You are on page 1of 36

ARAL AT LIGAW

LAKANDIWA

Ang panig na igigiit sakali at palahukin.

LAKANDIWA Isang mapagpalang araw ang malugod na handog ko Sa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong mundo Mayrong isang email message na natanggap ang lingkod nyo Apurahang naghahanap ng sagot sa tanong na 'to: DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG DALAWA: ANG MAG-ARAL AT MANLIGAW? Dapat o Hindi Dapat ba? Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas na Ipahayag ang katwiran nang marinig ng balana. Tuloy, kayo'y magsituloy upang ating umpisahan Ang tagisan ng talino sa larangan ng katwiran Ang panig ng DAPAT muna una nating pakikinggan Salubungin nating lahat ng masiglang palakpakan!

DAPAT (Unang Tindig) Nang ang tao sa daigdig ay nilikha ng Maykapal Magkasamang nilangkapan ng damdamin at isipan Kung di dapat pagsabayin ang mag-aral at manligaw Sana'y isip na lang muna ang sa tao'y ibinigay. Sa tahanan una munang namumulat sa pag-ibig Ang sanggol na laging kupkop ng ina sa kanyang dibdib Bago pa man makagapang, magsalita, magkaisip Dama na ang pagmamahal ng magulang at kapatid. Sa eskwela hinuhubog, pinapanday ang isipan May subject na Health at P.E. para naman sa katawan Mayroon ding Social Studies at iba pang pagsasanay Upang maging mamamayang responsable sa lipunan.

DAPAT Ako'y isang mag-aaral na nasa hustong gulang na May isip na tumutuklas at may pusong sumisinta Pag-aaral, panliligaw, magsabay man di problema Kaya dapat ang syang panig na handa kong ibandera.

HINDI DAPAT Bilang ama ng tahanan, kung ako ang tatanungin Pag-aaral ang sya munang nararapat atupagin Saka na ang panliligaw, hindi dapat pagsabayin

Kumpleto ang kurikulum upang tayo'y makumpleto Sa paglago ng isipan, katawan at pagkatao Kapag ang crush, o puppy love, o ang pana ni kupido Ay dumating, bahagi yan ng dapat na ikatuto. Kaya kung ang estudyante ay pumorma at manligaw Walang dapat ipagtaka pagkat ito ay normal lang Ang binatang umiibig, ang dalagang minamahal Ganado at inspirado sa kanilang pagaaral.

Pagtuntong sa kolehiyo, sa kaklase'y nahalina Mas maraming oras kaming ginugol na magkasama Sa halip na makatapos ay maagang nag-asawa Kaya high school diploma lang ang pwede kong iparanya. Ngayon hirap na maghanap ng trabahong papasukan Hirap akong matutustusan ang gastusin sa tahanan Kung sana ay inuna ko sa halip na panliligaw Ay nag-aral nang mabuti, mas malapit ang tagumpay. Kabataang mag-aaral, isipin ang kasabihan Hindi pwedeng magkasabay na sambahi't paglingkuran Ang dalawang panginoon: ang puso at ang isipan Mabuti pang pag-aaral na muna ang katutukan. Ganito ang natutuhan sa minsang pagkakamali Ngunit kayong di pa huli, wag sayangin ang sandali Pag-aaral ay tapusin, panliligaw ay madali Lalo't ikaw'y tagumpay na't limpaklimpak ang salapi.

LAKANDIWA Napakinggan nating lahat ang katwirang pumapanig Na DAPAT daw pagsabayin, pag-aaral at pag-ibig Sunod nating tatawagin upang dito'y humagupit HINDI DAPAT, salubungin ng palakpak na mainit!

HINDI DAPAT (Unang Tindig) Sinasabing mas madali sa tao ang maging henyo Matapos na magkamali at magbunga ng di gusto Sa pangaral ng magulang na noon ay sinuway ko Mapait na kapalaran ang inaning pagkabigo.

LAKANDIWA Nakatapos ang unang round nitong ating balagtasan Na kapuwa nakatindig ang dalawang naglalaban

Hahayaan ko na silang magpambuno't magkagatan Kababayan, isa pa ngang masigabong palakpakan!

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig) Salamat din sa katalong niliwanag itong paksa Panliligaw nga't di kasal ang usapin mula't mula Ako lang ay nag-apura, prusisyong kayhaba-haba Sa simbahan din ang tuloy, inunahan ko nang kusa. Alalaon baga, kapag sinabay sa pagaaral Iyang gawang panliligaw, ang tuloy din ay sa altar Kaya upang makaiwas sa di-planong kalagayan, Pag-aaral muna sana ang unahin, bago ligaw. Totoo ngang inspirasyon ang katipang iniibig Ngunit ito'y totoo rin: pag sya'y laging nasa isip At sa kampus ng eskwela hanggang labas ay kadikit Mga leksyon at assignments ang tuluyang nawawaglit. Ang magulang na kawawa at subsob sa hanapbuhay Nangungutang ng pang-tuition, pambaon sa araw-araw Umaasang anak nila ay gagradweyt balang araw Iyun pala'y winawaldas ang oras sa panliligaw.

DAPAT (Ikalawang Tindig) Sa katalong nagkamali ng landas sa murang edad Nanligaw at nag-asawa at maagang nagkaanak At ngayon ay nangangaral upang kami'y di matulad Ang tangi kong masasabi ay marami pong salamat. Mag-aral at mag-asawa, mabigat ngang pagsabayin Ngunit tila lumilihis yata kami sa usapin Kaya upang di malito, akin munang lilinawin Panliligaw at di kasal ang paksa ng away namin. Pag-aaral, panliligaw, kahit ito'y magkasabay Di masama hangga't kaming kabataang nagmamahal Ay marunong na magdala, responsable, may paggalang May ambisyong makatapos, at may basbas ng magulang. Pag-aaral, panliligaw, kapag sabay na nagtagpo Maski harangan ng tabak ay tiyak na mabibigo Higpitan man ng magulang at bantaan ng paghinto Tatakas at magtatanan, magkikita nang patago.

DAPAT (Ikatlong Tindig)

Ang hirap sa gumagawa ng mali at nagsisisi Ginagawang pamantayan ang nangyari sa sarili Gayong noong kabataan siya mismo ay rebelde At hindi nya alintana ang magulang na nagsabi. Mangyari nga'y noon, ngayon, at hanggang sa hinaharap, Hindi pwedeng magkabula ang sinulat ni Balagtas Pag pumasok daw sa puso ng sinuman ang pagliyag Masunod lang ay sukdulang hahamakin lahat-lahat. Sa halip na kabataang mag-aaral ay pigilin Sa pagligaw na lalo lang sasadlak sa panggigigil Bakit hindi na lang sila pabayaang balansehin Ang kaway ng karunungan at ang tibok ng damdamin?

Ang totoo ay marami ang trabahong naghihintay Ngunit ito'y nakalaan sa may college diploma lang. Di hadlang ang kahirapan kung hangad ay edukasyon Di sagabal ang itsura o ang utak na mapurol Subalit ang panliligaw na kapatid ng bulakbol Maternity sa halip na college degree ang katugon!

DAPAT Panliligaw samantalang nag-aaral ay maganda Kapwa namin natitimbang ugali ng isa't isa Kung kami ay maka-gradweyt, magtrabaho, mag-asawa Sa pagharap sa dambana, walang puwang ang pangamba. Ang manligaw samantalang nag-aaral ay tama lang Pagkat minsan lamang kami dadaan sa kabataan Aanhin ang kayamanan sa oras ng katandaan Kung kulubot na ang mukha't walang gustong magpaligaw?

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig) Ang sariling karanasan ay akin at akin lamang At di layong ipanggiit na sukatan ng sinuman Binabanggit ko lang rito sa pag-asang kapulutan Ng aral at halimbawa ng musmos pang kabataan. Pagmasdan mo ang paligid, talamak ang kahirapan Karaniwang ugat nito'y kawalan ng hanapbuhay

HINDI DAPAT Maganda nga kung gagradweyt muna bago mag-asawa Ngunit ating nababatid na di ganyan ang resulta Maraming di makahintay sa pagmartsa

nang may toga Dahil labis na nabuyo, sa damdamin nagpadala. Ang ganito'y maaaring iwasan kung panliligaw Ay di muna isasabay samantalang nagaaral Prayoridad ang syang susi sa pangarap na tagumpay Tagumpay na ihahandog sa katipang naghihintay.

kaylan!

HINDI DAPAT Ang lahat ay may panahong kanyakanyang nakalaan Panahon sa pag-aaral, panahon sa panliligaw!

DAPAT Ang mahuli sa pantalan, ang daratna'y baling sagwan!

DAPAT Katipan ay nakahandang maghintay sa pagtatapos Ngunit iyang panliligaw ay di dapat ginagapos Walang taong nag-aaral na ang puso'y di tumibok Hindi pwedeng paghintayin ang pagibig pag kumatok.

HINDI DAPAT Ang lumakad nang matulin, malalim kung masugatan!

DAPAT Dapat silang magkasabay!

HINDI DAPAT Ang mag-aral at manligaw kung parehong pagsabayin Mahahati ang atensyon dahil kapwa agaw-pansin Kung mabigo sa pag-ibig, baka ikaw pa'y maglasing Mauuwi lang sa wala ang pangarap at mithiin. HINDI DAPAT Dapat silang ipagbawal!

LAKANDIWA Tumigil na kayong dal'wang umuusok na ang tuktok Sumapit na ang sandali upang tayo'y magkatapos Igagawad ko ang hatol, ngunit bayang nanonood, Palakpakan muna natin ang makatang nagpanuntok!

DAPAT Mas mabuti ang umibig at mabigo kahit minsan Kaysa hindi nakaranas na umibig kahit

Sino'ng dapat na tanghaling kampeon nitong balagtasan? Walang dudang kapwa sila magagaling mangatwiran Kaya itong aking pasya: Sila'y patas, tabla lamang Muli nating paulanan, malutong na palakpakan!

MATALINO VS> MAYAMAN


LAKANDIWA (Pagbubukas) Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawid Kababayang minamahal, ilakas ang radyo't makinig Dalawang magaling na makata, Balagtasa'y ihahatid Magandang gabi po muna sa lahat ang bati naming matamis. Kami po'y muling maghahandog sa inyo ng kasiyahan Upang ang pagod ninyo sa trabaho ay maibsan Ginaganap natin ito bawat unang Lunes ng buwan Ang tagisan ng katuwiran na kung tawagi'y balagtasan. Para kay Ginoong Robert Generao ng FT Construction Tugon sa katanungan niya'y igagawad namin ngayon Marami pong salamat sa panawagang kanyang tinugon Ang paksang iminungkahi niya'y idadako sa kuwestyon. Si Ka Domeng po ito, ang inatasang maging Lakandiwa Na siyang papagitna at hahatol sa dalawang maghihidwa Para naman inspirado, ang kaba ko ay mawala Maaari bang makahiling ng palakpakang masagana! Sa matunog nyong palakpak, ang sukli ko ay salamat

Dalawang angkan ni Balagtas ang siya ngayong maghaharap Ang tagisan ng talino ngayong gabi'y magaganap Pakinggan nating mabuti nang maunawaan nyong tiyak. Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasan Na ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at higit na hahangaan? Ang may angking likas na talino o ang isang mayaman? Ating sasagutin ngayon nang malutas ang katanungan. Matapos na maihayag ang katanungang tutugunin Ang dalawang maghihidwaan ay atin nang palitawin Si Juliet Asenita ang siyang unang tatawagin Sa matunog na palakpak siya'y ating suubin!

MATALINO (Pagpupugay) Ang likas na kakayahang taglay ay walang katumbas Kaya sa matalino ang mariin kong sagot na ihahayag Pero bago muna, hayaan nyo bati ko'y maigawad Maligayang pakikinig, magandang gabi po sa lahat.

LAKANDIWA Taga-Dupax, Nueva Vizcaya po ang black byuting paraluman Likas sa dugo't lahi niya ang walang

takot kung lumaban Pakinggan naman natin ang makatang makakapingkian Iniwan niya ang mag-iina upang tayo'y matugunan. Taga-Binan, Laguna po ang haharap na makata Nakilalang magaling din sa larangan ng pagtula Si Ralph Pulmano po, guwapo na may itsura pa Salubungin natin siya ng palakpakang masagana!

na ng magulang Ang talino'y kabahagi sa magandang pamumuhay Ito'y isang katangiang tataglayin habang buhay Karunungan ay hagdanan sa pag-abot ng tagumpay. Ang bansa ay umuunlad kung dito'y nanunungkulan Malawak ang nababatid, di kapos ang kaalaman Ngunit kung ang namumuno'y masalapi ngunit mangmang Magagapi ang pag-asa ng kanyang sinasakupan. Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino? Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay sigurado? At sa mga paaralan, nagsisilbi'y mga guro Dunong nila ang sandata nang tayo ay mapanuto. Sariwain naman natin sa gunita ang lumipas Sa dayuhang mananakop lumaya ang Pilipinas Ito'y dahil sa utak ng isang henyo at pantas Kay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang itinumbas. Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugon Ang marapat na hangaan ay yung mga marurunong Kahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurol Kasikatan ay mailap, salapi man ay igugol.

MAYAMAN (Pagpupugay) Salamat po, Lakandiwa at sa bayang nakikinig Ako po ay bumabating buong galak, kinikilig! Sa kalaban ko po namang madilim din yaong kutis Kung sya po'y sa matalino, sa mayaman ako'y bilib.

LAKANDIWA Sa pagpapakilala pa lang sa dalawang magpipingkian Ay tila ba mainit na ang kanilang labanan Para naman ang pananabik nyo ay hindi mabitin Sila pong dalawa ay atin nang pagitnain.

MATALINO (Unang tindig) Musmos pa man tayong bata'y pangaral

LAKANDIWA Ang panig po ni Juliet ay narinig ninyo Higit na sisikat at hahangaan ay itong matalino Pakinggan naman po natin ang makatang si Ralph Pulmano Ihatid po natin siya ng palakpakang masigabo!

hirap Mayaman din, nag-aabroad, para naman magpasarap Sino nga ba sa dalawa ang mas lamang at mas sikat? Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot po'y maliwanag. May oras pa, katalo ko, upang ikaw'y makaatras Balutin na ang dila mo habang di pa nagkakalat Balagtasa'y hindi laging labanan ng mauutak Kung minsan din, nagwawagi'y ang makatang may pambayad!

MAYAMAN (Unang tindig) Kalaban kong paraluman ay masyado pong seryoso Baka labis pong magdamdam kapag dito ay natalo Yamang paksa nami'y tungkol sa mayama't matalino Hayaan nyong sa inyo po ako muna ay magkwento. Ang pulubing matalino at mayamang di marunong Isang araw ay nagtagpo sa labas ng Mandaluyong Mayaman ay walang kaya sa diskurso at diskusyon Pagsapit ng tanghalian, matalino ang syang gutom. Sa byahe ng Continental Airlines, minsan, nagkatabi Matalinong contract worker at mayamang negosyante Ang bitbit ng matalino'y diploma at pasaporte, Ang mayaman, pasalubong na pinakyaw sa Duty Free. Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong

LAKANDIWA Iyan po ang katuwiran ng makatang taga-Binan Lalo daw sikat at dapat hangaan ay yung mga mayayaman At para naman lalo nating ito'y maunawaan Magpapatuloy po sila at atin namang palakpakan!

MATALINO (Ikalawang tindig) Malabo po ang pananaw sa tunay na nagaganap Nitong aking katunggaling panalo ang siyang hangad Magagawa bang gutumin ang may utak at ng lakas? O baka po nagbibiro dahil siya ang babagsak! Marunong ang naglilingkod sa negosyo ng mayaman Upang lalo pang lumago sa panahon

mang daratal Ano kayang mangyayari kung wala yaong may aral? Baka itong masalapi'y hahantong sa basurahan. Ang dalawa'y naisipang mag-aplay patungong langit Ang marunong ay pumasa sa ginawang pagsusulit Nang mayaman ay lumagpak, kay San Pedro iginiit Limpak-limpak niyang salapi, sa impyerno siya'y napiit. Yaman ba ang magdadala sa tugagog ng pangarap? Ang kinang ba ng salapi sa paghanga ay pambihag? Dahil yata puro pera sa katalo'y nasa utak Pati yaong baluktot na'y tuwid pa ring sinusulyap.

mapantayan! Kahit ubod ka ng galing at nuno ng karunungan Yagit ka ring ituturing hangga't di ka yumayaman Ang taginting ng salapi ay musika sa lipunan Pag tama mo sa swipistik, daig mo pa ang superstar! Kayamanan, pag labis na, marami ang natutuwa, Matatag ang ekonomiya, masagana itong bansa Ang dunong ng isang tao, pag sumobra ay masama, Sa mental po humahantong, nagbibilang na ng tala!

LAKANDIWA Sandali muna akong sa labanan ay papagitna Ang sagutan ng dalawa'y nagiging pabigla-bigla Para bang mga teksas, sa kulunga'y nagwawala Sa pagnanais na makasipa at makatuka! Ang nais ko't hiling sa dalawang naghihidwa Sana ang hinahon sa inyo'y hindi mawala Muli ay tumindig at sa labanan ay pumagitna Ihatid naman natin sila ng palakpakang pampasigla!

MAYAMAN (Ikalawang tindig) Katalo ko'y kay-aga pong kasalana'y 'kinumpisal Inamin pong ang may aral, lingkod lamang ng may yaman Pag nagsara ng negosyo ang mapera't may puhunan Ang kawawa'y ang marunong na kawaning swelduhan lang! Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba't Adan Paraiso'y nakamtan na, wala pa ring kasiyahan Sa hangad na magmarunong, nilabag ang kautusan Pati dunong ng Maylikha ay nais na

MATALINO (Ikatlong tindig)

Mahirap pong umunawa ang makatang mukhang pera Ang sabi ko, ang may aral, sa mayaman ang nagdadala Kung sa mental humahantong ang may dunong na sumobra Sa walang alam pagkat tanga, may ospital nga ba kaya? Sobrang silaw sa salapi ay malaking kapintasan Pagkat walang itatangi kundi yaong kumikinang Dahil dito'y nalilimot sa puso ang kabutihan Nang dahil din po sa pera, nandyan ang kapalaluan. Ang buhay natin sa mundo, kung inabot ng finished contract Kaluluwa ng may dunong sa langit ay natitiyak Dahil sinamba ng mayaman, ginto, salapi at pilak, Na-cancel ang entry permit, inabot ay hanggang ulap.

Ama'y nagpupuri Kalulwa ng may talinong sa kapwa ay nanduhangi Made-deport sa impyerno pagkat passport pala'y peke! Tigilan na ang pagsabing matalino'y syang may dala Sa mayaman, pagkat baka makulitan ang balana Pasalamat ka na lamang, kaydami ng may diploma Kinakalawang ang utak, walang trabahong makita!

MATALINO Katunggali ang nagsabing ang tanga ay naloloko Matuwid ang kahulugang dapat magpakatalino Si Abraham at Isaac maging si Job ay may ulo Kaya sila nagsiyaman, dahil hindi mga bobo. Hindi ka ba nagtataka? Sikat ka't hinahangaan, Kahit ikaw ay mahirap, talino mo'y sa bigkasan Talo mo pa si Ayala, Sarmiento at Lardizabal, Marami sa 'yong nakikinig dahil sa iyong kaalaman!

MAYAMAN (Ikatlong tindig) Wala nga pong pagamutan sa mapurol ang isipan Dahil hindi pa po sira, pwede pa ring pagtyagaan Ang malungkot ay sila pang ignoranteng kababayan Ang madaling naloloko ng rekruter na maalam! Hindi lahat ng may pera'y sumasamba sa salapi, Tulad ni Job, mas maraming sa D'yos

MAYAMAN Bakit ko ba hahangaring ako'y maging marunong pa Gayong halos lahat naman, nabibili na ng pera

Talino ng abugado, duktor, hilot, kumadrona Ay may presyong kagaya rin ng kakaning tinitinda! Sa labanang pasikatan, sino'ng unang papansinin? Sino nga ba'ng hahangaan kung dalawa'y pagtabihin? Matalinong mukhang engot dahil pobre at gusgusin? O mayamang mukhang "genius", pagkat porma'y mamahalin?

Ang paghanga sa marunong, maingat sa daraanan!

MAYAMAN Ngayo'y di na mayaman ang binubugbog ng kalaban Sa marunong versus mangmang napalihis ang usapan!

MATALINO Kamangmangan ng mayaman ang siya kong tinutukoy Mahirap makaintindi, kalaban ko'y nagmamaktol!

MATALINO Di katumbas ng halaga ang magandang kalooban Iyan namang salapi mo'y palamuti lang ng katawan Di sa panlabas na anyo nakikita ang katinuan Kundi sa gawa ng taong may inaangking kaalaman.

MAYAMAN Ako pa raw ngayon itong pang-unawa'y kinukulang Magkano ka? Sabihin mo, matahimik ka na lamang!

MAYAMAN MATALINO Ako yata ay naligaw sa labanang napasukan Akala ko, paksa dito'y sino'ng sikat, hahangaan? Kayamana'y panlabas nga, sapagkat ang kalooban Ay di tayo ang hahatol, yan ay D'yos lang ang may alam! Katalo ko'y di lang bobo, abusado pa rin pala!

MAYAMAN Sagot ko na ang ticket mo, may pampocket money ka pa!

MATALINO MATALINO Sa landas mang pagkalinis, ang mangmang ay naliligaw Marunong ang hahangaan, di

mayamang walang alam!

ay di na kaylangan Tila may katwiran din ang makata ng Binan. Kung ang talino'y ginamit sa mabuting paraan Walang pagsalang ito'y dapat nating hangaan Ngunit kung ginamit ito sa kapwa ay panlalamang Bagkus ay dapat pang ito ay pintasan. Hahangaan mo rin ba ang isang mayaman Kung wala namang malasakit sa kapwang nahihirapan? Datapwa't kung ang yaman ay ginamit sa katuwiran Walang pag-aatubili, sisikat siya at hahangaan. Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang kailangan Datapuwat kakailanganin din ang puhunan ng mayaman Yaman ang magpapakilos sa matalinong tauhan Ngunit matalinong tauhan din, magpapatakbo ng negosyo ng mayaman. Ang paksa ay sino nga ba ang higit na hahangaan Ang may angking talino ba o ang isang mayaman? Narito ang hatol ko sa dalawang naghidwaan: Patas po ang naging laban, sila'y ating palakpakan

MAYAMAN Sa gobyerno ay kaydaming matalinong magnanakaw!

LAKANDIWA Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng dalawa Ako namang Lakandiwa ang papasok sa eksena Ang hiling ko sa dalawang makata ay magkamay na At sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli sila! Mahirap man ang humatol ay akin nang gagawin Sa katwiran ng dalawa na mahirap arukin At sapagkat ang dalawang ito'y kapuwa magagaling Marahil ay mahihirapan akong matuwid nila'y limiin. Sa panig ng matalino na si Juliet Asenita Dahil daw sa talino, nakilala ang ating bansa Talino raw ang puhunan sa buhay ay pakikibaka Matalino raw ang siyang sikat at hahangaang talaga. At si Ralph Pulmano po sa panig ng mayaman Dahil daw sa yaman, sisikat ka at hahangaan At kung mayaman ka, magpakahirap

BABAE ANG MANLILIGAW


LAKANDIWA Malugod na pagpupugay ang nais kong ipaabot Sa lahat ng kababayang nakikinig, nanonood Salamat sa kahiligan ni Vilma A. Malabuyoc Ng Laguna na nag-email ng usaping itatampok. Dapat ba o hindi dapat na babae ay manligaw? Yan ang paksang tatadtarin sa sangkalan ng katwiran Na kilala at mas tanyag sa tawag na Balagtasan Lumapit na't makilahok sa tulaan ang may alam.

mayuyumi, Di magaslaw, matahimik, magalang at mapagtimpi.

LAKANDIWA Malugod kong tinatatanggap ang dalawang paraluman Na kapuwa marurunong at bihasa sa bigkasan Wag na nating patagalin, umpisahan na ang laban Unang tindig ay ang DAPAT, siya'y ating palakpakan!

DAPAT (Unang Tindig) Ang lola ng aking lola, may kapatid na dalaga Na dalaga pa rin kahit edad na ay ciento treinta Pila-pila nanliligaw ngunit mahal niya'y iba Na saksakan namang torpe, panay tingin lang sa kanya. Kung lalaki'y ligaw-tingin, di marunong na magtapat Ang babaeng umiibig, sya nang dapat magpahayag Sa panahong makabago, may text, email, eyeball, at chat Di na uso ang pakipot, pa-cute, pasikret-secret love. Kung babae manliligaw at lalaki ang sasagot Malaya ang isa't isang tanggapin ang niloloob Mas mabuti ito kaysa sapilitang pananakot

DAPAT Ako'y isang binibining nakahandang makitugon At sa paksang nakasalang malinaw ang aking hamon Babae ay nararapat na manligaw, pagkat ngayon Ang lahat ay nagbabago sa paglipas ng panahon.

HINDI DAPAT Ako rin ay binibini, ngunit sa 'king pagmumuni Babae ay hindi dapat na manligaw, pagkat mali Ang dalagang Pilipina ay likas na

Na kaya lang nagpakasal ang lalaki ay pinikot. Hindi naman yata tama kung tanging may karapatan Magsabi ng niloloob ay ang kalalakihan lang Ma-lalaki, ma-babae, pantay lamang na nilalang May puso at may damdaming kapwa marunong magmahal. Nasa'n tamis ng pagsinta o hapdi ng pagkabigo Kung di man lang naranasan pagkat lalaki ay dungo? O babae kahit gusto ay di naman makakibo? Ano'ng saysay ng mabuhay? Para saan pa ang puso?

iwan ng iskandalo. Makabago na nga tayo sa gamit at kasangkapan Modernong teknolohiya, mas asensong kaisipan Ngunit hindi nagbabago ang pundasyon nating moral Ang ugali at karakter ay di bagay na materyal. Alalaon baga, kahit marami nang hindi uso Mayro'n pa ring makalumang sariwa at laging bago Kagaya ng panliligaw, kahit tayo ang may gusto Lalaki ang siyang dapat sumungkit ng ating "Oo." Ang binatang namuhunan ng tiyaga't paghihirap Upang kamtin ang pag-ibig ng dalagang nililiyag Sa puso ay iingatan ang matagal pinangarap Kung magmahal siya'y lubos, habambuhay at matapat. Mayro'n tayong kasabihan, pag patuka ang lumapit Sinong manok ang tatanggi? Ito'y hulog na ng langit! Sa babaeng manliligaw, siguradong may sasabit Ngunit dahil natukso lang at di tunay ang pag-ibig!

LAKANDIWA Mabibigat na katwiran ang kaagad ipinukol Ng makatang nasa panig ng DAPAT ang pinagtanggol Ang kaniyang katunggali, pakinggan natin ang tugon Palakpakang masagana ang sa kanya'y isalubong!

HINDI DAPAT (Unang Tindig) Ang lolo ng aking lolo ay may apong binatilyo High school pa lang marami ng tagahanga, isa rito Ay kaklaseng agresibo, nanligaw na'y siya mismo Nang mabuntis, di gumradweyt, nag-

LAKANDIWA Umpisa lang mainitan na kaagad ang bakbakan

Ng makatang magkaiba ng pananaw at katwiran Sa susunod nilang tindig, sila'y aking hahayaan Paulanan nating muli ng masiglang palakpakan!

Kaya tuloy pati ating bansa ayaw umasenso!

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig) Palagay nang marami na ang babaeng nag-a-abroad At ito ay tanggap na nga ng bayang naghihikahos Batid nating ito'y mali lalo't ating napagtuos Ang bilang ng nawawasak na pamilyang lasug-lasog. Ngunit aking ibabalik sa ligawan ang usapin Hindi dapat ang babae ang magtapat ng paggiliw May paraan siya upang maglambing at magpapansin Magpakita ng motibo, magparamdam, magpa-charming. May batas na itinakda ang dakilang kalikasan Pagmasdan mo ang paligid, marami kang malalaman Bubuyog ang lumalapit, bulaklak ang naghihintay May bulaklak bang nadapo sa bubuyog na may nektar? Kung baligtad na ang mundo sa larangan ng pagsuyo Babae ang nanliligaw, lalaki ang inaamo Dapat silang lalaki rin ang mag-meykap, magpa-laypo, Paretoke ng katawan at mukha kay Doktor Belo.

DAPAT (Ikalawang Tindig) Ang tangi kong masasabi sa estudyanteng nabanggit Di masama ang manligaw, ang di tama'y magpabuntis Hiling ko sa katunggali, wag palitan itong topic Huwag sanang insultuhin ang utak ng nakikinig. Tinukoy kong pagbabago'y tungkol sa nakagawian Noon, mga nagpupulis, sikyu, pawang lalaki lang Ngayon, may nurse na rin tayong baligtad ang kasarian Kaya ano'ng kaibahan kung babae ang manligaw? Noong una, iskandalo ang maraming nagaganap Lumaon ay unti-unting niyakap ng komunidad: Babae ang nasa abroad, lalaki ang nagsisikap Gampanan ang pagka-ina sa naiwang mga anak. Kung tanggap na ng lipunan ang ganitong pagbabago Babae man ang manligaw, wala itong malisyoso Tamang gawa, laging mali sa mata ng suspitsoso

DAPAT (Ikatlong Tindig) Halata nang nagigipit ang makatang katunggali Dinadaan sa komedi ang katwirang maling-mali Sa pag-ibig karapatan nating lahat na pumili Karapatang walang silbi kung babae'y itatali. Ang babaeng nakagapos sa tradisyong makaluma, Hindi pwedeng makaligaw, maghayag ng ninanasa Biktima ng kalupitan ng nagbatas na tadhana Na siya ring nagkaloob ng puso sa 'sangnilikha. Ang babaeng nagtatapat ng pag-ibig sa binata Sa kabila ng paghatol ng lipunang mapangutya Ay higit kong igagalang kaysa mga nagkukunwa, Mga plastik, ipokrita, kabilaan pagmumukha.

Kung babaeng nanliligaw gabi-gabi'y pumoporma Lunes kay Jun, Martes kay Bert, Myerk'les, kay George, etsetera? Sa lalaki ito'y okey... Sa babae? Ay susbarya! Baryang-barya, murang-mura ang tingin nga sa babae Kung masyadong desperadong makabingwit ng lalaki Perang sugal, kung gastusin, walang halong pagsisisi Pagsintang kay daling kunin, madali ring isantabi!

DAPAT Labis namang pinababa ng katalong mapanghusga Ang halaga ng babaeng tapat lang sa sarili nya Mas mabuti na ang lantad sa ugali't pagpapasya May pag-asang lumigaya sa halip na magpantasya. Buhay nga natin ay sugal, kung lagi kang tagataya Mas maliit ang tsansa mo di tulad ng nagbabangka Sa dalawang naghahanap, naghihintay ng biyaya Mas higit na may pag-asa ang babaeng nagkukusa.

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig) Mas bistadong nakokorner ang katalong paraluman Sa init ng ulo pilit hinahatak ang labanan Balagtasan, kagaya rin ng pag-ibig at ligawan Ay di dapat dinaraan sa santuhang apurahan. Ano na ang sasabihin ng balanang makakita

HINDI DAPAT Ang dalagang Pilipina ay dangal ng ating lahi Matimtimang Maria Clara, buong

mundo'y pumupuri Ang nais ng ka-Balagtas ay baguhin ang ugali Itulad sa Kanluraning mas mababa yaong uri! Sa Kanlurang Amerika, makabago na ang lahat Talamak ang teen pregnancy, diborsyo ay sangkatutak Ganyan ba ang ninanais pausuhin sa pagpayag? Babae na ang manligaw sa modernong moralidad?

niligawan Ng lalaking nagkataong kanya mismong napusuan Ngunit dulot nito'y pait sa dalagang matimtiman Na di pansin ng binatang lihim niyang inaasam!

HINDI DAPAT Hindi dapat manibugho ang babaeng di pinansin Parehas lang naman sila ng lalaking gumigiliw Na kahit may karapatang pumili ng susuyuin Kung biguin ng dalaga'y nagdurugo ang damdamin!

DAPAT Katunggaling paraluman hanggang ngayo'y nakahawla Sa panahon ng Kastila nina Simoun at Ibarra Ang paksa ay tumutukoy sa kung dapat, di dapat ba Na manligaw ang babae - ngayon! Hindi nu'ng una pa!

DAPAT Hindi patas na lalaki lamang ang may karapatan Ang babae ay dapat ding bigyang-laya sa pagligaw!

HINDI DAPAT HINDI DAPAT Noong una pa at ngayon, ang sagot ko ay iisa: Hindi dapat na manligaw ang babaeng Pilipina Mas matamis ang tagumpay ng nagpagod na atleta, Mas dalisay ang pagsuyong di nakuha basta-basta! Kung paanong mayro'ng Ama at may Ina ang Tahanan, May lalaking manliligaw, may babaeng liligawan!

DAPAT Sa panahong makabago ay di na uso ang ganyan!

DAPAT Matamis lang ang pag-ibig sa babaeng

HINDI DAPAT Laging uso kahit kaylan ang mabuti't tamang asal!

DAPAT Dapat babae manligaw!

HINDI DAPAT Maghintay kang maligawan!

LAKANDIWA Sa ayaw at sa gusto nyo, ako naman ang papakli Upang kayo'y awatin na sa labanang tumitindi Kayo muna'y magpahinga, magpalamig sumandali Kabayayang minamahal, palakpakan silang muli! Babae ba'y nararapat na manligaw? Yan ang tanong. Sino nga ba ang nagwagi at dapat tanghaling kampeon? Kayong mga madlang people ang bahala nang humatol Pagpalain tayong lahat ng Dakilang Panginoon.

MAGANDA vs. Pangit


LAKANDIWA (Panimula) Malugod na nagpupugay sa balanang nanonood At sa mga nakikinig itong aba ninyong lingkod Sa tagisan ng katwiran ng dalawang magsasalpok Narito ang paksa ngayong sa bayan ay idudulog: Halimbawang dalawa lang ang pupwedeng pagpilian Sino ang yong iibigin, yayayaing magpakasal Ang tao bang PANGIT ngunit may magandang kalooban? O itsura'y MAGANDA nga, ang ugali'y pangit naman? Yamang inyong nabatid na ang paksa ng pagtatalo Simulan na agad natin ang bakbakang todo-todo Si GONIE T. MEJIA po ang syang unang magbeberso Isalubong sana ninyo'y palakpakang masigabo!

Pag-aasawa'y di biro, di raw kaning isusubo Na dagliang iluluwa kapag ikaw ay napaso Pagsisisi ang katugon kung ang pinili ng puso Panlabas na kagandahan, kalooba'y di matanto. Higit ko pang pipiliin ang babaeng di maganda Na mayroong kaloobang butihin sa pagsasama Kaysa isang maalindog ang panlabas na itsura Ngunit huwad ang damdamin, ang puso at kaluluwa. Aanhin ko'ng kagandahang nagmamaliw, kumukupas Sa buhay ko'y magpapako sa dusa at paghihirap? Dama ko lang ang ligaya kapag siya ay kayakap Kapalit ng pagtitiis habang buhay, hanggang wakas. Tuwiran kong sinasabi, walang bahid alinlangan Pangit man ang liliyagin, ligaya kong tinatanaw Masakit man sa paningin, Bakekang ang kagandahan, Buong tapat mamahalin kung ginto ang kalooban.

GONIE MEJIA (Unang Tindig) Tinatangay ng panahon, bawat angking kamusmusan Upang tayo ay idako sa panahong kabataan Pag-usad ng mga taon, pagsapit sa wastong gulang, Bawat isa'y hahanap ng sa buhay ay makakatwang.

LAKANDIWA Si Gonie ay sumandaling aawatin ko po muna Sapagkat ang kalaban nya'y nagwawala kanina pa

Si RAFAEL A. PULMANO na makata ng Laguna Salubungin din po natin ng palakpak na masigla!

RAFAEL PULMANO (Unang Tindig) Nabigyan po ng pag-asa ni Gonie ang mga pangit Na sa balagtasang ito'y marami ang nakikinig Paumanhin, ang mang-uto ng kapwa ay di ko hilig Kung ano ang nasa dibdib ay syang tulak niring bibig. Kahit na nga panlabas lang at batid kong lilipas din, Kagandahan ang hanap ko sa babaeng iibigin Matapunan lang ng ngiti at magiliw nyang pagtingin Hindi lamang parang Langit, damdam ko pa'y nasa Heaven. Ang mata ay tinuturing na bintana ng kalulwa Bibliya po ang may sabi, at mayroon ding nagwika, Kung ang mata ay ginawa upang tao'y makakita Hindi siya masisisi kung sa ganda mahalina. Si Gonie po ay walang taste kaya di ko masisisi Ngunit kayong merong isip na sa laban sumasaksi, Limiin nang buong ingat ang kanya pong sinasabi At tugunin ang tanong ko upang tayo'y magkaigi.

Paano ka maglalambing at hahalik nang lips-to-lips Sa babaeng nguso'y biyak, ngipin bungi, dila'y lawit? Ang laway ay tumutulo, ang ilong ay korteng atis? At ang matang mapupungay ay maghapong nakatirik?

GONIE MEJIA (Ika-2 Tindig) Tumpak nga ang mga mata'y bintana ng kaluluwa Ito din ang magsasabing dustain mo ang makita Bibliya rin po ang nagwika, kung magkakasala'y mata, Dukutin mo ito pagkat mas mainam pang bulag ka. Ako daw po ay walang taste at wala ding kaisipan Hindi kaya kay Rafael nababagay ang paratang? Malinaw ang aming paksa, ngunit siya'y nanlalamang Dinako ang aking panig sa di dapat kapuntahan. Iibigin ko ay pangit na may gandang kalooban Sa sandali pong panahon, umiba na ang usapan Pagkat po iginigiit sa hinayag na katwiran Ay babaeng walang silbi na tila ba isang bangkay. Sa mabunying Lakandiwa, hukom nitong balagtasan, Hanggang saan ba ang limit ng

sinabing kapangitan? Hinihiling ko po ngayon, kayo sana'y mamagitan Upang akin pong matiyak ang panig kong ilalaban.

Ang paksa ay malinaw pa sa bituing nagniningning Di lang mata, pati utak, dapat na nyang paiksamin. Pinipili niyong pintor ang larawang iguguhit Pihikan din ang eskultor sa modelong iuukit Manunulat, kompositor lahat sila'y nagnanais Ng magandang inspirasyon, inspirasyong hindi pangit. Naturingang makata po at alagad sya ng sining May damdaming pag pinukaw ng marikit na tanawin Ay kaagad nagaganyak na lumikha ng awitin Bakit ngayo'y umaayaw sa magandang ginigiliw? Kung ang unang halimbawa'y di matanggap ni Gorgonio Dahil anya tila bangkay, walang silbi, inbalido Eh, kung maging kabyak niya'y mukhang tsonggong alimango Hindi po ba ang kawawa'y magmamanang anak, apo?

LAKANDIWA (Paglilinaw ng Paksa) Sa hiling ng taga-Tarlac na makatang si Gonie po Ako ngayo'y papagitna hindi upang sumaklolo Lilinawin lang po natin ang sakop ng paksa't isyu Na pinagdidiskusyunan ng dalawang nagtatalo. Hindi ako, kundi kayong pumasok sa tunggalian Ang bibigyan ko ng laya upang lagyangkahulugan Ang salitang "PANGIT" maging panloob o panlabas man Walang limit, walang bawal, ang matira ay matibay. Si Rafael ang syang muling papagitna at babanat At yayamang di na pwedeng si Gonie ay makaatras Sila'y aking hihilingang magkamay na't forget the past Kayo namang madlang people magpaulan ng palakpak!

GONIE MEJIA (Ika-3 Tindig) Kung magandang kalooban ng anak ay mamanahin Kapurihan ng magulang, babaunin hanggang libing Kung panlabas nga ang ganda ngunit asal ay maitim Ang tanong ko'y simple lamang, may langit bang mararating?

RAFAEL PULMANO (Ika-2 Tindig) Katunggali ko po pala'y sumbungero at iyakin Sumusugod nang di batid ang peligrong susuungin

Laman yaong iniibig nilang maang sa pagsinta Panlabas na katangian ang halagang sinasamba Lalaki man si Tyu Paeng ay di ako magtataka Kung sa loob ng tahanan ay siya ang nakapalda. Parang aso si Tyu Paeng pag tinawag ng asawa Buntot ay kakawag-kawag sa dagliang pagtalima Ganyan po ang nabibihag sa panlabas na hitsura Mga takot maragdagan yaong blackeye po sa mata.

mong maging kabyak? Ang sa akin yung maganda maski ugali ay palpak Ako rin ay di perpekto, kapwa kami mag-a-adjust.

GONIE MEJIA Sa Kaharian ng Diyos, ang doon ay tinatanggap Ang inaglahi mong pangit, sa utos Nya ay tumupad Kaawaawang Rafael, di batid ang nasa Aklat Namumuhi pati Langit sa gaya nyang utak-palpak! Sa piling ng isang pangit ang buhay ko'y maligaya Malingap sa kabuhayan, sa tahanan at pamilya May mababang kalooban, may pakundangan sa kapwa Di suwail, lapastangan, tsismosa at bungangera!

RAFAEL PULMANO (Ika-3 Tindig) Saan kaya napulot po ni Gonie ang kaisipan Na ang misis, pag maganda, ang mister ay ander naman? Nabisto po tuloy yaong makahari niyang asal Serbisyo ang habol pala sa asawang mukhang aswang! Sa tanong nyang may langit bang naghihintay sa maganda? Hindi po ba ang naroo'y mga anghel, santo't santa? Samantala, yaong pangit, impakto at impaktita Naron lahat sa impyerno, sama-samang tinutusta! Ngunit kami'y nalalayo sa paksa ng pag-uusap Sino nga ba sa dalawa ang mas type

RAFAEL PULMANO Nangingitim na sa galit kaya hindi nakikita Bawat suntok ng katalo'y sa kanya rin tumatama Inaglahi ang giliw ko't iniangat yaong kanya Maligaya raw sya, ngunit, halata mong nagdurusa! Ang ugali, kahit anong sama'y pwedeng magbago pa At pag tunay na nagbago, sagad hanggang kaluluwa

Ang itsura, ipa-plastic surgery ma't mapaganda, Ganda'y huwad, hindi tunay, synthetic, fake, walang kwenta!

ang may kaloob?

GONIE MEJIA Kagandahan ang kaloob, hindi asal na balakyot!

GONIE MEJIA Pag gumanda na ang pangit at bumait ang masama Saka ko na sasabihing malaya na ang Takusa Ang magdusa'y di ko batid sa mabait na asawa Sa buhay ko'y kabalikat sa hirap man at ginhawa.

RAFAEL PULMANO At ang ganda, hindi asal, ang sa puso'y nagpatibok!

GONIE MEJIA Tibok ng puso ay bulok!

RAFAEL PULMANO RAFAEL PULMANO Tamang hindi nababatid ni Gonie ang pagdurusa Pano'y asawa nyang pangit ang sa bahay ay muchacha Kung sabagay, okey na rin kung type nya ay mukhang bruha Ang pangit ay sa kapwa raw pangit sanay makisama. Dahil pangit ang yong irog!

LAKANDIWA (Pangwakas) Hinto! Tigil! Para! Stop na! Magsitabi muna kayo Ang oras nyo'y naubos na, ang sisingit nama'y ako Sa lahat ng nanonood, nakikinig, ang hiling ko Palakpakan nating muli si Mejia at Pulmano. Sa tao bang pangit ngunit may magandang kalooban, O itsura'y maganda nga, ang ugali'y pangit naman, Sino nga ba'ng iibigin, yayayaing magpakasal? Ang magpasya'y kayo, Bayan! Paalam na... See you next time...

GONIE MEJIA Ang kamelyo sa butas daw ng karayom ay lulusot Kami pa bang inapi mo na may iwing gandang loob?

RAFAEL PULMANO Ang ilaw ay hindi dapat na itago, ani Jesus Gaano pa iyang gandang Dyos mismo

Mahal mo vs. Mahal ka


LAKANDIWA (Panimula) Sa pagbukas nitong tabing na hudyat ng pasimula Ng tagisan ng talinong paborito nating madla Ako muna'y bumabati sa inyo at, harinawa, Tanggapin ang malwalhating pagpapala ng Lumikha. Paksa nating hihimayin sa sangkalan ng katwiran Ay kung sino sa dalawa ang handa mong pakasalan: Taong mahal mo nang labis ngunit di ka minamahal, O labis na nagmamahal sa yo, di mo mahal naman? Unang tindig at hahataw ay batikang manunula Ang Hari ng Balagtasan na sa Tarlac pa nagmula Gonie Mejia ang ngalan... Isa nga pong pampasigla Palakpakan natin siya pagkat iyan ang syang tama!

kapisang hapdi't pait. Pag-aasawa ang wika nga'y hindi kaning isusubo Na dagling mailuluwa lalo't ikaw ay napaso; Paano ba lalambingin ang hindi mo pinintuho Kung ang damdamin ay tutol, umaayaw pati puso? Malinaw po ang panig kong daan sa pag-aasawa Sa dambana'y ihaharap ang labis kong sinisinta Pagkat ayaw kong mabulid sa lagim ng pagdurusa Kasamahin ang babaeng sa buhay ko'y di sinamba. Dahil itong katalo ko ay salungat ang tahakin Hindi ko na pagtatakhang balang araw sya'y mabaliw Pagkat higit nyang pinili ang di tugon ng damdamin Sa mali nyang kapasyahan, sarili ang sisisihin. Sa piling ng aking mutya, habang ako'y maligaya, Si Raffy ay nagmumukmok, luhaan ang mga mata; Habang ako, sa liwanag ng buwan ay nagsasaya, Si Raffy ay nakapikit, nagbibilang po ng tala!

GONIE MEJIA (Unang Tindig) Kapag puso ang nag-utos at nasunod yaong nais, Ang mabuhay ay marangal sa piling ng nilalangit Subalit kung makakatwang, yaong hindi iniibig, Tagumpay sa pagsasama, may

LAKANDIWA Si Gonie po'y nagsulit na ng katwiran sa publiko

Pakinggan po naman natin si Rafael A. Pulmano Sa Laguna pa po galing; makunsyensya naman kayo, Isalubong agad sana'y palakpakang masigabo!

Nag-iigib, nanunuyo... sa takot na layasan sya! Ang babae'y parang prutas, kahit na katakam-takam, Mapakla at walang tamis kung hinog nang sapilitan; Si Gonie po, namimilit kahit mutya'y umaayaw, Ako'y hindi! Mahirap nang matulad kay Echagaray!

RAFAEL PULMANO (Unang Tindig) Sa amin pong munting bayan ay may isang hampaslupa Palaboy at sadyang yagit, tampulan ng alipusta; Ngumiti ang kapalaran, umasensong biglang-bigla Nang pakasal sa babaeng ekta-ektarya ang lupa. Doon din po sa 'ming bayan ay may pinag-isang dibdib Mga mata ng babae'y mugtung-mugto sa pagtangis Ang lalaking nahumaling sa kanya nang labis-labis, Nakagawa ng di wasto masungkit lang yaong langit. Ang pananaw ko'y praktikal mas higit pang nanaisin Na makasal sa babaeng sa 'kin, labis ang pagtingin Umulan man o umaraw, bumagyo man at humangin, Panatag ang aking loob, siya'y akin, aking-akin! Samantalang si Gonie po, nasa piling na ang sinta, Patuloy pang umaasa't nabubuhay sa pantasya; Nagsasaing, nagluluto, naglalaba, namamlantsa,

LAKANDIWA Mababagsik ang katagang kapwa nila binitiwan Gayong nasa unang yugto pa lamang ng paglalaban Si Gonie ang muli ngayong papagitna sa tanghalan Kaya ang akin pong hiling: Palakpakan Natin, Bayan!

GONIE MEJIA (Ika-2 Tindig) Ligaya kong tinatanaw ang sinta ay pagsilbihan Ang gawin ang nararapat ay isa kong katungkulan Ngunit di ko magagawang hangarin ang kayamanan Ng babaeng hindi tibok ng puso kong iisa lang! Napilitan man ang dilag sa akin ay magpakasal Dahil ako ay lalaki, handa akong mapulaan; Sa pagbigkas ng "Yes, I do" ni Rafael don sa altar, Baka naman sa likod po nakaamba ang

balaraw. Ang pagpatol ng lalaki sa babaeng hindi gusto Masakit man pong tanggapin, dalawa ang tinutungo Isa dito ay ang yaman ng babaeng sumusuyo, Ikalawa'y kasikatan, makilala sa publiko! Dahil ako ay naglingkod sa maganda kong asawa, Sa pagpanaw ko ay tiyak, sa langit ang aking punta; Kung si Raffy hahanapin at doon ay di makita Pagkat iba ang hinangad, t'yak nandoon sa kabila! Si Gonie po'y aminado, pinilit lang ang babae Na pakasal kahit ito sa kanya ay diringdiri; Palibhasa, ang hangad lang ay ligayang pansarili, Wala siyang pakundangan kung may kapwang naaapi! Kaya nga ang katalo ko'y hindi dapat kasiguro Na pagpanaw sa daigdig, sa langit ang kanyang tungo; Ako itong matulungin, mapagbigay, pasensyoso Kung asawa'y liligaya, maligaya na rin ako. Nagpakasal man kay Gonie ang babaeng sinasamba May halaga naman kaya ang sumpaan nilang dalwa? Ang babae, pag nagtaksil, pagkat mahal niya'y iba, Sino'ng dapat na sisihin? Kayo, Bayan, ang humusga!

LAKANDIWA Bawat tugong binitiwan ni Gonie ay tila sibat Matulis at wari bagang pag tumama'y todas agad Tingnan natin si Rafael kung mahusay sa pagsalag Palakpakan natin upang mas ganahan sa pagbigkas!

LAKANDIWA Lumalaon, umiigting pang lalo ang patutsada Ng dalawang walang balak padaig sa isa't isa. Sa ikatlong paghaharap, hahayaan ko na sila Hahayaan ko rin kayong pumalakpak kung pwede pa.

RAFAEL PULMANO (Ika-2 Tindig) Masaya raw si Gonie po na ang sinta'y paglingkuran Ngunit ano'ng silbi nito kung sinta ay nasusuklam? Ang hayop nga, pakanin mo't pag di gusto, umaangal, Di lalo pa tayong taong ang puso ay di laruan!

GONIE MEJIA (Ika-3 Tindig)

Sa pinilit na babae, alay ko ay karangyaan At matapat na pag-ibig, abot hanggang kalangitan Si Rafael na pinikot, tinakot at tinutukan Anong uring pag-ibig ang idudulog kay Bakekang? Ang giliw ko'y hinding-hindi sa akin ay magtataksil Pagkat sa aming tahanan, reyna ko syang ituturing Di gaya ng katalo ko, sa bahay ay kukulungin Ng asawang maskulado, mataray at mukhang boxer! Maganda at seksing-seksi, mayumi at matalino Ang babae kong pinili sabihin mang ginapang ko Di katulad ng kay Raffy na ang mukha'y kunsimido Ang katawa'y korteng lumpya, sa gabi ay parang multo!

Sa tutoo, si Gonie po ang pangit at walang iba Kasi, kung sya'y pogi sana, bakit kaylangang mangreyp pa? Kung ako man ay napikot, hindi dapat magparunggit Ang mabunying kabalagtas na saksakan nga ng pangit Palibhasa'y konti lamang kaming mga makikisig Hindi natin masisisi kung chicks na ang namimingwit!

GONIE MEJIA Malinaw ang aming paksa, si Raffy ang pipiliin Ang sa kanya'y nagmamahal kahit ito'y mukhang tikling Dahil ako ay may layang tibok ng puso ay sundin Sa magandang iibigin, ang pansin ko'y ibabaling. Makisig man ang binata, kung may isip na makitid Tiyak din pong magagapi ng mautak kahit pangit Balagtasa'y paligsahan, pingkian po ng matuwid Sa malinaw na salita, ako'y di pa lumilihis!

RAFAEL PULMANO (Ika-3 Tindig) Dalisay ba ang pag-ibig kung may halong pag-iimbot? Yuyurakan ba ang puri para lamang mapasagot? Paano nya masasabing langit anya'y ihahandog Gayong langit na nga itong ninakaw nya at dinurog! Lubha yatang nagigipit ang katalong lumihis na Sa paksa po ng usapang napapunta sa itsura

RAFAEL PULMANO Si Gonie raw ay may layang tibok ng puso ay sundin Babae ba'y walang laya't karapatang pumili rin? Kung sa mula't mula pa lang,

winalanghya na ang giliw, Paano nya tuturuan ng paggalang yaong supling? Panlabas na kapangitan ay hindi ko kinukutya Kapag ugali ay pangit, yan ang dapat ikahiya Ang pag-ibig ng dalaga'y hinihingi nang may tyaga Pag kinuhang sapilitan, may lason ang kanyang dagta!

RAFAEL PULMANO Pangdispley at hindi kabyak ang kaylangan lamang pala, Bakit hindi na lang siya bumayad at umarkila?

GONIE MEJIA Sa pumili ay ligaya, ang pinikot ay magdusa!

GONIE MEJIA Kasi, pangit ang panlabas na anyo ng kanyang giliw, Kaya biglaang binawi ng pinikot na balimbing; Sa dalawa bang lalaking nakaharap sa pagkain, Ang sumandok ba ng panis ang pinalad sa pagtikim? RAFAEL PULMANO Importante'y mahalaga: Mahal ako ng asawa!

GONIE MEJIA Sadya nga bang mahal mo sya?

RAFAEL PULMANO RAFAEL PULMANO Maliwanag ang motibo ng katalong walang budhi Sarili ang iniibig at di mutyang inaglahi Ang masarap na pagkain, kahit di nya pag-aari, Nanakawing pilit dahil ugali nya'y makahari! Ba't nga ba sya sukang-suka?

LAKANDIWA (Pangwakas) Dito natin puputulin ang singhalan ng dalawa At sa madla ibabaling ang tanong na "Sino nga ba Ang marapat pakasalan: Yung mahal mo, o mahal ka?" Kayo na po ang humatol... Good-bye! Sweet Dreams! Sayoonara!

GONIE MEJIA Taas-noo ako kapag kaakbay ang aking sinta Ang pinikot, nahihiya, nanlulumo at tulala!

PAKIKIALAM SA PAG_IBIG NG ANAK


LAKANDIWA (Pagbubukas) Magandang unang Lunes po ng Marso sa inyo, Bayan At sa mga inaantok, "Hoy, gising!" ang panawagan Narito po kaming muli upang kayo ay handugan Ng inyo pong paboritong nagbabagang Balagtasan. RAFAEL A. PULMANO po ang lingkod n'yong bumabanat Magiliw na nagpupugay, bumabating walang puknat Dito'y ako'ng tagahahatol, Lakandiwa po ang tawag, Mabait na Lakandiwa, ang matalo'y bitay agad. Ang magulang ba ay dapat o di dapat makialam Sa pagpili nitong anak ng nais na mapusuan? Sa pag-ibig, ang supling ba'y matwid na panghimasukan? Iyan po ang paksa ngayon nitong ating paglalaban. Kahit na may kabigatan ang napili nating paksa, Mabibigat din po naman ang makatang magbabangga Mga Reyna at Hari po sa larangan ng pagtula Palakpakan sila habang lumalapit papagitna! DAPAT (Pagpapakilala) Maaliwalas ang langit sa gabi ay nakatunghay Wari bagang umaayon sa ihahayag kong patunay Na dapat lang makialam sa anak po

ang magulang Sa pagpili ng kasuyong itatangi habang buhay. Sa akin pong katunggali na kutis ay takipsilim Ang sarili ay ihanda at isip ay patalimin ELVIE ESPIRITU po, nagpupugay, buong giliw Sa lahat ng kababayang katulad ko ang hangarin. HINDI DAPAT (Pagpapakilala) Matayog na pangarapin kalimita'y di matupad Katulad ay lakbay-diwang sarili'y di umaangat Diyan ko po ihahambing itong kahidwa kong dilag Nananaginip pong gising, mata nama'y mga dilat. Ama akong nagmamahal sa kaloob na mga anak Ang sila'y panghimasukan sa kakatuwangin ay di dapat GONIE MEJIA po ang lingkod nyong taga-Tarlac Sa tanan ay nagpupugay, buong tuwa at ng galak. LAKANDIWA Mukhang handang-handa na po ang makatang paraluman Ang makatang taga-Tarlac, tila gayon din po naman Unang tindig, si Elvie po ang sya munang pagbibigyan Upang lalong ganahan po'y ihatid ng palakpakan! DAPAT (Unang Tindig) Kahulilip ay ligayang hindi kayang mapantayan

Ang nadama nitong ina nang ang anak ay isilang Ang sanggol ay inaruga ng malingap na kandungan Ng magulang na nagsilbing sa bukas nya'y mga tanglaw. Mga taon pang napigtal sa tangkay nitong panahon Sa wastong gulang sumapit ang anak na tinutukoy Pag-ibig sa itatangi nang sa puso ay sumibol Karapatan nitong anak ang damdamin ay matugon. Tungkulin ng magulang ay pangalagaan ang anak Iwasto sa kalagayan, sa di tama ipangilag Ang higit na karanasan sa kanila ay di hamak Mas pa nilang nababatid sa anak ang nararapat. Kung sumapit sa panahong anak ay mag-aasawa Pakialam ba ng magulang, itatanggi, itatatwa? Malasakit nga ba nila'y ipagwawalangbahala? Ang sa aki'y pagtatanong, dulutan po ng unawa. At ngayon sa katunggaling kahidwa ko at kabangay Sa panig pong tinutugon ay huwag nawang malimutan Hangga't anak ay sakop pa sa kandili ng magulang Sila pa rin ay may layang sa anak ay umantabay. LAKANDIWA Maliwanag na nagsaysay ng katwiran ang makata Na dalaga pa pong tunay, maganda at batambata,

Ang kalaban nya po namang binat-na ang syang tutudla Palakpakan din po't dinggin, tingnan kung may binatbat nga! HINDI DAPAT (Unang Tindig) Maganda ang kahidwa ko, ang pangit lang ay ang matuwid Pati pintig ng puso ng anak yata'y ginigipit Kung sa wastong gulang na din yaong anak pag sumapit Desisyon nyang pangsarili, di dapat nang ipagkait. Wika din niya kung ang anak ay umibig at gumiliw Sa kanya ang karapatang damdamin ay pairalin Ngayon nama'y nakikialam, hangad niya'y nais sundin Hindi kaya kahulugang ang dilag po ay balimbing? Kapag puso ay umibig, magmahal ay natutunan Paraan ay magagawa lalo na nga't hahadlangan Malimit ngang nagaganap, kapag magulang nakialam Anak ay napipilitang sa kasintaha'y magtanan. Masasabing malasakit, magulang pag nanghimasok Katumbas nama'y pagluha sa anak ang idudulot Kasawiang tataglayin, pag lumabis ay himutok Sa di mainam hahantong ang anak sa pagkalungkot. Di po lubos maunawa ng makatang paraluman Kung gaanong hapdi sa anak ang kabiguan Tayo'y mga nagdaan na sa ganiyang kalagayan

Hanggang ngayon siya'y bulag pa sa isang katotohanan. LAKANDIWA

ibahagi Na paris ng kahidwa kong iniinda ay sarili. HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)

Para lalong magkaigi ang dalawang nagtatalo Hahayaan ko na silang magbaknatan hangga't gusto Kayo namang nakikinig sa istudyo at sa radyo Ipabaon sa kanila'y palakpakang todong-todo! DAPAT (Ikalawang Tindig) Pag-ibig ang siyang bulag, hindi yaring pang-intindi Taliwas po ang pasaring ng mahanging katunggali Hindi ba't ang kabataan, kahit anak mong sarili, Mapupusok sa pag-ibig, sa pagpili'y namamali? Kapintasan bang masabing ang anak ay maturuan Sa nababagay na kasuyong kakasamahin sa buhay? Di ikaw ang masusunod, kahit ikaw'y nakialam, Mahalaga'y pagpapayo na nagmula sa magulang. Mas mahapding madarama lalo't anak mo'y babae Napakasal halimbawa sa tampalasang salbahe Sa altar kung ibinuklod, habang buhay magsisisi Dahila'y di nakialam ang magulang sa pagpili. Huwag naman pong itutulot kung iyan ay mangyayari Sino bang dapat buntunan kundi yaong di nagsilbi? Pabaya sa katungkulang marapat na

Hilong talilong na yata ang dilag kong kabanggaan Ang bunga sa pakikialam ay kanyang nakaligtaan Anak, kung ipinagkasundo sa hindi napupusuan, Hantungan nitong malimit ay di ba paghihiwalay? Pag sinabing nakikialam ang magulang po sa anak Kanilang pinipintuhong balak nila ang matupad Ang sustansiya ng hidwaan, nais po yatang isadlak Nitong aking katunggali, sa paglihis, pangingilag. Pag-ibig ay kawikaang labis makapangyarihan Ang lahat ay hahamakin maging pati kamatayan Kapag puso ang nag-utos sa anak at hinadlangan Kundi sa hukay babagsak ay do'n sa Mental Hospital. Bakit ko pa nanaising ang ganito ay maganap Kung sa aking pakikialam, ang anak ay mapahamak? Di ko panghihimasukan, sino man ang ililiyag Sa halip ang bendisyon ko sa kanila'y igagawad. DAPAT (Ikatlong Tindig) Kagaya ng nasabi kong karapatan ng magulang Sa anak magmalasakit pagkat dugo nila't laman

Halimbawang ang anak mo may asawa ang napusuan Anong uring magulang ka kung ito'y di tututulan? Sa harap ng kapintasang nakadilat, nagbabanta Ang magsawalang-kibo ka hindi ba pagpapabaya? Kung di kabagay ng anak sa pagsinta ang ninanasa Ikaw din ba ay aayon at sa iyo'y balewala? Balakid ngang sasambitin pag nakialam ang magulang Ngunit dapat na mangyari pagkat isang pagmamahal Kahit sabihin pa nating anak sa aki'y masuklam Kung akin siyang napanuto, ina akong nagtagumpay. HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)

Kung karapatan sa pag-ibig ng bunso ay winawasak? DAPAT Maganda ang halimbawa ng makatang kahidwaan Ngunit ang tema ng paksa'y di maunawang lubusan Ang pakialam ng magulang sa anak ay nakabatay Kung sa kanyang kakatuwangin ay may punang kapintasan. Katulad din halimbawa ng sa anak lumiligaw Lasenggo at butangero, sugarol po at batugan Ang anak ba'y hahayaang sa ganyan mapasakamay Kapag ito'y napangyari, magulang ang masasaktan. HINDI DAPAT

Tagumpay sa kabiguan, pagwawaging kasawian Sa pagluha nakakalong ang umapi at nasaktan Sa malinaw na salita, bahid po ng katuturan Nakialam at pinakialaman, lungkot ang kalulugmukan. Katulad sa isang anak na dalaga't ubod ganda Sa mayamang manliligaw, isinabwat nitong ina Sa takdang araw ng kasal, sa halip na pagsasaya Ang ina ay tumatangis, masakit na nagluluksa. Halimbawa ko po lamang itong aking inihayag Bagaman may pangyayari na dito ay natutulad Nasaan ang pagmamahal ng magulang po sa anak

Muli akong sinapawan kaya ako'y di maka-draw Katunggali'y lumiliko, mahirap ang makapusoy Bakit ba kung nagigipit, kahidwa ko'y lumiligoy Sala sa init at lamig kung baga po sa panahon. Ngunit po sa isang dako ay hindi niya nababatid Mas liligaya ang anak sa kaniyang nilalangit Batugan at lasenggo man, kahit kapintasa'y labis Kung tibok ng kanyang puso, magulang ay huwag magkait. DAPAT Ako lang ay nagtataka sa pasaring ng kalaban

Ang pangarap ba sa anak, isadlak sa kamalian? Ang gawang pangungunsinti sa anak po kalimitan Ang bunga ay di maganda, tuturingang walang inam. HINDI DAPAT Pangungunsinti nga kayang unawain yaong anak Kung siya'y di pakialaman sa pipiliing kapilas? Kung ako'y manghihimasok ay akin pong natitiyak Ako'y kanyang sisisihin sakaling siya'y di pinalad. DAPAT Pagmamahal po sa anak kung magulang ay makialam Sa pagpili ng kasuyong sa buhay niya'y makakatuwang. HINDI DAPAT Sasabihing ako po ay malupit na isang ama Kung sa anak makikialam sa pagpili ng asawa. DAPAT Kapag hindi ka nakialam ay wala kang malasakit! HINDI DAPAT Ama akong makatuwiran, di gaya mong mapagkait! DAPAT

Pagkakait ba sa anak kung siya ay iwawasto? HINDI DAPAT Kapag ikaw ba'y nakialam, may bukas siyang mapipiho? DAPAT Tiyakan at sigurado! HINDI DAPAT Hindi sa paniwala ko! LAKANDIWA (Paghatol) Puputulin ko na ngayon ang pagdada ninyong dal'wa Magsipirmis muna kayo't ako naman ang poporma Kababayan, kung sakaling kayo po ay naandyan pa, Pwede po bang makahiling ng palakpak na sagana? Kung umibig ba ang anak at ang puso ay tumibok Ang magulang ba ay dapat o di dapat manghimasok? Dapat raw po, ani Elvie; Di dapat, kay Gonie'ng sagot Ano naman ang "say" ninyo kung kayo ang masusunod? Minsan pag nanghimasok ka, nagrerebelde ang anak Kapag di ka nakialam, baka naman mapahamak Kung kailan nababagay ang maghigpit o magluwag, Yan ang hamon sa magulang na dati ring naging anak. Kung paseksihan ang laban, si Elvie

po'y panalo na Subalit kung papogihan, kay Gonie po, siya'y tumba... Kayo na po, Kababayan, ang bahalang sumintensya, Pagpalain tayong lahat ng Dakilang Diyos Ama!

http://ofw-bagongbayani.com/bpakialam_anak.html

You might also like