You are on page 1of 15

MGA LIHAM NI RIZAL SA KANYANG PAMILYA

UNANG SULAT NI RIZAL SA KANYANG PAMILYA


- Sinulat noong November 26, 1884. Isinulat ni Rizal pagkaraang makapagtapos ng kanyang pa-aaral sa Spain. Pagkaraang makuha ang degree na licenciado en filosofia y artes, siya ay pumasok sa kwalipikasyon upang maging professor ng Humanidad sa alin mang Spanish University. Makaraang makuha ang degree na licenciado en medicina Siya ang naging isang ganap na physician ngunit hindi na nya inabalang pang kumuha ng post-graduate degree bilang isang Doktor ng Medisina dahil ito ay maganda lamang sa pagtuturo.

LIHAM NI RIZAL SA MAGULANG


- Isinulat noong January 1, 1886 Ito ang mga panahon na si Rizal ay nagtratrabaho na bilang katulong ni Dr. Louis de Weckert (1852-1906) , isang Pransiskanong Optalmolohista. Sinabi ni Rizal sa sulat na kung pagdating sa pagaaral ng mga karamdaman sa mata ay maganda ang kanyang ipinapakita. Sinabi din niyang alam na niya ang kung pano ang lahat ng klase ng operasyon sa mata at kinakailangan nalang niyang alamin ang mga nangyayari sa loob ng mata na nangangailangan ng masmaraming pag-aaral at pagsasanay.

UNANG LIHAM NI RIZAL SA KANYANG KAPATID NA SI TRINIDAD


- Isinulat ni Rizal mula sa Germany noong ika-11 ng Marso taong 1886. Isinasaad sa liham na ito ni Rizal sa kanyang kapatid ang kanyang pagkabighani sa kaugalian ng mga babaeng Aleman. Sinabi ni Rizal na sila ay edukada, palakaibigan at masigasig. Hindi sila basag-urelo at mahilig sa chismisan katulad ng mga babaeng espanyol. Dinagdag pa ni Rizal na hindi sila partikular sa mga magagandang damit at mamahaling alahas.

IKALAWANG LIHAM KAY TRINING


- Isinulat ni Rizal mula Hongkong noong ika-16 ng Pebrero taong 1888 Naglalaman ng ilang mahahalagang payong nais ipabatis ni Rizal sa kanyang babaeng kapatid. Ipinahayag ni Rizal ang kahalagahan ng karunungan. Para kay Rizal ang kamangmangay kaalipinan. Sinabi din ni Rizal na hindi ang pagdakila at pagsunod sa mga hiling ng nagdidiyos-diyosan (mga prayle) ang tunay na kabaitan kung hindi ang pagsunod sa katapatan at tuwid.

LIHAM NI RIZAL SA KANYANG PAMILYA


- Isinulat Paris noong ika-21 ng Setyembre taong 1889 Binangit ni Rizal na silang mga Pilipino ay nagkikita apat na beses sa loob ng isang linggo. Tuwing Miyerkules, nasa bahay sila ni Donya Tula; tuwing Huwebes sa bahay ng mga Hidalgo; tuwing Biyernes sa bahay ng mga Luna; at tuwing Linggo sa bahay ni Donya Juliana. Sinabi ni Rizal na sa tuwing sila ay nagkikita sila ay kumakanta ng Kundiman, kumakain ng sotanghon, adobo at ia pa.

LIHAM NI RIZAL SA KAPATID NA SI SOLEDAD


- Isinulat mula sa Brussels noong ika-6 ng Hunyo taong 1890 Ang liham na ito ay tugon sa sulat na nagmula sa Pilipinas. Ito ay naglalaman ng masamang balita na patungkol sa suliraning pangagraryo sa Calamba na lumalala. Sinasabing ang mga inusig naman si Paciano at ang mga bayaw ni Rizal na sina Antonio Lopez at Silvestre Ubaldo ay ipinatapon sa Mindoro at si Manuel T. Hidalgo naman ay ipinatapon sa Bohol. Naging malungkot ang tugon ni Rizal at isinaad sa liham ang pagamin ni Rizal na sya ang naging dahilan ng pananalit sa pamilya. Sinabi din niya na ang magupo nang nakataas ang noo ay hindi masasabing pagkagupo, ito ay tagumpay. Sinaaad din niya na ang anumang sabihin ng kaaway ay hindi magpapababa sa kanyang katauhan.

LIHAM NI RIZAL SA KANYANG MAGULANG


- Isinulat mula sa Hongkong noong Disyembre 1, 1891 Sinulatan niya ang kanyang mga magulang upang humingi ng permisong makauwi. Nang araw ding iyon, sinulatan siya ng ng kanyang bayaw na si Manuel Hidalgo upang ibalita ang deportasyong 25 katao sa Calamba, kasama na ang kanayng ama, sina Neneng, Sisa, Lucia, Paciano at lahat sila.

IKATATLONG LIHAM KAY TRINING


- Isinulat mula sa Dapitan noong ika-27 ng Agosto taong 1895 Ito ay isang kasagutan sa isang liham ng kanyang kapatid na si Trinidad. Bagamat hindi matagpuan ang sulat ng kapatid para kay Rizal, mahihinuha na ang nilalaman ng liham ay patungkol sa pagnanais ni Trinidad na magbukos, bagay na hindi karaniwan noong panahon na iyon higit sa mga babaeng wala pang asawa. Makikita rito ang konserbatibong pagtingin sa kababaihan, pagbibigay proteksyon sa babae at ang pagsasama-sama ng pamilya.

You might also like