P. 1
Ang Marxismo Bilang Teoryang Pampanitikan

Ang Marxismo Bilang Teoryang Pampanitikan

|Views: 498|Likes:
Published by Karen Remudo

More info:

Published by: Karen Remudo on Mar 11, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/02/2015

pdf

text

original

ANG MARXISMO BILANG TEORYANG PAMPANITIKAN (jc malabanan 10-19-2008

)

Oct 19, '08 5:28 AM for everyone

ANG MARXISMO BILANG TEORYANG PAMPANITIKAN ni Joel Costa Malabanan Sa akdang Das Kapital (1867) ng Aleman na si Karl Marx ay inugat niyang ang pinagmulan ng puhunan ay ang mga natipong pakinabang mula sa paggawa (labor). At ang tunggalian sa pagitan ng mga kapitalista at manggagawa ay umiiral sapagkat ang mga kapitalista ay naghahangad ng mas maliking tubo habang ang mga manggagawa naman ay naghahangad ng mas malaking pakinabang mula sa kanyang lakas-paggawa. Ito ang pinakahangarin ng mga Komunistang bansa tula ng Cuba, North Korea, Russia at ng China (noong di pa nila niyayakap ang Kapitalismo) – ang makabuo ng isang lipunang pantay-pantay ang uri ng kabuhayan at isang lipunang walang pagsasamantala mula sa mga naghahari. Matagal na ring umiiral sa Pilipinas ang ideolohiyang Marxista magmula pa nang unang maitatag sang Partido Komunista ng Pilipinas noong Nobyembre 30, 1930 sa pamumuno ni Crisanto Evangelista. Ang

Kahit napasuko na ang HMB. 1968 at ito ang naging gabay ng na ideolohiya ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) o New Peoples Army (NPA) hanggang sa kasalukuyan. Muling binuhay ng guro at makatang si Jose Maria Sison ang Partido Komunista ng Pilipinas noong Ika-26 ng Disyembre. Hernandez ang tulang “Republikang Basahan” ni Toedoro Agoncillo ay katatagpuan ng panawagan sa pagkakaroon ng tunay na kalayaan gamit ang rebolusyon. Ang nobelang “Mga Ibong Mandaragit” ni Amado V. ang elemento ng Marxismo ay nakatanim na sa mga manunulat kagaya nina Amado V. Hernandez at Teodoro Agoncillo at historian na si Renato Constantino. Namatay si Crisanto Evangelista noong panahon ng mga Hapon at taong 1956 naman nang tuluyang napasuko ni Pangulong Ramon Magsaysay ang huling lider ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) na si Luis Taruc. Sa ilalim ng diktaturya ni dating Pangulong Ferdinad Marcos ay lumakas ang Marxismo bilang gabay na prinsipyo ng mga rebolusyunaryo at mga aktibistang manunulat gaya nina Lorena Barros. Romulo .HUKBALAHAP o Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon ay itinatag ng mga Marxistang Pilipino noong 1942 upang malabanan ang mga Hapon at ang mga Amerikanong kapwa naghahangad na angkinin ang Pilipinas.

tula. ang akda ay nagpapakita ng labanan ng kapitalista at manggagawa o kaya naman ay tunggalian ng . pelikula o dula kung: 1. binibigyang halaga ng akda ang kabayanihan ng magsasaka at manggagawa bilang tagalikha ng yaman ng mundo. 3. kumilos ka baliktarin ang tatsulok / Katulad mong mga dukha ang ilagay mo sa tuktok”. 2. Axel Alejandro Pinpin. Sa kasalukuyang panahon. Ngunit papaano ba makatitiyak ang nagsusuri na kung nagtataglay ng Marxismo ang isang akda? Maituturing na may Marxismo ang isang kuwento. awit. konsepto ng Marxismo ay matatapuan sa mga akda nina Jun Cruz Reyes.Sandoval. Ang kanatang ito ay malinaw na nanawagan ng pagbabago sa lipunan. Alex Remolino at sa ilang tula ni Virgilio Almario. Emmanuel Lacaba at marami pang iba. ang akda ay nagtutulak ng rebolusyon bilang tanging solusyon sa pagbabago ng lipunan. nobela. Maging ang awit na “Tatsulok” na nilikha ni Rom Dongeto ng bandang BUKLOD at pinasikat ni Bamboo Mañalac ay nagtataglay ng konsepto ng Marxsmo particular ang linyang “Totoy.

Sa mga akdang Realismo.) Ang pagkakaiba ng konsepto ng Marxismo at Realismo ay nakabatay sa pagtatangka ng Marxistang akda na solusytunan ang problemang panlipunan gamit ang karahasan na ang magtataguyod ay ang mga inaaping uri sa lipunan. 2008 . (posible ring ang akda ay naniniwala sa Diyos lalo pa kung nagtataglay ito ng elemento ng Liberation Theology. inilalarawan ng akda ang kabayanihan ng mga NPA o itinutulak ang mambabasa na makiisa sa hangarin ng mga aktibista. at 5. ang layunin lamang nito ay ipakita ang tunay na nagaganap sa lipunan upang matuto ang sambayanan. 4. kung ang akda ay hindi nanalig sa Diyos para sapagtatayo ng isang lipunang pantay-pantay at makatarungan. kailangan ng mga Marxistang manunulat na manalig rin sa Reyalismo upang maitulak ang kanilang layuning gisingin at palayin ang bayang nahihimbing.panginoong may lupa at magsasaka. Sa pangkalahatan. -joel costa malabanan Oct 19.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->