You are on page 1of 6

IBA'T-IBANG URI NG MAPA

ANU ANG MAPA?

Ang mapa ay ang paglalarawan ng kalawakan gamit ang mga simbulo at pinapahiwatig ang kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at tema ng nasasaad na kalawakan. Kadalasan ang mapa ay isang dalawang-dimensyong modelo ng isang tatlong-dimensyong kalawakan. Ngunit dahil sa mga kompyuter at mga kalipunan ng dato na siyang nagpalawig ng pagsulong ng Mga Sistema ng Heograpikong Impormasyon (Geographic Information Systems o GIS), nagagawa na ring nasa tunay na panahon at dinamiko o masigla ang paggalaw ng datos na heograpikal. Ang mapa ay ginagamit sa paglalahad ng anumang lokal na pag-aari ng buong mundo o parte nito. Puwede rin siyang gamitin upang ilahad ang anumang pamamagitan, tulad ng utak o kalawakan sa labas ng mundo.

MGA URI NG MAPA

MAY IBA'T IBANG URI NG MAPA. ANG BAWAT ISA AY MAY GAMIT AT KAHALAGAHAN. ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD:

Mapang pisikal - uri ng mapa na naglalarawan sa anyong lupa o tubig. Mapang ekonomiko o mapa ng ekonomiya - uri ng mapa na nagpapakita ng produkto ng iba't-ibang lugar. Mapa ng klima - uri ng mapa na nagpapakita ng tipo ng klima ng iba't ibang lugar. Mapang pulitikal - uri ng mapa na nagpapakita ng mga lungsod, kabisera, lalawigan, bayan, at barangay. Ito ang madalas na ginagamit na mapa. Mapa ng kalatagang-lupa (relief map sa Ingles) - uri ng mapa na nagpapakita ng mga topograpiya (mababa o mataas na lugar).

Mapa historikal o mapang pangkasaysayan - uri ng mapa na nagpapakita ng makasaysayang lugar tulad ng tanggulan, bahay ng mga bayani, parke at iba pa. Mapa ng transportasyon o Mapa ng daan - uri ng mapa na nagpapakita ng mga daan, riles ng tren, paliparan, aklatan at iba pa. Mapang kultural o mapang pangkalinangan - uri ng mapa na nagpapakita ng mga museo, teatro, at iba pa. Mapang botanikal/Mapang soolohikal - uri ng mapa na nagpapakita ng mga natatanging hayop at halaman.

Mapang demograpiko - ito ang mga demograpiko sa mga rehyon I,rehyon II,rehyon III at iba pa. Mapa ng piloto/Mapang aeronotikal Nagbibigay ng inpormasyon sa mga piloto. Nakalagay rito ang mga airport/landing strips/runways/navaids/VORs/ILS frequencies at ang Air traffic Frequencies/Airspaces at marami pang iba.

You might also like