P. 1
Mga Pangulo Ng Pilipinas

Mga Pangulo Ng Pilipinas

|Views: 10,146|Likes:
Published by mandayog

More info:

Published by: mandayog on Feb 13, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/19/2015

pdf

text

original

Emilio F.

Aguinaldo
Unang Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Unang Republika Diktador ng Pamahalaang Diktadorial Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo Punong Ministro Apolinario Mabini (1899) Pedro Paterno (1899) Pangalawang Pangulo Mariano Trias (1897) Sinundan si Bagong Tatag Sinundan ni (pinawalang bisa mula 1901-1935) Wesley Merritt (Gobernador-Heneral, 1901) Manuel Quezon (Pangulo, 1935) Kapanganakan Marso 22, 1869 Cavite El Viejo (ngayong Kawit), Cavite, Pilipinas Kamatayan Pebrero 6, 1964 Lungsod Quezon,Pilipinas Partidong politikal Paksyong Magdalo ng Katipunan (18971901) National Socialist Party(1935) Asawa (1) Hilaria del Rosario† (2) Maria Agoncillo Hanapbuhay Militar, Guro,Rebolusyonaryo, Pulitiko Relihiyon Katoliko

Si Emilio Aguinaldo y Famy[1] (Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (Enero 20, 1899– Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pagaaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2] Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.

Manuel L. Quezon
________________________________________ Ika-2 Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Komonwelt Panunungkulan Nobyembre 15, 1935 – Agosto 1, 1944 Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña Sinundan siEmilio Aguinaldo(position restored. 1935) Sinundan ni Jose P. Laurel ________________________________________ Kapanganakan Agosto 19, 1878 Baler, Aurora Kamatayan Agosto 1, 1944 Saranac Lake, New York,Estados Unidos Partidong politikal Coalición Nacionalista(19351938);Nacionalista Party 1938-1944 Asawa Aurora Aragon Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko

Si Manuel Luis Quezon y Molina[1] (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 15,1935–Agosto 1, 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.[1]Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni

Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.[1] Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[1] Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.[1] Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.[1] Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat saLungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle. Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa

Ramon F. Magsaysay
Ika-7 Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan Disyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957 Pangalawang Pangulo Carlos P. García Sinundan si Elpidio Quirino Sinundan ni Carlos P. García ________________________________________ Kapanganakan Agosto 31, 1907 Iba, Zambales Kamatayan Marso 17, 1957 Bundok. Manunggal,Balamban, Cebu Partidong politikal Partidong Nasyonalista Luz Banzon Inhinyero Katoliko

Asawa Hanapbuhay Relihiyon

Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay (Agosto 31, 1907 – Marso 17, 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1953-Marso 17, 1957). Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.[pananangguni'y kailangan] Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.

Ferdinand E. Marcos Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28, 1989) ay ang ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas(Disyembre 30, 1965-Pebrero 25, 1986). Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ngSenado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at

panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986. Bilang isang pulitiko Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Noong 1949, siya ay tumakbo at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso. Noong 1954 nakilala niya si Imelda Romualdez, ang "Rosas ng Leyte" at pamangkin ng Ispiker Daniel Romualdez, na naging kaisampalad niya pagkatapos ng isang madaliang panliligaw. Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo bilang Senador na may pinakamalaking boto. Noong 1961, naging Pangulo si Marcos ng Partido Liberal (Liberal Party) at makalipas ng isang taon, siya ang naging Pangulo ng Senado. Matagal na panahong naging kasapi si Marcos ng Partido Liberal . Hiningi niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong 1964, ngunit ang kasalukuyang pangulo na siDiosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at si Fernando Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangalawang pangulo, laban kay Macapagal at Gerardo Roxas sa isang "landslide victory". Mga Nagawa sa Loob ng Unang Termino Kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod: 1. Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya; 2. Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan; 3. Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan; 4. Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan); 5. Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan; 6. Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay' o "miracle rice'; 7. Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa; 8. Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at 9. Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa pamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.

Corazon C. Aquino
________________________________________ Ika-11 Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Ika-apat na Republika Unang Pangulo ng Ikalimang Republika Panunungkulan Pebrero 25, 1986 – Hunyo 30, 1992 Punong Ministro Sinundan si Sinundan ni Salvador H. Laurel[1] Pangalawang Pangulo Salvador H. Laurel Ferdinand E. Marcos Fidel V. Ramos

________________________________________ KapanganakanEnero 25, 1933 Paniqui, Pilipinas Kamatayan Makati Agosto 1, 2009 (edad 76)

Partidong politikal (LABAN)/Liberal Hanapbuhay Relihiyon

United

Nationalists

Democratic

Organizations(UNIDO)/Lakas

ng

Bayan

Asawa Benigno Aquino, Jr.† Inang Bahay, Politiko Katoliko

Si María Corazón Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933—Agosto 1, 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabingisang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri saWikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya angdemokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong ika-1 ng Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.

________________________________________
Ika-15 Pangulo ng Pilipinas Ikalabinglimang Pangulo ng Ikalimang Republika Kasalukuyan Panunungkulan Hunyo 30, 2010

Pangalawang Pangulo Jejomar Binay Sinundan si Gloria Macapagal-Arroyo ________________________________________ Senador ng Pilipinas Panunungkulan Hunyo 30, 2007 – Hunyo 30, 2010 ________________________________________ Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Tarlac Panunungkulan Hunyo 30, 1998 – Hunyo 30, 2007 Sinundan si Jose Yap Sinundan ni Jose Yap ________________________________________ Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal Kapanganakan Pebrero 8, 1960(edad 52) Maynila, Pilipinas Pamantasang Ateneo de Manila Hanapbuhay Ekonomista, Politiko Propesyon Ekonomista, Serbisyo sibil Relihiyon Katoliko Romano

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noyay ang ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at dating PangulongCory Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada, Victoria Eliza “Viel” Aquino-Dee at Kristina Bernadette “Kris” Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador ng Bansang Pilipinas. Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong Noynoy". Pagiging Pangulo ng Pilipinas (2010-kasalukuyan)

Si Noynoy Aquino habang inihahalal bilangPangulong-halal ng Pilipinas ni Senador Juan Ponce Enrile at Kongresista Prospero Nograles saBatasang Pambansa, Lungsod Quezon noong Hunyo 9, 2010. Nagwagi siya sa Pagka-pangulo at nakakuha ng 15,208,678 na boto. Noong Hunyo 9, 2010, naiproklama na si Noynoy bilang Pangulo ng Pilipinas kasama si Jejomar Binay bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Sila ay naiproklama sa Batasang Pambansa, Quezon City, Kongreso ng Pilipinas

Epifanio de los Santos Si Epifanio de los Santos ay isang manananggol, mamamahayag, mananalaysay (historian), musikero, pintor, kritiko, manunulat, pilosopo ("philosopher") at masugid na kolektor ng mga antique. Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong Abril 7, 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang hasyendero na si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay tumugtog ng piyano at alpa.

Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon ng pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at pagpipinta na nanguna sa mga gantimpala. Tinapos niya sa Ateneo ang Bachiller en Artes ng may pinakamataas na parangal na summa cum laude at pagkatapos ay kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nanguna siya sa pagsusulit ng Ktt. Hukuman. Masugid siyang mambabasa ng iba't ibang babasahing pampanitikan lalung-lalo na ng mga nobelang sinulat ni Juan Valera, isang manunulat na Kastila at may-akda ng isang nobela ng pag-ibig na kanyang kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang magbasa, nagkaroon siya ng malaking koleksiyon ng mga aklat sa Sining at Panitikan. Sa katunayan, ang unang palapag ng kanyang tirahan sa Magallanes, Intramuros ay nagmistulang laybrari at museo na naging tagpuan ng kanyang mga kaibigan na may hilig din sa Sining at pagsusulat tulad nina Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Rafael Palma, Jaime de Veyra at Clemente Zulueta. Isa rin siyang dalubwika natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad ng Latin, Griyego, Kastila at Pranses. Siya ang naging unang Pilipinong naging kasapi ng Spanish Royal Academia sa Madrid at nakilalang unang Academician ng bansa. Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng kanyang kaibigang si Clemente Zulueta ang pahayagang La Libertad sa Malabon. Naging editor din siya ng pahayagang La Independencia. Sa pagsusulat sa pahayagang ito ay ginamit niya ang sagisag na G. Solon. Naging District Attorney siya ng San Isidro, Nueva Ecija at doon din siya naging Kalihim Panlalawigan. Noong 1902 nahalal siyang Gobernador ng Nueva Ecija at naulit ng 1904 . Pagkatapos ng dalawang taon ay hinirang siyang miyembro ng Philippine Commission para sa St. Louis Exposition. Naglakbay siya sa iba't ibang bansa tulad ng Pransya, Inglatera, Espanya, Italya at iba pang mga bansa sa Europa upang bumisita sa mga aklatan at museo at mamili ng mga aklat para sa kanyang koleksyon sa sariling aklatan. Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan at at Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na Technical Director ng Philippine Census. At noong Mayo 16, 1925 itinalaga siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Kawanihan ng Biblioteka at Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na binawian ng buhay. Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang kanyang unang asawa ay si Donya Ursula Paez ng Malabon at ang pangalawa ay si Margarita Toralba ngMalolos. Ang isa niyang anak sa kanyang unang asawa ang nagmana sa kanya ng mahilig sa kasaysayan at pananaliksik. Nakilala siya bilang mahusay na manunulat ng kasaysayan, talambuhay at kolektor tulad ni Don Panyong. Kung si Don Panyong ay di nakilalang tagapagsalita (speaker) siya naman ay nakakitaan ng kagalingan sa panunulat na umani pa ng papuri sa ibang bansa. Ang unang nalathalang sinulat ni Don Panyong ay ang Algo de Prosa (1909) isang koleksiyonng mga sanaysay at maikling kuwento. Ilan pa sa kanyang mga sinulat ay Literatura Tagala (1911), El Teatro Tagalo (1911), Nuestra Literatura (1913), El Proceso del Dr. Jose Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas (1920). Sinulat din niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del Pilar, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila mula sa Tagalog ngFlorante at Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa panitikang Pilipino. Isa ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang tumugtog ng piyano at gitara. Sa kanyang panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang mahusay sa pagtugtog ng gitara sa buong Pilipinas -isa si Don Panyong at ang dalawa niyang kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang rebolusyonaryo, at si Guillermo

Tolentino, kilalang iskultor. Inihambing siya ng musikong editor na si Griffith kay Segovia ng Espanya sa natatanging talento niya sa paggitara. Mahusay din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon upang ang kanyang kakayahan ay lalo pang pagyamanin at paunlarin. Binawian ng buhay si Don Panyong noong Abril 28, 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil sa atake sa utak (cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura, ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay ipinangalang Abenida Epifanio de los Santos o kilala bilang EDSA.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->