You are on page 1of 26

Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente at may pinakamaraming bilang ng tao sa mundo.

Ito marahil ang dahilan kung bakit mayroon ibat ibang uri ng relihiyon na nabuo noon pa man. Ang Asya rin ang pinagmulan ng pinakaunang relihiyon kasama na ang Hinduismo, Buddhismo, Sikhismo, Confucianismo, Taoismo, Kristyanismo, at Jainismo at ibat iba pang paniniwala na nabuo sa kontinenteng ito.

Hinduismo

Ang Hinduism ay kilala rin bilang Hind Dharma o Vedic Dharma sa mangilan-ngilang modernong wikang Indian tulad ng Hindi, Bengali at iba pang kontemporaryong Wikang Indo-Aryan, at ganun din sa ibatibang dilang Dravidian tulad ng Tamil at Kannada. Ito ay ang relihiyong magsimula sa India. Ang ibig sabihin ng salitang-ugat nito na Hindu ay India. Ang Hinduismo (Sanskrit: Santana Dharma o "walang-hanggang batas") ay isang relihiyon na nagsimula sa kontinente ng India. Ang salitang Hindu ay nangangahulugang India. Kaakibat sa pundasyon ng sibilisasyon ng Vedic, hindi pa alam kung sino ang nagpaumpisa nito.Sinasabi na ang mga Asyano ang nagpasimula

nito at kanilang itinuro sa Kabihasnang Vedic. Ito ay kinokonsiderang pinakalumang "extant" na relihiyon sa buong mundo. Ang relihiyong ito ay may mahigit kumulang sa isang bilyong tagasunod kung saan ang 890 milyon ay nakatira sa India at kinukunsidera ding pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo, sumusunod lang sa Kristyanismo at Islam. Ang mga bansang may malaking papulasyon ng Hinduismo ay Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Indonesia at Malaysia. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay ang Brahman, ang Kaluluwa ng Daigdig. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib sa Brahman. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ng Brahman. Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos na may ulo ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik. Kasaysayan: Magpahanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kung sino ang nagpasimula ng paniniwalang ito. May mga nagsasabing ang mga Asyano ang nagpasimula nitona kanila namang itiinuturo noon sa kabihasnang Vedic. Sinasabing ang relihiyong ito ay ang pinakalumang extantna relihiyon sa buong mundo. Ito ay kinukunsidera na pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo sapagkat mayroon ito na halos humigit kumulang sa isang biyong tagasunod. Ang pinakamarami ay nasa India, na humigit kumulang 890 milyong tagasunod. Mayroon rin sa bansang Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Indonesia at Malaysia. Paniniwala: Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang Kaluluwa ng Daigdig. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang

mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma. Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.

Ang Omkara, isa sa mga sagisag ng Hinduismo.

Sistemang Kaste
Ang Sistema ng Antas ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas na panlipunan, gaya ng: (1) Brahmin (pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas (maharlika at mandirigma), (3) Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4) Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang antas ay mga patapon, itinatawag na "mga hindi mahahawakan" o "mga hindi masasaling" ("mga hindi mahihipo"). Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng maduduming trabaho katulad ng paglilinis ng kalsada, pagkolekta ng basura atbp. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang "hindi mahahawakan" ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may antas.

Banal na Ilog
Ang banal na ilog ng mga Hindu ay ang Ilog Ganges na matatagpuan sa India. Ang ilog na ito ay sinasabing may banal na tubig.

Ang Hudaismo (Kastila: judasmo; Ebreo: ,yahedut) ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kaunaunang naitalang pananampalatayang monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong pampananampalatayang sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga pananampalatayang Abraamiko, kasama na ang Kristyanismo at Islam. Sa gayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo sa pagsasahugis ng daigdig. Ang kanilang naging simbolo ay ang Bituin ni David; sa kasalukuyan ang kanilang simbolo ay ang isang aranyang may pitong sanga, na tinatawag na menora.

Hudayka Ang Hudaismong Separdi ang uri ng Hudaismo ng mga Hudyong nagmula sa timog Yuropa, Mediteraneo, at kanluran at gitnang Asya. Sa kasaysayan, mas naging kaugalian ng mga Separdi na makihalubilo sa pangkalahatang populasyon kung ihahambing sa mga Askenasi, na mas susceptible sa pagbubukod mula sa mas malawak na lipunan; dulot ito ng magkakaibang klimang pangkultura at pampananampalataya na kinagalawan ng dalawang pangkat na ito.

Hudaismong Askenasi
Ang Hudaismong Askenasi ang uri ng Hudaismo ng mga Hudyong nagmula sa hilagang Yuropa. Sa mga nakaraang dalawang dantaon nahati ang mga Hudyo ng hilangang Yuropa sa ilang mga kilusan o denominasyon; ito ang kabaliktaran ng sitwasyon sa mga Hudyong Separdi, na bagaman ibaiba ang mga pananaw ay nananatili pa ring nagkakaisa. May ibat ibang pagkaunawa ang bawat isa sa kung anong mga prinsipyo ng paniniwala ang dapat angkinin ng isang Hudyo, at kung paano dapat mamuhay ang

isang Hudyo. Hindi tulad sa mga denominasyong Kristyano, hindi pundamental na napapaghati ng mga pagkakaibang pandoktrinang ito ang mga kilusang Hudyo, na tuluyan pa ring nagsasanib sa ilang mga isyu. Hindi pambihira, halimbawa, ang pagsimba ng isang Hudyong Masorti sa isang sinagogang Ortodokso o Repormista.

Hudaismong Ortodokso
Ang Hudaismong Ortodokso ang kilusang Askenasi naniniwala sa tradisyonal na interpretasyon ng Hudaismo. na

Ang Hudaismong Haredi (Ebreo: " , Hudaismong takot") ang sangay ng Ortodoksiya na may makitid na interpretasyon ng Hudaismo. Kilala rin sila bilang ang mga Ultraortodokso.

Hudaismong Hasidiko Makabagong Ortodokso


Ang Makabagong Hudaismong Ortodokso ang kilusang Askenasi na, tulad ng Hudaismong Haredi, tinatanggap ang pagkabisa ng batas Hudyo. Gayumpaman, naiiba ito sa Haredismo sa pagtanaw nito sa batas Hudyo hindi bilang isang di-nagbabagong katawan ng mga batas na isinulat ng mga rabino ng mga Sinauna at Gitnang Panahon kundi, tulad ng anumang tradisyong buhay, bilang isang katawang nagbabago at hindi nahihiwalay sa mga realidad ng sitwasyon o panahon. Sa ganito, sila ang kilusang pinakamalapit sa Hudaismong Separdi.

Hudaismong Repormista
Ang Hudaismong Repormista ang kauna-unang modernong sangay ng Hudaismong Askenasi. Hindi nito tinatanggap ang pagkabisa ng batas Hudyo. Nagmula at napaunlad ang kilusang ito sa Alemanya at ngayon ito ang pinakamalaki sa Hilagang Amerika. Maaari itong tukuyin bilang Hudaismong Progresista[/Progresibo, habang sa Nagkakaisang Kaharian binubuo ng Hudaismong Repormista at Hudaismong Liberal ang Hudaismong Progresista.

Hudaismong Masorti
Ang Hudaismong Masorti o Hudaismong Konserbador/Konserbatibo ang kilusang Askenasi na, tulad ng Hudaismong Ortodokso, tinatanggap ang pagkabisa ng batas Hudyo. Gayumpaman, naiiba ito sa Ortodoksya sa pagtanaw nito sa batas Hudyo hindi bilang isang di-nagbabagong katawan ng mga batas na isinulat ng mga rabino ng mga Sinauna at Gitnang Panahon kundi, tulad ng anumang tradisyong buhay, bilang isang katawang nagbabago at

hindi nahihiwalay sa mga realidad ng sitwasyono panahon. Binibigyangtanaw ng mga Masorti ang mga rabino ng kasalukuyan bilang kasingmabisa ng mga rabino ng mga Sinauna at Gitnang Panahon.

Budismo

Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "ang landas o batas ng naliwanagan o ng gising")Ito ay isang relihiyo o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Siddhrtha Gautama o mas kilala bilang Buddha na mamuhay marahil noong ikalimang siglo. Kumalat ang Budismo sa buong lumang sub-kontinente ng Indya sa limang siglo pagkatapos ng pagkamatay ni Buddha, at naikalat sa Gitna, Timog-Silangan at Silangang Asya sa sumunod na dalawang milenyo. Ngayon, nahahati ang Budismo sa tatlong pangunahing tradisyon: Theravda (Sanskrit: Sthaviravda), Mahyna, at Vajrayna (uri ng Budismo sa Tibet). Nagpatuloy ang Budismo na mang-akit ng mga tagasunod sa buong mundo, at, kasama ang mga 350 milyong tagasunod, tinuturing ito bilang isang pangunahing relihiyon sa mundo.Isang relihiyon o paniniwala na naka tuon sa budhi ng bawat tao.Sa paniniwalang sa pamamagitang ng mabuting budhi ay

mararating ng tao ang mataas na kamalayan at mataas na antas ng kalagayang pang espirituwal o diwa ng tao. Isang pilosopiya ang Budismo na may mga ibat-ibang paniniwala, na pinaniniwalaan ng iba bilang isang relihiyon. Budista o Budhista ang tawag sa taong naniniwala sa Tatlong Hiyas (o Three Jewels): ang Buddha (Ang Isang Nagising o Namulat), ang Dharma (ang Pagtuturo ng Buddha), at ang Sangha (Pamayanan ng mga Budista). Sinasabing 230 hanggang 500 milyon ang bilang ng mga Budista sa mundo. Nakatira sa Asya ang karamihan sa mga Budista, ngunit meron ring mga na nasa ibang lupalop ng daigdig.

Kasaysayan: Kumalat ang Budismo sa buong lumang sub-kontinente ng Indya sa limang siglo pagkatapos ng pagkamatay ni Buddha, at naikalat sa Gitna, Timog-silangan at Silangang Asya sa sumunod na dalawang milenyo.

Paniniwala: Nagpatuloy ang Budismo na mang-akit ng mga tagasunod sa buong mundo, at, kasama ang mga 350 milyong tagasunod, tinuturing ito bilang isang pangunahing relihiyon sa mundo.Isang relihiyon o paniniwala na naka tuon sa budhi ng bawat tao.Sa paniniwalang sa pamamagitang ng mabuting budhi ay mararating ng tao ang mataas na kamalayan at mataas na antas ng kalagayang pang espirituwal o diwa ng tao.

Isang pilosopiya ang Budismo na may mga ibat-ibang paniniwala, na pinaniniwalaan ng iba bilang isang relihiyon. Budista o Budhista ang tawag sa taong naniniwala sa Tatlong Alahas (o Three Jewels)

Buddha (Ang Isang Nagising o Namulat) Dharma (ang Pagtuturo ng Buddha Sangha (Pamayanan ng mga Budista).

Mga istatwang kumakatawan sa mga budistang nagbibigay ng papuri kay Buddha.

Kristiyanismo

Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang Diyos lamang) na nakabatay sa buhay at turo ni Hesus ng Narat ayon sa isinulat ng kanyang mga tagapagsunod sa Bagong Tipan. Pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na si Hesus ay ang anak ng Diyos at ang Mesias na pinaghulaan ng mga sugo sa Lumang Tipan. Ang Bagong Tipan ng Bibliya ay tinitingnan bilang tala ng Ebanghelyong ipinahayag ni Hesus. Ito ay ang pinakamalaking pananampalataya sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong taong kasapi nito. Sa kasulukuyan, ito ay malakas sa Europa, mga Amerika, Katimugang Afrika, ang Pilipinas at sa Oceania at tumutubo na sa Asya, lalo na sa Tsina at Timog Korea Nagsimula ang Kristiyanismo bilang sangang-katulad ng Judaismo at kasama ang Bibliang Hebreo bilang Lumang Tipan sa mga banal na Kasulatan nito. Tulad ng Judaismo at Islam, itinatalaga ang Kristiyanismo bilang isang Pananampalatayang Abrahamiko. Ang relihiyong ito ay itinayo ni Kristo sa Israel. Ngunit maraming mga sanga ang relihiyong ito, lahat ng mga kasapi rito ay naniniwala sa Diyos. Isa sa mga pinakakilalang mga sagisag ng Kristiyanismo ay ang krus, kasama rin ng isda, o "Icthys" kung tawagin.

Simula at kahulugan ng pangalang Kristiyano


Ang pangalang Kristiyano (Griyegong , "Christianos" Strong's G5546), ay may kahulugang "kabilang kay Kristo" o "pagmamay-ari ni Kristo", na naging tawag para sa mga sinaunang disipulo sa lungsod ng Antioke na kilala rin bilang Antioque o Antioch (Gawa 11:26). Si San Ignacio ng Antioch ang unang gumamit ng "Kristiyanismo" (, "Christianismos") bilang pangalan ng pananampalataya kay Kristo. Sa diwa ng Kristiyanismo, kapag ginamit ang salitang Kristiyano - kasama at katulad ng mga katagang alagad, apostol, disipulo, mananampalataya, sumasampalataya, nanalig, o naniniwala - nagpapahiwatig ito ng pagtitiwala at pagsunod kay Hesukristo. Ginamit ni Simon Pedro at Haring Agrippa ang katawagang Kristiyano.

Mga Paniniwala
Ang mga iba't ibang pangkat o kung tawagin ay mga "Simbahan" sa loob ng Kristiyanismo ay may magkakaibang pananaw ukol sa relihiyong ito, subalit ang karamihan ng mga kasapi ay may mga magkakahawig o magkatulad na mga doktrina, o mga paniniwalang opisyal. Kasama rito ay ang:

Hesukristo

Mga halimbawa ng mga relihiyosong bagay sa Kristiyanismo-Katoliko: Bibliya, krusipiho, at rosaryo. Sa pangalan pa lamang na "Kristiyanismo, halatang ang pinakasentro ng teolohiyang Kristiyano ay ang paniwalang si Hesus ay ang Mesias (Hebreo: ,mi) o ang Kristo (hango sa salitang Kastilang "Cristo", na mula naman sa Griyegong , Christos). Pinaniniwalaang si Hesus, bilang Mesias, ay ang Manunubos at Hari ng sangkatauhan, at ang kaniyang pagparito ay ang katuparan ng mga propesiya ng Lumang Tipan. Iba ito mula sa konsepto ng Mesias ng mga Hudyo, sapagkat ang sentrong paniniwala ng Kristiyanismo ay sa pamamagitan ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus, ang mga makasalanan ay bumalik na sa Panginoon, nailigtas mula sa kasalanan, at nakamit ang buhay na walang hanggan. Sa halip ng mga debate ukol sa tunay na pagkatao ni Hesus, ang karamihan sa mga Kristiyano'y naniniwala na siya ay Diyos na nagkatawang-tao at "tunay na Diyos na nagkatawang tao".

Islam

Kaligrapiya na nagsasabi ng Allah. Islam (Arabo: ;al-islm), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)" ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Isang Abrahamikong relihiyon ang Islam, kasama ang Kristiyanismo at Hudaismo, kaya't malapit na kamaganak ito ng dalawang huling pananampalataya. Naniniwala ang mga tagasunod, kilala bilang mga Muslim, na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na salita diretso sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.

Kahulugan
Pinakapayak na kahulugan ng Islam ang "pagtanggap at pagpapasailalim o pagsuko sa kagustuhan ni Allah. Maaari rin itong mangahulugang "pagtutuon" o "paglalaan" (dedikasyon) sa Diyos.

Kasaysayan Tagapagtatag
Si Muhammad, kinikilala ng mga Muslim bilang propeta ng Diyos, ang tagapagtatag ng pananampalatayang Islam. Nagsimulang makatanggap si Muhammad ng mga pahayag mula sa Diyos noong 610. Noong nasa gulang na apatnapu na si Muhammad, nagkaroon siya ng pangitain kung saan tinawag siya ni Arkanghel Gabriel upang magturo ng salita ng Diyos. Noong 613, nagsimula siyang mangaral. Nagbuhat ang simulain ng Islam bilang sumisibol na relihiyon mula pa noong 622, nang maganap ang Hijra na nangangahulugang "emigrasyon" o pangingibang bayan. Pinag-ugatan ng Hijra ng salitang Hegira o "Taon ng Emigrasyon" (ito ang unang taon sa kalendaryong Muslim). Nilisan ni Muhammad at ng kanyang mga tagasunod ang Mecca dahil sa mga Arabong sumasalungat o lumalaban sa kanyang mensahe. Mismong ang tribo ni

Muhammad ang hindi nagkagusto sa mensahe ng Koran, sapagkat natatakot silang napakaraming mga pagbabagong gagawin ito sa kanilang mga buhay. Nagtungo sina Muhammad at kanyang mga tagasunod na naniniwala sa Koran sa oasis ng Yathrib, na nakilala sa paglaon bilang Medina o ang "Lungsod ng Propeta". Noong 630, naging matatag na ang pagkakalunsad ni Muhammad ng kanyang bagong relihiyon, dahil ito ang taon kung kailan nagbalik si Muhammad sa lungsod ng Mecca. Kasama ang 10,000 mga kawal, nilusob at tinaban ni Muhammad ang lungsod. Napagbago niya ang kalooban ng mga tao upang yakapin ang Islam. Winasak rin niya at ng kanyang mga sundalo ang mga idolo o anito. Pinanatili lamang niya ang Kaaba (Arabe para sa "kubo"), ang maliit na gusaling dating kinalalagakan ng mga idolo. Hindi niya ito sinira sapagkat may kaugnayan ito sa kapanahunan ni Abraham at Ishmael, na kapwa mga karaniwang ninuno ng mga Hudyo at ng mga Arabo.

Kaugnayan kay Abraham


Si Abraham, na nabanggit sa Tora ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya, ang pinakaninuno ng mga Arabo dahil sa kanyang anak na lalaking si Ismael. Siya rin ang ninuno ng mga Hebreo dahil sa kanyang anak naman na lalaking si Isaac.

Mga Muslim

Mga nagdarasal na Muslim, sa loob ng isang moske. Kilala ang mga sumasampalataya sa Islam bilang mga Muslim. Nangangahulugan ang Muslim bilang ang "mga pumapasailalim" o "mga taong ibinibigay ang kanilang sarili sa Diyos". Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya. Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.

Para sa mga Muslim, nagpadala ang Diyos ng isang maensaheng hindi mababago ninuman. Nagsasabi ang mensaheng ito ng kung ano ang dapat nilang malaman upang sumaya sila sa mundo at sa kabilang buhay. At si Muhammad nga ang taong pinili ng Diyos upang maging kanyang propetang mensahero o tagapagbalita. Para rin sa paniniwalang Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.

Ang Koran

Naitala ang mga pangaral ni Muhammad sa Koran, ang banal na aklat ng Islam. Para sa mga Muslim, ang Koran ang mga pahayag ng Diyos. Isinaayos at isinabatas ni Uthman, isang pinunong Muslim, ang Koran. Nangangahulugang "mga pagsasabi" o "mga pagbigkas" (resitasyon) ang salitang Koran. Tinutukoy nito ang mga instruksiyon o kautusan ni Arkanghel Gabriel kay Muhammad noong 610 na bigkasin ang pangalan ng Diyos o sambitin ang pangalan ni Allah. Binubuo ang Koran ng 114 na mga kabanata o mga surah. Nahahati ang mga kapitulong ito sa mga taludtod o taludturan.

Sikhismo

Ang Sikhism ay isang monoteyistikong relihiyon, o isang anyo ng pananampalatayang naniniwala sa iisang Diyos. Tinatawag na mga Sikh ang mga nananampalataya nito, at tinatawag na Guru Granth Sahib ang kanilang banal na aklat. Popular sa Asya, mayroon itong 20 milyon mga tagasunod, kung kaya't ito ang ika-limang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Sinimulan ang Sikhismo noong 1469 ni Guru Nanak Dev, ang una sa "Sampung mga Guru". Nagkaroon ito ng bukod na katangian noong 1699, na pinagdiriwang ng Vaisakhi, kung kailan sinimulan ni Guru Gobind Singh, ang ikasampung ang pagbibinyag kasama ni Khande di Pahul, at nangangailangan na sundin ng mga sikh ang limang mga "K". Tinatawag din itong kapanganakan ng Khalsa.

The Harimandir Sahib, kilala bilang Golden Temple, isang sagradong temple para sa mga Sikhs.

Konpusyanismo

Ang Konpusyanismo (Ingles: Confucianism; Tsino: ; pinyin: r ji) ay isang sinaunang sistemang pang-etika at pampilosipiyang Tsino na unang pinaunlad mula sa mga turo ni Confucius, isang sinauang paham at pilosopong Tsino. Itinuturo nito ang tao ay sadyang itinulak ng tadhana upang makisalamuha sa kapwa tao sa lipunan. Kaya ang mga abnormal lamang at ang hindi "natural" na tao ang namumuhay sa labas ng mga pamayanan. Ang pakikisalamuha sa kapwa tao ang pinakamahalaga upang mabuhay sapagkat sa lipunan lamang malalaman ng tao sa lipunan ay tinatawag na "jen". Ipinaliwanag ang salitang ito bilang "pagiging mabuti at mapagbigay sa nangangailangan", "simpatya", "pusong makatao" at "makatuwid na kaugalian". Kasama sa jen ang "pagnanais na makatulong sa iba na maabot nila ang kanilang hangarin'. Dahil dito, ipinanukala na Konpusyanismo ang tamang aksyon na makikita sa pagtupad sa mga tungkulin sa lipunan: Pinuno at mga tagasunod; ama at anak; matandang kapatid at nakakabatang kapatid; asawang lalaki at asawang babae;at kaibigan sa kaibigan; at lahat ng relasyon maliban sa huli ay nangangahulugan ng pagkilala ng awtoridad ng isang tao sa nakabababa sa kanya. Subalit maisasakatuparan ng nagsabing awtoridad ng may responsibilidad at pagmamahal. Ang nakabababa ay may tungkulin sumunod nang may pagmamahal at katapatan sa nakakataas sa mantalang ang nakatataas ay may tungkuling magpakita ng responsibilidad ng may pagmamahal ng nakakababa sa kanya. Ang Konpusyanismo ay ang pamamalakad ng tao sa halip na batas. Ang pagpapanatili ng kapayapaan at maayos na relasyon ay higit na mahalaga kaysa konsepto ng labis na pagpapairal ng karapatang pang tao. Pinahahalagahan ng Konpusyanismo ang pamilya bilang taga-hubog ng moralidad. Inihahalintulad ang pamilya sa isang paaralan kung saannatutuhan nang bata ang mga responsibilidad at pribilehiyo na mararanasan sa labas ng tahanan. Naniniwala rin ang mga maka-Konpusyanismo sa isang matagumpay na rebolusyon. Tinatawag itong "utos ng langit" (mandate of heaven) sa katauhan ng

emperador. Bilang anak ng langit, nagiging matuwid para sa kanila ang mabilis na pagbabago maaaring gawin ng estado bilang utos ng langit. Si Confucius ay nagsilbing guro sa mga taong kabilang sa relihiyong ito. sa kanyang mahigit 40 taong pagtuturo, lubhang nakatulong ang kanyang mga akda. Ito ang obra niyang "Ang Limang Klasika". Una rito ang Shih Ching o Aklat ng mga Tula, ang Shuh Chingo Aklat ng Kasaysayan. Mayroon ding I Ching o ang Aklat ng Panghuhula, ang Ch'un Ch'iu o Aklat ng Tagsibol at Taglagas, at ang huli ay ang Li Chi o ang Aklat ng Ritwal. Bukod pa sa pag-aaral ng kanyang mga aklat, binigyang-diin din ni Confucius ang paglinang ng katangiang maging isang tunay na "maginoo". Naniniwala si Confucius na ang katangiang ito ay mas malilinang sa loob ng paaralan o sa pamamagitan ng isang mabuting edukasyon. Makikita ito sa kanyang iba pang mga lathain. Tinagurian niya ang katangiang ito na pagiging isang "edukado" o Chuntzu. Binigyang-diin din ni Confucius ang usapin ng moralidad. Gayundin ang pamumuhay ng moralidad. Gayundin ang pamumuhay ng moderasyon at pamumuhay ng malayo sa kalabisan. Pangunahing interes din ni Confucius na ang pagsasaalang-alang sa tamang pagkilos at pananagutang nakabatay sa limang pangunahing pakikipag-ungnayan ng tao. Lahat ng ito ay makikita sa loob ng ng pamilyang nagbibigay-diin sa konsepto ng herarkiya (antas) na nagangahulugan ng pagsunod at respeto sa nakatataas at pagkilala naman sa karapatan at papel ng nakakababa. Ang Limang ugnayan ng tao ay ang mga sumusunod: 1. Emperador sa nasasakupang mamamayan 2. Ama sa anak na lalaki 3. Asawang lalaki sa awasang babae 4. Nakakatandang kapatid na lalaki sa nakababatang kapatid na lalaki 5. Kaibigan sa kaibigan Tungkulin ng nasa ilalim na sundin at igalang ang nakatataassa kanya. Kapag ang paggalang na ito ay sinunod ng lahat, asahang magkakaroon ng katahimikan at katatagan sa lipunan.

Isang templo ng Konpusyanismo sa Wuwei, Republikang Popular ng Tsina.

Taoismo

Ang Taoismo, mula Tsinong Daojiao (binibigkas do (tulongimpormasyon) jio (tulongimpormasyon)), ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na pang-pilosopiya at pang-relihiyon na mga tradisyon at kaisipan. Naimpluwensiyahan ang Silangang Asya ng mga tradisyon na ito sa loob ng dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran. Nangangahulugan ang salitang , Tao (o Dao, depende sa iskima ng romanisasyon) bilang "landas" o "daan", bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong Tsino at pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hiyas ng Tao: pagkahabag, patitimpi, at kababaang-loob. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos ( ), kalusugan, mahabang buhay, wu wei (aksyon sa pamamagitan ng walang aksyon), kalayaan, kawalang-kamatayan at pagka-kusang-loob.Ang Pangalang Taoism ay nagmula sa tao, salitang Tsino na ang ibig sabihin ang daan. Naniniwala ang Taoist na pinakamahalagang mamuhay sa natural na pamamaraan. Ang tao ay dapat umayon sa kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta ng di pagsunod sa paraan ng kalikasan. Ang tao ay maihahalintulad sa isang bagay na walang hugis at porma. Ang mga karagatan at ilog ay kinalalagyan. Kaya makapangyarihan ang tao dahil mapagkumbaba ito. Ang tao rin ang nagbibigay ng pwersa sa lahat ng nilalang.

Taoist Temple sa Hong Kong.

Hainismo

Ang Hainismo (mula sa Ingles na Jainism) o Jain Dharma ( ) ay isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India. Ang nagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang Mahvir 599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay nagwaksi ng kanyang pamilya at naging asetiko. Sa loob ng 12 taon, naging aktibo siya sa paghahanap ng katotohanan at lubos na nakapagtamo ng kamulatan habang nagninilaynilay. Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng kaluluwa ang layunin ng eksistensya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya mula sa katawan, ay makapamumuyhay sa walanghanggang kaluwalhatian at malaya magpakailanman. Ang kadalisayan ay matatamo sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng buhay. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang sukdol na asetismo, pag-aayuno, yoga at iba pang awsteridad para sa layuning pagninilaynilay o meditasyon. May limang panata ang sinusunod ng mga Hain (binabaybay na Jain sa Ingles: 1. 2. 3. 4. 5. karalitaan (Aparigraha) kabirhenan (Brahmacharya) katapatan (Asteya) katotohanan (Satya) kawalang-karahasan (ahimsa)

Ang panata sa kawalang-karahasan (ahimsa) ay siyang tunay na obsesyon ng mga Hain. Nagmamaskara sila para takpan ang bibig at ilong upang maiwasan ang dikinukusang paglanghap sa maliliit na insekto.

Ang mga Relihiyon sa Pilipinas


Ang mga Pilipino ay may paniniwala sa Diyos. Nananalangin sila sa Kanya. Nagpapasalamat sila sa mga ibinigay Niyang biyaya sa kanila. Nagpapasalamat din sila sa pamamatnubay Niya. Sinasamba pa nila Siya. Ibat' iba ang relhiyon ng mga Pilipino. Ang pagpili ng nais na relihiyon ay isa sa karapatan ng tao. Iba't iba ang paraan ng pananampalataya at pagsimba ng mga relihiyon sa kanilang bansa. Kung kaya't sila ay nagsisimba sa iba't ibang araw. Karaniwan tuwing Linggo ang pagtungo ng karamihan sa kanila sa simbahan. Ngunit may sumasamba rin tuwing Huwebes at Sabado. Iginagalang ang iba't ibangsimbahan. Iginagalang din ang paraan ng pagsamba ng kapwa-Pilipino

Grupo

Tantiyang Bilang ng mga Nanamplataya

1. Romano Katoliko - 80% ng pop. (1998) 2. Ibang pang Denominasyon ng mga - 8.7% ng pop. (1990) Kristiano 3. Muslim/Islamic - 7% ng pop. (2001) 4. Katutubong Paniniwala 5. Buddhists 6. Walang Relihiyon Protestante El Shaddai - 1.2% ng pop. (1990) - 0.1 % ng pop (1990) - 0.3 % ng pop. (1990) - 8% ng pop. (1990) - 5 milyon (2001)

Church of the Nazarene - 14,081 (1998) Church of Jesus Christ and the Latter Day - 389,000 (1999) Saints Seventh-Day Adventists (Central Phil. - 181,241 (2000) Union Conf.) Chinese - 1% ng pop (1996) Hindu Mennonites Philippine Episcopal Church United Church of Christ in the Philippines Evangelical Baptist World Alliance Methodist Judaism Ang Dating Daan Worldwide Church of God Jehovah's Witnesses Unitarian Assemblies of God (Ilocos Norte) God World Missions Church Presbyterian Lutheran Church in the Philippines Mount Banahaw Holy Confederation Rizalista Aglipayan Church) (Philippine - hindi nakalathala - 1,365 (1998) - hindi nakalathala - hindi nakalathala - 5.1% (1995) - 212,643 (1998) - hindi nakalathala - 250 (1998) - hindi nakalathala - 25,000 (2002) - 128,134 (1999) - 1,000 (1998) - 277 (1990) - hindi nakalathala - hindi nakalathala - hindi nakalathala - hindi nakalathala (1918);

- hindi nakalathala Independence 13% ng pop 2,574,000 (1998)

Iglesia ni Cristo (Church of Christ)

3,000,000 (1999); - higit sa 2 milyon sa Metro Manila (2000)

Philippine Benevolent Association (PBMA)

Missionary - 60,000 (2002)

Mula sa iba-ibang literatura; pakibasa ang mga pangungusap sa ibaba tungkol sa mga bilang mga nanampalataya.

Pananampalatayang Bah'

Ang Pananampalatayang Bah' ay isang monoteistikong relihiyon na tinatag ni Bah'u'llh noong ika-labing-siyam na siglong Persia, na binibigay diin ang espirituwal na pagkakaisa ng sangkatauhan.[1] May tinatayang mga 5 hanggang 6 na milyong mga Bah' sa buong mundo sa higit sa 200 mga bansa at teritoryo

Luklukan ng Pangkalahatang Bahay ng Katarungan (Seat of the Universal House of Justice, ang namumunong katawan ng mga Bah', in Haifa, Israel

Shinto

Ang Shinto ( ) ay ang katutubong relihiyon ng Hapon at dating naging relihiyon ng estado. Ito ay kinapalolooban ng pagsamba sa kami( ), o mga diyos. Ang ibang kami ay lokal at maaaring ang mga espiritu/ o ang henyo ng isang partikular na lugar, ngunit ang iba ay nagpapakita ng mas malaking bagay na natural at proseso: halimbawa, Si Amaterasu, ang Diyosa ng araw, o ang bundok Fuji. Ang shinto ay isang sistemang may paniniwalang animistiko. Ang salitang Shinto ay nabuo sa dalawang pinagsamang kanji: "" (Shin) na ang kahulugan ay mga diyos at espiritu (kung babasahin ito ng mag-isa, ito ay binibigkas bilang "kami") at "" (t), na ang kahulugan ay isang paraang pilosopikal (tulad ng panulat ng mga Intsik na sa salitang Tao). Sa madaling salita, ang Shinto ay kadalasang sinasalalin bilang "Ang Paraan ng mga Diyos".

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Ang katayuan ng Shinto bilang relihiyon ng estado ng Hapon ay nawala; ang mga kasanayan at pangaral, na minsang naging prominente noong kasagsagan ng digmaan, ay hindi na itinuturo at sinasanay sa ngayon, at ang iba naman ay makikita na lamang sa mga gawaing tulad ng omikuji (isang uri ng pang-huhula) at sa Bagong Taon ng mga Hapones.

Izanami-no-Mikoto and Izanagi-no-Mikoto, by Kobayashi Eitaku, late 19th century

Soroastrismo

Ang Soroastrismo ay isang relihiyon na itinatag ni Zoroaster na mula sa Persya na ngayo'y Iran. Ang kanilang paniniwala ay ukol sa kabutihan at kasamaan. Si Ahura Mazda ang pinaniniwalaang diyos ng kabutihan. Bahagi ng katuruan ni Zoroaster si Ahura Mazda na sumisimbulo sa kabutihan; At si Ahriman na sumisimbulo sa kasamaan.Si Ahuru Mazda ang pinagmumulan ng katotohanan,liwanag at pagkabusilak at si ahriman naman ang pinagmulan ng kasakiman,kadiliman at kasamaan. Maaring mamili ang tao ng kanyang paniniwalaan at

pamumuhay.Kung pipiliin niya ang kabutihan,gagantimpalaan siya ng walang hanggang buhay.Kung kasamaan naman ang pipilliin niya,mararanasan niya ang kamatayan pagkatapos ay kahirapan at kadiliman.

The Zoroastrian Atash Behram of Yazd, Iran.

Animismo

Sir Edward Tylor ang responsible sa pagbuo ng ibig sabihin ng animism sa anthropology ngayon.

Ang animismo (mula sa Lating anima o "kaluluwa", "buhay") ay isang paniniwala na nagsasabing mayroong puwersang hindi materyal na nagpapakilos sa kapaligiran. Sinasabi rin dito na may kani-kaniaya o angking kaluluwa ang mga bagaybagay. Bukod dito, isa itong paniniwala sa kapangyarihan at lakas ng kaluluwa.[3] Isa itong ideyang pilosopikal, relihiyoso, o espiritwal na umiiral ang mga kaluluwa o mga espiritu hindi lamang sa mga tao at mga hayop, ngunit maging sa mga halaman, mga bato, mga likas na kaganapang katulad ng kulog, sa mga heograpikong katangiang katulad ng mga bundok o mga ilog, o iba pang mga entidad ng kapaligirang likas[4], na isang proposisyong kilala rin bilang hilosoismo sa pilosopiya. Sa animismo, maaaring paniwalaan ding may mga kaluluwa ang mga konseptong walang tiyak na anyo o abstrakto, katulad ng mga salita, mga tunay na pangalan, o mga metapor sa mitolohiya. Karamihan sa mga pananampalatayang nagbibigay-diin sa animismo ay mga relihiyong-bayan, katulad ng sari-saring mga anyo ng Shamanismo, Shinto, o ilang daloy ng Hinduismo. Sa kahabaan ng kasaysayan ng Europa, nagmuni-muni ang mga pilosopong katulad nina Plato, Aristotle, Thomas Aquinas, kasama ng iba pa, na umiiral ang kaluluwa sa mga hayop, mga halaman, at mga tao.

Shamanism
Shamanism ay isang antropolohiko kataga ng sanggunian ng isang hanay ng mga paniniwala at mga gawi tungkol sa komunikasyon sa mga espirituwal na mundo. Isang practitioner ng shamanism ay kilala bilang isang salamangkero (binibigkas / mn / "Shah-tao" o / emn / "Shay-tao" ). Shamanism encompasses ang paniniwala na shamans ay tagapamagitan o sugo sa pagitan ng mga tao ang mundo at ang espiritu mundo. Shamans ay sinabi sa paggamot sa ailments / sakit sa pamamagitan ng pagkukumpuni ng kaluluwa. Alleviating traumas naaapektuhan ang kaluluwa / espiritu restores ang pisikal na katawan ng mga indibidwal na balanse at pagkabuo. Ang salamangkero din pumapasok sobrenatural realms o sukat upang makuha ang solusyon sa mga problema afflicting ang komunidad. Shamans maaaring bisitahin ang iba pang mga daigdig / sukat na magdala ng gabay sa mga naligaw ng landas at kaluluwa upang magpaunlad sakit ng mga tao kaluluwa na dulot ng mga dayuhang elemento. Salamangkero ay nagpapatakbo lamang sa loob ng espirituwal na mundo, na siya namang nakakaapekto sa mga tao mundo. Ang panunumbalik ng mga resulta ng balanse sa mga aalis ng mga sakit.

Russian postcard batay sa isang larawan kuha sa 1908 sa pamamagitan ng SI Borisov, pagpapakita ng isang babaeng salamangkero malamang ng etnisidad Khakas.

You might also like