P. 1
Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

4.0

|Views: 2,110|Likes:
Published by Jhorly Labausa

More info:

Published by: Jhorly Labausa on Feb 18, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/21/2013

pdf

text

original

PAHINA 0

KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA: RISERTS TSANEL SA FILIPINOLOHIYA GAMIT ANG YOUTUBE

__________________

Isang Akademikong Papel Na Iniharap sa mga Dalubguro ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Kagawaran ng Filipinolohiya

________________________________________

Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Pampinal na Marka sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

__________________ Ni Almarinez, Gladys A. Cañafranca, Gerhard Chino N. Labausa, Jhorly Jones C. Pacuribot, Erruel S. Pedreza, Jayson G Zaragoza, Erica Jane N BSCS 1-3

Ika-12 ng Enero 2012

PAHINA 1

Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO Panimula Dahil sa makabagong teknolohiya ngayon, marami nang pamamaraan ang ating magagamit para makahanap ng iba¶t ibang impormasyon sa isang kisap lamang ng mata. Isa sa maaari nating magamit upang makakuha ng impormasyon ng mabilisan ay ang Riserts Tsanel. Ngunit ano ba ang Riserts Tsanel? Ang Riserts Tsanel ay isang network ng telebisyon na batay sa Unibersidad ng Seattle sa Washington, at pinatatakbo sa pamamagitan ng isang kasunduan ng mga nangungunang institusyong pananaliksik at pangakademiko na nag-aambag ng mga kaugnay na siyentipikong mga palabas na pinapanood ng mga tao sa iba¶t ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng mga satellite at cable television. Dahil sa makabagong teknolohiya na ito, mas mapapabilis ang paghahanap ng mga impormasyon na nais nating malaman. Nagsimula ang Riserts Tsanel noong taong 2004 sa Unibersidad ng Seattle Washington. Ito rin ay isang kasunduan ng mga unibersidad at mga institusyong panananaliksik, ito ay isang intelektwal na komunidad na gumagawa ng mga kaalaman na magagamit ng lahat sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanikanilang mga Riserts, mga panananaw at mga natuklasan sa Global Audience. Si G. Michael Welling ang direktor ng nasabing Riserts

PAHINA 2

Tsanel. Kasalukuyang nakikipagtulungan ang nasabing institusyon sa iba¶t ibang unibersidad na mayroon ng Riserts Tsanel. Ayon kay Wellings(2005), ang Riserts Tsanel ay nagdudugtong sa lumalaking populasyon ng mga manonood sa rebolusyonaryong pag-unlad, kaalaman at mga tuklas ng nangunguna at nagpipitagang mga institusyon sa pananaliksik sa pamamagitan ng on-line watching at live streaming. Isa sa mga unibersidad na naging katulong sa pagpapaunlad ng Riserts Tsanel ay ang Unibersidad ng Vanderbilt. Kamakailan lamang ay inilunsad nila ang kanilang Riserts News Tsannel. Ang

kanilang layunin sa pagtatatag ng Riserts Tsanel ay ang mailapit sa kanilang mga estudyante ang agham, at maibahagi sa mga tao ang mga riserts na kanilang naisagawa. Ang Filipinolohiya naman ay unang nabuo sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, at naging bahagi ng kurikulum sa ilang mga kolehiyo at unibersidad sa loob at labas ng bansa. Ang Filipinolohiya ay naglalayon na isama ang pag-unawa, pagpapahalaga at kritikal na pagsusuri ng Pilipinas sa pamamagitan ng kasaysayan ng Pilipinas, at mga napapanahong isyu sa komunidad sa Pilipinas. Ang Kolehiyo ng mga Wika at Lingguwistika (CLL) naman ay isa sa mga propesyonal sa pagtuturo ng Filipinolohiya na umiiral sa higit sa dalawampung taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Nagmula pa sa Kolehiyo

PAHINA 3

ng mga Wika at Mass Communication, ang Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika ay umusbong bilang isang malayang kolehiyo noong taong 2001. Itinatag nito ang mga kagawaran katulad na lamang ng Kagawaran ng Filipinolohiya, Kagawaran ng Ingles, Foreign Languages, at Lingguwistika. Ang kolehiyo ay patuloy na nagbibigay ng kahusayan, disiplina at komprehensibong kurso ng pag-aaral na nagbibigay ng daan para sa pagpapabuti sa pagtuturo ng wika at pag-aaral ng wika. Paglalahad ng Suliranin Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang gumawa ng pagsusuri upang malaman kung isa nga bang epektibong instrumento ang Riserts Tsanel sa paghahanap ng tamang impormasyon. Sinagot din ng pag-aaral nito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Paano makakatulong ang Riserts Tsanel sa mga sumusunod: a. sa unibersidad, kolehiyo at kagawaran; b. sa mga mag-aaral at dalubguro; c. sa mga susunod na komunidad. 2. Gaano katotoo ang mga impormasyong inilalahad ng Riserts Tsanel upang makamit ang istandard ng kataasan (standard of excellency)?

PAHINA 4

3. Anu-anong dagdag na imbensyong teknolohikal ang maaaring idulog ng mga mananaliksik? Kahalagahan ng Pag-aaral Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil ito¶y makakatulong sa mga sumusunod: a. Mga Mag-aaral at dalubguro Higit itong makatutulong sa praktikal na presentasyon ng sa hinaharap. At higit sa lahat, nakikita ang aktwal na kagandahan at kamalian ng tesis o akademikong papel pampananaliksik, na magiging daan sa mabilisang transisyong teknolohikal. b. Sa mga Unibersidad, kolehiyo at Kagawaran Higit itong makatutulong sa pangangalap ng mga impormasyon na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Maaari rin itong makatulong sa pagkadagdag ng kanilang karunungan ukol sa Riserts Tsanel. c. Sa mga susunod na komunidad Maaari itong maging batayan ng kanilang mga riserts na gagawin pa lamang sa mga susunod na saling-aral. Maaari rin nila itong gamitin na kaugnay na pag-aaral kung kahalintulad lamang ng kanilang paksa ang mga paksang matutunghayan.

PAHINA 5

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Sinaklaw ng pag-aaral na ito ang alamin kung talaga bang epektibo ang Riserts Tsanel sa paghahanap ng tamang impormasyon. Bagamat ito ay isang pagsuring pag-aaral, nararapat na isinaalang-alang dito ang mga bagay na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng Riserts Tsanel. Kahulugan ng mga Katawagan Upang maging madali sa pagkaunawa ng mga babasa ang mga salitang ginamit, binigyang katuturan ang ilang mga salita ayon sa gamit nito. Binigyang halaga ang mga sumusunod na katawagan: Filipinolohiya. Sa hanay ng karunungang pangkadalubguruan ng Unibersidad ng Pilipinas (19--), binigyang pakahulugan ang Filipinolohiya na sa pangkalahatan, ito ay tumatalakay sa pagaaral ng Pilipinas. Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng Filipino sa kasaysayan, Filipino sa kultura, Filipino sa lipunan, Filipino sa buhay, Filipino sa pag-iisip, Filipino sa sikolohiya, Filipino sa pulitika at Filipino sa pamahalaan. Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Sa isinagawang pagaaral ng mga mananaliksik (1987), binigyang pakahulugan ang terminong CLL o ang Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika bilang isang kolehiyo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na

PAHINA 6

nagtuturo ng iba¶t ibang lenggwahe at linggwistika ng bansang Pilipinas, at ang pagiging pamilyar sa mga bagay-bagay na makakapagpabuti sa pagtuturo ng wika at pag-aaral ng wika. Riserts Tsanel. Inilahad ni G. Wellings (2006) na ang Riserts Tsanel ay isang teknolohiya na nagbibigay ng kaalaman sa pamamagitan ng mga bidyo ukol sa mga iba¶t ibang paksa na makakatulong sa pagpapaunlad ng buhay ng mga tao. Youtube. Matutunghayan sa Wikipedia (2004) na ang kahulugan ng Youtube ay isang pahina sa internet na nagbabahagi ng mga bidyo na nilikha ng dating tatlong empleyado ng PayPal noong Pebrero 2005, na kung saan ang mga gumagamit ay maaaring magbahagi at mag-upload, tumingin at ibahagi ang mga bidyo.

PAHINA 7

Kabanata II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Sa ginawang pananaliksik, natagpuang kakaunti lamang ang nagbalak na gumawa ng artikulo ukol sa Riserts Tsanel at karamihan lamang sa mga pag-aaral na ito ang pinagtuunan ng pansin. Sa mga nakalap na datos, karamihan ay sinasaad na ang Riserts Tsanel ay mas nakakaayang panoorin kaysa sa mga dokumento sa telebisyon. Isa pa sa mga pinagtuunan din ng pansin ay ang paggawa ng bidyo na maaring masabing halimbawa ng Riserts Tsanel na naglalayon sa mabilis na pagkatuto ng mga manunuod sa pamamaraan ng pagsasalita at pagtatalakay na tinukoy sa bidyo. Sapagkat sa pamamaraang ito, sa halip na magbabasa ay manonood at makikinig na lamang ang mga iba pang mananaliksik. Mga Kaugnay na Literatura Sa ginawang pagsasaliksik ni Deroest (2007), naging malaki ang kontribusyon ng Riserts Tsanel para sa mga naghahanap ng mga datos ng iba¶t ibang mga media presentators. Napagtagumpayan din nito na makagawa ng iba¶t ibang mga bidyo para naman sa akademikong komunidad ng mga mag-aaral. Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Kassover (2008), nang sumikat ang Riserts Tsanel, umabot sa dalawampung porsyento (20%) ng mga internet users ang nanunuod ng telebisyon on-line.

PAHINA 8

Karamihan dito ay ang mga palabas na kasalukuyan pa lamang kinukuha. Sa pag-aaral na ginawa ni O¶Bryant (2007), sinabi niya na ang Riserts Tsanel ay matagumpay na nakapamahagi ng kaalaman at mga likas na riserts sa mga iba¶t ibang institusyon sa iba¶t ibang bahagi ng mundo. Nilalayon nila sa ngayon na lalo pang mapaunlad ang kanilang naisagawang pag-aaral. Tinuran ni Philipson (2007) sa kanyang komento sa isang magazine na ang Riserts Tsanel ay mas nakakaayang panoorin kaysa sa mga telebisyon sa bahay. Tinuran din niya na ang Riserts Tsanel ay isa sa mga magagandang naiambag sa larangan ng broadcasting. Ayon sa isang pahayag ni Yang (2006), ang Riserts Tsanel, kasama iba¶t ibang teknolohiya, ay naglalayong matulungan ang mga manunuod sa iba¶t ibang bahagi ng mundo upang magkalapitlapit at magkaroon din ito ng kontribusyon sa larangan ng riserts. Mga Kaugnay na Pag-aaral Sinabi ni Belmonte (2011) sa dyaryong ³Manila Bulletin´ na ang Youtube, kung saan ay isang pag-aari ng Google, ay mga gawi

ng bidyo ng mga Pilipino sa dahilan na sila ay sumali sa inilunsad na naisalokal na serbisyo. Ayon sa isang palabas ng

PAHINA 9

"Unang Hirit," noong Oktubre 14, dito sa Pilipinas ay may pinakamaraming bilang ng mga rehistradong gumagamit ng YouTube na halos 30 milyong sa rehiyong Southeast Asian. Tinalakay ni Ramos (2011) na ang YouTube ay matagumpay na nakapagpasikat, lalo na sina Justin Bieber, Charice Pempengco at Arnel Pineda sa ginawa nilang marka para sa bansa sa pamamagitan ng kanilang talento. Sinabi din niya na mas marami ngayon ang dumadating na mga papasikat pa lamang, at ang bawat isa ay sabik na maipakita ang kanilang mga talento sa pamamagitan ng parehong platform at sa mas marami pang mga paraan. Winika naman ni Sabroso (2010), isang dating estudyante ng UP Diliman, na pinili ng grupo nila ang Youtube bilang instrumento sa pagpapahayag ng kanilang mga layunin at saloobin para makabahagi sa Global Warming. Naging maganda ang resulta sapagkat ito¶y maaaring mapanuod sa iba¶t ibang bahagi ng mundo, sa tulong ni Dr. Melinda Bandalaria, faculty member-in-charge ng DEVCOM 208. Tinuran sa pagsasaliksik nila Alvaran (2009) na ang Youtube ay nagdudulot ng mga iba¶t ibang epekto sa mga manunuod nito. Sila ay nagpokus sa mga negatibong epekto nito, at ang mga halimbawa nalamang nito ay ang pagkakaroon iba¶t ibang uri ng sakit sa matagalang panunuod ng mga bidyo at nagkakaroon din ng mga problema sa akademikong kakayahan sa eskwelahan.

PAHINA 10

Winika naman sa pag-aaral nila Roxas (2009) na ang Youtube ay malaki ang naiambag sa akademikong pag-aaral ng mga estudyante. Nagagamit nila ang Youtube sa paghahanap ng mga impormasyon para sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral, halimbawa na lamang ang paggawa ng iba¶t ibang mga eksperimento kagaya na lamang sa pagluluto. Balangkas Teoritikal Nakatuon ang pag-aaral na ito sa teoritikong pananaw sa maitutulong ng Riserts Tsanel para sa mga estudyante, dalubguruan, at mga mananaliksik hindi lamang sa Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika, pati na rin sa iba pang mga kolehiyo.

PAHINA 11

Figura 1 Modelo ng Daloy ng Pag-aaral RISERTS TSANEL

KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA

RISERTS AT IMBENSYON

FILIPINOLOHIYA

INGLES

DALUBGURO

MAG-AARAL

MGA PANANALIKSIK

KOMUNIDAD

IMBENSYON

ISTANDARD NG KATAASAN

Sinikap ng mga mananaliksik na maibahagi ang mga magagandang artikulo sa pamamagitan lamang ng isang Riserts Tsanel.

PAHINA 12

Hipotesis Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa mga sumusunod na mga palagay: 1. Malaki ang magiging epekto nito sa pag-aaral ng mga estudyante ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. 2. Isa itong epektibong instrumento para makahanap ng tamang impormasyon sa pamamagitan lamang ng panunuod ng mga bidyo. 3. Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at mga dalubguro. 4. Mas mapapabilis pa nito ang pananaliksik ng mga dalubguro sa kanilang gagawing riserts. 5. Matutulungan nito ang mga dalubguro na mas mapadali pa ang kanilang pagtuturo sa mga estudyante. 6. Mapapaunlad nito ang interes ng mga mag-aaral sa kanilang pananaliksik dahil sa paggamit ng teknolohiya. 7. Maipapakita nito na kahit limitado ang natuklasan ay mailalahad pa rin ang kabuuan nito sa pananaliksik. 8. Madali nitong maipapakita ang antas ng bilang o bahagdan sa pananaliksik kung ito man ay may pagkakatulad at pagkakaiba. 9. Magiging batayan ito ng mga impormasyong makakalap.

PAHINA 13

10. Magiging tulay ito sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at mga impormasyong may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay. 11. Makakatulong ito sa paghahanap ng mga pinanggalingan ng mas malawak na impormasyon. 12. Matutulungan nitong mapaikli ang mga datos na lubhang mahaba sa pagiging maikli ngunit detalyadong paraan. 13. Makakatulong ito na maging batayan ng mga impormasyohng makakalap. 14. Ang imbensyong nagawa ay maaaring maabot ang mga pangangailangan upang makamtan nito ang istandard ng kataasan. 15. Ang imbensyong nagawa ay magiging isang paraan para makagawa pa ng mga susunod sa saling-aral na kahalintulad ng sa isang Riserts Tsanel.

PAHINA 14

Kabanata III PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK Sa bahaging ito inilahad ang mga pamamaraan at metodong ginamit ng mga mananaliksik sa pagsasakatuparang magawa ang isang Riserts Tsanel gamit ang Youtube at mailagay ito sa pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik at ang mga hakbang sa pagsasagawa nito. Paraan ng Pananaliksik Upang maisagawa ang paglalagay ng Riserts Tsanel sa pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika, ginamit sa pag-aaral na ito ang eksperimental na metodo. Tinuran ni Cruz(1992) na ang eksperimental na metodo ay naghahangad na makita kung ³ano ang kalalabasan´ kapag ang mga datos na nakalap ay nakuha sa isang kontroladong kondisyon. Sa pagsusuring ito makikita kung paano nagawa ang isang Riserts Tsanel at ipinaliwanag dito ang mga hakbang kung paano naisagawa ang pag-uugnay ng Riserts Tsanel sa tulong ng Youtube at ang pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Instrumento Sa ginawang pagsusuri ng mga mananaliksik, may mga nakahanda nang mga impormasyon o mga artikulo at mga programa sa kompyuter at gagamitin ang mga ito sa pagsasakatuparang magawa

PAHINA 15

ang pag-uugnay ng Riserts Tsanel at ang pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Paraan ng Pagsasagawa Ginamit sa pananaliksik ang mga sumusunod na mga paraan: 1. Naghanap ng iba¶t ibang mga artikulo ukol sa iba¶t ibang dimension sa wika ng bansa. Ang mga dimension na ito ay ang dimensyong cultural, sosyal, teknolohikal, politikal at ekonomikal. 2. Mula sa mga nakalap na artikulo, bumuo ang mga mananaliksik ng iba¶t ibang konsepto na maaaring maging sentro ng pananaliksik. 3. Mula sa dalubguro, ibinahagi ang iba¶t ibang mga Riserts Topic at napili ang paggawa ng Riserts Tsanel at mailagay ito sa pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. 4. Nagbasa ng mga artikulo, tesis at proyekto ng iba pang mga mananaliksik kaugnay sa paksang napili. Nangalap din ng mga impormasyon sa internet. 5. Komunsulta sa iba¶t ibang pahina ng mga naglalakihang unibersidad na mayroon at nagsasagawa din ng mga Riserts Tsanel. 6. Sinuring mabuti at tinala ang mga impormasyong nakalap ukol sa pagsasagawa at mga layunin ng isang Riserts Tsanel at

PAHINA 16

binigyang linaw ito sa pagkakaiba ng iba pang mga paraan ng pagbabahagi ng impormasyon. 7. Nanuod ng mga bidyo na halimbawa ng Riserts Tsanel at mga kaugnay na halimbawa katulad ng sa Youtube Tsanel. 8. Paulit-ulit na binasa at sinuri ang mga nakalap na impormasyon at pinag-aralan din ang mga pag-aaral ukol sa paksa. 9. Itinala ang mga akda sa mga nakalap na datos at sinimulan ang paghahanda ng mga gagamitin sa paggawa ng isang Riserts Tsanel. 10. Gumawa ng sariling imbensyon sa mga pampraktikal na pagsasabuhay ng isang Riserts Tsanel. Matutunghayan sa mga susunod na hakbang ang proseso ng pagsasagawa ng Riserts Tsanel. 11. PROSESO SA PAGSASAGAWA NG ISANG RISERTS TSANEL

20. 21. Matapos maisagawa ang lahat, sinuring panglinggwistika ang mga datos at ang nagawang bidyo. 22. Matapos suriin, handa nang sagutin ang mga tiyak na katanungang pang-akademiko gamit ang naisagawang pagsusuri sa

PAHINA 17

mga datos at ang nagawang bidyo bilang batayan sa pagtuklas sa suliranin.

PAHINA 18

Kabanata IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT EBALWASYON NG MGA DATOS Sa kabanatang ito inilahad at sinuri ang epekto ng Riserts Tsanel sa mga manunuod, magawa ang isang Riserts Tsanel gamit ang Youtube at mailagay ito sa pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Layunin ng pag-aaral na ito na makagawa ng pagsusuri upang malaman kung isa nga bang epektibong instrumento ang Riserts Tsanel sa paghahanap ng tamang impormasyon. Matatagpuan din sa kabanatang ito ang linggwistikang sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan o suliranin: 1. Paano makakatulong ang Riserts Tsanel sa mga sumusunod: a. sa unibersidad, kolehiyo at kagawaran, b. sa mga mag-aaral at dalubguro, at c. sa mga susunod na saling-aral pang mag-aaral. 2. Gaano katotoo ang mga impormasyong inilalahad ng Riserts Tsanel upang makamit ang istandard ng kataasan (standard of excellency)? 3. Anu-anong dagdag na imbensyong teknolohikal ang maaaring idulog ng mga mananaliksik?

PAHINA 19

TALAHANAYAN I PAGSASABUHAY NG ISANG RISERTS TSANEL

Ipinapakita sa talahanayan I ang halimbawang imbensyon o ang pagsasabuhay ng isang Riserts Tsanel. Ang imbensyong ito ay nagpapakita ng tamang pagsulat sa alpabeto ng Pilipino. Kasama na rin ang proseso at ang mga dagdag na letra sa alpabetikong Pilipino. Matapos magawa ang bidyo ay binigyang pansin naman ang pagsasakatuparang mailagay ito sa pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika.

TALAHANAYAN II ANG RISERTS TSANEL AT ANG MGA NAGING RESULTA NITO

(KASALUKUYANG PINAG-IISIPAN)

PAHINA 20

TALAHANAYAN III ANG RISERTS TSANEL AT ANG BATAYAN NG ISTANDARD NG KATAASAN (STANDARD OF EXCELLENCY)

(KASALUKUYANG PINAGIISIAPN)

PAHINA 21

Kabanata V BUOD NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Inilahad ng huling kabanatang ito ang tungkol sa buod, kongklusyon at mga rekomendasyon ng pag-aaral. BUOD Ang isinagawang na ito ay umiikot sa maaaring maging epekto ng isang Riserts Tsanel para sa mga manunuod nito, lalo na sa mga estudyante at daubguruan ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika, pati na rin sa mga susunod na saling-aral na may kaugnayan sa nasabing paksa. Nilalayon din ng pag-aaral na ito ang madagdagan ang mga impormasyon at makapagbahagi ng imbensyon na nakakatulong sa pagpapa-unlad ng kaisipan ng isang tao. Matutunghayan sa Talahanayan I sa Kabanata IV ang naisagawang Riserts Tsanel at kung paano ito maiuugnay sa pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Sa Talahanayan II naman matatagpuan ang mga posibleng maging epekto nito batay sa isinagawang masinsinang pagsusuri sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik. At sa Talahanayan III naman ipinakita ang mga nagging batayan ng istandard ng kataasan (standard of excellency) para mapatunayang ang mga impormasyon sa Riserts Tsanel ay garantisadong pawang tiyak at totoo.

PAHINA 22

KONGKLUSYON Pagkatapos ng masinsinan at maingat na pagtalakay at pagsuri sa mga impormasyong nakalap, inilahad ang mga sumusunod na kongklusyon: 1. Makaktulong ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod: a. Sa unibersidad, kolehiyo at mga kagawaran, ang Riserts Tsanel na ito ay higit na makakatulong sa pagpapalabas ng aktwal na presentasyon na maaaring magamit sa mga susunod na batayan. Ito rin ay makakatulong sa pagpapataas ng kanilang antas pangkolehiyo. b. Sa nga mag-aaral, at dalubguruan, ito¶y higit na makakatulong sa pagpapalawak ng kanilang kaisipan at ang pagbubukas ng kanilang diwa na makakatulong sa iba¶t ibang pangakademikong pag-aaral ng mga estudyante. Para sa dalubguruan, higit itong makakatulong bilang instrumento sa pagtuturo na maaaring makapagbigay ng kawilihan sa mga mag-aaral nito. c. Sa mga susunod na komunidad, higit itong makakatulong upang maging batayan ng mga tiyak na kasagutan sa kanilang mga katanungan sa isang Riserts Tsanel na maisasagawa pa lamang sa mga susunod na saling-aral. 2. Marami nang mga impormasyong inilahad ng Riserts Tsanel na nakamit ang sinasabing istandard ng kataasan (standard of

PAHINA 23

Excellency), bagamat ito ay dumaan na sa maraming paghuhusga at pagsusuring pang-akademiko, lalo na sa Youtube Tsanel. Isa sa mga dalubhasang sumusiri nito ay ang --------------------------at tiniyak pa nitong ang mga impormasyong inilalahad sa Riserts Tsanel ay maaaring mapanuod sa buong mundo o ang Global Audience. Ninanais din ng mga mananaliksik na ang ginawa nitong Riserts Tsanel ay makamit din ang ganitong karangalan. 3. Bagamat mga simpleng programa lamang ang ginamit sa pagbuo ng isang Riserts Tsanel, maaari din itong gawin ng mga susunod na komunidad bilang pagsasagawa na rin sa kanilang imbensyon kagaya ng Riserts Tsanel. Ang mga programang ito ay matutunghayan sa paraan ng pagsasagawa sa Kabanata III at maaari pa itong mapayabong at lubhang mapaganda. REKOMENDASYON Pagkatapos ng isinagawang pag-aaral at pagsusuri sa ikauunlad ng pananaliksik pang-akademiko, iminumungkahi ang mga sumusunod na rekomendasyon: 1. Nararapat lamang na ang mga datos na nakalap ay garantisadong tiyak at totoo sapagkat ang Global Audience ang maaaring makapanuod nito na magiging batayan ng kanilang pangakademikong pag-aaral at siguraduhing makakapasa ito sa istandard ng kataasan (standard of excellency).

PAHINA 24

2. Ang Riserts Tsanel, sapagkat ito¶y isang imbensyong teknolohikal ay dapat isinasaalang-alang pa rin ang mga maaaring negatibong epekto nito sa mga tao na maaaring makaapekto sa kani-kanilang kalusugan kagaya na lamang ng panunuod nito ng sobrang pangmatagalan na makakapagdulot sa panlalabo ng mga mata. 3. Ang natuklasan ay maaaring gamitin ng mga mag-aaral at muling isagawa ito sa pag-aaral sa napiling paksa upang mapatunayan at mapalawak ang natuklasan.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->