You are on page 1of 54

Ang Kapangyarihan at Kakayahan ng Kamote

Isang pananaliksik na iniharap kay Prof. Emelinda C. Layos

Bilang pagtugon sa kahingian sa sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (FILI 1023)

Mga mananaliksik: BSND1-1N Pangkat H

Jean Paulene W. Rivera Janine Joy S. Roales Kheesa Marie B. Sonaba

Wrindle D.V. Serdenia Rafael A. Santiago

Marso, 2012

PASASALAMAT

Buong pusong pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang PANGINOONG DIYOS na walang sawang sumusubaybay at gumagabay sa bawat kasapi upang matapos ang pag-aaral na ito.

Pinasasalamatan din si Prof. Emelinda C. Layos na tagapayo na nagsilbing gabay at daan upang maging matagumpay at maayos ang pagsasagawa ng pananaliksik na ito, pati na rin sa walang sawang pakikinig sa research presentation na bunga ng aming kasipagan.

Lubos na pasasalamat din sa aming mga magulang, sa aming pamilya, ama, ina at mga kapatid na walang sawang sumusuporta at handang tumulong anumang oras.

Maraming salamat sa mga may-akda at awtor ng mga na mga libro at artikulo na aming nakalap na siyang naging daan upang maging mahusay ang pag-aaral na ito, sa mga kaibigan at kakilala, mga taong nakasalamuha habang binubuo ang pananaliksik na ito.

At sa huli, salamat sa edukason at wika na nagsisilbing bantayog sa karunungan.

PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito ay iniaalay sa mga punong pinutol para gawing papel, sa Panginoong Diyos at mga magulang, sa mga kabataang nag-susumikap makapag-tapos ng pag-aaral at may pangarap at higit sa lahat, iniaalay ang pag-aaral na ito para sa mga taong hindi kumakain ng kamote.

TALAAN NG NILALAMAN Bahagi ng sulating pananaliksik Flyleaf Pamagat Pasasalamat Paghahandog Talaan ng Nilalaman Talaan ng Talahanayan at Ilustrasyon I. Panimula 1.1 1.2 1.3 1.4 Layunin ng Pag-aaral Kahalagahan ng Pag-aaral Paglalahad ng Suliranin Saklaw at Limitasyon At Mga Terminolohiyang Ginamit 1 2 3 4-5 Pahina i ii iii iv v vi

II. Pagtalakay sa Nilalaman II.1 Kamote A. Ang Kahulugan o depinisyon, pinagmulan, mga uri, at mga lugar na may pangunahing konsumo o suplay ng Kamote B. Iba't Ibang Gamit ng Kamote B.1 Ibat ibang lutong maaaring magawa sa Kamote. B.1.1 Fried sweet potato B.1.2 Kamote chips, sticks at Camotecues B.1.3 Kamote dried chips B.1.4 Kamote buns B.1.5 Kamote Pie B.1.6 Kamote sa pIlipinas B.1.7 kamote sa China B.1.8 Kamote sa Japan B.2 Ibat ibang gamit ng Kamote bukod sa pagiging pagkain B.3 Kamote bilang pamalit sa Bigas B.4 Kamote bilang Halamang Gamot B.4.1 Kamoteng baging, nagtataglay ng mga 10 11 12 13 14 14 14 14 15-17 18 19 2-9 10

Sustansyang kontra-pagtanda B.4.2 Kamote bilang panlaban sa ibat ibang karamdaman C. Mga Sustansyang Makukuha sa Kamote C.1. Mga Benepisyong makukuha sa pagkain ng Kamote o Sweet Potato C.2. Mga iba pang sustansya ng kamote D. Kahalagahan ng Kamote, lalo na sa Industriya E. Tamang Pagtatanim ng Kamote 2.2 Ang Kapatid ng Kamote, ang Yam F. Kahulugan, Uri ng YAM, Pagkakaiba ng YAM at kamote F.1 Ang mga uri ng yam F.2 Pagkakaiba ng YAM at KAMOTE G. Mga Lugar Kung Saan Matatagpuan ang Yam o Ube at ang Pangunahing Supplier nito H. Mga lutong na ginagawa sa Ube at iba pang gamit ng nito

19 20 21-25 22 23-25 25-26 27 - 28

29-34 29-33 34 35 36

H.1 Mga iba pang pagkaing produkto gamit ang ube bilang isa sa mga sangkap 38 I. Nutritional value na makukuha sa Yam o Ube III. Mga Natuklasan IV. Bibliograpi / Talasanggunian 39 40-43 44-46

TALAAN NG TALAHANAYAN AT ILUSTRASYON Mga Ilustrasyon: Dilaw na kamote Puting kamote Fried sweet potato Kamote chips, kamote sticks, kamote cue Kamote dried chips Tinapay na gawa sa kamote o kamote flour Kamote pie Adobong Talbos ng kamote sinigang tongsui o sweet potato soup Daigaku-imo Ofukuimo Ace of spades Blackie Margarita Dioscorea rotundata poir (white yam) Dioscorea Alata (water yam) Dioscorea Cavensis (yellow yam) Dioscorea Esculenta Dioscorea Dumethorum (bitter yam) Dioscorea Bulbifera (aerial yam) Dioscorea trifida L. (cush-cush yam) Dioscorea opposita thumb (cinnamon yam) Dioscorea japonica (thunb) Halayang Ube Mga Talahanayan: Sweet potatoes (Ipomoea batatas), raw, Nutrition value per 100g Ang 3 uri ng Kamote/ 100 gramo Pagkakaiba ng Yam at Kamote Mga bansang may pinakapangunahing produksyon ng Yam Ibat ibang lugar sa Pilipinas na may Pangunahing Produksyon ng Ube Kabuuan ng mineral at bitamina sa bawat 100 grams ng Ube 24 25 33 34 35 40 Pahina 9 9 10 11 11 13 13 14 14 14 17 30 31 31 31 32 32 32 32 33 36

I. PANIMULA
A. Layunin
Ang layunin ng pananaliksik na ito na pinamagatang Kapangyarihan at Kakayahan ng Kamoteay ang mga sumusunod:

Mailahad ang mga sustansyang makukuha sa kamote bilang isang pagkaing nakakapag-bigay ng sapat na sustansyang kailangan ng isang indibidwal sa pang-araw-araw niyang pamumuhay; Pagtuklas kung ang kamote ba ay magiging mabisang pamalit sa pang-araw-araw na kinakain ng tao, partikular na tayong mga Pilipino na bigas; Pagpapakilala at paglalahad ng impormasyon tungkol sa Yam o Ube, na sinasabing kapatid ng kamote, ang gamit nito at ang pagkakaiba nito sa kamote; Pagbibigay importansya at linaw sa mga bagay na nagagawa ng kamote, hindi lamang bilang isang pagkain kundi bilang gamit sa iba pang mga bagay-bagay, tulad ng kamote bilang pagkukunan ng pagkakakitaan o bilang isang halamang gamot, at marami pang iba at; Magbigay ng karagdagang impormasyon sa mga tao ng kabutihang nagagawa ng kamote, nang sa gayon ay mahikayat na rin ang bawat isa na kumain nito.

Sa kabuuan, ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay makapagbigay ng kabuuan at pangkalahatang impormasyon sa mambabasa ng tungkol sa kamote, ang mga pangkaraniwan at dipangkaraniwang mga impormasyon na makakapagbigay ng panibagong ideya tungkol sa pagkaing ito, nang sa gayon ay mas maging epektibo pa ang paggamit nito at nang makatulong ito upang mas

maging mabunga pa ang pag-aaral at makatulong ang pananaliksik na ito sa mga susunod pang pagaaral na maisasagawa tungkol sa kapangyarihan at kakayahan ng kamote.

B.

Kahalagahan
Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil naglalaman ito ng mga impormasyon at kaalaman na

maaring magamit ng bawat isa (mapa-bata man o matanda) upang mapaunlad ang kanilang karunugan hindi lang sa aspetong pang-agrikultural pati na rin maging sa aspetong pang-industriya. Mahalaga din ito sapagkat ang pananaliksik na ito ay makakapag-bigay linaw sa mga bagay-bagay na hindi masyadong malinaw tungkol sa kakayahan ng isang kamoteng kinakain ng mga tao; makakapagbigay ito ng malinaw na impormasyon sa kung ano ang kayang gawin ng kamote sa ating katawan, ang mga sustansyang nakapaloob dito na makakatulong upang maging malusog ang ating mga pangangatawan at maging matalas ang ating isipan, at kung bakit ang pagkain nito ay mahalaga sa isang indibidwal. Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod:

Iba pang gamit ng kamote o sweet potato; Pagkaing nagagawa ng kamote o sweet potato; Sustansyang maaring makuha sa pagkain ng kamote o sweet potato; Tamang paraan ng pagtatanim at pagpapadami nito; Mga lugar na may madaming suplayer nito; Kaalaman tungkol sa kapatid ng kamote na Yam o Ube; Kahalagahan ng kamote o sweet potato sa industriya at; marami pang iba.

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa pagpapalawak ng impormasyon tungkol sa kamote o sweet potato hindi lamang sa mga komu-konsumo o kumakain nito maging pati na rin sa mga taong ginagamit ang kamote o sweet potato para sa kanilang pamumuhay, partikular na ang mga magsasaka sa mga ibayong lugar.

C.

Paglalahad ng Suliranin
Ang mga sumusunod ay ang mga suliranin o katanungang nais masagot sa pagsasagawa ng

pananaliksik tungkol sa Kapangyarihan at Kakayahan ng Kamote.

1) Ano ang kahulugan o depinisyon ng kamote at sino naman ang nakadiskubre nito, kung meron 'man? 2) Ano ano ang iba't ibang klase o uri ng kamote? 3) Saang mga lugar ang may pinaka-pagunahing supply ng kamote sa bansa o iba pa? 4) Ano ang iba't-ibang uri ng putahe o mga lutong maaring magaw sa kamote? 5) Ano-ano ang mga sustansyang maaring makuha sa pagkain ng kamote o sweet potato? 6) May iba pa bang gamit ang kamote bukod sa pagiging pagkain nito? 7) Maari bang maging pamalit sa bigas ang kamote? 8) Ano ang kahalagahan ng kamote sa ating katawan, pamumuhay at lipunan? 9) Paano ba ang tamang pagtatanim ng kamote? 10) Ano ang kapatid ng kamote na yam? 11) Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kamote at yam?

D.

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tatalakay lamang sa mga mahalagang impormasyon at pangunahing

kaalaman tungkol sa kamote, na siyang magiging sagot sa mga katanungang aming inilahad tungkol sa naturang paksa. Ang iba pang malawak na terminolohiyang gagamitin o may kaugnayan sa aming paksa ay hindi masyadong pag-uukulan pa ng pansin o tatalakayin pa. Ang mga di gaanong mahalaga ay bibigyan lamang ng pahapyaw na pansin sa pananaliksik na ito. Ang pinaka-pokus ng paksang ito ay pawang kamote lamang, ang yam o ube ay bibigyan lamang ng kaunting impormasyon dito, sapagkat ito ay hindi gaanong saklaw sa pag-aaral ng kamote.

E.

Mga Terminolohiyang Ginamit


Alkaloid uri ng compound na nagtataglay ng nakalalason na nitrogen na matatagpuan sa ibang halaman Baniato tawag ng mga taga-Carribean sa kamote Batate Douce tawag ng mga Pranses sa kamote Bio- based fuel Krudo na nagmula sa ilang natural na materyal tulad ng halaman, vegetable oil at ilang mga materyal o bagay na patapon na. Ipomoea Batatas siyentipikong pangalan ng kamote o sweet potato Cholorogenic, Isochlorogenic, Cafeic acids Mga acids na bumubuo ng gamut kontrapagtanda o anti-aging. Convolvulaceae pamilyang kabilang ang kamote; uri ng halaman na herbaceous vines na kasama sa pamilya ng mga morning glory Daigaku-imo Dessert na matatagpuan sa Japan, karaniwang gawa sa kamote. 4

Dioscorea scientific name ng Yam Dioscorea Alata water yam Dioscorea Bulbifera aerial yam Dioscorea Cavensis yellow yam Dioscorea Dumethorum bitter yam Dioscorea opposita thumb cinnamon yam Dioscorea rotundata poir white yam Dioscorea trifida L. cush cush yam Dry matter content Materyal na makukuha mula sa mga nalalabing materyal ng halaman at hayop matapos dumaan sa ilang proseso. Glycerol ginagamit bilang pampatamis at sa pagpeprerba. Ginagamit din sa medisina Isinasaccharified Proseso ng pagbabago o paglilipat mula sa Almirol hanggang maging asukal. Kamaru tawag sa kamote ng mga taga-New Zealand at Fiji Kerepek at Ecakar Ayam mga chichiryang gawa sa kamote na ginagawa sa Malaysia. Moche isang sibilisasyong lumaganap sa Peru noong 189 A.D Moche ceramic Seramikong palamuti na ginagawa nila noong panahon ng Moche. Monocotyledon nagtataglay ng isang cotyledon at embryonic na dahon. Ofukuimo malambot na tinapay na mayroong kamote sa loob. Matatagpuan sa Japan. Selyula Pinakapundamentong yunit na makikita sa lahat ng bagay. Specie parehas na uri

II. PAGTALAKAY SA NILALAMAN Ang Kamote


Ang Kahulugan o Depinisyon ng Kamote, ang Pinagmulan nito, mga Uri at Mga Lugar na may pinaka-pangunahing konsumo o suplay ng Kamote
Ang Kamote o Sweet Potato sa salitang Ingles, ay isang uri ng malambot na gulay na kadalasang itinatanim sa mga tropikal na lugar, na nagtataglay ng maraming sustansyang kailangan ng isang indibidwal, para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. (source: All about sweetpotato, Protein Enriched Kamote p. 15) May siyentipikong pangalan ito na Ipomoea Batatas, at sinasabing ito ay isang dicotyledonous plant na kabilang sa pamilya ng mga Convolvulaceae. (source: Nutrition and You, Power Your Diet) Sa kabuuang isang libong uri at limampung genre ng pagkaing o halamangugat na kabilang sa pamilyang ito, ang kamote lamang ang may pinaka-pangunahing pinagtutuunan ng pansin, dahil sa importansya nito bilang pagkain sa industriya. Ang lokal na terminolohiyang camote o kamoteay hango sa salitang Espanyol. Sa Carribean, ito ay kilala bilang baniato, samantalang ang mga tao naman sa New Zealand at Fiji ay tinatawag itong kamaru. Sa Pransiya naman ay kilala ang kamote bilang Batate Douce. Sinasabing ang kamote ay nagmula sa Tropical America. Ito ay dinala sa Pilipinas ng mga Kastilang Conquistadores. Sa ngayon, ang kamote ay itinatanim sa kahit saan mang lugar, pati na sa Pilipnas. Sa Papua New Guinea, ang kamote ay ang pinaka-pangunahing may suplay ng kamote, sapagkat ito ang pinaka-pangunahing pagkain kinokonsumo sa bansang ito. Sa Japan naman, ito ang sunod sa pinakapangunahing produktong na-aani, kasunod ng bigas na siyang pangunahing pagkain sa bansang ito. Sa Pilipinas, sa Batanes at Mountain Provice ay pinakamataas ang suplay ng kamote. Ito ay kasama sa kanilang pang-araw-araw na diyeta na kadalasang pinapakuluan o

II.1 A.

di kaya naman ay ginagawang minatamis. Sa Malaysia naman ito ay ginagawang Kerepek (crisps) at Ecakar Ayam (squared and fried chips) kaya naman ang bansang ito ay sagana rin sa tanim na kamote. (Oh, camote! Ni Henrylito Tacio) Ang kamote ay isa sa mga pinakamahalagang pagkain sa buong mundo, na itinatanim ng mahigit 100 bansa. Sa buong mundo, pumapangkat ang kamote bilang pang-pito sa may pinaka-mataas na produksyon sa iba't ibang bansa. (Sweet Potato: An Untapped Food Source by Jennifer A. Woolfe)

Bilang isang pananim,

ang kamote, lalong lalo na sa mga bansang pa-unlad pa lamang

( Developing countries ) tulad ng Africa at India, ang kamote ay maraming benepisyong nahahatid at naibibigay upang labanan ang mga kakulangan sa pagkain, ito rin ay mainam na panlaban sa malnutrisyon na kadalasang nararanasan sa mga bansang ito dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon at dahil na rin sa kakulangan ng lupang mapa-pagtaniman ng mga halamang-ugat. Ito ay dahil sa ang kamote, ayon sa world scale, nakakapag-bigay ng sapat na supply na protina at enerhiya ng katawan. Ang kamote ay mas mataas na porsiyento ng enerhiya sa katawan kaysa sa mga cereals, at hindi lamang iyan. Ang kamote ay mabilis din maitanim at mabilis tumubo, kaya naman ang pagtatanim ng kamote ay kapaki-pakinabang lalo na sa mga magsasakang walang sapat na puhunan. Ang mga kamote na itinanim ay hindi rin mabilis mabulok, kaya naman ang mga tanim ay maaring magamit sa mahabang panahon, at epektibong pagkain na imbakin at gamitin kung sakaling mang may dadaang kalamidad o kakulangan sa suplay ng pagkain sa partikular na lugar. Ang ganitong katangian ng kamote ay nagbibigay posibilidad dito upang makapag-bunga ng dalawang beses sa loob ng isang taon. (Sweet Potato: An Untapped Food Source by Jennifer A. Woolfe)

Ang kamote ay nagbubunga ng dalawang kapaki-pakinabang na uri ng pagkain mula sa parehong halaman. Ito ay mayroong mismong bunga, na ang kamote, at ang mga dahon-dahon nito o 7

ang tinatawag na talbos ng kamote. Ang dalawang ito ay maaring gamitin bilang pagkain, mapa-tao man o mapa-hayop. Ang mga magsasaka o mga tao sa mga probinsya, lalo na sa Pilipinas, ay ginagamit ang talbos ng kamote bilang pagkain ng mga hayop na tulad ng mga baboy, kambing at baka. Bukod sa mura na, masustansya pa ito dahil nakaka-iwas sa mga feeds, na kadalasang may side-effect para sa mga taong kumokonsumo ng mga hayop na ito. Sa kabila ng mga benepisyong naibibigay ng kamote at ang kagandahan nito, marami pa ring mga bansa ang tumatanggi o di binibigyan pansin ang gamit nito. Ito ay kadalasang tinatawag na poorman's food sapagkat ito ay madalas na kinokonsumo sa panahon ng kalamidad, digmaan, sakuna, o sa mga panahong walang-wala ang mga tao, dahil nga sa ito ay isa sa mga pinaka-murang pagkain sa mundo. (Sweet Potato: An Untapped Food Source by Jennifer A. Woolfe)

May iba't -ibang uri ng kamote. Sa kulay, dalawang klase lamang ang alam nating kamote: dilaw at puti. Pero ang totoo, may iba't ibang klaseng kamote ang itinatanim, lalo na sa Pilipinas. May tinatawag na Georgia Yellow Yam (dilaw na kamote), Leyte Variga, U.P.R. At Initlog, ngunit sa pananaliksik na ito, nakatuon ang paksa sa uri ng kamote ayon sa kulay nito. Sa mga ito, popular ang Georgia Yellow Yam dahil bukod sa Bitamina A, malakas pa itong magaman o mamunga lalo na kung tag-ulan. Pero kung tag-araw, mas maraming maglaman ang klaseng Leyte. (Punla, Magtanim ng Kamote)

Ang dilaw na kamote ay mayaman sa carotene kumpara sa puti at lila na uri. Samantala ang puting uri ng kamote ay mas mayaman sa kalsyum kaysa dilaw na uri. Mas mataas din ang taglay na iron at bitamina C ang puting kamote kaysa dilaw na uri. Ang lilang kamote ay may pinakamataas na taglay na bitamina kaysa sa dilaw at puti na uri. (source: FRNI-DOST)

Ang madilaw na kamote ay mayaman pa sa bitamina A. Ayon sa FNRI, ang dilaw na nilagang kamote, wala ng balat, tumitimbang ng 80 gramo, ay nagtataglay 37.6 microgram (ug) retinol equivalent (RE). Ito ay tumutugon sa 10% na pangangailangan ng 4-6 na taong bata para sa bitamina A sa isang araw. Paalala: Mainam kainin ang dilaw na kamote kasabay ng kaunting mantika, mantikilya o margarina.

Dilaw na Kamote Ang nilagang puting kamote, walang balat, tumitimbang ng 80 gramo ay nagtataglay 66.4 milligrams (mg) na calcium. Ito ay tumutugon sa 11% na pangangailangan ng 4-6 na taong bata sa isang araw. Ang calcium ay kailangan sa pagbuo at pagpapatibay ng ating buto.

Putting Kamote

B.
B.1

Iba't Ibang Gamit ng Kamote


Ibat ibang lutong maaaring magawa sa Kamote Bukod sa maaari itong kainin pagtapos nitong mapakuluan, nakaisip ang tao ng ibat ibang

paraan kung paano pa ito mas pasasarapin at maging kaiga-igayang kainin. Narito ang ilan sa mga paraan o lutong maaaring gawin sa Kamote.

B.1.1 Fried sweet potato Ang sariwang kamote ay maaaring gawing chips at isa sa mga pangkaraniwang meryendang gawa sa puting kamote. Ang ugat nito ay maiging nililinis at binabanlawan, tinatalupan at hinihiwa sa nais na sukat o 2mm kapal atsaka iprinito. Ang kalidad ng produktong ito ay nakasalalay sa pagpili ng ugat na gagamitin. Mas maganda ang magiging kalidad nito kung ang pipiliing ugat ay sariwa pa. Mas magiging malasa pa ito kung itoy dadagdagan ng asin, asukal, vetsin at iba pang maaaring pampalasa. Ang produktong ito ay maaaring itabi at balutan ng aluminum foil sa isang lugar na may katamtamang sukat ng temperatura. (Sanchez, 1977; Madamba, 1977)

Ayon kay Cadiz, (1970) 10,000 pesos/ha ang maaaring maging capital sa pagnenegosyo ng kamote chips. Ang kamote chips ay may malaking potensyal na maaaring makatulong sa pagsusuplay ng demand ng meryenda sa ating bansa. (State of the Art: Sweet potato research 1986; 40)

Fried sweet potato

10

B.1.2 Kamote chips, sticks at Camotecues Isa sa mga tradisyunal na meryenda o kilalang produktong gawa sa kamote ay ang camotecue at chips. Ito ay isa sa mga magandang mapagkukunan ng enerhiya bukod sa pagkakaroon nito ng Bitamina A, Iron at Calcium. Sinasabi namang mas mataas ang naibibigay na enerhiya ng kamote chips kumpara sa Camotecue. (Gayao et al. 2004; 6)

Kamote chips

kamote sticks

kamote cue

B.1.3 Kamote dried chips Sa paggawa naman ng kamote dried chips, ang sariwang kamote ay katamtamang niluluto at ibinibilad sa arawan para maging chips. Ang kamote ay hinihiwa ng 2.3mm., inilulubog sa kumukulong tubig ng ilang minuto para hindi mangitim o masunog at pagkatapos ay ibinibilad na ito sa arawan para maging chips.

Ang pagbibilad sa araw ng mga produktong gagawin ay maaring magresulta ng mababang kalidad ng mga produktong gagawin kung kayat itoy kadalasang nagiging pakain na lamang sa hayop. Ang mga makabagong makinaryang ginagamit sa pagpapatuyo o pagbibilad ng mga kamote ay isinaayos at dinebelop sa ilang maunlad na bansa upang mas mapadali at mas mapaganda ang kalidad ng produktong kanilang gagawin. (State of the Art: Sweet potato research 1986; 40)

11

Kamote dried chips\

B.1.4 Kamote buns Narito naman ang isang recipe sa paggawa ng Kamote buns ayon sa Mendozas Bakery. Mga sangkap na gagamitin sa paggawa ng Kamote buns: 2kg. (40%) kamote, dinurog 4 kutsaritang pampaalsa 500g. pulang asukal 2-3 tasa ng tubig 3 kg (60%) bread flour 100g. asin 200g shortening o pampaalsa

Paraan ng paggawa: Pagsama-samahin at haluin lahat ng sangkap. Hayaang umalsa ang ginawang dough sa loob ng 2 oras; masahin ito at pagulungan. Gawing parang French loaf o putol-putulin at ihugis ng pabilog na may sukat na 50g. ang bawat piraso ng bun. Ilagay ang buns sa tray at ihurno. (Mendozas bakery 2004; 5)

Tinapay na gawa sa kamote o kamote flour

12

B.1.5 Kamote Pie Ayon naman sa ginawang recipe ni Carina Guevarra, maaari ding makagawa ng pie gamit ang kamote. Maaari itong lagyan ng whip cream o vanilla ice cream. Sa loob ng 40minuto, makakagawa ka na nang kamote pie na maaaring paghati-hatian ng 6 hanggang 8 katao. (Tacio 2011; 9)

Kamote pie

B.1.6

Sa Pilipinas, ang kamote ay isa sa mga pangkaraniwang pagkain ng ilang kababayan

natin sa Probinsya. Ang laman ng kamote ay kadalasan na pinakukuluan lamang tsaka hinahaluan ng ilang matamis na sangkap tulad ng asukal, o arnibal. Ang talbos naman ng kamote ay maaring lagyan ng bagoong alamang at patis. Karaniwan din itong sinasama sa ilang ulam tulad ng Sinigang, partikular na ang Adobong talbos ng kamote. Sinasama din ito bilang isa sa mga sangkap ng ginataan, bilu-bilo at halo-halo. Kung minsan, kinukulayan din ito ng kulay lila para gawing pamalit sa Ube. (Fusion Kamote, 2008)(Managbanag, 2005)

Adobong talbos ng kamote

Sinigang

13

B.1.7

Sa China, meron silang tinatawag na Sweet potato soup o Tongsui na kadalasang

hinahain twing tag-lamig. Nilalagyan ito ng asukal at luya. Sa Northeastern Chinese Cuisine naman, kadalasan lang itong hinihiwa ng parisukat, ipiprito tska ilulubog sa kumukulong arnibal. (Culture: Chinese Sandwiches, 2010)

Tongsui o Sweet potato soup

B.1.8

Sa Japan, dahil sa tamis na taglay ng kamote, ito ay karaniwang ginagawa o sinasama sa

mga Wagashi o Japanese sweets o desserts tulad ng Ofukuimo at Daigaku-imo. (Wikipedia.com)

Daigaku-imo

Ofukuimo

Ang mga nakasaad sa itaas ay ilan lamang sa mga paraan kung paano mas pasasarapin pa ang isang ordinaryong kamote. Maaari ding makagawa ng cookies, doughnuts, at mga kendi na maaari naming haluan ng ibat ibang klase ng prutas tulad ng sampalok, manga, pinya at strawberry. Sa America, ito ay kadalasang sinasamahan ng molasses, maple syrup, marshmallows at iba pang matamis na sangkap. Kadalasan itong hinahain sa America tuwing Thanksgiving. Ginagawa nila ito bilang pagalala sa mga katutubong Amerikano.

14

B.2

Ibat ibang gamit ng Kamote bukod sa pagiging pagkain Bukod sa pwede itong kainin, maaari din itong maging sangkap sa paggawa ng pagkain. Maaari

itong maging harina, wine, suka at nata. Maaari din itong gawing palamuti at pangkulay sa damit.

B.2.1

Sa paggawa ng harina, nakasalalay ang magiging kalidad nito sa dry matter content ng

ugat ng kamote na nakabatay naman sa uri o klaseng kinabibilangan nito. Halimbawa, Ang Georgia Red na isang uri ng kamote ay maaaring makapagprodyus ng 12kg. na harina mula sa 100kg. na sariwang ugat, samantalang 38.6 na harina ang makukuha mula sa isang klase ng kamote na nagmula sa Ilocos Sur.

Ang pagbabad ng mga hiniwang kamote sa 0.5% metabisulfite solution ng 2minuto ay maaaring makadagdag sa kulay ng gagawing harina.

Ang kamote flour ay napatunayang magandang pamalit sa nakasanayang harina o wheat flour. Sinasabi rin na mas makakatipid o makakaipon ng milyong dolyar ang isang bansa kung ang produktong ay ilalalabas sa merkado. Maaari itong maging pamalit sa ilang produktong gumagamit ng wheat flour tulad ng pandesal, hot rolls, buns at cakes na gumagamit ng 20% na harina, 40% sa loaf bread, 50% sa paborita, cheese crackersat cookies at 100% sa polvoron. Ang mga produktong naglalaman ng kamote flour ay nagkakaroon ng dagdag na bitamina A , na syang makakatulong sa mga batang kulang sa bitaminang ito; lalo na kung ang dilaw na klase ng kamote ang gagamitin sa paggawa ng harina dahil mayaman ito sa bitamina A. Sa paggawa naman ng toyo, maaring kamote flour na lamang ang gamitin sa halip na wheat flour.

15

B.2.2

Meron namang mga produktong gawa sa kamote na prinipreserba o fermented upang

makabuo o makagawa ng iba pang produkto tulad ng wine, suka at nata. Ang ugat nito ay niluluto, dinurog at isinasaccharified. Gamit ang germinated na palay bilang isa sa mga mapagkukunan ng saccharifying enzymes . maraming proseso pa ang kailangang pagdaanan ng naturang parte ng kamote para maging isang ganap na suka, wine at nata.

Ang iba naman ay pinoproseso upang mailagay sa lata, gawing frozen items at iba pa. Sa ibang maunlad na bansa, ang kamote ay kanilang pinoproseso upang maging isang komersyal na produkto. Kadalasang ginagamit sa pagdedelata at frozen goods ay ang dilaw na kamote. Ang ugat din ng dilaw na kamote ay pinepreserba ng Philippine Root Crop research and Trading Center. Ang produktong ito ay tinawag na sweet potato chunk.

Ngunit ang mga nasabing proseso ay ginagawa lamang sa mga maunlad na bansa kung saan mas madami ang mga makabagong makinarya na maari nilang magamit sa pagpepreserba. Ngunit sa ginagawang pagpoproseso sa kamote, kadalasang nawawala o natatanggal ang sustansyang makukuha mula dito. Ngunit kung mas magiging madali o mainam gamitin ang mga naprosesong kamote kesa sa mga di-naprosesong kamote, dapat lamang na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kokonsumo nito tungkol sa sustansyang nakapaloob sa produkto. (State of the Art: Sweet potato research, 39-42) B.2.3 Sa Hilagang Amerika, ang katas ng pulang kamote ay hinahalo sa katas ng dayap para gawing pangtina sa damit. Sa pamamagitan ng ibat ibang sukat ng katas na gagamitin, mula malarosas na kulay hanggang kulay itim ang makukuhang kulay. (Verril; 47)

B.2.4 Ang lahat naman ng parte ng kamote ay ginagamit at ginagawang pakain sa hayop. B.2.5 Kadalasang makikita ang kamote bilang isa sa mga sangkap sa paggawa ng Moche Ceramics. 16

Ito ay iniaalay nila sa mga mahal nila sa buhay na namayapa na. (Berrin at Lacrom Museum 1997)

Moche Ceramic

B.2.6 Ilang klase ng kamote ang itinatanim sa bakuran upang gawing halamang ornamental o halamang pangdekorasyon. Ilan lamang sa mga klase nito ay ang Blackie, Ace of Spades, at Margarita. (Encyclopedia 2010)

Ace of spades

Blackie

Margarita

B.2.7 Ilan namang mananaliksik na nagmula sa North Carolina State University ang nakadiskubre na maaaring gawing Biofuel ang ilang uri ng kamote. Napag-alaman ng mga mananaliksik na maari pala itong gawing Ethanol, isang bio-based fuel. Isa lamang ang kamote sa ilang halamang pinag-aralan at sinubukan upang gawing bio-based fuel. Ang bio-based fuel na kamote ay maaring maging alternatibong pamalit sa krudo. (http://www.all-about-sweet-potatoes.com/ethanol-sweet-potatoes.html)

17

B.3

Kamote bilang pamalit sa Bigas Ang bigas ang pangunahing pagkain dito sa ating bansa. Ngunit sa paglipas ng panahon,

nagkakaroon ng kakapusan sa suplay nito, at dahil dito kailangang makahanap ng isa pang pagkain na maaring pamalit sa bigas na mamakapagbibigay din ng sapat na lakas at sustansyang kakailanganin ng isang indibidwal o mamamayang Pilipino.

Ayon naman kay Philip S. Chua ng Manila Bulletin, ang kamote daw ang siyang nararapat nating kainin bilang ating pangunahing pagkain. Dahil karamihan ng mga Asyano ay kanin ang kanilang pangungaing pagkain, tumatak na sa isipan natin na mas mainam ang pagkain nito kesa sa Kamote. Ngunit ayon sa mga siyentipikong pag-aaral, ang kamote ay mas makakabuti sa ating

kalusugan. Di tulad ng kanin, ang kamote ay naglalaman ng Bitamina A, B6, C, D, K at Riboflavin. Mas mataas din ng 5 beses ang fiber nito kesa sa Bigas. Mas mataas din ang Calcium nito kumpara sa Bigas, naglalaman ito ng omega 3 at 6, at 50 na mas mataas ang potassium at water content nito kesa sa Bigas. (Chua 2010, B5) Mas nakakapawi ng gutom ang pagkain nito at mas matagal itong matunaw sa tiyan kung kaya naman mas matagal bago magutom ang kakain nito. Ang kamote din ay maaaring kainin agad pagtapos nitong mapakuluan dahil masarap naman na ito kahit di samahan ng ulam, di tulad ng kanin na mas magiging masarap at malasa kung sasamahan ng ulam. Mas mura rin ang presyo nito kumpara sa bigas.

Hindi tulad ng bigas, ang Kamote ay mas madaling patubuin. Maaari itong itanim sa likodbahay at maganda pa din ang magiging tubo nito kahit na wala itong pataba. Maaaring bigyan na lamang ng local na Gobyerno ang ilang mahihirap na komunidad ng sapat nalupa o isang lupaing pagmamay-ari ng Gobyerno kung saan maaaring itanim ang kamote na maaaring paghati-hatian ng 18

buong komunidad.(Espinoso 2008) Bukod sa nakakatulong ito sa isang indibidwal, nakakatulong din ito sa isang pamayanan.

Mas maraming sustansya din ang makukuha dito kumpara sa bigas. Ayon sa FNRI na inilabas sa Philippine Foods Composition Table, ito ay maaring maihalintulad sa bigas sa pagbibigay nito ng lakas, carbohydrates at iron ; ngunit mas mainam ito sa pagbibigay ng macronutrients, lalo na sa bitamina A at Calcium. (Gayao et al. 2004; 2)

B.4

Kamote bilang Halamang Gamot

B.4.1 Kamoteng baging, nagtataglay ng mga sustansyang kontra-pagtanda Ang kamoteng baging ay isang gulay na mayaman sa sa mga antioxidants at ibang mga sustansyang kapaki-pakinabang sa pagpapanatili ng kalusugan. Sa isang bagong pag-aaral tungkol sa kahalagahang pangkalusugan sa kamoteng baging na isinagawa ng Rural Development Administration ng South Korea at ipinarating sa Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development sa pamamagitan ng Food and Fertilizer Technology Center ng Taiwan, ang nagpapakita na ang mga kamoteng baging ay nagtataglay ng mga antioxidants tulad ng chlorogenic acid, isoclorogenic acid at cafeic acid.

Ang mga antioxidants na kilala bilang makabagong mga sustansya kontra-pagtanda ay mga phytochemical o sustansiya (halos matatagpuan sa mga prutas at gulay), na panimbang sa mga free radicals na nalilikha ng katawan sa karaniwang metabolism o tumutukoy sa lahat ng pagbabagong kemikal sa mga selyula.

19

Nakasaad sa pag-aaral, na ang mga antioxidants ng kamoteng baging ay mas mataas sa dahon kaysa sa mga talbos, subalit, mas mataas sa talbos kaysa sa lamang ugat at mga tangkay ng dahan. Sinabi rin sa pag-aaral na lahat na bahagi ng kamoteng baging lalo na ang mga dahon at mga talbos ay nagtataglay ng protina, mga lipid, karbohaydreyt, kalsiyum, iron, phosphorous at mga bitamina A at C. Ang mga sustansyang ito ay kahalintulad na maayos ng mga sustansya ng ibang mga gulay. (Gibe 2005)

B.4.2 Kamote bilang panlaban sa ibat ibang karamdaman Sinasabing ang kamote tops, lalo na ang may mala-ubeng kulay ay isa sa mga mabisang gamot panlaban sa diabetes. Ang dinikdik na dahon naman ng kamote ay inilalagay o tinatapal sa pigsa at acne. Para naman sa mga may diarrhea, ang pinakuluang ugat ng kamote ang mabisang panlaban dito. Meron namang ilang napabalitang kaso na nagsasabi na ang paggamit ng kamote ay isa sa mga mabisang gamot na makakatulong sa pagpapabuti ng kondisyon ng taong may dengue. Nakadadagdag kasi ito sa platelet count ng biktima; ang patuloy na pagbaba ng platelet count ang syang nagiging sanhi upang mas lalong lumala ang kalagayan ng taong may Dengue, kung kaya naman ang kamote ang isa sa mga nararapat kainin ng taong may sakit upang bumuti ang kanang kondisyon. Ang kamote tops ang syang ginagamit at ito ay pinakukuluan sa loob ng 5minuto. Ang pinakuluan nito at ang katas ang siyang dapat inumin ng taong may dengue. Ito din daw ay isa sa mga pagkaing mabisa kontra sa kanser. At tulad ng ibang gulay, an gang kamote ay mababa din sa kalori ang isang maliit na kamote ay naglalaman lamang ng 54kalori. (source: http://www.stuartxchange.org/kamote.html ) Kapag hinalo o sinama naman ang kamote sa sitaw at mantika, ito ay nagiging isa sa mga pagkaing makakatulong sa mga taong may kakulangan sa protina at kalori. (Gayao et al. 2004; 12)

20

C.

Mga Sustansyang Makukuha sa Kamote


Ang kamote, dahil sa taglay nitong taas sa fiber at pagiging low fat, ay nakakatulong sa mga

taong may diabetes upang mapanatiling maayos ang kanilang blood sugar level. Kahit na ang tawag sa kamote ay sweet potato, ito ay nagtataglay lamang ng mababang porsiyento ng glucose, kaya naman nakakatulog ito sa pagpapanatili ng taang dami ng insulin na kailangan lamang ng ating katawan. Hindi lamang ang mismong kamote ang may sustansyang taglay ngunit pati na rin ang mga ugat at dahon nito, ay mayroong iba't ibang sustansyang kailangan ng katawan ng isang tao. Ayon sa mga nutritionists, ang dahon ng kamote at ugat nito ay nagtataglay ng maraming anti-oxidants, bitamina at mineral. Ang isang kamote na may katamtamang laki ay nagtataglay lamang ng 0.39 gramo ng taba. (Oh, Camote!, p. 34-35)

Ang kamote ay may uri rin ng carbohydrate na hindi matutunaw sa bibig, hindi rin sa tiyan o sa maliit na bituka. Ito ay natutunaw sa malaking bituka. Ang tawag sa carbohydrate na ito ay soluble fiber (SF) at resistant starch (RS). Ang mga micro-organism na nasa malaking bituka ang siyang tumutunaw sa soluble fiber at resistant starch. Habang tinutunaw ng micro-organism ang nasabing carbohydrate nalilikha nila ang hanging methane at hydrogen. Ito ang hangin na lumalabas sa ating puwerta, minsan ay tunog prot-prot. Ang mga micro-organism ay lumilikha din ng short chain fatty acid (SCFA), kagaya ng acetate, butyrate at propionate, ayon kay Dr. Trinidad P. Trinidad ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI). Ang Soluble Fiber at Resistant Starch ay tumutulong sa maayos na pagdaloy ng pagkain sa malaking bituka. Pinabibilis nito ang paglabas ng dumi sa bituka at iniiwasan nito na maranasan ang pagtitibi o constipation. (source: Busina ni Kamote- DOST)

21

C.1.

Mga Benepisyong makukuha sa pagkain ng Kamote o Sweet Potato Ayon sa Food Recap, isang dyornal na pumapaksa ukol sa iba't ibang benepisyo ng pagkain,

ang kamote ay isa sa pinaka-masustansyang pagkaing ine-rerekomenda upang kainin ng mga tao. Narito ang ilan sa benepisyo na makukuha mula sa pagkain ng kamote.

1.Ang kamote ay isang pagkain na mabisang mapag-kukunan ng enerhiya dahil sa nagtataglay ito ng mataas na porsiyento ng Carbohydrates, na kailangan ng katawan upang makapagprodyus ng sapat na enerhiya na ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay. Maari din itong maging mabisang pamalit sa bigas, ngunit para sa mga Pilipino, hindi magiging madali ang pagpapalit ng kamote sa bigas sapagkat ito ang nakasanayang kainin ng bawat Pilipino sa bansa.

2.Mainam ito para sa mga taong may sakit na diabetes. Ito ay dahil sa tumutulong itong magpatatag sa antas ng asukal sa pagpapataas ng adiponectin, isang kemikal sa katawan na tumutulong upang maging balanse ang porsiyento ng asukal sa katawan, isang mahalagang kadahilanan para sa metabolismo ng insulin.

3.Mataas ito sa dietary fiber, at may mababang content ng taba (low-fat), na maganda para sa puso at tiyan. Ang fiber ay tumutulong para sa pagtunaw ng masasamang kolesterol at para na rin mas maging maganda ang bowel movement sa katawan. 4.Ang mga madilaw na madilaw na kamote ay may lutein at beta-carotene. Mayroon din itong mga anti-oxidants na tumutulong upang maiwasan ang pagtanda (aging) at para na rin sa pagpapanatili ng matalas na paningin. Ang pagkain ng madilaw na kamote ay mas mainam pa, kaysa sa pag-inom ng mga supplements para mapanatili ang pagkakaroon ng malinaw na mata. 22

5.Ang kamote ay nagtataglay ng maraming bitamina at mineral na kailangan ng katawan. Mayroon itong manganese, copper, potassium, iron, Vitamin E, C, B6, B2, at A. Maituturing na itong kombinasyon ng kanin at mga gulay na pinagsamsama sa iisang pagkain.

6.Ito ay epektibong detoxifying agent. Ina-absorb nito ang mga kemikal at metal sa loob ng katawan at inaalis ito. Mga metal na tulad ng lead, mercury at arsenic, na nakukuha natin sa pagkain ng mga commercially-processed na mga produkto. Ang mga ito ay dapat maalis habang maaga pa, para hindi nito masira ang ating mga cells at tissues.

C.2.

Mga iba pang sustansya ng kamote Ayon sa United Stated Department of Agriculture, ang isang kamote na may tamang laki ay

nagtataglay ng 21.5 gramo ng protina, 31.56 gramo ng net carbohydrates, 3.8 gramo ng dietary fiber, 28.6 milligrams ng calcium, 16.9 milligrams ng sodium, 265.2 milligrams ng potassium at 29.51 milligrams ng Bitamina C. Natuklasan ng mga Amerikanong Nutritionists na ang kamote ay nagtataglay ng mataas na porsiyento ng Bitamina A, dalawang beses higit pa sa pang-araw-araw na pangangailangan ng isang indibidwal. Ito rin ay nagtataglay ng apat na beses na higit pa sa pang-arawaraw na pangangailangan ng isang indibidwal ng Bitamina C at beta-carotene. (Oh Camote!, p. 34) Ang kamote, hindi lamang ito matamis sa ating panlasa ngunit ito rin ay maganda para sa kalusugan ng ating Cardiovascular System. Ang kamote ay pinaka-mabisang mapagkukunan ng flavonoid antioxidants, bitamina at mineral, at maging ng dietary fiber na kailangan sa malusog na pangangatawan at matalas na isipan.

23

Sa kabuuan, ayon sa mga natuklasang pag-aaral tungkol sa mga sustansyang tinataglay ng kamote, masasabing ito talaga ay nagtataglay ng sapat o higit pang sustansya na pupuno sa pang-arawaraw ba pangangailangan ng isang indibidwal. Ito ay nagpapatalas ng isipan, nakakapaglinaw ng mga mata, at nakakapagpatibay ng ating mga buto buto sa katawan. Hindi lang iyan, ito rin ay nakakatulong sa mga taong gustong mag-diyeta dahil rin sa ito ay low-fat. Ito rin ay nakakapagbigay ng sapat na enerhiyang katumbas ng kanin dahil sa taglay nitong carbohydrate at protina. Talahanayan 1. Sweet potatoes (Ipomoea batatas), raw, Nutrition value per 100 g. (Source: USDA National Nutrient data base) Principle Energy Carbohydrates Protein Total Fat Cholesterol Dietary Fiber Vitamins Folates Niacin Pantothenic acid Pyridoxine Riboflavin Thiamin Vitamin A Vitamin C Vitamin E Vitamin K Electrolytes Sodium Potassium Minerals Calcium Iron Magnesium Nutrient Value 86 Kcal 20.12 g 1.6 g 0.05 g 0 mg 3g 11 g 0.557 mg 0.80 mg 0.209 mg 0.061 mg 0.078 mg 14187 IU 2.4 mg 0.26 mg 1.8 g 55 mg 337 mg 30 mg 0.61 mg 25 mg Percentage of RDA 4% 15.5% 3% <0.5% 0% 8% 3% 3.5% 16% 15% 5.5% 6.5% 473% 4% 2% 1.5% 3.5% 7% 3% 7.5% 6% 24

Manganese 0.258 mg Phosphorus 47 mg Zinc 0.30 mg Phyto-nutrients Carotene- 7 g Carotene- 8509 g Crypto-xanthin- 0 g

11% 7% 3% ----

Nakatala sa ibaba ang kabuuang sustansya ng kamote (ayon sa uri): Talahanayan 2. Ang bawat 3 kamote/100 gramo ng kamote ay nagtataglay ng ss: NUTRIENT Dilaw Enerhiya (kcal) Protina (g) CHO (g) Taba (g) Bitamina A (ugRE) Bitamina C (mg) Iron (mg) 128 0.5 30.7 0.3 47 14 0.4 Uri ng Kamote Violet 122 0.6 29.5 0.2 3 29 0.2 22 Puti 126 0.4 29.3 0.8 1 23 0.7 83

Calcium (mg) 30 Source: Food Composition Tables, FNRI, DOST, 1998

D.

Kahalagahan ng Kamote, lalo na sa Industriya


Sa katawan, maraming kahalagahan ang kamote. Dahil nga sa taglay nitong sustansya, ito ay

mabisang mapag-kukunan ng enerhiya at ito rin ay mainam na panlaban sa malnutrisyon. Ito ay maaring maging pamalit sa kanin at nagtataglay pa nga ito ng mas hight na nutrisyon o sustansya kaysa sa tinataglay ng kanin. Ito rin ay nakakatulong upang malabanan ang iba't ibang klase ng mga sakit, tulad ng Dengue. Sinasabing ang pagpapakulo ng talbos ng kamote ay makakatulong upang gumaling

25

ang isang taong may sakit nito. Ang pagpapakulo din ng mga talbos na ito ay mabisa upang maalis ang mga tigyawat sa katawan. Ang mga ugat-ugat naman ay nakakatulong para sa mga taong may diarrhea. Dahil sa dami ng maaring mapag-gamitan ng kamote, ito ay masasabing mahalaga sa kalusugan ng mga tao.

Ngunit hindi lamang iyan ang maaring maging halaga ng isang kamote. Sa panahon natin ngayon, ang kamote ay maaring gawing isang negosyo o hanapbuhay. Ang kamote o sweet potato ay mahalaga sa seguridad ng tamang supply ng pagkain. Ito ay nagbibigay ng desenteng pagkukunan ng kita para sa mga mahihirap na magsasaka na walang ganun kalaking kapital upang makapagsimulang magtanim. Ang mga magsasakang ito ay gumagawa ng iba't ibang produktong gamit ang kamote tulad ng alak na gawa dito.

Ayon sa isang artikulo ng The Manila Bulletin na pinamagatang Underestimate not the Lowly Camote ni Zac B. Sarian, marami sa Pilipinas, partikular na sa Cebu, maraming magsasaka ang umaasa sa kamote para mapagkunan ng sapat na kita. Alam ng karamihan na hindi maganda ang mga lupain sa Cebu upang gawing lupang pangsakahan, ngunit ang mga magsasaka dito ay nagkakaroon ng sapat at kung suswertihin ay high patng suplay ng kamote na maaring ibenta sa mga palengke. Iba't ibang klase ng tumutubong kamote sa Cebu, lalo na ang mga dilaw na kamote na mabentang mabenta at hinahanap-hanap ng mga mamimili.

Hindi lang sa Pilipinas ito nakakatulong, nakakapagbigay hanap-buhay din ito sa mga magsasaka sa Japan, Malaysia at Papua New Guinea, at sa mga ilan pang bahagi ng Amerika. Sa mga bansang ito sa mga pangunahing pagkain ang kamote.Source: Oh Camote! Ni Henrylito D. Tacio

26

E.

Tamang Pagtatanim ng Kamote


Gaya ng ibang mga halaman na naglalaman ang ugat, kaialangan ng kamote ang lupang

buhaghag at mabuhangin, dahil sa ganitong luba mas babilis lumaki ang mga lamang-ugat. Pero maaaring maging maliit,magaspang, at pali-paliko ang lamang-ugat kapag siksik ang lupa. Kahit na mapili man ito sa lupang pag tatamnan pwede naman ito itanim sa kahit anong panahon tag-ulan man o tag-araw.

Para mas maging mabuhaghag ang lupa ay inaararo ng mga magsasaka ang lupang pag tataniman ng ng 2 hanggang 3 beses, at kung mag lalagay naman ng organikong pataba ay hinahayaan muna ang lupa ng 3 hanggang 4 na lingo para mabulok ang patabang nilagay sa lupa.

Madaling tumutubo ang mga damo pagkatpos maararo ang lupang pinagtaniman na kailangang maging maagap sa pagtanggal ng mga damo bago humaba ang mga baging ng kamote para di masakop ng mga damo ang pagitan ng mga hanay.

Sa pag tatanim ng kamote hindi buto ang ginagamit, kundi ang mga sanga o matitigas a baging at pag may usbong na ang mga tanim pinag hahatihati ang mga usbong at tinatanim sa lupa. Sa pagtatanim may distansyang kailangang sundin na 80 hanggang 120 sentimetro ang pagitan ng mga hanay, at ang pagitan naman ng mga tanim sa isang hanay ay mula 20 hanggang 30 sentimetro.

Ang mga sanga ng kamote ang baging o talbos nito ay maaari ring gamitin pero hindi sa pagtatanim kundi sa pagluluto.

Gaya ng lahat ng mga agrikultural na tanim mahalaga ang tubig lalong lalo na sa mga kamote. 27

Kapag nag uumpisa pa lamang ang mga dahon mas kailangan ng kamote ang tubig at kailangan din na laging basa ang lupa sa panahong lumalaki ang mga ugat nito.

Ang madalas at maramihang pagkuha ng dahon o talbos ay nakakapinsala sa paglaki at pagdami ng mga lamang ugat.

May ibat-ibang sakit at peste ang sumisira sa kamote. Sinisira ng Weevil ang sanga at ugat nito. Para masugpo ang mga Weevil bombahin ng Dieldrin at Heptachlor ang mga puno. Kapag may uod at iba pang kulisap bombahin ang mga ito ng alin man sa Sevin, Malathion o Parathion. Ang iba pang sakit ng kamote gaya ng Sclerotium, Blight ay maiiwasan kung lagging magbabago ng tanim sa iisang lupang pinagtataniman na tinatawag na Crop Rotation.

Para naman maiwasan ang pagkabulok o pagsusuga ng mga lamang ugat ay kailangang mag ingat sa paghuhukay kapag inaani ang mga ito.

Madaling magkalaman ang mga ugat ng kamote na pwede na agad anihin pagkaaan ng mga 70 hanggang 90 araw at ang mga pinaka matagal naman ay mula 120 araw at higit pa. Sa pag aani ay maraming paraan ang pwedeng gamitin:

1.)

Kung kaunti lamang ang tanim, hukayin ng malaking tinidorang mga lamang ugat. Kung malawak naman ang taniman inaaao ng 2 hanggang beses ang pagitan ng mga hanay, pagka tapos ay pinupulot na lng ang mga lamang ugat sa inararong lupa. At yung minsan naman ay inaararo ang magkabilang gilid ng mga puno para lumuwag ang lupa. Pagkaraan ay madali nang bunutin ang mga baging kasama ang mg lamang ugat nito. 28

2.)

Pagka ani ng mga lamang ugat ng kamote ay hindi muna agad ito inaalis sa lupa,

pinapabayaan munang naka bilad sa araw ang mga lamang ugat na matuyo ng bahagya. Pero kahit na ano mang paraan ang gamitin sa pagaani ay kailangang lagging mag ingat sa paghukay.

II.2

Ang kapatid ng kamote, ang YAM

E. Kahulugan, Uri ng YAM, Pagkakaiba ng YAM at kamote


Ang yam ay miyembro ng (scientific name) Dioscorea na may kakayahang lumikha ng mga tubers, bulbils o rhizomes na mahalaga at nakatutulong sa ating ekonomiya. Sinang-ayunan ng nakararami na ang yam ay mauuri bilang monocotyledonous na halaman sa kabila ng paminsangminsang mga katibayan na nagpapakita ng ibang yams na may higit sa isang buto.

Ang yam ay isa sa mga pangunahing pagkain ng milyon-milyong tao sa Asya, Aprika at ibang bahagi ng Amerika. Ito ang pang-apat sa pinakamahalagang tuber crop sa buong mundo sunod sa patatas, cassava at sweet potato o kamote.

Mahalaga ang Yam sa South Pacific Islands, Papua New Guinea at lalo na sa Nigeria dahil ito ang pangunahing bansa na naglilinang o nagpaparami ng yam upang gawing kalakal at mailuwas sa ibang bansa. Ang Nigeria ay nakagagawa ng halos 88 kg. ng yam sa loob ng isang taon. Ito ay hindi lang nakatutulong sa aspetong pang-agrikultural sa mga nasabing bansa dahil ito ay nakatutulong din sa ekonomiya ng isang bansa.

Hindi lang basta pagkain ang tanging nagagawa sa yam. Ito din ay ginagawang gamot at medisina sa ibang bansa tulad ng bansang Tsina. Nagtataglay ang ube ng sucrose at ang dahon naman

29

nito ay nagtataglay ng glucose, fructose, glycerol at iba pang nutrisyon at bitamina na kailangan ng ating katawan.

Ang paglalahi sa yam ay isinasagawa sa ibat ibang sentro sa mundo kapansin-pansin sa International Institute of Tropical Agriculture sa Nigera at sa U.S. Department of Agriculture sa Puerto Rico.

E.1

Ang mga ss. na species ay mga uri ng yam:

Dioscorea rotundata poir (white yam) - Ito ay dumadami at lumalago sa mga lupain na may malawak na espasyo. Ang maliliit na sanga nito ay karaniwang lumalago at humahaba ng ilang metro. Ang dahon naman ay pabilog at ang bunga nito ay karaniwang puti at siksik. Ito ay makikita sa kanlurang bahagi ng Africa ngunit hindi ito naninirahan sa mga kagubatan. Sa panahon ngayon, ang Dioscorea rotundata ay nananatiling pangunahing nililinang na specie ng yam sa kanlurang Africa-ang pinakamahalagang lugar sa mundo para sa produksyon ng yam.

Dioscorea Alata (water yam) - Ito ay nagmula sa timog-silangang Asya, marahil sa Burma. Mula sa

Burma ay kumalat ito sa India, Malaysia, Indonesia at iba pang mga lugar sa Silangang bahagi ng timogsilangang Asya. Makalipas ang ilang taong

30

pagkakadiskubre sa Dioscorea Alata ay nagsilbi itong pagkain para sa mga manlalakbay. At doon nagsimulang kumalat sa iba pang bahagi ng tropiko.

Dioscorea Cavensis (yellow yam) - Ito ay isang specie ng dioscorea kung saan madaming may-akda ang nagsasabing ang dioscorea cavensis daw ay

sumasailalim lang sa dioscorea rotundata. Ang karaniwang pangalang nito ay nagmula sa

katotohanang ang bunga nito ay kulay dilaw. Ang dilaw na kulay nito ay dahil sa presensiya ng carotenoids. Ang dahon nito ay mas malaki kaysa sa Dioscorea rotundata at ang dulo ng dahon nito ay hindi kasing tulis gaya ng sa Dioscorea rotundata. Ito ay mas nabubuhay sa mainit na lugar. Ito ay naipakilala sa mga taga-kanlurang India galing sa Kanlurang Africa noong 16th century.

Dioscorea Esculenta - Ito ay may tangkay na manipis at matinik. Ang dahon ay bilang lamang, malaki at hugis puso at ang kulay nito ay maputlang berde. Ito ay nagmula sa Indo-China at nilinang sa China noong 2nd century A.D. ang bunga nito ay kulay puti at kaunti lang ang fiber na taglay nito kaysa sa ibang uri ng yams. Ang produksryon nito ay mahalaga sa mga taga-timog-silangang Asya; ang South Pacific Islands at ang West Indies. Ang malalaking uri ng Dioscorea Esculanta ay matatagpuan sa Malaysia, New Guinea at sa Pilipinas.

31

Dioscorea Dumethorum (bitter yam) - Ito ay may mabuhok na sanga o tangkay at ang dahon nito ay madami. Ang bunga nito ay malalaki at mapait. Sinasabing nakamamatay daw ang bunga nito dahil sa mataas na bilang ng Alkaloid dioscorine kung kaya nararapat na idaan muna ito sa umaagos na tubig o tubig alat at saka pakukuluan bago kainin. Ito ay nagmula sa tropikal ng Africa.

Dioscorea Bulbifera (aerial yam) - Ito lang ang uri ng yam na makikita sa parehong Asya at Africa. Ang dioscorea Bulbifera na matatagpuan sa Asya ay mas mababa ang angular, mas sperical at mas kakaunti ang toxic na taglay nito kumpara sa Dioscorea bulbifera na matatagpuan sa Africa.

Dioscorea trifida L. (cush-cush yam) - Nagsimula ito sa hilagang parte ng timog Amerika.

Dioscorea opposita thumb (cinnamon yam) - ang uri ng yam na ito ay pinalalago sa China, Korea at sa timog Japan. Ginagamit ito bilang medisina ng mga Tsino. Ito ay nangangailangan ng malamig na

32

temperature. Ang tangkay nito ay humahaba ng hanggang tatlong metro lamang. Ang bunga nito ay manipis lang at mahaba kung kaya ito ay mahirap anihin.

Dioscorea japonica (thunb) - Halos kapareha ito ng dioscorea opposita sa itsura at nangangailangan din ito ng malamig na temperature. Ito ay ginagamit bilang pagkain at tradisyunal na medisina sa Japan at China.

E.2

Talahanayan 3. Pagkakaiba ng YAM at KAMOTE YAM KAMOTE -Dioscorea, Dioscoreacceae -Ipomoea batatas -Coppery or brownish ang -Light yellowish tan tubers balat -mahaba at hugis cylinder ang balat -maliit at hugis block na

scientific name: Panlabas na itsura:

- magaspang at makaliskis ang parang pabilog Bunga na kinakain: Lasa: Laman: balat -bungang-kahoy starchy tuyo -makinis at manipis ang balat -Storage root matamis moist

F. Mga Lugar Kung Saan Matatagpuan ang Yam o Ube at ang Pangunahing Supplier nito
Ang Yam o kilala sa tawag sa Pilipinas bilang Ubi/Ube na may siyentipikong pangalan na Dioscorea alata at napapabilang sa pamilya ng Dioscoreaceae, ay isang lamang-ugat na kilala bilang isa sa mabisang pagkain sa ibat ibang lugar. Ipinapakita sa talahanayan ang pangunahing produksyon

33

ng Yam sa ibat ibang lugar sa Pilipinas at pati na rin sa iba pang bansa.

Talahanayan 4. Mga bansang may pinakapangunahing produksyon ng Yam:

Mga bansa Produksyon Nigeria 34 mil. tons Cote dIvoire 5 mil. tons Ghana 3.9 mil. tons Benin 2.1 mil. tons Colombia 333,000 tons Brazil 230,000 tons Japan 204,000 tons Haiti 197,000 tons Ethiopia 174,000 tons Sudan 137,000 tons Source: http://old.iita.org/cms/details/research_summary.aspx?articleid=268&zoneid=63 IITA research to nourish Africa Talahanayan 5. Ibat ibang lugar sa Pilipinas na may Pangunahing Produksyon ng Ube: Produksyon ng Ube sa Pilipinas (1997) 1.Bohol 2.Cagayan de Oro 3.Isabela 4.Surigao del Sur Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Kinampay Ang Yam ay isa sa mga malaki at mabigat na uri ng lamang-ugat. Sa Pagpapalago ng Yam isinasaalang-alang ang lugar kung saan ito itatanim. Kailangan nito ng matibay na tangkay na makakapitan, dahil ito ay gumagapang kapag ito ay lumalago. Ang dahon nito ay may korteng puso,ang mga sangang gumagapang ay malambot ngunit magaspang.Upang mapalusog o mapalago ang Yam, hinahati ito sa ibat ibang seksyon. Bawat seksyon ay naglalaman ng isa o dalawang buto. Ang ubi ay

34

may ibat ibang laki, simula sa maliit na ang tawag ay cush-cush hanggang sa malaki na nagtitimbang ng 14-20 kilos. Ang mga lupang maaring gamitin sa pagpapalaki nito ay ang loose soil at clay loam soil. Loose soil para sa may malalaking lamang-ugat. Samantala, ang Clay loam soil naman ay lupang tamang tamnan ng Ubi. Para sa ikagaganda ng resulta, ito ang ilan sa mga tips sa pagtatanim ng Yam: Una, ang lupa kung saan itatanim ang mga Ubi ay dapat nahukay ng maayos at malalim na malalim. Pangalawa, ang butas kung saan ilalagay ang buto ay dapat malawak ,malalim at mayaman sa organiko. At ang panghuli, ang Ubi ay itinatanim sa layo ng isang metro mula sa katabing buto nito. Ang yam ay lumalago sa mga lugar na may tropikal at subtropical na klima. (Source: Mercado, Toribio V., How to grow vegetables in the Philippines)

G. Mga lutong na ginagawa sa Ube at iba pang gamit ng nito


Ang Yam o Ubi ay maaring gawing minatamis, candies, o kaya ay ice cream. Ang mga processed foods na gawa sa ubi ay ibinibenta na rin sa mga palengke at tindahan. Sa pamamagitan ng mga produktong ito marami at malago ang buong taong supply ng Ubi sa Maynila at iba pang lamangugat tulad ng cassava, camote at gabi. Ang ubi ay isang mabisang pagkain, maari itong pinakuluan o nakahiwa sa maliit na piraso at nakaprito. Ang mga Ubi na pinakuluan ay inihalo sa gatas at asukal upang gawing candies. (Source: Madali, E.S., Elementary Agriculture)

Yam o dioscorea alata o kilala sa Pilipinas bilang ube/ubi. Kilala ang ube bilang sangkap na nakapagpapatamis sa mga pagkain tulad ng kakanin at iba pang pambihirang pagkain o food delicacies dahil nakapagbibigay ang ube ng kulay lila at kakaibang lasa sa pagkain. Ang Ube ay ginagamit sa halaya, sagobe, puto, halo-halo, hopia at iba pang uri ng rice cake tulad ng suman, sapin-sapin, bitso at

35

bibingka. Ginagamit din itong pampalasa sa ice cream, tarts, tinapay at cakes. (Source: Lubag, Jose M. Jr., Philippine Journal of Science)

Halimbawa ng paraan ng pagluluto ng isang produkto na gawa sa Ube: Halayang Ube o Ube jam

Mga sangkap: 1 kilo ube 1 lata (14 ounces) evaporated milk 2 lata (12 ounces) condensed milk 1 / 2 tasa ng mantikilya o margarina 1 / 2 kutsarita ng banilya (opsyonal)

Pamamaraan: 1. Sa isang kawali, pakuluan ang ube at hayaan ito sa loob ng 30 minuto. Alisan ng tubig at palamigin. 2. Balatan at gadgarin ng pino.

36

3. Mag-init ng kawali sa di-kalakasang apoy . 4. Unti-unting tunawan ng mantikilya o margarin, idagdag ang condensed milk at banilya. Haluing mabuti. 5. Idagdag ang 1 kilong ginadgad na ube, at hinaan ang apoy. Panatilihin ang paghahalo ng mga ingredients sa 30 minuto o hanggang lumagkit at matuyo ng kaunti (ngunit basa-basa pa rin). 6. Idagdag ang evaporated milk at magpatuloy sa paghalo ng 15 minuto. 7. Hayaang lumamig at ilagay sa isang malaking bandehado. 8. Palamigin muna bago ihain ang halayang ube.

(Source: http://www.akoaypilipino.eu/recipe/halayang-ube-purple-yam-jam-recipe)

G.1

Mga iba pang pagkaing produkto gamit ang ube bilang isa sa mga sangkap:

Cookies: Ubi Butterscoth bars Ubi brownies Ubi Cribkles Lengua de gato Peanut Ubi cookie Accordion treats Broas Barquillos Ubi polvoron

Cakes: Ubi Buttercake Ubi Banana cake Eggless Ubi cake Ubi Blitz Torte Ubi cheezy cake Ubi boiled Fruit

Pies: Ubi Buko Pie Ubi Apple Pie Ubi Pineapple Pie

Jams: Ubi jam/ halayang ube

Pastries: Mango Ubi bars

37

Ubi hopia

Ubi de Queso Ubi Impanaditas Ubi lemon squares

(Source: Salda, Violet B., Lets bake using the purple yam powder) Ang yam ay isa sa pinakakilalang halaman sa lahat ng mga bansa na may tropical na klima. Ang yam ay ginagamit rin bilang medisina o panggamot, ang bunga ay para sa panggamot ng piles gonorrhea at ketong. Ito rin ay panlinis ng ating katawan o sa ating bituka. Liban sa pagiging isang gamot ang ubi ay uri ng pagkain na madaling matunaw sa ating tiyan. (Source: Plants and Health by A.C. SAS)

Ang balat ng Ube at tira nito ay ginagamit minsan sa pagpapakain ng mga manok at baka. Ang ube ay maaring gawing harina, upang makagawa ng yam flour:Una, hiwain ang lamang-ugat na may lapad na 1cm., ang sumunod ay balatan ito at ibilad sa araw. Kapag ito ay natuyo na igiling ito sa grinder upang madurog at maging pino ang bawat butil nito.

38

H. Nutritional value na makukuha sa Yam o Ube


Ang ubeng hilaw ay mas mayaman sa carbohydrates, mineral at vitamin content kaysa ube na pinakuluan. Talahanayan 6. Kabuuan ng mineral at bitamina sa bawat 100 grams ng Ube Composition Food energy Protein Fat Total carbohydrates Fiber Calcium Phosphorous Iron Thiamine, Vit.B1 Riboflavin Niacin Ascorbic acid Raw 96 cal 1.7 g 0.2 g 22.2 g 0.7 g 19.0 mg 44.0 mg 0.7 mg 0.09 mg 0.02 mg 0.50 mg 6.0 mg Boiled 75 cal 1.0 g 0.2 g 17.6 g 0.7 g 14.0 mg 32.0 mg 0.5 mg 0.07 mg 0.02 mg 0.40 mg 6.0 mg

Source: Food and Nutrition Research Institute, 1980.

Ang Ube ay may Bitamina A at beta carotene para sa malinis na balat, night vision, at nagiging proteksyon laban sa lung and oral cavity cancers. (Source: www.nutrition-andyou.com/yams.html)

39

III.

MGA NATUKLASAN
Ang Kamote

Sa isinagawang masusing pag-aaral na may paksang Ang Kapangyarihan at

Kakayahan ng Kamote, Nartuklsan ng mga mananaliksik na hindi lamang pala sa katawan

nakakatulong at mabuti ang kamote; napag-alaman din na malaki ang naiiambag nito sa

industriya at ekonomiya ng isang bansa. Natuklasan na ang kamote ay isang wonder gulay

sapagkat malaki ang naiaambag nito hindi lamang sa pagbibigay ng nutrisyon sa katawan kundi

pati na rin sa pagpupuno ng bulsa ng mga magsasaka, lalo na para sa mga Pilipino. Nalaman din

na ang pagkakatuklas ng gulay na kamote ay malaki ang naitulong para sa kabuhayan ng mga

mahihirap na magsasaka na walang sapat na puhunan at malaking lupa. Maituturing na isang

biyayang binigay ng Diyos ang pagkakaroon ng isang gulay na tulad ng kamote dahil kung wala

ito, marahil marami sa magsasaka natin ngayon ang lalong malulugmok sa mga hikahos nilang

buhay. Samakatuwid, ang kamote ay hindi lamang maituturing na simpleng pagkain, kaya naman

dapat ito ay bigyan din ng kaukulang pansin at halaga.

40

Napag-alaman din na di lang pala isang simpleng pagkain ang kamote, ito din ay isa sa

mga pagkaing maraming kagamitan. Isang masustansya at angkop na pagkaing panlaban sa ilang

malubhang sakit tulad ng dengue, at iba pa. Kadalasang hindi napapansin ang kamote, ngunit sa

likod ng maliit na gulay na ito ay ang mga sustansya at kagamitang makakatulong sa atin. At dito

sa pananaliksi na ito, nabigyang daan para mabigyan ng importansya ang kamote, na karaniwang

di nabibigyang pansin ng ibang mga tao.

Bilang isang pananim, natuklasan na hindi lang masarap na lamang ugat ang kamote,

madali at mabilis in siyang tumubo at hindi pa nangangailangan ng sobrang atensyon para

alagaan basta itanim lng siya sa buhaghag at mabuhanging lupa, dilig-diligan ikaw ay magkaka-

roon na ng maraming ani, sa pabor para sa maraming magsasakang hirap sa buhay.

Ang kapatid ng kamote, Yam

Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang yam ay nabibilang sa pamilya ng Dioscoreaccaea ay

may ibat-ibang uri. Ang mga ito ay ang Dioscorea rotundata na may puti at siksik na laman;

41

Dioscorea alata; Dioscorea cavensis na may dilaw na laman; Dioscorea esculanta na kulay puti

gaya ng Dioscorea rotundata; Dioscorea dumethorum na may mapaklang lasa at sinasabing

nakalalason kapag kinain dahil sa taglay nitong alkaloid dioscorine kaya dapat muna itong

hugasan sa umaagos na tubig o tubig alat saka pakukuluan bago kainin; Dioscorea bulbifera na

matatagpuan sa Asya at Africa; Dioscorea trifida; Dioscorea opposita na nangangailangan ng

malamig na temperatura at ginagamit bilang gamot ng mga Tsino; at Dioscorea japonica na

kapareha din ng Dioscorea opposita dahil kailangan din nito ng malamig na klima upang

mabuhay at dumami at hindi lang ito maaaring kainin kundi maaari din itong gawing gamot..

Natuklasan din sa pagsasaliksik tungkol sa yam ay kilala ito sa tawag sa Pilipinas bilang

Ubi/Ube , ay isang lamang-ugat na na kilala bilang isa sa mabisang pagkain bansang Pilipinas at

pati na rin sa iba pang bansa. Ang ube ay isang sangkap upang gawing minatamis, candies o kaya

ay ice cream. Mga halimbawa ng produktong gawa sa Ube: halaya, sagobe, puto, hopia, rice

cake, suman, sapin-sapin, bitso at bibingka. Ang Ube ay maaaring gawing harina, hinihiwa muna

ito at ibinibilad sa ilalim ng araw hanggang matuyo saka dudurugin ng pinong-pino. Ang ube

42

powder na ito ay isa sa sangkap sa paggawa ng mga pagkaing produkto tulad ng cookies, cakes,

Pastries, Pies at jams. Natuklasan rin na hindi lang pagkain ang silbi ng ube, ito ay isa ring gamot

sa nakakatulong sa ating katawan, panggamot ang yam sa piles gonorrhea at ketong. Nagtataglay

ang Ube ng ibat ibang sustansya sa ating katawan tulad ng bitamina A at beta carotene para sa

malinis at malusog na balat, nightvision at nagiging proteksyon laban sa lung at oral cavity

cancers. Ang Ubeng hilaw ay mas mayaman sa Carbohydrates, mineral at bitamina kaysa sa

Ubeng pinakuluan. Hindi nasasayang ang bawat piraso at parte sa Ube dahil ang balat nito at mga

tira ay ginagamit minsan sa pagpapakain ng manok at baka.

43

IV.

TALASANGGUNIAN o BIBLIOGRAPI

Mga Aklat at Artikulo/Periodicals:

Alston, Elizabeth, Womens Day Cookbook Barona, Ma. Lizbeth J. All about sweetpotato Protein-Enriched kamote BAR R&D 2005 Apr-Jun Benaning, Marvyn N. Camote benefits Tarlac, Albay Farmers Manila Bulletin Benno, Humbert and Alfred Groth, The Sweet Potato, General Books LLC, 2010 Berrin, Katherine and Larco Museum, The Spirit of Ancient Peru: Treasures from the Museo Arqueologico Rafael Larco Herrera, Thames and Hudson, New York, 1997 Bittman, Mark, Everything Vegetarian Chua, Philip S. Kamote vs Rice Malaya 26 Aug 2010 Esposo, William M., The underrated kamote can save our country As I Wreck This Chair, Manila Bulletin, 17 Apr 2008 Food and Nutrition Research Institute, 1980 Frank Schaffer Publications, Language Arts Power Packs Fusion Kamote, Editorials, The Manila Times, 16 Mar 2008 Gayao, Betty T. [et.al] Contribution of sweetpotato household income, food, and nutrient intake of farmers and processors. La Trinidad, Benguet : BSU, 2004 Gibe, Benjie P. Sweet potato contains anti-aging nutrients

44

Science and Technology Post 2005 Hand, T.E and Kirby Lee Cockerham, The Sweet Potato; a Handbook for the Practical Grower, BiblioBazaar, 2010 Hsieh, Paul, The Sweet Potato, YOTO Publisher, 2003 Johnson Publication, Ebony Magazine vol.31 no.1 Lebot, Vincent, Tropical Root and Tuber Crops: Cassava, Sweet Potato, Yams and Aroids, MPG Biddles Ltd., King's Lynn, United Kingdom, 2009 Loebenstein, Gad and George Thottapphilly, The Sweetpotato, Springer Science + Business Media B.V., 2009 Long Yam: A Health Tuber. PCARRD Farm News. Jun-Mar 2004 p 7 Lubag, Angelo Jose M. Jr et al. Antioxidants of purple and white greater yam Philippine Journal of Science 2008 Magtanim ng Kamote. Punla Technology Resource Center Makati: TRC Managbanag, Nicole J., Elections and Banana Cue Sun Star, 25 Oct 2010 Mercado, Toribio V., How To Grow Vegetables in the Philippines, ABIVA Publishing House, Sta. Cruz, Manila, 1952 Origin, Classification and Growth cycle of the Yam Plant Rinzler, Carol Ann, The New Complete Book of Food, Infobase Publishing Inc., New York, 1999-2009 Salda, Violeta B. et. Al, Lets bake using the purple yam powder , The Northern Philippines Root Crops Research and Training Center ,La Trinidad, Benguet, Phil. 2004 Sarian, Zac B. Underestimate not the lowly camote Manila Bulletin 2009 Sept 2 45

SAS, A.C., Plants and Health, Eastern Publishing Association Manila,Philippines, 1984 State of the Art: Sweet Potato Research. Philippine Council for Agriculture and Resources Research and Development. Laguna: Los Banos, 1986 Tacio, Henrylito D. Oh, camote! Graphic Health 25 July 2011 Talmadge, Lyniece North and Madeleine Watt, The Sweet Potato Lover's Cookbook: More Than 100 Ways to Enjoy One of the World's Healthiest Foods, Cumberland House Publishing, 2010 Wang, Yuan, Warren Shier and Mika Ono, Ancient Wisdom Modern Kitchen Woolfe, Jennifer A. Sweet Potato: An Untapped Food Resource

Websayt:

www.nutrition-and-you.com/yams.html http://www.akoaypilipino.eu/recipe/halayang-ube-purple-yam-jam-recipe http://en.wikipedia.org/wiki/Kinampay http://old.iita.org/cms/details/research_summary.aspx?articleid=268&zoneid=63 waze.net http://www.all-about-sweet-potatoes.com/ethanol-sweet-potatoes.html http://www.stuartxchange.org/kamote.html http://en.wikipedia.org/wiki/Sweet_potato#cite_note-49

46

V.

APPENDIKS O DAHONG-DAGDAG

Mga Mananaliksik:

Jean Paulene W. Rivera

Janine Joy S. Roales

Rafael A. Santiago

Wrindle D.V. Serdenia

Kheesa Marie B. Sonaba

47

You might also like