You are on page 1of 10

Si Francisca Reyes-Aquino ay isang edukador at nasyonalista.

Siya ang kauna-unahang Pilipina na ginawaran at itinanghal bilang isang Pambansang Alagad ng Sining dahil sa kaniyang kontribusyon sa sayaw noong 1973. Naglakbay siya sa buong Pilipinas upang mag-obserba at magtala ng mga sayaw at iba't-ibang tropang mananayaw tulad ng Filipiniana Dance Troupe. Itinatag ni Dr. ReyesAquino ang Filipiniana Folk Dance Troupe at noong 1949 binuo naman niya ang Philippine Folk Dance Society. Pinagkalooban siya ng "Philippine Republic Award of Merit" para sa kaniyang walang pagod na pagpapalawig sa folk dances gayun din ang kaniyang kontribusyon sa pagpapalaganap ng kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng sayawing

Francisca Reyes-Aquino Ina ng Sayawan ng Pilipinas Philippine Dancing) (Mother of

Pilipino.

Si Leono Florentino ay isang tanyag na makata sa Espaol at Ilocano. Siya ang kaunaunahang Pilipinong makata. Ang kaniyang lyrical poetry sa Espaol lalong-lalo na sa Ilocano ay nagtamo ng pansin mula sa iba't-ibang pandaigdigang forum. Bilang patunay na ang kaniyang mga obra ay kinilala sa ibang bansa, si Florentino ay napasama sa Encyclopedia Internationale des Oeuvres des Femmes (International Encyclopedia of Womens Works) noong 1889.

Leona Florentino Ina ng Literaturang Pangkababaihan ng Pilipinas (Mother of Philippine Women's Literature)
--KULTURAL-1|Page/MGA KABABAIHAN SAIBAT IBANG ASPETO

Leonor Orosa - Goquinco Ina ng Sayawang Pang -Teatro ng Pilipinas (Mother of Philippine Dance Theater)
Si Leonor Orosa-Goquinco ay isang tagapasimuno ng tagapagsaayos ng sayaw na itinatanghal (choreographer) sa Pilipinas. Ginawaran siya ng titulong, Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas noong 1976. Ipinagsama niya ang elemento ng classical ballet at katutubong sayaw ng Pilipinas. Tumulong siya sa pagtayo ng Philippine Ballet Theater at siya ang nagpasimuno sa pagtatag ng Filipinescas Dance Company.

Amy Tan
Si Amy tan ay isang Amerikanong Manunulat, ang kanyang mga likha ay nagpapakita ng ugnayan ng Ina sa anak na babae. Ang pinaka kilala niyang likha ay ang The Joy Luck Club na sa kalaunan ay ginawang pelikula. Nagsulat din siya ng mga nobelang naging Best Seller

2|Page/MGA KABABAIHAN SAIBAT IBANG ASPETO

--KULTURAL--

Anita Magsaysay - Ho
Si Anita Magsaysay-Ho (Manila, 25 May 1914- ) ay kilala para sa kanyang mga abstrak na mga dibuho ng mga babae sa kanilang pang-araw-araw na gawain at ng mga hubad na babae. Isa siya sa mga Modernists, ang iisang babae na kasama ng 13 na pintor na nagpasimula ng mga estilong moderno noong 1950s. Noong 1958, isa siya sa mga 6 Outstanding Filipino painters, kasama ni Vicente Manansala, Arturo Luz, Hernando R. Ocampo, Carlos "Botong" Francisco, at Fernando Zobel, na itinuring ng 8 kilalang tao sa larangan ng sining sa Manila Chronicle panlinggo na magasin This Week.

Hanae Mori
Kaisa-isang hapon na nagawang iprisinta ang mga koleksyon sa Runways ng Paris at New York, at ang kahuna-hunahang babaeng Asyano na na-admit bilan oppisyal na Haute couture design house by the fdration franaise de la couture ng france. Siya rin ang pinaka Kilalang disigner sa Japan noong 1951, Itinuturing siyang isang halimbawa ng Liberated Woman.

3|Page/MGA KABABAIHAN SAIBAT IBANG ASPETO

--KULTURAL--

Ina ng Katipunan (Mother of Katipunan) Ina ng Balintawak (Mother of Balintawak) Si Melchora Aquino ay ang kilala din sa tawag na "Tandang Sora". Siya ay isang matapang na rebolusyonaryo noong panahon ng Philippine Revolution noong 1896. Si Aquino ay namamahala noon ng isang tindahan kung saan ginawa itong isang silungan ng mga may sakit at sugatan ng mga mandirigma. Pinakain, binigyan ng pangunahing lunas, binigyan ng payo at pinagdasal ang mga rebolusyonaryo. Ang mga patagong pagpupulong ay idinaraos din sa kaniyang tahanan. Ito ang dahilan kung bakit binansagan siyang, "Ina ng Katipunan". Nang matuklasan ng mga Kastila ang kaniyang mga gawain, si Aquino ay inaresto at pinalayas sa Mariana Islands.

Melchora Aquino

Dr. Clare R. Baltazar


Ina ng Entomolohiya sa Pilipinas (Mother of Philippine Entomology) Si Dr. Baltazar ang isang pangunahing entomolohista o isang dalubhasa sa insekto. Siya ang awtor ng Philippine Insects, ang unang authoritative text ukol sa mga insekto sa Pilipinas. Siya ay pinagkalooban ng Rizal Patria Award sa entemolohiya noong 1980. At noong 2001, siya naman ay ginawaran ng titulong, National Scientist ng dating pangulong Joseph Estrada

4|Page/MGA KABABAIHAN SAIBAT IBANG ASPETO

--PANLIPUNAN-

Mercedes B. Concepcion
Ina ng Demograpiya ng Asya (Mother of Asian Demography) Ang pagsasaliksik ni Mercedes Concepcion tungkol sa paglaki ng populasyon sa Pilipinas ay isang makabuluhang tagunton na nakatulong sa pag-unlad, pagsubaybay at pagsuri sa patakaran at programa ng national population. Ang kaniyang pangunguna sa pananaliksik ukol sa populasyon sa Pilipinas at sa Timog-Silangang Asya ay kinikilala at pinapahalagahan sa buong mundo.

Gregoria de Jesus Ina ng Rebolusyon ng Pilipinas


(Mother of the Philippine Revolution) Kilala din bilang Aling Oriang, siya ang maybahay ni Andres Bonifacio, ang supremo ng Katipunan. Siya ang tagapagtatag at bisepresidente ng kababaihang sangay ng Katipunan of the Philippines. Siya ang naging tagapangalaga ng mga dokumento at selyo ng Katipunan.

5|Page/MGA KABABAIHAN SAIBAT IBANG ASPETO

--PANLIPUNAN-

Dr. Raquel del Rosario-Fortun


Ina ng Patolohiyang ginagamit sa Paglilitis (Mother of Philippine Forensic Pathology) Si Dr. Raquel del Rosario-Fortun ay ang unang babaeng Forensic Pathologist sa Pilipinas. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga imbestigasyon sa mga krimen at sakuna sa loob at labas ng bansa. Si Dr. Fortun ay ang unang babaeng nagsanay sa forensic pathology o ang patolohiyang ginagamit sa paglilitis. Labing-pitong taon na rin siyang nagtuturo ng forensic pathology. Siya ay ginawaran ng 2002 TOYM award para sa Forensic Pathology.

Honoria Acosta-Sison
Ina ng Obstetrika sa Pilipinas

(Mother of Philippine Obstetrics)


Si Dr. Honoria Acosta- Sison ay ang kauna-unahahang Pilipinang manggagamot at ang unang Pilipino na nakapagtapos sa American Medical School at pinaka-unang espesyalista o dalubhasa sa obstetrics.

6|Page/MGA KABABAIHAN SAIBAT IBANG ASPETO

--PANLIPUNAN-

Trinidad Tecson
Ina ng Philippine National Red Cross (Mother of Philippine Red Cross) Ina ng Biak na Bato (Mother of Biak na Bato) Kilala bilang Ina ng Biak-na-Bato at Ina ng Awa ng Philippine Revolution. Nakipaglaban siya kasama ang mga kalalakihan upang ipagtanaggol ang kalayaan mula sa mga Kastila. Siya rin ay binigyan ng titulong Ina ng Biak-na-Bato ni Gen. Emilio Aguinaldo at pinuri bilang Ina ng Philippine National Red Cross dahil sa kaniyang hindi matatawarang tulong sa mga Katipunero

Janette Toral
Ina ng E-Commerce Law-RA8792 sa Pilipinas (Mother of E-Commerce Law-RA8792)
Si Janette Toral ay isang tagasanay (trainer), manunulat, SEO consultant, blogger, policy lobbyist at negosyante. Siya ay kinikilala bilang kampeon ng information technology dahil sa kaniyang pagsulong sa sektor ng IT sa loob at sa labas ng bansa.

--PANLIPUNAN--

7|Page/MGA KABABAIHAN SAIBAT IBANG ASPETO

Corazon Aquino
(Unang Presidente ng Pilipinas)
Dalawang taon matapos siyang maluklok bilang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas, ipinatupad niya ang Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP sa ilalim ng Republic Act No. 6657. Ilang kontrobersiya ang kinasangkutan nito lalo pa't kilalang haciendero ng ekta-ektaryang lupain ang kanyang pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay mabibigyan ng lupa ang humigit kumulang sa 8.5 milyong magsasaka at manggagawa ng lupa sa loob ng sampung taon upang kumawala sila sa kahirapan at pagiging alipin.

Aung San Suu Kyi (Myanmar)


Naging membro siya ng National League for Democracy noon Setyembre ng 1988, bilang Secretary General. Na nagnanais na isulong ang pagbabago sa pamahalaan ng myanmar. Maraming beses niyang ipnahayag ang pagnanais niya para sa kalayahan at demokrasya. Ngunit nakulong noong July 20, 1989 sa isang House Arrest, kasabay ng pagpanaw ng kanyang ina sa taong iyon din.

8|Page/MGA KABABAIHAN SAIBAT IBANG ASPETO

--PULITIKAL--

Megawati Sukarnoputri (Presidente ng Indonesia)


Sa pagtatapos ng 1980s at pagsisimula ng 1990s ay nagging pinuno ng kalabang partido, ang Indonesian Democratic Party (PDI). Nakatulong ang kanyang papularidad upang mapatumba and Suharto regime. Dahil sa kakulangan sa kasanayan sa pulitika marami ang nag-iisip kung kaya ba niyang gampanan ang responsibilidad na maging isang pinuno.

Chandrika Bandaranaike Kumaratunga ( Presidente ng Sri Lanka)


Isang membro siya ng Council of Women World Leaders isang internasyonal na organisasyon ng mga kasalukuyan at dating kababaihang pangulo at ng mga Prime Ministers, na ang layunin ay pagsamasamahin ang mga kababaihang may matataas na posisyon sa buong mundo para sa samasamang pag-aksyon sa hindi pagpapahalaga sa mga kababihan at sa pagsulong ng pagkapantay pantay. Isa rin siya sa 12 membor ng Board of Directors ng club of Madrid. Kasalukuyan ding Panellist at Advisor sa mga Clinton.

9|Page/MGA KABABAIHAN SAIBAT IBANG ASPETO

--PULITIKAL--

10 | P a g e / M G A K A B A B A I H A N S A I B A T I B A N G A S P E T O

You might also like