You are on page 1of 3

I.

Buod:

Inilahad ni Dr. Jose Rizal ang katotohanan sa pamamagitan ng kanyang nobela. Ang Noli Me Tangere at El Felibusterismo ang nagging daan upang mabuhay sa puso ng mga Pilipino ang kanilang galit sa Pamahalaan maghimasik at makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa Espanya. Sa kadahilanang ito dinakip ng pamahalaan ang kanyang kapatid na si Paciano at pinahirapan para paaminin na si Dr. Jose Rizal ay kasama sa pag-aaklas noong Nobyembre 1896, Hinuli si Rizal at kinulong sa Fort Santiago siya ay pinilit paaminin kung may nalalaman sya sa pag-aalsa. Nagunita rin ni Dr. Jose Rizal ang kanyang Nakaraan, Kung pano na-ikwento ng kanyang kapatid na si Paciano ang pagbitay sa Tatlong Paring Martir na sina Gomez, Burgoz at Zamora (GOMBURZA). Ang Pagtuturo ng kanyang Ina na si Teodora Alonzo ng tamang pagdarasal at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Biatan upang mag-aral. Ang pagdakip at pagkakakulong ng kanyang Ina ng dalawang taon sa bintang na nilason niya ang kanyang hipag, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang pag-gagamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang Ina. Katulad ng ibang nagkasala pinili siya ng kanyang abugado upang idepensa ang kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrande kapatid ni Jose taviel dating gwardiya ni Dr. Jose Rizal ang nagging abugado niya, Naikwento din niya ditto ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan siya kumuha ng kursong Medico, sa paglagi niya ditonatutunan niyang hindi lahat ng tao ay pantay-pantay labis ang Diskriminasyon sa mga Estudyanteng Pilipino. Maraming napag-usapan si Rizal at Taviel. Sa Taong 1884 nang nakarating siya sa Unibersidad Central de Madrid, Nag-aral siya ng Medisina, napatunayan nya na tama ang sinabi ng kanyang Kuya Paciano na malayang mag-pahayag dito. Dito din natatag ang kilusang Propaganda ang kilusang ito ay naglalayon ng Kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng pantay na karapatan ng Pilipino katulad ng kastila, kasama niya sa kilusan sina Marcelo H. Del Pilar, mariano Ponce at Manuel Hidalgo napahayag nila ang kanilang Adhikain sa pamamagitan na La Soledaridad.

Sa Pilipinas naman nagising ng Aklat ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere ang mga taong bayan at dahil doon ipinag-bawal at ipinasunog ng mga Prayle ang lahat ng kopya ng Noli Me Tangere. Enero taong1891 nang magbalik si Dr. Jose Rizal sa Pilipnas, Nagkaroon ng alitan sa kilusan sa pagitan ni Marcelo H. Del Pilar at Dr. Jose Rizal sa pagbalik niya sa Bansang Pilipinas itinatag niya ang La Liga Pilipina ilan sa mga kasapi nito ay si Domingo Franeo, Jose Ramos, Ambrosio Salvador at Andres Bonifacio. Ang La Liga Pilipina ay itinuring na isang samahan na kumakalaban sa Espanya, dahil dito ipinahuli at ipinatapon muli si Rizal sa isang malayong Lugar sa Dapitan. Sa kabila ng pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan at pagsulat niya ng manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais pa rin ng mga Prayle na siya ay

mamamatay. Umabot pa sa pagpapalit sa Gobernador-Heneral ng Pilipinas na si Blaneo dahil siya ay nagging malapit kay Rizal. Ika-30 ng Disyembre taong 1896 araw ng paglilitis ni Dr. Jose Rizal, dahil sa hatol binisita ni Dr. Jose Rizal ang kanyang Inay at mga Kapatid bminigay niya ang kanyang huling kahilingan sa Ina at isang lampara na may laman ng kanyang Tula Ang Mi Ultimo Adios IkA-30 ng Disyembre 1896 araw ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, Hiniling ni Rizal na huwag na lang patamaan ang kanyang ulo. Ika-12 ng Hunyo 1898 nakamit ng Pilipinas ang KALAYAAN.

II. Mga Panyayari sa Penikula na nakita sa mga nasulat ni Rizal sa Nabasa sa Kabanata.
Ipinakita sa penikula ang pagtapon sa Bangkay ni Don Crisostomo Ibarra lawa, sa hapunan na dinaluhan ni Donb Rafael Ibarra kung saan siya nagalit kay Padre Damaso at tinutukan niya ito ng kutsilyo at noong nahuli si Don Rafael Ibarra at pinagbabato sila ng mga kasamahan niya ng bato.

III. Mga Pangyayari sa Penikula na makikita pa hanggang ngayon.


Ang pagbibigay galang sa mga matatanda sa paraan ng pagmamano at pagsabi ng Po at Opo. Ang Diskriminasyon sa pagitan ng mayayaman at mahirap at hindi pagbibigay ng katarungan sa mga mahihirap dahil wala silang pambayad upang makakuha ng magaling na Abugado. Ang pagkakaroon ng alitaan at hindi pagkaka-unawan sa ating Pamahalaan.

IV. Masasabi ninyo sa kabuuan ng kwento.


Para sa akin Napaka-ganda ng Pagkakagawa ng Penikula, dahil sa Penikulang ito aking nalaman ang kabuang istorya ng Buhay ni Rizal at kinapulutan ko din nang aral ito. Madami akong napagnilay-nilayan sa penikula at sa aking pagninilay-nilay akoy napa-isip na maari pa rin maaulit ang mga nagdaan noong panahon ni Rizal sa kasalukuyang panahon natin sa kadahilanang marami paring mga opisyal ng pamahalaan ang hindi magkasundo. At madami pa din mga mahihirap ang hindi mabigyan ng pantay na karapatang pantao.

You might also like