You are on page 1of 60

ALAMAT NG BAWANG Mapag- aruga at mapag- mahal na ina si Uganda.

Hinahangaan siya ng lahat sa pagsisikap na mapalaking mabait ang kaisa- isang anak na si Kulala. Ulila na sa ama si Kulala. Bata pa siya nang matuklaw ng ahas sabundok ang kanyang ama. Totoong mahirap lumaking walang ama.Para kay Kulala, hindi buo ang pamilya nila kung patay na ang isa sa mga magulang niya. Noong una ay hirap din si Uganda. Ina lang sana ang papel na ginagampanan niya. Nang namatay ang kanyang asawa, siya na ang ina, siya pa rin ang naging ama. Pero kahit nag- iisa na siya ay hindi na niya naisip na mag- asawa. Pinagsikapan niyang palakihin samabuting asal si Kulala. Sa sobrang hirap na dinadanas, may ambisyon ding gustong maipakamit ni Uganda sa anak. Nais niyang makapag- asawa ito ng mayaman upang mailayo sa karalitaang kanilang nararanasan. Sa pakiwari ni Uganda, marapat lamang na bumuti ang buhay ni Kulala. May kasabihang ang kagandahan at kabaitan ay maaaring maging kasangkapan upang makapamili ng kakasamahin sa buhay. Kung maganda ang isang dalaga maaring makapag- asawa siya ng binatang may sapat na karangalan at sapat ding kayamanan. Ito ang naging pamantayan ni Uganda para sa anak. Ang kagandahan ni Kulala ay lalong napag- usapan nang magdadalaga na siya. Makinis ang kutis at balinkinitan ang katawan niya. May mabibilog at nangungusap ang mga mata niya. Ang mga labi niya kahit di kulayan ay sariwang rosas ang katulad. Ang tinig niya ay may lambing na dala lalot kapag siya ay nagtatampo na. Sapagkat marunong makipag- kapwa tao kaya siya ay kaibigan ng mga bata at matatanda. Mahirap at mayaman ay pantay- pantay langsa kanya. Mabuti mang tao o masama ay pakikiharapan niya. Wala siyang pinipili. Para sa kanya ang pagpapakatao ay isang mabuting pag- uugali at sapagkat tayong lahat ay galing sa isang tipak na lupa, mauuwi rind aw tayo sa pinanggalingang lupa ni Bathala. Hanga si Uganda sa paniniwalang ito ni Kulala. Pero kahit na lahat ay pinakikiharapan ng anak, nangangarap pa rin ang ina n asana ay mayaman at makapangyarihang binata ang mapapangasawa ng kaniyang magandang dalaga. May sariling puso at isip si Kulala. Totoong maraming naghahain ng pag- ibig sa kaniya pero wala pa siyang napipili kahit isa. Upang matawag ang pansin ni Kulala, lahat ng manliligaw niya ay nagpapakiramdam at nagpapayabangan, mapaniwala lamang ang dalaga sa inihahain nilang pagmamahal. Sa kasamaang palad, lagi at laging sinasamang palad ang lahat ng mangingibig na nagpapasikatan. Nariyan si Hashim na buong giting na nagmamalaking kukunin niya sa ilalim ng karagatan ang pinakamalaking perlas na iaalay niya sa paanan ng minamahal. Madaling araw pa lamang ay mayabang naitong lumusong sa tubig at sumisid na parang barakuda sa kailaliman. Pero sinamang palad, nabagok ang ulo sa nakausling bato sa ilalim ng dagat na ikinamatay niya kaagad.

Nanginginig sa takot ang buong katawan ni Kulala nang dalhin sa tahanan nila ang lumaymay na katawan ng mangingibig. Nasundan ito ng adbenturerong si Perot na sa pagnanais na mabigyan ng tuwa si Kulala ay mayabang na lumusong sa ilug- ilugan na kinaroroonan ng pinakamabangis na buwayang kinatatakutan ng mga kalalakihan. Nawakwak nga niya ang tiyan ng pinakadiyus- diyosan ng mga buwaya subalit nahagip ang dibdib niya ng matatalim na mga ngipin ng damulag. Pinapanghina siya sa sobrang dugong umagos sa hapong katawan. Una siyang nalagutan ng hininga bago tuluyang namatay ang diyablo. Napaurong si Kulala sa takot nang dalhin sa kanilang bahay ang bangkay ng nagmamahal na mangingibig. Namatay ang binata sapagnanais na mapasagot ang kagandahang pinag- aagawan ng kabinataan. Naisip ni Uganda na panahon na upang siya na ina ni Kulala ay siyang pumili ng mapapangasawa ng anak niya. Sa mga anak ng datu, dalawa ang masusugid na mangingibig ni Kulala. Nariyan si Arturo na anak ni Datu Basti at nariyan si Madur na anak ni Datu Tawilis. Sapagkat kayamanan ang tanging pamantayanni Uganda, binuo niya sa sariling matira ang matibay ang dapat na paglalabanan ng dalawa. Minsang nagkasabay sa panliligaw ang dalawa ay naparunggitan sila sa isat isa. Nagkapikunan at nagkainisan hanggang sa nagbunutan ng sandata. Sapagkat kapwa gusto nilang makamit ang kagandahan pinag- aawayan, ang pakikipaglaban na nagawi sa magkaibigan ay nauwi sa dalawang kaluluwang naging bangkay. Humahagulgol si Kulala sa sinapit ng dalawang mangingibig. Punong- puno ng kalungkutan ang katauhan niya. Lalong nangamba ang dalaga nang sunud- sunodpang naglaban ang marami pang mangingibig nahanding mag- alay ng buhay mapagwagian lamang ang kaniyang pagmamahal. Sa dami ng dugong dumanak ay lito ang isip na tinalunton ni Kulala ang daan patungo sa ituktok ng bundok. Bathala ng Kabundukan! nakalahad ang mga kamay na sigaw ni Kulala, Kunin nap o ninyo ako sa daigdig na kinaroroonan ko! Hirapna hirap nap o ako, ang kalooban kong maging instrumento upang pag- aawayan ng mga mangingibig ko. Marami na pong dugong dumanak sa mga sakim na nagnanasang maangkin ako ng mga pagmamahal na lubhang makasarili at materyoso. Kunin na po ninyo ako. Maawa nap o kayo! Pagmamakaawa ng lumuluhang dalaga na hindi nakadama ng pag- ibig na nakauunawa at sagrado. Ilang sandali lamang ay dumilim ang kalangitan sa bumuhos na ulan. Nagsalubungan ang matatalim na kidlat at dagundong ng kulog sa kabundukan. Ang hapong katawan ni Kulala ay bangkay na napalugmok sa ituktok ng bundok. Nang sumikat ang araw ay natagpuan ng mga tao si Kulala na bagamat wala nang buhay ay may mga ngiti sa labi sa katuwaan. Niyapos ni Uganda ang bangkay ng anak. Alam niyang ginusto niKulalang lisanin ang daigdig. Maligaya si Kulala sa kinaroonan ni Bathala. Sa tuktok ng bundok ipinalibing ni Uganda ang bangkay ng anak.

Lagi niya itong dinadalaw hanggang isang araw ay may halamang tumubo dito. Inalagaan niya ang halaman. Nang magbunga ay napansin niyang kahawig ito ng mapuputing ngipin ni Kulala. Tumingala sa langit si Uganda at malinaw na narinig ang tinig ni Bathala. Nasa kaharian ko na si Kulala at masayang- masaya. Ang halamang iyan ay magpapaalaala sa iyo sa mapuputing ngipin ng anak mo. Alagaan mo at ipakilala sa mga tao. Kumuha ng mga bunga ng halaman si Uganda at ipinatanim sa mga kapitbahay niya. Magmula noon ang mapuputing ngipin ni Kulala ay nakilala bilang rekado sa mga lutuing bahay na tinatawag ngayon bilang Bawang. ALAMAT NG ASO

Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan. Ang ama; si Roque ay mabait at mapagkalinga sakanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain. Samantalang ang ina naman; si Magda siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sna Maria at Jose. Minsan, nagulat ang pamilya sapagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ang pamilya. At sa paaglipas ng panahon, nagging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso. Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, nagging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid. Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain. Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa't isa. At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar. Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose. "Ina, huwag mo po kaming iwan!" ang iyak ni Maria. "Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak ni Jose. Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog.

Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso. Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Jose upang humabol. Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata. Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama. Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama. Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin. "Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop," ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog. Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig. "Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak," at nawala na ang diwata pagkawika niyon. Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig. At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan. At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo. Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito samga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata. Ang mga inahing asonaman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak. Kaya't maging maingat tayong makasakit ng iban tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hndi marunon magmahal na tulad ni Magda. ALAMAT NG PALAY

Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Sila ay maligaya roon. Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay nalungkot. Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila'y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila'y nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang. Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila'y nagpunta sa yungib. Dito ay napakarami pala ang engkantada. Sila'y may reyna. Sila'y nagsaya noon, nag-awitan, at nagsayaw. Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain. Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Sila'y pinainom ng puting alak at sila'y at nagging matalino. Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, " Kayo'y bibigyan ko ng butyl. Ito'y itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo aymabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga." "Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butyl ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo." Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig. ALAMAT NG BAHAG- HARI Maraming tao ang nagtataka at humahanga sa magagandang kulay ngbahaghari. Subalit hindi nila matiyak ang totoong pinagmulan nito.Sabi ng mga matatanda na tuwing lalabas ang bahaghari, nagbibgayito ng pahiwatig sa tao. Makalipas ang ilang libong taon, maramingnilikha ang naghahari sa kalupaan. Ang pamumuhay nila ay nagingmasaya at ang bawat isa ay nagmamahalan. Lumipas ang ilang taon, naiba ang takbo ng kanilang buhay. Nagingmakasalanan at gumulo ang mga tao . Naghari ang kasamaan, iilanlamang sa kanila ang naging mabubuting tao. Ang Dakilang lumikhaay hind i na natiis ang nangyayari sa mundo. Isang araw nagpadala itong sugo para iparating sa mga tao na mags isi na sila sa kanilang mgakasalanan at magbago. Hindi pinakinggan ng mga tao ang sugo na ipinadala, sa halip aypinagtawanan at sinaktan pa ito. Ang Da kilang lumikha ay nagalit samga tao dahil sa kanilang kalapastanganan. Pinarusahan ng Dakilang lumikha ang mga tao. Nagdilim angkalangitan at bumuhos ang napakalakas na ulan. Kayat bumaha angbuong kapaligiran. Ang lahat ng masasamang taoy nangamatay atang mga mab

ubuti na nakinig sa sugo lamang ang nakaligtas atnaiwan. Nang tumigil na ang malakas na ulan at humupa na ang bahaay muling umaliwalas ang langit. Mula sa la ngit ay natanaw nila namay isang arko ang lumitaw at nagtataglay ito ng ibat ibang mgamagagandang k ulay. Nagdasal ang mga mabubuting tao at tunay nanananalig sa Dakilang lumikha. At ang arkong may ibat ibang kulayay tinawag na Bahaghari. At hanggang ngayon ay makikita natinlu malabas ang Bahaghari matapos umulan ng malakas. Marahilpaalala ito ng Diyos na kung tuluyang magiging makasalanan a ng mgataoy muling malilipol ang mga masasama. ALAMAT NG NIYOG

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak. Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: "Sino na ang magapakain sa amin?" tanong ng pinakamatandang anak. "Sino "Sino na na ang ang mag-aalaga maglalaba n sa gating amin?" damit?" tanong tanong ng ng ikalawang ikatlong anak. anak.

Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya'y maganda at maputi. "Huwag na kayong umiyak," sabi niya. "Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw. Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila. Sumunod sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang libing araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na tumubo. Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito. "Marahil aakyatin ko na lamang itong puno," sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyak at pumitas ng bunga. "Mga ulo ninyo," ang sigaw niyang babala sa itaas. "Ibabagsak ko ito at buksan ninyo." Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.

"Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig," sabi nila. Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay: "Ang puti at kay sarap naman ng lasa ng bungang ito," ang wika ng ikaapat na anak.

Naghulog

pa

ng

maraming

bunga

ang

batang

umakyak

sa

itaas

ng

puno.

Nagkainan at nag-inuman at ngayon nakita nila na di nga sila magugutom pang muli. Ang mga bungang iyon ay kauna-unahang niyog ditto sa daigdig.

ALAMAT NG MATSING Sa mayamang kaharian, noong unang panahon, ay may isang prinsesang ubod ng ganda. Siya ai si Prinsesa Amapela na ang lahat ay humahanga sa taglay na kagandahan. Ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod ng sungit at suplada. Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang sarili. "Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa palasyo!" ang palding sigaw nito sa tuwing makakakita ng pangit sa palasyo. Dahil sa prinsesa, ang lahat lamang ng magaganda ang nakakapasok at nakakapagtrabaho sa loob ng palasyo. At ang mga pangit ay itinaboy sa labas upang maging mga alipin at manggagawa. Sa paglipas ng panahon, dumating ang takdang araw sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. At naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang maraming maharlikang tao buhat sa ibaaa't ibang kaharian. Nagsidating din ang maraming makikisig na prinsipe, upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang mapangasawa ng ng prinsesa. Di nagtagal, nagsimjula ng mamilii si Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. Ang lahat ng prrinsipe ay tumayo sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa sa mga prinsipe ang nagustuhan ng prinsesa, at ito'y si Prinsipe Algori. Si Prinsipe Algori ay isang napakasipag na prrinsipe, na animo Adonis na namumukod tangi sa lahat ng naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa Amapela ang makisig na prinsipe, ay may nakita siya na napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa likuran nito. Hindi napigilan ng prinsesa ang sarili. "Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at magbalik ka na sa kwebang pinanggalingan mo!" ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa nasal ng prinsesa. "Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa," ang agad na idinugtong nito sabay turo kay Prinsipe Algori. Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa ng nag-alisan ang mga nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang pangit na prinsipe. "Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!" ang muling bulyaw ng prinsesa na tila nandidiri. Malumanay na nagsalita ang prinsipeng pangit, Hindi ako manghihinayang sa isang tulad mo. Kung ano

ang ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng iyong ugali," ang wika nito. Bigla ay nagbago ang anyo ng prinsipeng pangit. Ito ay nagging isang napakakisig na lalaki, higit kay Prinsipe Algori. Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na prinsipe ay ang "Diyos pala ng Kakisigan." Bumababa ang isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang "Diyos na Kakisigan," at tuluyan nang lumisan. Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat, nanghnayang nang husto si Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata. Agad na ikinasal ng hari sina Prinsesa Amapela at Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang kasal, ganun na lamang ang gulat ng lahat. Ngayong mag-aswa na tayo kailangan mong sumama sa aking kaharian, "ang wika ni Prinsipe Algori. "Anong ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ng prinsesa. Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng puno ng balahibo ang buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa't bigla na lang nabago ang anyo ni Prinsesa A mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong katawan, at nagkaroon pa ng buntot. Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na,.Dinala na si Prinsesa Amapela sa kagubatan ni Prinsipe Algori, na siya palang "Diyos ng mga hayop sagubat." At si Prinsesa Amapela ang kauna-unahang matsing sa kagubatan. Ito ang nagging parrusa ng kanyang pagiging suplada at mapagmataas. Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo, dahil ang higit na mahalaga ay ang tunay na pagkatao at pag-uugali. ANG ALAMAT NG BAYABAS Bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila sa Pilipinas ay mayisang sultan na ubod ng lupit at hindi kumikilala ng katarungan. Siyasi Sultan Barabas. Lubha siyang kinatatakutan ng mag nasasakupandahil sa kanyang kalupitan. Ang salita ni Sultan Barabas ay batas. Wala siyang iginagalang sakanyang pagpaparusa. Matanda at bata , lalaki at babae aypinarurusahan niya. Mabigat ang parusang ipinapataw niya sa mganakagagawa ng ka hit maliit na kasalanan. Mabibigat na parusa agad ang kanyang iginagawad. Iyon ay upangmagkaroon dawn g kadalaan at hindi na umulit pa ang mga taongnagkasala. Arawaraw ay nabibihisan siya ng magagara at mamahaling damit.Tuwina ay nakalagay sa kanyang ulo ang gi ntong koronang ipinasadyapa niya sa malayong bayan. Ang koronang iyon ay isinusuot niya saanmang m agpunta. Iyon ay pagpapakita ng kanyang kapangyarihan atpagiging mataas sa lahat.

Saganangsagana din siya sa masasarap na pagkain. Gayunman ayubod naman siya ng damot. Walang pulubi ang n akahihingi sa kanyang tulong o kahit konting pagkain. Hindi katakataka na ang kanyangmalawak na hardin na may tanim ng ibat ibang punong namumungaay hindi niya hinahayaang mapasok ninuman. Siya lamang at ang mag aliping tagapitas ng mga bungangkahoy angnakakapasok doon. Mas mabuti pa s a kanya ang mabulok ang mgabunga ng puno kaysa ipakain sa iba. Isang araw ay may isang mangingisda ang ipinadakip ng sultan sakanyang mga tauhan. Ang dahilan ay masyado itong g inabi sapangingisda. Walang awa niyang ipinakulong ang pobrengmangingisda. Iniutos pa niyang pahirap an ito upang magtanda. Nakarating sa asawa ng mangingisda ang nangyari. Agad nagtungoang babae sa kaharian ng sultan kahit malalim na ang gabi. Angasawang ito ng mangingisda ay mahusay gumawa ng isdang daing. Itoang nagd adaing ng mga isdang nahuhuli ng asawa. Walang takot na nagtuloy sa palasyo ang magdadaing. Kinatok nitoang natutulog na sultan. Dahil naabal a sa tulog ay galit na galit nabumangon ang sultan. Nang malaman nito kung sino ang umabala sapagtulog at kung ano ang sadya nito ay lalo siyang nagalit. Sa halip na maawa sa babae ay ipinakulong niya ito. Naisip niyangmakakain na ang masarap na daing da hil pahuhulihin niya ng isda angasawa nito at ipadadaing naman niya sa babae. Masaya na rin sana ang magasawa kahit pareho silang nakakulong.Magkasama naman silang dalawa. Kaya lang ay aalala sila parasa anak na binatilyo na naiwang mag- isa sa bahay nila. Alam nilangwalang magaasikaso sa mga pangangailangan nito kung wala silangdalawa.

nag-

Ang hindi nila alam ay inaalagaan ng mga diwata sa gubat angkanilang anak. Ang mga ito ang nagbibiga y ng pagkain sa binatilyo saaraw- araw. Isang araw, naisipan ng binatilyo na puntahan si Sultan Barabas. Ibigniyang hilingin ditto na palayain na ang ina at ama. Sinamahan siyang mga diwata sa pagtungo sa palasyo. Nang magkaharap ang dalawa ay tahasang nagsalita ang binatilyo.Sinabi nito na dapat siyang bigyan ng sultan ng pagkain dahil angkinakain nito ay ang isdang pinaghirapang hulihin ng kanyang ama atidinaing ng kanyang ina. Hindi pumayag si Sultan Barabas. Sa halip ay nagtawa lang ito. Sagalit ng binatilyo ay bigla nitong inaga w ang suot na korona ng sultan at saka nagtatakbo. Humabol sa lalaki ang sultan. Nakarating sila samalawak nitong hardin. Hindi maab utan ng sultan ang binatilyo dahilhigit itong mabilis tumakbo. Napagod ng husto ang sultan. Humihingal itong huminto sa tapat ngisang malaking puno. Habol nito ang paghinga at dakot ang dibdib nananinikip.

Sa sumunod na saglit ay bigla na lamang itong natumba. Noon din ayagad itong binawian ng buhay. Sa hardin ding iyon ito ipinalibing. Nagkaroon ng bagong sultan. Ito ay higit na mabait at makatarungankaysa kay Sultan Barabas. Binuksan nito sa lahat ang malawak nahar din upang makakain ng bungangkahoy ang sinumang may nais. Isang bagong halaman ang napansin ng mga tao na tumubo sapinaglibingan kay Sultan Barabas. Hinayaa n ng mga tao na lumaki atmamunga ang nasabing puno. Nang tikman nila ang bubot pang bunga ay napangiwi silang lahat. Ang pait! sabi ng isa. Simpait ng ugali ni Sultan Barabas!. Nang magsilaki na ang mga bunga at muli nilang tikman ay nasabi ngilan: Ang asim. asimng mukha ni Sultan Barabas!. Sing-

Kung gayon ay si Barabas ang punong iyan!sabi ng marami.Nangmahinog ang mga bunga ay nasarapan ang lahat dahil matatamis angmga iyon. Mula noon ay nakagiliwan ang bunga ng puno at nanglumaon ay tinawag na Bayabas. ALAMAT NG ROSAS Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan. Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito'y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin. Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman. Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman. ALAMAT NG KAWAYAN Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan. Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw.

Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag nalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya pagka't tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan. Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito. Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga. Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol t berdeng berdeng Bayabas. Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at pulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog rin ang mga Caimitong kulay lila. Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-uusapan. Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.Pinakamalakas na ihip ang higanti ni Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol, Bayabas. Caimito, at Makopa. Tuwang-tuwa si Kawayan. Minsan may nagawiang magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang makitang walang bulaklak na mapupurol sa puno ng Kawayanay nilayuan nila ito. Natuwa sila ng maulinigan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-dalingnamupol ng bulaklak ang binata.Ang halimuyak ng Rosal at Sampaguita ay handog na napakaligaya sa dalaga. Dahilan sa mga bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan. Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sa pagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan. Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang mga patak. Nasira ang mga magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita. Palihim na napangiti si Kawayan. Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagka't makikitid ang mga dahon nito. Natuwa sila ng namataan ang puno ng Banaba. Talagang mapapalad ang mga dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitin ng sikat ng araw. Napansin ito ng nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lolo Guillermo at Lola Jovita ay tinawag ni Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng Banaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno ng lubhang ikinagalak ni Kawayan. Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin ni at mapagmataas nito.Bilang parusa, ang lagging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko ni Bathala kapag hinihipan ng malakas na hangin.Ang pagyuko ni Bathala ay pagbibigay halaga sa anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat mamugad sa puso nino man. Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.

PABULA

Ang Buaya At Ang Tusong Matsing


BALISANG BALISA ang Matsing. Ubos at wala nang pagkain sa kanyang munting pulo ng Buyayaw, at gutom na gutom na siya. Maraming pagkain sa kabilang malaking pulo at tumpak! Dapat siyang lumipat duon! Ang hirap, kailangang tumawid sa makitid na dagat nang palangoy. Mas mahirap, isang katutak na mga buaya ang palangoy-langoy sa tubig, gutom din tulad niya. Paano siya makakarating sa kabilang pulo? Maigi pa, tanungin ko ang dagat, sabi ni matsing, sa wakas. Dagat, dagat, kung mapanganib talaga sa akin ang tumawid, dapat kang maging malamig! Lumapit sa dalampasigan si Matsing at isinawsaw ang kanyang kamay. Ang lamig! Natigilan si Matsing sa sagot ng dagat, na mapapatay siya kung lumangoy. Subalit mahirap din ang mamatay sa gutom, kaya ipinasiya ni Matsing na tumawid sa tubig, kahit ano ang mangyari! Nagsimula na siya nang nakita niya si Buaya, naghihintay sa gitna ng tubig. Ano ang gusto mo sa akin? tanong ni Matsing. Ang atay mo, ungol ni Buaya. Iyon ang favorito ko. Atay ko! bulalas ni Matsing. Sayang, iniwan ko duon sa kabilang pampang dahil mabigat at baka malunod ako kung dinala ko. Subalit matalik kitang kaibigan, kaya kukunin ko para sa iyo. Maaari bang isakay mo ako sa likod mo at itawid sa kabila? Pumayag si Buaya at itinawid si Matsing sa kabilang pulo. Mabilis na bumaba ito at tumakbo sa gubat. Nang ligtas na saka lamang siya lumingon. Wala kang kaalam-alam, Buaya! sigaw ni Matsing. Mayruon ba namang nag-iiwan ng atay niya! Tuluy-tuloy na siya sa gubat at nagtago. Naiwan si Buaya sa pampang, galit na galit, at ipinasiya niyang maghiganti. Isang araw, pinasok niya ang bahay ni Matsing. Walang laman ang bahay, nasa labas siMatsing at naghahanap ng pagkain. Nagtago sa luob ng bahay siBuaya at nag-abang. Pagbalik ni Matsing, nakita niya ang mga bakas sa lupa at naghinalang tatambangan siya ni Buaya. Upang makatiyak, sumigaw siya, Kung mayruong nasa luob ng bahay, tumahimik siya, subalit kung walang naghihintay sa luob, dapat siyang humiyaw! Pagkarinig ni Buaya, humiyaw nga siya upang ipahiwatig na walang naghihintay sa luob ng bahay. Tanga ka, Buaya! sigaw ni Matsing bago tumakas. May hihiyaw ba kung walang nasa luob ng bahay!? Nabigo uli, hindi sumuko si Buaya. Kinabukasan, naglublob siya sa putik hanggang bumantot ang amoy niya. Tapos, dumapa siya sa lupa nang walang kilos, nagkunwaring patay na siya. Hindi siya gumagalaw, kaya dinapuan siya ng maraming langaw tulad ng gawa nila sa bangkay. Hindi nagtagal, dumating si Matsing at lumapit sa patay na Buaya.

Ikaw, Buaya, kung buhay ka pa, huwag kang umimik, sabi niMatsing, subalit kung talagang patay ka na, umongol ka! At umngol nga si Buaya upang patunayan na hindi siya nagpapatay-patayan! Kumaripas patakas si Matsing. Talagang gunggong ka, Buaya! sigaw ni Matsing mula sa malayo.Sino ba namang patay na buaya ang umuungol?! Marami pa silang naging paghahamok, subalit dahil tuso, laging nakaiwas si Matsing sa mga pakana ni Buaya.

Ang Ibon at Ang Langgam


Merong isang langgam sa tabi ng batis,Sa nilakad-lakad nahulog sa tubig, sa nilutang-lutang at inikitikit, kamatayan niyay lalong lumalapit. Sa tabi ng batis; sa may sanga ng kahoy ay may namumugad namang isang ibon, sa kawawang langgam nagbigay ng tulong,naglaglag ng isang maliit na dahon. Sa dahong nalaglag langgam ay kumapit,Kayat nakaligtas siya sa panganib.Ang pasasalamat ay di mahulip,Makagaganti rin! ang ipinagsulit. Sa nasabing puno ng kahoy ang langgam ay gumawa ng bahay. Tinawag niya ang kanyang mga kaibigan.Gumawa ng punso o puntod at pinagsikapang bantayan ang ibonHabang nabubuhay. Ilang araw lamang ang nakalipasMay isang binata ang lumabas sa gubat.May saklay itong pana sa kanyang balikat at ang ibon ay siyang hinanap. Nang napapagod nay nakaramdam ng uhaw ang binataKayat nakarating siya sa batisan. Dito niya nakita ang ibonNa siya niyang pakay, nasa sanga ng kahoy at gustoNiyang hulihin, at kara-karakay kinuha ang kanyang panaAt papanain n asana ang ibong kawawa. Ngunit nagulantangNa lamang ang binata nang sugurin ng mga langgam ang kanyang paa. Sa pagkagulat ng binata nahulog ang kanyang sibat, nagkaroonNg pagkakataon ang ibon para makalipad. Ang binata naman sa Sakit ng mga kagat dulot ng mga langgam sa pook na yaon ay umalis agad.Ang nangyaring ito sa ibon at sa langgam saksing mahalagaSa pagtutulungan. Iligtas mo ako sa kapahamakat, Ililigtas kita sa kapanganiban.

Ang Tigre at ang Matalinong Lobo


Isang lobo ang nahuli ng isang tigre. Papatayin na sana ng tigre ang lobo upang kainin nang bigla itong magsalita at tumutol. "Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!" "Bakit?" tanong ng tigre. "Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang itinuturing na hari ng mga halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sa iyo ang Diyos na naglalang sa akin . Parurusahan ka Niya."

Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng mga halimaw sa buong kagubatan!" "Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at patutunayan ko sa iyo!" Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang bahagi ng kagubatang may mga iba't ibang uri ng hayop. Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga iyon at lumisan nanag takot na takot. Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong sinabi! Dapat ka ngang katakutan!" Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam, sa kanya totoong natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino.

Ang mga Bubuyog at ang mga Putakti


Kasalukuyang pinag-aagawan ng mga bubuyog at ng mga putakti kung sino ang magmamay-ari ng pulot sa may pukyutan. Sa hindi pagpayag ng magkabilang panig sa pakikipagkasundo, nauwi ito sa korte. Ayon sa hukom (na isa ring insekto) hindi madaling magdesisyon kung sino ba ang nagsasabi ng totoo sa magkabilang panig. May mga testigo na nagsasabing ang mga insektong nakitang labas pasok sa pukyutang iyon ay mga may kulay itim at dilaw. Ngunit hindi ito naging mabisang pahayag upang malaman kung sino talaga ang nagmamay-ari ng pukyutang iyon, dahil parehong may itim at dilaw ang katawan ng mga bubuyog at putakti. Kaya't nagdesisyon ang hukom na maghintay pa at maghanap ng ibang impormasyon tungkol dito. Sa naging pahayag ng hukom, naisip ni reynang bubuyog na baka sa haba ng kanilang paghihintay ay masira na ang mga pulot sa pukyutang iyon. Kaya't nakaisip siya ng solusyon, sinabi niya sa hukom na nais niyang ang bawat panig ay muling gumawa ng panibagong pukyot, at kung sino man ang mas pinakamabilis na maktapos ng pukyot ang siyang magmamay-ari ng pulot sa pukyutang iyon. Sa kasamaang palad, ang mga putakti ay hindi talaga nakgagawa ng sarili nilang pukyot, kaya't hindi nila tinanggap ang suhestiyong iyon. Dahil sa hindi nila pagpayag sa kasunduang iyon, nagdesisyon na ang hukom na ibigay ang pukyot sa mga bubuyog. Mensahe: Kailan ma'y hindi nagtatagumpay ang nagsisinungaling sa nagsasabi ng totoo.

Ang Agila at ang Maya


Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. "Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. "Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito."O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako." "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata. At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya. Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.

Ang Matigas na Ulong Sisiw


May isang inahing manok ang may anim na sisiw. Kung nasaan ang inahing manok ay naroon ring nakasunod ang mga sisiw nito. Palagi silang sagana sa pagkain kaya sila'y palaging masaya. Sa isang isang bakuran naroon sina inahing bibi at ang kanyang anim ring mga maliliit na bibi na nagsisipaligo at naglalaro sa isang maliit na balon. Natanaw ng mga sisiw ang mga nagsisipaglangoy na mga bibi. Lumapit sila sa gilid ng balon at doo'y pinanood ang masasayang mga bibi.

"Umalis kayo sa gilid ng balon!", sigaw ni inahing manok. Waring walang narinig ang mga sisiw sa sinabi ng inahing manok. "Masdan n'yo ang mga sisiw na nagsisipaligo sa balon," ang sigaw ng isang sisiw. "Hindi iyon mga sisiw. Sila'y mga bibi. Hilig nila talaga ang tubig. Umalis na kayo sa gild ng balon dahil baka kayo'y mahulog at malunod. Halina kayo't tayo'y aalis na." ang wika ng inahing manok. Patungo na ang inahing manok sa kanilang pugad kasunod ang limang sisiw. Ang isang sisiw ay nagpaiwan at nanatiling nakamasid sa mga nagsisipaligong bibi. Naisip niyang kung kayang lumangoy ng mga maliliit na bibing iyon sa tubig ay kaya rin niyang isang sisiw. Kaya't siya'y tumalon sa tubig, ngunit huli na ang lahat nang mapag-isip-isip ng matigas na ulong sisiw na hindi niya kayang lumangoy, kaya't siya'y nalunod. Mensahe:

Makinig sa payo ng mga magulang.

Ang Aso at Ang Pusa


Isang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon.Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting butoAng nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalisAng bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas. Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng Makapag-aalis ng kanyang bikig.Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumangMahilingan ng tulong na ibibgay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan. Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng pusa ang kanyang ulo hanggang liig upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang pusa ay nagsalita, Akin na ang aking gantimpala. Umuungol ang aso. Inilabas ang matatalim na pangil. Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi napahamak, wika ng aso na waring nanunumbat. MGA BUGTONG

Nang maliit ay mestiso, nang lumaki ay negro. Sagot: abo ng sigarilyo

May dahon ay di halaman, maraming mukhay walang buhay ang laman ay karunungan. Sagot: aklat

Pagsipot pa lang sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya

Kabayo kung pula, nanalo sa giyera. Sagot: apoy

Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. Sagot: aso

Ate ko, ate mo, Ate ng lahat ng tao. Sagot: atis

Sagisag ng kahinaan, puri ang kayamanan,

Hinhin ang katangian at ganda ang puhunan.

Buhay na hiram Lamang pinagmulan Ng sangkatauhan. Sagot: babae

Manghahabing batikan, Tubig ang hanay, Ang yaring sinamay Ibat ibang kulay. Sagot: bahaghari

Ang punoy nasa gubat, Ang kataway nasa dagat. Sagot: bangka

Kinatog ko ang bangka, Nagsilapit ang mga isda. Sagot: batingaw

Kung sa ilan ay walang Kwenta, sa gusali ay

Mahalaga. Sagot: bato

Iguhit mot nagbabalita Ng maraming talinhaga.

Lumuluhay walang mata, Lumalakad na walang paa. Sagot: ballpen

Heto na si Ingkong Bubulong- bulong. Sagot: bubuyog

Bumubukay walang bibig, Ngumingiti ng tahimik.

Nang umagay tikom pa, Nang tanghaliy humahalakhak na. Sagot: bulaklak

Hindi linggo, hindi piyesta,

naglalakad ang tambora.

Barko ng binyagan, Pagano pa ang nakalulan. Sagot: buntis

Kung mahiga ay patagilid Kung tumayo ay patiwarik

Malaki kung bata Lumiliit pag tumanda Dahil sa kakahasa. Sagot: gulok

Tulisang kambal, May talim na taglay, Matagal nagkakagatan, Di pa nagkakasakitan. Sagot: gunting

Dalawang iong marikit, Nagtitimbangan sa siit. Sagot: hikaw

Manok kung itim, ng putulan ng dila saka pa nagsalita. Sagot: ibong martinez

Bayabas ko sa tabing bahay, Ang bungay walang tangkay. Sagot: itlog

Gumabi man o umaraw, walng tigil sa galawan, pinapanhik bawat bahay pagkain ang sinasalakay. Sagot: langgam

Dalawang suklob na pinggan, punongpuno ng kayamanan. Sagot: langit at lupa Isang silong tanikala, sa leeg iniakma;

ang magsuot diwata, gumagandat gumagara. Sagot: kuwintas

Ala divino de gracia Malayo ang bulaklak sa bunga.

Isag pamalu- palo, Libot na libot ng ginto. Sagot: mais

Hindi tao, hindi hayop, may katawan, walang paa, may ilong walang mukha. May tainga walang ulo. Sagot: martilyo

Hindi akin, hindi iyo, ari ng lahat ng tao. Sagot: mundo

Batang marmol ng buto, binalot ng gramatiko. Sagot: ngipin Balat ay berde, Butoy itim. Laman ay pula, turingan mo kung ano siya. Sagot: pakwan

Nan maliit ay sirkero, nang lumaki ay musikero. Sagot: palaka

Punoy bumbong, sangay ahas, bungay gatang, lamay bigas Sagot: papaya

Ang dalagang Pilipina


by Jose Corazon de Jesus Music by Jose G. Santos

Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga Kung tanawin ay nakaliligaya May ningning na tangi at dakilang ganda Maging sa ugali, maging kumilos mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos Malinis ang puso maging sa pag-irog may tibay at tining ng loob Bulaklak na tanging marilag, ang bango ay humahalimuyak Sa mundo'y dakilang panghiyas, pang-aliw sa pusong may hirap. Batis ng ligaya at galak, hantungan ng madlang pangarap. Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta.

Alembong
J. Silos/Levi Celerio Alembong, alembong Ang ibig sabihin Pumasok sa puso ang isang paggiliw Alembong, alembong Ay isang damdamin Na kahit kanino ay dumarating Pag-ibig ang tanging hanap ng lahat Ligaya na 'wag na sanang magwakas Alembong ay napapansin sa sulyap Sa kilos man lamang nagtatapat Alembong, alembong Ang ibig sabihin Halina, halina at ako ay ibigin Alembong, alembong Ika'y mahal sa akin Kaya't mahal sa akin

Kaya't ang alembong Ay naglalambing.

Bakya Mo Neneng Halimbawa ng Awiting Bayan


Levi Celerio Bakya mo, Neneng, luma at kupas na Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta; Sa alaala'y muling nagbalik pa Ang dating kahapong tigib ng ligaya. Ngunit, irog ko, bakit isang araw Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay? Sa wari ko ba'y di mo kailangan Pagkat kinupasan ng ganda at kulay. Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan. Kung inaakalang 'yan ang munting bagay, Huwag itapon, aking hirang, Ang aliw ko kailan man.

AKO'Y KAMPUPOT
Lyrics by Maning P. Velez Ako'y kampupot Na bagong sikat Ang halimuyak Sadyang laganap Kaligayahan sa bawa't oras

Man din ang nais Tanging paglingap Kaya't noong minsan Ay napakinggan Isang binatang Nananambitan Puso kong taglay Lubhang pihikan Ay narahuyo sa panawagan. Refrain: Nasaan yung pangarap Ng paglalambingan Tangan na ng aking hirang Alay ay kaligayahan Kay tamis nga naman Mabuhay 'ta sa pagmamahal Kung ang ligaya ay makakamtam Sa habang buhay. KATAKATAKA by Santiago S. Suarez

Kataka-takang mahibang ang katulad ko sa iyo Biru-biro ang simula ang wakas pala ay ano? Aayaw-ayaw pa ako ngunit 'yan ay di totoo Dahil sa iyo puso kong ito'y binihag mo (Repeat) Alaala ka maging gabi't araw Alipinin mo't walang kailangan Marinig ko lang sa labi mo, hirang Na ako'y iibigin lagi habang buhay. Bayan Ko by Jose Corazon de Jesus

Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto't bulaklak Pag-ibig ang sa kanyang palad Nag-alay ng ganda't dilag. At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa. Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas! Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha ko't dalita Aking adhika, Makita kang sakdal laya! DUNGAWIN MO, HIRANG Santiago S. Suarez Irog ko'y pakinggan Awit na mapanglaw Na nagbuhat sa Isang pusong nagmamahal. Huwag mong ipagkait, Awa mo'y ilawit Sa abang puso kong Naghihirap sa pag-ibig Chorus: Dungawin mo, hirang Ang nananambitan Kahit sulyap mo man lamang Iyong idampulay Sapagkat ikaw lamang Ang tanging dalanginan Ng puso kong Dahil sa 'yo'y nabubuhay.

HUDHUD : ANG KWENTO NI ALIGUYON (Epiko ng mga Ifugao)


Ang lahat ng tao ay magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba sa wika, sa ugali, at sa pananampalataya. Sa mga hinagdang taniman sa bulubundukin naninirahan si Aliguyon, isang mandirigmang Ipugaw na mabilis at magaling sa paghawak ng sibat. Anak siya ni Antalan, isa ring mandirigma. Maagang natuto ng pakikipaglaban si Aliguyon sa tulong ng kanyang ama. Ang unang larangan ng digma ni Aliguyon ay ang matitigas na lupa sa tabi ng kanilang tahanan. Ang unang sandata niya ay ang trumpo at ang mga unang kalaban niya sa larong ito ay ang mga bata rin sa kanilang pook. Kapag pinawalan ni Aliguyon ang kanyang trumpo, matining na matining na iikot ito sa lupa o kapag inilaban niya ito sa ibang trumpo, tiyak na babagsak na biyak ang laruan ng kanyang kalaban.

Tinuruan din siya ng kanyang ama ng ibat-ibang karunungan: umawit ng buhay ng matapang na mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang ito at matutuhan ang mga makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong unang panahon. Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at kagitingan ng loob. Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang maipaghiganti siya ng anak sa matagal na niyang kaaway, kay Pangaiwan ng kabilang nayon. Nang handang-handa na si Aliguyon, nagsama siya ng iba pang mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila ang kalaban ni Antalan. Subalit hindi si Pangaiwan ang natagpuan kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki nito. Mahusay din siyang mandirigma, tulad ni Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban upang maipaghiganti siya ng anak sa kalaban niyang si Antalan. Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban lalo na sa paghawak ng sibat. Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung tinatamaan ng sikat ng araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang kamay ng binatang kalaban. Aabangan ng matipunong kanan ang sibat na balak itimo sa kanyang dibdib. Tila kidlat na paroot-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito at nagmistulang awit sa hangin. Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang humahanging sibat. Saksakin mo siya, Dinoyagan! Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito.

Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa itoy inabot ng linggo, ng buwan. Kung saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat ng pook, palundag-lundag, patalun-talon sa mga taniman.

Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang simulan nila ang labanan. Inabot ng taon hanggang sa silay lubusang huminto ng pakuluan ng sibat. Walang nasugatan sa kanila. Walang natalo. Naglapit ang dalawang mandirigma. Nagyakap at nagkamayan, tanda ng pagkakaibigan at pagkakapatiran. Dakila si Aliguyon. Dakila si Dinoyagan. Ipinangako nilang sa oras ding iyon na lilimutin na ang alitan ng kanilang ama. Nagdiwang ang lahat. Lalong nagkalapit ang damdamin ng dalawang mandirigma nang mapangasawa si Aliguyon si Bugan, ang kapatid ni Dinoyagan at nang maging kabiyak ng dibdib ni Dinoyagan ang kapatid ni Aliguyon. Nanirahan sila sa kani-kanilang nayon. Doon sila namuhay nang maligaya. Doon lumaki ang kani-kanilang mga supling. Kung may pista o anumang pagdiriwang sa kanilang nayon, buong kasiyahanng pinanonood ng mga taga-nayon ang dalawa lalo na kung silay sumasayaw. Kung mahusay sila sa pakikidigma ay mahusay din sila sa pagsasayaw. Lumulundag sila at pumailanlang na parang maririkit na agila. Sa kani-kanilang nayon, tinuruan nina Aliguyon at Dinoyagan ang mga tao tungkol sa marangal na pamumuhay, karangalan, at katapangan ng mga mandirigma, at pagmamahal at pagmamalasakit sa Inang Bayan. Kahit na silay pumanaw, binuhay ng mga Ipugaw ang kanilang kadakilaan. Inaawit ang kanilang katapangan. Hindi mawawala sa puso at kasaysayan ng mga Ipugaw ang kagitingan ng dalawang mandirigma. Nagpasalin-salin sa mga lahi ng Ipugaw, ng mga Pilipino ang dakilang pamana ng mga dakilang mandirigma.

ALIM (Epiko ng mga Ifugao)


Noong unang panahon, ginalit ng mga tao ang mga diyos at diyosa dahil sa kanilang pagkakasala at patuloy na pasuway sa kautusan ng mga diyos. Nagpadala ng malaking baha na nagpalubog sa buong daigdig at sumira sa lahat ng nabubuhay na nilalang. Dalawa lamang ang nakaligtas sa pagbaha: sila ay magkapatid, sina Wigan at Bugan. Nang nagsimula nang tumaas ang baha ay umakyat si Wigan sa bundok Amuyaw upang mailigtas ang sarili. Ganoon din si Bugan na pumunta sa bundok na Kalawitan upang maghanap ng masisilungan.

Nanatili si Bugan sa bundok hanggang humupa ang tubig at hanggang matuyo ang lupa. Bumaba siya at nadiskobre na siya lamang ang natirang buhay. Lahat ay nalunod kahit ang mga hayop. Nagkalat ang mga patay na katawan, mabaho. Sa kanyang paglalakbay upang humanap nang makakain ay nakakita siya ng isang babae na natatabunan ang kalahati ng katawan sa lupa, kumakaway sa kanya. Nakilala niya ito. Bugan! masaya niyang sabi habang ibinubuka ang braso upang yakapin siya.

Wigan, aking kapatid, nanginginig niyang sabi dahil sa di masidlang kasiyahan. Pinabayaan niyang yakapin siya ng kapatid at inihilig ang ulo sa kanyang dibdib.

Nasaan

ang

iba?

tinanong

ni

Wigan

pagkatapos.

Patay na. sagot niya. Sa aking palagay ay tayo lamang ang nakaligtas sa pagbaha. Naglakad-lakad sila upang tingnan kung may iba pang nakaligtas ngunit wala silang nakita. Ang nakita lamang nila ay mga patay na katawan ng mga tao, hayop kahit ang mga halaman. Naghanap sila ng lugar na matitirhan. Nakakita sila ng lugar na malapit sa dalampasigan kung saan nagsisimulang tumubo ang mga halaman. Nagtayo sila ng kubo mula sa mga kahoy na nakakalat sa paligid. Pagkatapos ay inilibing nila ang mga patay na katawan na nakita nila malapit sa dalampasigan. Gutom na ako, sabi ni Bugan habang nagpapahinga sila pagkatapos ilibing ang mga patay na katawan. Ako din, sabi ni Wigan. Dito ka lamang at titingnan ko kung makakahuli ako ng isda sa dagat. Sa tingin mo ay may isda doon? tanong ni Bugan.

Ang mga halaman ay nagsisimula nang tumubo. Siguro ay humuhupa na ang galit ng mga diyos at babalik na din ang mga isda sa dagat.

Mayroon ngang mga isda sa dagat. Nang gabing iyon ay kumain sila ng saganang hapunan ng pinakuluang isda. At natulog silang magkasama. Pagkatapos ng ilang araw ay natuklasan ni Bugan na siya'y nagdadalang tao. Pumunta siya sa dalampasigan at tinangkang lunurin ang sarili sapagkat nahihiya siya dahil siya ay nabuntis ng kanyang kapatid. Ngunit bago pa man siya makapunta sa malalim na parte ng tubig, isang matandang lalaki ang nagpakita sa kanya. Sinabi nito na siya si Makanunggan, ang diyos ng Ifugao. Ikinasal ni Makanunggan ang dalawa at nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae. Nagkaroon ng malawak na tag-gutom. Kumonti ang ani. Nagpatay sila ng daga at inihandog nila kay Makanunggan ngunit nagpatuloy ang kaunting ani. Ano ang gagawin natin? tanong ni Bugan kay Wigan isang gabi bago sila matulog. Mamamatay tayong lahat sa guton kung magpapatuloy ang mahina nating ani. Hindi ko alam kung bakit galit si Makanunggan sa atin. Marahil ay hindi niya nagustuhan ang daga na inihandog natin sa kanya. Bakit hindi natin ihandog ang ating anak na si Igon?

Nagkasundo sila na patayin si Igon, ang pinaka-batang anak at inihandog kay Makanunggan. At sa wakas ay natapas ang mahinang ani. Ngunit nagpakita muli si Makanunggan at sihabi na ang ginawa nila kay Igon ay karumal-dumal. Ikinalat sila ni Makanunggan sa apat na sulok ng lupa, sa silangan at kanluran at sa hilaga at timog. At sinumpa sila dahil sa ginawa nila kay Igon. Mag-aaway sila sa bawat pagkakataon na malalapit sila sa isa't-isa.

BIAG NI LAM-ANG (Epiko nga mga Ilokano)


May isang mag-asawa na nagngangalang Juan at Namongan ay nakatira sa malayong baryo ng Nalbuan. Isang araw iniwan ni Don Juan ang kanyang buntis na asawa at pumunta sa kabundukan upang parusahan ang isang grupo ng mga Igorot. Habang papunta sila sa kabundukan ay ipinanganak ni Namongan ang isang batang lalaki. Kakaiba ang sanggol sa iba sapagkat pagkasilang pa lamang ay nakapagsasalita na ito. Gusto niyang pangalanan siyang Lam-ang. Siya na rin mismo ang pumili ng kanyang mga ninong nang siya ay binyagan. Nasaan ang aking ama? isang araw ay tinanong ni Lam-ang ang kanyang ina na si Namongan. Nasa kabundukan siya upang ayusin ang di pagkakaunawaan sa isang grupo ng Igorot doon, sabi ng kanyang ina.

Nalungkot si Lam-ang. Hindi pa niya nakikita ang kanyang ama buhat ng siya ay isinilang at nasasabik na siyang makita ito. Matatagalan kaya ang kanyang pagbalik?

Hindi ko alam, malungkot na sagot ng kanyang ina na si Namongan na nasasabik din itong makita. Ni hindi ko man lamang alam kung buhay pa siya. Isang araw ay nanaginip si Lam-ang. Sa kanyang panaginip ay nakita niya ang kanyang ama na walang awang pinatay ng isang grupo ng Igorot. Lubos siyang namuhi nang siya ay nagising. Nagpasya siya na sundan ang ama sa kabundukan. Siyam na buwang gulang siya noon. Nang marating niya ang pamayanan ng mga Igorot, nakita niya na nagsasayawan ng mga ito paikot sa ulo ng kanyang ama na nakatusok sa isang kawayan. Sa kanyang galit ay kinalaban at pinatay niya ang lahat ng Igorot, kasama ang kanilang pinuno na pinahirapan muna bago pinatay.

Sa kanyang pag-uwi sa Nalbuan ay napadaan siya sa ilog ng Amburayan. Doon ay naligo siya sa tulong ng kanyang mga kaibigang babae na pinupunasan ang kanyang katawan upang maalis ang

mga dumi at dugo, ngunit ito'y nakapatay sa lahat ng nabubuhay na hayop sa ilog. Nang siya ay nasa hustong gulang na upang mag-asawa ay may nakilala siyang isang magandang babae, si Ines Kannoyan at umibig siya rito. Pumunta siya sa bahay nila Ines upang umakyat ng ligaw kasama ang kanyang puting tandang at ang kanyang paboritong aso. Nang makarating siya sa bahay ay nainis siya sa dami ng naunang manliligaw sa kanya. Inutusan niyang tumilaok ang kanyang tandang at sinunod naman siya nito. Noon din ay gumuho ang bahay nila Ines at nangamatay ang lahat ng kanyang manliligaw. At inutusan naman niyang tumahol ang kanyang aso at tumahol nga ito. Mabilis na bumalik sa dati ang gumuhong bahay. Lumabas si Ines at ang kanyang mga magulang upang salubungin siya. Ipinaramdam ng tandang ang pagmamahal ni Lam-ang kay Ines Kannoyan. Ang aking panginoon na si Lam-ang ay iniibig ka at gusto ka niyang pakasalan, sabi ng puting tandang kay Ines sa lenggwaheng naiintindihan niya. Pakakasalan kita kung matutumbasan mo ang aming kayamanan, sagot ni Ines Kannoyan. Ang pagsubok na ibinigay ni Ines ay hindi nakapagpahina kay Lam-ang. Umuwi siya kaagad at bumalik kasama ang isang malaking bangka na puno ng ginto, hinigitan nito ang halaga ng kayamanan nila Ines. Ikinasal sila at namuhay ng masaya. Lumipas ang mga taon at dumating ang pagkakataon ni Lam-ang na humuli ng isda na tinatawag na rarang. Ito ay isang obligasyon ng bawat may asawang lalaki sa kanilang komunidad upang manghuli ng rarang. Ngunit nararamdaman ni Lam-ang na mapapatay siya ng isang berkahan, (isang uri ng isda na kabilang sa pamilya ng mga pating) kapag pumalaot na siya upang manghuli ng "rarang". Ngunit kailangan niyang tuparin ang kanyang tungkulin at isang gabi ay pumalaot siya sa karagatan. Napatay siya ng berkahan tulad ng kanyang inaasahan. Tumangis si Ines sa kalungkutan. Umisip ang kanyang puting tandang ng paraan upang buhaying muli si Lam-ang. Umarkila si Ines Kannoyan ng mga maninisid upang hanapin ang mga buto ni Lamang sa ilalim ng dagat. Madaling nahanap ng mga maninisid ang lahat ng mga buto at pinagsamasama ni Ines ang mga ito. Kasama ang puting tandang at ang paboritong aso ni Lam-ang ay namanata siya gabi-gabi hanggang sa isang araw ay nabuhay si Lam-ang. At mula noon ay namuhay sila ng masaya.

SI BIUAG AT MALANA (Epiko ng Cagayan)


Ano ang alamat ng dalawang bundok na matatagpuan sa tabing ilog na Matalag? Ang kuwentong ito ay tanyag sa mga Ibanag. Ito ay may kaugnayan sa dalawang matitikas na binata may daang taon na ang nakakaraan. Sa Nangalauatan, isang nayon sa Rizal ang dako na pinaglabanan nina Biuag at Malana, doon makikita hanggang sa ngayon ang dalawang bundok kung saan naghamok ang dalawa dahil sa nadaramang pagmamahal ng isang magandang dilag.

Si Biuag ay katutubo ng Enrile, ang pinakatimog na bahagi ng Cagayan. Noong siyay isinilang, isang di pangkaraniwang dalaga ang dumalaw, at sa pagkakabatid ng ina, ito ay isang diyosa. Ang ina ay nanikluhod at nagmakaawang pagkalooban ng mahabang buhay ang kaniyang anak. Hindi umimik ang diyosa, at sa halip, itinali ang tatlong maliliit na bato sa leeg ng bata. Diumano ang isa nito ay magiging sanggalang niya sa masasama. Minsan siya ay nahulog ngunit hindi man lamang ito nasasaktan. Nang siyay lumaki sinubukan niyang lumangoy sa ilog na tinitirahan ng mga buwaya, subalit walang nangyari sa kanya. Ang dalawang bato ay bagbigay sa kanya ng kakaibang lakas at bilis. Nagagawa niyang maging mas mabilis pa sa hangin. Nang siya ay maglalabing-dalawang taong gulang, kamangha-manghang naihahagis niya ang buong kalabaw sa kanilang burol. May kakayahan siyang bunutin ang isang punungkahoy sa tulong lamang ng kanyang mga kamay, na wari moy damo lamang. Dahil sa taglay na kapangyarihan nito, siya ay dinayo ng mga tao at sinamba. Kahit na makapangyarihan si Biuag, siya ay hindi maligaya. Natutuhan niyang mahalin ang isang dalagang tubong Tuao, isang bayan sa Cagayan. Kung sino ang dalaga ay wala ni isa man ang nakakaalam. Maging ang kanyang pinagmulan ay hindi nila malaman. Gustuhin man ni Biuag na limutin ang dalaga ay hindi makakasama ang dilag habangbuhay. Noon din ay may isang balita ng Malaueg, Rizal, na may isang binata rin katulad ng pagkatao ni Biuag. Siya ay si Malana. Nong siyay labing-walong taong gulang, nagkaroon ng bagyo sa Malaueg, at itoy nagdulot ng gutom sa mga tao. Ang tanging inaasahang lugar na pagkukunan ng pagkain ay ang Sto. Nio na malayung-malayo sa kanila. At kinakailangan pang tumawid ng ilog na tinitirhan ng maraming buwaya. Bunga nito, si Malana ay gumawa ng paraan. Naglakbay siya hanggang marating ang Sto. Nio, at sa kanyang paglalakbay ay ipinagdasal ng mga tao ang kanyang tagumpay. Nang siyay makabalik, marami siyang dalang bigas, nagbunyi ang mga tao alam nilang hindi sila magugutom. Matapos niyang maipamahagi ang mga bigas ay nagpasiya na itong umuwi. Pagdating sa kanilang bahay ay isang pana ang nakita ni Malana. Ang buong pag-aakala niya ay ang kanyang Ama ang gumawa dito. Dinampot niya ito at ibinato sa hangin, subalit ito ay bumalik sa kanya. Namangha siya dahil sa dulo nito ay may dalawang batong tulad ng kay Biuag. Nakarating sa kaalaman ni Biuag ang pagsamba ng mga tao kay Malana. Ipinagwalang-bahala ito ni Biuag dahil ang nasa isipan niyay ang napakagandang dalaga. Isang araw dinalaw niya ang dalaga. Nakiusap itong hingin ang kanyang kamay upang pakasalan siya. Ngunit binigo niya si Biuag at sinabi niyang si Malana ang kanyang tanging minamahal. Nagpanting ang tainga ni Biuag sa narinig. Hindi niya ito tatanggapin. Nagsabi siyang hindi karapatdapat si Malana para sa kanya, dako ng kinaroroonan ni Malana. Dinampot ni Malana ang pana. Tanda ng pagsang-ayon sa hamon ni Biuag.

Sumapit ang takdang araw ng kanilang labanan. Ang mga bundok ay napaligiran ng mga taong nais sumaksi sa paghahamok na iyon ng dalawa. Sa may di-kalayuan ay ang taga-Malaueg ang dumating. Sa unahan ay ang matikas at matipunong si Malana. Nang makita si Biuag, siyany nanggalaiti sa matinding galit. Naunang nagsalita si Malana, Alam ko na kung bakit mo ako hinahamon, sabi ni Malana. Ibig mong agawin ang minamahal ko. Ipinagbabawal ng Diyos ang pagagaw na kahit ano na hindi mo pag-aari. Subalit tinatanggap ko ang hamon mo. Kung nanaisin ng dalagang minamahal ko ay aking ipaglalaban ang pagmamahal ko. Si Biuag ay sinamahan ng mga taga-Enrile. Siyay nakatayo sa kabilang bundok tangan ang panat isang punong niyog na binunot. Dinig na dinig niya ang malakas na sigaw ng taga-Malaueg para kay Malana. Sa isip niyay gusto niyang patayin lahat ang mga tao ni Malana. Si Malana naman ay nasa kabilang bundok. Sa kanilang kinalalagyan sa tuktok ng mga kapwa napansin nila ang pagdating ng isang bangkang tumatawid sa pagitang ng dalawang bundok na lulan ang dalagang pinag-aawayan. Nalungkot ang dalaga sa mga nagaganap. Subalit sa tingin ng dalawang magtutuos ay sadyang napakaganda ng dalaga. Nang mapatapat ang dalaga sa kanila, biglang sumigaw si Biuag Malana, ang babaing kapwa natin minamahal ay nasa harap natin. Kung sadyang malakas ka ay humanda ka sa aking regalo na nagbuhat pa sa Enrile, dala ko para sa iyo. Walang sabi-sabing inihagis ni Biuag ang punong niyog kay Malana. Mabilis ang pagsalo ni Malana, at hindi sa kalabaw inihagis ang punong niyog kundi sa dako ng nayong Il-Luro sa bayan ng Rizal. Pinaniniwalaan na dito nagsisimula ang maraming niyugan sa lugar na iyon.

Lalong nagngitngit sa galit si Biuag. Hinugot ang sibat at gustong ipukol kay Malana na inaasahang sa puso nito tatamaan. Subalit sa kasamaang-palad, itoy nagmintis. Hindi sa puso ni Malana kundi sa ilog tumama ang sibat. Humanda ka, matikas na Biuag, sigaw ni Malana. Wala nang lahat ang armas mo. Pagkakataon ko naman ngayon.

Ngunit bago matapos ni Malana ang pagsasPinilit niyang ibuka ang bunganga ng buwaya at hinamon si Malana na lumukso sa ilog. Tinanggap ni Malana ang hamong iyon ni Biuag. Sa kanyang paglukso mula sa tuktok ng bundok ay sinalubong sa himpapawid ng dalaga si Malana. Itoy ginawa niya upang hindi mapahamak si Malana. Tiningnan ng dalaga si Biuag at sinabing : Pinatunayan mong isa kang duwag dahil nagpatulong ka sa isang buwaya. Nais kong ipaalam sa iyo, ako ang anak ng diyosang nagkaloob sa iyo ng mga kapangyarihan. Hindi ka karapat-dapat sa mga bigay sa iyo ng aking diyosang Ina. Sa tulong ng kanyang mahiwagang patpat, ang lahat ng mga taong naroon ay kanyang binasbasan,

maging si Malana, pumaimbulong sila sa kalangitan kung saan naroon ang kaharian ng hangin at siya ang mahal sa Reyna. Sa tindi naman ng pagkapahiya, nilunod ni Biuag ang kanyang sarili sa ilog. At siya ay hindi na nasilayan mula noon. Pinaniniwalaan ng mga tagaroon na ang kaluluwa ni Biuag ay namamahay sa dalawang kakatwang bundok ng Il-Luru. Alitay biglang lumukso sa ilog sa ibaba si Biuag. Biglang nagkaroon ng malalaking alon na humampas sa malalaking bato at ito ang yumugyog sa bundok na kinatatayuan ni Malana. Nang magpakitang muli si Biuag ay tangan-tangan niya ang pinakamalaking buwaya na siyang ikinamangha ng mga taong sumaksi sa labanang iyon.

ULLALIM (Epiko ng Kalinga)


Ang kwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw nang makapulot ng nganga o ua (na tawag ng taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay naanyayahan sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya, naakit ang pansin ni Dulliyaw kay Dulaw hanggang si Dulaw ay magkagusto sa kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si Dulliyaw ay naisip nitong painumin ng alak si Ya-u hanggang sa malasing. Habang si Ya-u ay natutulog sa ibang bahay ay saka niligawan ni Dulaw si Dulliyaw. Pinakain nito ang babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ang ibig sabihin ay tinanggap na niya ang pag-ibig na kanyang iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga.

Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulaw sa bahay nina Dulliyaw. Habang silay kumakain ng nganga, sinabi nito sa babae na siya ay nagpunta roon upang isama ang dalaga sa kanilang bahay. Nagulat si Dulliyaw sa winika ng lalaki. Iyon lamang at nagkagulo na ang mga tao sa nayon. Sa pagtakas nila ay nakasalubong sila ng isang lalaki na may dala-dalang palakol at balak silang patayin. Bago sila maabutan ng lalaki ay nakaakyat na si Dulaw sa isang puno upang tumakas. Samantala wala namang mangahas na siya ay lusubin kaya naipasiya ni Ya-u na tawagin ang mga sundalong Espaol ng Sakbawan. At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kaitaasan ng Kalinga na kasama ang mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si Dulaw na nakaupo pa rin sa puno. Napag-alaman niya na marami ang tutol sa ginawa niya kaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay lagyan ng posas. Sa utos pa rin ni Guwela siya ay dinakip at nakulong sa Sakbawan.

Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat na siya. Humingi si Dulliyaw ng nganga kay Dulaw. Kinuha ni Dulaw ang huling nganga sa bahay at itoy pinagpirapiraso. Bago niya ito maibigay kay Dulliyaw bigla na lamang itong nawala.

Samantala, sa pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa paliligo niya sa ilog ay nakapulot siya ng nganga. Kinain niya ito nang walang alinlangan. Matapos nguyain ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis hanggang sa siya ay magsilang ng isang malusog na lalaki at pinangalanan niya itong Banna. Tatlong taon ang lumipas. Si Banna ay mahilig makipaglaro sa mga Agta, subalit siyay madalas na tinutukso ng kanyang mga kalaro. Sinasabi na kung siya raw ang tunay na Banna ang ibig sabihin ay siya ang anak ni Dulaw na nakulong sa Sakbawan. Sinumbong niya ito sa kanyang ina ngunit pinabulaanan ito ng kanyang ina. Sa isang iglap, si Banna ay naging malakas at naghangad ng paghihiganti. Isang mahiwagang pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng kanyang mga kasama sa Sakbawan. At doon ay kanyang pinatay si Dulliyaw. Sinabi ng isang kasama ni Banna kay Dulaw na si Banna ay kanyang anak, iyon lang at sila ay dali-daling sumakay sa isang bangka at sa isang iglap ay nakarating sila sa pook ng Magobya. Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.

HUMADAPNON (Epiko ng Panay)


Ang mag-asawang Musod Burubalaw at Anggoy Ginbitinan ay may mga anak na lalaki. Isa sa kanilang mga anak ay itinuturing na bayani ng mga Sulod Pagandra ng Panay Sentral. Ito ay ang kanilang panganay na si Humadapnon.

Nang siyay magbinata, iginayak niya ang kanyang sarili sa paglalakbay. Nais niyay matagpuan ang babaeng kanyang pakakasalan. Ang babaeng nagngangalang Nagmalitong Yawa, nag-iisang anak nina Labaw at Viva Matanayon ng Ilog Hulanod ang siyang nagpatibok sa puso ni Humadapnon. Kumuha muna siya ng maliit na patalim at sinugatan nito ang maliit na daliri. Matapos iyon, siya ay naglakbay at nangyaring si Buyung Dumalaplap ang naging kapatid niya sa dugo. Habang siyay naglalayag sakay ng kanyang ginintuang bangka, isang hindi inaasahang lakas ang dumating. Natangay ang kanyang ginintuang bangka. Salamat na lamang at may dumating siyang kaibigang hindi nakikita kaya nakaiwas siya sa pagkakaipit sa dalawang malalaking bato. Matapos ang trahedyang itoy muling nagpatuloy sa paglalakbay si Humadapnon hanggang sa makarating siya sa dagat na ang tubig ay hindi gumagalaw, malagkit, maputik at maitim. Matagal pa sana siyang aalis sa lugar na iyon ngunit muli na naman siyang tinulungan ng kanyang kaibigang di niya nakikita, na nagngangalang Saragudon.

Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, narating nila ang lupain ng Taraban. Ang lahat ng mga namumuno sa lugar na ito ay pawang babae na naggagandahan. Sina Simalubay Hanginum,

Simahuboli Hubunan at Sinaghating Bulawan. Sa kagandahan ng magkapatid ay naakit si Humadapnon. Isa rin ito sa dahilan kung bakit nananatili pa sila sa lugar na ito sa kabila ng pinagbantaan siya ng kapatid sa dugo na si Dumalaplap. Nabilanggo siya rito ng halos pitong taon. Sa kabutihang-palad, may nagligtas muli sa kanya. Ito ay si Nagmalitong-Yawa na matapos siyang makawala ay bigla itong nawala. Muli niyang ipinagpatuloy ang paghahanap kay Nagmalitong Yawa. Napadaan siya sa isang madilim na lupain na kinakitaan ng mga kaluluwa ng kanyang mga ninunong yumao na. Ang lupaing itoy nagtataglay ng sampung ilog. Lulan ng kanyang bangka, mula sa bulubunduking ito, nagkaroon sila ng paglalaban at agad naman niyang nagapi ang mga ito. Mula sa ilog na ito ay nadako siya sa ilalim ng lupa at ditoy nakasagupa niya ang isang hayop na may walong ulo. At nagapi niya ang hayop. Sa maraming taon niyang paglalakbay, narating niya ang Ilog ng Holawod. At dito niya nakita si Nagmalitong Yawa. Ito ay kanyang pinakasalan. Sa gitna ng pagdiriwang may dumating na isang grupo mula sa kalawakan. Mabilis na kinuha si Nagmalitong Yawa at ito ay napatay. Buong tapang na nakipagsagupa si Humadapnon sa pinuno ng grupo. Sapagkat kapwa may angking lakas ay umabot sa pitong taon ang kanilang sagupaan. Ipinaalam ni Launsina kay Humadapnon na kulang sa pag-iisip ang nakalaban ni Humadapnon sa Namurata sa himpapawid upang bigyan ng buhay si Nagmalitong Yawa.

Nang muling mabuhay si Nagmalitong Yawa ay saka nila napag-alaman na ang kalahating katawan nito ay napangasawa ni Amurutha at ang kalahati ay napangasawa ni Humadapnon. Mula nang magkaliwanagan ay nanaog sina Humadapnon at Nagmalitong Yawa sa naging pinuno ng mga tao sa Sulod ng Panay.

IBALON (Epiko ng mga Bicolano)


Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni Handiong, ang pinuno ng kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang kalagayan sa lupain ng Samar. Napakarami nilang kaaway na laging dumarating upang sirain ang kanilang pananim at patayin ang kanilang mga alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain. Ang natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na pag-aani.

Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng payapang buhay na walang gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng kumokonti araw-araw. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay tayong lahat sa gutom. Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang mata ang kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.

Humanap

ka

ng

lugar

kung

saan

makakapamuhay

tayong

panatag

at

payapa.

Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan. Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha ng ama't-ina. Siya din ay nalungkot.

Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas at matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan. Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng isang maliit na bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na Kabikulan. Marami na siya ring narinig tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung makakahanap siya ng lugar kung saan sila maninirahan habang-buhay. Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog ang malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at muntikan na siyang malunod bago niya ligtas na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng Kabikulan. Nagsimula niyang galugarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at Inalon na sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog, Masaragam, Isarog at Lignion. Natagpuan niya ang Ibalon, isang magandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang lupa ay mataba at magandang pagtamnan ng mga halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang mga hayop. Para itong lupain ng gatas at pulot. Nais ko ang lupaing ito para sa akin at sa aking mga mamamayan, sabi ni Baltog sa sarili. Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang buwaya na may pakpak na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng isang babae. Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon para matirhan kaya nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa manomanong pakikipaglaban natalo niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpirapiraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan. Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na sila nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga mamamayan ay nilisan ang Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang mga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang gutom ay naging alaala na lamang ng nakaraan.

LABAW DONGGON (Epiko ng mga Bisaya)


Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal. At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya na may kapangyarihan din. Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa kanya. Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan. Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw. Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni Saragnayan. Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun. Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at nagpasya na hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok. Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo siya labanan! sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak. Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan. Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito na siyang buhay ni Saragnayan. Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam na siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang kalabanin ang dalawang anak ni Labaw. Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban. Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita nila na siya ay nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan. Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat. Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila sa pighati.

Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit ang pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa. Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon. Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito. Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang dalawang babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip. Masayang-masaya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain

MARAGTAS (Epiko ng mga Bisaya)


Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at mararangal na datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay. Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga pangyayari: Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya. Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel. Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban. Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan. Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim silang naghanda ng

sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain. Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga katulong. Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel. Ang mag-asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay. Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ng Palawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo. Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay. Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan. Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay masaya, masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa. Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin. Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya. Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit

at insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw pandigma, ang sinurog. Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan. Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani). Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok. Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao. Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga "Taga-ilog". Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.

AGYU (Epiko ng mga Ilianon)


Ang pangunahing pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga Ilianon ay pangongolekta ng sera. Ipinapalit nila ang sera sa mga Moro, sa kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng palay, asin at asukal. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan si Agyu at ang datu ng mga Moro dahil sa pagkakautang nila ng isang daang tambak ng sera. Upang maiwasan ang madugong labanan, si Agyu at ang kaniyang pamilya ay umalis sa Ayuman at pumunta ng Ilian. Ngunit hindi hahayaan ng mga Moro na mamuhay sila ng payapa. Sinundan nila ang mga ito upang patayin siya at ang kanyang pamilya. Lumaban si Agyu at ang kanyang pamilya ng buong tapang at lumabas na panalo sa laban sa mga Moro. Pagkatapos ng tagumpay ay naisip ni Agyu na lisanin ang Ilian at pumunta ng Bundok ng Pinamatun. Doon ay nagtayo sila ng mga bahay sa paanan ng bundok. Isang araw ay pumunta si Agyu sa bundok ng Sandawa upang manghuli ng baboy ramo. Umuwi siya na dala ang kanyang huli habang ang kanyang kapatid na lalaki na si Lono at mga kapatid na babaing sina Yambungan at Ikwagan ay nakahanap ng pulot pukyutan. Hinati nila ang baboy ramo

at pulot pukyutan sa kanila at sa kanilang mga alipin. Bakit ayaw mong kumuha ng karne at pulot para sa iyo, at sa iyong asawa sa Ayuman, Banlak? tanong ni Agyu sa kanyang kapatid na lalaki. Ang asawa ni Banlak na si Mungan ay naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong. Hindi pumayag si Banlak sa ideya. Nagboluntaryo na lamang si Lona na pumunta sa Ayuman dala ang karne at pulot para kay Mungan. Nang makarinig siya ng malakas na boses na nagsasabl kay Mungan na tanggapin na ang imortalidad sa pamamagitan ng pagkain ng pagkain ng mga diyos. Nang bumalik si Lono sa Panamutan, sinabi niya kay Agyu at Banlak kung ano ang narinig. Nais ni Banlak na makita si Mungan ngunit pinigilan sila ni Agyu. Bagkus ay binagtas ni Agyu ang daan pababa ng Ayuman upang makita si Mungan ngunit huli na ang lahat. Pumunta na si Mungan sa langit. Ang natira lamang ay isang gintong bahay. At nang bumalik siya sa Pinamutan, iniwan nilang muli ang lugar at nagpunta sa Tigyangdang. Ngunit hindi nila nakita ang kapayapaan sa Tigyangdang. Napakaraming kaaway ang nagpapaalis sa kanila sa Tigyangdang. At kahit anong gawin nila ay hindi nila matalo ang kalaban. Nang dumating ang pang-apat na araw ng pakikipaglaban ay lumapit ang kanyang binatang anak na si Tanagyaw. Payagan mo akong lumaban, ama, sabi niya. Ngunit napakabata mo pa, anak, sinabi niya rito. Marahil nga ay bata ako ngunit ako ay matalino, ama, pilit ni Tanagyaw. Humayo ka at nawa ay tulungan ka ng mga diyos. Ingatan mo ang sarili mo! At umalis na si Tanagyaw upang pumunta sa labanan. At natalo niya ang mga kalaban. Nais ng pinuno ng mga kalaban na makasal si Tanagyaw sa anak nitong babae na si Buy-anon ngunit tumanggi ito dahil napakabata pa nila. mabot si Tanagyaw sa bayan ng Baklayon at iniligtas ang bayan laban sa mga kaaway. Pinatay niya si Bagili, ang anak ng pinuno ng mga kaaway ng Baklayon. Nais ng datu ng Baklayon na ipakasal ang kanyang anak na si Paniguan kay Tanagyaw ngunit hindi pa ito handa na mag-asawa. At nang bumalik si Tanagyaw sa Tigyangdang ay nagpunta si Paniguan sa Tigyangdang, nagtungo si Paniguan sa kanya. Sinabi nito kay Agyu na nais nitong pakasalan si Tanagyaw. Sumang-ayon si Agyu at ikinasal sina Tanagyaw at Paniguan. Sa kabilang dako, hindi tumigil ang pag-atake sa sambahayan ni Agyu. Paminsan-minsan ay mayroong mga kaaway na umaatake sa mga pamayanan at pinapatay ang mga tao at mga hayop ni Agyu. Ngunit matanda na upang lumaban si Agyu. Upang kalabanin ang mga kaaway, nagsuot si Tanagyaw ng baluti na kasing-tigas ng metal na sa lakas ay hindi maigalaw ng hangin. Pagkatapos ay kinalaban niya ang mga kaaway at lumabas na panalo. Ngunit hindi pa handang sumuko ang mga kalaban. Sinugod ng anak ng datu si Tanagyaw gamit ang ginintuang espada. Ginamit ni

Tanagyaw ang gintong tungkod at nagawang patayin ang anak ng datu at ang kanyang mga kasama at tumakas sa bundok dahil sa takot. Napanuto na si Agyu. Nalalaman niya na maghahari na ang kapayapaan sa kanilang kaharian. Ngayon ay tatamasain na nila ang magandang buhay na mailap sa kanila noong una. Ang ani ay masagana at ang mga hayop ay dumarami na sa bilang. Isang araw tinawag niya ang anak na si Tanagyaw. Ibinibigay ko na sa iyo ang Sunglawon. Ipagtatanggol mo ito at pamahalaan ito ng may hustisya at pagpapahalaga sa mga tao. Tutuparin ko po ito sa tulong ng mga diyos, ama sagot ni Tanagyaw. Sa sumunod na umaga, sina Tanagyaw at Paniguan, kasama ang kanilang mga alipin ay nagsimulang maglakbay patungo sa Sunglawon. Handa na sila upang magsimula ng isang pamilya.

TULALANG (Epiko ng Manobo)


Ito ang epiko ng mga Manobo na nagsasalaysay tungkol sa buhay ni Tulalang. Siya ang panganay na anak ng isang mag-asawang mahirap.

Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at nangunguha ng ubod ng rattan na kanilang pagkain. Nakakita siya ng isang matanda na naaawa pala sa kanilang magkakapatid. Lumapit sa kaniya ang matanda at ang wika:

Huwag kang mag-alala sa inyong pagkain, Tulalang. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin ninyo ay mapapasainyo.

Simula noon, ang magkakapatid ay nanagana sa pagkain.

Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang masisipag. Umunlad ang kanilang kabuhayan at ito ay nabantog sa buong kapuluan. Maraming mga tao sa ibat ibang tribu ang nagtungo sa kanilang tahanan upang pumailalim sa kanilang kapangyarihan. Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na manirahan sa torohan o palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay napapalamutian ng mga ginto, pilak at iba pang mamahaling bato. Walang tigil ang mga alipin sa pagtugtog ng magagandang musika, kaya ang mga naninirahan sa paligid ng palasyo ay naaaliw rin. Si Tulalang ay isang binatang matangkad, payat, may maitim na mga ngipin at mahabang buhok. Siya ay may sinturong isang damak lamang ngunit naipupulupot niya ng pitong ulit sa kanyang

baywang. Puting-puti ang kanyang damit na may mahabang manggas at ang pantalon niya ay hanggang tuhod lamang. Ang kanyang mga daliri ay nagkikislapan sa mga gintong singsing. May balaraw sa baywang at may pulang turban sa ulo na ginagamit sa paligid. Siya ay laging nakayapak lamang. Ang magkakapatid ay may kani-kaniyang silid sa palasyo maliban sa kaisa-isang kapatid na babae na inilagay sa pinakamalalim na bahagi ng pitong patong na basket na nakabitin sa loob ng silid ni Tulalang. Siya ay hiyas ng magkakapatid na dapat ingatan. Ngunit ang dalaga ay may kapangyarihang mag-anyong ibat-ibang hugis na naisin niya. Siya ay gadaliri lamang habang nasa loob ng basket. Siya ay nananatili sa loob ng basket kung wala siyang ginagawa. Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga at bago tumanghali ay namumulaklak ito. Kapag nalanta agad ang mga bulaklak na rosas ay nagbabalang may darating na kaaway sa kanilang kaharian. Isang araw ay biglang nalanta ang bulaklak na rosas. Dumating si Agio at sinalakay ang Kulaman, ang kanilang kaharian. Hindi man lamang nabahala o natakot si Tulalang at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Isa sa kanyang mga singsing ang nagsalita at pinayuhang labanan ang kaaway. Inalis niya sa daliri ang singsing at inutusan ito na labanan ang mga kaaway. Sa isang iglap ay naging sundalo ang singsing. Lumaban ito at maraming napatay na mga kaaway, Nakita ito ni Agio at ibinunyag niya na ang sundalo ay isa lamang singsing. Kaagad nilang pinaghahampas ng sibat ang sundalo kaya huminto ito at naging singsing na muli. Muling hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Inutusan ni Tulalang ang kanyang balaraw na makipaglaban. Ito ay naging sundalo at muli na namang pumuksa ng mga kaaway. Ibinunyag na naman ni Agio na ang sundalo ay isang balaraw lamang. Hinawakan niya sa leeg ang balaraw na naging sundalo, at ito ay bumalik sa dating anyo, ang leeg ang naging hawakan ng balaraw. Sa pangatlong hamon ay si Tulalang na ang lumaban. Marami siyang napatay na mga tauhan ni Agio. Nang siya ay napagod ay umakyat siya sa palasyo at nagpahinga. Hinalinhan naman siya ng kapatid niyang si Mangampitan. Sa kanyang kamay naman namatay ang kalahati ng mga kalabang natitira. Siya ay napagod din at nagpahinga sa palasyo kaya siya ay hinalinhan naman ng pinakabunso sa magkakapatid, si Minalisin. Nangamatay ng lahat ang mga kalaban maliban kay Agio. Naglaban naman sina Agio at Minalisin. Tinamaan ng sibat si Agio. Nagbalik sa dating anyo si Agio na kanina ay nag-anyong pulubi bago maglabanan. Siya ay naging isang makisig na binata. Nagpatuloy sila sa paglalaban hanggang sa mapagod. Nakita pala sila ng kapatid na babae ni Tulalang sa mahiwagang langis na nagpatulog sa kanila. Nalaman nila pagkagising na sila palang dalawa ay magpinsan. Kung araw ay natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang punungkahoy. Isang uwak na nakadapo sa sanga ang dumumi sa kanyang mukha. Nagising siya at ipinagbigay-alam sa kanya ng uwak na may darating na isang napakalaking higanteng kumakain na tao. Sinabi rin sa kanya kung paano ito matatagpuan.

Agad-agad ay nagtungo siya sa kagubatan at dito ay nakakita siya ng isang kubong may nainirahang matandang babae. Sinabi sa kanya ng matanda ang tungkol sa higante at sa magandang dilag na bihag nito. Tinungo niya agad ang tahanan ng higante na sinabi sa kanya ng matandang babae. Ang bahay ng higante ay napakataas kaya maraming punong saging na tumubo sa ilalim nito. Natutulog ang higante at nakakulong ang dalaga sa hawla nang siyay dumating. Nagising ang higante. Sino ang nariyan? ang sigaw ng higante. Nakaamoy ako ng baboy, tamang-tama sa aking pananghalian. Hindi ako baboy, ang sagot ni Tulalang. Ako ay taong kagaya mo. Kinuha ng higante ang panggarote at ang dalawa ay naglaban. Nagawang putulin ni Tulalang ang dalawang kamay, dalawang paa at ulo ng higante. Inilabas ni Tulalang ang babae mula sa hawla. Napag-alaman ng binata na ang pangalan ng magandang babae ay Macaranga at ang pook na pinanggalingan niya ay Macarangga rin ang pangalan. Naakit siya sa dalaga kaya niyaya niya itong pakasal. Tumanggi ang dalaga. Dahil pagod, si Tulalang ay nakatulog. Nalimutan tuloy niya ang iniluluhog na pag-ibig sa dalaga. Nang magising siya ay wala na ang dalaga, ngunit isang suklay ang sadyang iniwan nito at nakuha naman ng binata. Kaagad siyang nanaog sa tahanan ng higante at sumakay sa kanyang musala. Nagtanong siya sa pitong babaeng nanahi na natagpuan niya. Tinungo niya ang itinuro ng mga ito. Napagalaman niya na si Macaranga ay nagtungo sa Kulog. Tinungo niya kaagad ang Kulog, ngunit ang babae raw ay nagtungo sa Kidlat. Ngunit ito raw ay nasa langit nang puntahan niya. Nagtungo siya sa langit at dito ay nakita niyang naliligo sa ilog ang dalaga. Binanggit niyang muli ang kanyang pagibig ngunit hiniling ng dalaga na bayaan muna raw siyang makauwi sa kalangitan.

Nakauwi ang dalaga sa kanyang palasyo at napag-alaman niya na ang ama pala niyang hari ay namatay na. Sa gayon, ang kanilang kaharian ay nangangailangan ng hari. Pumayag siyang pakasal kay Tulalang. Umuwi muna si Tulalang sa kanilang kaharian bago pakasal. Pagdating sa kaharian ay napag-alaman niya na sinalakay na muli ang Kulaman upang kunin ang kanyang kapatid na babae. Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid hanggang sa makalimutan niya ang pangako kay Macaranga. Minsang wala si Tulalang sa kaharian ay muling sumalakay ang mga kaaway. Ang hari ng mga Bagyo ang pinuno ng mga kaaway. Siya ang pinakamalakas na kaaway ni Tulalang sapagkat hindi siya nakikita. Nagapi ng kaaway ang dalawang kapatid na lalaki ni Tulalang, at ang babae naman ay dinala sa kaharian nito. Nang tumangging pakasal ang babae sa hari ng mga Bagyo ay nilaslas ang kamay niya. Nang malaman ito ni Tulalang ay madali siyang sumakay sa musala at tinungo ang kuweba ng hari ng mga Bagyo. Nag-anyo siyang sibat at pumasok sa kuweba ngunit ang hangin ay wala na roon. Gumawa siya ng paraan upang makapasok sa kaharian. Nagbalatkayo naman siyang isang bata at

sa isang paraan ay nakapasok sa palasyo at naging alila. Siya ay nadistino sa kusina. Minsan ay nakasalubong niya ang kanyang kapatid na babae. Isang gabi ay itinakas niya ang kanyang kapatid. Naghinala ang hari na ang batang alipin ay si Tulalang, kaya ipinasya niyang lusubing muli ang Kulaman. Bago umalis ang hari ng mga Bagyo at ang mga tauhan nito ay hiniling muna ng hari na huminga sila sa isang bote at takpang mahigpit at ibitin sa loob ng palasyo. Nang maglaban na ang dalawang pangkat ay napansin ni Tulalang na kapag may napapatay silang kaaway ay napapalitan kaagad ng dalawa mula sa dugo nito. Lalong dumarami ang kaaway habang marami silang napapatay. Tinungo niya kaagad ang kaharian ng mga Bagyo. Gumawa siyang muli ng paraan upang makuha ang boteng pinag-iwanan ng kaluluwa ng hari at mga kawal nito. Kinabukasan, sa harap ng mga kaaway ay tumayo siya sa beranda ng palasyo at binalaan ang hari at mga kawal nito. Kung hindi kayo susuko ay babasagin ko ang boteng ito upang mangamatay ang inyong kaluluwa. Napilitang sumuko ang Hari at mga kawal nito at napaalipin kay Tulalang. Isang araw, ipinabatid ni Tulalang sa kanyang nasasakupan na ang sarimbar na galing sa langit ay darating na upang silang lahat ay kunin. Hiniling niya sa mga tao na manalangin sa loob ng apat na buwan upang pagdating sa langit ay magiging Katolosan o Kaluluwa, (immortal beings) maging ang apat na magkakapatid. Pagkatapos ng apat na buwang panalangin, ay biglang may humihip na malakas na hangin. Nagdala ito ng balita kay Tulalang na isang malaking baboy ramo ang manggagaling sa Silangan upang silain ang mga tao sa Kulaman at isang higante ang haharang sa sarimbar pagbabalik sa langit. Dahil sa taglay na lakas ni Tulalang ay napatay niya ang baboy ramo at higante. Katanghaliang tapat ay bumaba na ang sarimbar sa nakasabit sa kadenang ginto. Ito ay hugis bangka ngunit yari sa bato. Isa-isang sumakay ang mga tao upang iakyat sa langit. Isa pang higante ang nagtangkang pumutol ng kadena ng sarimbar ngunit napatay rin siya ni Tulalang. Ang mga kapatid ni Tulalang at ang mga mamamayan ay naging maligaya sa kalangitan at nagtamo ng buhay na walang hanggan.

BIDASARI (Epiko ng Mindanao)


Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy. Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao. Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang

sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog. May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang. Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal na mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana. Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari. Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari. Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari. Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna. Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at

sultana

ng

Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

INDARAPATA AT SULAYMAN (Epiko ng Mindanao)


Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli. pinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay. Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris. Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada. Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakpak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay. Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.

Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si Sulayman. Parang

nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan. Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon. Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.

TUWAANG (Epiko ng mga Bagobo)


Nakatanggap si Tuwaang ng mensahe buhat sa hangin na nagsasabi na kailangan niyang dumalo ng kasal ng Dalaga ng Monawon. Huwag kang pumunta, Tuwaang, babala ng kanyang tiyahin. Nararamdaman ko na mayroong masamang mangyayari sa iyo doon. Huwag kang mag-alala, tiyang. Kaya kong alagaan ang sarili ko sinabi niya ng matatag at determinadong pumunta. Hindi mo naiintindihan, Tuwaang.

Hindi ako natatakot sa kahit ano, tiyang. Ngayon ang tanging nalalaman ko ay gusto ko makita ang kagandahan ng Dalaga ng Monawon

Hindi pinakinggan ni Tuwaang ang kanyang tiyahin. Naghanda siya sa pagdalo sa kasal. Isinuot niya ang damit na ginawa ng mga diyos para sa kanya. Mayroon siyang hugis pusong basket na maaaring makagawa ng kidlat. Dala rin niya ang kanyang espada at panangga at isang mahabang kutsilyo. Sumakay siya sa kidlat at nakarating sa kapatagan ng Kawkawangan. Doon ay natagpuan niya ang Gungutan, isang nakapagsasalitang ibon. Gusto ng ibon na sumama sa kanya sa kasalan kaya dinala na niya ito. Nang makarating sa Monawon, siya ay magalang na pinapasok sa loob ng bulwagan kung saan ginaganap ang kasalan. Nagsimulang magdatingan ang mga bisita. Unang dumating ay ang Binata ng Panayangan, pagkatapos ay ang Binatang Liwanon at ang Binata ng Sumisikat na Araw. Huling dumating ang lalaking ikakasal, ang Binata ng Sakadna na kasama ang isang daang lalaki. Nang dumating ay iniutos ng lalaki na paalisin ang mga bisitang hindi nararapat na naroon. Nainsulto si Tuwaang sa sinabi ng lalaking ikakasal na silang lahat ay pulang dahon, na ang ibig sabihin ay mga bayani. Nagsimula ang seremonya sa pag-aalay ng mga bisita ng mga mamahaling

regalo. Dalawa ang natira para sa lalaking ikakasal ngunit inamin ng Binata ng Sakadna na wala silang gintong plauta at gintong gitara na maitutumbas sa mga natira. Tumulong si Tuwaang. Sa kanyang misteryosong hininga siya ay nakagawa ng gintong plauta, gitara at gong. Lumabas na ang babaing ikakasal sa kanyang silid at nagsimulang magbigay ng nganga sa bawa't isang bisita. Pagkatapos ay tumabi ito kay Tuwaang na naglagay sa lalaking ikakasal sa kahiyahiyang sitwasyon. Pakiramdam ng lalaki ay nainsulto siya. Lumabas ito sa bulwagan at hinamon si Tuwaang sa isang laban. Ipakita mo sa akin na nararapat ka sa karangalang ibinigay sa iyo ng aking minamahal sa pagtabi niya sa iyo! sabi ng galit na Binata ng Sakadna. Labanan mo ako hanggang kamatayan! Tumayo si Tuwaang at tinanggap ang hamon ngunit hinawakan siya ng babaing ikakasal. Bayaan mong suklayin ko muna ang iyong buhok bago mo siya labanan, sabi ng babaing ikakasal kay Tuwaang. At buong pagmamahal niyang sinuklay ang kanyang buhok. Tinitigan ni Tuwaang ang babae. Nakita niya ang pagmamahal at paghanga nito sa kanyang mga mata. Mag-ingat ka sa pakikipaglaban sa kanya, babala ng babae. Hindi siya marunong lumaban ng patas. Hinawakan ni Tuwaang ang kamay ng babae at hinalikan ito.

Para sa iyo binibini, mag-iingat ako! sabi niya at lumabas na ito sa bulwagan upang labanan ang lalaki. Tumango ang babaing ikakasal at kumaway sa kanya at umaasa sa kanyang kagalingan. Hinarap ni Tuwaang at ng Gungutan ang Binata ng Sakadna at ang isang daang lalaki. Lumaban sila ng buong makakaya at pagkatapos ng isang maikling pagtutunggali ay natalo niya at ng Gungutan ang siyamnaput-apat na lalaki. Madali nilang natalo ang anim pang natirang nakatayo hanggang siya at ang Binata ng Sikadna na lamang ang natirang nakatayo. Binato si Tuwaang ng lalaking ikakasal ng malaking bato ngunit naging alikabok lamang ito bago pa man nito tamaan si Tuwaang. Dahil sa masidhing laban ay lumindol ang lupa at lahat ng mga puno ay nagbagsakan. Binuhat ng lalaking ikakasal si Tuwaang at ibinato ng malakas sa lupa. Lumubog ito ang nakakarating sa Hades. Sa Hades, nakita ni Tuwaang si Tuhawa, ang diyos ng Hades. Sinabi ni Tuhawa na ang buhay ng lalaking ikakasal ay nasa gintong plauta. Lumitaw mula sa lupa si Tuwaang at pinatay ang lalaki sa pamamagitan ng pagbili sa gintong plauta. Tumakbo ng masaya ang babae sa kanya. Niyakap niya ito at hinalikan sa kanyang pisngi at labi. Maari Ng ka bang sumama buong sa akin? puso, tanong ni Tuwaang sagot sa babae. nito.

Umuwi si Tuwaang sa Kuaman kasama ang babae at ang Gungutan at namuhay sila ng magkakasama, magpakailanman.

BANTUGAN (Epiko ng Mindanao)


Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali. Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali. Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.

Ang Parabula ng Asarol


Ang Parabula ng Asarol

Isang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang mga nagdaang taon. Mahirap na trabaho pero sagana naman siya. Isang araw ay tinanong niya ang sarili niya bakit nagpapakahirap siya. May isang monghe na kumatok sa bahay niya at humihingi ng limos. Naisip niya na maganda ang buhay ng monghe, walang masadong responsibilidad. Kaya, nagpasya siyang iwanan ang kaniyang mga ari-arian at magmonghe rin.

Pagkataos niyang umalis sa bahay, naramdaman niyang walang kalaman-laman ang kaniyang mga kamay. Nahirati kasi siyang laging hawak ang asarol sa araw-araw at ngayon ay para siyang

nanibago. Bumalik siya sa kaniyang bahay, kinuha niya ang asarol at nag-isip siya kung ano ang gagawin niya doon. Nanghihinayang siyang itapon yon dahil yon ay matalim at makintab ahil sa dalas nang gamit niya. Binalot niya ito at itinago sa loob ng bahay. Pagkatapos ay umalis ulit siya.

Ang magsasaka ay nagpumilit matuad ang mga kinakilangan para maging mabuting monghe. Pero, hindi niya mapigilan ang pagbabalik-alala sa kaniyang asarol tuwing mapaadaan sila sa isang taniman. Umuuwi siya at hinihimas ang asarol pagkatapos ay balik ulit siya sa templo. Dumaan ang pito hanggang walong tao, naramdaman niyang tila hindi siya masaya ay malayang monghe pagkataos niyang magpakabanal. Mayroong sagabal at iyon ang nagaabigat sa kaniyang kalooban. Umuwi siya sa bahay, kinuha niya ang asarol at itinapon niya sa lawa. Pagkatapos lumubog ang asarol. Tuwang-tuwang nagsisigaw ang magsasaka nang, "Nanalo ako, Nagwagi ako." Nang oras na yon ay dumaraan ang hari ang batalyon nito mula sa matagumpay na pakikidigma. Narinig niya ang monghe at tinanong, "Ano ang iyong napanalunan? Bakit ka napakasaya?" "Natalo ko ang masasamang damdamin na nasa aking puso. Pinalaya ko na ang aking sarili sa mga materyal na bagay na siyang nagpapabigat sa aking nais na maging isang nilalang. Namasdan ng hari na masaya talaga ang monghe dahil sa siya ay malaya na sa mga pagnanasa sa mga bagay na materyal. Nag-isip din siya."Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam ko ang mga lupang hindi sa akin. Hindi ito ang tunay na tagumpay. Napag-isip din ng hari na ang tunay na matagumpay ang karaniwang tao na napalaya ang sarili sa pag-iimbot ng mga bagay na makakapagpaligayang pang materyal ay ang tunay na nagwagi.

Ang Parabula ng Ama, Anak at Kalabaw


Isang mapagmahal na pamilya ang nakatira sa isang bundok. Ang amay magsasaka samantalang mabuting may-bahay ang ina. Isang lalake ang anak ng mag-irog na naninirahan sa bundok. Pitong na taon na ngayon ang kanilang anak.

Nang minsang bumaba sa bukid ang ama ay isinama niya ang kanyang anak upang makatulong kahit papaano at nang malibang na rin. Dala rin nila ang kalabaw na siyang mag-aararo sa lupang tatamnan. May kalayuan ang pinag-aanihang bukid ng ama. Kinakailangang dumaan ng apat na baryo bago marating ang bukid. Masayang-masaya ang batang lalake habang tinutulungan ang kanyang ama sa pagtatrabaho sa bukid. Nanghuhuli rin siya ng maliliit na langgam at ng luntiang tipaklong sa pagkakataong nagaararo ang ama. Maligaya naman ang ama habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Magdidilim na at pagod na ang ama. Tumigil na rin ang kalabaw sa paggawa dahil sampung kwadro na ang binungkal nito. Kaya naisipan na ng ama na umuwi at niyaya na nga ang anak. Habang silay naglalakad patungo sa bundok na kanilang tinitirhan ay napadaan sila sa isang baryo. Hapung-hapo ang ama kaya naisip ng anak na ang ama na lang ang ipasakay sa kalabaw sa halip na siya. Hawak ng bata ang lubid na nakatali sa kalabaw na kinasasakyan ng ama. Napansin nilang nag-uusap ang ilang ale sa isang banda ng baryo. Narinig na lamang nila: Hay naku, anong klase ama yan? Kabata-bata ng anak inaalila nang ganyan. At siya, komportableng nakasakay sa kalabaw. Napahiya ang ama sa kanyang narinig. Kaya bago tumawid sa sunod na baryo ay bumaba na ito at ibinuhat ang anak pasakay sa kalabaw. Hapung-hapo sa paglalakad ang ama habang hawak ang lubid ng kalabaw. Ngunit nakarinig na naman sila ng mga komento mula sa mga tagabaryo. Ano ba naman iyang batang yan? Nakita na ngang pagud na pagod ang ama sa pag-aaro nang buong araw sa bukid hinayaan pa ang ama na maglakad. Napakawalang utang na loob sa amang kumakayod para sa pamilya. Kaya bago tumungo sa ikatlong baryo ay ibinaba ng ama ang anak. Magkahawak kamay ang mag-ama habang naglalakad kasama ang kalabaw. Nang maabot ang ikatlong baryo, nanghina ang mag-ama sa narinig mula sa isang tagaroon: Katangahan naman ang ibinigay sa mag-amang ito. Ang layo ng bukid na pinanggalin. Pagod pa sa paggawa roon. Naglakad. Hindi man lamang naisip sakyan ang kalabaw. Ano pa ang silbi nito? Tsik...tsik... Sumakay sa kalabaw ang dalawa. Sakay sila ng kalabaw hanggang maabot ang ikaapat at panghuling baryo. Kawawa naman ang kalabaw. Maghapong nag-araro sa bukid, napapagod din yan. Siguro kung nakapagsasalita lamang ang kalabaw na iyan siguradong magrereklamo na yan. Itong mag-ama,

napakalupit! Wala man lang konsiderasyon sa kalagayan ng hayop. Kahit hayop, napapagod at may pakiramdam din. Narinig na lamang nilang sabi ng isang lalake habang lumalagok ng tuba sa tindahang nadaanan. Nang makarating ng bahay, hindi maintidihan ng babae sa itsura ng kanyang mag-ama.

Ang Parabula ng Magsasaka at ang Balon


Ang Parabula ng Magsasaka at ang Balon

Sa kahahabol sa magsasaka ng kaniyang mga kaaway, nahulog siya sa lumang balon na walang tubig. Wala siyang pag-asang makaahon kung walang tutulong sa kanya. Nang malaman ng kaniyang mga kaaway ang sinapit niya ay hindi lamang ito nagsipagsaya kung hindi ipinasya nila na tapusin na rin ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng paglibing sa kaniya ng buhay doon sa balon. Kaya, sama-samang kumuha ng lupa at dumi upang punuin ang balon para ibaon ang magsasaka sa ilalim. Kahit anong pakiusap ng magsasaka ay walang awang ipinagpatuloy ng mga kaaway niya ang masamang balak. Dahil sa madilim ang balon, hindi makita nang mga nagtatabon kung ano ang nangyari sa magsasaka. Inisip nilang patay na ito dahil wala silang marinig na ingay mula sa ibaba ng balon. Minadali nila ang pagtabon at huminto lang sila nang malapit na ang lupang itinatabon sa bunganga ng balon. Naupo sila sumandali para magpahinga. Laking gulat nila nang tumalon ang magsasaka mula sa balon at tuloy-tuloy na tumakbong papalayo. Habang tinatabunan pala siya, ang magsasaka ay pinapalis lamang ang dumi at umaakyat siya sa bagong tabon na balon. Parang isang tao na sa gitna nang paninira ng kaaway, ginagamit niya ito para lalo siyang magsumigasig upang siya ay manalo sa labanan.

Ang Parabula ng Kambing


Isang araw ay nahulog ang kambing sa balon. Umatungal ito ng umatungal na nakapagpataranta sa magsasakang may-ari ng kambing.

Wala siyang malamang gawin para maiakyat niya ito mula sa malalim na balon. Kaya minabuti niyang tabunan na lang ng lupa ang balon kasama ang kambing. Total matanda na ang kambing at ang balon naman ay wala ng tubig na makukuha.

Kaya humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay upang matabunan kaagad ang balon para matigil na ang pa-atungal ng kambing.

Lalong umatungal ang kambing nang maunawaan niya ang gustong gawin ng magsasaka. Ibabaon siya ng buhay.

Ilang sandali lang ay tumahimik na ang kambing. Dumukwang ang magsasaka kung bakit wala ng ingay na nanggagaling sa balon. Nakita niya ang kambing na nakatayo sa lupang kanilang itinatabon. Tuwing may itinatapon na lupa ay niluluksuhan ng kambing para makarating siya sa itaas. Hanggang nang mapupuno na ang balon, ay tumalon ang kambing sa itaas na ikinagulat ng mga tao.

Para rin yang mga taong nagtatapon sainyo ng dumi. Kagaya ng kambing ay tinatapakan lang niya at pinapalis ang dumi hanggang sa siya ay makarating sa itaas.

Ang Parabula ng Pitong Saging


Si Zhuangzi ay isinalaysay ang kuwentong ito upang magbigay ng aral.

Minsan ang tagapag-alaga ng hayup sa isang zoo ay sinabihan ang mga unggoy sa pagbabago ng palakad sa pagpapakain:

"Makukuha ninyo ang tatlong saging sa umaga at apat na saging sa hapon". Nagalit ang mga unggoy.

Kaya sinabihan sila ng tagapag-alaga na:

"Sige, ganito na lang. Apat na saging sa umaga at tatlong saging sa hapon".

Nasiyahan ang mga unggoy.

Aral: Minsan ang pagbabago ng pagsasabi ay wala talagang pagbabago sa unang sinabi.

Ang Don at ang Pulubi


May isang Don na nakadamit ng kulay-ubeng de ilo na nabubuhay arawaraw sa karangyaan. Sa kanyang tarangkahan, nakahambalang ang isang pulubi, si Lazarus. Kumikirot ang buong katawan ni Lazarus dahil tadtad siya ng sugat. Kumakalam din ang kanyang sikmura dahil sa sobrang gutom. Nakatanghod siya at tumatakam sa mga pagkaing nahuhulog mula sa mesa ng Don. Sa halip na lapitan siya ng sinuman sa mga nagsisikain para bigyan siya ng pagkain, ang lumapit sa kanya ay mga aso para dilaan ang kanyang mga sugat.

Dumating ang panahon, namatay ang pulubi. Kinuha siya ng mga anghel, dinala siyat iniluklok sa tabi ni Abraham. Gayundin ang Don, namatay at inilibing. Sa impiyerno ito napunta at pinarusahan. Napatingala ang Don at nakita sa malayo si Abraham katabi si Lazarus.

Nanawagan ito: Amang Abraham, maawa kayo sa akin. Papuntahin ninyo rito si Lazarus para idawdaw ang dulo ng kanyang daliri sa tubig nang malamigan naman ang dila ko. Hirap na hirap na ako sa apoy na ito.

Anak, naaalala mo ba noong nabubuhay ka pa? Tinanggap mo nang lahat ang mabubuting bagay, samantalang lahat ng masasaklap ay napunta kay Lazarus. Kaya ngayon, sa kanya naman dapat ang paglingap, at sa iyo, ang paghihirap. Isa pa, naging napakalaki na ng agwat natin, kaya mahirap nang matawid mo pa ang layo mula riyan hanggang dito, dili kaya ay matawid ninuman ito mula rito hanggang diyan, ang sagot ni Abraham.

Nagmakaawa uli ang Don. Maawa na kayo, Ama, papuntahin ninyo si Lazarus sa bahay ng aking limang kapatid na lalaki. Paalalahanan ninyo sila nang hindi sila mapasunod pa sa lugar na ito.

Tumugong muli si Abraham. Naroroon si Moses at ang mga Propeta, hayaan mong makinig sila sa kanila.

Hindi, Amang Abraham, sabi pa ng Don. Pag mula sa mga namatay na ang pupunta sa kanila, tiyak magsisisi sila.

Bueno talima ni Abraham sa Don,

kung ayaw nilang makinig kay Moses at sa mga Propeta, hindi rin sila makukumbinse kahit sa kaninumang namatay pang ibabalik.

Lukas 16: 19-31 Isina-Filipino ni Joey A. Arrogante.

Ang Parabula ng Dalawang Monghe


May isang matandang monghe na nagwawalis sa kapaligiran ng monasteryo sas ilalim ng matinding sikat ng araw.

Dumaan ang isa ring monghe at nagtanong sa kanya. "Ilang taon ka na?"

Sumagot ang matandang monghe, "Pitumpo't pito."

"Ang tanda mo na pala! Bakit nagapakahirap ka ang magtrabaho?" sabi ulit ng isang monghe.

"Kasi nandito ako." sagot ng matandang monghe.

"Bakit sa ilalim ng sikat ng araw?" tanong ulit ng isang monghe.

"Kasi nandito ang araw."

Ang Parabula ng Gutom na Utak


May isang propesor na nakipagkita sa isang Ginagalang na Pinunong Zen. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng Zen. Ang Pinuno ay matahimik na nagbbuhos ng tsaa sa isang tasa. Puno na ang tasa subali't patuloy pa rin ang kaniyang pagbuhos.

Ang propesor ay hindi nakatiis at tinanong kung bakit patuloy pa rin ang kaniyang pagbuhos kahit puno na ang tasa.

"Ibig kong ipakita saiyo," sagot ng inunong Zen, "na katulad din yan nang iyong nasang maunawaan kung anong ibig sabihin ng Zen habang ang iyong utak ay puno". Kailangang alisin mo muna ang iyong pinaniwalaan tungkol sa Zen bago mo unawain kung ano talaga ang Zen."

Ang Parabula ng Mga Bulag at ang Elepante


Ang Parabula ng mga Bulag at ang Elepante (Mga Kwento ni Budda)

Minsan ay may isang raha (hari) na anyayahan ang mga taong ipinanganak na bulag at ipakita sa kanila ang isang elepante. Sinunod ito ng kaniyang katulong. Sa isang bulag ay pinahawakan niya ang ulo ng elepante, sa isa naman ay ang tainga, sa isa ay ang mahabang ilong, ang isa ay ang isa sa mga sungay nito sa nguso; sa isa pa ulit ay ang katawan, habang ang isa ay paa, sa isa pang bulag ay ang likod at sa iba pang bulag ay ang buntot at ang dulo ng buntot. Pagkatapos nang lahat ay nagkarron ng pagkakataon upang mahawakan ang elepante, tinanong ni Buddha kung ano sa palagay nila ang elepante. Ang Ang Ang Ang Ang Ang Ang Ang Ang humawak ng ulo ay nagsabi na ito ay isang kalderong lutuan. humawak ng tainga ay nagsabi na ito ay isang bilao. humawak ng sungay ay nagsabi na ito raw ay talim sa pang-araro. humawak ng mahabang ilong nito ay nagsabing ito ay ang pangararo. humawak ng katawan ay sinabing ito ay imbakan ng inani. humawak ng paa ay sinabing ito ay poste. humawak ng likod ay sinabing ito ay bayuhan. humawak ng buntot ay sinabing ito ay pambayo. humawak ng dulo ng bunto ay sinabing ito ay panglinis.

Dahil sa bawa't isa ay gumigiit ng kanilang paniniwala, di kalaunan, sila ay nag-aaway-away. Ang leksiyon sa parabula. Ang bawa't nagtuturo ay may iba'ibang paniniwala ayon sa kanilang iniisip na tama kahit sila ay tulad sa mga bulag na pinaniwalaan lang ang kanilang nahahawakan.

You might also like