P. 1
Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

5.0

|Views: 42,500|Likes:
Panukalang Tesis ko sa Columban College bilang mag-aaral sa kursong BSED-Filipino. Bahagi ng pagtupad ng pangunahing pangangailangan sa kursong asignaturang "Educational Research" (Klase sa Tag-araw: 2004)
Panukalang Tesis ko sa Columban College bilang mag-aaral sa kursong BSED-Filipino. Bahagi ng pagtupad ng pangunahing pangangailangan sa kursong asignaturang "Educational Research" (Klase sa Tag-araw: 2004)

More info:

Published by: Ernel Famularcano Galang Jr. on Feb 05, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF or read online from Scribd
See more
See less

02/03/2016

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA KOMPREHENSYON NG MGA MAG-AARAL SA ASSIGNATURANG FILIPINO NG DALUBHASAANG COLUMBAN SA ANTAS TERSYARYA KLASE SA TAG

-ARAW 2004

ni Ernel F. Galang Jr.

Isang Panukalang Tesis Ipinasa Bilang Pagtupad na Pangangailangan sa Kursong PSR32S- Introduction to Educational Research Dalubhasaang Columban, Lungsod ng Olongapo Mayo 2004

COLUMBAN COLLEGE OLONGAPO CITY

In partial fulfillment of the requirement for the Degree of Bachelor of Secondary Education, Major in Filipino this thesis proposal entitled; MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA KOMPREHENSYON NG MGA MAG-AARAL SA ASSIGNATURANG FILIPINO NG DALUBHASAANG COLUMBAN SA ANTAS TERSYARYA KLASE SA TAG-ARAW 2004 has been prepared and submitted by ERNEL F. GALANG JR. who is hereby recommended for oral examination.

David Bueno Ed.D. Faculty Adviser Approved by the Committee of Oral Examiners: ______________________ ______________________ ______________________

Date of Oral Defense: ______________________

TALAAN NG MGA NILALAMAN DAHON NG PAMAGAT.................................................. i DAHON NG PAGPAPATIBAY....................................... ii PASASALAMAT...............................................................iii TALAAN NG MGA NILALAMAN..................................v KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO Panimula........................................................ 1 Lugar ng Pananaliksik....................................8 Mapa Fig. 1.......................................... 10 Balangkas Konseptuwal................................. 11 Mapa Fig. 2..........................................14 Paglalahad ng Suliranin................................. 12 Pagpapalagay................................................. 15 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral...............15 Kahalagahan ng Pag-aaral..............................16 Katuturan ng mga Katawagan........................ 18 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT

PAMPANITIKANG PANANAW Pampanitikang Pananaw Sa Ibang Bansa…................................ 21 Sa Pilipinas………………………….. 29 Mga Kaugnay na Pag-aaral Sa Ibang Bansa.................................... 63 Sa Pilipinas...........................................65 3 DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMARAAN Ginamit na Pamaraan ng Pananaliksik .......... 71 Respondents...................................................72 Instrumento.................................................... 73 Pagkamay-Bisa ng Instrumento..................... 74 Pamamaraan ng Pagtitipon ng Datos………. 74 Pagbibigay-Halaga sa Datos...........................75 TALASANGGUNIAN............................................ 76 APPENDIKS............................................................ 79 CURRICULUM VITAE..........................................87

Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO Panimula Ang antas tersyarya ay maituturing na kritikal na panahon para sa buhay ng isang mag-aaral. Sa pagpasok ng mga bagong kaalaman at konsepto na itinuturo ng mga guro, pangunahing nasusukat dito ang lawak at bilis ng komprehensyon ng bawat magaaral. Kaya mapapansin na sa unahang bahagi pa lamang, malaki na ang gampanin ng guro sa ikatututo at sa ikapagtatamo ng malawak na komprehensyon ng mga mag-aaral. Ang pagtuturo ay SINING. Ayon kay Belvez (2000) ang pagtuturo ay isang sining sapagkat ito ay maayos na paraan ng pagsasagawa ng pagkikintal ng kaalaman. Ito ay sangay ng karunungang nauukol sa paglikha ng maririkit na bagay, magagandang kaganapan. Sa masining na pananaw at pamamaraan ng isang guro nakasalalay ang mabisang pagtuturo. Ang pagiging malikhain at pagka-“resourceful”ay nagbubunga ng mabisang

pagtuturo. Samakatuwid ang isang masining na paraan ng pagtuturo ay makakatulong sa mga mag-aaral, una sa lahat ay maganyak (motivate) silang mag-aral. Ang pag-aaral ng liksiyon ay isang hakbang naman tungo sa ikauunlad o ikalalawak ng

komprehensyon ng mga mag-aaral, na tanda ng pagkatuto. Binigyang halimbawa at pagtutulad ni Calderon (1998) ang sining ng pagtuturo sa isang pintor na kayang gumawa ng marikit, masining at simbolikong obra-maestra. Kasama na rito ang mga iba’t-ibang pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro para sa bawat uri ng kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral. Ang pagtuturo ay isang AGHAM. Isang sangay ito ng karunungan, lalo na ng kaalaman kung paanong ang isang pangyayari ay nagbibigay-daan sa pinagmulan ng iba sa lipunan. Ito’y umaalinsunod sa mga simulain o prinsipiyo (Belvez; 2000). Ang mga teknik at istratehiya sa pagtuturo ay umaalinsunod sa maayos, sistematikong pagkakasunod ng mga hakbang. Ang

pagtuturo ay may mga batayan at saligan. Ilan sa mga ito ay mga batayang pilosopikal, sikolohikal, at sosyolohikal. Ang guro ay kinakailangan din na umagapay sa mabilis na pag-unlad ng edukasyon. Karaniwan na sa mga gurong nagtapos ng Sekundarya o kaya naman ay Elementaryang kurso sa Edukasyon ang kumuha ng kurso para sa pagka-masteral at sa kalaunan ay sa pagka-doctoral. Ito ay sa layunin nilang mapalawak pa at maragdagan ng bago at napapanahong kaalaman at kalakaran sa pagtuturo upang makatulong sa pagpapabuti ng mga mag-aaral. Kinakailangan din ang patuloy na pananaliskik, pagbabasa ng mga propesyonal na babasahin, pagdadalo sa mga seminar at panayam para makakalap ng mga makabagong paraan sa pagtuturo. Sa mga paaralan, maging pribado, o publiko, ay may sinusundang kurikulum. Ang kurikulum ay ang kabuuan ng mga pinag-aaralan sa isang institusyong pang-akademiko. Ito ay pinili ng maayos at maingat na ipinapatupad sa mga paaralan.

Ang mga pasilidad ng paaralan ay nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumugugol ng malaking halaga ng salapi ang mga kilalang pamantasan at dalubhasaan upang matustusan lamang ang pagpapatayo o pagsasaayos ng mga pasilidad. Nakasalalay kasi ang lahat ng gawaing pang-edukasyon sa isang maayos na paaralan. Batayan ng pag-unlad ng isang pamayanang pang-akademiko ang maayos at kumpletong mga pasilidad at kagamitan. Sa kasalukuyan, ang Dalubhasaang Columban ay nasa ilalim ng “accreditation process” ng PAASCU na ang ibig sabihin ay Philippine Accrediting Agency for Schools, Colleges, and Universities. Isang malaking karangalan at hamon para sa isang paaralan tulad ng Columban ang makapasa sa accreditation ng PAASCU, sapagkat nagpapatunay lamang ito na nagsisikap ang paaralan na tugunan ang lahat ng pangangailangang pangakademiko nito, at higit sa lahat, ito ay sumisimbolo sa kagalingan ng isang paaralan.

Malimit nang ikinakapit ang pagkatuto sa pagtuturo. Ayon kay Kolesnik (Aquino; 1988), ang pagkatuto ay nakatuon sa pagkuha ng mga kaalaman o impormasyon, kakintalan, at pagsasagawa ng mga kaisipan, kasanayan, at mga ibang uri ng bagong tugon (new response). Binigyang katwiran ni Gregorio (1976) na ang pagkatuto ay isang aktibong proseso na kung saan ang mag-aaral ay tuwirang kabahagi. Natututo ang mag-aaral sa kanyang ginagawa, at sa kanyang pag-iisip. Masasabi lamang na may pagkatuto [pagkaunawa] kung may kakintalan (mastery or retention). Hindi matatawag na pagkatuto ang tuwirang pagsasaulo (pure memorization). Ang pag-unawa sa bawat konsepto o kaalamang kanyang tinaglay ay magdudulot ng kakintalan (retention), na kahayagan ng pagkatuto. May tatlong pangunahing katangian ng pagkatuto

(Lardizabal; 1991). Una ay: ang pagkatuto ay umuunlad. Habang ang tao ay lumalaki, siya ay natututo ng iba’t- ibang kaalaman at mga kasanayan. Ikalawa ay: ang pagkatuto ay interaktib. Ito ay ang

pagtugon sa stimuli na nangangahulugan ng pagnanais na matuto. Ang pagtugon na ito ay maaaring nasa uring pasalita, pagpapaliwanag muli ng mga dating konsepto, pagkatutong muli ng mga kinagawian, atbp. Ikatlo ay: ang pagkatuto ay saligan ng teoryang S-R (stimulus-response). Nailahad na ang mga panunahing salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral kaya’t bilang panghuli, bibigyan ng pahapyaw na pag-aaral kung anu-ano ang mga araling bumubuo sa assignaturang Filipino. Sa Dalubhasaang Columban at maging sa ibang paaralang pang-antas tersyarya; ang Filipino ay binubuo ng apat na bahagi. Ito ay ayon sa bagong memorandum na ipinalabas ng CHED, bilang pagtupad sa bagong kurikulum na kilala sa tawag na General Education Curriculum. Ang unang Filipino ay pinamagatang Sining ng Pakikipagtalastasan. Ito’y nakatuon sa apat na kasanayang pangwika- pagsasalita, pakikinig, pagbasa, at pagsulat. Ang Filipino 2 ay pinamagatang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang

Disiplina. Ang mga Disiplina ay nauukol sa humanidades, likas na agham, agham panlipunan, at kasaysayan, na may kaugnayan sa teknismo ng pagbasa at pagsulat. Samantalanga ng Filipino 3 ay pinamagatang Sining ng Retorika na sumsaklaw sa malikhaing pagsulat kaugnay ng apat na paraan ng pagpapahayag: paglalahad, at

pagsasalaysay,

paglalarawan,

paglalarawan,

pangangatuwiran. Panghuli ay ang Filipino 4 na nakatuon sa Panitikang Filipino na tumatalakay sa kasaysayan ng pag-unalad n gating panitikan mula sa Panahon ng ating mga ninuno hanggang sa Kasalukuyang Panahon. Naniniwala ang mananaliksik na ang ikapagkakaroon ng mabisang pagtuturo, sistematiko at organisadong kurikulum, maayos at kumpletong pasilidad ng paaralan, disiplinadong mga mag-aaral, at paggamit ng angkop na pagpapahayag sa wikang Filipino; ay magiging malaking bahagi sa ikalalawak ng komprehensyon ng bawat mag-aaral sa assignaturang Filipino. Sa

gayon, magkakaroon ng pagpapahalaga ang mga mag-aaral sa kanilang ginagawang pag-aaral. Lugar ng Pananaliksik Dalubhasaang Columban ay isang institusyong Katoliko na naglalayong pagsilbihan ang mga pangangailangang pang-

akademiko ng Zambales at Bataan. Unang nakilala ang institusyong ito bilang Naval Resrvation Junior College na itinatag noong 1947 ni G. Pedro Mendoza, kasamang guro ni G. Dionisio Lindayag, na parehong nagsipagtapos sa Mataas na Paaralan ng Bulacan noong bago sumiklab ang digmaan. Ang mga naunang pagsisikap na magtayo ng paaralan ay naisakatuparan sa kadahilanang walang ibang paaralan na malapit sa Base Nabal ng Subic upang pagsilbihan ang mga taong nagnanais na makapag-aral. Noong 1961, ipinasa ng Pamilya Lindayag sa mga Columban Fathers for the Prelature Nullius ng Iba ang pagmamay-ari sa paaralan. Sa taong 1962, binago ang pangalan ng paaralang institusyonal na ito, at nakilala sa tawag na Columban College Inc.

Bilang diocesan school, ito ay pinamumunuan ng Obispo ng Iba. Ang unang Direktor ng Dalubhasaang Columban ay si Fr. Thomas L. Convery, SSC kasama si Fr. Paul O’ Malley, SSC bilang kanyang kanang-kamay. Nailipat kay Fr. Constancio Gan, C.M., tagapangasiwa ng mga Vicentian Fathers, ang pamamahala sa Dalubhasaan noong 1983 bilang Direktor. Humalili noong 1989 ang Daughters of Charity bilang bagong tagapamahala sa Dalubhasaan. Samantalang noong 1993, ang Dalubhasaan ay naisailalim sa patnubay ng Diocese of Iba na pinamunuan noon ni Obispo Deogracias Iniguez Jr., D.D. Naatasan naman si Fr. Daniel O. Presto bilang Pangulo mula 1993 hanggang sa kasalukuyan. Ang Dalubhasaang Columban ay matatagpuan sa #1 Mt. Apo St., New Asinan, Lungsod ng Olongapo. Ito ay bukas sa mga magaaral ng elementarya, sekundarya, tersyarya, at maging sa mga taong nagnanais kumuha ng kursong pang-gradwado.

Balangkas Konseptuwal Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa limang salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa

assignaturang Filipino. Mula elementarya, itinuturo na ang mga araling nakapaloob sa assignaturang Filipino. Patuloy pa rin na nagsasagawa ng mga pagbabalik-aral sa Antas Sekundarya at Antas Tersyarya. Naging malalim lamang ang diwa, talasalitaan, at pagtalakay; subalit ang pangunahing paksa ay pagbabalik-aral pa rin. Ang nakapagtataka ay may mga mag-aaral pa rin na bumabagsak ang grado sa Filipino maging sa Antas Tersyarya. Bakit kaya? Nararapat tukuyin muna ang mga katangian ng mga magaaral, ang kanilang Edad, Kasarian, Anyo ng paaralang pinagtapusan sa hayskul, at Antas <year level>. Isama pa rito ang pagtukoy sa limang salik- guro, kurikulum, pasilidad ng paaralan, mag-aaral at Wikang Filipino. Gagamit ng Talatanungan, Pakikipanayam, Pananalisik, Pangangalap at Pagsusuri sa mga

datos sa pamamagitan ng pagkuha sa Percentage at Mean. Ang resulta ay ang pagkakaroon ng malawak at malinaw na komprehensyon ng mga mag-aaral <pagkatuto>. Paglalahad ng Suliranin Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay matukoy ang iba’tibang salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa assignaturang Filipino ng Dalubhasaang Columban sa Antas Tersyarya, upang matiyak ang mga kasagutan ayon sa mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang katangian ng mga respondent ayon sa mga sumusunod: 1.1 Edad; 1.2 Kasarian; 1.3 Anyo ng paaralang pinagtapusan (hayskul); at 1.4 Antas? 2. Paano nakakaapekto ang mga sumusunod na salik sa mabilis na ikauunawa ng mga mag-aaral?

2.1 Guro; 2.2 Kurikulum; 2.3 Mga Pasilidad ng Paaralan; 2.4 Kaasalan at Gawi ng mga mag-aaral; at 2.5 Paggamit ng Wikang Filipino? 3. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng wika sa mga mag-aaral? 3.1 Sining ng Pakikipagtalastasan; 3.2 Pagbasa at Pagsulat; 3.3 Ang Sining ng Retorika; at 3.4 Panitikang Filipino? 4. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng malawak na komprehensyon sa assignaturang Filipino bilang gabay ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo?

INPUT Katangian ng mga mag-aaral ayon sa:   Edad Kasarian 

PROCESS 1. Pangangalap ng Datos 2. Paggamit ng: Talatanungan

OUTPUT Pagkakaroon ng malawak na komprehensyon <pagkatuto>

Anyo ng
Paaralang Pinagtapusan <hayskul>


Pakikipanayam
Pananaliksik

3. Pagsusuri sa mga nakalap na Datos:   Percentage Mean

Antas

Mga Salik na nakakaapekto sa komprehensyon:


  

Guro
Kurikulum Pasilidad ng Paaralan Gawi at Kaasalan ng mga magaaral

Paggamit ng
Wikang Filipino

Fig. 2 Balangkas Konseptuwal ng Pag-aaral

Pagpapalagay Narito ang nabuong pagpapalagay: 1. Ang bilis ng komprehensyon at pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakabatay sa mga sumusunod na salik: 1.1 Mabisang Pagtuturo ng mga Guro na masusukat sa kanilang taglay na: 1.1.1 Katangiang Personal; at 1.1.2 Pansariling Katangian 1.2 Organisado at Sistematikong Pagkakaayos ng Kurikulum 1.3 Maayos at Kumpletong Pasilidad ng Paaralan 1.4 Kaasalan at gawi ng mga mag-aaral 1.5 Mabisa at angkop na paggamit ng Wikang Filipino sa pag-aaral at pagtuturo. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral Bahagi at sakop ng pag-aaral na ito ang lahat ng mga magaaral na kumukuha ngayong tag-araw ng assignaturang Filipino (Filipino 1 hanggang 4).

Ang pag-aaral ay tatalakay sa mga ispisipikong bahagi ng problema: (1) mga salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral; at (2) kaugnayan ng wastong paggamit ng wika sa ikalalawak ng komprehensyon sa assignaturang Filipino. Sa pagkalap ng datos, ang pamamaraang ginamit ay pagtatanong sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire). Gumamit din ng mga pakikipanayam at pagsusuri sa mga datos upang makakalap ng mas mahahalaga at napapanahong

impormasyon. Kahalagahan ng Pag-aaral Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa ikabibisa ng pagtuturo ng assignaturang Filipino at sa paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum. Sa mga tagapangasiwa ng Dalubhasaang Columban, ang pagaaral na ito ay makapagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa kanilang mga pagpapasyang nauukol sa mga bagay na pangakademiko, tulad ng ikapagkakaroon ng mabisang ugnayan sa

pagitan ng mga guro at mag-aaral. Lalo na sa pagsasaayos at pagpapatayo ng mga pasilidad na makakatulong sa mga kagalingang pang-akademiko at pang-kasanayan ng mga mag-aaral. Maging ang pagpapatupad ng organisado at sistematikong kurikulum ay magiging malaking tulong sa ikauunlad ng akademikong pamayanan na ating kinabibilangan. Sa mga guro, ang pagtukoy sa kanilang mga kalakasan at kahinaan; pagpapaunlad ng kanilang mga kaalaman sa

pamamagitan ng pagdalo sa iba’t- ibang training seminar; at pagkuha ng kursong pang- masteral at pang- doctoral ; ay lubhang makakatulong sa pagiging epektibo ng kanilang pagtuturo. Sa mga mag-aaral, na pangunahing makikinabang sa ginawang pag-aaral na ito at sa anumang mga pagbabagong magaganap sa kanilang gawi at kaasalan pagdating sa pag-aaral ay tunay na makadaragdag sa kanilang taglay na kaalaman, at sa paglawak ng kanilang komprehensyon lalo na sa assignaturang Filipino.

Katuturan ng mga Katawagan Narito ang mga pananalitang ginamit sa pag-aaral na ito: Antas Tersyarya. Pangunahing tumutukoy sa pag-aaral na nasa Dalubhasaan o Pamantasan. Dalubhasaan. Makasining na pamamaraan ng pagpapakahulugan sa terminong “kolehiyo”. Guro. Pangunahing nagsasagawa ng pagtuturo sa klase at iba pang kaugnay na tungkuling may kinalaman sa pagpapaunlad ng kaalamn, kasanayan, at kaasalan na kinakailangan ng mga magaaral upang sila’y maging responsible at produktibong mga mamamayan ng siang demokratikong lipunan. Komprehensyon. Sa pag-aaral na ito, ito’y tumutukoy sa pagkaunawa o pagkaintindi ng bawat mag-aaral sa mga konsepto at kaalaman na kanilang napag-aralan. Kurikulum. Sa pag-aaral na ito, pinapakahulugan nito ang organisado at sistematikong pagkakahanay ng mga assignaturang

kukunin ng bawat mag-aaral sa Antas Tersyarya, sa loob ng isang takdang panahon. Mag-aaral. Tumutukoy sa taong nag-uukol ng kanyang panahon na matuto sa loob ng klase, kung saan napapaunlad niya ang kanyang mga kasanayan at kaalaman upang magamit niya sa hinaharap. Pagkatuto. Ito ay ang pagkuha ng mga kaalaman o impormasyon, kakintalan, at pagsasagawa ng mga kaisipan, kasanayan, at iba pang uri ng bagong tugon. (Aquino; 1988) Pagtuturo. Ito ay isang gawain na lumilikha ng mga pangyayari, mga bagay o kagamitan at patnubay na nagpapadala ng pagkatuto kahit na pormal o di-pormal na kalagayan (Quinto; 1998) Pasilidad. Sa pag-aaral na ito, ito’y tumutukoy sa mga gusaling pampaaralan tulad ng mga silid, laboratoryo, atbp. Salik. Sa pag-aaral na ito, ito’y tumutukoy sa mga dahilan o sanhi na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral.

Wika. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wikang Pilipino at iba pang mga wika (Quinto; 1998)

Kabanata 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT PAMPANITIKANG PANANAW Ang kabanatang ito ay magpapakita ng pangkalahatang kaalaman na kaugnay sa pag-aaral na ito. Naglalaman ito ng mahahalagang pananaw at impormasyong makakatulong sa paggawa ng panukalang tesis na ito. A. Pampanitikang Pananaw Sa Ibang Bansa Ang pagkatuto ng may pag-unawa ay higit na mahalaga kaysa pagsasaulo ng mga impormasyon. Ayon kay Cooper (1999), ang pagkatuto ay nangangailangan ng pag-unawa sa mga mahahalagang diwa na napapaloob sa bawat impormasyon upang ito’y magamit sa paglutas ng mga problema sa hinaharap. Kapag ang mga mag-aaral ay natuto ng may pagkaunawa, napapaunlad nila ang kanilang kakayahang mag-isip, lumutas ng mga problema, at maging mga mag-aaral na kayang matuto nang nag-iisa.

Isang kabiguan para sa mga guro kapag ang kanyang mga mag-aaral ay nabigong magkaroon ng malalim na pagkaunawa at lumutas ng mga problemang may kaugnayan sa ginagawang pagaaral. Ang patuloy na pagsisiyasat ay makakatulong sa pagkatuto. Kasama sa pamamaraan ng pagsisiyasat ang pagtatanong ng mga kawili-wili at mahahalagang penomena, pagbubuo ng hinuha upang sumagot sa mga tanong, pagkalap ng mga ebidensiya, pagsusuri, at pagbubuo ng teorya ukol dito. Hindi magtatapos sa teorya ang pagsisiyasat, sapagkat ito’y patuloy na proseso ng pag-alam. Sa pagsisiyasat, lalong lumalawak ang taglay na kaalaman ng mga mag-aaral, at higit sa lahat, nagkakaroon ang mga mag-aaral ng kritikal na pang-unawa. May dalawang pangunahing kategoriyang binanggit si Ausubel (1965) na nakakaapekto sa pagkatuto: Una ay ang kategoriyang Intrapersonal na tumutukoy sa mga kaasalan at

katangian ng mag-aaral. Nahahati ang kategoriyang ito sa limang salik: 1. Cognitive Structure Variables- Tumutukoy ito sa kaugnayan ng organisadong pagkakabalangkas ng dating nakalap na kaalaman sa muling pagkalap ng panibagong kaalaman. Dahil sa organisado at may pagkakahalintulad ng paksa, handa na ang mag-aaral na matutuhan ang panibagong kaalaman . 2. Development Readiness- Ito ay ang kaugnayan sa pagitan ng Edad ng mag-aaral at ng kanyang kahandaang pangkaisipan. Ang 15 taong gulang na mag-aaral ay mas may kahandaang matuto ng iba’t-ibang kaalaman kaysa sa 6 na taong gulang na mag-aaral. 3. Intellectual Activity- Ang ipinapakitang kagalingang pangakademiko ng isang mag-aaral sa iba’t ibang assignatura. 4. Motivational and Attitudinal- Tumutukoy sa interes ng magaaral na matuto at paunlarin ang kanyang taglay na kaalaman

sa isa o higit pang assignatura. Karaniwan itong mapapansin sa pagsisikap at konsentrasyon ng mga mag-aaral sa kanilang ginagawang pag-aaral. 5. Personality Factors- Ito ay ang pagkakaiba-iba ng asal at gawi ng mga mag-aaral pagdating sa pag-aaral. Ang ikalawa ay ang Pangkalagayang Kategoriya, na kung saan ito’y tumutukoy sa kalagayan ng pagkatuto ng mag-aaral. May apat itong salik na kinabibilangan ng mga sumusunod: 1. Pagsasanay 2. Pagkakaayos ng mga kagamitan sa pagtuturo 3. Panlipunang Salik- tulad ng kooperasyon sa larangang pangakademiko 4. Katangian ng Guro Inilahad ni Raths (1971) ang kanyang panukala tungkol sa mga gawin sa pagtuturo. Narito ang listahan: 1. Nagpapaliwanag, Nagbabatid, ipinapakita kung paano gawin 2. Nagpapasimula, nangangasiwa

3. Pinapagkaisa ang grupo 4. Tagapanagot 5. Nililinaw ang mga kaasalan, paniniwala, at problema 6. Sinusuri an mga problema sa pagkatuto 7. Gumagawa ng mga kagamitang itinadhana ng kurikulum 8. Tagapagtala, tagapag-ulat 9. Nakikiisa sa mga gawaing pang-komunidad 10.Tagaayos at Tagapag-organisa ng klase. 11.Nakikibahagi sa mga aktibidad ng paaralan 12.Nakikibahagi sa mga gawaing propesyonal at pang-sibiko. Para naman kay Borich (1996), ang mga gawain ng isang epektibong guro ay ang mga sumusunod: 1. May personal na pananagutan sa pagkatuto ng mga magaaral at may positibong inaasahan sa ang guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral. 2. Iniaangkop ang mga aralin sa kakayahan ng mga mag-aaral upang maunawaan ng mas nakararami sa kanila.

3. Binibigyan

ng

pagkakataon

ang

mga

mag-aaral

na

maisagawa nila ang kanilang natutuhang konsepto at patuloy na sinisiyasat ang kanilang performance. 4. Ginugugol ang kabuuang oras ng klase upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matutuhan ang

kabuuang aralin na kanilang pinag-aaralan . 5. Binibigyan ng direksyon ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtatanong, pagbubuo, at pagpapatunay. 6. Gumagamit ng iba’t-ibang kagamitan sa pagtuturo tulad ng “visual aids”. 7. Nagsasagawa ng ebalwasyon sa mga mag-aaral upang malaman niya kung nauunawaan ba ng mga mag-aaral ang aralin o hindi. 8. Hinihikayat ang mga mag-aaral na magbigay katuwiran at palawigin ang tamang kasagutan sa iba’t-ibang tanong sa panahon ng talakayan.

9. Nagsisilbing

tagapamagitan

(facilitator)

kapag

may

malayang talakayan sa klase. 10.Gumagamit ng pangkaraniwang pakikipagtalastasan sa loob ng klase upang mahikayat ang mga mag-aaral na makibahagi sa talakayan. Inilarawan ni Ornstein (1990) ang iba’t ibang aspeto ng mabisang pagtuturo sa loob ng klase: 1. Pamamahala ng klase- Napapaunlad ng isang mabisang guro ang kanyang magagandang pamamaraan sa pamamahala ng klase. Nagiging disiplinado ang mga mag-aaral , at alam nila ang kanilang mga gampanin at gawi. 2. Tuwirang Pagtuturo- Ito ay sistematikong pamamaraan ng pagtuturo na kung saan nagsisimula ang guro sa pagtalakay ng aralin, pagkatapos ay pagrerebyu at pagpapaliwanag muli nito bago lumipat sa susunod na aralin. Nagbibigay ng pagsusulit ang guro upang malaman kung nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanyang tinalakay na aralin.

3. Sapat na oras sa bawat gawain- Nagbibigay ang mabisang guro ng mga gawaing pang-akademiko na kayang gawin at tapusin ng mga mag-aaral sa isang takdang panahon. 4. Pagtatanong- Nagtatanong ang isang mabisang guro upang makatulong sa pagpapaunalad ng kagalingang pang-akademiko ng mga mag-aaral. “Nahahasa” ang isip ng mga mag-aaral nang dahil sa pag-aanalisa sa mga katanungan ng guro patungkol sa mga araling tinalakay. 5. Pagtuturo na may Komprehensyon- Tinuturuan ang mga magaaral na maisagawa ang mga konseptong napag-aralan nila sa loob ng klase; lumutas ng mga problemang pang-akademiko, at bantayan ng mga guro ang bilis ng komprehensyon ng bawat mag-aaral. 6. Antas ng pagtuturong kognitibo- Binibigyan ng isang mabisang guro ang mga mag-aaral ng mga pagsasanay na nakatuon sa pagiisip at pag-aanalisa sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang pamamaraan sa layuning maganyaka ng mga mag-aaral na matuto.

7. Pagpapangkat- Kadalasan itong ginagawa kapag may mga gawain o pag-aaral na nangangailangan ng ilang pangkat ng mga mag-aaral. Sa Pilipinas Bahagi na ng tradisyong pampaaralan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa tuwing sasapit ang Agosto 13-19 bagamat may mangilan-ngilan pa ring paaralang nakapikit ang mga mata sa gawaing ito. Taun- taon, may natatanging paksang ibinibigay ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (na dating Surian ng Wikang Pambansa). At sa bawat paksa, isa lamang ang diwang ibig iparating- Kailangan natin ang isang wikang magagamit ng buong sambayanang Pilipino tungo sa pambansang pagkakaisa at ganap na kalayaan. Sa pamamagitan ng Bagong Konstitusyon ng 1987, nilinaw at tiniyak na mayroon tayong wikang pambansa at ito ay ang “FILIPINO” na ang nukleo ay PILIPINO na isang “wikang umiiral, buhay, ginagamit na at may literatura at gramatika, patuloy na

lamang lilinangin at pagyayamanin batay sa mga umiiral na iba pang wika at wikain ng Pilipinas.” (Abad; 1995) Nahahati sa dalawang pangunahing bahagi ang pagtuturo ng Filipino: ang Wika at ang Panitikan. Nakapaloob sa Wika ang Sining ng Pakikipagtalastasan (Filipino 1), Pagbasa at Pagsulat (Filipino 2), at Ang Sining ng Retorika (Filipino 3). Samantalang ang Panitikan (Filipino 4) ay nakatuon sa kasaysayan, pag-unlad, at mga iba’t-ibang literatura ng Pilipinas. Problema sa lahat ng antas ng edukasyon ang pagtuturo ng wika sapagkat para sa mga mag-aaral, isa itong kainip-inip na gawain. Ganito ang umiiral na saloobin ng mag-aaral kahit anong wika ang itinuturo. Para sa isang guro ng wika, maging sa Filipino man o dayuhang wika tulad ng Ingles, dalawang problema ang umiiral (Papa; 2000): Una- Ano ang ituturo? (Nilalaman)

Iba’t iba ang nagiging pokus ng araling pangwika sa antas kolehiyo. May naniniwalang dapat daw higit na bigyang diin ang Filipino 1 [na kung saan bahagi ng assignaturang ito] ang balarila ng ating wika sapagkat hanggang sa antas na ito ng edukasyon ay hindi pa rin gaanong marunong ng wastong balarila nag mga magaaral. Wari bang maaring ipakahulugan na wala na silang masyadong natutuhan sa mga antas elementarya at sekundarya. Sa kabilang dako, may nagsasabi ring ang dapat pagtuunang pansin ay ang paglinang sa mga kasanayang komunikatibo. Samakatuwid, hindi kung ano ang wika, kungdi ang makabuluhang paggamit nito sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Pangalawa- Paano ituturo ang wika (Istratehiya) Sa puntong ito, ang empasis ay nasa pamamaraan o istratehiya sa pagtuturo. May apat na lawak na dapat nating pagukulan ng pansin para sa isang matagumpay at epektibong pagtuturo ng wika:

A. Kaligirang Sosyal (Social Environment) Maaaring ito ay ang kaayusang pisikal, sitwasyong instruksyonal at mismong katauhan ng guro. Ang pagpuna ng guro sa maling sagot at maling asal, paraan ng pagpapahalaga s atamang gawin at sagot ay mahalagang salik sa pagkakaroon ng mga magaaral ng tiwala sa sarili. B. Kaligirang Pisikal (Physical Environment) Narito ang mungkahing gawin tungo sa pagkakaroon ng kaaya-ayang kaligirang pisikal: 1. Pagkilala sa bawat mag-aaral Pagpapakilala sa isa’t isa sa isang impormal na paraan. 2. Kaayusan ng silid-aralan Pabagu-bago ng mga upuan, at iba pang kagamitan sa loob ng silid-aralan at hindi isang kaayusang pamalagian. 3. Pagkakaiba-iba ng mga gawain sa pagkatuto Higit na epektibo at kawili-wili ang pagkatuto ng wika

kung may baryedad ng mga gawain sa paraan ng paglulunsad ng aralin, sa paglalapat o pagsasanay at maging sa ebalwasyon o pagtataya ng natutuhan. Narito ang ilang baryedad na maaaring subukin: a. Paggamit ngmga kagamitang audio-visual gaya ng tape, overhead projector, slides, at video. b. Mabisang paggamit ng mga larawan sa pagsasalaysay, paglalarawan, paghahambing, at pagmamatuwid. c. Pagtatanghal ng dayalogo o skit upang mabigyang buhay ang araling pangwika. d. Pagpasok ng mga larong pangwika, tugma, awit e. Role Playing f. Pag-aanyaya ng isang tagapagsalita. g. Pakikinig sa isang itineyp na talumpati, tulang bigkasan, talakayan. h. Pagpapabasa ng iba’t ibang uri ng babasahin tulad ng komiks, magasin, pahayagan, atbp.

Mahalaga sa ikapagtatagumpay ng ganitong mga gawain ang malawak at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral mula sa pagbabalak hanggang sa pagtataya at maging s atakdang aralin. Maisasagawa ito sa tulong ng sumusunod na mga mungkahing paraan. a. Sabayang Pagbasa o pagbigkas ng isang magandang tula o usapan b. Malayang talakayan o tanungan c. Pagpapangkat ng dalawahan, tatluhan, at pagsasagawa ng dyadic o triadic na usapan. d. Dugtungang pagsasalaysay, paglalarawan, pagpapaliwanang at iba pa. 4. Pagwawasto at Feedbacking Narito ang ilang paraan ng pagwawastong nagdudulot ng epektibong resulta: a. Sariling pagwawasto ng mga mag-aaral ng sariling kamalian. b. Sariling pagwawasto sa pamamantnubay ng guro.

c. Sariling pagwawasto sa tulong ng mga kamag-aral Mga Katangian ng Epektibong Guro ng Wika (Papa; 2000) A. May kaaya-ayang katauhan, masayang disposisyon, upang maklaikha ng positibong kaligirang sosyal. B. May malawak na kabatiran sa paksa, assignatura at wikang itinuturo. C. Gumagamit ng iba’t-ibang istratehiya at mga pagdulog sa pagtuturo na angkop sa layunin ng pagkatuto at sa kakayahan ng mga mga-aaral. D. Malikhain at maparaan sa pag-iisip at pagbabalak ng mga aralin at sa paggamit ng iba-ibang gawain sa pagkatuto, mga larong pangwika, tugma, awit at iba. E. Bukas ang kaisipan sa mga umiiral na pagbabago sa ekonomiya, lipunan at edukasyon F. May pagpapahalaga sa damdamin ng mga mag-aaral. G. Nakalilikha ng kaiga-igayang kaligiran sa pagkatuto, nakapagbibigay ng malawak na oportunidad sa pakikilahok,

pagwawasto at pagpapahalaga sa natutuhan. Nakatuon ang Filipino 1 sa Sining ng Pakikipagtalastasan. Ang komunikasyon ay galling s asalitang “communis” na hiniram natin para gamiting panumbas saTagalog na pakikipagtalastasan. Nangangahulugan ng panlahat o para sa lahat ang “communis”. Kay Aristotle ay simple ang mga sangkap ng isang buong siklo ng komunikasyon. Kailangan ay may pinanggalingan ng mensahe, ang mensahe mismo at ang destinasyon ng mensahe. Ang pinagmulan ng mensahe ay maaaring taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit, kumukumpas; ang mensahe ay maaaring nakasulat, sinasalita, galaw ng kamay o ulo o ang bandilang iniwawagayway o tunog ng Morse Code; at ang destinasyon ay ang mga taong nakikinig, nanonood, bumabasa o nagmamasid sa pintura. Kapag naroon at naganap ang isang mabisang komunikasyon. Ayon kay Tumangan (2001), ang wika ang kasangkapang kailangan sa pakikipagkomunikasyon. Marahil, sa mga naimbeto ng tao, wala nang hihigit pa sa wika.

May apat na kasanayang pangwika na mahalagang malinang sa mga tao upang maging mabisa sila sa paggamit ng wika: 1. Pagsasalita; 2. Pakikinig; 3. Pagbasa; at 4. Pagsulat Lahat ng wika ay una munang natutuhang salitain ng tao. Ginagamit ng tao ang kasanayang ito sa pakikipagkomunikasyon ng kuru-kuro at upang maipahayag ang kanyang mga karanasan at nalalaman. Ito ang kasanayan na una niyang natutuhan. Sa tahanan pa lamang ay natutuhan na niya ang kasanayang ito upang siyang gamitin sa pakikipagkomunikasyon sa kanyang mga kasambahay. Kinakailangan naman ng tao na maging sanay sa pakikinig upang malaman at pakinabangan ang sinasabi ng kausap. Sa ganito, naitutugma niya ang kanyang ikikilos at sasabihin sa kanyang kausap. Mahalagang pangkuha ng impormasyon at karunungan ang pakikinig. Nakikinig ang mga mag-aaral sa mga panayam at

natututo sila ng maraming kaalaman. Nakikinig tayo sa mga talumpati at nakukuha natin ang mahahalagang payo at isipan ng nagsasalita. Nang matuto nang sumulat ang tao, marami sa mga karunungan niya ang isinatitik niya. Nais niyang maisalin sa mga aklat ang kaalamng nasa kanyang isipan at utak upang maituro niya iyon sa susunod na salinlahi. Kaugnay ng kasanayan sa pagsulat ang kasanayan sa pagbasa. Kailangan na maging mahusay sa pagbasa ang tao upang makuha niya ang mga impormasyon at kaalamang inihayag ng awtor sa kanyang libro. Sa apat na kasanayang pangwika,a ng pasgsulat ang masasabi at tinatanggap ng lalong marami na pinakamahirap linangin kaya inihuhuli itong ituro sa mga mag-aaral. Sa pagsulat, ang mga natutuhan sa pakikinig at pagbabasa at pakikipag-usap ay mahalaga at gagamitin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang mga tao

sa iba’t-ibang dako at sa iba-iban panahon ay nagkakaalaman ng mga karanasan at kaalaman. Nahahati naman sa dalawa ang uri ng komunikasyon: ang pasalita at pasulat. Ang dalawang uring ito ng komunikasyon ay nagagawa sa apat na paraan ng pagpapahayag: 1. Paglalahad. Ito ang pinakagamiting paraan ng komunikasyon. Ibig ng nagsasalita o sumusulat na magpaliwanag. 2. Paglalarawan- Ang layuning ng nagsasalita o sumusulat ay maipakita sa kausap at tagapakinig ang kabuuang anyo ng tao o bagay, pook at damdamin sa pamamagitan ng mga pananalitang mapaglarawan nang s agayon ay maipakita ang kaibhan ng bagay o tao sa mga kauri nito. Tao ang karaniwang paksa sa paglalarawan. 3. Pagsasalyasay- Hangad ng nagsasalita o sumusulat na maihayag sa nakikinig o bumabasa ang mga pangyayaring naganap at minamahalaga at naisa na mabatid ng nakiking o bumabasa. 4. Pangangatuwiran- Ang hangarin ng nagsasalita o sumusulat

ay maihayag ang mga dahilan o sanhi sa pagkaganap ng pangyayari. Kung ang Filipino 1 ay nakatuon sa pagbabalik-aral ng mga pang-sekundaryang konsepto sa Filipino; magiging ispesipiko ang mga aralin at pagtalakay sa Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat. Narito ang panimulang pag-aaral sa Filipino 2 na matatagpuan sa aklat ni Badayos (2000): ANO ANG PAGBASA? Marami nang pag-aaral at pananaliksik sa pagbasa. At marami ring pagpapakahulugan na naging bunga ng gawing ito. Sinabi ni Goodman (sa Badayos 1999) na ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game” kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa. Kay Goodman, ang gawaing ito ng pagbibigay kahulugan ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan. Sa ganitong pagpapakahulugan, hindi na

kailangan pang basahing lahat ang teksto upang maunawaan ito, lalo na kung higit na magaling ang tagabasa sa paghula o pagbibigay ng haka. Kaya nga, ang isang tagabasa na magaling sa pagbibigay ng tamang prediksyon ay nakababasa nang higit na mabilis kaysa iba dahil hindi na niya kailangang basahin nang isaisa ang bawat salita sa teksto. Si Coady (1979) ay nagbigay ng elaborasyon sa kaisipan ni Goodman sa pagbasa. Ayon kay Coady, para sa lubusang pagunawa ng isang teksto, kailangang ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiuugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga

impormasyong masasalamin sa teksto. BALIK-TANAW SA PROSESO NG PAGBASA 1. Ang pagbasa ay walang kahilingang imposible para hindi ito maisagawa ng isang tagabasa. Pang-araw-araw nating “binabasa” ang mga ekspresyon ng mukha ng mga taong ating

nakakasalubong. Nakukuha natin ang pangunahing

ideya

kung

ano

ang

nagaganap

sa

isang

pangyayaring

naoobserbahan; nakabubuo tayo ng sariling kongklusyon sa ating nakita at marami pang iba. Ang mga pagpoprosesong mental na binanggit ay ginagamit din sa akto ng pagbasa. 2. Ang pagbasa ay isang prosesong pag-iisip. Utak ang ginagamit sa pagbasa, hindi ang ating mga mata. (Braille ang binabasa ng mga bulag). Ang mga mata ay tagahatid lamang ng mga imahen o mensahe sa utak. Ang pagpapabuti ng pagbasa ay nangangahulugan ng pagpapabuti ng pag-iisip- hindi iyong pagsasanay sa mabilis na panggalaw ng mata. 3. May tatlong mahalagang bahagi sa pagbasa: paghahanda (pag-iisip kung ano ang alam sa paksang babasahin at pagtatakda ng layunin sa pagbasa); pagpoproseso ng impormasyon; at pagtugon o pagbibigay ng reaksyon sa binasa. 4. Ang epektibong mambabasa ay iyong mga interaktibong tagabasa. Ang epektibong mambabasa ay palaging naghahanap ng

mga posibleng maipapakahulugan sa teksto, gumagawa sila ng mga alternatibong hakbang kung hindi nila nauunawaan ang teksto. 5. Maraming suliranin sa pag-unawa na hindi lamang mga suliranin sa pagbasa. Maaaring sanhi ng di pagkaunawa sa teksto ay ang mga kamalian sa pagkakasulat nito. Maaari ring hindi sapat ang dating kaalaman o impormasyong taglay ng mambabasa para maunawaan ang teksto. 6. Ang magaling na tagabasa ay sensitibo sa kayariang balangkas ng tekstong binabasa. Ang pag-alam kung paano binalangkas o binuo ang teksto ay makakatulong nang malaki sa komprehensyon. Sa pagbasa, hindi sapat na alam ng tagabasa ang paksa at pangunahing diwa ng bawat talata, mahalagang malaman din ng tagabasa kung paano binuo ang teksto (hal. pagtatala, sanhi at bunga, paghahambing at pag-iiba, atbp.). 7. Ang mabilis na pagbasa ay bunga ng komprehensyon o pagunawa. Ang mabilis na pang-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis

sa pagbasa. Ang “mabilis” na pagbasa na walang pag-unawa ay walang kabuluhan. Walang iniwan ito sa pagpaparaan lamang ng mga mata sa mga salitang nakalimbag. ANG PAGBASA SA ANTAS TERSYARYA Ang kakayahang bumasa ay isang makabuluhang kasanayan sa pagtatagumpay sa kolehiyo at pamantasan upang magampanan ng lubusan ang gawaing pang-akademiko. At sa pagbasa ng mga tekstong akademiko, unti-unti mong matutuklasan ang mga katangian ng mga teksbuk sa antas tersyarya. Sa pagbasa ng mga tekstong akademiko sa antas tersyarya1. Matutuklasan mo na ang isang talata ay maaaring magtaglay ng maraming ideya o kaalaman. Ang tawag dito ay idea density. Halos lahat ng pangungusap ay tila nagtataglay ng bago o mahalagang impormasyon. Lahat ay parang mahalaga sa ganitong uri ng talata. 2. Maraming bagong salita ang iyong makikilala dahil ang

bawat sabjek ay may kanyang sariling set ng mga talasalitaan. Ito ang tinatawag na teknikal na bokabularyo para sa isang tiyak na sabjek o aralin. 3. Makakatuklas ka ng mga hulwaran sa pagbubuo ng iba’tibang teksto. Halimbawa sa Agham Panlipunan, ang hulwarang sanhi at bunga ang karaniwang ginagamit. Makikita ring ginagamit ang hulwarang ito sa mga Likas na Agham. 4. Kakailanganin mong humito nang madalas at magtanong sa sarili ng ganito: “Naunawaan ko ba ang aking binasa?” Ang tawag dito ay pagmomonitor ng pag-unawa na malalaman mo kapag nagbasa ka ng mga tekstong akademiko sa antas tersyarya. 5. Maaaring hindi sapat ang iyong dating kaalaman upang maunawaan ang babasahin sa isang sabjek o aralin. Masasabi mo tuloy na parang ibang wika ang iyong binabasa. Kung minsan, maaaring akalain ng awtor o ng iyong propesor na marami ka ngang alam. Kung ganito ang mangyayari, tungkulin mo pa ring punan ang mga kakulangang ito sa iyong kaalaman. Maaaring

hingan mo ng tulong ang iyong propesor o kamag-aral na higit na maraming alam kaysa iyo. 6. Matutukalasan mo na hindi lahat ng aklat ay mahusay ang pagkakasulat o pagkabuo. Kung sakaling may ganito kang aklat, hindi mo pa rin ito maiwawaksi, dahil kailangang pag-aralan mo kung paano ito magagamit nang mahusay sa tulong ng mga kasanayan. 7. May pagkakataon na panghihinaan ka ng loob. Ang damdaming ito’y karaniwang nararanasan ng bawat mag-aaral. Ito’y tinaguriang intellectual despair. Makakatulong ang mga kasanayang matututuhan mo sa Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina upang mapaglabanan mo ang panghihina ng loob. ANO ANG PAGSULAT? Ang pagsulat ay iinog kung gaano kabisa at kasensitibong makabubuo ng mga pahayag ang isang manunulat upang ang makabasa nito’y magaganyak na mag-isip, kumilos at magalak. Sa puntong pedagohikal, ang mga pahayag (statement) ay iyong

paggamit ng wika bilang instrumento sa mabisang paglalahad ng naiisip o nadarama, saloobin, at reaksyon sa isang natural na paraan (kakayahang komunikatibo). Ang wika ay isa lamang sa maraming midyum ng komunikasyon sa pagpapahayag. Sa daigdig ng sining, maraming kaparaanang ginagamit sa pagpapahayag ng karanasan, halimbawa: musika, pagpinta, paglilok, sayaw, dula, atbp. Kung tatanawin ang pagpapahayag sa wiikang Filipino bilang isang anyo ng sining, marapat lamang na bigyang-pansin natin ang tatlong dimension ng pagsulat. 1. Ang masining at istetikong hikayat (artistic and aesthetic appeal) ng mga malikhaing sulatin na siyang pinakatampok at minamalas natina ng mahika ng gamit ng wika. 2. Kasunod ng herarkiyang ito’y ang paggamit ng wika kung nais nating magbigay ng ulat katulad ng uri ng wikang ginagamit sa mga pahayagan. Ito’y tinatawag na expressive purpose ayon kay Samuel (1988) 3. At ang pinakagamiting dimension hinggil sa hikayat ng

pagsulat ay ang functional purpose. Kabilang sa dimensyong ito ang pagsulat ng liham sa editor ng isang pahayagan. Ang mga kombensyong ginagamit sa ganitong uri ng pagsulat ay mga panimulang gawaing magagamit ng mga mag-aaral sa paglinang ng mga kasanayan hinggil sa paglalahad ng mga detalye, pakiusap, pagsusumamo, at iba pa. Laging isaisip na palagay ang sinumang tao kung alam niyang tinatanggap ng balana ang wikang ginagamit. Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyon interpersonal na gumagamit ng simbulo at isinusulat/ inuukit sa isang makinis na bagay tulad ng papel, tela o di kaya’y isang malapad at makapal na tipak ng bato. Ang pagsulat sa Filipino ay gumagamit ng isang sistema na binubuo ng 28 letra (a,b,c…z). Nahaharap tayo sa iba’t ibang uri ng sulatin araw-araw: ang dyaryo, adbertisment, phone bills, electric bills, liham, paalaala, atbp. Hindi lahat ng tao ay nakakasulat kahit na nga ang sinumang normal na tao ay nakapagsasalita nang walang sistematiko o pormal

na pagtuturo. Kakaiba ang pagsulat. Kailangan tayong turuan ng pagsulat at ito’y nagaganap sa paaralan. MGA URI NG SULATIN 1. Personal na Sulatin – impormal, walang tiyak na balangkas, at pansarili. Ito ang pinakagamiting uri ng sulatin ng mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang paniniwala, damdamin, pag-iisip, o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili. 2. Transaksyunal na Sulatin – pormal, maayos ang pagkakabuo, at binibigyang-pokus ang impormasyon o mensaheng nais ihatid dahil komunikasyon ang pangunahing layunin ng ganitong sulatin. 3. Malikhaing Sulatin – masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang binibigyang-pansin ang wikang ginagamit sa sulatin. Ito’y ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling pananaw sa mga bagay sa paligid o di kaya’y isang libangan.

Ang Filipino3 o ang Sining ng Retorika ay sumasaklaw sa malikhaing pagsulat, kaugnay ng apat na paraan ng pagpapahayag nang may pokus sa iba’t-ibang estilo ng wika. Lilinang ang assignaturang ito sa mga kasanayan na pasalita at pasulat na pagpapahayag ng mga mag-aaral. Ang Retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat (Dinglasan; 2001). Kung ang balarila ay nauukol sa kawastuhan, sa kaibhan ng tama sa maling pangungusap, ang retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa, maganda at kaakit-akit na pagpapahayag. Samakatuwid, ang retorika ay isang sining ng diskurso, pasalita man o pasulat, may kapangyarikhang makapagbigay-saya, nananatili dahil sa kayamanan at kakaibhan ng wika at kung ang isang pahayag ay naipapahayag lamang sa isang paraan, walang retorika, at sinasabing ito ay sining ng mabisang pagpili ng wika sapagkat may iba’t-ibang pamimilian o alternatibo.

Ang

mga

kaayusan

ng

salita

ay

dinidikta

ng

gramatika/balarila. Ang pagpili ng salita ay retorika. Sa ibang salita, inuutos ng gramatika ang tamang paggamit ng salita upang makabuo ng mga pangungusap na gramatika, iminumungkahi ng retorika ang pinakamabisang paggamit ng salita, upang makabuo ng pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat sa lakas o dating ng mensahe sa nakiking o nagbabasa. Ayon kay Sauco (1998) may tatlong simulain ng Pagpapahayag: 1. Kalinawan- Ipinalalagay na may kalinawan ang

isang pahayag kung ito’y madaling maunawaan. May tatlong bagay na makatutulong upang madaling maunawaan ang isang pahayag: a. Gumamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan nang hindi mapagkamalan. b. Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may pagkakaugnay (pambalarila at panretorika). c. Nararapat na wasto ang pagbigkas kung pasalita at

wasto ang baybay kung pasulat. 2. Kapamigatan- Ipinalalagay na mabigat ang isang

pahayag kung may mga sumusunod na katangian: a. Makatotohanan at ito’y di matutuklasang may kasinungalingan pagkalipas ng ilang panahon. May mga pahayag na waring totoo kaya’t madaling paniwalaan ngunit sa dakon huli ay matutuklasang walang batayang katotohanan. Hindi dapat na gamitin ng pagmamalabis o eksaherasyon ang pagpapahayag. b. Ang pinanggalingan ay isang dalubhasa o may awtoridad sa paksa. c. Kinakailangan ng katapatan na tanda ng pagiging marangal. d. Binibigyan ng matapat na pagpapahalaga ang karanasan at pananampalataya ng tao. Dapat pahalagahan ang dignidad ng isang tao. 3. Kagandahan- May kagandahan ang pananalita kung

may mga sumusunod:

a. Kaakit-akit na pagtutugma ng mga kahulugang ipinapahayag at tunog ng mga salita. b. Wastong bigkas ng mga salita c. Matalinghaga ang diwang ipinapahayag d. Kalugud-lugod na pagsasama-sama ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap na nagdudulot ng pananabik sa nakikinig o bumabasa. e. Paggamit ng mga salitang makahulugan at malarawan. Narito ang balangkas ng mga araling nakapaloob sa Filipino 3-Ang Sining ng Retorika: I. Ang Retorika at Mabisang Pagpapahayag II. Mga Patalinghagang Pagpapahayag III. Ang Pagsasaling-Wika IV. Kawastuhang Pambalarila V. Mga Uri ng Pagpapahayag A. Ang Pagsasalaysay

B. Ang Paglalarawan C. Paglalahad D. Pangangatuwiran Ang Filipino 4- Panitikang Filipino ay ang panghuli sa mga Minor subjects na itinakda ng General Education Curriculum. Para kay Casanova (2001), ang panitikan ay pangunahing salamin ng kultura ng isang sambayanan. Dito nalalarawan ang kanyang kahapon, ngayon at bukas. Sadyang nagkakaroon ito ng iba’t-ibang anyo na bunga ng pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng iba’t-ibang tao. Kadalasang nagsisimula ito bilang pasalitang pagpapahayag o salin-dila hanggang sa landasin nito ang daan tungo sa pagkalimbag. Sa ganitong paraan, natatanto ng nagsisisunod na salin-lahi ang mga pangyayari at kaisipan ng mga nauna sa kanila. Namamatay ang mga tao at nagpapalit-palit ang mga henerasyon subalit nananatiling walang kamatayan ang panitikan. Ang panulat ng mga tao’y lalagi sa kabang-yaman ng bansa. Patuloy itong dadaloy sa kamalayan ng mga susunod pang

lahi. Mananatiling buhay ang pagpapahalaga ng mga tao sa kultura ng lahi na ipinapahayag sa mga tula nito; sa mga sanaysay, maikling kuwento, nobela at lahat ng anyo ng pagpapahayag. Para kay Santiago (1989), ang panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa knailang pagkamakabayan o nasyonalismo. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagdidilat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag-iingat din ng mga karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa. Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan ng kultura ng bawat lipunan. Dito nasusulat ang henyo ng bawat panahon. Ito’y walang paglipas hanggang may tao sa sandaigdigan. Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamtayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao. May limang mahahalagang bagay kung bakit dapat tayong mag-aral ng Panitikang Pilipino (Santiago; 1989)

1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating minanang yaman ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi. 2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa. 3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsananay na ito’y matuwid at mabago. 4. Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad. 5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan. Nahahati naman sa dalawa ang uri ng panitikan: (Sauco; 1997) 1. Patula- Ito’y nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama

ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang ditto ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pantanghalan, at patnigan. 2. Tuluyan o Prosa- Ito’y nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng mayakda. Kabilang dito ang mga sumusunod: maikling kuwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita, at editoryal. Isa sa mga salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral ay ang kurikulum. Ang terminong kurikulum ay nagmula sa salitang Latin na currere, na ang ibig sabihin ay “tumakbo”. Sa pananalitang edukasyonal, ang pagtakbo ay tumutukoy sa pagtupad ng mga mag-aaral sa mga pangangailangang pang-akademiko na nakapaloob sa kanyang kurso sa isang takdang panahon.

May tatlong pagkakahati ang kurikulum: (Acero; 2000) 1. Academic Curriculum- Tumutukoy sa pormal na listahan ng mga kurso ng bawat paaralan, na nakapaloob sa mga syllabus. 2. Extra Curriculum- Tumutukoy sa mga aktibidad at samahan na itinataguyod ng paaralan, tulad ng isports, mga samahang lilinang sa kanilang kakayahang umarte, sumayaw, kumanta, atbp. 3. Hidden Curriculum- Tumutukoy ito sa mga hindi nakaplanong mga aktibidad pangkaalaman. Ito ay impormal na bahagi ng kurikulum na kung saan nakapaloob ang 3R’s (rules, regulations, and routines). May limang gawain ang Kurikulum (Acero; 2000): 1. General Education- Ito’y bahagi ng kurikulum na nagbibigay ng mahahalagang saligang karunungan na kinakailangan ng tao. Ang mga assignaturang nakapaloob ditto ay nauukol sa wika, siyensiya, matematika, humanidades, sining, atbp. 2. Specialized Education- Nakapaloob dito ang mga

assignaturang nakatuon sa larangan ng ispesyalisasyon (major subjects) ng mga mag-aaral. 3. Exploratory Education- Ito’y nasa anyo ng electives, cognates, minor, o allied subjects. Layunin nitong makapagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na alamin nila kung sang kurso o larangan ng pag-aaral sila nabibilang. 4. Enrichment Education- Ang bahaging ito ng kurikulum ay naglalayong pagyamanin ang mga taglay na kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral bukod pa sa kanilang mga natutuhan sa General, Specialized, at Exploratory Education. 5. Special-interest Education- Layunin nitong linangin ang mga hilig ng mag-aaral bukod pa sa larangan ng kanilang

ispesyalisasyon. Ayon kay Palma (1992), may 3 elemento ang kurikulum: 1. Layunin 2. Pamamaraan 3. Pagtasa sa Kahihinatnan

Ang Kurikulum ay patuloy na umuunald upang ito’y lalong maging mabisa. Subalit ayon kay Aquino (1985), ang

ikapagtatagumpay o ikabibigo ng kurikulum ay nakasalalay sa guro. Ito ay sa kadahilanang sila ang tagapagsalin ng mga nilalaman ng kurikulum tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Itinuturing din na mahalagang salik ang pagkakaroon ng maayos at kumpletong pasilidad ng paaralan. Kaya naman ang DepEd ay may sinusunod na malinaw na paraan at modelo sa pagbili at pagpapatayo ng mga gusaling pampaaralan.

Kinakailangan ng maingat na pagpaplano bago bumili ng mga kasangkapan o magpatayo ng mga pasilidad upang ito’y mapakinabangan sa mahabang panahon. Mahirap para sa mga guro ang magturo sa paaralan na kulang sa mga kagamitang panturo at sa silid na sira ang kaanyuan nito. Ang anyo at kalidad ng mga kagamitang panturo ay may malaking papel na ginagampanan sa ikapagiging mabisa ng pasilidad ng paaralan sa gawaing pagtuturo. Ayon kay Gregorio (1961), ang

paaralang may maayos at mahusay na mga pasilidad ay isang mahalagang kontribusyon sa kapakanang panlahat ng mga magaaral at maging sa buong komunidad, dahil ang paaralan ay itinuturing na sentrong pang-komunidad. Inilahad sa Manual of Regulations for Public Schools (Revised Edition, 1998) ang mga patakaran, na hangga’t maari ang mga silid ng paaralan ay: 1. Malayo sa lugar na maaaring pagmulan ng apoy, at ang pagtuturo ay hindi naaapektuhan ng ingay [ng trapiko]. 2. May maayos na plano at lugar na pinagdaraanan ang mga mag-aaral kung sakaling magkaroon ng sunog, bagyo, lindol, atbp. 3. May mga kagamitan tulad ng pamatay-sunog at mga lugar tulad ng “fire exit”. 4. May sapat na dami ng comfort rooms na laging pinananatiling malinis. 5. Sapat na naiilawan at may maayos na bentilasyon. 6. Naglalaman ng sapat na espasyo, at kasangkapan para sa

pangangailangang panlahat ng buong akademikong komunidad. 7. Hindi gagamitin bilang sa anumang paraan na makahahadlang sa mga gawaing pampaaralan. 8. Nagtataglay ng silid-aklatan, opisina ng mga tagapangasiwa ng paaralan, at guro na madaling hanapin at puntahan. 9. May sapat na mga kagamitang pang-laboratoryo para sa mga kumukuha ng kurso sa larangan ng agham. 10. May sapat na laki para sa mga empleyado na tumutugon sa mga pangangailangan ng mag-aaral. Sa pagpaplano at pagpapatayo ng mg pasilidad, narito ang mga salik na nararapat isaalang-alang (Gregorio; 1961): 1. Lugar 2. Kalusugan 3. Kaligtasan 4. Pagpapailaw

B. Mga Kaugnay na Pag-aaral Sa Ibang Bansa Tinalakay ni Rosenshine (1995) ang nauukol sa pag-unlad ng pagtuturo na resulta ng tatlong bahagi ng pananaliksik na kanyang isinagawa sa loob ng 25 taon. Ang mga pananaliksik ay nauukol sa prosesong kognitibo, pag-aaral sa mga gurong humahawak ng klase na nakakuha ng pinakamataas na mark, at pananaliksik sa pamamaraang kognitibo. Tinangka ng pag-aaral na ito na alamin ang mga gawi ng guro na may kaugnayan sa pagtatagumpay ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Mula 1955 hanggang 1980, mahigit 10 magkakaugnay at eksperimental na pag-aaral ang isinagawa. Dalawang bagay ang natuklasan mula sa mga isinagawang pananaliksik na may kaugnayan sa pagtuturo. Una ay ang kahalagahan ng maikling hakbang sa pagtuturo at ang kahalagahan kahalagahan ng gabay ng mga guro kapag may pagsasanay ang mga mag-aaral.

Bilang buod, ang epektibong guro ay ginagawa ang mga sumsunod: nagpapakilala ng mga bagay/ kaisipan sa isang tiyak na panahon, ginagabayan ang mga mag-aaral sa kanilang paglutas ng mga problemang pang-akademiko, binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapag-aralan ang mga bagong kaisipan na itinuro, sinisiyasat ang komprehensyon ng mga mag-aaral, at pinipigilan ang pagbubuo ng maling pagkaunawa sa mga magaaral. Marami nang pananaliksik ang isinagawa upang malamna ang epekto ng iba’t-ibang estilo sa pagkatuto (learning styles). Tulad ni Cafferty (1980) na kung saan ipinakita niya na kapag estilo ng mga mag-aaral at guro ay nagkatugma pagdating sa pagaaral at pagtuturo, mas mataas ang nakukuhang marka o grado ng mga mag-aaral sa klase. Idinagdag pa niya na kapag hinayaan ang mga mag-aaral sa nais nitong estilo ng pag-aaral, mas mataas ang mga nakukuhang marka nito sa pagsusulit at sa mga pagsasanay (Dunn; 1989).

Iniulat ni Dunn, Deckinger, Withers, at Katzenstein (1990) na ang pagtutugma ng mga pamamaraan sa pagtuturo at mga estilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay hindi lamang nakapagdudulot ng makahulugang pagtatagumpay sa larangang pang-akademiko kundi nababago nito ang mga gawi sa pag-aaral at nakakabawas ng kaligaligan s amga mag-aaral. Sa Pilipinas Isa sa mga pangangailangan ng pag-aaral ng wika ay ang pagsasanay sa paggamit ng wikang kanyang pinag-aaralan. Ito ay maaari lamng magamit sa isang kaligirang relaks at impormal at makakaramdam ng seguridad ang mga mag-aaral. Ipinahihiwatig nito ang pangangailangan ng gurong makahikayat sa mga magaaral na makilahok sa mga gawaing pang-komunikasyon at magbibigay sa mag-aaral ng mga pagsasanay na angkop sa kanilang pangangailangan. Ipinahihiwatig pa rin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng gurong mabisang gumamit ng wika para maisakatuparan ang kanyang mga tungkulin sa mag-aaral. Ang

paraan ng paggamit ng wika ay nagpapahiwatig ng personalidad at pagkatao ng isang guro. Sa pag-aaral ni Quinto (1998) tungkol sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mg assignaturang pangkolehiyo sa Dalubhasaang Columban, inihayag niya ang mga sumusunod na rekomendasyon batay sa kanyang isinagawang pagsasaliksik: 1. Manindigan sa pagpapayaman at pagpapayabong ng Filipino bilang pambansang wika, ayon sa itinatadhana ng Konstitusyon sa patakarang pang-wika na gagabay sa paggamit sa Filipino bilang midyum ng pagtuturo at opisyal na wika sa komunikasyon. 2. Puspusang isulong ang paggamit at pagpapayaman ng Filipino bilang wikang panturo. Sa ganitong tunguhin, gagamitin ang Filipino hindi lang midyum ng pagtuturo kundi wika sa pananaliksik, gawaing panlabas at opisyal na komunikasyon. 3. Tuunan ng pansin ang produksyon ng mga gamit-panturo tulad ng isinasagawa sa Proyektong Aklatang Bayan. Marami nang teksbuk sa agham at matematika para sa mataas na paaralang

naisulat at nailimbag. 4. Magpalinang ng pananaliksik batay sa mga sumusunod na paksa: 4.1 Pagtataya ng mga nalinang na kagamitang instruksyonal sa Filipino 4.2 Ebalwasyon sa pagsasagawa ng mga pag-aaral sa kolehiyo sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng panturo o opisyal na wika ng komunikasyon. Inilahad naman ni Arias (2000) ang kanyang mga rekomendasyon na nauukol sa pagiging epektibong guro at ang implikasyon nito sa kagalingan ng mga mag-aaral. Narito ang ilan: 1. Pagbibigay pansin sa ebalwasyon ng mga mag-aaral bilang lehitimong feedback sa pagiging epektibo ng pagtuturo. Sa pamamagitan nito, mapapabuti ng mga guro ang kanilang pagtuturo. 2. Kinakailangang bigyan ng mga pagkakataon ang mga guro na makadalo sa mga seminar, training, at pagkuha ng mga kurso sa

antas gradwado. Ito ang daan upang mapaunlad nila ang kanilang mga katangiang propesyonal at pansarili. 3. Pagtutulungan ng mga guro at mga tagapangasiwa ng paaralan upang mapabuti ang maagang pagpasok ng mga guro sa kani-kanilang klase. Sa pag-aaral ni Panis (1998) ukol sa kaugnayan ng pamamahal ng klase sa performance ng mga mag-aaral, narito ang ilan sa kanyang mga rekomendasyon: 1. Bigyan ng orientasyon ang mga guro ukol sa pamamahala ng klase sa pamamagitan ng miting, seminar, workshop, at komperensiya. Dito tatalakayin ang mga makabagong estratehiya at pamamaraan sa pagtuturo upang mapabuti ang kagalingan ng mga mag-aaral. 2. Pagpapatupad ng Parent Learnig Support System (PLSS). Magiging kaakibat ng mga guro ang mga magulang ng mga magaaral sa pagtuturo at paghubog ng tamang kaasalan ng mga magaaral pagdating sa pag-aaral.

Narito naman ang ilan sa mga rekomendasyon ni Soriano (1998) mula sa kanyang pag-aaral ukol sa gawi at pagpapahalaga ng mga guro sa kanilang propesyon: 1. Patuloy napagyamanin ang kanilang mga kakayahan tungo sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo, para higit nilang magampanan ang kanilang mga gawain at responsibilidad- na hubugin ang kaisipan ng kanilang mga mag-aaral. 2. Hinihikayat sa mga guro ang pagsasagawa ng ebalwasyong pansarili (self-evaluaton) upang malamn kung naisasagawa nila ng maayos at mabisa ang mga layunin ng bawat paaralan. C. Relasyon ng mga Nakaraang Pag-aaral sa mga Bagong Pananaliksik Sa pagsusuri ng mga pag-aaral na isinagawa sa Pilipinas, malinaw na may pagkakahalintulad at pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral na nagpapatibay sa mga pangangailangan ng

pagpapaunlad ng pagtuturo ng Wikang Filipino.

Ang mga pampanitikang pananaw sa Pilipinas ay tuwirang naglahad at nagpaliwanag ukol sa mga salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa assignaturang Filipino. Tinalakay ng lubos ang bawat salik na nakapaloob sa paksang suliranin. Ang mga pag-aaral ni Qunito, Arias, Panis, at Soriano ay may pagkakahalintulad sa kasalukuyan pag-aaral dahil ang kanilang ginamit na mga baryabol ay patungkol sa wikang Filipino at ang pamamaraan na kanilang pagsasaliksik ay paglalarawan. Subalit, ang mga nabanggit na isinagawang pag-aaral ay may pagkakaiba rin sa kasalukuyang pag-aaral: una ay sa lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral, ikalawa ay ang mga respondent sa pag-aaral, at ikatlo ay ang ginamit na statistical design at kagamitan sa pag-aaral. Bilang kabuuan ng ginawang pananaliksik, ito ay hindi paguulit o replikasyon ng pag-aaral o anumang mga pag-aaral na isinagawa.

Kabanata 3 DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMARAAN Ang kabanatang ito ay naglalarawan ng pamaraan ng pananaliksik; anyo ng populasyon at paglalarawan; instrumento at paglilikom; at pagpapahalaga sa mga datos o tala. Ginamit na Pamaraan ng Pananaliskik Ang nananaliksik ay gumamit ng paglalarawang pamaraan ng pananaliksik. Ayon kay Sevilla (1990) ang palarawan na pamaraan, bilang kabuuang pangangalap ng datos o tala, ay naglalayong masubok ang haka o palagay o kaya ay aksagutan sa tanong hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng paksang pinag-aralan. Para kay Good at Scates, ang palarawang pananaliskik ay nagpapakahulugan ng mga pag-aaral na naglalayong ilahad ang mga bagay o pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan. Halimbawa nito ay ang mga impormasyong patungkol sa isang grupo ng mga tao, bilang ng mga bagay, pangkat ng mga kalagayan o kondisyon

at pangyayari, sistema ng kaisipan, mga uri ng penomena o karanasan na maaaring pag-aralan. Ang pagsisiyasat na gagawin ay nangangailangan ng makatotohanang impormasyon na naglalaman ng mga nakalap na datos o impormasyong nasuri, nilagom at ipinakahulugan sa layuning makita ang mga salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa assignaturang Filipino. Kaya’t ang palarawang pamaraan ang pinaka-angkop na gamitin sa pag-aaral na ito. Respondents Ang pokus ng pag-aaral ay binubuo ng lahat ng mga magaaral sa Dalubhasaang Columban ngayong tag-araw (summer classes). Ang mga datos ay kinalap sa pamamagitan ng pamamahagi ng talatanungan. Dahil sa kakaunti ang bilang ng mga mag-aaral, sampung (10) mag-aaral lamang ang kinuhang respondent, bawat sabjek na bumubuo sa assignaturang Filipino (Filipino 1-4)

Instrumento Ang talatanungan ang pangunahing instrumento na ginamit sa pag-aaral na ito. Ito ay nahahati sa apat na bahagi: Unang Bahagi- Pansariling Datos Mga datos na sumusunod: Pangalan (optional), Gulang, Kasarian, Paaralang Pinagtapusan (hayskul), Departamentong Kinabibilangan, Kurso at Antas (year level), Antas o grdaong nakuha sa Filipino. Ikalawang Bahagi- Ang Guro at ang Pagtuturo Nakapaloob ditto ang mga Kasanayan, Kabatiran sa Paksa, Pangangasiwa sa Silid-Aralan, Kasanayan sa Pag-eebalweyt, at Personalidad ng Guro. Ikatlong Bahagi- Ebalwasyon sa mga Pasilidad ng Paaralan Kasama rito ang pagsusuri sa kaayusan at kalagayan ng mga silid, pati ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga sangguniang aklat. Ikaapat na Bahagi- Pagsukat sa Kaalaman ng mga Mag-aaral

Ito’y isinagawa sa pamamagitan ng maikling pagsusulit na kinapapalooban ng limang tanong patungkol sa mga araling Filipino na tinatalakay sa Antas Tersyarya. Nagsagawa din ng mga pakikipanayam at mga pansariling obserbasyon sa mga bagay na nangangailangan ng paglilinaw. Pagkamay-Bisa ng Instrumento Ang burador ng talatanungan ay sinubukan sa isang klase ng Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-Ibang Disiplina. Layunin nitong makita ang mahihina at malalabong bahagi o bilang sa instrumento. Kagyat itong inirebisa at iniwasto ng mananaliiksik. Pamamaraan ng Pagtitipon ng Datos Ang kapahintulutan na magsagawa ng pag-aaral,

pamamahagi ng talatanungan sa mga mag-aaral ay hiningi ng may kapahintulutan sa Pangulo at sa Pangalawang Pangulo para sa Kalakarang Pang-Akademiko ng Dalubhasaang Columban.

Pagbibigay-Halaga sa Datos Ang mga nakalap na datos ay itinala, hinanay at isa-isang sinuri. Narito ang mga pormulang istatistikal na ginamit: 1. Percentage- Ito’y ginamit upang malaman ang kabuuan ng mga tagasagot. Pormula: %=f /nx100 Kung Saan: %= Percentage f= Frequency N=Kabuuang Dami ng “kaso” (Respondent)

2. Mean- Ginamit upang matuklasan ang persepsyon ng mga respondent. Kung Saan: Pormula: x=Σfx/N

X= Mean Σ= Summation f= Frequency N= Kabuuang Dami ng “kaso” (Respondent) Katumbas ng paglalarawang antas sa halagang numerikal: Numerical Value 3 2 1 Scale 2.51-3.00 1.51-2.50 1.00-1.50 Description Rating Mabisa Katamtaman Hindi Mabisa

TALASANGGUNIAN A. Mga Aklat Abad, Marietta A. Filipino Bilang Tanging Gamit. Mandaluyong City: National Book Store Inc., 1995 Acero, Victorina O. et.al Principles and Strategies of Teaching. Quezon City: Rex Printing Company Inc., 2000 Aquino, Gaudencio V. Principles and Methods of Effective Teaching. Mandaluyong City: National Book Store Inc., 1988 Ausubel, David P. Educational Psychology: A Cognitive View. New York: Holt Rineheart, and Winstron, 1968 Badayos, Paquito B. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Makati City: Grandwater Publications and Research Corporation, 2000 Belvez, Paz M. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila: Rex Printing Company, 2000 Borich, Gary D. The Appraisal of Teaching: Concepts and Process. Massachusetts: Addison-Wesley Publishing Co., 1977 Calderon, Jose F. Principles and Methods of Teaching. Quezon City: Great Books Trading, 1998 Cooper James M. Classroom Teaching Skills. USA: Houghton Mifflin Company, 1999 Dinglasan, Resurreccion D. Retorikang Filipino. Manila: Rex Printing Company Inc., 2001

Gregorio, Herman C. Principles and Methods of Teaching. Quezon City: Garotech Publishing, 1976 Gregorio, Herman C. School Administration and Supervision. Quezon City: R.P. Garcia Publishing Company, 1961 Guamen, Pructuosa C. et.al. Tanging Gamit ng Filipino. Qezon City: Rex Printing Company Inc., 1986 Lardizabal, Amparo S. et.al Principles and Methods of Teaching. Quezon City: Phoenix Press Inc., 1991 Ornstein, Allan C. Teaching: Theory in Practice. Massachusetts: Allyn and Bacon, 1995 Palma, Jesus C. Curriculum Development System, A Handbook for School Practitioners in Basic Education. Mandaluyong City: National Book Store Inc., 1992 Papa, Nenita P. Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Manila: Booklore Publishing Corporation, 2000 Raths, James, John R. Pamcella, and James S. Van Ness, eds. Studying Teaching 2nd Edition. New Jersey: Prentice Hall Inc., 1971 Santiago Erlinda M. et.al Panitikang Filipino: Kasaysayan at Pagunlad. Mandaluyong City: National Book Store Inc., 1989 Sarmiento, Ulpiano P. Manual of Regulations for Private Schools Annotated. Quezon City: Risen Publishing, 1998 Sauco, Consolacion P. et.al Panitikang Filipino: Pandalubhasaan. Quezon City: Katha Publishing Co. Inc., 1997

Sauco, Consolacion P. et.al Retorikang Filipino: Pang-antas Tersyaryo. Quezon City: Katha Publishing Co. Inc., 1998 Tumangan, Alcomtiser P. et.al. Sining ng Pakikipagtalastasan. Makati City: Grandwater Publications and Research Corporation, 2001 B. Babasahin Dunn, R. Beaudry, J.S. and A. Klavas. 1989. “Survey of Research on Learning Styles”. Educational Leadership VI (6), March 1989: 50-55 C. Mga Di-Nalathalang Tesis Arias, Elizabeth G. “Teacher Effectiveness As Perceived By the Students of Selected Private Secondary schools in Olongapo City: Implication to Student Performance and Progress.” Unpublished Master’s Thesis, Columban College, Olongapo City, 2000 Quinto, Concepcion S. “Ang Paggamit ng Filipino Bilang Wikang Panturo sa mga Assignaturang Pangkolehiyo sa Dalubhasaang Columban Lungsod ng Olongapo.” Unpublished Master’s Thesis, Columban College, Olongapo City, 1998 Panis, Flordeliza P. “Relationship of Classroom Management with the Performance of Pupils at District III Olongapo City.” Unpublished Master’s Thesis, Columban College, Olongapo City, 1998 Soriano, Levy P. “Attitudes and Values of Olongapo City District II Teachers Towards the Teachers Profession.” Unpublished Master’s Thesis, Columban College, Olongapo City, 1998

APPENDIKS

Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Dalubhasaang Columban, Lungsod ng Olongapo

Mayo 17, 2004

Rev. Fr. Daniel O. Presto Pangulo ng Dalubhasaang Columban Lungsod ng Olongapo

Ako po ay humihingi ng inyong pahintulot na makapagbigay ng talatanungan sa mga mag-aaral ng Columban sa Antas Tersyarya. Ito po ay may kaugnayan sa aking pag-aaral na “Mga Salik na Nakakaapekto sa Komprehensyon ng mga Mag-aaral sa Assignaturang Filipino sa Antas Tersyarya, Klase sa Tag- Araw 2004” Umaasa po akong bibigyan ninyo ako ng karampatang tugon.

Lubos na Sumasainyo, ERNEL F. GALANG JR. (Sgd.) Mananaliksik

Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Dalubhasaang Columban, Lungsod ng Olongapo

Mayo 17, 2004

Dr. Antonia Balde Pangalawang Pangulo para sa Kalakarang Pang- Akademiko, ng Dalubhasaang Columban Lungsod ng Olongapo

Ako po ay humihingi ng inyong pahintulot na makapagbigay ng talatanungan sa mga mag-aaral ng Columban sa Antas Tersyarya. Ito po ay may kaugnayan sa aking pag-aaral na “Mga Salik na Nakakaapekto sa Komprehensyon ng mga Mag-aaral sa Assignaturang Filipino sa Antas Tersyarya, Klase sa Tag- Araw 2004” Umaasa po akong bibigyan ninyo ako ng karampatang tugon.

Lubos na Sumasainyo, ERNEL F. GALANG JR. (Sgd.) Mananaliksik

TALATANUNGAN
“Pagsusuri sa Pananaw ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa assignaturang Filipino ng Dalubhasaang Columban, sa Antas Tersyarya” Panuto: Tsekan ang katumbas na sagot sa kaukulang bilang o aytem. At kung hinihinging sagot ay letra, salita o parirala, mangyaring punan o sulatan ang kaukulang blangko.

Bahagi I- Pansariling Datos
1. Pangalan (optional) - _____________________________ 2. Gulang _______ 3. Kasarian: ____Lalaki ____ Babae

4. Paaralang Pinagtapusan (hayskul) ___________________ ____Public ____Private 5. Departamentong Kinabibilangan: ____Architecture ____Arts and Sciences ____Commerce ____Education ____Engineering ____ ITC ____Nursing ____Private Non- Sectarian

6. Kurso at Antas (year level) _______________________ 7. Antas o [huling] markang nakuha sa Filipino: ____4th Year High School ____Sining ng Pakikipagtalastasan (FIL111/PL111) ____Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t- Ibang Disiplina (FIL121/PL121) ____Retorika (FIL211) ____Panitikan ng Pilipinas (FIL221/PL221) 8. Pangalan ng Guro______________________________

Bahagi II- Ang Guro at ang Pagtuturo
Panuto: Isulat ang mga letra sa blangko kung ang mga sumusunod ay: M- Mabisa K- Katamtaman HM- Hindi Mabisa A. Kasanayan sa Pagtuturo 1. Pumipili, naghahanda at gumagamit ng mga kagamitang panturo. ____ 2. Gumagamit ng Iba’t-Ibang teknik at istratehiya sa masigla at kawiliwiling pagtuturo. ____ 3. Naglalahad at nagpapaliwanang ng aralin, gumagamit ng angkop na mga ilustrasyon, mga halimbawa, at mga kagamitang biswal. ____ 4. Nagagawang laging masigla at buhay na buhay ang mga talakayan,

pagpapaliwanang at palitang kuro. ____ B. Kabatiran sa Paksa/ Assignaturang Itinuturo 1. May ganap na kabatiran sa nilalaman ng kursong (course content) itinuturo. ____ 2. Malawak at higit na malalim ang kabatiran ng guro sa paksa, assignatura, kursong itinuturo na ipinahihiwatig ng kanyang kahusayan at kasanayan sa malinaw, wasto, angkop na paliwanag at pagtalakay sa aralin. ____ 3. May kaalaman hindi lamang sa saklaw ng kurso/ assignatura o disiplinang itinuturo kundi gayon din sa kaugnayan nito sa iba pang kurso, assignatura, o disiplina. ____ 4. May laging bago at up-to-date na kabatiran hinggil sa itinuturo. ____ C. Pangangasiwa sa Silid-Aralan 1. Sinisikap ng guro na magkaroon ng kaaya-ayang kaligiran sa silidaralan. ____ 2. May kaiga-igayang kaligirang sosyal, magandang relasyong guro-magaaral, mag-aaral-mag-aaral. ____ D. Kasanayan sa Pag-eebalweyt ng Mag-aaral 1. May kasanayan sa pagbuo at paghahanda ng angkop na pagsusulit na epektibong susukat sa antas ng pagkatutong naganap, susukat sa

kasanayan, lakas at kahinaan ng mag-aaral. ____ 2. Hindi siya maramot sa pagbibigay ng kaukulang papuri sa mga magaaral na may magandang “performance” o sa mga mag-aaral na karapatdapat sa papuri. ____ 3. Sinisikap na maging fair at may pantay-pantay na pagtingin sa bawat miyembro ng kanyang klase. Iniiwasan ang pagkakaroon ng mga paboritong mag-aaral sa klase. ____ E. Persoalidad ng Guro 1. May kaaya-ayang katauhan, masayang disposisyon, may diwa ng paluwag-tawa (sense of humor). ____ 2. May katamtamang lakas ng tinig na nagagamit niya sa malinaw na pagpapaliwanang ng aralin. ____ 3. May mataas na antas ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, sa gamit ng wika, lalo na ng Filipino. ____ 4. Maunlad, mapanaliksik, malikhain, mapamaraan, at may pagkukusa. ____

Bahagi III- Ebalwasyon sa mga Pasilidad ng Paaralan
1. Maayos na silid (classroom) para sa pag-aaral. ____ 2. Naglalaman ang silid-aklatan ng mga bagong sangguniang aklat na tumatalakay sa iba’t-ibang aralin na nauukol sa Filipino. ____

3. May mga nakatakdang silid para sa iba’t-ibang gawain. ____

Bahagi IV- Pagsukat sa Kaalaman ng mga Mag-aaral
1. Prosesong sosyal o panlipunan na bunga ng interaksyong proseso ng mag-aaral at produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto. ____Pagbasa ____Pagsulat ____Pakikipagtalastasan

2. Isang patuloy na siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan. ____Pagbasa ____Pagsulat ___Retorika

3. Pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika. ____Ponolohiya ____Morpolohiya ____Sintaksis

4. Pinakamaliit nay unit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. ____Ponema ____Morpema ____Sintaksis

5. Tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat. ____Retorika ____Morpolohiya “Salamat sa Inyong Pagtugon” ERNEL GALANG JR. BSED-Filipino ____Sintaksis

CURRICULUM VITAE Batay sa pangkasalukuyang impormasyon (2012) I. PANSARILING DATOS
Ernel Galang Jr. 27 taong gulang Lungsod ng Olongapo Kalagayang Sibil: Kasarian: Single Lalake

Pangalan: Edad: Lugar:

II.

MGA PAARALANG PINASUKAN
Graduate: St. Joseph’s College Bulacan State University Graduate Studies Consortium Tertiary: Columban College, Inc. Olongapo City Secondary: Olongapo Wesley School Olongapo City

Master of Arts in Education- Major in Educational Management

Bachelor of Secondary Education- Major in Filipino (BSED-F)

Completed Academic Requirements

Year Graduated: 2006

Year Graduated: 2002

III.

MGA KARANASAN SA TRABAHO
“Secondary School Teacher” September 2009-present Kalalake National High School 14’th Street New Kalalake, Olongapo City

“College Instructor (part-time)” June 2007-present Subic Bay Colleges, Inc #3 18’th Street West Bajac-Bajac, Olongapo City June 2009-October 2010 Colegio de Castillejos Brgy. San Roque, Castillejos, Zambales

“High School Teacher” Academic Year 2006-2007 Little Angel Study Center, Inc. 32 3rd Street West Tapinac, Olongapo City

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->