kapukaw, si Dayday ng Enaw-enaw. Pagtapak ni Binembi sa lupa, lumubog siya hanggang tuhod dahil sa bigat niya. Sumayaw pa siya ng saut, ang pandirigmang sayaw, bago harapin ang kaaway ng Nalandangan (Unabia 1996: 294-295). Hindi naman mahuli ng mga kaaway ang maliksing si Binembi dahil sa mabilis nitong kilos na inihalintulad sa ibong layang-layang. Hindi naglaon, natuklasan ng hukbo ni Agyu ang pakikidigma ng kaniyang anak na sanggol sa Nalandangan. Nakilala niya ito sa mga gamit pandigma nito. Sabi ni Agyu sa kasama niyang mandirigmang anak, A, `yon ay kapatid mo na hindi isinisilang nang tayoy umalis. Nakakaawa naman ang iyong nakakabatang kapatid na nag-iisang nakikipaglaban sa libu-libong kaaway. Labis na nagalak si Agyu dahil naipagtanggol ng sanggol na Binembi ang lupang pangako at kababaihan laban sa kaaway. Sa katunayan, kalahati na ng bilang ng kaaway ang napatay ni Binembi. Sa pagod ni Binembi sa digmaan, pinagpahinga ni Agyu ang bunsong anak sa baklaw(pulseras na nakalagay sa bisig). Sabi ni Agyu, Anak ko, magpahinga ka muna sapagkat pagkakataon na naming makipaglaban. Siya at ang kaniyang hukbo ang nakidigma sa natitirang kaaway (Unabia 1996: 296-297). Pagtuklas ng Pangalan, Pagsaliksik sa Ama Bakit nakikidigma ang mga batang bayani? Kagyat na matutukoy ang paghahanap at pagtatanggol sa ama ang pangunahing dahilan sa paglalakbay, pakikipagsapalaran, at pakikidigma ng isang bayani. Ito ang layunin ng mga sanggol na sina Lam-ang, Taake, Banna, Aliguyon, at Binembi. Pagkasilang na pagkasilang ng mga bayani, una nilang hinanap ang kanilang mga ama. Pagkaraang malaman ang sitwasyon ng magulang, magiting nilang hinarap ang hamon ng adbentura. Itinatampok sa bahaging ito ang pagpapahalaga ng mga kultura sa pinag-ugatan ng kanilang lahi, gamit ang simbolo ng ama. Naiiba sa karamihan at kinamihasnan ang kuwento ni Pikasa. Nagsimula ang kaniyang adbentura hindi lamang para hanapin ang ama kundi upang alamin ang kaniyang tunay na pangalan at pinagmulan. Kahawig ito ng buhay ni Tudbulul, na sa pamamagitan ng epikoy natukoy ang kasaysayang pampamilya niyabuhat sa lahi ng mga

panday; mula kay Benati, ang pinuno ng kulog. Hindi man hayag, kumbensiyon sa bayani ng etnoepiko ang pagbibigay-halaga ng dakilang lahi o liping pinagmulan ng bayani. Mahalagang matuklasan ito habang bata pa ang bayani upang magsilbing inspirasyon sa kaniyang dakila ring tungkulin sa bayan. Isinalarawan sa ikalawang bahagi ng kuwentong-bayang Bukidnon na Ang Kasaysayan ng mga Unang Tao sa Gitnang Mindanao ang pagsaliksik ng batang si Pikasa o Pikas Indahag (Ibig sabihiy hati o may kapansanan dahil wala siyang tunay na pangalan at hindi niya batid ang tunay na ama) ng kaniyang identidad at pinagmulan. Mangyari, nagkaroon ng bawal na ugnayan sina Bai at Datu Dignanawan, habang nasa digmaan si Sultan Lambintuen, ang bana ng babae. Nagdalantao si Bai sa pagniniig na iyon at saka lumisan na ang lalaki at umuwi sa bayan niyang Palintauwan. Bilin ni Dignanawan sa buntis, kapag dumating ang tunay na asawa, Ilagay niya ang kanyang sibat sa kaluban nito at ihinto na ang labanan hanggang lumaki iyang bata na iyong dinadala ngayon. Iiwanan kita ng pitong alipin, salapi at ginto. Sabihin ko kay Lambituen na hindi niya bibigyan ng pangalan ang bata sapagkat ang pangalan niya ay nandoon sa Palintauwan. Siya ay isang datu kayat alam niya ang ibig sabihin nito (Unabia 1996: 275). Batid ni Lambituen na hindi niya anak ang ipinagbubutis ng asawa. Hindi naman siya nagalit sa asawa at hinayaan pa niyang magpaliwanag sa pagdadalantao nito. Sinunod din niya ang bilin ng datu ng Palintauwan. At dahil hindi niya binigyan ng pangalan ang bata, binansagan ang sanggol na Pikasa. Tinawag din siyang Pikas Indahag ng mga tao sa bayan. Hindi nagtagal, humingi ang bata ng pahintulot sa kinagisnang ama upang hanapin ang tunay niya pangalan. Pinayagan naman siya ni Lambituen. Ipinaalam niyang matutuklasan ng bata ang kaniyang pangalan kay Datu Dignanawan sa Palintauwan. Ipinasuot pa niya sa bata ang limbutong, isang kasuotang pandigma at ang sibat. Dagdag pa ng datu, Pero tiyakin mong magbalik ka dito bago magpitong araw. Kapag hindi ka nakabalik bago sumapit ang takdang araw na ito, nagpapahiwatig iyan na hindi ka kinilala at hindi ka tinanggap ng mga tao ng Palintauwan (Unabia 1996: 276). Sumumpa pa ang datu na maghihiganti siya kapag nakaranas ng masamang pakikitungo ang bata buhat sa bayan ng Palintauwan. Nang narating na ng bata ang bayan ng mga Maranao, itinuro sa kaniya ng isang isang tao ang bahay ng datu. Nagtagpo ang mag-ama at sinabi ni Dignanawan na siya ang tunay na ama at ang kaniyang pangalay Aliga. Binigyan din ang binata ng tungkulinbantay ng apat na tribo, at tulad ng natumbang balite, walang makakaapak sa iyo (Unabia 1996: 277). Inutusan ni Dignanawan ang anak na hubarin ang kasuotang Maranao at sa halip ay isuot ang kaniyang damit, ang damit ng isang Talaandig. Pagkaraan, nilisan ni Aliga ang bayan ng ama para tupdin ang utos ng kinagisnang ama. Nagpahatid naman ng handog na pitong

kalabaw at pitong alila ang datu para sa mga Maranao. Nakabalik na si Pikas Indahag sa bayan ng kaniyang ina. Nakilala naman siya ni Lambituen kahit nakasuot ito ng damit ng tagaPalintauwan. Ipinabatid ng binata ang natuklasan niyang tunay na pangalan at ang pagiging lantung na magbabantay sa pintuan sa pagitan ng mga Maranao at Talaandig (Unabia 1996: 278). Sa kuwentong ito, mailalatag natin ang katutubong halagahan kaugnay sa pagkalinga ng batapinahahalagahan ang tunay na identidad; may karapatan ang bata na tuklasin ang pinagmulan; binibigyan ng karampatang paggalang ang isang anak sa pagkakasala, hinahandugan ang bata ng mga bagay (tulad ng sibat at kasuotang pandigma) na mahalaga sa pagpapaunlad ng kaniyang sarili; hindi isinisisi sa bata ang pagkakamali ng matatanda; at nabibigyan ng espesyal na tungkulin ang bata kaugnay sa kapayapaan ng magkakatunggaling bayan. Ang Batang Bayani at ang Bayan Bilang pagwawakas, mailalatag ang mga katutubo at etnikong paniniwala ukol pagkabatang Filipino batay sa mga epikong binasa. (1) Kapansin-pansing katangian ng mga sanggol o batang bayani ang kapangyarihang makapagsalita pagkaraan ng kanilang pagkakasilang. Si Lumalindaw, halimbawa, ay may mahiwagang tinig na kayang magpabagsak ng mga ibong lumilipad at ng mga buko mula sa puno. Ano ang sinasabi nito? Malay man o hindi ang mga manlilikha ng epiko, iginigiit nilang may tinig ang bata sa lipunan. Marapat pakinggan ang kanilang tinig dahil may angking kapangyarihan ito. Hindi dapat isinasantabi ang kabataan sa mga usaping pangkomunidad o pambansa. (2) Ang pagpapalamuti sa buhay ng mga bata sa epiko ay nagpapahiwatig na may kakambal na himala ang bawat supling. Sinasabi ring bawat bata ay mahiwaga. Nakaatang sa lipunan ang pagpapayabong ng himala at salamangkang taglay ng bawat sanggol. (3) Magugunita ring ang mga batang bayani sa epiko ay binibihisan ng kasuotang pilak at ginto, at inihahalintulad sa liwanag ng araw at pambihirang bulaklak. Inihahatid nito ang mensaheng nararapat iaalay sa mga bata ang lahat ng pinakamainam para sa kanilang ganap na pagunlad. Nararapat sa bata ang lahat ng biyayang maaari niyang matanggap. (4) Idinidiin ng mga etnoepiko ang edukasyon at paghahasa ng katalinuhan at kaalaman ng mga batang bayani. Ang pagpapamana ng mga kagamitang mahalaga sa isang grupo o tradisyon tulad ng kalasag, sibat, at balaraw ay sumasagisag sa karunungang maipapamana sa pagpapatuloy ng isang lipunan. Inihahatid nito ang mensaheng hindi lamang sa pagbubuntis at pagluluwal natatapos ang pagiging magulang. Hindi natatapos ang tungkulin ng magulang at lipunan sa pagpapangalan sa bata. (5) Kahit sabihin ng mga magulang sa epiko na may gatas pa sa labi ang kanilang anak, ang paa ng bayaniy kawayan, o tila karayom ang kanilang mga bisig, binabasag ng epiko ang

nosyong mahihina ang mga bata. Labis na kapangyarihan ang iniuugnay sa batang bayani, higit pa sa kakayahan ng isang karaniwang matanda. (6) At naisisilang lamang ang bayani kapag naihandog ang tamang patnubay, pananalig sa kanilang kakayahan, at naipamana ang karunungan. (7) Sapagkat ang bayani ay isinisilang, hindi ng kaniyang ina, kundi ng isang lahi o liping pinag-ugatan ng mga epiko. Sa pag-aaral ng pagkabata ng bayani, pagdududahan kung dumaan nga ba sa yugto ng pagkabata ang bayani ng mga etnoepiko. Maaaring sabihin ng ilan na wala naman talagang yugto ng pagkabata sa buhay ng bawat bayani dahil taglay ng mga ito katangian ng matatandaang kagitingan, ang katapangan, ang kapangyarihan, ang pagmamalasakit sa bayan. Maaaring may magsabing pinagtitibay nito ang pagtingin sa mga bata bilang miniature adults. Ngunit dapat isaalang-alang na ang pag-uugnay ng mga kagila-gilalas na elemento sa batang bayani ay patunay sa pagpapahalaga ng katutubo, etniko, at prekolonyal na lipunang Filipino sa mga bata. Hindi ito isang anyo ng panghahamak o pagsasantabi sa yugto ng pag-unlad ng isang nilalang. Pinatutunayan din ng mga halimbawang nakalap at nasipi na kapwa may potensiyal at kapangyarihan ang bata at matanda sa lipunang Filipino. Hindi pag-aari ng mga matatanda ang malasakit sa bayan at ang kadakilaan. Malaki ang pagkakaiba nito nang dumating ang mga mananakop sa kapuluan at nagpalaganap ng mga kolonyal na teksto. Sa pangunang suri, masasabing ang bata, bukod pa sa kababaihan, ay ang pangunahing biktima ng kolonisasyon. Ang mga bata ang naging ehemplo ng urbanidad batay sa pagkakahulma sa kanila bilang sibilisasdong indio. Bata rin ang naging kasangkapan upang ipatanggap sa nakararami ang mga aralin sa panlasa at kulturang Kanluranin. At dahil dito, sila ang pangunahing sektor ng lipunan na unang nahuhubog ang kamalayang kolonyal at namamanipula ang mga paniniwala. Bata ang naging proyekto ng mga mananakop sa pagbibigay ng sibilisasyon at kasangkapan sa pagpapalaganap ng relihiyon, gamit ang aparato ng edukasyon. Ang masama pa, bata rin ang unang sinisisi sa pagpapanatili ng kamalayang makadayuhan at kolonyal. Sa panitikang Filipino, matutukoy bilang biktima ng kolonisasyon ang mga batang sina Urbana, Feliza, at Modesto, sina Crispin at Basilio, sina Nena at Neneng, si Yeyeng na naging Miss Phathupats, at ang talambuhay ng dalagitang si Rosa na nilapastangan ng mga sundalong Hapon noong Digmaang Pasipiko. Ang mga natukoy ay magpapatibay sa paglupig ng mga kolonyalista sa kapangyarihan ng mga batang bayani sa katutubo at etnikong panitikan. Sapagkat sa kolonyal na panitikan ng bansa, ang mga bata ay pinatatahimik at pinipipi. Sila ang binabansot habang binubura sa kolektibong gunita ang kabayanihan nina Binembi, Lamang, Sandayo, Aliguyon, Lumalindaw, Taake, Kudaman, Labaw Donggon, atbp. Sinasabi ng ilang kritiko at historyador na tatlong dekada lamang ang edad ng panitikang pambata sa bansa. Ngunit batay sa pagdukal ng mga

limot at bibihirang bersiyon at transkripsiyon ng mga epiko ng kapuluan, maaaring mahango ang kumbensiyon ng panitikang pambata na may perspektibong Filipino. Makatutulong ang muling pagsasabuhay ng kuwento ng mga batang-bayani hindi lamang bilang tugon sa misrepresentasyon ng bata sa mga kolonyal at mala-kolonyal na teksto kundi paggigiit ng pagka-Filipino sa panitikang pambatang inaaakusahang hango sa estetika at impluwensiyang Kanluranin. Mahalagang ibalik ang kapangyarihan ng bata buhat sa epiko tungo sa kasalukuyang produksiyon ng panitikan. Mainam ring ituro sa mga batang mambabasa ang tradisyon ng mga Filipino ukol sa ganitong uri ng mga kuwento. Mahalaga itong kapanabay na babasahin sa pagtalakay ng karapatang pambata at sa pagpapaliwanag na may natatanging pangangailangan ang bawat batapagkakaroon ng sariling pangalan, tungkulin, at lugar sa lipunan; sapat na pagkalinga; tamang edukasyon; at payapang pamumuhay. Mangyari, ang etnoepiko ay testamento sa pagkilala sa sanggol at bata bilang lehitimong miyembro ng isang lipunan. Sa pamamagitan nito, napagtitibay na nasa pambansang kaugalian ang pananalig sa kabataan bilang potensiyal na bayaning magtatanggol ng lupang pangako, ang piraso ng paraiso sa lupa. Kung gayon, napapanahon nang bigyang pansin ang yugto ng pagkabata sa mga epiko dahil hitik ito sa kabayanihang magsusulong sa pagpapanatili ng lipunan at kultura. Kailangang idiin na ang bayani, sa anumang panahon, sa anumang kultura, ay dumaan sa napakahalagang yugtoang pagkabata.
Notes: Unang nalathala sa Diliman Review, Vol. 52, Nos. 1-4 (2005), pp. 85-112. Bibliograpiya Acacio, Angel A. Pagsasalin sa Pilipino ng Biag ni Lam-ang at Pag-aaral ng Matandang Kalinangang Iloko na Inilarawan sa Epiko. `Di nalathalang thesis, Dalubhasaang Normal ng Pilipinas, Manila (Nob. 1969). Antillon, Loline M. "Ang Nalandangan sa Agyu: Isang Lupang Pangako," nasa Gawad Surian sa Sanaysay, Gantimpalang Collantes 1989-1991 ni Aurora E. Batnag (pat.), Pasig: Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, 1991. Barrios, Joi. "Kwentong Hindi Matapus-tapos, Bayaning Hindi Namamatay: Isang Kontemporanyong Pagbasa sa mga Etnoepiko ng Aking Bayan, nasaGawad Surian sa Sanaysay, Gantimpalang Collantes 1989-1991 ni Aurora E. Batnag (pat.), Pasig: Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, 1991. Billiet, Francisco at Francis Lambrecht. Studies on Kalinga Ullalim and Ifugao Orthography. Baguio City: The Catholic School Press, 1970. Campbell, Joseph. The Hero with a Thousand Faces. New Jersey: Princeton University Press, 1968. Castro, Jovita V., Antolina Antonio, et al. Anthology of ASEAN Literatures: Epic of the Philippines. Quezon City: APO Production Unit, Inc., 1983. Daguio, Amador Taguinod. Hudhud hi Aliguyon: A Translation of an Ifugao Harvest Song with Introduction and Notes. `Di nalathalang thesis, Stanford

University (Aug. 1952). Darangen: In Original Maranao Verse with English Translation. Iligan: Mindanao State University, University Research Center, 1986. Espinas, Merito C. Ibalong: The Bicol Epic Fragment. Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 1996. Eugenio, Damiana L. (pat.) Philippine Folk Literature: The Epics. Quezon City: University of the Philippines Press, 2001. Hourihan, Margery. Deconstructing the Hero: Literary Theory and Childrens Literature. London and New York: Routledge, 1997. Jocano, Felipe Landa. The Epic of Labaw Donggon. Quezon City: University of the Philippines Press, 1965. McKaughan, H. Stories from Darangen. Manila: De La Salle University Press, 1995. Manuel, E. Arsenio. Agyu: The Ilianon Epic of Mindanao. Manila University of Santo Tomas Publishing House, 1969. Maquiso, Elena G. Ulahingan Series 1: An Epic of the Southern Philippines.Dumaguete City: Silliman University Press, 1977. Maquiso, Elena G. Ulahingan Series 2: Ang Epic of the Southern Philippines.Dumaguete City: Silliman University Press, 1990. Maranan, Edgar at Nicole Revel-Macdonald. Kudaman: Isang Epikong Palawan na Inawit ni Usuy. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1991. Rank, Otto; Raglan, Lord; at Dundes, Alan. In Quest of the Hero. Princeton, New Jersey: Princeton University Press, 1990. Singh, Manjari at Mei-Yu Lu. Exploring the Function of Heroes and Heroines in Children's Literature from Around the World," Jan. 29, 2005. <http://reading.indiana.edu/ieo/digests/d183.html> Unabia, Carmen C. at Victorino Saway (tagatipon at tagasalin).Tula at Kuwento ng Katutubong Bukidnon. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1996. back to criticism | home

faqs | about us | contact us

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman. 2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved. Site design by swim.interactive

ABSTRACT

1. Title: Antas ng Kakayahan sa Kasanayang Pasulat ng mga Student Teacher na Nagpapakadalubhasa sa Filipino Kabuuang Bilang ng Pahina: 196 Kabuuang Bilang ng Text: 111 2. May-Akda: Barlis, Mary Ann Rueda 3. Uri ng Dokumento: Tesis 4. Uri ng Lathala: Di-Nalathala 5. Accrediting Institusyon: Saint Louis University (Pribado) Bonifacio Street, Baguio City CHED-CAR 6. Mahahalagang Salita: Kasanayan, Pasulat, Antas ng Kakayahan, Student Teacher, Nagpapakadalubhasa, Filipino 7. Abstract: 7.1. Buod. Ang pag-aaral na ito ay nagmimithing malaman ang antas ng kakayahan sa kasanayang pasulat ng mga student teacher na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ang mga suliraning ninais mabigyan ng katugunan ay ang mga sumusunod: Ano ang antas ng kakayahan sa kasanayang pasulat ng mga student teacher na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa larangan ng plabuuan, wastong gamit, palaugnayan at palabaybayan?; Mayroon bang makabuluhang pakakaiba ang antas ng kakayahan ng mga student teacher na may kaugnayan sa kasanayang pasulat kapag pinangkat sa: probinsyang pinagmulan, unang wika at paaralan; Anu-ano ang mga suliraning kinkaharap ng mga ng mga student teacher sa kasanayang pasulat? ; May epekto ba ang mga malayang variable sa mga suliraning kanilang kinakaharap? Anu-Ano ang mga nararapat isagawa upang mapaangat ang antas ng kakayahan sa kasanayang pasulat ng mga student teacher na nagpapakadalubhasa sa Filipino? Ang mapanuring naglalarawan normatibo ang pamamaraang ginagamit sa pananaliksik na ito. Gumamit ang mananaliksik ng talatanungan, bahagi nito ang 100 aytem ng katanungan na nahahati sa apat na larangan ng pagsulat: palabuuan, wastong gamit, palaugnayan at palabaybayan. Ang pagsusuri ng kinakalabasan ay pinamahala sa dalubhasang estatistiko. Ang ginamit sa pagsusuri ng mga satos ay ang Frequency, ChiSquare, OneWay Analysis of Variance (ANOVA) at T-test. Ang kabuuang bilang ng mga student teacher na nakibahagi sa pagaaral n ito ay 67. Sila ay napapapabilang sa ibat ibang Kolehiyo at Universidad sa lungsod ng Baguio at La Trinidad Benguet. Ang paaralang nakibahagi ay ang: Baguio

Mga Pagpapahalagang Moral sa mga Piling Maikling Kuwento ni Genoveva

Edroza-Matute Rodson Jumalon Abstrak Ang pag-aaral na ito ay naglalayong ilantad ang reyalidad batay sa mga pangyayari sa mga kuwento tungkol sa unti-unting pagbaba ng moralidad natin bilang mga Pilipino. Sinusuri ng pag-aaral na ito ang mga pagpapahalagang moral na matatagpuan sa walong (8) piling maikling kuwento ni Genoveva Edroza-Matute (GEM). Tinatalakay nito ang paraan ng pagpapakita ng mabuti at di-mabuting pagpapahalagang moral at ang implikasyon nito sa kasalukuyang lipunan. Sa pagsusuri sa mga piling maikling kuwento ginagamit ang pagdulog moralistiko. Ayon sa pagsasaliksik, hanggang sa kasalukuyan nakahihigit pa rin ang mabubuting katangian sa kuwento at nangingibabaw pa rin ang kabutihan ng tao. Inaasahangang mga akdang isinulat ni G.E.M. ay magagamit na instrumento sa pagpapalaganap ng kagandahang-asal, dahil ito ay gagamitin bilang lunsaran sa pagtuturo ng pagpapahalagang moral. 1.0 Panimula Ang mga akdang pampanitikan ay nilikha upang magbigay-aliw sa mambabasa, tagapanood at tagapakinig. Ang mga tagatangkilik ng mga anyong ito ay nagbibigay naman ng mga puna at reaksyon kung ang naidudulot ng nilalaman ng mga ito ay nakakabuti o nakakasama. Maaaring hindi lamang aliw ang nakukuha rito kundi mga aral, impormasyon, karunungan at mga kasanayan. Ayon kay Reyes (1992) ito ay isang uri ng panitikan na naglalahad ng buhay ng mga tao, pangyayari sa lipunan at karunungan na umaantig ng puso, damdamin at isipan ng tao. Kung ang pag-uusapan ay mga aral na nakukuha mula sa mga akda, dito papasok ang moralidad. Mahalaga ang moralidad sa pang-araw-araw na galaw ng buhay ng bawat tao. Sa pagpapahalagang moral makikita at makikilala kung mabuti o masama ang pagkatao ng tao. Sa pagbanggit sa kalikasan ng tao ay hindi maihihiwalay ang Banal na Kasulatan at relihiyon. Ito ang nag-uugnay sa tao at sa Diyos. Ang pag-unawa sa moralidad ay ipinaliliwanag ng magkasanib na puwersa ng relihiyon at pilosopiya. Sa Kristyanismo ang Banal na Aklat o Bibliya ang nagiging moog ng mga Kristyano sa pagkilala ng moralidad. Dahil dito, isinaalang-alang ng mananaliksik ang kahalagahan ng mga mabubuting pagpapahalagang moral na mapayaman at mapanatili sa buhay ng tao nang sa gayon ay mahubog ang kagandahang-asal sa mga kabataan at sa lahat ng sambayanang Pilipino.SMC RESEARCH JOURNAL _______________________________________________________

2 Ayon sa Primer na inilathala ng PRODED, ang kurikulum ay nagsisikap na linangin ang buong katauhan ng mag-aaral upang maging isang mabuting mamamayan ng ating bansa. Sa layuning ito, inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro na nagtuturo ng panitikan. Sila ang gumagabay sa mga bata sa paghubog ng mabuting gawi at kaisipan, damdamin at kaasalan. Sa pag-aaral na ito, nais nitong matagpuan ang mga pagpapahalagang moral na tinataglay ng mga tauhan sa kuwento at maipakita ang mga mabubuti at di mabubuting pagpapahalagang moral sa pamamagitan ng mga pahayag na ginamit ni Genoveva Edroza-Matute. Ang mga kuwento na may pamagat na: Yumayapos ang Takipsilim; Mga Guho; Di-Katulad ng Tao; Simula ng Isang Kahapon; Paghihintay; ; Parusa; Kwento Ni Mabuti; Isang Santakrusan; Bago Magsimula; at Simula ng Isang Kahapon ay mga kwentong ginamit sa pag-aaral na ito. 2.0. Desinsyo sa Pag-aaral and Metodolohiya Isang mahalagang pampalipas ng oras ang hilig sa pagbabasa ng ibat ibang anyong pampanitikan. Tulad ng pagbabasa ng mga kuwento, alamat, nobela at iba pang mga babasahin na naghahatid ng magagandang aral at impormasyon. Ang konsepto ng moralidad ay umiikot sa suliranin ng masama at mabuti. Ayon kay Reyes (1992), sa moralidad ang kilos ng tao ay mabuti, kapag taglay nito ang pagkakaroon ng moral na kaganapan o perpeksyon na hinihingi ng layunin ng kilos. Ang moralidad ay nagsisilbing batayan ng tao kung ang isang gawain o kilos ay nakakabuti o nakasasama. Nagkakaroon ng mabuting moral ang isang tao ayon sa ikinikilos nito, sapagkat nalalaman niya kung ano ang tama at kung ano ang mali. Nagiging mali ito kung ang kanyang kapaligiran ay nagtuturo sa kanya ng mali sapagkat nakagabay sa kanya ang mabuting gawi sa kagandahang-asal maaasahan natin na ang kanyang gawa ay mabuti. Ang teoryang ito ang gumagabay sa pag-aaral na ito. Gamit ang Pamaraang Palarawan (Descriptive Design) at pangnilalamang pagsusuri sa mga piling maikling kuwento (Content Analysis), naipakita ng mananaliksik sa paraan ng pagpapahayag o paggamit ng diyalogo kung anong pag-uugali ang taglay ng tauhan. Ang walong maikling kwento ay pinili ayon sa mga sumusunod na krayterya. Ito ay dapat sinulat ni Genoveva Edroza-Matute; kakikitaan ng ibat ibang pagpapahalagang moral; at may mga diyalogo na ginamit ang manunulat upang maipakita ang isang pag-uugali o asal ng tauhan. 3.0 Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan

Ang kuwento na Yumayapos ang Takipsilim ay nagpapahiwatig na ang katandaan ay hindi maiiwasan at ito ay kailangang bigyang kahalagahan. SMC RESEARCH JOURNAL _______________________________________________________ 3 Subalit may mga pagkakataon na dahil sa kaabalahan sa gawain ay napabayaan ang dapat na obligasyon ng anak sa magulang. Mapagmahal na magulang (ama at ina nina Ramon at Rey). Sa kwentong ito, nasasalamin ang pagmamahal na iniukol ng mga magulang sa anak. Tulad nina Lola, pinagtapos nilang mag-asawa ng karera ang mga anak sa abot ng kanilang makakaya. Halos maubos na ang pera nila sa pagtustos, upang makapagtapos lamang si Rey at Ramon. Ang perang dapat sanay nakalaan sa kanilang pagtanda ay isinakripisyo para sa mga anak. Mapagparayang mga magulang (ama at ina nina Ramon at Rey). Ipinakikita sa kwento ang labis na pagmamahal ng ina at ama nina Ramon at Rey, na kahit napagtapos na nila ito ng mga karera ay nandiyan pa rin ang mga ito na handang magsakripisyo para sa pangangailangan ng mga anak. Ang perang naipon ng kanilang mga magulang na laan para sa kanilang pagtanda ay ginamit na rin sa kanilang magkakapatid kahit pa nga propesyunal na sila. Bagamat nagpakita ng labis na pagmamahal ang ina kina Ramon at Rey maaaring iisipin na ang labis na pagmamahal na ito ang siyang nagtulak sa magkapatid sa kanilang pagiging makasarili. Maalalahanin at maaruga (Tinay). Makikita ang pagmamalasakit ni Tinay para sa matanda na hindi naipakita ng dalawang anak ng matanda. Kapuri-puri ang ipinakita niyang pag-aarugat pagmamahal hindi lamang sa pagkakaroon nito ng sahod kundi itinuring na nito si Lola na kabilang sa kanyang kamag-anak Mabait, magiliw at mapagmahal na apo (Lydia). Kinagigiliwan ni Lydia ang kanyang lola at nanghihinayang ito kung aalis ang kanyang lola sa kanilang bahay. Sa murang edad hindi naging sagwil sa puso ng musmos ang pag-uusap ng mga magulang. Ang mahalaga sa kanya sa panahong iyon ay ang kanyang lola na ayaw niyang mawaglit sa kanyang tabi. Mapagwalambahalang mga anak (Ramon at Rey). Ang kawalang ingat sa pagsasalita ay nagdudulot ng sakit ng damdamin ng ibang tao salitang nagbabanta, nagmumura, nagmamaliit, na may kasamang singhal. Ang salitay makapangyarihan tulad ng espada. Si Lola sa kuwentong ito ay nakaramdam na siya ay itinatakwil ng mga anak. Anong sakit ang naramdaman niya nang marinig ang pagtatalo ng magkapatid. Kaya nga siya natagpuan ni Tinay sa beranda na basang-basa sa ulan. Ang inuusal ay ang

pangalang Mrs. Valle, ang marunong magpahalaga sa magulang di tulad ng kanyang mga anak. Malamig na pagtingin sa biyenan (Carmen) Ang tao ay bahagi ng lipunang kanyang ginagalawan. Mangyayaring magbago siya dahil sa kayamanang nakamtan o di kaya ay naimpluwensyahan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Sa kuwentong ito ipinakita na mas makapangyarihan ang boses ni Carmen, dahil mas mahal ito ni Ramon. Narinig ni Lola ang malakas na boses ni Carmen na hindi naman niya nauunawaan. Pahiwatig ito sa kapasyahan na iaalis na si Lola dahil sa kagustuhan ni Carmen. Para sa kanila ay pabigat na ang matanda at nandidire pa siya nang makita niyang hinihimas-himas ni Lydia ang braso ng matanda, kaya agad itong tinawag ni SMC RESEARCH JOURNAL _______________________________________________________ 4 Carmen, at kitang-kita ng matanda ng hinugasan at sinabong mabuti ang mga kamay ng bata. Ang kwento na Mga Guho ay naglalarawan ng isang anak mahirap na mapagmahal sa ama at ina. Napalitan ang ama ng isang amaing malupit at mapang-api ngunit nanatili pa rin ang magandang imahe ng namatay na ama. Mapagtimpi (Ros). Ipinakita ni Ros ang paggalang sa nakakatanda sa kanya. Isa si Tiyo Sendo niya na nagbibigay sa kanya ng sama ng loob, dahil sa pagmamalupit sa kanya at sa kanyang ina. Ang kanyang pagkasuklam at pagkamuhi dito ay nagawa pa rin niyang timpihin at sinarili na lamang upang makaiwas sa dagdag na pasakit. Iniingatan ang dangal (Ros). Isang mabuting pagpapahalagang moral ang pag-iingat sa dangal. Ang taong may dangal ay nagtataglay ng mataas na pagtingin mula sa kanyang kapwa. Si Ros ay naglilingkod sa isang bar, subalit hindi niya pinabayaan ang sarili na mapariwara. Kahit mahirap lamang ang kanilang pamumuhay ay pinagsisikapan niyang mamuhay ng marangal. Mapagmahal na ina (Ina ni Ros). Sinasabing ang ina ang ilaw ng tahanan. Napakalungkot ng isang tahanan kung walang ilaw na nagbibigay liwanag. Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay isang uri ng pagmamahal na walang kapareho sa ibabaw ng mundo. Nasa sinapupunan pa lamang ang isang sanggol hanggang sa ito ay iluwal at magkamalay ay walang humpay ang pagpapadama ng ina ng kanyang pagmamahal. Nagtanim ng galit (Ros.) May mga pagkakataon na ang tao ay nagagalit. Ang galit ay salungat sa mabuting pagpapahalagang moral. Dahil sa mga kadahilang di maiiwasan ay nakapagtanim ng galit at pagkamuhi ang isang tao dahil ito ay hinihingi ng isang sitwasyon. Si Ros ay nagtanim ng galit

at poot sa kanyang amaing si Rosendo dahil sa di magandang pag-uugali nito. Ang pagkamuhing unti-unting pumuno sa kanyang dibdib, na nag-ugat mula pa sa kanyang pagkabata at kasabay niyang lumaki ay nagpupumilit na humulagpos. Di-naipagtanggol ang sarili (Ros). Ang tao ay isinilang na may taglay na sariling karapatan. Ito ay kanyang karapatan na di dapat na ipinagkakait kaninuman. Kung ang ating lipunan ay nagbibigay ng mga kautusan na dapat na sinusunod ng bawat mamamayan, ang mga kautusang ito ay ipinatutupad at isinasakatuparan at tinitingnan kung ang karapatan ng bawat mamamayan ay hindi naaapakan. Ang kahinaan ng loob at kalagayan sa buhay ang dahilan, kaya sila ay inaabuso ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Malupit, mapang-api at tamad (Rosendo). Ang mabuting relasyon ng tao sa kapwa tao ay itinuturing na napakahalaga sa ating lipunan o sa komunidad. Nagsisilbi itong paktor sa pagkamit ng minimithi ng isat isa, gaya ng mabubuting relasyon ng magulang sa anak. Kakaiba ang ipinakitang relasyon ng isang amain sa kwentong ito. Si Rosendo, ang pangalawang asawa ng ina ni Ros, ay inaasahan sanang makakatuwang sa pagtataguyod ng kanilang pamilya at siyang magiging gabay sa ikagaganda ng kanilang SMC RESEARCH JOURNAL _______________________________________________________ 5 pamumuhay, subalit nagiging kabaligtaran ang pangyayari. Sa halip, ay si Ros ang naging tagapaghanapbuhay para sa kanilang pamilya. Si Rosendo ay naging malupit sa kanila, maliban sa pagmamalupit ito ay nagging pasanin sa buhay dahil hindi ito nagsikap na makakita ng trabaho. Si Ros ang nagging palabigasan niya sa kanyang mga bisyo. Mapagsamantala sa mga babae (Mr. del Prado). Ang pagsasamantala sa kapwa ay isang gawaing hindi maganda sa mata ng tao at mata ng Diyos. Ito ay isang katangiang hindi dapat na pamarisan, sapagkat ito ay labag sa kautusan ng Diyos at labag din sa batas ng tao. Ang pananamantala lalo na sa mga babae ay isang pag-uugaling taliwas sa wastong kautusan ng kagandanhang-asal. Sinamantala ni Mr. del Prado ang pagkakataon na nagtatrabaho si Ros sa bar para sa kanilang ikabubuhay. Inaalok niya ng salapi at kaginhawahan ang kagipitang kalagayan ni Ros. Babaero (Mr. del Prado). Ang pagiging babaero raw ay likas na sa mga kalalakihan. Ito ay isang kasabihan na nagiging palasak sa bibig ng mga kalalakihan. Ginagamit ang kasabihang ito, para lamang mapagtakpan ang hindi magandang bisyo na ginagawa ng mga lalaki lalo nat marami itong salaping ginagamit upang silawin ang mga babaing naghahanap at nangangailangan ng pera. Ito ay maaaring kailangan para sila mabuhay, at

maaari ring para na rin sa sarili nilang kapakanan. Ang Di-Tulad ng Tao ay kwento ni Elena na may itinatagong lihim tungkol sa tunay niyang pagkatao. Isang batang kaibigan ang nakatuklas sa kanyang tunay na pagkatao at nabigyan niya ng magandang larawan ng buhay. Masipag/kasipagan (Ebeng). Si Ebeng ay kapatid na nakakatanda ni Berting, mahal din nito ang bunsong kapatid. Pinagtiyagaang tahiin ni Ebeng ang damit na isusuot ng kapatid para sa gaganaping santakrusan sa kanilang pook. Kahit dinanas niya ang hirap at pagkapagod sa paghahanda ng maisusuot ni Ting ay hindi inalintana ni Ebeng, ang mahalaga sa kanya ay matuloy ang pagiging Constantino ni Berting. Mapangaral (Elena). Si Elena, isang tauhan ng kwento na ipinakikitang may madilim na nakaraan, subalit ang nakaraan niya ay kanyang itinatago at idinadaan sa pangangaral sa mga kabataan. Ang kangyang pangaral ay ukol sa tutunguhing magandang landas at tuwid na pamumuhay, upang maging maganda ang magiging buhay lalo na ni Ebeng. Kahit minsan na siyang naligaw ng landas, ito ay kanyang pinupunan sa paglilingkod sa Diyos, bilang tagapagturo ng mga salita ng Diyos, kaya siyay nakilala na malapit ang kalooban sa Maykapal. Mausisa, masunurin at magalang na bata (Ebeng). Sa isang batang nasa murang gulang pa lamang ay kapapansinan ito ng ugaling mausisa at matanong. Ang ugaling ito na taglay ni Ebeng ang batang nagbukas sa isipan ng mga taong nakapaligid sa buhay ni Elena, na dapat nilang unawain at hindi basta na lamang huhusgahan sa mga pagkakamaling nagawa sa buhay. Ang tao ay binigyan ng buhay upang ito ay kanyang pangalagaan at mahalin. Ito ay ginawa rin ni Elena, subalit may mga SMC RESEARCH JOURNAL _______________________________________________________ 6 pagkakataon na ang ugaling ito ay nalilihis ng landas, sa bahaging ito ay nagkaroon naman ng pagkakataon na ang pagkaligaw ng landas ay maaaring magbago at magsisi sa mga pagkakamali. Mapagmura (Ebeng). Ang pagsasalita na may kasamang singhal ay hindi magandang pakinggan. Si Ebeng ay nagtunog nagmumura sa kanyang pagbibigay ng disiplina sa isa pang nakababatang kapatid. Ang paraan ng pagsasalita ni Ebeng ay hindi magandang pakinggan subalit masasabing maaaring ito lamang ang kanyang paraan ng pagdidisiplina sa nakababatang kapatid. Tsismoso, pakialamero (mga kapitbahay ni Ebeng). Ang buhay ay maganda kung walang mga taong nakikialam sa takbo ng buhay ng bawat isa. May mga panahon na kailangan ng tao ng sariling paraan ng takbo ng buhay.

Ang kuwento ay kinakitaan ng mga tauhan na masasabing may taglay na pagpapahalagang moral na taliwas sa kagandahang-asal. Titingnan muna natin ang ating sarili sa salamin bago titingnan ang iba. Ang Paghihintay ay kwentong tungkol sa pagsakripisyo ng isang babae na tapat ang iniukol na pag-ibig sa kanyang asawa at ang ginawa ng lalaki sa pagiging tapat ng kanyang pag-ibig. Matapat na asawa, maganda ang kalooban, masipag, matiisin (Nemang). Ang pagiging matapat sa kapwa ay isang pag-uugaling inaasahang taglay ng tao. Ang pag-ibig na tapat ay kinakailangang handang isakripisyo ang lahat sa buhay upang maihandog sa minamahal ang kanyang taospusong pagmamahal. Iyan ang uri ng pagmamahal ang iniukol ni Nemang kay Joel. Si Nemang ay inialay ang pagmamahal kay Joel na alam niyang ni katiting ay walang ipinakitang pagmamahal sa kanya, kahit alam nyang may iniisip na ibang babae ang kanyang mahal ay hindi pa rin nawawalan ng pagasa si Nemang kaya handa itong maghintay sa pagbabalik nito sa kanyang piling. Masipag (Nemang). Ang kasipagan ay isang pagpapahalagang moral na dapat pamarisan at dapat taglayin ng bawat nilalang. Nagpakita ng kasipagan si Nemang sa kanyang gawain kaya madali siyang natanggap sa bagong kompanya na kanyang inaplayan.Ang ipinakitang kasipagan ni Nemang mula sa dating pinagtrabahuhan ay may malaking tulong na nagawa upang siya ay madaling matanggap sa kasalukuyang pinapasukan. Matiisin (Nemang). Si Nemang ay hindi mahirap, naging mahirap lamang ito nang maubos ang kanyang naipong pera dahil sa pagsunod sa kagustuhan ng asawang makapagtrabaho sa ibang bansa. Ang inaasahang perang maibabalik sa kanya kapag nakapagtrabaho na si Joel Soriano, ang kanyang asawa, ay hindi natupad. Upang mabuhay ang sarili at ang dalawang anak ay lumipat ng matitirahang bahay. Pinagtiisan kahit giray-giray mapagkasya lamang ang kinikita para sila mabuhay ng kanyang mga anak. Matulungin, maalalahanin, maunawain (Rina). Ang mga katangiang taglay ni Rina ay mga pagpapahalagang dapat na hangaan at bigyan ng karampatang pagpapahalaga. Sa kanyang pagiging matulungin ay kanyang pinatunayan na ang kanyang ginawa ay nakapagdulot ng malaking SMC RESEARCH JOURNAL _______________________________________________________ 7 kaginhawahan ng loob sa panig ni Nemang. Inunawa rin niya ang kalagayan ni Nemang, na sa panahong iyon ay nangangailangan ng pang-unawa at pagaalala. Iresponsable, walang-utang na loob, pabayang ama, taksil (Joel Soriano). Ang mga katangiang nakasaad sa itaas ay masasabing mga pagpapahalagang di dapat bigyan ng kahalagahan. Bilang ama ng tahanan,

dapat na maging gabay ang ama para sa magandang kinabukasan ng mga anak. Ang pagbibigay patnubay at pangangalaga para sa kanilang paglaki ay upang hindi sila magiging suliranin ng lipunan. Hindi na niya binalikan ang sariling pamilya pagkatapos na siya ay guminhawa. Pagkagaling niya sa ibang bansa at bumalik sa Pilipinas ay umuwi siya sa piling ng ibang babae. Ang kuwentong Parusa ay ipinapakita ang ibat ibang katangian ng mga tauhang sina Salamin, Big Boss, Ventura at Neneng. Bawat katangian ng tauhan na atin ding nakikita kahit sa kasalukuyan. Mapag-alala (Salamin). Si Salamin ang mata at kanang kamay ni Big Boss. Sabi ng sa kuwento, kapag kumapit ka kay Salamin mabubuhay ka. Kung pakasusuriin, siya ay nagtataglay ng kakaibang katangian. Siya ay tagabantay ng mga manggagawa, taga kilatis sa buhay ng mga manggagawa, tagabigay ng impormasyon at taga-tingin at taga hanap ng mga taong maaari nilang maging kakampi o maging kagamitan ng kanilang lihim na gawaing hindi tama o mapagkukunan ng salapi sa isang paraang taliwas sa tunay na palakad. Matibay ang paninindigan at pagmamahal (Neneng). Si Neneng ay nagtataglay ng matibay na paninindigan at pagmamahal kay Ventura. Ipinapakita ng mga pahayag na hindi matutumbasan ng anumang pangako, salapi, kasaganaan, at kariwasaan ang paninindigan ni Neneng. Dito niya ipinapakita na tapat ang kanyang pagmamahal kay Ventura. Kay Ventura niya nadama ang katapatan ng kalooban. Kaya kahit nais bawiin ni Big Boss ang kanyang pagkukulang ay hindi nito napagbago ang damdamin ni Neneng na pilit nilimot ang kanyang nakaraan at mga kasawian sa piling ni Big Boss. Matalino, mabait at mapagmalasakit (Ventura). Ito ang katangiang taglay ni Ventura. Maaari itong pamarisan at panatilihin. Ang katangiang ito ay kahanga-hanga dahil miminsan lang itong makikita na taglay ng isang tao. Ito ang mga katangiang taglay ni Ventura, na nakapagdulot kay Big Boss ng pangamba at pagngangalit ng bagang dahil kahit anong panggigipit ang kanyang ginawa ay hindi niya nakumbinsi si Neneng na bumalik sa kanya at hindi rin naging sagwil sa pasya nitong manatili sa piling ni Ventura. Ang Kuwento ni Mabuti ay umiikot sa buhay ng isang guro na kung tawagin ay si Mabuti. Mabuti ang tawag sa kanya dahil bawat sambiting pangungusap ay sinisimulan ng mabuti. Si Mabuti ay may lugar na iniiyakan upang doon itago sa karamihan ang kanyang mga pighati. Malihim (Mabuti). Si Mabuti ay malihim. Nagawa niyang itago ang kanyang pagkakaroon ng anak mula sa isang doktor. Nalaman lamang ng mga nakapaligid sa kanyang daigdig nang ang doktor ay mamatay. Ibinurol ang katawan nito sa bahay na hindi si Mabuti ang nakatira. Kaya ang kanyang SMC RESEARCH JOURNAL _______________________________________________________

8 lihim na pag-iyak ay itinatago rin niya sa sulok na kinatagpuan sa kanya ni Fe. Mausisang bata (Fe). Ang batang si Fe ay isang mag-aaral na natagpuan ni Mabuti sa sulok ng silid aklatan na may suliranin at lihim na umiiyak. Ito ay nilapitan ni Mabuti upang alukin ng tulong na maaaring makatulong sa ikagagaan ng dibdib nito. Sa pag-uusisa ni Fe, nabuksan ang buhay ni Mabuti, ang mga pagtitiis niya at mga sama ng loob na kanyang pinagdaanan sa buhay. Manloloko (Doktor). Ang doktor ay siyang ama ng anak na babae ni Mabuti. Ito ang nagdulot kay Mabuti ng mga sama ng loob. Ang panloloko sa kapwa ay isang gawaing masama. Siya ay masasabing manloloko dahil iniwan niya si Mabuti at hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapiling ng bata mula pa sa kanyang pagsilang. Hanggang ito ay naging anim na taong gulang na. Ito ang uri ng ama ng anak ni Mabuti. Subalit kahit na ito ay naging ama ng iba pinalaki pa rin ni Mabuti ang anak na may kinikilalang ama. Ang kuwentong Isang Santakrusan, Bago Magsimula ay tungkol sa isang pamilya na ipinakita ang pagmamahal at pagmamalaki sa anak dahil ito ay magiging Constatino sa gagawing Santakrusan sa kanilang pook. Kahit umabot sa pangungutang ay ginawa ng pamilya ang lahat mapakita lamang sa anak ang pagmamahal. Mapagmahal na ina (Aling Tindeng). Ipinakita ni Aling Tindeng ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak na si Berting upang mapaligaya ito. Kahit mahirap ang kalagayan nila sa panahong iyon ay binilhan pa rin niya ng gamit ang bunsong anak upang gumanap na Constantino sa gaganaping Santakrusan. Hindi binigo ni Aling Tindeng ang anak, kahit anong hirap ay tiniis para sa kaligayahan ng bunsong si Ting. Mayabang (Aling Tindeng). Ayaw ni Aling Tindeng na masaktan ang anak. Ginawa niya ang lahat mapasaya lamang ito. Subalit ang ginawa ni Aling Tindeng ay masasabing labag sa pagpapahalagang moral dahil ito ay nakapagdudulot ng hindi magandang epekto sa buhay nila. Ang kanyang ginawang pangungutang masunod lamang ang matatawag na kapritso ng lipunan ay hindi magandang ehemplo. Mailalagay sa isang pag-uugaling pagyayabang ang kanyang ginawa para maipangalandakan lamang na guwapo at may magandang kasuotan ang anak sukdulang kanyang ipangutang. Ito ay isang pagpapahalagang moral na hindi mabuti. Walang isang salita/ walang paninindigan, nanganino sa mayayaman (Aling Miray). Mayroon tayong kasabihan na ang pangako ay ginagawa para baliin rin. Ganito si Aling Miray. Inilagay niya sa alanganin si

Aling Tindeng. Nang dahil sa kanyang pakiusap na gagawing Constantino si Berting ay pumayag si Aling Tindeng. Nagawa pa nitong mangutang para lamang mapagbigyan ang hermana mayor. Sa ginawa ni Aling Miray ay nakasakit siya ng damdamin. Masasabi,nating may kunsensya rin siya sapagkat nakaranas din siya ng paghihirap ng kalooban sa pagsasabi ng pangyayari kay Aling Tindeng subalit ang ibinigay niyang pakiusap ay SMC RESEARCH JOURNAL _______________________________________________________ 9 nakapagdulot na ng malaking pinsala sa buhay at pamumuhay ni Aling Tindeng at sa musmos na damdamin ni Berting. Bulanggugo (Aling Miray). Ang pagiging bulanggugo ay pagiging maluho kahit hindi kaya ay kakayahin, mabutas man ang bulsa ng iba masunod lamang ang kanyang kagustuhan. Tulad ni Aling Miray, sa kagustuhang maging bonggang-bongga ang mangyayaring Santakrusan ay nagkaroon ng reaksyon ang kanyang mga kababaryo. Sa mga pangyayaring naganap sa buhay ni Aling Miray, maliwanag na nanganganino siya sa mga mayayaman at makapangyarihan. Hindi niya inalintana kung may damdamin mang masasaktan. Simula Ng Isang Kahapon ay kuwento ng isang anak ng magasawang may kaya sa buhay na nagkaroon ng kalituhan kung ano ang kursong kukunin sa kolehiyo, o kung anong gusto niyang mangyari sa kanyang buhay. Natagpuan ni Mimi ang kasagutan sa kahungkagan ng kanyang buhay. Dahil sa laki sa layaw lahat ng kailangan ay agad nakukuha ni Mimi. Ang pagmamahal ng mga magulang ay hindi rin matatawaran at handang tumulong sa anak kung magkaroon man ito ng suliranin. Bukas din ang kanilang isipan at kalooban upang unawain ang anak. Si Mimi na lumaking sagana sa lahat ng kanyang pangangailangan ay naghahanap ng kasagutan sa mga nabubuong tanong sa kanyang isipan, dahil may kakulangan pa sa buhay niya na dapat niyang hanapin at tuklasin. Matiisiin, masipag, matiyaga (Etang at Pilar). Ang pagpapahalagang ito ay dapat na taglayin at pamarisan. Sina Etang at Piliar ay mga pinsan ni Mimi, anak mahirap subalit nagsisikap na makatapos ng pag-aaral, sa hangaring makatulong sa ina upang sila ay mabuhay ng matiwasay. Ang mga taglay na katangiang ito ang siyang naging sandigan ng magkapatid upang maging propesyunal. Sa pamamagitan ng kanilang taglay na katangian ay nakatulong sila sa magulang. Sa mga katangian ding ito natuto at nakapagtapos si Mimi dahil sila ang naging huwaran nito, kaya naging guro ito at natagpuan ang kasagutan na hinahanap ng kanyang sarili. 4.0. Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Makikita na mas marami ang pagpapahalagang moral na mabubuti na may bilang na labimpito (17). Samantala ang natagpuang di-mabubuti ay labindalawa (12). Sapagkat nakahihigit ang mabubuting katangian masasabing hanggang sa kasalukuyan ay nangingibabaw pa rin ang kabutihan ng tao. Pagkatapos na mabasa, masuri at mapagtimbang-timbang ang mga natagpuang pagpapahalagang moral mula sa mga piling maikling kuwento ni Genoveva Edroza-Matute ay nakapagbigay ang mananaliksik ng konkretong kasagutan sa mga katanungan ng kanyang pag-aaral. Napagtanto ng mananaliksik na ang mga akdang pampanitikan ay naglalaman ng mga pagpapahalagang moral na nakakapagturo sa mga mambabasa ng malawak SMC RESEARCH JOURNAL _______________________________________________________ 10 na kaalaman. Naipapahayag ng may-akda ang mga pangaral na nais niyang ipaabot sa kanyang mga mambabasa. Ang pagpapahalagang moral na mabubuti ang nangingibabaw dahil ang mga tao ay sumusunod sa mga alituntunin ng batas sa kagandahang-asal at ang gawaing di-mabubuti ay nagbubunga rin ng hindi mabuti sa gumagawa nito. Pagkatapos na maitala ang natagpuang pagpapahalagang moral, ang nananaliksik ay nagbigay ng mga rekomendasyon na inaasahang makatulong sa mga kinauukulan. Inaasahang ang mga akdang isinulat ni G.E.M. ay (1) magamit na instrumento sa pagpapalaganap ng kagandahang-asal; (2) ito ay magagamit bilang lunsaran sa pagtuturo ng pagpapahalagang moral; (3) gamitin ang mga kuwento sa pagtuturo ng iba pang anyo ng pagpapalaganap ng mabuting pag-uugali; (4) iugnay ng mga guro ang pagtuturo ng mga pagpapahalaga o values sa lahat ng grado ng mga estudyante simula elementarya hanggang sa kolehiyo; (5) itaguyod ng gobyerno ang lubos na katapatan sa panunungkulan, ang pag-iwas sa mga temtasyon upang magsilbing huwaran sa mga kabataan; at (6) iangat ng mga mambabasa ang kanilang panlasa sa pagpili ng mga babasahin. 5.0 Bibliyograpi Mga Aklat Arceo, L. S. ( 1990 ) . Ang mag-anak na Cruz. Loyola Heights, Quezon City, Manila, Philippines. Bilog , E. (1991). Values education . Metro Manila: Vibal Publishing House. English, L. J. 1998. Tagalog- English Dictionary. Quezon City: Kalayaan Press. Gorospe, V.(1986). Philippine value revisited . Manila: National Bookstore. Gonzales, A. 1994. Diksyunaryo Filipino . Metro Manila: Jave Publishing House. Matute, G. E. (1992). Mga akda . Metro Manila: Philippines Bookmark Inc.

Mag-atas, R. G. (1994). Panitikang kayumanggi. Pangkolehiyo. Metro Manila 24 K . Printing Press. Ramos, M. S. (1992).Panitikang Pilipino sa bagong panahon. Quezon City, Katha Publishing Co., Inc. Reyes, S. S. (1992). Kritisismo. Shaw Boulevarad , Pasig , Metro Manila. Philippine Constitution. (1986) Article XV. Section 8, Subsection 4. General Provision. Timbranza, F. T. ( 2003 ). Filipino values today. A Primer For Values Education: National Book Store Manila. Baybayon , G. Pagpapahalagang moral sa nobelang daluyong. 1995SMC RESEARCH JOURNAL _______________________________________________________ 11 Mga Peryodiko Carragas, V. F. (December 1989). Moral development of children. Phoenix Educators Journal . p.8 Gutierez, D. C. ( September 1986 ). Ano Ba Itong Tinatawag Na Values? Vol.XXXV PRODED, P. 1982 Bearu of Elementary Education. MESS, Manila p. 8. Mga Di-Nalathalang Tesis Fabiosa, E. T. Mga pagpapahalagang moral na napapaloob sa mga piling awiting bayan ng mga Iliganon. 2001-2002. Mahinay, V. Ang katutubong panitikan ng Malinao, Aklan kung saan masasalamin ang kanilang pagpapahalaga sa buhay. 1997.

You might also like